The Perfect Revenge

By endlesslaugh

149K 4.1K 646

Sanay na sanay na si AJ Guevarra na napapaligiran ng mga kalalakihan. At iyon ay hindi dahil sa taglay niyang... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Epilogue
Thank You!

Five

4K 125 13
By endlesslaugh

AJ

Saglit na dumampi ang labi ni Jake sa labi ko bago ko siya nasikmuraan.

Bakas sa mukha niya ang gulat at sakit ng pagtama ng kamao ko. "Why did you do that?"

"Eh ikaw? Bakit mo ginawa 'yon?"

"Sabi ko sayo, 'di ba? I'm showing you my gratitude."

"Itago mo na lang yang gratitude mo, hindi ko kailangan niyan dahil ginagawa ko lang ang trabaho ko." Naiinis ako dahil nagawa niyang samantalahin yung pagkasabik ko para gawin ang ginawa niya. Makakaiwas pa ako pero parang biglang bumagal ang pagtakbo ng isip ko nang makitang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Natauhan lang ako nang lumapat ang labi niya at nakaramdam ako na parang kinuryente ako.

Ano 'yon?

Idinaan niya ang kamay niya sa medyo basa niyang buhok at huminga nang malalim. "Okay. Sorry. What I did was a little bit rash. I was just... excited," napangiwi siya bago nagpatuloy, "because I'm going to learn a lot with you working here."

Sumasakit yung ulo ko sa dami ng English na lumalabas sa bibig niya. Hanggang "sorry" lang yung naintindihan ko. "Sandali lang, pupuntahan ko lang si Rica. Baka hindi niya kasi mahanap yung pinapakuha ko." Mukhang may silbi rin pala yung palusot ni Rica kanina.

Medyo nakalayo na ako pero narinig ko pa ang muling paghinga niya nang malalim kasunod ng isang madamdaming, "Shit."

Paglabas, nakita ko si Rica na nakaupo sa harapan ng Owner at nagte-text.

Lumingon siya nang makalapit ako. "Ba't ka namumula?"

Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. "Mainit kasi sa loob."

Tiningnan niya ako na tila hindi siya naniniwala sa sinabi ko pero buti na lang at pinalampas niya na lang ang nangyari.

❈    ❈    ❈

"Flat 'yung baterya ayon sa battery checker. Hindi naman kailangang bumili ng bago pero kailangan mo pa ring hanapin kung ano sa mga circuit ang nag-short at nagde-drain sa battery," paliwanag ko habang inaabot sa kanya ang fuse na nagsanhi ng shortage.

Hindi na inulit ni Tsekwa ang kalokohan niya pagbalik ko. Bumalik muna kasi kami ni Rica sa talyer para kuhanin ang ilan pang gamit na kailangan ko para sa kotse. Hindi na ako sinamahan ni Rica pabalik dahil pupunta na raw siya sa parlor at may kukulayan pa siyang buhok ng customer niya.

Ngayon naman heto kami at nagtuturuan pa rin. Medyo bumagal tuloy ako sa paggawa kasi ang daming tanong ng kasama ko. Dahil tuwang-tuwa naman ako't may nagkaroon ng interes sa gawain ko, ang hahaba tuloy ng eksplanasyon na sinasabi ko.

"Madilim na pala," puna ni Jake. "I did not realize I was taking too much of your time."

"Tsekwa." Mukhang hindi naman siya na-offend sa pagtawag ko sa kanya. "Pwedeng humingi ng pabor?"

"What?"

"Pwede mo bang bawasan yung pag-English kapag kinakausap ako?"

Kumunot yung noo niya. Halos magtago na tuloy yung mata niya. "Bakit?"

"Minsan kasi hindi kita naiintindihan," pag-aamin ko.

"Sorry." Nanlaki yung mata niya marahil ay dahil sa sinabi niya. "Pasensya."

Tumawa ako. "Minsan lang. Lalo na kapag dire-diretso. Nahihirapan akong mag-translate."

Kita ko sa hitsura niya na gusto niyang magtanong. Imbis ay tinulungan niya na lang akong magligpit ng mga gamit ko. Mukhang magalang pa pala siya kahit papano.

Nang matapos, kukunin ko na dapat yung bag ko pero pinigilan niya ako at isinukbit niya sa balikat niya. "Ako na."

Aagawin ko dapat uli. "Kaya ko namang magbuhat."

