South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5M 321K 206K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 13

56.7K 4.1K 1.9K
By JFstories

I WAS CRAZY.


Para hayaang mangyari ang lahat ng iyon sa pagitan namin ni Hugo nang walang pagsisisi sa huli. Naiiling ako habang naglalakad pauwi.


I looked at my phone. Harry's friend request was still there. I sighed and declined it. I was about to turn off the data when I received a notification. I was stunned when I saw that Harry's sent me a friend request again.


Natutop ko ang bibig. He was online?! Nakita niya agad ang pag-decline ko sa kaka-send niya lang ulit ng request!


I could imagine Harry's reaction when he saw that his request had been declined. Ang inosenteng pagtatanong sa mukha ng lalaki kung ano ang problema ko at kung ano ba ang nangyayari.


Nanginginig ang mga daliri na ini-off ko na ang data. Hindi naman siguro siya pupunta para sa simpleng friend request lang. I could still think of excuses bago pa kami magkita. Or puwede namang umiwas na lang ulit ako sa kanya.


Mabilis ang mga lakad ko paliko sa street namin. Wala pa ang sasakyan ni Daddy sa tapat ng bahay namin kaya alam ko na hindi pa sila umuuwi ni Mommy. Bukas na ang ilaw sa loob at pagpasok ko ay narito na nga si Kuya Jordan.


Bago pumasok sa bahay ay kinapa-kapa ko muna ang mga labi ko na bahagya pang namamaga. Nag-alala ako dahil baka halata. Bumalik sa isip ko ang nakangising mukha ni Hugo.


Ipinilig ko ang aking ulo at kinondisyon ang sarili bago ako tumuloy sa loob ng bahay. I was right. Kuya Jordan was already here. Nasa kusina ang lalaki at nagsasaing. 


"Kuya..." mahinang tawag ko. Nahuli niya na mag-isa lang ako na umuwi. I knew he wasn't happy about it. Nagpunas siya ng kamay sa kitchen towel at hindi man lang tumingin sa akin.


Lumapit ako at hinawakan ang laylayan ng suot niyang t-shirt. Saka niya lang ako hinarap. Hindi naman galit pero seryoso ang ekspresyon. Hindi naman kasi siya marunong magalit.


"What time is it now, Jill?"


Nakagat ko ang aking ibabang labi nang mapatingin sa orasan sa kusina. Quarter to 8:00 p.m. na. Natagalan ako kina Dessy dahil nagpahintay pa si Hugo.


"Isusumbong mo ba ako kina Mommy?"


Napabuga si Kuya Jordan ng hangin. "Nah. Nagkaroon ng problema sa hatian ng lupa nina Mommy at Tita Eva. May problema sila ngayon."


"Anong problema?" Bigla akong nag-alala. Kung ganoon ay may problema pala talaga ang pamilya namin na hindi ko alam.


Si Tita Eva ay ang nag-iisang kapatid ni Mommy at ang mommy ni Harry. Mabait naman si Tita Eva kaya lang ay pagdating sa usaping pera at hatian ng rights ay mahigpit ito.


Umiling si Kuya Jordan. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Sa halip ay ibinalik niya ang topic sa pag-uwi ko nang mag-isa. "I won't tell our parents about this, Jill. Pero wag mo nang uulitin ito."


Si Kuya Jordan na mismo ang naglabas ng donuts sa ref na para sa akin. Ipinaghain niya ako. Sinubukan ko siyang pigilan dahil kaya ko naman. Saka siya na nga ang nagsaing na dapat ay toka ko sana.


Siya na rin ang kumuha ng tubig para sa akin. Habang nakasunod ng tingin sa kanya ay ang nasa isip ko, Kuya Jordan was really a perfect brother...



UMAGA. Naglalagay ako ng lunch box sa paper bag habang nasa sala sina Mommy, Daddy, at Kuya Jordan. May pinag-uusapan sila na hindi nila ipinaparinig sa akin.


