South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5.6M 337K 213K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 21

59.4K 3.2K 1.8K
By JFstories

HARRY'S LIPS WERE PRESSING INTO MINE.


I couldn't believe it but this was exactly what was happening. My eyes widened and my mind suddenly went blank. Nang magsimulang gumalaw ang malambot na mga labi ni Harry ay napakurap ako. Nakapikit ang mga mata niya habang hawak-hawak ako.


It was just a light kiss. Not demanding nor aggressive. Gayunman, may mainit na hagod. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ay ang pagpikit ng aking mga mata. Nang pakawalan niya ako ay hinagkan niya ako sa noo.


"I'm sorry." Hinaplos niya ako sa ulo. Masuyo at maingat na hinagod ng mga palad niya ang buhok ko habang magaan akong hinahagkan sa noo. "I'm sorry, Jill. For everything, I am sorry..."


I looked up at him and met his eyes. Sobrang lamlam ng mga iyon at may kaunting luha. Nangangatal din ang mga labi niya.


"I used to think and believe that I only like you as a cousin, as a younger sister. But suddenly one day I was surprised to realize that I don't think that way about you anymore. Natakot ako kasi alam ko na mali iyon."


"That was why you avoided me?"


Malungkot siyang ngumiti sa akin. "I'm so sorry. I tried suppressing my feelings for you because I thought it was the right thing to do. I'm sorry for not realizing sooner that I was hurting you in the process."


"Harry..."


"I still want to see you, Jill. To talk to you and be with you. Do you feel the same? O nagkakamali lang ba ako?"


Umiling ako. "I thought you already know the answer."


Bagamat may luha sa mata ay napangiti na siya. Niyakap niya ako nang magaan. Gumanti rin ako ng yakap sa kanya. Ilang minuto na magkayakap kami bago siya nagpaalam na babalik na sa kuwarto ni Kuya Jordan. Bago pa siya lumabas sa pinto ay niyakap niya pa ulit ako at hinagkan sa noo. 


Nang mag-isa na lang ay naupo ako sa gilid ng kama. Wala sa loob na kinapa ko ang mga labi na hinalikan kanina ni Harry. It really did happen. Harry really kissed me.


...


HINDI KO ALAM kung ano kami. Wala kaming napag-usapan pero may unawaan. 


Sa tuwing magtatama ang mga mata namin ay iba na kaysa noon. May pinagkaiba na. Marami nang mababasang damdamin. Wala na iyong pagtatakip sa kung ano ang nararamdaman namin. Hindi pa rin ako makapaniwala at may pagkakataon na nahihiya ako kaya ako na ang kusang nagbaba ng tingin.


Nang matapos ang breakfast ay kami ang nagligpit sa pinagkainan. Nag-uunahan kami sa mga plato at nang magkabangga kami sa lababo ay tinawanan niya ako. Hindi naman ako napikon pero kinurot ko siya sa tagiliran. Tumawa pa rin siya. Hanggang sa sabay na kaming naghugas ng mga plato.


Mabula ang lababo kaya nang kinakapa ko ang kutsara sa ilalim ay hindi sinasadyang nahawakan ko ang kamay ni Harry. Napaigtad ako sa gulat dahil nang akmang babawiin ko ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya ay siya naman ang humawak sa akin. Nauwi kami sa pagho-holding hands sa ilalim ng mga bula. Nag-iinit ang ang aking mukha at pakiramdam ko ay pulang-pula ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lang ako.


"Hindi pa ba kayo tapos?" boses ni Mommy sa likuran namin. "Ang tagal niyong maghugas diyan. Okay lang ba kayo?"


Saka lang ako binitiwan ni Harry. Nilingon niya si Mommy. "Malapit na, Tita Ethel. Matindi kasi ang sebo ng ulam natin kanina kaya ang hirap hugasan ng mga plato."


"Ha? Masebo ba ang kaldereta?" Napaisip naman si Mommy.


Nang umalis na si Mommy para bumalik sa kuwarto ay siniko ko si Harry. Ngiting-ngiti pa rin siya. "You're blushing!"


"Heh! Crazy!"


Pagkatapos maghugas ng pinagkainan ay tinulungan niya rin ako na maghugas ng buong bahay. Nag-general cleaning kami. Pag napapatingin sa isa't isa ay nagkakangitian kami na parang mga tanga. Ang init-init tuloy ng pisngi ko hanggang sa gumabi na.


