South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5M 323K 208K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 9

52K 3.6K 1.9K
By JFstories

♪ ♫ Matino ang isip ko pero ako'y sabog na...


Paatras ako nang pumigil sa aking ulo ang malaking palad ni Hugo. Tila siya nabitin. He tilted my head to deepen the kiss. Tigagal ako.


Nakapikit si Hugo habang ako ay pinanlalakihan ng mga mata. Ang init ng halik, nakakaliyo at nakakaubos ng paghinga. Humigpit ang pagkakakapit ko sa kwelyo ng shirt niya. Pakiramdam ko ay hihikain ako.


Nang magdilat siya ay naghinang ang aming paningin. Patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin habang nakatingin kami sa isa't isa.


Ang malakas na kanta mula sa videoke ang nagpatigil sa amin. Napaatras ako habang sumasagap ng hangin. Maingay ang tugtog sa videoke ng mga nag-iinuman sa loob. Lalaki ang kumakanta at tila lasing na.


♫ ♬ Alam ko ang tama at mali pero ako'y sabog na

Ako ay natutuliro alam mo ba...
Kasi ako'y sabog na ako'y sabog na ako'y sabog na...♫ ♬♫


"So ano iyong feeling mo kaya ka nagyaya ng halikan?" humihingal na tanong ni Hugo habang namumungay ang mga mata.


Napasinghap ako. Nang makabawi ay humihingal na nagsalita, "Ever heard of the word curiosity?"


Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko. "Nauhaw ka? Tara sa loob?"


Nauna na siyang maglakad papunta sa pinto ng bahay nina Dessy. Tila ba sinadya niya talaga na iwan dahil ramdam niya ang aking pagkailang. Binigyan niya rin muna ako ng oras mag-isa para mahimasmasan.


Napahawak ako sa aking mga labi na tila namaga. First kiss... I just had my first kiss...


I could still not believe it. I had my first kiss with the notorious Hugo Emmanuel Aguilar of all men!


What had gotten into me? Nakapagtataka lang, wala akong pagsisisi na nararamdaman. Hindi rin ako nandiri o anupaman. To be honest, I found the kiss very pleasant...


Limang minuto bago ako sumunod sa bahay nina Dessy. Katulad nang nakaraan, maraming magkakapareha sa sofa. May magkakaakbay, may nakahilig sa balikat ng partner at ang iba ay kulang na lang ay magkalong na.


Ang mga walang kapareha naman ay kung hindi nagse-cellphone ay tumatagay.


Hindi ako makapagdesisyon kung papasok na ba o hindi pa. Ang mga mata ko ay may hinahanap sa loob na hindi ko makita.


Ang mga tao sa loob ay mga hindi ko kilala, bagaman alam ko na lahat ay mga taga Gov. May mga familiar sa akin ang mukha, mga dating kaklase ko yata. Nahinto ang mga paa ko dahil amoy sigarilyo ang kapaligiran.


Biglang sumikip sa paningin ko ang bahay nina Dessy. Nakakapag-panic ang pakiramdam. Para akong lululunin ng itsura nito.


Ang mga nasa sala ay napatingin sa akin. Ang mga babae ay napataas ang kilay habang ang mga lalaki ay iba-iba ang reaksyon. May ilang parang napangiti, nagulat, at iyong iba ay simpleng napasipol. Iyong sumipol ay nasungalngal agad ng kaakbay na girlfriend yata nito.


Hindi pa rin ako makaalis sa may pinto. Tila na ako nanigas dito. Ang mga mata ko ay malikot sa pagagala, hinahanap pa rin ang isang tao.


Biglang may dumating at humawak sa balikat ko. Ang mukha ni Wayne Daniel Chung ang nalingunan ko.


Matalim ang tingin niya sa mga nasa sala, gayunpaman ay malambing ang boses niya nang tumingin sa akin at magsalita. "Let's go inside, Jill. Mainit dito."


"Bata pala ni Wayne," naulinigan ko ang bulong ng lalaking bahagyang malapit sa akin.


May kasunod si Wayne na malaking lalaki, kalbo at may mga pimples sa noo. "Nandito si Carlyn?" Tiningnan ako nito at napaungol nang makitang ibang tao ako. "O akala ko si Carlyn ang GF mo, Wayne?!"


Napakunot ang makinis na noo ni Wayne dahil sa narinig.


"Itong si Nelly Rose, beshy ni Carlyn," proud na sabi ng lalaking payat na nakaupo sa sofa. Nilingon nito ang katabing babae na may matingkad na blush on at violet na fake brases sa ngipin. "Hal, sinong BF ngayon ng beshy mo?"


