South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5M 323K 208K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 12

54.9K 3.6K 1.7K
By JFstories

"BALIW KA BA?"


"Medyo lang. Ano, tatanggapin ko nga ang sorry mo, pero dapat halikan mo ako."


Pinandilatan ko siya. "Are you flirting with me?"


Lalo siyang ngumisi. "What if I am?"


Bumagsak ang panga ko. Para akong nahihipan ng hangin na nakatulala sa kanya.


Ano bang problema ni Hugo? Bakit siya ganito? Bakit kahit pilyo ang tono ng kanyang pananalita ay ang lambing ng kislap ng mga mata niya?


Thank goodness, my sanity kicked in after a few seconds. Nang ilapit niya ang mukha sa akin ay tinampal ko siya sa pisngi. Natatawang hinila niya ako sa balikat hanggang sa bumagsak kaming dalawa sa kama.


"Ano ba, Hugo?!"


Binitiwan naman niya ako habang natatawa pa rin siya. Para siyang tanga.


At parang tanga rin ako dahil namalayan ko na lang na natatawa na rin ako. Nakakahawa kasi ang ka-abnormalan niya.


"Ano, Herrera, halikan mo na ako." Hindi pa rin siya tumitigil sa pangungulit.


Kung ibang tao siguro, at kung ibang pagkakataon ay baka nabuntal ko na siya dahil sa sinasabi niya, pero siya si Hugo at ito ang sitwasyon namin. Walang may alam kung anong klaseng sitwasyon ito at wala rin kaming balak alamin.


Kumatok si Dessy sa labas ng pinto. "Hoy, Hugo! Dadating ate ko mamaya kasama bagong BF niya, gagamitin nila itong kuwarto!"


Bumangon si Hugo at iniwan ako sandali na nakahiga sa kama. Nakahabol lang naman ako ng tingin sa kanya. Pinagbuksan niya si Dessy pero hindi niya niluwagan ang pagkakabukas ng pinto para hindi ako makita.


"O may sariling kuwarto naman ate mo, ah?!" singhal niya kay Dessy na akala mo siya ang may ari nitong bahay kung magalit siya. Nakapamewang pa siya.


"Hindi puwede sa kuwarto niya kasi may mga gamit don iyong ex niya, di niya pa naaalis. Baka makita ng BF niya ngayon at mag-away pa sila."


"Problema na iyon ng ate mo."


Tumaas ang boses ni Dessy. "Tangina naman, Hugo! Magagalit sa akin ate ko e!"


"E di sa kuwarto mo sila. Doon muna kayo sa sala tumambay ng syota mo, mag-b-break na rin naman na kayo niyan di ba? Nakita ko iyan sa plaza kahapon, may kandong na babae. Papalitan ka na."


"Gago!" sigaw ni Dessy. "Sino ba kasi kasama mo riyan sa loob? Nakarat mo na siguro 'yan, doon na muna kayo sa sala!"


Nakita ko ang pagdilim ng ekspresyon ni Hugo. "Sige aalis ako rito. Pero bayaran niyo iyong 5K na hiram ng ate mo sa akin na binayad niyo sa kuryente last month. Akina, balik niyo! Pambili ko iyon ng juice iyon saka piyesa sa motor! May tubo iyon, limangdaan!"


"Uy, 'wag naman ngayon." Nagbago ang timbre ng boses ni Dessy. "'Di pa nagpapadala mama namin e. Saka kulang din ang padala sa susunod dahil may mga order ako sa online na kailangan bayaran."


Tumingin sa akin si Hugo bago lumabas ng pinto. Kakausapin yata nang masinsinan si Dessy. Nang makalabas na ang lalaki ay bumangon ako sa kama.


Habang naghihintay ay nag-sign in muna ako sa WiFi nina Dessy. Tiningnan ko kung may message sa akin sina Mommy o si Kuya Jordan. Ang kuya ko lang ang may pm sa akin.


Kuya Jordan:
Jill, nagmeryenda ka na? Do you like donuts?


Siguro pauwi na si Kuya Jordan sa bahay ngayon. Ang akala niya siguro ay kasama ako nina Mommy dahil hindi ko siya hinintay kanina.


Dahil wala pa si Hugo ay nag-scroll muna ako sa newsfeed. Nahagip ng paningin ko ang sponsored post ng Pancake House na pino-promote ang paborito kong Golden Fried Pan Chicken. Bumalik sa alaala ko ang pagpunta ni Harry sa amin.