Nang sumunod na hapon kinabukasan ay nanood kami ni Harry ng TV habang magkatabi sa sofa. Pag wala sila Mommy at Daddy ay hinahawakan niya ang kamay ko. Noong una ay sinasaway ko siya, kalaunan naman ay nasasanay na ako.


May times pa na hanggang madaling araw kaming inaabot ng panonood ng kung anu-anong movie sa TV. Hindi naman kami sinasaway nina Mommy kahit nagpupuyat dahil bakasyon naman.


May sakit ang pumupunta sa amin na labandera kaya kami ni Harry ang naglaba. Automatic washing machine ang gamit namin sa ibang damit, kumot at mga cover ng kama, pero ang ibang damit ay pakusot naming nilabhan. Sanay naman siya sa gawin dahil gumagawa rin siya sa bahay nila kaya wala siyang karekla-reklamo. Pagkatapos nga lang namin sa likod-bahay ay nagsimula siyang harutin ako. Nagtutulakan kami sa pinto na kagaya lang din ng ginagawa namin noong mga bata kami.


Nakikita kami ni Mommy. Wala naman kaming naririnig na pananaway dahil sanay si Mommy na ganito rin kami noon ni Harry. Hindi siya katulad ni Tita Eva na nag-pa-panic agad dahil nga sa malalaki na kami ni Harry para magharutan nang ganito.


Bumalik na kami sa dati ni Harry. I was his princess again and he was my prince. Bumalik na iyong samahan namin na naputol dahil lang sa dahilang nagdadalaga at nagbibinata na raw kami. O mas tamang sabihin na higit na pala roon ang namamagitan sa amin ngayon dahil iba na ang nararamdaman namin sa isa't isa. Mas malalim na.


Lumipas ang two weeks na bakasyon ni Harry sa amin sa Pascam na kahit wala kaming matinong usapan ay talagang masasabing may nagbago na sa relasyon namin. Hindi niya na ulit ako hinalikan sa labi pero madalas niya akong halikan sa kamay at noo.


Inihatid niya ako sa kuwarto ko na akala mo ay napakalayo nito. "Goodnight, Jill."


"Goodnight, Harry."


Bago siya pumasok sa pinto ng kuwarto ni Kuya Jordan ay sumilip pa siya ulit sa akin. Habang nakahiga sa kama ay tiningnan ko ang mga photos namin na kinuhanan sa buong linggo. Si Harry halos ang kumuha ng mga ito. Mga wacky photos namin sa sofa. Matapos tingnan iyon ay pinatay ko na ang ilaw sa lampshade na katabi. Kagaya ng mga nakaraang gabi ay natulog ako na nakangiti.


...



SA SUSUNOD na araw pa sana uuwi si Harry kaya lang ay sinundo na siya kinabukasan nina Tita Eva at Tito Harold. Umuwi na ang mga ito mula sa bakasyon. Aaminin ko na nakaramdam ako ng lungkot.


Nasa labas kami ng bahay habang nasa loob ang mga matatanda at nag-uusap-usap. Nakaupo ako sa gutter ng kalsada nang tabihan ni Harry. "We'll keep in touch."


Hindi ako kumibo.


Marahan niya akong siniko. "Unblock my number."


Lumabi ako at tumayo na.


"Jill..." Hinawakan niya ako sa kamay.


"Alright. I'll unblock your number."


Harry stood up and to my surprise, he hugged me. I immediately panicked because someone might see us. Wala mang tao sa paligid at papadilim na ay posible pa ring may makakita sa amin. What if biglang lumabas sina Mommy at Daddy? O kaya ang parents niya?


"When are we going to tell them?"


Malamlam ang mga mata ni Harry nang tingalain ko siya.


Sa paglayo ko sa kanya ay natalisod ako sa bato na pangkalang sa kotse ni Daddy na naiwan sa kalsada. I almost fell but Harry grabbed me by the waist. He bent down on me and again, I felt his warm lips against my lips. Natulala ako sa kanya pagkatapos ng mabilis na halik.


"Jillian, I love you."


My eyes watered in tears. Harry finally said the words that I thought I would never hear from him...



GRADE 12.


