South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5M 322K 207K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 17

52.6K 3.5K 2.1K
By JFstories

HOW WAS HE ABLE TO MAKE ME FEEL THOSE THINGS? Bakit pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko kay Hugo dahil lang sa nakita niya ako na kausap si Harry?


Nang tumalikod si Hugo matapos ang kanyang nang-uuyam na ngisi ay parang may parte ko na gusto siyang habulin at magpaliwanag.


"Jill." Napalingon ako kay Harry na katabi ko na ngayon sa kotse. Hindi pa kami umaandar. Naka-park pa rin dito sa labas ng school habang papaubos na ang mga estudyante sa paligid.


Ah, oo nga pala. He wanted us to talk. But what we were going to talk about?


"Your phone." Inilahad ni Harry sa harapan ko ang kamay niya.


"W-what?"


"I'm gonna unblock my number." Malungkot ang boses niya. Kasing lungkot ng mga mata niya na nakatingin sa akin.


Nagbawi ako ng mga mata at bumuntonghininga.


"What's our problem, Jill?"


Umiling ako. "None."


"Then why are you like this?" nagkaroon na ng gasgas ang boses niya. "Is this because I have a girlfriend now?"


Nagulat ako sa sinabi niya kaya muli akong napatingin sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko. "W-why should I care if you have a girlfriend?"


Malamig siyang ngumiti sa akin. Sumandal siya sa sandalan ng kinauupuang driver's seat. "You know the answer to that question. You know the answer but I don't. Nangangapa ako sa 'yo."


Hindi ba ako iyong nangangapa?


"I can't understand myself. Why I'm so worried and restless just because you're mad at me... Why would you hate me just because I have girlfriend? Why, Jill? Bakit din hindi ako mapakali dahil alam kong galit ka at iniiwasan mo ako?"


Tumiim ang mga labi ko.


"Jill, akala ko kapag nagkaroon ng ibang babae sa buhay ko, hindi na ako maguguluhan nang ganito..."


Umawang ang mga labi ko. Nang mahamig ang sarili ay marahan akong yumuko. Maliit ang mahinang boses na aking pinakawalan. "H-hinihintay na tayo sa bahay. Paandarin mo na itong kotse..."


Narinig ko ang mahinang pagbuga niya ng hangin bago ini-start ang kotse. Nag-drive siya na tahimik lang habang tahimik lang din ako sa tabi niya. Pagdating namin sa amin ay nauna na akong bumaba. Ni hindi ako nag-thank you o nagpaalam sa kanya.


Sa tapat ng bungalow naming bahay ay may isa pang sedan na naka-park. Ang kotse na madalas ding gamitin nina Tito Harold at Tita Eva. Hindi talaga napapakali si Tita Eva kapag nalalamang pumupunta rito sa amin si Harry.


Pagpasok sa pinto ay nakatingin agad sa akin si Tita Eva. "Sumabay ka kay Harry? Bakit ka niya sinundo? May pinag-usapan ba kayo?"


"Na-miss lang ng mga bata ang isa't isa," nakangiting sabat ni mommy.


Hindi pa rin naman nagpatinag si Tita Eva. Nagtatanong maski ang mga mata. "But where is Jordan? Bakit di niyo kasama? At bakit ang tagal niyo?"


"We waited for Jordan, Mom." Si Harry na ang sumagot.


Hinintay? What a lie.


Nilapitan niya si Tita Eva at hinalikan sa pisngi. "My, may sasabihin ako kay Jordan kaya ako dumaan sa school nila."


Nalipat na ang topic kay Kuya Jordan. Nagsimula na namang mag-alala si mommy dahil wala pa ang kuya ko. Sinubukan nilang tawagan ni daddy pero hindi ito sumasagot.


"Painom, Jill," tawag ni Harry sa akin ng busy na ang mga magulang namin.


Naglapat ang mga labi ko. Alam naman niya kung saan ang kusina. Kabisado niya ang buong bahay at feel at home sya rito. Minsan nga ay nagkakalkal siya sa ref namin, nakikiluto, nakikikain, at naghuhugas pa ng mga plato sa lababo.


