"Teka, anong nangyari sa braso mo?" tanong sakin ni Milo. Ano yun? Naga-alala ba siya??
"Paki mo ba." At dahil malakas ako, hintak ko pabukas yung pinto ng van... dahilan para masiko ko yung tiyan niya. Half of me liked what I did. But the other, felt guilty. Hindi ko maintindihan yung sarili ko kaya tinulak ko siya pababa, luckily, hindi siya weak kaya nakatayo siya agad. Nang makatayo na siya ng tuluyan, lumabas na ako at naglakad papunta sa Cafeteria. I need water.
Tumingin ako sa relo. Sht. 6:40pm na. Sarado na yung Cafeteria. Umikot ako at laking gulat ko nang makitang nakabuntot sa akin si Milo.
"Ano bang kailangan mo?" iritable kong tanong sa kanya.
"Ano bang nangyari sayo?" tanong naman niya sa akin ng may halong... concern? UGH. Is he kidding me??
"Kung makaasta ka parang mas matanda ka pa sakin ah." Nababanas na sagot ko sa kanya.
"Sagutin mo nalang ang tanong ko." Pagpupumilit niya."
Binigyan ko lang siya ng isang blankong tingin. Umikot na ako umalis. Malayo-layo na ako ng may narinig akong hindi ko inaasahan.
"Hindi mo talaga ako naaalala 'no?" Huh?
Lumingon ako pero pagtingin ko, wala na siya doon sa kinatatayuan niya kanina. Woah. Saan galling yun?
Napakunot ako ng noo at nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dapat medyo magaan na ang pakiramdam ko kasi wala na kaming training; tapos na yung competition pero, bakit parang may mabigat na bagay sa kalooban ko? Parang may bato sa loob ng dibdib ko...
Lumabas na ako ng school campus na nakahawak sa dibdib ko.
"Pssst." Ano yun?
Pinakinggan kong maigi yung narinig ko.
"Psssst." Huh? Kanina pa yun ah. Sumisitsit.
"Psssssst!" Medyo irritable na yung tono nung sumisitsit. Ano ba yan. Ba't kasi hindi nalang tawagin eh.
"Pssssssssssst! Hoy!" Hala? Galit na ata. Pasimple akong tumingin sa paligid ko. Walang tao. So it means na ako yung sinisitsitan... Pero, wag tayo assuming. May pangalan ako kaya hindi ako lilingon.
Patuloy lang ako sa paglalakad ng may maramdaman akong sumusunod sa akin. Tumingin ako sa paligid. Gaya ng kanina, wala masyadong tao pero may liwanag pa naman dala ng street lights.
Tumingin ako sa relo ko. Five minutes to 7pm na. Binilisan ko lakad ko, at binilisan din ng sumusunod sa akin yun. Lumiko ako sa isang eskinita at pagkalabas ko, bungad na ng subdivision namin. Naglakad ako ng onti malapit doon sa bukana at bumili sa bangketa ng pangkamot sa likod.
Pumasok na ako sa subdivision namin at naglakad pa. Maya-maya, naramdaman ko na naman ang presensya ng nilalang na sumusunod sa akin.
Malapit na ako sa convenience store... pero nilagpasan ko lang iyon. Doon ako dumiretso sa pinagtaguan kong basurahan. Pumwesto ako dun sa medyo madilim na bahagi at hinawakan ng mahigpit ang pangkamot sa likod na binili ko. Inabangan ko ang pagsulpot ng sumusunod sa akin. Hindi pa nagtagal...
"Nasan na siya?"
"Biglang nawala?"
May dalawang babaeng nagu-usap at mukhang kilala ko na sila. Bakit nila ako sinusundan?
"Bakit niyo ako sinusundan?" tanong ko sabay sukbit ng pangkamot sa Jansport ko at lumabas na sa shadows :D
Äh... hehehehehe..." sabi ni Clarisse sabay siko kay Aisha.
"Uhm ano..." – Aisha na hindi mapakali
"Gusto nila tignan kung makikipagkita ka ba daw kay sino ba yun? George? Jeremy? Jose? Jerome? Jasper?"
"Joseph." =___= sabi ko
"Ayun! Oo tama. Salamat ate Ariee." Sabi niya tapos nakipag-high five sa akin.
MATTY! Aga mo ah? Sabi mo next week ka pa?"
"Hindi na ako makapaghintay eh." Sabi niya sa akin with matching puppy eyes. Aww so cute. Pinisil ko yung pisngi niya at inakbayan siya. Medyo matangkad siya for his age, 9.
"Ah! Hehe ang aga nga. Sige Arianne una na kami ah." Nag-wave sila sa amin.
"Hep hep! At saan kayo pupunta? Anong akala niyo? Malulunod ako sa sitwasyon? Hali nga kayo dito!" sigaw ko.
"Tsk. Ayun na eh." – Aisha
"Dapat kasi hindi ka na nagpaalam!" – paninisi ni Clarisse.
