Bite For Once

By MMSoledad

4.7K 433 281

Alam ni Amara Lambino na ang kakahuyan malapit sa kanyang bagong tahanan ay hindi ligtas. Nakita niya ang mga... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43 - Huli

Kabanata 18

62 8 3
By MMSoledad

The principal's office door clicked shut behind me, at napabalik ako sa kasalukuyan. Nagpabalik-balik ng lakad si Mr. Tawili sa silid at tumayo sa likod ng kanyang mesa.

Pumwesto ang tatay ko na nakaharang sa nakasarang pinto. Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin, kaya umupo na lang ako sa isa sa matigas na "estudyanteng pasaway" na upuan ni Mr. Tawili.

"Ms. Lambino,” panimula ng prinsipal, “hayaan ko munang sabihin sa iyo kung gaano ko ikinalulungkot na marinig ang tungkol sa iyong aksidente kamakailan.”

“Salamat.” Medyo ikinalulungkot ko na naaksidente ako, ngunit nagawa kong pigilan ang komentong iyon. Sana na-appreciate ni dad ang pagpigil ko.

Ang ulo ni Mr. Tawili ay napabaling sa kaliwa. "Papunta ka sa ginanap na party sa bahay nina Baron Paras noong gabing iyon, tama?"

Hindi ba obvious?

“Nalaman namin kamakailan,” patuloy ni Mr. Tawili. “na ang isa pa sa aming mga estudyante, isang freshman na nagngangalang Daisy Aleman, ay dumalo sa party na iyon.”

"Hindi ko po siya kilala."

Gumawa siya ng parang mahinang ugong, pagkatapos ay nagpahayag siya na, "Hindi na umuwi si Daisy."

Napalunok ako at ibinalik ang tingin kay Dad. Nagtagis ang kanyang mga bagang, ngunit habang pinapanood ko, huminga siya ng malalim at sinabing, “Nasa Antipolo ang mommy at daddy ni Daisy noong weekend. Hindi man lang nila namalayan na nawawala si Daisy, hanggang sa nakabalik sila kagabi."

Ang unang dalawampu't apat na oras ay mahalaga. Sinabi sa akin iyon ni Dad. Iyon ang dahilan kung bakit pinahanap niya sa'kin noon si Katelyn sa lalong madaling panahon matapos siyang mawala. Ngunit itong babaeng si Daisy...matagal na siyang nawawala ngayon.

"Dalawa sa kanyang mga kaibigan ang nakumpirma na siya ay nasa party." Ngayon ay muling nagsasalita si Mr. Tawili. "Sa tingin namin ay tumakas siya nang dumating ang mga pulis. Nangako siya sa kanyang mga magulang na mananatili siya sa bahay sa buong katapusan ng linggo."

Siguro tumakas siya sa party nang marinig niya ang tunog ng mga sirena dahil ayaw niyang mabuko.

"Nakatira lang naman siya malapit sa bahay ng mga Paras," sabi ng aking ama. "Kaya marahil ay inaasahan niya ang isang mabilis na paglalakad sa kakahuyan patungo sa kanyang lugar."

"Ngunit sa palagay namin ay nawala siya." Mr. Tawili leaned forward habang sinasabi niya ang salitang ito.

Nawala.

"Mayroon akong mga team na naghahanap sa kanya ngayon." Tumango ang tatay ko. "Dinala nila ang mga aso, at sinusubukan nilang mahuli ang kanyang amoy."

"Maganda ang panahon sa gabing iyon," dagdag na sabi ni Mr. Tawili, "kaya walang dahilan upang maghinala tayo ng anumang uri ng foul play na mangyari kay Daisy."

Hindi ako masyadong sigurado. “May mga lobo doon, Mr. Tawili. Sinubukan akong salakayin ng isang lobo noong gabi ng aksidente."

Medyo namutla ang balat ng punong-guro. Napatingin ako sa tatay ko. "Anong gusto mong gawin ko?"