Sa tuwing mapapatingin sa akin si Daddy ay mas humihina ang boses nito. Hindi ako kumikibo kahit may parte ko ang gustong-gusto nang magrebelde. Gusto ko lang naman malaman kung ano ang nangyayari, kung ano ang problema ng pamilya.


Gusto kong ipakita sa kanila na kaya ko naman. Hindi na ako bata para palaging alalahanin. At minsan, pupuwede naman nila akong pagkatiwalaan. 


Nang matapos maayos ang mga paperbags ng pinaglalagyan ng mga baon namin ay lumapit na ako sa kanila. Huminto sila sa pag-uusap at mula sa pagiging seryoso ng mga mukha ay ngumiti sila.



KINAHAPUNAN ay sabay kami ni Kuya Jordan dahil may pinuntahan sina Mommy at Daddy. Sinundo niya mismo ako sa room dahil baka mauna na naman akong umuwi.


Sa bahay ay nagtataka ako dahil ang bilis ng mga kilos ni Kuya Jordan. Nagsaing siya agad pagkauwi namin. Iginawa niya rin ako ng meryendang pancake kahit pa ang sabi ko ay busog pa ako.


Habang nakasalang ang sinaing ay naglinis siya sa kusina at sala. Nang makatapos ay bitbit ang tuwalya na pumasok sa banyo at naligo. Paglabas ng banyo ay naka-towel lang ang ibabang bahagi ng katawan niya.


Nagulat ako nang bigla siyang manghiram sa akin ng blower. Pinahiram ko siya kahit nahihiwagaan pa rin ako dahil ngayon niya lang ito ginawa.


Pagbalik ni Kuya Jordan sa akin ng blower ay nakadamit na siya. Simpleng shirt at shorts pero humahalimuyak ang gamit niyang mabangong men's cologne. Pagpasok sa kuwarto ko ay nanalamin pa siya sa salamin na nasa dingding.


Mga ilang beses pa niyang sinipat ang salamin bago nagsabi sa akin na aalis daw siya sandali. Hindi siya palaalis kaya nakakagulat, pero hindi ako nag-usisa.


I wanted my brother to enjoy his teenage life, and of course, his privacy. 


"I'm fine here, kuya." Sinabi ko iyon para hindi na siya mag-alala dahil nakikita ko na nag-aalangan siya na iwan ako.


Marami siyang bilin bago umalis like: Wag akong lalabas, wag sisilip kahit sa bintana at wag magbubukas ng pinto kahit sino ang kumatok, unless sina Mommy o siya ang dumating.


Nang wala na si Kuya Jordan ay nagbukas ang Wi-Fi sa phone. Sa GC ng pamilya namin ay may message si Mommy. Itinatanong kung nagmeryenda na kami ni Kuya Jordan. May message rin si Daddy na nagpabigat ng loob ko.


Daddy: @Jordan your mom sent you a message.


Alam ko na ang ibig sabihin, may pag-uusapan sila na sila-sila lang ulit.


I put down my phone and stared at the ceiling. I felt empty. So damned empty.


Makalipas ang mga minuto ay tumingin ako sa orasan. 7:30 p.m. pa lang. Maaga pa para matulog. And I doubt if I could sleep. Lumabas ako ng sala at doon ay sinalubong ako nang nakakabinging katahimikan. 


Sa tuwing wala akong magawa ay ibinubuhos ko ang aking oras sa pag-aaral. Kahit walang exams, nag-aaral ako. Kaya lang sa pagkakataong ito ay tinatabangan ako maski magbuklat ng libro.


Maski ang hobby ko na pagdo-drawing ay bigla kong kinatamarang gawin. Ano na lang ba ang gagawin ko?


Pagbalik sa kuwarto ay nahagip ng aking paningin ang phone ko. Dinampot ko iyon. Sa text inbox ako napadpad. Ang mga nag-t-text sa akin ay iilang lang. Paulit-ulit na sina Mommy, Daddy, Kuya Jordan, Dessy at...


Huminto ang mga daliri ko sa isang convo na mula sa taong bigla na lang sumulpot sa buhay ko. Ang mga daliri ko ay nagsimulang mag-type.


