Hi. I know it's been a while but I hope you will still read this. Enjoy! <3
CHAPTER 3: THE CALL
Hindi ako magkamayaw sa kakahagalpak. Kulang ang term na "tumawa" sa ginagawa ko. Sobrang nakakaloka ang kabaduyan ng lalaking ito na kanina niya pa nasabi ang punch line pero hanggang ngayon ay tumatawa pa rin ako.
"Tss. Tama na nga ang pagtawa. Kanina ka pa eh." Bakas na ang iritasyon sa boses ni Troy kaya naman napatigil ako at napalingon sa kanya. Sana nga ay di na lang ako lumingon dahil nakita ko ulit ang mukha at katawan niyang binudburan ng glitters at muling napatawa.
Nakita ko sa gilid ng mata ang pag-irap niya sa akin. Mabuti na lang at nakaupo na kami sa isang secluded na couch kaya walang makakakita kung batukan ko man siya.
Ngumuso siya sa akin matapos kong batukan. "Bella naman eh. Stop hurting me, baby."
Nangilabot ang buo kong katawan sa sinabi niya kaya itinaas ko ulit ang aking kamay para batukan siya. Pero na-anticipate niya ang pagbatok ko at mabilis niyang nahawakan ang kamay ko. Napalunok ako dahil sa biglaan niyang pagtulak sa akin pahiga sa couch at dumagan ang upper body niya sa upper body ko habang nakadiin sa couch ang kamay kong hawak niya.
Unti-unti akong napapapikit nang seryoso at dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Kung rewind ito ng first kiss ko, di ko talaga kakayanin! Masyado nang kumakabog ang puso ko sa nerbyos at feeling ko, baka mahimatay ako kung itutuloy niya ang kiss na ito. Masyado kasing intense humalik si Troy at baka di ko makayanan ang intensity ng halik niya.
Bumaba ang mukha niya at sumiksik sa leeg ko. Naramdaman ko ang malalambot niyang mga labi sa leeg ko at paakyat ito sa aking panga. Tumigil ang mga labi niya sa aking tainga at nangilabot akong lalo nang dumampi ang mga labi niya doon.
"You are my life now." Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Akala ko grabe at todo na ang pagkabog ng dibdib ko pero may ikakagrabe at ikakatodo pa pala ito.
He leaned away from me and gave me that panty dropping smile of his. I momentarily got dazzled. Napakurap-kurap ako at biglang pumasok sa isip ko na linya nga pala iyon ni Edward Cullen. Akala ko naman totoo na! Parang nanghinayang tuloy ako... Che, Mishaila!
I laughed. Even I cringed inwardly because of how plastic my laugh sounds.
Tinulak ko siya palayo sa akin at umupo ako ng maayos at medyo lumayo ng bahagya sa kanya. Naging awkward ang atmosphere at nilalaro ko na lang ang aking inumin na siya ang nag-order at nagbayad.
Hindi ko inaasahan ang paglapit at pag-akbay niya sa akin kaya medyo nagulat ako. Inilapit niya ako sa kanya at inihilig ang aking ulo sa kanyang dibdib.
Mahina lang ang kanyang boses pero kahit malakas ang tugtugin ay naririnig ko pa rin siya ng maayos.
"Alam ko puro ako kagaguhan, pero this time, seryoso na ako." Nilingon ko siya at ikinulong niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang palad. "Before I say what I have to say, promise me first na 'yes' lang ang sasabihin mo."
Kung hindi siguro siya nakahawak sa magkabilang pisngi ko ay hindi ko mararamdaman ang panginginig at pagiging nerbyos niya.
Kumunot ang noo ko dahil sa reaksyon niya at sa hinihingi niyang pabor na 'yes' ang sabihin ko. Napaisip tuloy ako at umandar na naman ang imagination ko. Is he going to ask for my hand in marriage? O baka naman gusto niyang maging roommates with benefits kami? Shizz. Damn it, Hizon!
Ilang segundo niya akong tinitigan ng mabuti kaya napabuntong hininga na lang ako. "Okay. Promise na." Oo na, Bellisario. Kinikilig lang talaga ako kaya hindi ako makasagot ng mabilis sayo.