"Alam ko. Mabigat yung mga tools mo tsaka maghapon ka nang gumagawa. Pagpahingahin mo muna yung muscles mo." Nakita siguro niya sa mukha ko ang paghihinala kasi tumawa siya. "Don't worry. Hindi kita hahalikan uli. At least... not yet."

"Ano ba dito ang hindi mo naiintindihan?" Itinaas ko ang kamao ko.

Nagkibit-balikat siya. "I like you."

Nagpamewang ako at suminghal. "Alam mo, Tsekwa, lumingon ka na lang sa kabilang direksyon. Walang mararating 'yang like-like mo na 'yan. Hindi tayo Facebook."

Tumawa siya nang malakas. Maging siya ata nagulat sa reaksyon niya kasi tinakluban niya ang bibig niya at nagkunwaring umubo. "Dito ka na mag-dinner," aya niya nang makarating kami ng gate.

Inagaw ko na yung bag ko at ibinaba sa upuan ng Owner. "Hindi pwede. Manonood pa ako ng PBA. Baka hindi manalo yung team ko kapag hindi ko sinigawan yung TV." Tinapik ko siya sa balikat saka sumakay at pinaandar ang kotse.

Nagmamadali ako, oo. Kinakabahan pa rin kasi ako sa kanya.  

Medyo nakalayo na ako nang sumilip sa side view mirror. Nakatayo pa rin siya sa labas ng gate at nakapasok sa bulsa ng shorts ang mga kamay habang nakatingin sa direksyon ko. Hindi ko na nakikita ang mukha niya. Buti na lang. Baka kasi makumbinsi ako ng singkit niyang mga mata na manatili at makipag-usap pa sa kanya.

❈    ❈    ❈

"Puuuut—"

"Gino!" suway ni Kuya Mak na katabi ang mga anak niyang sina Allan at Sheena.

"—o naman oh! Puto talaga! Isang puntos na lang, ako na yung mananalo sa ending! Nakakainis na three points 'yan! Puto talaga!" Lumingon si Kuya Gino sa mga pamangkin namin. "Hindi ako masiyahan sa censorship. Sa labas ako maglalabas ng sama ng loob." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig at lumabas ng bahay nila saka nagsisisigaw.

Pagkalingon ko sa mga bata, nakatakip ang mga kamay ni Sheena sa tenga niya samantalang may pilyong ngiting naglalaro sa labi ni Allan. Sana lumaki ang mga bata na hindi katulad ng mga Kuya ko. Dapat magmana silang lahat sa mabait at astig na tiyahin nila. Ehem.

Bukod sa dalawa kong nakakatandang kapatid, may apat pa akong Kuya. Magkakapatid sina Kuya Mak, Kuya Jon-Jon, at Kuya Gino. Mas matanda ako kaysa kay Kuya Gino ng isang taon pero dahil mas matanda ang ama nila kaysa sa Itay, Kuya na rin ang tawag ko sa kanya. Kaisa-isang anak naman si Kuya Gilbert ng kakambal ng Itay na matagal nang namatay dahil sa sakit sa baga. Cancer dahil sa kakasigarilyo.

Nakaupo rin ako noon sa sahig at tumayo para tulungan si Ate May, asawa ni Kuya Mak, na magligpit ng mga pinagkainan ng mga barakong 'to. Buti na lang at maganda ang mood ko kasi nanalo ako sa pustahan namin. Pandagdag uli sa pambili ng bagong engine ni Baby.

Naghuhugas ako ng plato nang magsimula nang magkagulo ang mga pinsan ko. Ewan ko kung ano nang pinag-aawayan nila roon. Labas muna ako sa mga kalokohan.

Kaya lang kahit anong pilit kong lumayo sa gulo, ako mismo ang nilalapitan nito.

Pumasok si Kuya Kiel sa kusina at dumiretso sa kinatatayuan ko. Binuhat niya ako na parang sako at tumakbo sa sala at ibinaba ako sa sahig nang walang pag-iisip kung masasaktan man ako o hindi. Bilang pagganti, hinawakan ko siya sa braso at pinilipit ang braso niya sa likod niya. Nasorpresa ko siya kaya medyo napabulyaw pa sa sakit pero 'di hamak na mas malakas ang kuya ko kesa sa 'kin kaya naman nakakawala agad siya sa hawak ko.