New school year. Bagong room sa second floor ng Grade 12 building pero ang mga taong aking makakasama ko ay mga kilala ko. Pagkabasa ko palang ng listahan ng aking magiging classmates ay bumagsak na ang balikat ko. Paredes, Contamina, Tamayo at ang kilalang-kilalang apelyido sa buong school, the notorious 'Aguilar'


I shook my head. My phone beeped and I received a message from Harry. Pangalawang beses na ito ngayong araw. Ang una ay ang kanina nang magising ako.


Harry:
Good luck and take care. I miss you 420.


420. That was the number of times he had said that he missed me. Mula nang umuwi siya sa kanila sa Tagaytay hanggang sa araw na ito ay hindi na naputol ang communication namin. Hindi man madalas ay hindi naman natatapos ang isang araw na wala akong ma-re-receive na message mula sa kanya.


May pumasok na babae sa room. Chubby ito at may magandang mukha. Naghahalo ang mabait at supladang kinang sa maganda nitong mga mata. Isa nga rin pala siya sa magiging kaklase ko. When our eyes met, she gave me a small smile. I smiled at her too. I knew her. She was Susana Alcaraz or 'Sussie'.


Ang kinuhang upuan ni Sussie ay sa bandang harapan ng upuan namin ni Dessy. Kauupo lang nya nang pumasok sa pinto ang isa pang familiar na mukha, ang girlfirend ni Kuya Jordan na si Carlyn Marie Tamayo. Binangga nito ang mga estudyanteng nakaharang sa daan. Pati ang nakaupo sa dapat na upuan ni Sussie ay pinaalis nito.


Nang mapatingin sa akin si Carlyn ay bumungisngis ito. Sa pagkabigla ay napayuko na lang agad ako. Pagsulyap ko ulit sa kanya ay nakasimangot na siya. Naulinigan ko pa ang bulong niya, "'Pakasungit."


I ignored her. Pinuntahan ko na lang muna si Dessy sa labas. Sa hagdan ko natagpuan si Dessy na ka-holding hands ang bagong boyfriend.  Noong bakasyon ay iba rin ang boyfriend ng babae. Mukhang nag-move on na talaga siya sa feeling niya kay Hugo dahil na-realized niya naman siyang mapapala.


Dumami na ang mga estudyante at magsisimula ang klase. Nang pumasok ang teacher namin sa first subject ay nagsipuntahan na sa kanya-kanyang upuan ang lahat. Nasa harapan ng upuan namin ni Dessy sina Sussie at Carlyn. 


Nagulat ako dahil ang harot ni Carlyn kay Sussie at hindi naman niya ito sinasaway. Hindi ko gaanong kakilala si Sussie pero sa pagkakatanda ko sa kanya ay hindi siya palakaibigan. Kahit noong naging kaklase ko siya ay hindi siya palakibo o palangiti. Teachers lang ang madalas niyang kinakausap.


Sussie was too focused on her studies and she was openly showing everyone that she had no intention of wasting her time on useless things, so it was kind of surprising to know that she and Carlyn were friends.


Umalis si Carlyn sa kinauupuan at may tinawag ito mula sa labas ng room. "Itlog!" she shouted.


Napakurap ako nang makita kung sino ang matangkad na lalaking pumasok sa pinto. Nakipag-fist bump ito kay Carlyn at nang tumingin sa akin ay ngumisi.


Hugo...


Kaklase ko nga pala siya ulit ngayon. Nang magsimula itong humakbang palapit ay humigpit ang aking pagkakahawak sa phone ko. Ang akala ko na paglapit niya sa akin ay hindi nangyari. Hugo went straight to Carlyn's seat.


He sat beside Sussie and started teasing her. "Hi, Sussie! Long time no piggy."


Si Sussie na hindi ko inaasahang makikipagusap sa katulad ni Hugo ay ngayo'y nakikipagusap na sa kanya at ngumingiti pa.


Nakatingin lang ako sa likuran at ang blangkong tingin na balak ko ay ngayong puno ng pagtataka. Kalaunan ay nakuha ko rin kung ano ang nangyayari.


Pumasok ang teacher namin. Nag-start ang klase na panay ang tingin ni Hugo kay Sussie. Hindi naman naiilang ang babae sa kanya. Paminsan-minsan ay binabatukan siya pero wala siyang reklamo. Aaminin ko na nakakagulat dahil akala ko ay ako lang ang nakakagawa niyon kay Hugo. Wala kasing magtatangka na batukan siya o hampasin man lang dahil kilala siyang mainitin ang ulo.


"Ma'am, may I go out?!" sigaw ni Hugo sa gitna ng pagtuturo ng teacher namin.


