South Boys #4: Troublemaker

Por JFstories

5.1M 323K 208K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... Más

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 23

54.1K 3.8K 2.3K
Por JFstories

"HARRY AND I... WE'RE OVER."


Hugo let go of me. Nakayuko siya sa akin at ako ay nakatingala sa kanya.


"It was a mutual decision..." Para sa ikabubuti, dugtong ko na hindi na ipinarinig kay Hugo. He was not dumb to not get the situation. He didn't ask anymore questions.


Pinatay niya ang sigarilyo at binuksan nang malaki ang capiz na bintana para lumabas ang usok. "Baka hikain ka."


Lihim naman akong napangiti. Naupo kami sa gilid ng kama. Nakuwento niya na tumakas siya sa kanila dahil naroon na naman ang kanyang dating nanny. Mukhang hindi niya talaga gusto ang dating nag-alaga sa kanya.


Did his nanny do something bad to him?


Gusto ko sanang magtanong tungkol doon pero hindi ko ginawa. I felt that Hugo was not ready to tell me the reason.


"Okay ka na?" tanong niya sa akin.


Tumango ako.


"Hindi ko na tatanungin kung moved on ka na. Alam ko, matagal 'yang ganyan e."


"Saan mo naman nalaman?" nakalabing tanong ko. Patingin-tingin ako sa kanya. Ang tagal na naman pala noong huling beses na nagkasama kami.


Na-miss ko siguro ang ganitong ugali niya, iyong pagiging prangka.


"Ano, first mo ba? Kung first 'yan, masakit 'yan. Sayang, alak sana ang magandang gamot diyan, kaya lang di ka naman nainom."


Sumandal siya sa headboard ng kama at humalukipkip habang nakamasid sa akin.


"'Di ka pwedeng mag-inom, Herrera. Di rin kita papayagang uminom kahit pa gustuhin mong subukan. Hayaan mo, sasamahan na lang kita rito hanggang sa maging okay na ang pakiramdam mo."


There was something about what he had said that warmed my heart. I smiled. "Thank you, Hugo."


Kumiling ang ulo niya. "You're smiling at me. Ibig sabihin ba nito, bati na ulit tayo?"


Lalo akong napangiti. "Next time na ulit tayo mag-away."


"Okay. Pa-inform na lang kapag game na."


"Sure."


Naiiling na natawa siya. Kinampay niya ang kamay niya sa akin. "Come here."


Sumimangot ako. "Ayoko, baka halikan mo na naman ako."


"Akala ko ba bati na tayo?"


Binato ko siya ng unan. Sinalo lang naman niya iyon at masarap siyang tumawa. Natawa na rin ako. Ang mga pait sa dibdib ko ay sa isang iglap, unti-unting nawala na lahat.


Funny that everything felt right with this guy around. Para bang ang gaan talaga ng buhay.


Twenty minutes lang, niyaya na akong umuwi ni Hugo. Ayaw niya na magpagabi pa ako nang husto.


Dahil wala siyang motor ay pa-commute niya akong inihatid sa amin. Sinabi ko namang okay lang na ako na lang mag-isa ang uuwi, pero wala naman daw siyang gagawin kaya inihatid niya na ako. Ayaw niya pang umuwi sa kanila habang nandoon pa iyong dating nanny niya.


Sa kanto ulit ng street niya ako inihatid. Naglalakad kami nang hawakan niya ako sa braso. "Okay ka na ba talaga?"


"Oo nga. Bye at salamat ulit sa paghatid."


Hindi pa siya umuwi. Tinanaw niya ako na maglakad papunta sa bahay. Hinintay niya ako na makapasok muna sa gate bago siya tumalikod paalis. Ako naman ang nakatanaw sa kanya hanggang sa unti-unti na siyang nawala sa paningin ko.


Nang gabing iyon, hindi ako natulog na masama ang loob.


...


HINDI na ulit kami nagusap ni Hugo. Pareho kaming naging busy sa kanya-kanyang buhay.


Sa bahay namin ay nangangapa pa rin ako. Hindi man kasi magsalita si Mommy ay alam ko na nakadagdag ako sa problema ng pamilya. Dahil sa akin ay hindi sila okay ni Tita Eva. Sinisisi siya nito sa klase ng pagpapalaki sa akin.