Iniwas niya ang tingin sa principal. "Kailangan kong makausap ang aking anak na mag-isa ngayon, Jose."

"Pero, ako—"

"Mag-isa lang."

Nagmamadali ng lumabas si Mr. Tawili sa opisina niya.

Nang makaalis na siya, may hinugot si Dad mula sa bulsa niya. Inilabas niya ang isang larawan.

Kailangan ko ang tulong mo, baby.

Lumabo tuloy ang nakaraan ko at ang kasalukuyan.

“Sinabi ko kay Mr. Tawili na gusto kong tanungin ka at ang ilan sa iba pang mga bata na nasa party na iyon—para malaman ko kung naaalala mo pa ang pag-alis ni Daisy sa bahay ni Baron.”

Pero nagsisinungaling siya. Si Dad ay magaling magsinungaling.

Inabot niya sa akin ang picture at sinabi ang magic words na alam niyang makakapag-unlock ng susi sa isip ko. "Ito si Daisy Aleman, at nawala siya."

Ito ay iba para sa akin sa bawat oras. Ang mga bagay na nakikita ko...maaari nila akong takutin. Nang makita ko ang mga larawan ng mga hiker na iyon, agad kong nasilayan ang kanilang mga buto. Kasama si Katelyn, nakita ko ang gusali kung saan siya itinago, at ang mukha ng lalaking nasa harap niya, ang lalaking may duguang kutsilyo.

Pero kay Daisy, puro puno lang ang nakita ko. Malaki, berdeng mga tuktok ng puno.

"Dalhin mo ako sa kakahuyan," sabi ko sa aking ama. "At ihahatid kita sa kanya." Dahil kapag nasa labas na ako, parang magnet na hinihila ako papunta sa kinaroroonan niya.

“Buhay pa ba siya?” Deretsong tanong niya sa akin.

Gusto ko siyang bigyan ng pag-asa. Pero hindi ko kaya. “Hindi ko alam.”

Tumango siya, saka niya hinawakan ang kamay ko at hinila ako patayo. Binuksan niya ang pinto, at bumungad sa amin si Mr. Tawili na malapit sa entrance. "Nakita mo ba—"

"Sa palagay ng aking anak ay natatandaan niyang nakakita siya ng ilang mga lumang daanan sa kakahuyan nang maglakad siya patungo sa bahay ni Baron. Magda-drive tayo at tuklasin natin ang lugar na iyon."

"Ngunit tiyak na ang mga ranger ay maaaring—"

"Gusto kong tumulong," sabi ko, alam kong kailangan kong mag-ingat. Hindi sana hihilingin sa akin ni Itay na gawin ito kung hindi niya ako kailangan. Ako ang huling pag-asa niya, at alam ko iyon. "Alam ko kung ano ang pakiramdam na nasa kagubatan na iyon, at gusto ko lang tumulong."

At ano ang gagawin ni Mr. Tawili? Tanggihan ang isang dalagitang babae na may luha sa kanyang mga mata? Dahil kahit konti ang luha ko. Ang tatay kong pulis, ay nakatayo sa tabi ko.

Matalino si Mr. Tawili. Kaya pasimple siyang umatras.

Nakita ko ang iba pang mga estudyante sa opisina niya no'n. Si Jenia. Si Trent. Isang pares ng mga babae na hindi ko kilala. Lahat siguro sila ay naghihintay ng kanilang pagkakataon na makipag-usap sa punong-guro—at sabihin kung ano ang alam nila tungkol sa mga huling sandali ni Daisy sa party.

Tumango ang tatay ko sa punong-guro at inakay ako palabas. Tinamaan ako ng sikat ng araw, mainit at maliwanag, ngunit hindi nagsasalita si Itay hanggang sa nasa loob kami ng kanyang sasakyan.

Parehong eksena...ibang lugar.

"Sigurado ka bang handa ka na para dito?"