Me:
Where are you?


Sandali lang ay may reply na agad akong natanggap.


Aguilar:
Tambay sa plaza. Why?


Me:
Pwede ka ba ngayon?


Aguilar:
10mins labas ka na sa gate ng subd niyo.


Ang pananamlay ko kanina ay biglang naglaho. Nawala rin ang pagkabingi ko sa katahimikan at ang mabigat kong pakiramdam. Parang bumilis ang pagdaloy ng dugo sa mga ugat ko.


Wala pang 10 minutes ay nasa labas na ako ng subdivision. Khaki na summer linen tokong at white lace top ang suot ko habang sa paahan ay flat sandals na kulay puti. Itinaas ko ang buhok ko into a neat bun. Wala akong kahit pulbo sa mukha at may dala akong maliit na sling bag.


Nang matanaw ang papalapit na motor ay humakbang ako sa gilid ng kalsada. Paghinto ni Hugo ay hinubad niya ang suot na helmet at ibinigay agad sa akin.


Wala siyang dalang extrang helmet dahil biglaan ang pagpapapunta ko sa kanya. Sa may General Trias Sports Complex kami pumunta dahil malapit lang iyon dito at walang huli roon.


Pagpasok namin sa sports complex ay may mga nag-j-jogging sa loob kahit madilim at kaunti lang ang ilaw. May mga nakatambay sa gilid pero dahil sa laki ng lugar ay parang ang kaunti lang ng tao.


Bumaba ako sa motor at naglakad-lakad habang sinasamyo ang malamig na hangin. Inayos ni Hugo ang motor niya sa pagkaka-park saka niya ako sinabayan sa paglalakad.


"Me problema ka?" narinig kong tanong niya habang naglalakad kami.


"Paano mo nasabi?"


"Feeling ko lang."


Hindi ako kumibo. Tahimik lang ako habang naglalakad. Si Hugo ay nakapamulsa sa suot na shorts habang naglalakad lang din sa tabi ko. Paminsan-minsan ay pasimple niyang sinisilip ang mukha ko.


Nang mapadaan kami sa bandang may ilaw ay narinig ko siyang mahinang napamura. Nagulat ako nang pigilan niya ako sa balikat at iharap sa kanya. "Hoy, umiiyak ka?!"


Napakurap ako. Umiiyak ako? Hindi ko alam. Dinama ko ng palad ang aking pisngi at napatanga nang maramdamang basa iyon.


"Hoy, tangina, naiyak ka nga!"


Tila tuod na nakatingala lang ako sa nagpa-panic na mukha ni Hugo, sa nanlalaking mga mata niya, sa halos magbuhol sa pagsasalubong na makakapal at itim na itim niyang mga kilay.


"Hoy, ano ngang problema mo?!" halos bulyawan niya ako at tumalsik ang laway niya sa mukha ko pero wala akong pandidiri o pagkainis na nadama.


Nakatulala ako sa kanya hanggang sa napahikbi na ang mga labi ko.


"May masakit ba sa 'yo? Napaso ka ba ng tambutso ng motor ko? Nakatapak ka ba ng bubog?!"


Ang paghikbi ko ay napunta sa pagngiti. Tumutulo ang luha ko pero natatawa ako sa pagka-OA niya. Natigilan naman siya nang makita ang pagtawa ko. Lalo akong napangiti.


Naglakad kami papunta sa may damuhan sa gilid. Madilim sa parteng ito at ang ibang nakatambay ay bagamat tanaw namin ay may kalayuan sa aming puwesto.


Pasalampak na naunang naupo si Hugo sa damuhan. Nakabukaka siya at ang dalawang kamay ay nakatukod sa kanyang likuran. Marahan na naupo ako sa tabi niya nang pa-side position.


Malamig ang hangin, maganda sa madilim na langit ang mga bituin. Masarap sanang mag-stay kung wala lang ang huni ng mga lamok na umaaligid sa paligid. Nagkamot si Hugo sa braso at mula sa malamlam na liwanag ay nasinag ko ang paglipad ng lamok sa harapan niya.