Ang babae naman na tila lasing na ay tumingin sa akin. "Alam ko type ng beshy ko si Wayne, hal." Sinimangutan ako nito. "Sino ba 'yan? Maganda pa diyan beshy ko."


Yumuko si Wayne dahilan para mapapiksi ako nang magdikit ang aming pisngi. Bumulong siya sa tainga ko, "Don't believe them."


Ikiniling ko ang aking mukha palayo sa kanya. "Wala naman akong pakialam."


Bumadha ang gulat at sakit sa kanyang mukha.


Ang mga nasa sala ay napaungol. May narinig pa ako na komentong kesyo "LQ" daw.


Si Dessy ay lumabas mula sa kusina. May dala na pitsel ng juice ang babae. Nang makita ako ay natigilan ito at pagkuwa'y napabungisngis. "Hala, Jillian! Pumunta ka nga ulit talaga!"


Pagkalapag ng pitsel sa center table ay tumingin na ito ngayon ng kanta sa hawak na songbook. Nang yayain ako ng babae ay lumapit agad ako. Naupo ako sa tabi nito sa sofa.


Susundan ako ni Wayne nang may mga lumapit na lalaki sa kanya. May pinag-uusapan sila tungkol sa kung anong online games.


Sa peripheral vision ko ay nahagip ko si Wayne na nakatingin na ulit sa akin. Hindi niya na pinapansin ang mga kumakausap sa kanya.


Tumingin ako sa TV ng videoke para kunwari'y nalilibang ako. May naramdaman akong pagka-proud sa sarili dahil sa ginawa kong paraan ng pag-iwas. Ngayon ko lang napagtanto na may talent pala ako sa ganito.


"Nandito si Aguilar, ah?" narinig kong sabi ng nasa bandang gilid ni Dessy.


"Oo, pumasok kanina. Baka nasa itaas," sagot ng hindi ko malaman kung sino sa mga nasa sala.


Pasimple akong nakinig. Nasa itaas ng bahay nina Dessy si Hugo? Bakit? Anong ginagawa roon ng lalaki?


Nagpalitan ng makahulugang ngiti ang mga nasa sala. Hindi ko sila maintindihan kaya tahimik lang ako sa kinauupuan habang nakikiramdam.


Ang mga mata ko ay lihim na pinagmamasdan ang mga kapwa ko estudyante rito, ang mga kasing edad ko na kabataan at marahil ang iba rito ay menor de edad pa lang.


Habang umaandar ang oras ay nagiging mas maharot na ang karamihan at iyong mga nananahimik na ay mukhang mga lasing na.


May isang babae na tumayo dahil nasusuka na. Sinamahan ito sa banyo ng boyfriend nito. Ang kaharap ko naman na mag-boyfriend din ay ilang beses nang naghalikan na akala mo ay sila lang ang tao rito.


Ang aking mga nasasaksihan ay tunay na nakakagulat dahil bago sa akin ang lahat ng ito. Aware naman ako sa mga ganitong kaganapan, iba nga lang talaga ngayon na nakikita ko na nang harapan.


Ang babaeng nakikipaghalikan sa boyfriend nito ay napansin ang mga tingin ko. Tinaasan ako nito ng kilay at pagkatapos ay inirapan. Napayuko naman ako sa pagkapahiya. Hindi nga naman maganda na pinapanood ko sila.


Tumayo ako at nagpaalam kay Dessy na iihi. Ang akala ko ay sasamahan ako nito, dahil sa school ay gustong-gusto ni Dessy na sinasamahan ako kapag magbabangyo, ngayon ay hindi man lang ito tumingin sa akin. Busy na sa pag-inom at pagpapak ng mani sa plato.


Ako na lang ang pumunta sa banyo. Sa kusina ang daan at nakalimutan ko na dito nga pala pumunta si Wayne. Nakasandal sa lababo ang lalaki habang nage-cellphone. Nang makita ako ay agad na ibinulsa ang gadget at lumapit sa akin. "What is it, Jill?"


"Magsi-CR ako."


Nauna siya sa banyo at pumasok sa loob. Tiningnan niya siguro kung malinis. Nag-flush siya sa bowl saka lumabas. "Hintayin kita rito."


"T-thanks..." Pumasok na ako sa loob.


Naiihi ako pero walang lumalabas, siguro namamahay ako. Puwede ring natetensyon dahil alam ko na may naghihintay sa labas. Ang ending ay hindi ako nakaihi.