"Mahahanap ko siya, Dad." Mas mabilis kaysa sa alinmang mga rangers o aso o…kahit ano.

"Salamat."

"Huwag mo muna akong pasalamatan." This time, it could not end the same way.

It could not.

Sa huling pagkakataon na nakahanap ako ng nawawalang babae para sa tatay ko... sumigaw ako at sumigaw hanggang sa masira ang boses ko—at napatay ng tatay ko ang lalaking nakatayo sa ibabaw ng katawan ni Katelyn Cabral.

-----

Gumawa ang tatay ko ng base camp sa bahay ng mga Aleman. Naging abala siya. May mga boluntaryo na sa paligid, at nakikita ko ang mga aso—mga tagasubaybay. Nakita ko rin ang isang babae, umiiyak, habang hawak niya ang isang litrato sa kanyang mga kamay.

Siguro siya ang mommy ni Daisy.

"Stay with me," mahinang utos ng tatay ko. "Malapit na itong matapos."

Bumaba ako ng sasakyan. Sinubukan kong huwag makipag-eye contact sa kahit sinuman. Gusto kong kalimutan nila ako sa lalong madaling panahon.

“Amara?”

Tila, hindi yata ako makakalimutan ng ganun.

Tumingala ako at nakita ko si Ralf na tumatakbo papunta sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot ang noo niyang tanong.

Pumunta si Dad sa harapan ko. "Nandito si Amara para tumulong sa paghahanap, katulad mo, hijo."

Tutulong din sa paghahanap si Ralf?

Pagkatapos ay nakita ko ang isa pang lalaki na naglalakad sa likuran ni Ralf, isang mas matandang lalaki, ngunit may parehong maningning at kumikinang na mga mata ni Ralf.

"Ang ama ni Ralf, si Carlos Mendez, ay isa sa mga forest rangers na nagpapatrolya sa bahaging ito ng bundok," sabi ng aking ama. "At si Ralf—"

"Kabisado niya ang kagubatan tulad ng likod ng kanyang kamay," sabi ng ranger, na tumango nang mahigpit. "Gusto ko siyang kasama sa search team." Pero nakakunot ang noo nung lalaki. "Mawalang-galang, miss..."

Uh, oh. Kadalasan kapag sinabi iyon ng mga tao, darating ang kawalang-galang.

"Ngunit hindi ka mula sa paligid ng mga bahaging ito," matigas na wika ni Mr. Carlos Mendez. "Hindi ko talaga makita kung anong tulong ang ibibigay mo."

"Baka magulat po kayo," mahinang sabi ko.

Tumaas ang isang maitim niyang kilay. “Siguro.” Sumenyas siya sa likod ng bahay. "Pinananatili namin ang pokus sa pagitan ng bahay ng mga Paras at ng lupain ng mga Aleman. Kapag na-clear na namin ang track na iyon, magsisimula na kaming mag-branch out."

Kaya nilang gawin iyon. Maaari silang maghanap sa lahat ng gusto nila sa pagitan ng dalawang pag-aari, ngunit ang paghahanap na iyon ay magiging isang kabuuang pag-aaksaya ng oras. Wala roon si Daisy. Ang hatak na naramdaman ko ay humahantong sa akin sa kabaligtarang direksyon. Hindi sa pagitan ng mga bahay nina Daisy at Baron, kundi patungo sa makapal na linya ng mga puno sa kabilang panig ng bahay nina Daisy.

“Good work, Carlos,” sabi ng tatay ko, at alam kong iyon ang hudyat niya para makabalik si Mang Carlos sa magandang gawaing iyon.

Tumango si Mang Carlos at umatras. "Ralf, tumulong ka sa mga team."

Napaatras si Ralf, pero nasa akin ang mga mata niya.