"May lamok..."


"So?" tanong niya habang nagkakamot.


"'Di mo ba papatayin? Kinagat ka sa braso mo."


Napatingin siya braso niya na nagkaroon ng pantal. "Kinagat ako sa braso kaya bakit ko siya papatayin? Magkadugo na kami."


Napailing ako at ako na mismo ang pumatay sa lamok na kumagat sa kanya. Nagkapantal siya dahil sa lamok kaya naiinis ako sa lamok. Hindi ko napatay pero hindi ako sumuko. Nadamay na tuloy ang ibang lamok sa paligid.


"Hoy, balak mo bang ubusin lahat ng lamok dito sa sports complex?"


Napatigil ako at napatingin kay Hugo. Nakangisi siya sa akin na tila aliw na aliw. Kakapatay ko sa lamok ay napalapit na pala ako kanya.


Hinuli niya ang pulso ko at hinila ako paupo. Sa mismong tabi niya ako napaupo. Nangapal at nag-init ang aking pisngi nang kunin niya ang mga palad ko at tiningnan.


"Tingnan mo, may dugo na ang mga palad mo. Tsk. Isa ka nang kriminal."


Napanganga ako sa gulat nang bigla niyang hilahin at ilapat ang aking mga palad sa kanyang matigas na dibdib. Hinagod niya ang mga ito roon pababa sa kanyang sikmura.


Tiningnan niya ulit ang mga palad ko pagkatapos. "'Yan wala nang dugo."


Lalo akong napanganga. Kung ganoon ay ipinunas niya lang pala sa t-shirt niya ang mga palad ko.


Nang tumingin siya sa mukha ko ay tinaasan niya ko ng kilay. "Bat ka tulala? Nakokonsensiya ka na ba sa pagpatay na ginawa mo?"


Itinulak ko siya at naupo ako na malayo sa kanya.


Nagtutulele siya ng tainga gamit ang hinliliit na daliri. "So, ano ngang problema mo?"


Hindi pa pala siya nakakalimot.


Hindi ko ugaling magsabi ng nararamdaman o magkuwento kahit kanino, kaya kahit ako ay nagulat nang bumuka ang mga labi ko. "Family..."


Napaungol siya. "Fuck! Family problem? Meron ka nun?"


Yumuko ako. Alam ko ang tumatakbo sa isip niya. Sa mata ng lahat ay buena familia ang mga Herrera. Totoo naman iyon. Parehong responsable at mabubuting tao ang mga magulang ko, ganoon din ang panganay kong kapatid. Mga perpektong tao...


"Ano bang puwede mong maging problema? Hmn?" Napahimas sa baba si Hugo habang nag-iisip. "Let me guess, ampon ka lang?"


Hindi ko napigilan ang sarili na sikuhin siya.


"E ano? Imposible namang may kabit daddy mo o mommy mo? Baka kuya mo may kabit?"


Siniko ko siya ulit. This time, may kasama ng batok.


"Ano nga? Baka ikaw ang may ka—"


"I am pressured!" putol ko sa kalokohang sasabihin niya pa sana.


Kumiling ang ulo niya. "Huh?"


"Napi-pressure ako kahit walang pumi-pressure sa akin," mahina kong simula.


"Ano iyon? Trip mo lang ma-pressure?"


"Siguro," nakayukong sagot ko. "Palagi akong nag-iisip, palagi kong pinipiga ang utak ko sa mga bagay na hindi naman dapat pagtuunan ng pansin..."


Napapalatak siya. "You sure do live complicatedly."


(cut copy)


Parehong supportive ang parents ko, parehong mabait, hindi nila ako pini-pressure, pero napi-pressure ako. Napi-pressure ako at hindi ko na maintindihan ang aking sarili kung bakit ako nagkakaganito.


"Matalino ang kuya ko... Mula pa noong mga bata kami, matalino na siya. He has an IQ of 120 plus. Ma-accelerate na siya sa pinapasukang international school sa Manila kung hindi lang kami lumipat dito sa Cavite..."