Nakarating na rin sa aming ibang kamaganak ang tungkol sa namagitan sa aming dalawa ni Harry. Naikuwento ni Tita Eva hanggang sa kumalat na nga ang balita. Ang iba sa kamaganak namin ay nagulat at ang iba ay alam kong masaya dahil nagkaroon sila ng maipipintas kay Mommy. Natutuwa marahil ang karamihan dahil hindi ako tunay na perpektong anak.


Bukod sa problema sa samahan nina Mommy at ni Tita Eva, problema pa ang ibinentang lupa nila sa Pascam. Hinahabol pa rin sina Mommy ng iba nilang kamaganakan. Gusto pa ring humati sa benta.


Ang bahay naman namin sa Tagaytay na sinimulan ng itayo ay nagkaroon ng problema sa contractor. Hindi nasunod ang kabuuhan ng design na gusto ni Daddy. Gayunman, kahit hindi pa raw agad matapos ang paggawa sa bahay ay matapos lang ang schoolyear, lilipat na kami.


....



JS PROM.


The night that supposed to give me sweet memories. Hindi ganoon ang nangyari. Walang prom last year dahil itong taon lang na-approve na magkaroon ulit ng prom. Halos lahat ng senior high school ay pumunta ngayon.


Kuya Jordan was here too. Kahit graduate na siya ay pumunta siya. He was Carlyn's prom date. Okay ulit sila. Isang love song ang mapapakinggan sa paligid. Nagsasayaw sila kasama ang ibang magkakapareha sa gitna.


There were guys who asked me to dance but I politely turned them down. I was good just sitting here. Masaya na ako na makitang masaya ang kapatid ko.


Nakatingin lang ako sa mga magkakaparehang sumasayaw nang makita ko ang isang pareha sa bandang gitna. The two looked so good together. So good that they caught my full attention. Hugo and Sussie...


I couldn't get my eyes off them. I couldn't take my eyes off Hugo especially now that his eyes were showing unfamiliar emotions while dancing with Sussie.


Nakatitig ako kay Hugo sa bawat galaw niya. Sa bawat ngiti niya. Sa bawat pagyuko para kausapin ang babaeng isinasayaw niya. Napahawak ako sa aking dibdib dahil hindi ako masaya.


I was jealous. The truth hit me hard it knocked me breathless.


Akala ko na-overcome ko na kung ano man iyong akala kong nararamdaman ko noon kay Hugo nang maging kami ni Harry. Nagkamali ba ako? 


Crazy, busga ko sa sarili. Ipinikit ko ang mga mata ko at nang muling dumilat ay naroon pa rin ang magkapareha na nagsasayaw. At naroon pa rin ang paninikip sa dibdib ko.


Lumapit sa magkapareha ang isang matangkad at guwapo ring lalaki, si Arkanghel del Valle. Hindi bumilang ang minuto na sumama agad dito si Sussie, at ang mga ito ang sumunod na nagsayaw. Kitang-kita ko ang pagdilim ng ekspresyon ni Hugo habang nakatingin sa dalawa.


Hugo was hurt. Alam ko kahit hindi ko marinig mula sa kanya, alam ko na nasasaktan siya. Nang tumalikod na siya para iwan ang masakit na tagpo ay nakahabol sa kanya ang mga mata ko.


Nakalimutan ko na ang paninikip ng aking dibdib dahil mas inaalala ko na ngayon ang nararamdaman niya.


Hugo was the most popular guy in the campus. Maraming gustong isayaw niya pero pagkatapos niyang isayaw si Sussie, nawala na siya na parang bula. Wala nang nakakita pa sa kanya.



"JILL, NASA TABLE NIYO SI CARLYN."


Kasama ko na naglalakad si Dessy papunta sa restroom. Nilapitan niya ako nang makitang umalis ako sa mesa namin nina Mommy. Nagkibit ako ng balikat sa kanya. "She's with my brother, so..."


Lumabi si Dessy. "Baka mamaya siya na ang best friend mo at hindi na ako."


Habang naglalakad ay nagsasalita siya. Mula kay Carlyn hanggang sa iba-iba pang topic. Malapit na kami sa restroom nang mapunta na siya sa kanyang hinanaing para sa darating na pagtatapos ng klase.


"After ng graduation, doon daw muna kami ng ate ko sa papa namin sa Novaliches. Doon kami magbabakasyon."


"Ayaw mo ba niyon? Pagkakataon mo nang makasama ang papa niyo at ang mga kapatid mo sa ama."