Naghintay ako hanggang sa makalayo sila kaya hindi ko akalaing maririnig nila ako, pagkatapos ay lumapit ako sa aking ama at sinabing, "Hinding-hindi nila makikita doon si Daisy." Tinuro ko ang kakahuyan sa tabi ng driveway ng mga Aleman. "Nasa kabila siya."

"Ano?" Tahimik lang ang boses ng tatay ko, pero umiling ang ulo niya.

At dahil pinagmamasdan ko siya sa gilid ng mata ko, nakita kong umikot din ang ulo ni Ralf. Agad na bumaling ang tingin niya sa akin.

Narinig niya ako?

Mahigit twenty feet ang layo ko sa kanya. Halos hindi ako makahinga sa mga salita, ngunit alam kong narinig niya ako. Tulad ng alam kong napakalakas at napakabilis ni Ralf. Tulad ng alam kong hindi lang ako ang naiiba sa bayang ito.

Hindi dito sa Habagat. Nagsisimula na akong magtaka kung iba ang karaniwan sa bayang ito.

Isang mariing tango ang ibinigay ng aking ama. Walang pagtatanong. Walang duda. “Tara na.”

Gumapang ang graba sa ilalim ng aking mga paa. Mabagal at madali kaming naglakad hanggang sa matabunan na kami ng kakahuyan, then once the eyes were off us, sabi ng tatay ko, “Don't go in all the way, Amara, okay? Gaya ng ginawa mo no'ng huling…”

Last time I'd been so locked on the girl that I'd traced right into the building, hindi ko nakita ang panganib no'n. Inutusan ako ng aking ama na manatili sa kotse. Tumawag siya para sa backup. Pero...

Tinatawag ako ni Katelyn.

Dinilaan ko ang aking mga labi at naalala ko ang lasa ng dugo. “Ayoko, Dad. Babawi ako.” Umaasa akong papayagan ako ni Dad.

Maingat akong sumulong sa una. Pakiramdam ko ay may nakatali sa bewang ko, at may humihila sa akin ng mas malalim papasok sa kakahuyan na iyon. Habang naglalakad ako, mas bumibilis ang mga hakbang ko. Mas mabilis. Tumalon ako sa mga nahulog na troso, nagpaikot-ikot sa mga puno.

Nawala si Daisy sa kaligtasan ng kanyang bahay nang pumunta siya sa kakahuyan. Malayong-malayo sa bahay niya.

Dito siya lumaki. She should’ve know better but—

But Daisy was lost. As in nawawala siya.

Tumakbo ako ngayon at ang aking tagiliran ay humapdi na at ang aking malamig na hininga ay bumubulusok mula sa aking mga baga. Malapit na ako...at mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko, mas lalo kasing bumigat ang hatak sa loob ko. Hindi na malayo ngayon si Daisy sa kinaroroonan ko.

"Bumalik na tayo!" Sigaw ng tatay ko habang hawak niya ang braso ko.

Napahinto ako. I'd done it again. Gone in too far, gotten hooked on the one who was lost.

Humigpit ang hawak ng tatay ko, at bahagya niya akong niyugyog. "Baby, may naaamoy ka ba?"

Tapos yung amoy tumama sakin. Mabigat, makapal, nabubulok. Tinakpan ko ang bibig ko kahit nanlaki ang mga mata ko sa nakakakilabot na pag-unawa. Alam ko ang amoy na iyon. Dalawang beses na akong nakaamoy ng bangkay noon.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

214K 6.2K 33
Maraming beses nang nabigo sa pag-ibig si Rogin. Kaya't nang lokohin ng huling naging kasintahan ay pinagtangkaan niyang kitilin ang sariling buhay...
4.8K 208 38
Can you be a Virtual Wife of a Brat and Childish guy with a multibillion money? Can you survive with his prankster attitude? And can you survive with...
96.5K 1.8K 27
Billionaire Series #1 He's a billionaire She's a commoner He's famous She's nothing He was called Devil She was called Angel Let's see what will ha...
1.8M 52.9K 56
Isang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan par...