"Jill..." malambing ang boses niya. "Please, tubig?"


Sumulyap ako kay Tita Eva. Nasa iba na ang atensyon ng babae kaya nakahinga ako. Nag-uusap na sila ni Mommy tungkol sa walang katapusang usapin sa lupa. Ang problema sa hatian sa benta dahil ayaw ni Tita Eva na mas lamang si Mommy sa pagbebentahan, kesyo siya ang panganay sa kanilang dalawa.


Pumunta na ako sa kusina para ikuha ng tubig sa ref si Harry. Pagsara ko ng pinto ng ref ay muntik akong mapatili nang bumangga ang likod ko sa katawan niya. Humabol pala siya sa akin dito.


Hinawakan niya ako sa braso bilang pag-alalay kahit hindi naman ako matutumba. Nahugot ko ang aking paghinga dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit gusto niyang papuntahin ako sa kusina.


Sinikap kong kumalma kahit naglalatang ang inis sa dibdib ko. Inabot ko sa kanya ang pitsel. "Ikaw na ang kumuha ng tubig mo."


Inilagay niya lang sa mesa ang pitsel. "Tell me what I need to do and I'll do it. I'll do anything just so you don't hate me anymore."


Napatingin ako sa sala na tanaw lang mula rito sa kusina. Natatakot ako na baka mapalingon dito si Tita Eva. Ayaw na ayaw ng tita ko ang ganito, ang magkadikit kami ni Harry. Hindi na nga naman magandang tingnan dahil hindi naman na kami mga bata.


May sasabihin pa si Harry nang mag-beep ang phone niya. Wala siyang balak pansinin nang sumunod ay mag-ring na iyon. "Tingnan mo kung sino..."


Napatitig siya sa akin.


"Baka importante."


Napilitan siyang kunin ang phone sa bulsa ng suot na slacks uniform. Umiilaw ang screen niyon at dahil sa lapit namin sa isa't isa, nakita ko ang photo ng caller. Babae.


Magandang babae na nakangiti ang contact photo. Hindi roon gaanong natutok ang paningin ko kundi sa naka-saved na pangalan. 'Baby'


Baby... Just like how he used to call me before.


Nang tingnan ko ang reaction ni Harry ay nakanganga siya sa gulat. "It wasn't me who saved her number..."


"Maybe it was her who did it since she has access to your phone." Dahil girlfriend niya ito kaya normal lang na pakialam ng babae ang lahat ng gamit niya.


Hindi na nakapagsalita pa si Harry. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa phone. Kahit parang may gusto pa siyang sabihin ay nauuwi na lang iyon sa pagtatagis ng kanyang mga ngipin.


Pagbalik sa sala ay nagpaalam na ako na papasok sa kuwarto. Hindi na ako tumingin pa kay Harry kahit ramdam ko ang paghabol sa akin ng mga mata niya.


Sa kuwarto ay akala ko na si Harry pa rin ang aking iisipin. Pero hindi. Ang gumagambala sa akin ngayon ay ang nangyari sa school kanina bago ako umuwi.


Hindi ko magawang kalimutan ang madilim na ekspresyon ni Hugo kanina nang makita niya ako na kausap si Harry. At hanggang sa makatulog ako ay si Hugo ang laman ng isip ko.



WAS HUGO MAD? Hindi ko alam. Ayaw kong alamin. Pero siguro oo. Pagpasok ko kaninang umaga sa room ay nakita ko na agad ang pagbabago ng mood niya. Kausap niya lang ang tropa niya at bigla-bigla, para na siyang nawalan ng gana.


Sa buong araw ay hindi iisang beses na aksidenteng nagtatama ang aming paningin, hindi rin iisang beses na kapag napapatingin siya sa akin ay nagdidilim ang kanyang ekspresyon.


Iyon na ang huling araw na tumingin siya sa akin dahil sa sumunod ay hindi na. Parang isa na lang ako sa mga kaklase namin kung saan ay wala siyang pakialam.