"Ayaw ko!" parang diring-diri na sabi ni Dessy. "Ayoko sa stepmother ko at sa mga dugyot kong half-siblings! Mas lalong ayaw ko roon sa Novaliches. Hindi ako makakagala roon kasi mahigpit si Papa! Mamamatay ako roon sa boredom!"


"Sandali lang naman iyon," malumanay na pagpapayapa ko sa loob niya. "Tiisin mo na lang. Na-miss lang naman kayo ng papa mo."


"Na-miss e hindi nga siya nagsusustentong letse siya. Sa padala lang kami ni Mama sa abroad nabubuhay ng ate ko."


Nagmamaktol pa rin si Dessy hanggang sa makarating kami sa tapat ng restroom. Papasok na kami nang magkagulo sa banyo ng mga lalaki.


Ang mga estudyante sa labas ay mga nakikiusyoso kung ano ang nangyayari. Ang dalawa sa may pinto ay nakilala ko; sina Bimbo Zaragosa at Francis 'Angke' Molina na mga tropa ni Hugo.


"Sino nagsumbong?!" Ang malaking lalaki na si Bimbo ay dinuro ang mga nakapalibot na estudyante sa tapat ng banyo.


Nagpulasan naman ang mga estudyante. Mga takot na nag-atrasan pero hindi naman magawang umalis dahil nga mga nakikiusyoso.


Mula sa banyo ay patakbong lumabas ang isang babae. Magulo ang buhok, hulas ang make up at baliko ang suot na tube gown. Kilala ni Dessy dahil madalas din tambay sa kanila. Namumukhaan ko rin dahil naging kaklase ko yata noon. Rosethel ang pangalan. Pulang-pula ang mukha nito at hindi magkandatuto sa pag-alis.


"Pucha, anong ginagawa ng babaitang iyon sa banyo ng boys?!" bulalas ni Dessy. "Saka ba't ganoon itsura niyon?!"


Hindi pa tapos ang pagkagulat namin ay sumunod na lumabas naman sa banyo ng mga lalaki si Mrs. Normalyn Aguilar. Hatak-hatak ng ginang sa tainga ang nag-iisang anak na si Hugo.


Si Hugo naman ay pasubsob na sa pagsunod sa ina. Para itong sabog na di malaman. Mukhang lasing pa. Magulo ang buhok, may bakas ng lipstick sa pisngi at leeg. Nakakalas ang sinturon at nakabukas ang zipper ng lalaki. Litaw ang kulay blue na boxers na suot.


Napa-'OH' yata ang lahat sa paligid. Hindi lang kami ni Dessy ang pinanlakihan ng mga mata. Malinaw sa kahat kung ano ang nangyayari. Hugo Emmanuel Aguilar... They didn't call him a 'troublemaker' for nothing.


"Hugo Emmanuel!" matinis ang impit na galit na boses ni Mrs. Aguilar. "Walanghiya ka talagang bata ka! Mamamatay ako nang maaga sa konsumisyon sa 'yo!"


Kinaladkad nito ang anak palabas ng convention. Dumami ang nag-uusyoso pero binulyawan ang mga ito ni Mrs. Aguilar. Mga natakot naman at nagsialisan na isa-isa.


"Anyare, Angke?" tanong ni Dessy nang lapitan ang isa kaibigan ni Hugo.


"Me nagsumbong kay Ma'am Aguilar na nagpasok kami ng alak. Hinanap agad si Hugo Boy. Ayan, nahuli pa sa mas malalang akto."


"Gago talaga!" palatak ni Dessy.


"Ewan anyare," naiiling na ani Bimbo. "Kanina lang e good mood naman. Sinapian na naman ng sampung demonyo."


Hindi ko na hinintay si Dessy. Hindi na ako nag-restroom. Bumalik na ako sa table kasama namin nina Mommy. Sa sumunod na mga sandali ay nakaupo na lang ako sa upuan. May mga nagyaya pa rin sa akin na sumayaw pero mas nawalan na ako ng gana na paunlakan ang kahit sino man sa mga ito.


The whole night, I was worried about Hugo.



...


PAPALAPIT na pagtatapos ng schoolyear. Akala ko ay wala nang mangyayari nang isang gabi ng Sabado ay biglang may na-receive na mga photos si Mommy sa e-mail niya. Noong una ay wala pa akong idea kung ano ang mga iyon, until I saw the photos with my two eyes.