Nagtututule si Hugo habang nakikinig sa akin.


"Ang sabi ni Daddy, nagmana si Kuya Jordan sa lolo namin sa father's side. Genius din kasi ang lolo namin na architect sa Spain at paborito siya nito..."


Nag-indian sit si Hugo. "Matalino ka rin naman e. 9 ka sa up to 10 na exam kanina."


"Hindi mo naiintindihan..." mahina bagamat mariin ang tono ko. "Kulang pa. Kulang iyon..."


"Gusto mong pantayan ang kuya mo?"


"I... I don't know." Nagbuga ako ng hangin. "I seriously don't know. Hindi ko lang maiwasan minsan na makaramdam ng inggit dahil mas matalino siya, mas mabait, at mas matino..."


Dumiin ang mga kuko ko sa aking palad. Hindi ako makapaniwala sa mga lumalabas na salita sa bibig ko. Nawiwindang ako na ganito na pala ang nararamdaman ko.


"Don't get me wrong. I love my brother!"


"Tss. Wala naman akong sinabing di mo mahal. Tuloy mo kuwento."


"I love my parents. Mahal ko kahit ang mga kamaganak namin... Mahal ko sila kahit hindi nila sinasadya na saktan ako sa tuwing nararamdaman ko na hindi ko kailangang magsikap dahil hanggang dito lang ako..."


Pagkalabas ng bigat na matagal kong dinala sa aking dibdib ay tumulo ang mga luha ko.


"Mahal ko rin sina Mommy at Daddy kahit pa ang wala silang tiwala sa akin. Kahit hanggang ngayon, parang batang walang muwang, mahina na kailangang protektahan ang tingin nila sa akin."


"Mahal ka rin nila."


"I know that..." Napahikbi ako. "I know that they love me. Kaya nga nagagalit ako sa sarili ko kung bakit nararamdaman ko ito. Di ba dapat thankful na lang ako?"


Hinagod ni Hugo ang likod ko. "Shhh, tahan na. Kakasinghot mo, makasinghot ka pa ng lamok."


Hindi ko pinansin ang pasimpleng pagpapagaan niya sa sitwasyon. Nagpunas ako ng luha gamit ang kamay ko. "Habang swerte ako sa kanila, napakamalas naman nila sa akin..."


Dumaan ang mga minuto na tahimik kami. Pinapanood ko ang pagtakbo ng mga nag-j-jogging, ang mga naglalakad sa paligid, habang si Hugo ay nakatingala sa kalangitan.


Mayamaya ay nagsalita siya, "Ganoon siguro talaga sa pamilya. Kahit gaano kaperpekto, may mga bagay pa rin na kabubuwisitan mo."


Naalala ko ang pamilya ni Hugo. Perpekto ring maituturing ang pamilya niya.


Mayaman sila. Businessman ang daddy niya at ang mommy niya ay public school teacher. Iisang anak lang siya kaya spoiled siya. Daig niya pa ang college student sa laki ng allowance niya. Sunod pa lagi ang luho niya.


Kahit masungit ang head teacher na si Mrs. Normalyn Aguilar na mommy niya ay mukha namang mabuti itong ina. Nakita ko kung paano ito mag-transform mula sa pagiging istrikta into a sweet loving mother nang makita siya.


Palaisipan sa lahat kung bakit sa kabila ng magandang pamilya ni Hugo ay lumaki siyang pasaway.


Ganoon nga yata talaga. Bawat pamilya, gaano man kaperpekto sa paningin ng iba ay hindi pa rin maiiwasang magkaroon ng problema. Sa kaso ng pamilya ko, ako lang naman ang problema.


Sumagap ako ng malamig na hangin. Magaan na ang dibdib ko. Ito ang unang beses na nailabas ko ang matagal ko nang kinikimkim, hindi lang ako makapaniwala na sa dinami-dami ng tao, kay Hugo ko pa talaga nailabas...


Nilingon ko siya at matiim na tinitigan. "Thank you, Hugo..."