"Good." Bumuntong hininga din siya at nginitian ako. Hinalikan niya din muna ang tip ng ilong ko bago magsalita. "Mishaila Hizon, will you make me the luckiest bastard by being my girlfriend?"
Napatunganga ako at hindi ako makapaniwalang ito na iyon. Nangyayari na nga ang mga kinahihibangan ko. Ilang minuto pa akong hindi siya sinasagot dahil nga nagpro-process pa ang mga salita niya sa utak ko.
Napalunok siya at nanginginig ang mga labi na ngumiti sa akin. "For the record, now's the time to uphold your promise and say yes para mahalikan mo na ako. Baby, alam kong gusto mo ulit ng rewind ng kiss natin kanina kaya kung di ka pa magsasabi ng oo—"
Idinikit ko ang labi ko sa labi niya pero saglit lang. Ngunit kahit ganoon ay napatahimik ko siya. Napatunganga siya sa akin at napapikit-pikit at bumubuka ang bibig na parang may gusting sabihin pero dahil walang lumalabas ng salita ay isinasara niya din.
Tiningnan ko siya sa mga mata at humugot ng malalim na hininga.
"Yes, Troy Aries Bellisario. Yes na yes. Yes, yes, yes." Bulong ko dahil sa nakakahiya na hinalikan ko talaga siya. Ako pa talaga nag-umpisa!
Mukha rin naming nag-snap na siya sa daze niya dahil lumawak ng husto ang ngiti niya at agad akong niyakap ng ubod ng higpit.
"About time, baby." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. Sa simpleng ginawa niyang iyon ay nakuryente pa rin ang katawan ko.
Inihiwalay niya ang katawan ko sa kanya at binigyan ako ng isa na naming makalaglag panty na ngiti.
"Now, about that kiss..." He said before capturing my lips and giving me one of the sweetest kiss ever.
—-
Kami na. It's really official. My boyfriend is the hottest and most desirable guy on campus. Kami na ni Troy Aries Bellisario!! And of course, three weeks ng kami and four weeks na kaming naglolokohan, naghaharutan, naglalandian, at nagmamahalan. Ooops. Teka, ako lang pala ang nagmamahal. Lagi niya akong sinasabihan ng "I like you" but never those three words I want to hear.
"I love you" na lang ni Troy ang kulang at happily ever after na.
May narinig akong tumutunog na cellphone kaya dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa may mesa ngunit nang tignan ko ito, hindi naman ito ang tumutunog. Marahil ay kay Troy iyon. Grabe naman yun. First time niyang naiwan ang cellphone niya, ah? Siguro kasi walang babeng katext. Aba, dapat lang! Kung hindi who you siya sakin.
Naglakad ako papalapit sa kwarto ni Troy kahit na nagdadalawang isip pa rin ako kung sasagutin ko ba ang cellphone niya. Nakakahiya kasi. Baka mamaya masabihan pa akong pakialamera. Pero dahil hindi naman natapos ang pagtunog-tunog ng cellphone niya ay minabuti ko ng pasukin ang kwarto para sagutin ang tawag. Mahirap na at baka emergency pala iyon.
Pagapasok ko ng kwarto niya ay namangha at nahiya ako. Napaka-OC naman ng lalaking ito at sobrang organized at ayos ng kanyang mga gamit. Nakakahiya na ako ang babae saming dalawa pero napakaburara ko. Naalala ko na lang ang sinadya ko dito nang tumunog muli ang cellphone ni Troy.
Unknown number.
Hmm? Dapat ko bang sagutin o hayaan ko na lang? Hindi naman ako natural born pakialamera eh. Pero nang huminto ang tawag at may nag-pop up na message, nabuo ang desisyon kong sagutin ang tawag.
Unknown number:
Brad, emergency. Answer the fxcking phone.
Emergency naman pala. Agad kong sinagot nang magring ulit.
"Hello? Aries?" Lalaki ang caller. Hindi ako agad nakasagot kaya umulit siya sa pagbanggit ng "Aries".