Mga stolen photos na puro ako. Ang mga kuha ay sa bahay nina Dessy sa Buenavista. Nakaupo ako sa sala kasama ang mga nag-iinuman at sa harapan namin ay ang mesita na puno ng alak at pulutan. Maraming photos na makikita ang mga kabataan sa paligid na halos karamihan ay mga naka-uniform pa na katulad ko.


Kasama ko ang mga estudyanteng piniling tumambay, uminom, kaysa umuwi sa kanya-kanyang tahanan. May mga naninigarilyo pa sa malapit, mga mag-bo-boyfriend na halos magkalong na sa kinauupuan.


Nandoon din ang aking photos sa huling punta ko kina Dessy. Naka-civilian ako. Jeans at cream knitted top. I was on the sofa next to Dessy and I was holding a shot glass. Kahit ikaila ko pa na hindi ko iyon ininom o tinikman man lang ay tanga lang ang maniniwala. It looked like I was having fun while drinking with them.


Hindi ako makapagsalita sa pagkabigla, takot at hiya. Hindi ko na makuhang isipin pa kung sino ang nag-send ng mga ito sa e-mail ni Mommy dahil sa mga oras na ito ay hindi na iyon mahalaga.


"Kailan mo pa ito ginagawa?" puno ng hinanakit ang boses ni Mommy.


Maging si Daddy ay hindi kababakasan ng simpatya para sa akin ngayon. It was understandable because I didn't deserve any sympathy, but it still hurt.


"Anong pagkukulang namin, Jillian?" tanong ni Mommy na humiwa sa puso ko. "Hindi ba kami naging mabuting magulang?"


Napabuga ng hangin si Daddy. Nag-alis ng specs na suot at hinilot ang sentido. Kinakalma ang sarili para hindi makapagbitiw ng salita na maaring makasakit sa damdamin ko.


"I'm so sorry, Mommy, Daddy..."


"Jordan, do you know about this?" tanong ni Daddy kay Kuya Jordan.


Yumuko si Kuya Jordan matapos marahang umiling.


"Wala kang alam?" Hindi pabulyaw pero matigas ang tono ni Mommy. He faced Kuya Jordan. "Ikaw ang panganay! Kuya ka! Ikaw ang dapat umaalalay sa kapatid mo! Nasaan ka ng mga panahong 'yan? Bakit hindi mo alam?!"


"Mommy, walang kasalanan si Kuya Jordan..." umiiyak na awat ko dahil kay Kuya niya ibinubuhos ang dapat na galit para sa akin.


Sa buong buhay ni Kuya Jordan, ngayon lang siya napagalitan nang ganito ni Mommy.


"Mommy, no," umiiyak na pigil ko sa kanya. "This isn't Kuya Jordan's fault. Hindi niyo rin kasalanan. Ako iyong pilit humahanap ng mali kahit ang totoo ay sobrang perpekto ng pamilyang ito. Hindi ako makuntento dahil hindi ko magawang pantayan si Kuya Jordan. Pakiramdam ko, hindi ko kayo deserve. Pakiramdam ko ang anak niyong mahina at pabigat lang sa inyo."


That bitterness in my chest that I had been harboring for so long came out.


"I'm sorry, Mommy because this is the real me. Hindi ako iyong anak na akala niyong matino, mahinhin at palagi lang walang kibo. The truth is I am immature and rebellious. Instead of appreciating everything you do for me, I rebelled against you. Please, do not forgive me."


Nanghihinang napaupo si Mommy sa sofa habang yumuyugyog ang balikat niya sa pag-iyak. Dinaluhan siya ni Daddy para hagurin ang likod pero hindi maampat ang mga luha niya.


"Ethel, please be strong. Our children are growing teenagers. They are in a crucial stage of their lives, and we need to be strong for them. Sa atin sila kumukuha ng lakas."


Patuloy pa rin sa pag-iyak si Mommy. Ang mga hikbi niya ay sumusugat sa pagkatao ko, paano ko ba siya nagawang saktan nang ganito?


She was a perfect mother and she did nothing wrong. It was not her fault that I became like this.


Hindi ko na kinaya na makita ang pag-iyak ni Mommy. I didn't deserve her tears. I didn't deserve her love. Tumalikod na ako at pumasok sa kuwarto ko. Sa kama ay doon ko ibinuhos ang pagsisisi ko. My parents were perfect. My family was perfect yet I was still not satisfied. I still looked for their flaws and focused on their shortcomings.