"Huh?" Itinuro niya ang sarili. "Anong ginawa ko? Na-solved ko na ba ang problema mo?"


Umiling ako. "No. But you made me feel better just by listening to me."


Bumuka-sara ang bibig niya. Wala siyang maapuhap na sabihin. Napayuko siya matapos mapakamot sa batok niya. Napangiti ako. He could be cute when he was shy.


Sandali lang ay nakabawi na siya. Abnormal na naman. Hila-hila niya ako sa pulso habang papunta kami sa kinapaparadahan ng motor niya.


Katatapos lang namin kumain ng fishball sa labas ng sports complex. Katatapos lang din niya akong asarin at katatapos ko lang din siyang bigwasan kanina.


Paiba-iba ang emosyon ko, maiinis, maiirita, at matatawa. Paminsan ay nagagalit sa mga antics niya. Para akong baliw palagi kapag kasama siya. Napapahinto na lang ako sa pagkamangha.


Why I was always like this whenever I was with this guy?


Habang tumatawa nagpapalobo siya ng chewing gum sa bibig ay hindi ko namalayang titig na titig na pala ako sa kanya.


I tried my best to avoid Hugo Emmanuel Aguilar, knowing his mere presence would complicate my life. But just as moths were attracted to the light, I was drawn towards his radiance...


Nang matapos ang kuwentuhan, tawanan, at pagkairita ko sa kanya ay tahimik na kaming nakatayo habang magkaharap. Nasa parte kami ng sports complex na mas malayo sa iba at mas madilim kaysa sa puwesto namin kanina.


"Hugo..." tawag ko sa kanya.


"Hmn?"


"What are we now?"


"Uhm?" Napahaplos siya sa kanyang leeg. "Since I know I am not your type, then is it safe to say that we're just friends?"


Umiling ako.


Napakurap si Hugo. "Huh?"


Humakbang ako palapit sa kanya at tiningala siya. Nang ilang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga mukha ay nagkaroon siya ng pawis sa noo. "Almost but not quite."


Umalon ang lalamunan niya bago halos pabulong na nakapagsalita. Walang angas. "T-then w-what are we?"


Matamis na ngumiti ako kay Hugo. "We understand each other."



NIGHT. Mommy and Daddy were in Tagaytay. Nasa bahay sina ni Tita Eva at bukas pa uuwi. Si Kuya Jordan naman ay ipinaghanda lang ako ng dinner pagkatapos ay hindi ko na makita. Nasa kuwarto na siguro at nag-aaral.


I was in my room doing some sketching when my phone suddenly beeped. It was a notification from Facebook. My forehead furrowed at the friend request I received from a certain 'Cookie Alonzo'.


Hindi ko kilala ang babae na ang profile photo ay uniform ng La Salle. Nang i-check ko ang profile nito ay parang may humampas sa dibdib ko. This woman was the one who tagged Harry in her selfie last time!


What shocked me the most was her newly updated relationship status: 'Cookie Alonzo is now in a relationship with Harry Caesar Aragon'


Sila na pala...


O baka matagal na pero ngayon lang naalalang i-update ang status. Anticipated ko naman na ito. Hinanda ko na ang sarili ko. But still... I found it hard to accept.


Pakiramdam ko ay naubos sandali ang hangin sa paligid. Nahirapan akong huminga ng ilang segundo. Akala ko kasi noon ay okay lang na hindi ako, basta walang iba.


But this was the reality. Malalaki na kami at hindi na ako nabubuhay lang sa fantasy.


I stared at the photo of Harry's girlfriend. She was really a beauty. Hindi ko lang maintindihan kung paano ako nito nakilala. Why did she have to add me? Nakita ba nito ang mga convo namin ni Harry?


Harry's friend request was still there when I checked it again. T-in-ap ko ulit ang 'decline'. Wala na akong pag-aalinlangan ngayon dahil iyon ang kailangan.


Nag-popped up ang chat heads at nakita ko ang unread message galing kay Hugo. Na-tap ko iyon bago pa ako makapag-isip.