"Kung kaya niyo ako dinala rito ay dahil kayo ang maghuhugas ng plato, sige lang. Hindi ko kayo pipigilan." Dahil ako ang itinuturing na bunso sa lahat, laging ako ang inuuto nila noong mga bata pa kami. Hanggang ngayon naman, gawain pa rin nila. Buti na lang at alam na alam ko na ang mga galawan nila para hindi na nila mauto.

Tumabi sa 'kin si Kuya Gilbert. "Mamaya ka na maghugas, babawiin ko lang yung ipinampusta ko kanina."

"Ha! Ihanda mo 'yang wallet mo, ubos laman niyan sa 'kin!" pagbabanta ko sabay tawa nang malakas.

Umupo sa tabi ko si Kuya Jon-Jon, nagbabalasa ng baraha. Sumunod naman yung iba, pati si Ate May, hanggang sa makabuo kami ng bilog. Kumandong naman sa akin si Sheena na kinuha yung mga barahang inabot sa akin.

"Manood ka kay Tita, Sheena. Ganito manalo ang mga kampyon."

❈    ❈    ❈

"Anong ibig sabihin ng AJ?"

Tumayo ako nang tuwid mula sa pwesto ko sa ilalim ng hood ng Impala para tumingin kay Tsekwa. "Secret. Pakiabot yung lyabe."

"Ano 'yon?"

Ano nga ba 'yon? "Wrench."

Iniabot niya yung lyabe. Akala ko pinakawalan niya na yung topic. "Come on, curious ako. May ibig sabihin ba yung initials mo o sadyang AJ lang ang nakalagay sa birth certificate mo?" nakaismid siya habang tinatanong 'yon.

"Secret nga."

"Pangit yung pangalan mo ano?"

Pinigilan ko ang tawa ko dahil sa hula niya.

Kumunot ang noo niya. "It can't be that bad."

"Huwag mo nang alamin, baka bangungutin ka pa. Tsaka bakit ba kasi gusto mong malaman, hindi naman importante?"

Lumapit siya sa akin at umupo sa harap ng makina, iniistorbo ang paggawa ko para mapunta ang atensyon ko sa kanya. "Para mabigyan kita ng nickname katulad ng kung pano mo ko tawaging Tsekwa. Normally I'd take that as an insult, pero dahil ikaw naman ang bumibigkas, pinalampas ko na."

Sobrang lapit niya sa akin at gusto kong umatras pero meron kasing challenge sa tindig niya. Ang ayaw ko sa lahat, yung umaatras sa mga challenge. Isa sa mga napulot ko sa pamilya kong mahilig makipagkumpitensya. "Palayaw na naman ang AJ."

"Gusto ko ng nickname na ako lang ang tatawag sa'yo. Baby?"

"Meron na akong Baby."

Napatayo siya nang tuwid, "May boyfriend ka na?"

Hindi ko alam kung dapat ba akong masaktan sa reaksyon niya. Gulat na gulat siya sa sinabi ko. Alam kong hindi ako babaeng babae pero ganoon ba kaimposible na magkaroon ako ng nobyo?

Oo, AJ. Oo.

"Wala." Napadoble ako ng tingin nang makita ang napakalaki niyang ngiti. "Ba't mukha kang nanalo sa lotto diyan?"

"Iniisip ko kasi na kailangan kong baguhin yung approach ko kung may boyfriend ka na," paliwanag niya.

Tumigil ako sa ginagawa ko. "Ibig sabihin pagpapatuloy mo ang paglalandi kahit na may karelasyon ako?"

"Yes," walang pagdadalawang-isip niyang sagot.

Napailing ako. "Pasensya ka na, Tsekwa. Hindi ako interesado. Hayaan mo na lang akong gawin ang trabaho ko."

"Don't play hard to get, Alessandra Jane."

"Alessandra Jane?"

"Hindi ba? Anna Justine."

Gumawa ako ng tunog na parang buzzer sa mga game show.

"Afra Joy?"

Binalik ko ang atensyon ko sa Impala. "Manghula ka lang, Tsekwa. Makukuha mo rin 'yan."

Isinapuso niya ang sinabi ko kasi magdamag niyang hinulaan ang pangalan ko. Hawak na nga niya ang cellphone niya at nag-search daw siya ng baby book, baka sakaling gumamit ng ganoon ang mga magulang ko nang pangalanan nila ako. Hinayaan ko na lang siya sa panghuhula dahil mas gusto ko nang iyon ang nasa isip niya kesa yung mga sinabi niya sa akin kanina at kahapon.