Magdamag akong umiyak na dahilan sa pamamaga ng mga mata ko kinabukasan. Masakit na masakit din ang aking lalamunan. Katok ni Kuya Jordan sa pinto ang gumising sa akin. "Jill..."


Sumilip lang ako sa pinto. "How's Mommy?" paos ang boses na mahinang tanong ko.


"Hindi siya papasok sa school ngayon."


"Si Daddy?"


"Nakaalis na. May importanteng meeting. Ako ang maghahatid sa 'yo."


"You're going to be late in your class." Umiling ako. "Hindi ako papasok. Tapos naman na akong mag-clearance."


Hindi na ako pinilit ni Kuya Jordan, bagaman itinulak niya nang marahan ang pinto para makapasok siya sa kuwarto ko. Magaan niya akong niyakap. "Jillian, I'm sorry. Kuya is very sorry..."


Sumubsob ako sa leeg niya at mahinang sumibi. "I told you, it's not your fault..."


"Papasok na ako. Will you be okay?"


"Of course." Sinikap kong bigyan siya ng isang ngiti. Ayaw ko na siyang pamroblemahin pa tungkol sa akin. Aside from our family's problems, he also had his own problems. I didn't want to add more to his worries.


Nang umalis si Kuya Jordan ay pinuntahan ko si Mommy sa kuwarto. Nakahiga pa siya sa kama pero alam ko na gising na siya. Alam ko na buong gabi rin siyang umiiyak kay Daddy.


Mommy was blaming herself. Ganoon kasi siya. Ang pamilya ang pinaka-importante sa kanya, kaya kapag may kaunti lang na problema ay dinidibdib niya talaga. At iyong nalaman niya tungkol sa akin ay isang napakalaking bagay na para sa kanyang bilang isang ina.


My eyes were still swollen from crying when I prepared something for Mommy to eat for lunch. And although I was feeling weak from lack of sleep, I still cleaned the house. Pumasok pa rin ako sa klase kahit half day lang. Alam ko kasi na mas hindi gugustuhin ni Mommy kung hindi ako papasok. After the clearance, I also went home immediately.


Nalungkot ako nang makitang hindi nagalaw ni Mommy ang inihanda ko sa kanyang lunch. She was just in their room the whole day. Pinuntahan ko siya para ipaalam na nakauwi na ako. I apologized again after hugging her and kissing her on the forehead.


Kuya Jordan also went home early today. Matamlay siya nang pumasok sa pinto. He also went to Mommy's room before heading to his own room.


Dumating ang girlfriend ni Kuya Jordan na si Carlyn nito ring hapon. Hindi niya ito nilalabas. May problema na naman siguro silang dalawa. Hindi rin naman natiis ni Kuya Jordan ang girlfriend niya. Noong huli ay nilabas niya rin ito.


Nakatingin ako sa bintana dahil nag-aalala ako. Sandali lang naman ay pumasok na rin ulit sa bahay si Kuya Jordan. Namumula ang mga mata ng lalaki na basta lang akong nilampasan. Nagkulong siya sa kuwarto niya.


Hindi na ako kumatok. I entered his room and found him sitting next to the bed. I knelt in front of him. "Kuya, everything will be okay."


"'You think so?" walang buhay na tanong niya sa akin.


Tumango ako.


Hinuli niya ang aking pulso ko at niyakap ako. "You don't like Carlyn, do you?"


Umiling ako. "Does it matter, Kuya? Ang importante ang nararamdaman mo."


Hindi siya kumibo.


"To be honest, I don't like everything about Carlyn except for one thing. She's genuine."


Luhaan man ay maliit siyang ngumiti. "Yeah, she is. That's why I love her."


I just hoped that everything would work out fine for them. Ayaw ko na masasaktan ang kapatid ko. Iyon ang bagay na makakapagpabago sa puso ko.



....


GRADUATION NIGHT.


Dumating na ang gabi ng pagtatapos. Sa school namin gaganapin ang ceremony. Habang masaya ang lahat ay ako ay magulong-magulo ang isip. Nakita ko kahapon ang girlfriend ni Kuya Jordan na kahalikan ang ex nito. Ang dami ring inaalala ng kapatid ko kaya nahahati ako ngayon kung sasabihin ko ba sa kanya ang nakita o kikimkimim ko.