Hugo Emmanuel: Still awake? Galing ako sa tropa ko sa Tierra, padaan ako ngayon sa Pascam. Stroll?


Nag-send ako ng thumbs up. Pinunasan ko ang isang butil ng luha na bigla na lang pumatak. Ayaw kong makaramdam ng kahit ano tungkol sa nakita ko ngayon kaya ibabaling ko ang aking isip sa ibang direksyon.


Nagbihis ako. Shirt, jeans, at Converse. Marahan akong lumabas ng bahay nang hindi lumilikha ng kahit kaunting ingay. Pagkarating sa kalsada ay nanakbo na ako patungo sa gate ng subdivision.


4 minutes lang ang hinintay ko, dumating na agad si Hugo. Inabutan niya ako ng extrang helmet.


"Anak ka ng tokwa, Herrera!" singhal niya agad sa akin pagtaas ng lens ng kanyang helmet. "Kanina ka pa rito sa kalsada? Sabi ko di ba mag-ch-chat na lang ako pag nandito na ako, bakit ka lumabas agad?! 'Kita mong gabi na!"


Ibinaba ko ang lens ng helmet niya para manahimik na siya. Sumampa ako sa likod ng motor at kumapit. "Bilisan mo. Kailangan mag-enjoy ako sa stroll na ito kung hindi bubutasan ko ang gulong ng motor mo."


Napaungol siya at at inabot ang helmet ko para mahinang tuktukan. "Umaangas ka na, kanino mo namana 'yan?!"


"Kanino pa ba?" natatawang balik-tanong ko.


Kumapit ako nang mahigpit dahil pinaharurot niya na ang motor.


Mabilis na ride ang ibinigay ni Hugo sa akin. Humahagibis kami mula sa pagpasok sa Pinagtipunan papuntang Buenavista.


Noong mga unang beses na umaangkas ako sa kanya ay natatakot pa ako, pero ngayon ay maski katiting na takot ay wala na akong maramdaman.


Itinaas ko ang lens ng helmet ako para madama nang mas maigi ang hanging panggabi. Itinaas ko pa ang isang kamay ko sa ere habang ang isa ay nakakapit sa balikat niya.


Nag-overtake si Hugo sa nasa unahan naming tricycle. Pinagmumura kami ng driver, "Tangina niyong mga kabataan! Mga takaw disgrasya kayo! Mga walang silbi sa lipunan!"


Oh, my! Iyon ang unang beses na may nagsalita sa akin ng ganoon. Nanlalaki ang mga mata ko at nag magtama ang paningin namin ni Hugo sa rearview mirror ay kahit hindi ko makita ang mga labi niya, ay batid ko ang malawak niyang pagkakangisi.


"You!" sigaw ko.


Natawa lang siya at humarurot na naman ng takbo. "Enjoy the ride, Herrera!"


Wala na kaming kasabay sa kalsada kaya malaya na kami kahit mabilis ang takbo ng motor.


"Whoooooo!" sigaw naming peraho habang kasing bilis namin ang malamig na hangin.


Huminto kami sa may Alfamart at kumain ng Magnum icecream. Inilibre niya ako. Tumambay kami sa labas habang nakasandal sa motor. Walang nakakatawa pero malalawak ang mga ngitian namin.


Sa totoo lang, parang hindi ko na kilala ang aking sarili pagkasama ko siya. Para akong nakawala sa kural na ang bagong motto sa buhay ay 'YOLO'


While looking at him, I just realized something...


Ah... This guy truly filled my life with thrill and happiness. And I wanted to be even closer to him...


JF


#TroublemakerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

1K 61 32
This Book content is a Book Cover Edits of me-ShylessPen. At first last 2021 when I open this I make cover for watty payment but As I back last Feb...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.8K 130 6
Sobrang sarap ma-in love. Sobrang saya magkaroon ng crush. Pero sobrang corny naman ng mga ideyang iyon para kay Belamare. Wala siyang crush. Wala ri...
21.7M 704K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...