Dahil in-unfollow ko na ang lalaki nang nakaraan ay sinadya ko pa ang mismong wall niya. Ganoon pa rin naman ang status niya. Wala ring pinagbago ang profile at cover photo.


Maski ang bio ni Harry ay wala namang kakaiba. Kung ganoon ay hindi niya pa girlfriend ang pinaguusapan nila ni Kuya Jordan na babae nang nakaraan.


Hindi pa nga siguro niya girlfriend. But what exactly was I hoping for?


Nag-scroll down ang daliri ko sa timeline at natigilan nang makita ang isang tagged photo. Ang photo ay selfie ng isang babae na naka-uniform ng pang La Salle. Maganda, mukhang matalino, parang mabait. Kumabog ang dibdib ko sa kaba.


Ang kaba ko ay nauwi sa masamang pakiramdam nang makilala kung saang lugar kinuha ang selfie ng babae, sa passenger seat ng sasakyan ni Tito Harold na ginagamit ni Harry!


Ang caption: You make my heart smile *heart emoticon*


Nanginig ang mga daliri ko. Nag scroll up ako sa account ni Harry at namalayan na lang na tina-tap na ang 'unfriend button'.


Sa pagkahulog sa pagtitig sa screen ng phone ay hindi ko napansin na bumalik na sa kuwarto si Hugo. Naramdaman ko na lang na tumabi siya sa akin sa pagkakaupo sa kama. Nararamdaman ko rin ang mga tingin niya na may pagtataka.


Umusod siya at biglang bumulong sa tainga ko. "Herrera..."


Nangilabot ako sa init at bango ng hininga niya sa balat ko. Gigil na sinabunutan ko siya. "Ahg! Can you please not whisper in my ear like that?!"


Nawala na ang atensyon ko sa pag-iisip tungkol kay Harry dahil sa ka-abnormalan niya.


"Ang suplada mo ngayon, ah." Hinimas-himas niya ang buhok na nagulo dahil sa pananabunot ko.


Umingos ako. "Bakit ka lumabas? Anong pinagusapan niyo ni Dessy?"


"Selosa," bulong niya.


Sinabunutan ko ulit siya.


Tatawa-tawa naman siyang lumayo. "Mapanakit ka talaga, 'no? Alam ba iyan sa inyo?"


Humalukipkip ako. "I heard you lend them money. Alam ba iyon ng mommy mo?" Kasi kahit may kaya ang pamilya niya, malaking bagay pa rin ang pagpapautang ng pera knowing that he was still a student.


Naghimas siya ng baba bago nagsalita. "Hindi. Pera ko naman iyon, bakit kailangang malaman nila kung saan ko gagamitin?"


"Anong pera mo? Kailan ka nagkapera? May trabaho ka na ba? O may amnesia ka? Nakalimutan mo yata na estudyante ka pa rin na umaasa sa allowance na bigay ng parents mo..."


"Chill." Ngumisi siya sa akin. "Ang complicated mo mag-isip."


"Sorry kung nakikialam ako..." Naisip ko lang kasi ang parents niya. Naisip ko rin ang mama nina Dessy na nagta-trabaho sa Japan. Kahit may iba nang pamilya na ang ginang doon ay nagsisikap pa rin ito na buwanang makapagpadala kina Dessy ng sustento.


"Nangutang sa akin ate ni Dessy. Hindi ko naman mahindian kasi nagmamakaawa. Mapuputulan daw sila ng kuryente at yari sila kapag nalaman ng mama nila. Naawa ako kaya nabigay ko iyong pambili ko sana ng pyesa ng motor ko. Ang sabi babayaran agad pero di na ako umaasa. Di naman kasi iyon ang unang hiram nila."


Hindi na ako nagkomento. Hindi magaan ang loob ko pero ayaw ko nang makialam. Mahirap mangaral sa mga taong may sariling pinaniniwalaan. Saka sino ba ako para mangaral? Hindi rin naman ako perpekto...


"Anong oras ka uuwi?"


I glanced at the screen of my phone. "Ngayon na sana. Mahahatid mo ba ako?"


"Mga twenty minutes. Naka-shot ako kanina, papaalis lang ako ng tama."


"Araw-araw kang umiinom?"


"Depende."


"Depende saan?"


"Kung araw-araw din may alak."


"Hah... You're unbelievable..."