I hated that girl so much. Kuya Jordan didn't do anything bad to her, but she still cheated on him. I was so angry, but I couldn't do anything. I couldn't tell my brother the truth. I didn't have the heart to hurt him because I knew how much he loved his girlfriend.


Lumayo muna ako kina Mommy habang hindi pa nagsisimula ang ceremony. Naglalakad-lakad ako hanggang sa makarating sa madilim na parte ng school, sa may building ng Grade 7. I was about to return when I saw smoke coming from the back of the building. Nang sumilip ako ay natagpuan ko roon si Hugo na naninigarilyo.


Napatingin siya sa akin. "What are you doing here, Herrera?"


Nilapitan ko siya. "Napadaan lang." Kinuha ko ang sigarilyo sa bibig niya at binitiwan sa lupa pagkatapos ay tinapakan.


"Fuck! Sayang!"


"Mas sayang ang baga mo."


"Whoa!" Napahilamos siya sa kanyang mukha. "Concerned ka matapos mo na naman akong iwasan ng ilang linggo? Weather-weather ka talaga."


"Tiisin mo na. After tonight, hindi naman na tayo magkikita pa."


"Tsk. May socmed. May text. Saka saang lupalop ka ba mag-aaral ng college? Sa Mars?!"


Umiling ako. Lahat ng bagay at tao sa parteng ito ng pagkaligaw ko ng landas sa buhay ay ayaw ko na sanang makita pa. Gusto kong mag-focus na lang ulit sa pag-aaral at sa aking pamilya.


"Seryoso ka?" pasigaw na ang boses niya na nilangkapan ng gulat, pagtataka at pagkaasar.


"Oo. I think it's better for us to forget everything. Pati na rin ang pagkakakilala natin sa isa't isa." Tinalikuran ko na siya.


"Hoy, Herrera!" habol niya. "Ginagago mo ba ako?!"


Lumakad na ako palayo. Hindi na para bumalik pa kahit ng sulyap. Bahagi man si Hugo ng mga kalokohan ko sa buhay, I had no regrets meeting him. He made me happy. He made me feel alive. Pero hanggang doon na lang iyon.


Hanggang doon lang ang papel ni Hugo sa buhay ko.


Iniwan ko na si Hugo na badtrip. Umalis na rin siya. Sa kabila ako dumaan para hindi kami magkasabay. Habang naglalakad ay hawak ko ang aking dibdib. Nagsisikip ito na ipinagtataka ko.


Hugo was just a minor character in my life, but why did it feel like this? Mas masakit kaysa sa pakiramdam noong nawala sa akin si Harry.


Hindi ko napansin na may makakasalubong ako na babae sa daan. Sa dinami-rami ay si Carlyn pa talaga. Darn it, I was not in the mood right now to be patient and kind.


Nakaharang siya sa daan sanhi para magkabangga kami sa balikat. Carlyn pulled me by the arm. "Pinagpapasensiyahan lang kita pero pikon na pikon na ako sa 'yo!"


"Let go of me!" banta ko sa kanya. Napuno na ako. Dahil sa dami-dami ng gumugulo sa puso at isip ko, nawala na ako sa huwisyo.


Doon na kami nagpang-abot na dalawa. We ended up fighting.


"I hate you! I hate you!" tili ko habang hila-hila ang buhok niya. Parang lahat ng hinanaing ko sa buhay ay gusto kong ibuhos sa pagsabunot sa buhok niya. I was not myself anymore and it didn't matter to me even if someone would see us.


"I hate you too, times two!" tili rin niya. Gigil na gigil din siya sa pagsabunot sa akin na para bang ang lahat ng frustration niya ay sa akin niya rin nilalabas.


"Malandi ka!"


"Share mo lang!"


Dumating ang mga estudyante na nakikiusyoso. Ang dami nang nanonood pero ayaw ko pa ring bitiwan si Carlyn at ganoon din siya sa akin.


"Ay shet, may sabong!" palatak ng bagong dating. Sa peripheral vision ko ay nakita ko na si Hugo iyon. He was now with Sussie.


The shock on Hugo's face doubled when he recognized me. Windang siguro siya na nakikipag-away ako.


Wala akong pakialam sa kanya ngayon. Ang gusto ko ay mailabas ang lahat-lahat ng kinimkim kong emosyon. I tightened my grip on Carlyn's hair. "Malandi ka! Niloloko mo lang ang kuya ko!" I screamed. "Malandi! Manloloko!"


