South Boys #4: Troublemaker

Door JFstories

5M 323K 207K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... Meer

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 30

62.9K 4.1K 2.7K
Door JFstories

WOLFGANG-ALCARAZ NUPTIAL


'Two souls but a single thought. Two hearts that beat as one...' Those words were carved on the wooden sign. The glittered golden calligraphy lettering was eye candy. I could look at it all night.


Maganda rin ang ibig sabihin ng mga salita. Very romantic. Bagay na bagay sa bride at groom na parang wala nang bukas kung tumitig sa isa't isa.


Lalo ang groom. Masyadong matayog, matikas, pero hindi nahiyang ipakita sa lahat ang pagtulo ng mga luha habang pinapanood ang paglapit ng bride rito sa altar.


They were my schoolmates in high school. Sina Sussie at Arkanghel. Ang babae ay naging kaklase ko pa mismo noong huling taon ng senior high.


I didn't want to take my eyes off the signboard, but my eyes were drawn to the arch of assorted roses on the lawn. Another breathtaking view. I would love to draw it if I get the chance. In addition to the beautiful flowers in the garden itself, there were also specially designed floral decorations. Mga mamahaling bulaklak na sa galing pa sa ibang lugar at dinala lang dito sa Indang, Cavite, kung saan ginaganap ngayon ang wedding reception.


Pang ilang kasal na ba itong nadaluhan ko ngayong taon? Pangalawa na. The first one was my older brother, Kuya Jordan's wedding. He got married last month to his high school sweetheart. To the woman who brought him heartbreak and the same woman who healed his broken heart.


Ganoon sina Arkanghel at Sussie na ikinasal ngayon. High school love din.


Ah, high school love. What a good feeling and memory. Young innocent love turned into true love.


Sobrang bihira lang siguro ang ganoon sa edad kung kailan hindi pa malinaw ang lahat. Karamihan kasi ay hindi ganoon. Some of the teenagers were only in love because of curiosity and peer pressure. They were only in love with the idea of being in love.


Tinalikuran ko na ang mga bulaklak. Hinawi ako ang nakalugay na hanggang balikat na buhok na bahagyang nililipad ng mabining hangin. Nang lingunin ko ang ikinasal ay magkayakap pa rin ang mga ito. Parang ayaw mahiwalay sa isa't isa.


Namatay ang background music. Nagtaka ang lahat dahil biglang tumahimik.


Humiwalay ang groom na ikinagulat ng bride. Tinawag ito ng bride pero parang walang narinig ang groom. Ni hindi man lang lumingon. Pati ang mga audience, kasama ako, ay nagulat. Nagtataka kung ano ba ang nangyayari. Hanggang namatay na lahat ang ilaw sa paligid.


Bumilang lang ang limang segundo, bumukas ulit ang ilaw sa gitna. Hindi na nag-iisa ang groom. May mga kasama na ito. Hindi na nag-iisa si Arkanghel, he was now with his friends, his high school friends, Isaiah, Miko, and Asher.


Naghiyawan ang mga guest nang pumuwesto ang mga ito sa gitna. Ang nangunguna sa mga ito ay si Arkanghel. Pumailanlang sa background ang nakakaindak na beat. Napangiti ako nang makilala ang tugtog, kanta ng bandang Backstreet Boys.


♩ ♬

Although loneliness has always been a friend of mine

I'm leavin' my life in your hands.

People say I'm crazy and that I am blind

Risking it all in a glance


Napatakip ng bibig si Sussie kasabay ng paglakas ng tilian ng mga guest dahil nagsimulang sumayaw ang mga lalaki. Tamang sway at pitik lang pero ang swabe. Ang lalakas ng dating ng mga ito, lalo nang maghubad ng mga tux para bitiwan sa sahig.


♪ ♫ ♪

And how you got me blind is still a mystery

I can't get you out of my head

Don't care what is written in your history

As long as you're here with me

I don't care who you are (who you are)

Where you're from (where you're from)

What you did

As long as you love me (I don't know)

Who you are (who you are)

Where you're from (where you're from)

Don't care what you did

As long as you love me (yeah)



Dumadagundong na ngayon ang tugtog. Ang bago kong hipag ay napapaindak na rin sa gilid. Sinasayawan niya ang kuya ko na nakayuko at malamang ngayon ay pinamumulahan ng mukha.


Ang asawa ni Miko na senior schoolmate namin, na si Zandra Asuncion-Pangilinan, ay napahiyaw na sa kinauupuan, "Whooo! That's my sexy hubby right there!"


Lalo namang ginanahan si Miko na kumindat sa misis. Kalagitnaan ng special number ng mga ito ay lumapit ang tatlong taong gulang na batang lalaki sa gitna, anak ni Miko. Nagpapakarga ito sa ama. Iyon tuloy, karga ni Miko ang anak habang sumasayaw. And that was a very adorable view.