Lumabas agad si Hugo dahil ihing-ihi na raw. Pagbalik ay may dala-dala ng chips at drinks. Napagalitan siya ng teacher dahil obviously ay hindi siya sa banyo pumunta kundi sa canteen. Sa kabila ng mga sermon ng teacher namin ay cool lang siya. Ibinigay niya ang mga pinamili kay Sussie. Nagkaroon ng tuksuhan sa room na kung hindi pa nagsaway si Ma'am ay hindi pa matitigil.


Wala sa loob na minasdan ko si Sussie. Mukhang nahiya ito sa ginawa ni Hugo. Narinig ko na pinagsabihan din ni Sussie ang lalaki. May kurot pa sa braso. Sa lahat ng iyon ay nakangiti lang si Hugo.


Masyado siyang maasikaso kay Sussie. Maalaga. Ultimo sa pagkahulog ng ballpen ni Sussie ay nakikipag-unahan pa siyang dumampot. Nang may mang-asar dito ay binato niya ng crumpled paper sa mukha. Kapag naman seryoso ang babae ay nakapangalumbaba siya sa armchair habang nakatingin lang dito, like she was the most beautiful thing ha had laid his eyes on.


So Hugo Emmanuel Aguilar could be like this...


Buong klase na distracted ako dahil hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa harapan. Kahit nga kapag kinakausap ako ng aking katabi na si Dessy ay hindi ko ito maintindihan.


Pagtunong ng bell sa breaktime ay tumayo ako. Hindi na ako nakapagpaalam kay Dessy. Pababa ako sa hagdan nang mag-beep ang phone ko. It was Harry again.


Harry:
Lunchtime. I miss you 422.


Nakatingin ako sa message nang maisipan ko na mag-reply. Nag-ta-type ako ng text habang naglalakad kaya bumagal tuloy ang aking mga hakbang. Hindi ko napansin ang mga pababang estudyante sa hagdan. Nagtutulakan ang mga ito hanggang sa may bumunggo sa akin mula sa likuran. Nabitiwan ko ang phone at tumilapon iyon.


Papikit na ako dahil alam ko nang babagsak sa ibaba ng hagdan ang phone nang biglang may kamay na sumalo roon. Napadilat ako nang malaki kasabay nang pag-awang ng aking mga labi. Pasubsob halos na bumangga sa gilid ng barandilya ng hagdan ang isang matangkad na lalaki para lang saluhin ang phone ko.


"Gotcha!" aniya sabay ngisi.


Hugo?!


Napamaang din siya nang makita ako. "Herrera!"


Inabot niya sa akin ang phone ko. Nakanganga naman ako na tinanggap iyon.


"Kailan ka pa nag-text habang nasa daan?" Napailing siya. "In love ka ba?"


Nakanganga pa rin ako. Nang mahimasmasan ay napasinghap. "What are you saying?!" sikmat ko.


Tumawa lang siya. Iyong tawa signature laugh niya na pang-gago.


"Hugo, dali!" sigaw ng kasama niya na nauna na sa ibaba. Kaklase namin last school year kaya kilala ko, si Bimbo Zaragosa. "Magyo-yosi pa ako sa labas!"


Tumango ako kay Hugo at ibinaling na sa direksyon ang paningin. Ganoon din naman ang ginawa niya. Sumunod na siya sa mga kasama niya. Nang nasa ibaba na siya ay kusa namang humabol ang mga mata ko. Napabuntong-hininga ako nang wala na sila.


Ibinalik ko na ang phone sa bulsa ng suot na school skirt. Nakalimutan ko nang i-reply ang text message ni Harry.


Pumunta na ako sa faculty. Kausap ni Mommy sa phone si Daddy. Ang pinag-uusapan nila ay si Kuya Jordan. Hindi na matapos-tapos ang usapan nila tungkol kay kuya. Puring-puri kasi ng papa ni Daddy si Kuya Jordan. Matalino raw kasi at masyadong matured sa edad nito kaya proud parents sina Mommy at Daddy.


Nang makita ako ni Mommy ay ibinaba niya na ang call. "My baby!"


"Hi, Mommy!" Pumuwesto na ako sa mesa niya at inihanda na ang lunch box. Kanin at ulam ay fried chicken.


"Hala, walang ketchup!" ani Mommy.


Natapik ko ang aking noo. Nasa isip ko na kanina iyon pero nakalimutan ko pa.