Tumatambay siya sa labas ng room, nakikipagkuwentuhan sa mga tropa niya, at minsa'y may kinakausap na babae sa kabilang section. Pagkatapos ay kaswal na dadaan siya harapan ng aking kinauupuan. Maski inis na tingin, nakakalokong ngisi, pag ismid o kahit pagtaas ng kilay ay wala na.


Nang magkasabay kami ni Hugo na lumabas sa pinto ay hindi niya ako pinauna. He didn't even give a damn when he accidentally hit me in the arm. Nakapamulsa siyang lumabas at sumama na sa tropa niya na naghihintay sa kanya.


Walang paglingon na naglakad na siya palayo kasama ang mga ito. Likod na lamang niya ang aking nakita hanggang sa makalayo na siya.



UWIAN kinabukasan. Sa uwian ay huli akong lumabas. Nasa corridor si Hugo at kausap si Carlyn. Ang touchy niya sa babae. Sa lahat naman ay touchy siya kaya hindi na ako gaanong nagulat. Though, may ibang damdamin ako na naramdaman.


"Nagsama ang dalawang pokpok!" asar na boses ni Dessy sa aking tabi.


Sabay kami na naglakad papunta sa gate. Masama ang kanyang loob dahil nakita rin niya si Hugo na kausap si Carlyn.


"Bwisit na Carlyn talaga 'yan, e. Nangangati na naman. Bakit kasi di pa 'yan nasamang na-kicked out kay Wayne e. O kaya dapat siya na lang na-kicked out na letse siya!"


Pagkauwi ko ay nagsaing ako at pagkatapos ay nagkulong na sa kuwarto. Nagbalik ako sa hobby na pag-d-drawing. Nakakailang papel na ako pero hindi ako makabuo ng kahit ano.


Sumuko na muna ako at nag-cellphone na lang. Pagbukas ko ng newsfeed ay sakto pa na naroon ang bagong palit na profile photo ni Hugo. Headshot iyon na nakaharang sa mukha ang kanyang middle finger.


Pumunta ako sa profile ni Hugo. Ayaw ko na makakita ng kahit ano sa kanya sa timeline kaya i-a-unfollow ko sana siya, kaya lang ay ewan ko kung bakit imbes na unfollow ang gagawin, ay na-tap ko ang 'unfriend'.


Natutop ko ang aking bibig sa nagawa. Hindi naman siguro malalaman ni Hugo na in-unfriend ko siya?


Hindi naman niya i-chi-check ang account ko, di ba? Kaya hindi naman siguro niya makikita. At kung sakaling malalaman man niya na in-unfriend ko siya, hindi naman siguro siya magagalit dahil hindi naman kami magkaibigang dalawa.



"PRES JILL, WASAK ARMCHAIR MO."


Ang sumbong ng katabi ko sa upuan na si Wena ang sumalubong sa akin pagpasok. Tama siya dahil ang upuan ko na dating upuan ni Dessy ay ngayo'y sira nga ang armchair.


Hindi lang basta sira, kundi wasak. Tila binaklas sa paraang marahas. Nakausli ang sirang kahoy at mga pako, na kahit magdahan-dahan ako sa pag-upo ay tiyak na magugurlisan ako sa braso.


"Bakit nagkaganito, Wena? Ayos pa naman ito kahapon, ah..."


Napalunok si Wena at tila siya natakot sa tanong ko. "H-hindi ko alam, Pres. Hanap ka na lang siguro ng ibang upuan."


Inilibot ko ang paningin sa buong room. Lahat ng upuan ay merong may ari. Hindi naman puwede na basta ipalit ko ang upuan ko sa iba.


Napadpad ang aking paningin sa bandang likuran sa kinauupuan ng tropa ni Hugo. Nang makitang nakatingin ako ay nagsiyukuan at nag-iwas ng mata ang mga ito. Napakunot naman ang noo ko.


Nang mag-bell na ay pumasok ang mga kaklase namin. Ang karamihan sa kanila ay napatingin sa upuan ko dahil nasa unahan lang iyon. Nagtataka marahil kung ano ang nangyari sa armchair.