Si Asher na lang yata ang single sa mga ito. Kabababa lang daw kasi sa barko, he was a seaman. Ang guwapo-guwapo nito pero ang ekspresyon ng mukha ay napakasuplado. Kabababa lang daw kasi sa barko, he was a seaman. 


It was indeed a very happy occasion. High school lovers, high school friends. Pero may kulang.


May taong wala rito.


Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Umiba ng hakbang ang mga paa ko. Parang may humihila sa akin na kung ano. Naglakad ako papunta sa direksyon na palabas sa lugar na ito. 


Madilim sa parking lot ng villa. Malamig ang hangin. Walang katao-tao.


Paalis na ako nang isang bulto ng matangkad na lalaki ang natanaw ko. Nakasandal ito sa isang sasakyan sa may di kalayuan.


Napahawak ako sa aking dibdib habang sinisipat ang lalaki ng tingin. Nakatagilid siya ng puwesto, nakasandal sa pintuan ng kotse. Kahit malamlam ang liwanag mula sa kaharap niyang lamppost, hindi ko siya kailangan pang lapitan para kilalanin.


Ah, he was here. Ang kulang.


Nagbago man ang pananamit, sumeryoso ang awra, tumangkad, mas naging matikas, at lumapad ang balikat... still nakikilala ko pa rin.


Nanatili ako sa aking kinatatayuan habang malamlam ang mga mata na nakamasid sa kanya. Mula sa pagtingala niya sa madilim na langit, muling pagyuko, hanggang sa marahang pagyugyog ng malapad na balikat niya.


Itinaas ng lalaki ang mga kamay para dalhin sa mukha. Sumubsob siya sa sariling mga palad habang patuloy sa panginginig ang balikat. Kahit may kalayuan sa akin, nauulinigan ko ang mga pigil niyang paghikbi.


Parang piniga ang puso ko sa nasasaksihan. Gustuhin ko mang talikuran siya para hindi na makita ay hindi ko magawa. Tila ako itinulos sa aking tinatapakang lupa.


Ilang saglit pa ay nanghihina na napaupo ang lalaki sa semento. Nakasandal pa rin sa kotse habang ang mukha ay nakayuko.


Maingay mula sa loob ng reception. Naghahalo ang tugtog, tawanan at kuwentuhan. Halo-halo ang ingay na iisa ang pinaparating—kasiyahan. Habang masaya ang lahat sa loob, may isang tao rito sa labas na tahimik na nadudurog.


'Ang tagal na, bakit kasi wala kang ginawa?!'


Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong hilahin ang kuwelyo niya at tanungin siya kung ano ba ang pinagkaabalahan niya sa mga taong nagdaan? Bakit nagkaganito? Bakit hindi natupad iyong inaasahan ko na magiging masaya siya?


Ang mahihinang hikbi niya ay nagkatunog, garalgal, basag. Ang sakit na nararamdaman ng dibdib niya ay maririnig sa hirap niyang paghinga.


Napahawak ako sa aking pisngi dahil may mainit na namalisbis doon. Napakurap ako nang maramdamang basa ang aking mukha. Kailan ako nagsimulang lumuha?


Ang lalaki na nakalugmok sa sahig ay walang kakilos-kilos. His phone lit up on the floor, but he ignored it.


Napunit ang katahimikan sa paligid ng parking dahil sa paulit-ulit na ring. Kalaunan ay dinampot niya rin iyon. Tiningnan muna nang ilang segundo bago sinagot ang tumatawag.


"Hello?" He answered it in a serious baritone.


Mas lumaki, mas tumigas at sumeryoso. Gayunpaman, hindi ko maipagkakaila ang tinig sa iba.


"Yeah, I'm at the airport right now. I have a flight to catch. May importanteng meeting ako sa Malaysia."


Airport? Malaysia? I didn't know who he was talking to, but I had an idea.


He let out a happy laugh. His tone became playful. "Yeah. Pakisabi na lang sa kanila, best wishes. Nandiyan naman si Mama, pinadala ko sa kanya regalo ko. Mahal iyon. Hindi ko inalis ang price para ma-touch sila."


I bit my lower lip. Kung maririnig ang masayang boses niya ay hindi mo iisipin na ganito ang kalagayan niya ngayon.


"'Have to go. Pasabi sa BFF mo, 'wag na magtampo. Magpapakita naman kamo ako, nagkataon lang talaga may biglaang work."


I knew it. The person he was talking to on the other line was Carlyn, my sister-in-law. Mukhang kinukulit siya ng babae na pumunta sa reception, not knowing na nandito na siya kanina pa.


Ibinaba niya na ang phone at inilagay sa bulsa ng suot na jeans. Tumayo na rin mula sa sahig. Hindi pa siya agad pumasok sa sasakyan. Yumuko pa siya roon ng ilang segundo pa. Tila kinokondisyon ang sarili.