"Nagsisisihan pa kayo! Eh narinig ko naman lahat ng pinag-usapan niyo!" sigaw ni Matthew.
"Ewan ko sayo bata. Wag kang makisali." – Aisha. Ayaw niya talaga sa bata.
Hinila ni Matthew yung braso ko na parang may gusto siya sabihin. Yumukod ako at pinakinggan siya.
"Ate Ariee I don't like the old girl. She's mean." Bulong sa akin ni Matthew. Pinat ko yung ulo niya ng dahan-dahan at bumulong sa kanya.
"Just let her be." Tapos nginitian ko siya. "Ano tapos na?"
Nagsi-imidan lang sila at tumango sa akin. "Osya, alis na tayo dito. Baka mangamoy basurahan na tayo niyan." Pangangantyaw ko.
Sakto naming paalis na kami ng biglang bumukas yung backdoor nung restaurant.
"O?!" banggit ni Joseph. Halatang gulat na gulat siya ng makita kaming lahat. "Ba't kayo nandito??" tanong niya, gulat parin.
"Wag mo nang tanungin." Sabi ni Clarisse.
"Sungit." Narinig kong bulong ni Joseph. Nilibot niya ang paningin niya sa lahat ng mga tao doon hanggang sa makarating sa akin. Nang makita niya ako, parang nagulat siya. Nagulat? Bakit naman siya magugulat?
"Arianne! Nandito ka rin pala." Sabi niya sabay hawak sa batok niya. Hinatak naman ulit ni Matthew yung braso ko dahilan para mapatingin si Joseph sa kanya. "May kasama ka pala dito..." Lumuhod siya sa harap ng bata sa tabi ko. Pinisil niya yung pisngi at hinampas naman ni Matthew yung kamay ni Joseph.
"Ah! Pinsan ko.. Matthew, si Kuya Joseph, Kuya Joseph, si Matthew." Pagi-introduce ko. Expert na ko sa mga introductions.
"Hello Matthew J" Bati ni Joseph. Sabay senyas ng high-five.
"=___=" sabi ni Matthew. HAHAHA! Nakakatawa. Nakikiramdam pa siguro siya. Tumayo na si Joseph at ginulo yung buhok ni Matthew.
"Ang cute na bata kaso deadma. Haha." Sabi niya.
"Ikaw? Ba't nandito ka?" tanong ko sa kanya.
"Ah... bukas na kasi yung restaurant." Oo nga 'no...
"O.. tapos?" sabi ni Clarisse.
"May shift ako ngayon ^^" sagot niya.
"Nagta-trabaho ka? Akala ko ba mayaman kayo?" sabi ni Aisha.
Nagkibit-balikat lang siya sabay sabing "Sina papa yun."
"Ahhhh..." Sabay na sabi nung dalawa tapos tumingin sa akin na parang 'lam-mo-na??' Binigyan ko lang sila ng 'ewan-ko-sa-inyong-dalawa' look.
"Pasok kayo. Dito na kayo kumain." Yaya ni Joseph.
Nagtinginan pa yung dalawa sabay sabing "sige ba! Basta libre." Tumawa naman yung lalaki. Kami ni Matthew; =___= Wala kami dito eh. Sumunod sila kay Joseph papasok sa back door. Kami naman ni pinsan, sunod lang. Ganyan sila eh.
Nang makapasok na kami sa loob, doon kami sa table sa may stage malapit nakapwesto. May pagka-bistro kasi yung itsura nung restaurant. Actually, bistro nga ata 'to. May bar sa gilid na puro cocktails lang yung sine-serve.
"Order lang kayo." Sabi ni Joseph sa amin. Tumango naman yung dalawa. Pagka-alis ni Joseph, kanya-kanya kaming basa sa menu. Nililibot ko palang yung mata ko sa appetizers ng hatakin ni Matthew yung braso ko.
"Ate Ariee... siya ba yung Joseph na tinutukoy nung grumpy old girl?" Haha! Grumpy old girl XD
"Oo... bakit?"
"Ate... hindi ko ma-explain pero parang mabait siya na hindi ko alam. Mabait ba talaga siya?" Oo nga 'no... Mabait ba talaga siya?
"Siguro..." sabi ko sa kanya. "Pumili ka na." Tumango naman siya.
Makalipas ang isang oras, tapos na kami kumain. Pasta ang kinain namin ni pinsan. Yung dalawa, may salad, fish and chips at chicken. Ayos diba. Sulit yung libre. Binigyan din kami ng cocktails. Pero dahil may kasama akong bata, hindi ako uminom. Wala pa kaya ako sa legal age. Lagot ako sa magulang ko.
"Ayen! Tikman mo dali!! Ang sarap!" - Aisha
"Oo nga dali! Hindi naman 'to nakakalasing eh." - Clarisse
"Ahem. May bata dito." Sabi ko.