"Jill, anyare sa upuan mo?" tanong ni Dessy na kararating lang. Basa pa ang buhok niya. "Baka makipagpalit ka sa akin, ah?! Ayoko!"


Paglampas ni Dessy sa akin ay may bumangga sa likod ko. Nang aking lingunin kung sino ay napamaang ako nang makita si Hugo. Hindi siya nakatingin sa akin. Masikip ang daan at sabay-sabay ang mga kaklase ko na nagsipasukan kaya inisip ko na lang na baka nga hindi niya ako napansin.


Inayos ko ang sira-sirang kahoy na nakausli bago ako naupo. Pinukpok ko ng tipak din ng kahoy na napulot sa sahig ang pako na puwedeng makasugat sa akin. Nang tingin ko ay okay na ay saka ako naupo.


Nakita ng teacher namin na wala akong armchair. Tinanong ako kung anong nangyari. Wala akong maisagot dahil hindi ko naman alam ang nangyari. Tinanong din ang mga kaklase ko pero tahimik ang mga ito.


"Okay lang po ako, ma'am," sabi ko sa teacher. Ayaw ko na makarating pa kay Mommy kasi mag-aalala lang iyon. Saka alam ko naman na mahirap ang upuan sa public school. Baka walang extra o kaya naman ay may pinaglalaanang iba.


"Request ka na lang ng upuan mamaya, Pres," bulong sa akin ni Wena. Iniisip niya na madali lang akong makakakuha ng bagong upuan since teacher ang mommy ko at president ng student council ang aking kapatid. Pero hindi naman ganoon dapat.


Tyinaga ko na lang na ang ginawang patungan ay ang bag ko. Doon ako nagpapatong ng notebook o papel kapag nagsusulat.


First break namin ay naglabasan ang mga kaklase ko. Nang dumaan ang tropahan ni Hugo sa harapan ko ay maiingay ang mga ito, pero nang tumingala ako ay biglang mga nanahimik. Katulad kanina ay hindi makatingin sa akin ang mga ito.


Si Hugo na inaasahan ko na hindi titingin sa akin ay ikinagulat ko nang tumingin. Not totally sa akin, kundi sa upuan ko na may wasak na armchair. Ang mas ikinagulat ko ay nang ngumisi siya at umiling-iling.


Tigagal ako nang makalabas na siya ng pinto kasama ang mga tropa niya. Doon ay maiingay na naman sila. Tinutukso siya ng mga ito sa bagay na hindi ko maintindihan kung ano.


May namumuong hinala sa isip ko pero agad ko rin iyong iwinasto. Hindi naman siguro...




LUNCHBREAK. May nagsabi yata kay mommy tungkol sa upuan ko kaya pumunta si Kuya Jordan para hatiran ako ng bagong upuan. Hiyang-hiya ako pagpasok ng kapatid ko sa room namin. Bagong bago pa kasi ang upuan at mukhang galing pa sa stock room.


"Are you okay, Jill?" tanong ni Kuya Jordan sa akin. Hinawakan niya ako sa ulo.


Ngumiti ako sa kanya para hindi na siya mag-alala. "Okay na, kuya. Salamat." Paglabas niya ay sumabay ako sa kanya. Magsi-CR muna ako bago tumunog ang bell.


Nagmamadali ang mga hakbang ni Kuya Jordan, hindi niya napansin na nalaglag ang dala niyang pentel pen. Dinampot ko iyon at ihahabol sana sa kanya, kaya lang ay umakyat na siya sa hagdan patungo sa second floor. Mukhang pupuntahan niya si Carlyn.


Pumunta na ako sa CR. Nadatnan ko roon si Dessy. Nakaharap siya sa salamin habang naglalagay sa pisngi ng blush on. Napatingin siya sa hawak kong pentel pen. "Bakit may dala ka niyan? Pahiram!"


Hindi niya ako hinintay na tumanggi, inagaw niya na agad sa akin ang pentel pen. Nagtataka naman ako dahil pumasok siya sa isang cubicle na dala ang pentel.


Nakaihi na ako pero nasa kabilang cubicle pa rin si Dessy. Hinintay ko siyang lumabas. Nang lumabas siya ay napamulagat ako nang masilip ang pader sa loob ng cubicle na pinanggalingan niya. May nakasulat doon na wala naman kanina.