He looked up at the dark sky. Sa pagkakatagilid niya ay makikita ang kanyang pigura, ang mataas na bridge ng matapos na ilong, ang prominenteng hulma ng panga, ang leeg kung saan natitiyak ko ang pag-alon ng lalamunan niya. Ipinilig niya ang ulo saka umayos sa pagkakatayo.


Kumuha siya ng panyo mula sa bulsa. Pinunasan ang mukha saka pumasok sa driver's seat ng dalang kotse. Bago niya pa buksan ang headlights ay nakatalikod na ako.


Mabagal ang mga hakbang ko pabalik sa reception. Nang matiyak na nakaalis na siya ay saka lang ako muling lumingon. Likod na lang ng kotse niya ang nakita ko.


I went back to the reception to say goodbye. I had to go home because I still had some unfinished work at home. Ayaw pa akong payagan ng kuya ko at ng hipag ko na umuwi na hindi sila kasama, pero nagpumilit ako. Wala na rin kasi ako sa mood manatili pa.


Kaya ko namang umuwi mag-isa. Puwede naman akong mag-Grab. Saka malapit na ang Tagaytay rito sa Indang. Kuya Jordan still didn't allow me to leave by myself, though. He called someone on his phone and then asked me to wait for a while.


Wala pang thirty minutes ay dumating na ang tinawagan ni Kuya Jordan. Isang lalaking nakasuot ng white shirt at white pants ang nakita ko ngayong palapit sa akin. Ang guwapo at maamong mukha ay maaliwalas dahil sa pagkakangiti ng mapupulang mga labi.


Huminto siya sa harapan ko at bahagyang yumuko. Maingat na ginawaran ako ng halik sa noo. "Let's go?"


Nakangiti akong napatingala sa kanya. "Akala ko may work ka?"


"Yup. Tinapos ko na kaninang hapon. Kauuwi ko lang nang tawagan ako ni Jordan."


Magkahawak ang aming mga kamay na nagpaalam na kami sa ikinasal.


Sa kotse niya ako na nasa parking lot sumakay. Siya ang nagkabit ng seatbelt sa akin. "Are you tired?"


"Baka ikaw ang pagod. Galing ka pa ng Manila niyan." Nandoon ang firm kung saan sila nagtatrabaho ng kuya ko. They were both architects sa firm ng isa sa tito namin sa mother's side na isang kilalang architect. Doon sila parehong nagtatrabaho.


"No I am not." Ngumiti siya at kumindat. "I missed you kaya gusto ko na agad umuwi. Para makita ka."


Habang nakatitig sa guwapong mukha niya, na walang bakas ng kaangasan kahit kaunti, at kahit pa nagbibiro ay maamo pa ring tingnan, may kung anong mainit na humahaplos sa puso ko.


Seven years... Pitong taon na ang lumipas mula nang gumulo ang buhay ko at ng pamilya ko. Sa kabila ng mga nangyaring kaguluhan, hindi umalis ang lalaking ito.


Siya ang perpektong lalaki na noon pa man ay pangarap ko.


Hindi niya ako hinusgahan. And even though her mother hated me, he didn't leave my side.


While I was adjusting to my new life, he was there to support me, always. And after three years, nang lahat ay naka-recover na sa mga dagok na dumating sa buhay namin, he then admitted his intention. He wanted us to be together. Hindi pa rin daw siya nakakalimot at nagsisisi na siya kung bakit niya ako hindi ipinaglaban noon.


Even though I knew he still had feelings for me, I was still surprised when he confessed. I thought having him in my life was enough, but he wanted to be sure that he would be able to protect and take care of me forever.


I didn't want to be unfair, so I turned him down. He didn't give up, though. He did everything to prove himself. He swore that he would not turn his back on me again and that this time, he would fight for me until the end.


He pursued me till I fell for him again.


Dinala niya ang kamay ko sa mga labi niya. "I love you, Jillian."


Alam ko na hindi ako magsisisi sa kanya dahil nasa kanya naman talaga ang lahat ng hahanapin mo sa isang lalaki. Aside from being physically attractive, he had the qualities of a good man. He was not only a boyfriend material but a husband material. He was faithful, romantic, and a very loving person. Pero bakit bigla akong napapaisip at natitigilan ngayon?


Muli niya akong hinalikan sa noo. Halik na magaan, magalang. "Let's go home and see our kid."


'our kid'


Nang banggitin niya iyon ay natauhan ako. Oo, may anak ako. A six-year old handsome boy. Hyde.


Mula nang ipanganak ko si Hyde sa mundong ito, dito na umikot ang buhay ko. Ito ang lahat-lahat sa akin. For my son, I would give everything and sacrifice everything.


Kahit naluluha ay ngumiti ako sa lalaking kaharap. "Yes. Let's go home and see our kid... Harry."


JF

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

9.3M 166K 88
Language: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Mia...
13.6M 387K 41
Macario Karangalan Sandoval
8.3K 382 5
One last time, he needs to be the one who takes her home. One more time, he promises that after that he'll let her go. He doesn't care if she's got h...
15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...