"Ay, hello po. Pasensya na po wala si Troy dito. Girlfriend niya po ito."
Ilang saglit nanahimik ang kabilang linya at nang akala ko ay wala na siya, sumagot siya ulit. "Gago talaga kahit kailan! Sorry, miss, but can you do me a favor? Can you please tell your boyfriend to meet me in our usual place by 6pm sharp?"
Nakadinig ako ng mga tunog na parang iritable ang kausap ko pero sumang-ayon ako at ibinaba na ang phone. Naiintindihan ko naman. Emergency eh.
Mga bandang 6:15 pm na dumating si Troy dahil sa classes niya. Nang sinabi ko ang tungkol sa kanina, agad siyang kumaripas ng takbo nang walang sinasabi sa akin. Like I said, naiintindihan ko. Emergency eh.
Dahil bored at gutom ako, napagpasyahan kong kumain sa karinderya sa may kabilang kanto. Papalapit pa lang ako sa karinderya ay may namataan akong mamahaling kotse sa may kabila ng kalsada.
Naks. Kung sino man ang sakay ng kotseng yan, tiyak talaga na mayaman. Kakaunti lang naman kasi ang talagang mayaman sa lugar namin. Madalas ay puro kapos tulad ko.
Huminto ako at inabangan ang mayaman na lumabas ng kotse niya. Wala lang. Di man ako natural born pakialamera, natural born chismosa naman ako. But just what the people say, curiosity killed the cat.
Hindi ko inaasahan na si Troy ang makikita kong bababa sa passenger seat. Kasunod niyang bumaba ang isang lalaking may kaunting pagkakahawig sa kanya na bumaba mula naman sa driver's seat.
Dahil nalaman kong natural born masokista rin pala ako, lumapit ako sa kanila nang hinid nahahalata. Gusto ko lang malaman anong meron sa "emergency" na nangyari kanina.
May hawak-hawak na locket si Troy. Pinaglalaruan niya iyon at nadoon ang kanyang focus kahit na nagsasalita ang kasama niya pang lalaki.
"Brad, are you even listening to me? I said you need to go back. Now." Kunot noo ang lalaking ksama ni Troy habang nasa locket pa rin ang mga mata niya. Come to think of it, that locket seems so familiar.
"I- I'm listening, man. I just can't do it. I couldn't leaver her. I mean, I just got her..." Parang hirap na hirap si Troy sa pagbanggit ng mga salitang iyon. Hindi ko mawari bakit ako mismo ay sumisikip ang dibdib sa mga binitawang salita ni Troy.
"You are screwed, cousin. Sooner or later, she'll found out about him and she will leave you."
Him? She? Sino-sino ba ang mga tinutukoy ng pinsan ni Troy? I know marami pa akong hindi alam tungkol kay Troy pero hindi ko inaasahan na mga ganito pala ang mga iyon.
Napag-isipan kong hindi na pala ako gutom at ayaw ko nang making pa. Nagmadali akong tumakbo papunta sa may apartment namin.
Wala pang ilang minute ay narinig kong bumukas ang pinto ng apartment. Nakauwi na si Troy. Wala akong balak na labasin siya dahil hindi pa rin maproseso ng utak ko ang nangyari kanina ngunit wala na akong nagawa nang pumasok si Troy sa kwarto ko dala ang isang malaking supot ng mg apagkain at may napakalawak na ngiti. Ngumiti rin ako pabalik kahit sa loob-loob ko ay gusto kong tanungin siya ng napakadaming tanong.
Is his smile for real or is it just as fake as mine?
Buong gabi, nadama kong nagpapanggap lang si Troy na maayos ang lahat. Ang sana lang, hindi niya napansing nagpapanggap lang din ako. Nagpapanggap na hindi alam na nagpapanggap siya at nagpapanggap na masaya at ayos lang ang lahat.
All along, I thought "I love you" na lang niya ang kulang at may happily ever after na kami. But that night, narealize kong baka may possibility na wala kaming happily ever after. Baka isang napakalaking "FOR NOW" lang si Troy na maaring mawala sakin pagsapit ng kinabukasan.
========================================
Comment. Vote. <3