Bumuntong-hininga si Mommy. "Hay, hindi kasi ang kuya mo ang nag-ayos e. Alam mo naman iyon, kapag siya ang naghanda ng baon natin ay talagang walang nakakalimutan."


Maaga kasing umalis si Kuya Jordan dahil babiyahe pa ito papunta ng Dasma. "Sorry Mommy, akala ko nailagay ko na..."


Habang kumakain kami ay panay ang tingin ni Mommy sa labas ng bintana ng faculty. Panay din ang pagpapakawala niya ng paghinga. Hindi niya gaanong nagagalaw ang pagkain sa lunchbox.


"Mommy, hindi mo pa ba gusto iyong ulam? Sorry po kasi nasobrahan yata ang pagprito ko. Hindi ko po kasi talaga magaya iyong pagpiprito ni kuya..."


Umiling siya. "No, baby. Okay naman ang prito mo. Masarap naman."


Lumabi ako dahil alam ko naman na mas gusto niya talaga ang pagpiprito ni Kuya Jordan. Sinusubukan ko namang galingan at gayahin pero iba talaga pag si kuya ang gumagawa. Pulido, perpekto.


"Sorry, baby. Wala lang akong gana." Ibinaba ni Mommy ang kutsara at tinidor. "Na-miss ko lang siguro ang kuya mo. Nalulungkot lang siguro ako kasi hindi ako sanay na hindi na tayo sa iisang school pumapasok..."


"Ethel, malungkot ka pa rin," anang co-teacher niya na dumaan sa gilid namin. Kapapasok lang nito sa faculty. Teacher sa Grade 7.


Ngumiti si Mommy rito. "Nakakapanibago lang talaga."


"Masasanay ka rin na hindi mo na kasama ang binata mo. Ganyan din ako sa panganay ko e. Pero wala tayong magagawa. Kailangan nating pakawalan sila para matutong mag-isa. Ganoon talaga ang buhay."


Hinawakan ko ang kamay ni Mommy. "Matalino naman po si Kuya Jordan, Mommy. Kaya niya ang sarili niya. Saka sa Dasma lang naman po siya e. Sa atin pa rin naman siya nakatira at umuuwi."


Pagkakain ay nagpaalam na ako kay Mommy. Pareho lang din ang routine ko tuwing breaktime. Sa faculty ako kumain kasama si Mommy. Pagkatapos ay babalik sa room para mag-advance reading for the next lesson.


Wala na si Kuya Jordan dito sa school kaya sa akin na matutuon ang atensyon ni Mommy. Pati ang ibang teachers ay mas mapo-focus na sa akin dahil alam nilang kapatid ko ang paborito nilang genius student. Kailangan kong i-pressure ang sarili sa pag-aaral para hindi naman sila ma-disappoint sa akin.


Sa pagbabasa ng mga libro ay hindi ko na namalayan ang oras. Tumunog na ang bell at nagsipasukan na ang mga kaklase ko. Nasa loob na lahat pati ang teacher namin nang may humabol na isa. Proud pa na pumasok sa pinto na akala mo hindi late. T-shirt na lang ang suot at wala nang nakapatong na school polo. Nakangiti pa habang hinahagod ng mga mahahabang daliri ang buhok.


Nanalim ang mata ng teacher namin. "Hugo Emmanuel!"


Tumingin si Hugo rito. "Ninang!"


Napingot siya sa harapan naming lahat. "Hindi mo ako ninang ngayon! Late ka, gusto mo bang unang araw ng klase ay ipatawag ko agad ang mommy mo?!"


Kandangiwi naman si Hugo habang hawak ang tainga niya na napingot ng teacher namin na ninang niya pala. "Hindi ako late, Ninang—Ay, Ma'am pala! Nag-jingle lang ako pero kanina pa ako!"


"At sa tingin mo, maniniwala ako? Ano ka ba naman, Hugo Emmanuel?! Graduating ka na, disi nueve ka na yata, binata na, pero ganyan ka pa rin! Pasaway!"


"Oo nga, Hugo! Binata ka na, magbago ka na!" segunda ni Bimbo. Isa sa mga kaibigan niya sa likuran ng room.


Nakikigatong ang mga kaibigan niya na akala mo mga concerned, samantalang mga nang-aasar lang naman talaga. Namumukhaan ko ang mga ito dahil mga tambay rin kina Dessy noon. Ang malaki ang mga mata na mahilig maglagay ng scarf sa ulo na natatandaan kong ang pangalan ay Francis 'Angke' Molina ay sumisipol pa.