"Ok lang yan! Oy bata! Bawal ka nito!" – Aisha. Balewala naman yung sinabi ni Aisha kasi tulog na si Matthew.
"Sige na Ayen, konti lang." sabi ni Clarisse at akmang ipapainom niya talaga sa akin yun.
Hinarang ko yung kamay ko sa mukha niya. "Ayoko. Baka magka-liver cirrhosis pa ko."
Nagkibit-balikat lang sila tapos ininom yung hawak nilang cocktail.
Nilibot ko yung mata ko sa buong lugar. Maganda yung ambiance. Magaan. May bar, may tables, may counter, may cr, may kitchen, may stage... pero walang tao sa stage. Hinayaan ko nalang yun at tumingin sa pinsan kong natutulog sa lap ko. Ang cute talaga!
*insert mic static sound here* "Ahem... Sound check... sound check..." Napatingin agad ako sa stage.. May tao na. Inaayos na yung mic and everything. Isa-isa nang nagbabaan yung mga maintenance at umakyat ang isang lalaking may nakasabit na gitara sa balikat. Nakatalikod siya kaya hindi ko binigyang pansin at nag-cellphone nalang ako. Antagal naman ni Joseph. Sabi niya kanina babalik siya agad.
"Good Evening everyone." Bati niya sa mga taong nandoon. Nagsihiyawan naman sila. "Ang ganda ng liwanag ng buwan ngayon. Perfect combination sila ng stars. Tama ba?" Tanong niya. Sumagot naman yung audience niya. Mukhang kilalang kilala siya dito ah.
"Lately I've been, I've been losing sleep,
Dreamin' about the things that we could be,
But baby I've been, Ive been prayin' hard,
Said no more countin' dollars will be countin' stars,
Yeah will be counting stars...."
At nag-strum na siya. Oh? May mga kasama pala siya. Banda pala sila. Ok... akala ko maintenance hahaha XD
Hindi na ako nag-aksaya pang tumingin sa kanila kasi boses palang nung kumakanta, parang nakatingin na ako sa lead nila.
[A/N: Counting Stars po ng One Republic yung kinakanta J]
Naghihiyawan yung mga tao. Biglang umingay sa loob. Isang verse palang tapos chorus yung kinanta niya then nag-bridge agad. Habang pinapakinggang ko yung kumakanta parang may humahatak sakin para tumingin sa entablado. Sinunod ko naman yun at mukhang worth it. Nakita ko yung lead nila na nakatingin sa akin habang kumakanta. Tss. Si Joseph pala ang lead. Wow. Good for him. Kinindatan niya tapos biglang nag-iba yung kanta.
"Aren't you something to admire
'Cause your shining somthing like a mirror
And I can't help but notice
You reflect in this heart of mine."
[A/N: Mirrors by Justin Timberlake naman po yan :D] Woah.. Ayos ah... Ang galing nila. Timing na timing! Nang matapos na niya yung chorus, nag-bridge ulit. Ambilis naman.
"I can see you lookin' back at me,
Keep your eyes at me..
Baby keep your eyes on me..."
Nagbago na naman yung kanta. Medley pala yun. Ang galing naman nila at napagdugtong-dugtong nila yung kanta. Flawless! [A/N: You and Me by Lifehouse po yung sunod :))]
"'Something about you
I can't quite figure out..."
Tumitig siya sa akin. Titig as in titig. Parang may laman yung tingin at yung mga lyrics na kinakanta niya. Hindi ko maintindihan. Hindi naman ako uminom ng cocktail pero bakit ganto ang pakiramdam ko?
"Cause it's you and me
And all of the people with nothing to do
Nothing to lose..."
Yung panahon na yun... parang may nararamdaman ako.... Parang nandun na naman yung mga maliliit na bagay na kumukutkot sa dibdib ko... banda sa puso ko.
"And I don't know why
I can't keep my eyes off
Of you and me.."
Pagkakanta niya nun, parang nawala yung mga tao sa paligid. Natulala ako. As in. Hindi pa naman namin ganun ka kilala ang isa't isa pero bakit ang gaan ng kalooban ko sa kanya? Bakit ba? Hindi ko talaga alam. Sa mga oras na 'to... Parang natanga ako; dumbfounded sabi nga nila. Binitawan ko ang cellphone ko at napahawak sa dibdib ko.
"What day is it?
And in what month
This clock never seemed so alive."
Nabalik ako sa wisyo ng malakas na hiyawan ng mga tao. Tumayo ako at pumunta sa may front door. Kelangan ko ng hangin. Napatingin ako sa baba. Hindi ko maintindihan yung dibdib ko. Yung puso ko parang lalabas sa dibdib ko. Umakyat na nga ata yun sa bibig ko dahil sa lakas ng tibok nun. Huling beses na naramdam ko yun ay nung...
"Arianne?"
(TO BE CONTINUED)