Naghintay ako sa sinasabi niyang twenty minutes. Na-bo-bored na ako dahil nakatunganga lang naman ako habang siya ay parang may binobola na naman sa chat. Napaangat ang mukha niya sa akin nang mapansin na nakatingin ako.


Ibinaba niya ang phone. "Ka-chat ko si Mommy. Mukhang mayayari talaga si Chung."


I frowned. Bakit tunog nagpapaliwanag siya? Wala naman akong pakialam kahit sino pa man ang kausap niya.


"Gusto ko nang umuwi," mahinang sabi ko.


"Bakit gutom ka na ba?" May kinuha siya sa bulsa at inabot sa akin. "Tiyagain mo muna ito."


Napatitig ako sa inaabot niya na chewing gum. "Uhm, hindi ako kumakain niyan..."


"Pwes ngayon, kumain ka na. Masarap 'to. Lasang ako."


Napailing ako. "You're crazy."


"Ten minutes more. Medyo nahilo ako kasi may lambanog na bigay kapitbahay nina Dessy, iyon ang shinat ko kanina. Tangina, umikot paningin ko kaya nga ako nakatambay ngayon dito sa kuwarto."


Nag-phone na lang muna ako dahil nag-p-phone na ulit si Hugo. Kabubukas ko pa lang ng WiFi nang may ma-received akong notification. Pag-tap ko ay nahugot ko ang aking paghinga sa gulat.


FRIEND REQUEST: Harry Caesar Aragon


Napalunok ako. Ano ito?! Paano niya nalaman na in-unfriend ko siya? Paano niya nalaman agad-agad?! Did he check my account?!


Nahihiya ako kahit wala naman akong ginawa kundi ang i-unfriend si Harry. Baka kung ano na ang naiisip niyang dahilan ko. Baka nahalata na niyang...


"Herrera!" sigaw ni Hugo na muntik ko nang ikahulog sa kama.


"Bakit ka naninigaw?!" gigil na sita ko sa kanya.


"Kanina ayaw mo ng bulong kaya nag-try naman akong manigaw ngayon."


"You're not funny." Tumayo ako. "Magpababa ka ng alak diyan pero mauuna na akong umuwi." Pahakbang pa lang ako patungo sa pinto nang hilahin niya ako sa pulso. Napabalik ako sa pagkakaupo sa kama.


"Ang init ng ulo mo, Sister Jillian."


"Hindi ka kasi nakakatuwa..."


"Oo na nga. Sorry. Wag kang bababa nang ganyang nakasimangot ka, mamaya may makakita sa 'yo sa baba, masisira ang holy image mo, sige ka!"


Napabuga ako ng hangin para kumalma. Yeah, that was so unlike me. I was not the kind of person who would get annoyed easily.


"Five minutes more," sabi niya na may kakaibang himig. "If you're bored, you know we can have some fun while waiting."


Napakurap ako. "A-anong gagawin?"


"Hulaan mo," mapanuksong sabi niya.


"A-ano nga?" I was not a fool for not getting the idea, but I was acting like a fool here by asking him.


"Do you want a clue?"


Mainit ang pisngi na tumango ako.


"Okay. Ito." And before I knew it, sinunggaban na ni Hugo ng halik ang mga labi ko.


I expected this to happen, though, as always I was still stunned and electrified...


Moreover, the kiss was different this time. Hugo was kissing me gently, pressing his warm lips to mine. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat pero kalaunan ay unti-unti nang bumigat.


So, this was his idea to kill time...


Tuluyang pumikit ang aking mga mata habang hinahalikan niya ako. Ang mainit at mabango niyang hininga ay humahalo na sa hininga ko. Then, the gentle movement of his lips gradually intensified. I gripped his shirt while his arms were holding me in a loose embrace.


As the moments passed, I realized that I already got comfortable with Hugo Emmanuel Aguilar kissing me, and I must admit that I was a bit scared because of it.


Natatakot ako na baka masyado na akong masanay. Even so, I stayed still and braved his kisses anyway...


Gumalaw ang mga labi ko para gumanti ng halik sa kanya. Hindi pa ako marunong dahil palaging siya lang naman ang nagdadala kapag naghahalikan kaming dalawa, but I tried to kiss him back in the way I knew. I nibbled his lower lip and he let out a soft moan.