Gumanti lang naman siya ng sabunot sa akin. "Wala kang pakialam! Ikaw ba niloloko ko? Masyado kang affected!"


"Ano ba? Tumigil kayo!" sigaw ni Sussie. Hinarap niya ang mga estudyanteng nanonood. "Ano, bakit walang umaawat sa kanila?!"


Halos mapunit na ang damit ni Carlyn dahil sa mga paghaltak ko, pero ang damit ko ay buo pa rin maybe because she was only pulling my hair, but not my clothes.


Ang naghiwalay sa amin ni Carlyn, of all people, si Hugo. Dinakma ng lalaki ang ulo namin at inilayo kami sa isa't isa. "Tama na 'yan! Pag-uuntugin ko kayo!" sigaw niya sa amin.


"Ano ba?! Pakialamero!" galit na bulyaw ni Carlyn kay Hugo.


Hindi siya pinansin ni Hugo. Sa halip ay hinarap niya ang mga nakikiusyosong estudyante sa paligid. "Kayo? Di pa kayo aalis? Kokonyatan ko kayo isa-isa! Imbes tumawag ng teacher, nakikinood lang kayo, tangina niyo, ah!"


Takot na nag-alisan naman ang mga ito.


Itinulak ni Hugo si Carlyn papunta kay Sussie at pagkatapos ay hinila ako palayo. Mariin niya akong binulungan, "Tama na, Herrera! Tangina, hihikain ka!"


Nagpumiglas ako at binalewala ang sinabi niya. Dinuro ko si Carlyn na pigil-pigil ni Sussie dahil gusto pa ring sumugod sa akin. "Maldita ka talaga!"


"Mas maldita ka, wag kang papatalo!" ganting sigaw ni Carlyn sa akin.


"Jillian," malamig bagaman magaan na boses ang naging dahilan para mahimasmasan ako. Paglingon ko sa bukana ng building ay nakatayo roon si Kuya Jordan.


Daig ko pa ang nagising mula sa pagkakahimbing. Hiyang-hiya ako dahil naabutan ako ng kapatid ko sa ganitong tagpo. Para akong bata na nagdahilan. Sinumbong ko si Carlyn sa ginawa nitong panloloko sa kanya. Ang akala ko ay hindi ako paniniwalaan ni Kuya Jordan pero sa gulat ako ay hinila niya na ako palayo.


Napahikbi ako nang kami na lang ni Kuya Jordan. I apologized to him but he said it was fine. He said he was okay. That I had nothing to worry about.


Hanggang matapos ang graduation night ay ang humihingal pa rin ako. Pilit ko iyong itinatago at sa kuwarto ay nakaubos ako ng nebulizer nang hindi ko ipinapalaam kahit kanino.


Kung may isang tao man ang nakakaalam na hindi ako makahinga sa mga oras na ito, it was none other than Hugo...


For the first time in my life, nakipag-away ako. Huli ko na para pagsisihan iyon. It was indeed the most memorable graduation of my life.


....


THE NIGHT AFTER THE GRADUATION.


11:45 PM. My phone suddenly rang. The number was unregistered but of course, I knew who was calling. I memorized his number. I clearly told him that our weird kind of friendship was already over, so I was surprised to receive a call from him. 


Sinagot ko ang tawag matapos ang ilang minutong pag-iisip. Hindi ko rin natiis e. "What?" tanong ko agad dahil hindi siya nagsasalita sa kabilang linya.


It took two minutes before I could hear his voice. [ Herrera, alam ko, nagdeklara ka na ng kalimutan. Pero nakarami ka na sa akin. ]


His deep baritone had no hint of playfulness, it was so serious.


[ I am not okay, Herrera. ]


Natigilan ako sa sinabi niya. Bigla ay nag-alala. "Hugo..."


[ I am really not okay... so... ] Sa pagkakataong ito ay nabasag na ang boses niya. [ Baka pwedeng kahit ngayon lang, please... ako naman sana ang damayan mo... ]


JF


#TroublemakerbyJFstories


Seguir leyendo

También te gustarán

247K 10K 36
Mula sa angkan ng mayayaman, tumakas siya at tinalikuran ang pagiging chief executive officer/CEO ng sariling kompanya para takasan ang manyak na in...
8.3K 382 5
One last time, he needs to be the one who takes her home. One more time, he promises that after that he'll let her go. He doesn't care if she's got h...
1.2M 44.6K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...