'CARLYN MARIE TAMAYO POKPOK!'


Isa lang iyon sa maraming nakasulat sa dati'y malinis at bagong pintura na pader. "Dessy, anong ginawa mo?!"


Ngiting-ngiti siya nang proud na sumagot, "Binura iyong sinulat namin dati nina Rosethel kaya ibinalik ko lang."


"Dessy, hindi ka dapat nag-v-vandal. Nabababoy ang school sa mga ganyan at isa pa, naninira ka ng tao—"


"Hindi paninira iyon, Jill!" putol niya sa sinasabi ko. "Wala ka kasing alam e!"


Si Dessy ang walang alam. Hindi niya alam na girlfriend ng kuya ko ang babaeng ibina-vandal niya.


Nanlamig ako nang ibinalik niya na sa akin ang pentel pen ni Kuya Jordan. Ang pentel pen na mismong ginamit sa vandalism para kay Carlyn!


"For sure naman buburahin din ulit ng mga taga student council ang vandal ko." Humagikhik siya. "Pero bago iyon, marami munang makakita."


"Dessy, girlfriend ng kuya ko si Carlyn."


Nabura ang ngisi niya. "Totoo iyon? Hindi chismis lang?! Shit, Jill! Bakit hinayaan mo?!"


"Desisyon iyon ng kuya ko. Hindi ko naman hawak ang desisyon niya."


"Kahit na!" Tumaas ang boses ni Dessy. "Kapatid mo iyon, hinayaan mong mapunta sa pokpok?! My gawd! Ganyan talaga pag matatalino e, bobo sa real life!"


Nauna nang lumabas sa akin sa banyo si Dessy. Pero bago siya lumabas ay inagaw niya ulit sa akin ang pentel pen. Mahirap na raw kasi dahil baka burahin ko ang vandal na ginawa niya. Hinila niya na ako palabas.


Habang naglalakad kami ni Dessy sa corridor ay nanlalabo ang mga mata ko sa luha. Gusto ko siyang isumbong, kaya lang natatakot ako na maparusahan siya. Natatakot din ako na malaman ng mga tao at lalo nina Mommy na hinayaan ko lang si Dessy na gawin ang vandalism.


Higit na ikinatatakot ko ang magiging reaksyon ni Kuya Jordan kapag nalaman niya na kaibigan ko pa mismo ang naninira kay Carlyn. Natatakot ako na baka magalit sa akin si kuya dahil wala akong ginawa.


Pagpasok sa room ay nasa upuan na si Dessy. Busy na ang babae sa hawak na phone. Ang katabi niyang si Hugo ay nakatingin sa mga tropa sa likod. Gaya ulit kanina, nang makita ako ng mga ito ay nagsiyukuan na naman.


Napatingin si Hugo sa akin. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ang pagdaan ng excitement sa ekspresyon niya. Nang ngumisi sa akin ang mapula niyang mga labi ay bigla na lang akong kinabahan.


Naupo na ako sa aking bagong upuan. Hindi pa ako nagtatagal sa pagkakaupo nang mapansin na parang maiiyak ang katabi ko na si Wena. Hinarap ko ang babae at tinanong.


Ayaw pang magsalita ni Wena kaya lang ay pinilit ko siya. Napilitan siyang magsalita. "P-pres, may bubble gum sa upuan mo..."


"Ha?" Sukat ay agad akong napa-check sa kinauupuan. Inangat ko ang palda ko at ganoon na lang ang aking pagsinghap nang makitang may bubble gum nga!


Napatayo ako at nahila ang bubble gum mula sa upuan hanggang sa palda ko. Natawa ang mga kaklase namin na nakakita, ang iba naman ay mga nagsiiwasan ng mata.


Sinubukan kong alisin ang bubble gum gamit ang wipes pero ayaw maalis. Makapit na makapit iyon sa palda ko. Anong gagawin ko? Pawisan na ako sa pag-aalis pero madikit na madikit pa rin talaga.