"Hugo, magbago ka na! Bulbulin na pero pasaway ka pa rin!"


Nagtawanan ang mga kaklase namin habang ako ay napailing.


"Quiet!" sigaw naman ng teacher namin.


Sinamaan din ng tingin ang mga estudyanteng maliligalig.


"Totoo naman na kanina pa ako e," nangangatwiran pa si Hugo. "Tanong niyo pa kay Susana Alcaraz. Nag-bonding kami kanina sa labas!"


Nagkaroon ng tuksuhan naman sa room. Tiningnan ko ang reaksyon ni Susana Alcaraz o Sussie. Parang wala lang naman sa babae. Inirapan lang nito si Hugo.


Kung meron mang parang kiti-kiti na hinagisan ng asin ang reaksyon ay ang katabi ni Sussie na si Carlyn iyon. Nang dumaan si Hugo ay nakipag-apir pa ito rito bago nakipagpalit ulit ng upuan dito. Si Carlyn ang umupo sa likurang bahagi ng room kasama ang mga kaibigan ni Hugo.


"Landi talaga niyan," ani Dessy na nakairap nang lumingon kay Carlyn.



UWIAN nang mag-beep ang phone ko. Nasa sasakyan na ako at mag-isa sa backseat ng kotse ni Daddy. Isa lang naman ang inaasahan ko, si Harry. Tumingin muna ako kina Mommy na nasa harapan bago i-check ang phone.


Napatitig ako sa screen nang i-tap ko at makitang hindi pala si Harry ang nag-text.


UNKNOWN NUMBER:
HI JILL! DO YOU MISS ME?


May gumapang na kilabot sa akin pagkabasa roon. Matagal na iyong huling message na natanggap ko mula rin sa isang unknown number, pero alam kong iisa lang ito at ang sender ngayon.


Binura ko agad ang message. Akma ko nang i-b-block ang number nang may pumasok ulit na bagong text mula rito.


UNKNOWN NUMBER:
Planning to block my number again? Why not change your number instead? Kahit ano kasing block mo sa akin, bibili lang ulit ako ng bagong sim. Pero kung magpapalit ka ng number, medyo mahihirapan na siguro ako. But don't worry, I will still find ways to get your new number so I CAN PESTER YOU AGAIN.


"Jillian, are you okay, baby?" Nilingon ako ni Mommy mula sa shotgun seat.


"Mommy, can I change my mobile number?"


"Bakit?" Nang lumingon si Daddy sa akin ay may pag-aalala sa mga mata niya. Kahit si Mommy ay parang biglang napaisip.


Mabilis akong umiling at ngumiti sa kanila. "Uhm, wala naman po. Naisip ko lang. Pero wag na lang po..."


Ngumiti si Mommy. "Alright, baby." Tila siya nakahinga nang maluwag. "Akala ko kung ano na."


Hindi na ako muling nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagbaba namin sa sasakyan ay wala man lang nakapansin sa amin sa lalaking naka-hood na nakatayo sa may kanto ng street.


Matagal na nakamasid ito sa bahay namin. Nang dumating na si Kuya Jordan ay yumuko ang lalaking naka-hood. Naglakad na rin ito paalis pagkatapos.


Nasa kuwarto na ako nang maka-receive ulit ng text. Ibang number na naman dahil na-i-block ko na ang kanina. Sa pagkakataong ito ay hindi na lang basta kilabot ang naramdaman ko. Kundi matinding takot.


UNKNOWN NUMBER:
IF YOU TELL ANYONE ABOUT ME, I'M GONNA KILL YOUR MOM.


Nang mag-ring ang phone at nag-appear ang parehong number sa screen ay muntik ko nang mabitiwan ang phone. Dahil sa panginginig ng aking mga dailiri ay na-tap ko ang answer call. Hindi naka-loudspeak pero naulinigan ko ang paos na pamilyar na boses doon.


[ Jill, you've been a very good girl that you deserve a reward from me. Just wait a little bit. You'll see me soon because I'm going to attend your graduation. ]


JF

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 256K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
229K 3.4K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
1.8K 118 16
Isla is known as a good daughter of Foresia and Simon, hindi rin s'ya nananahimik kapag alam n'yang s'ya ang tama. One day, she discovered the desser...
193K 757 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.