Sinubukan ko rin na gayahin siya at laliman ang halik sa paraang alam ko. Napahinto siya sandali sa paghalik sa akin. Dumilat ang mga mata habang magkahugpong pa rin ang mga labi namin.


Hinayaan niya ako at naging mapagpasensiya siya kahit pa kung anu-ano na lang yata ang ginagawa ko.


Hugo wasn't moving now, he was just letting me kiss him. I still did my damnedest to kiss him right, but my lips kept on slipping into his lips. He chuckled and kissed my lips again.


"I'll teach you how to do it," anas niya sa bibig ko nang sandaling humiwalay.


Ramdam ko ang paggapang ng init sa aking pisngi nang haplusin niya ito. Namimigat ang mga talukap ko habang nakatingin sa mapula at basang mga labi niya.


"Keep your lips parted. May gagawin ako."


Nang maramdaman ko ang pagpasok ng dila ni Hugo sa bibig ko ay napausod ako paatras, at agad din naman niya akong nahila pabalik.


Naghahalo na ang paghinga at mga laway namin pero ayaw pa akong bitiwan. Ngayon ay nasa magkabilang pisngi ko na mismo nakahawak ang kamay niya para mas mahalikan ako nang tama. Nang dumilat siya ay halos mapaso ako sa kanyang mga mata.


"Stick out your tongue."


I must be really losing my mind for doing what he said. Nahihiyang inilabas ko ang dila ko. "Mmn, ganito?"


Impit na napaungol ako sa sumunod na ginawa niya. He leaned forward and senselessly sucked on my tongue.


When he released my tongue a little, I tried sucking his tongue as well. Ginaya ko ang ginawa niya kanina at mukhang nagustuhan niya dahil napasabunot siya sa buhok ko at lalong ipinasok ang dila sa bibig ko. Mararahas din ang mga ungol na kumakawala sa kanya.


"A-am I doing it right?" humihingal na tanong ko nang humiwalay.


"Yes, you're a fast learner." At pagkasabi'y kinabig niya ulit ako para halikan ulit sa labi.


I was almost out of breath when we finished. Tapos na rin ang '5 minutes more' na hiningi ni Hugo kanina.


Nang maghiwalay ay pakiramdam ko'y magang-maga hindi lang aking labi kundi ang dila ko. Hindi ako makatingin kay Hugo dahil ngayon na sumisipa ang hiya at inhibisyon ko.


Tahimik kami pareho na nag-ayos ng sarili. Inayos ko ang buhok na nagulo. Nang lingunin ko si Hugo ay pawisan siyang nakayuko sa tabi ko. "Mauna ka na muna sa labas. Susunod ako."


Tumayo siya at inihatid ako sa may pinto. Akma akong lalakad paalis nang pigilan niya ako sa balikat. Nagtataka naman ako na napalingon sa kanya.


"Dito ka lang," tukoy niya sa labas mismo ng kuwarto. "Wag kang aalis. Lalabas din ako agad." Pagkasabi'y pinagsarhan niya ako ng pinto.


Naguguluhan man ako ay hinintay ko siya.


Hindi ko alam ang ginagawa niya sa loob pero inabot siya roon ng limang minuto. Paglabas ni Hugo ay basa ng pawis ang kanyang leeg at noo. Pinupunasan niya iyon ng panyo.


"Tara na," sabi niya na nauna na sa aking bumaba ng hagdan.


Hindi naman na ako kumibo dahil nahihiya pa rin ako. Paglabas namin ay wala nang tao sa sala. Wala na ring nakatambay sa labas kaya walang nakakita sa amin. 


Sa labas ng subdivison namin sa Pascam ako inihatid ni Hugo. Ako na ang nagtanggal ng helmet na suot ko. Hindi ko alam kung paano magpapaalam sa kanya dahil ang tahimik din niya. Tatalikod na sana ako kung hindi ko lang siya narinig na nagsalita.


"Thank you."


Napatitig ako sa kanya. Hindi ko makita ang buong mukha niya dahil nakasuot siya ng helmet. Gayunpaman, nasinag ko sa linawag mula sa lamppost ang mga mata niya.


"I said, thank you." Hinubad niya ang helmet.


Umawang ang mga labi ko dahil sa biglang pagkalabog ng aking dibdib habang nakatitig kay Hugo.


Ngumiti siya. "You did well."


JF


#TroublemakerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

21.7M 705K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
15M 759K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
9.3M 166K 88
Language: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Mia...