Nahinto ako sa pagpupunas ng wipes nang maramdaman ang mga titig sa akin. Nang mag-angat ako ng mukha ay nakita ko si Hugo. Nakataas ang isang kilay niya sa akin at sa mga mata niya ay masisinag ang pagkaaliw.


Doon nag-sink in sa akin ang lahat. Kumuyom ang mga palad ko.


"You pathetic jerk," mahina bagaman mariing bigkas ko. Kahit may kalayuan ako sa kanya ay alam ko na narinig niya.


Umismid lang si Hugo. Tinungga niya ang hawak na can ng Coke saka bumaling na sa mga tropa. Nakipag-apir siya sa nasa likod niya. Ang lalaking iyon naman ay nag-peace sign sa akin dahil obviously, nabuko ko na ang leader nila.


Nagtatagis ang mga ngipin ko na bumalik sa pagkakaupo. Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit. Anong kasalanan ko sa kanya, ha?!


Hindi ko matanggap na ang iniisip ko dati na hindi naman siya ganoon kasalbahe ay isa palang malaking pagkakamali. Simula pa lang nang una, ganoon na talaga siya, isang siraulong estudyante!


Sa huling break ay dumaan na naman ang tropa niya harapan ng upuan ko. Nagtutulakan ang mga ito. Nang si Hugo na ang dadaan ay narinig ko pa ang pag-ismid niya.


Kumuyom ang mga palad ko sa pagtitimpi. Hindi ako lumabas ng recess. Nakaupo lang ako at nakayuko sa upuan. Hindi ako nagtataas ng mukha kahit nang nagsimula nang magpasukan.


May nagtulakan na naman sa harapan ko at sa mga boses ay aking nakilala na mga tropa ni Hugo. Wala akong balak na tumingala sa mga ito kung hindi lang may tumamang can ng Coke sa ulo ko!


Nagkaroon na naman ng tawanan. Nahinto lang ang tawanan nang mag-angat ako ng mukha. Nagitla ako nang makitang ang nasa harapan ko ay si Hugo. Sa kaliwang kamay niya ay naroon ang Coke in can na kanina'y tumama sa aking ulo.


"Masikip ang daan, pres!" anang tropa niyang kalbo na ang pangalan ay kilala sa tawag na 'Dags'. Ito rin ang ang nag-peace sign sa akin kanina. "Hindi sinasadya ni Hugo, pres. Sorry, pres!"


Naki-sorry din ang ibang tropa niya, maliban sa kanya.Naghintay ako na may sabihin mismo si Hugo dahil magkahinang ang aming mga mata, pero tinaasan niya lang ako ng kilay at pagkatapos ay naglakad na papunta sa upuan niya.



HINDI IYON ANG HULI. Pag-uwi ko sa bahay ay saka ko lang nalaman na may bato sa loob ng bag ko.


Kinabukasan naman ay may bubble gum na naman sa upuan ko. Hirap na hirap na naman ako na maglinis. Nanggigil na ako sa totoo lang. Gustong-gusto ko na siyang saksakin ng ballpen sa tainga niya. Nagpipigil lang talaga ako.


Sa uwian ay nanguna akong lumabas. Akala ko ligtas na ako nang may bumangga sa akin. Naglatang na naman ang inis sa dibdib ko nang makita na si Hugo ang bumangga sa akin.


"What?" nakakalokong tanong niya. Ang silver na hikaw niya sa dila ay bahagyang kuminang nang magsalita siya.


Sandali akong natigilan nang malanghap ko ang mabangong hininga niya. Naghahalo ang amoy ng toothpaste na gamit niya, mint bubble gum, at Coke. Napangisi siya sa pagkakatulala ko.


Paglampas niya sa akin ay doon ako napakurap. Pahiyang-pahiya ako sa sarili. Ahg!


Hindi ko ugali ang magtanim ng galit o gumanti, pero ngayon ay hindi ako papayag na hindi ako makabawi sa mga pinagagagawa ni Hugo sa akin. I would make that pathetic jerk pay!