Nakakainis din si Rica kaninang umaga kasi ipinasok niya sa isip ko yung hitsura ni Tsekwa at idinetalye niya sa akin kung anong mga "benefits" ang makukuha ko kung papatulan ko siya. Pinipilit niya pa sa 'kin na may gusto sa akin si Tsekwa. Buti pala't hindi ko nabanggit ang engkwentro namin kahapon kundi ipagpipilitan talaga ni Rica na sumama sa akin.

Nang matapos kami, inaya niya uli akong kumain ng hapunan sa kanila. "Dito ka na rin manood ng basketball. Malaki ang flat screen nina Gage," dagdag niya

Matapos ang nangyari kahapon, nagdadahan-dahan pa rin ako sa presensya ni Tsekwa. Pero sino ba namang makakatanggi sa ganoong alok? Malamang, hindi ako. 

Hindi rin siya nagsisinungaling sa sinasabi niyang malaki ang TV ng mga Silverio. Nakakita tuloy ako ng isa pang gagastusan maliban sa bagong makina ni Baby. O kaya pwede ko namang maisahan si Kuya Kiel sa pustahan. Sa kanya ko na lang ipapabili.

"Dinner muna tayo. Mamaya pa naman magsisimula ang game, 'di ba?"

Tumango ako at sumunod sa kanya sa hapag-kainan. Naglaway ako nang makita ang dami ng nakahain. "Luto mo 'to?"

Tumawa siya. "Hindi. Pinaluto ko sa kasambahay nila."

"May bisita ka pa bang iba?"

"Hindi ko alam kung anong gusto mo kaya pinaluto ko sa kanya halos lahat," paliwanag niya.

Dahil sa dami ng nakahain, ngayon ko lang naramdaman yung gutom ko. Hihilahin ko dapat yung upuan pero hinawakan ni Jake ag sandalan at hinila ito para sa akin. Nang uupo na ako, itinulak niya ito paharap para sumakto sa upo ko. Saka lang siya umupo sa harap ko.

Nagtitigan muna kami. "Hindi ka ba kakain?" tanong ko dahil hindi siya gumagalaw para kumuha ng pagkain.

"Ladies first."

Ganito siguro siya pinalaki ng nanay niya. Gentleman. Ngayon lang ako nakaengkwentro ng lalaking kagaya niya dahil sobrang imposible naman na maging gentleman ang mga kasama ko sa bahay. Maliban na lang kay Kuya Migs. May pagka-gentleman pa 'yun pero konti lang din. Para siyang Kuya Migs na may halong Kuya Kiel pero may sarili pa rin siyang personalidad na masasabi mong para lang kay Jake.

Sinalinan niya ng alak yung baso ko. Teka, hindi baso. Wineglass. Iba pa rin pala kapag lumaking may class.

Saka ko lang napagtanto ang kalagayan ko. Empleyado ako pero nakikikain ako sa bahay ng amo ko. Napatigil tuloy ako sa paglalagay ng caldereta sa plato kong punong-puno na. Dapat bang paunti-unti yung lagay ko?

"Is everything okay?"

Napatango lang ako sa tanong niya. Hindi kasi gumagana yung kapal ng mukha ko pagdating sa lalaking 'to.

"Hindi ba masarap 'yung pagkain?"

Dahil naninibago ako sa paligid ko, sumandok ako ng napakaraming pagkain at isinubo lahat sa bibig ko. Saka ko nag-thumbs up at nagsalita kahit na punong-puno ang bibig ko. "Masarap!"

Hinarang niya ang kamay sa harap ng bibig niya para itago ang tawa sa mga labi niya.

Hirap na hirap ako sa paglunok. "Kapag may natira, pwede ko bang iuwi?"

Naglagay siya ng baso ng tubig sa harap ko. "Hindi pwede. Kapag inuwi mo, how will I convince you to come back for more?"

Continue Reading

You'll Also Like

13.7K 1.5K 43
May mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan. Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. S...
39K 784 10
"Sa puso ko, ligtas ka." Perfect ang buhay ni Harmony-mula sa pamilya, trabaho, at pati love life. Pero nagbago iyon nang iwan siya ng kanyang boyfri...
14.6K 380 62
"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong malaki na'ko, gusto ko na ulit bumalik sa...
75.7K 2.8K 15
My Affair With The Grumpy Guy (Some Type Of Love) By Sharmaine Light/ LittleRedYasha All Rights Reserved © 2016 Synopsis: All...
Wattpad App - Unlock exclusive features