Pagkauwing-pagkauwi sa bahay namin ay nagbihis at kumain agad ako. Naglinis ako ng kusina para wala nang gagawin mamaya. Hinintay ko na makapasok sina Mommy sa kuwarto bago ako lumabas ng bahay.


Pumara ako ng tricycle at nagpa-special papunta sa Buenavista. Dere-diretso ako loob ng bahay nina Dessy. Mabuti na lang at nasa CR ang babae kaya hindi ako nakita. Malas ko lang dahil nandito ngayon si Wayne.


"Jill, tinakasan mo ako noong nakaraan!" sumbat niya sa akin. Namumula na naman ang mga mata.


Nagpanggap ako na walang balak umiwas para hindi niya ako bantayan. Pumunta ako sa sofa at naupo. Ayaw ko na magkasolo kami kaya dito ako pumuwesto sa may ibang mga tao.


Kinalabit ako ni Wayne sa balikat. "Samahan mo pala muna ako sa likod. Magyoyosi ako."


Tumango ako. Tumayo na si Wayne. Nang makaalis na siya ay tumayo ako sa sofa. Hindi para sumunod sa kanya kundi para puntahan ang tunay na pakay ko kaya ako naririto.


Nang walang nakatingin ay dali-dali ako na pumunta sa kusina. Tinungo ko ang hagdan at saka ako ako umakyat sa second floor ng bahay nina Dessy.


Nang nasa harapan na ako ng pinto ng kuwarto ay basta ko pinihit ang doorknob. Akala ko pa nang una ay naka-lock, but luckily hindi.


Pagbukas ko ay para akong tinakasan ng kaluluwa dahil sa napasukan. Si Hugo ay nakaupo sa kama, t-shirt na lang ang suot niya dahil nakababa ang suot niyang pants at briefs. Ang mas nakakagimbal pa ay may babaeng nakaluhod sa pagitan ng mga hita niya!


Napatingin ang namumungay na mga mata ni Hugo sa akin. Sandali lang ang pagkagulat niya. Wala lang sa kanya kahit nakikita ko ang ginagawa niya. Sa pagkakangiti niya ay parang naaaliw pa nga siya.


Naaaliw siya habang ako ay naeeskandalo nang husto!Isinara ko ang pinto dahil baka may ibang makakita. Mas nahihiya pa ako kaysa mismo kay Hugo na chill lang habang hawak niya ang umaalon na ulo ng babae sa kanyang harapan.


Wala siyang pakialam kahit may nanonood sa kanila. He was really enjoying this. I didn't know what's got into me but I waited for Hugo until he achieve orgasm. Nang makitang napapaliyad na siya ay inilabas ko ang aking phone at itinutok sa kanila.


Doon nanlaki ang mga mata ni Hugo nang makitang kinukuhaan ko sila ng video. Napasigaw siya, "What the fuck are you doing?!"


Napalingon din sa akin ang babae na nasa pagitan ng mga hita niya. Nagulat ito nang makita ang hawak kong phone. Nagmamadali itong nag-ayos ng sarili at lumabas ng kuwarto dahil sa takot.


Pagbukas ng pinto ay narinig ko ang sigaw ni Wayne, hinahanap ako. Tapos na siguro itong humithit. Isinara ko ulit ang pinto at naiwan kaming dalawa ni Hugo sa kuwarto.


"I wonder what Ma'am Aguilar would say if she sees your video."


"Fuck you!" gigil na anas ni Hugo. Kandatakip siya ng unan sa kanyang harapan. Nagtatagis ang mga ngipin niya habang nakatingin sa akin.


Pinagmasdan ko siya. Maangas, may galit at paghihirap sa mga mata dahil sa hindi natapos na ginagawa. He was handsome as he was nasty.


Itinaas ko sa ere ang phone na hawak. "You're under my mercy now."


"Bitch," maigting na bigkas niya.


Dumilim ang mga mata ko. "No, Aguilar. You are the bitch here." Napanganga siya na tila di inaasahan ang lumabas sa aking bibig. Ngumiti ako sa kanya. "My bitch."


JF


#TroublemakerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

11M 274K 47
X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily...
959K 30.6K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1M 34.6K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.