Paglabas ko ay nandoon pa rin si Wayne. Nagse-cellphone. Ibinaba niya ulit ang phone pagkakita sa akin. "Done?"


Tumango ako kahit hindi naman ako nakaihi.


"Gutom ka ba? Gusto mong kumain?"


Napatingin ako sa mesa. Ang naroon ang mga chips at styro ng sisig. Meron din isang plato ng pancit canton pero nanigas na ang mga hibla.


"Anong gusto mo? Ibibili kita sa labas," alok ni Wayne.


"Hindi na. Salamat na lang," tanggi ko. "Uuwi na ako." Papadilim na rin kasi kaya gusto ko na lang umuwi. Kaya lang ay hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon si Hugo.


"Ah, uwi ka na? Hatid na kita."


Nakahanda na akong tumanggi nang mula sa second floor ng bahay ay may bumaba sa hagdan.


Napatingin ako roon nang unang makita ang pares ng pamilyar na itim na tsinelas. Ang balbong mahahabang mga binti at laylayan ng cargo shorts at agad kong nakilala-kay Hugo!


Nasa itaas nga talaga si Hugo mula kanina! Nag-aayos ito ng sinturon at nang mapatingin sa amin ni Wayney ay tumaas ang isa sa makakapal na kilay ng lalaki.


"Jillian," pukaw ni Wayne sa atensyon ko.


Hindi ko pa lilingunin si Wayne kung hindi niya ako hinawakan sa kamay. Napapitlag ako at agad na binawi ang kamay mula sa pagkakahawak niya.


"Iyong tungkol kay Carlyn Marie Tamayo, hindi iyon totoo. Hindi ko girlfriend iyon. Maniwala ka, hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako sa 'yo."


Nang sulyapan ko si Hugo na nasa hagdan ay nakataas pa rin ang isang kilay ng lalaki sa amin ni Wayne.


Gusto kong tawagin si Hugo pero hindi ko alam kung paano gagawin. Nang mag-iwas siya ng mga mata sa akin ay pakiramdam ko'y nanghina ako. Nakapamulsa siya sa suot na cargo shorts na pumunta sa sala. Ni hindi niya na ginawang lumingon man lang sa akin.


Ilang minuto kaming nakatayo ni Wayne sa kusina. May mga dumaraan at napapaalis agad dahil iniisip na may LQ kami.


Mga dalawang kanta pa ang nagdaan sa videoke ang sa pangatlo ay mapaangat ang mukha ko sa pagkakayuko. Isang malamig na baritonong boses ang naulinagan ko.


♫♫ ♬ ~

"Here we are in the best years of our lives with no way of knowing when the wheel will stop spinning 'cause we don't know where we're going..."


Hindi katulad ng mga ibang kumanta kanina na kung hindi wala sa tono ay sabog. Ang ngayon ay masarap sa tainga. Tila rin pamilyar ang boses ng kumakanta.


"And here we are on the best day of our lives, and it's a go, let's make it last, so cheers you all to that 'cause this moment's never comin' back..."


Napanganga ako dahil tama ako, kilala ko kung sino ang kumakanta.


"I used to know her brother but I never knew I loved her 'til the day she laid her eyes on me. Now I'm jumpin' up and down she's the only one around, and she means every little thing to me..."


Maingay sa sala. Karamihan sa mga boses ay mga babae, may mga iilang boses na mahinang sumasabay sa kanta, merong mga nanunukso, at nag-ch-cheer. Gayunpaman, ngingibabaw ang malamyos na boses ni Hugo.


"And in a few more days... We'll both hooked up, forever and ever..."


I was listening eagerly to the song that I forgot where I was for a moment.


Kung hindi pa lumipat sa harapan ko si Wayne ay hindi ko pa maaalala kung nasaan ako at na katabi ko nga pala siya. "Jill..." may pagsusumamo ang boses niya. "Galit ka ba?"


Napakurap ako. Ano nga bang sinasabi ng lalaking ito?


"Jill, hindi ko talaga GF iyong Carlyn na iyon. Ni hindi ko nga siya nililigawan. Siya lang nagkakalat ng ganoon. Maniwala ka, hindi iyon totoo."


Napabuga ako ng hangin at tiningnan si Wayne. "Okay lang kahit totoo." Bago pa siya makapagsalita ay iniwanan ko na siya.


Napatingin sa akin ang mga nasa sala nang dumaan ako. Hindi ko sila pinagtuunan ng pansin.


Mas napatingin ako sa lalaking tumatagay habang kumakanta sa microphone ng videoke. Nakaupo ito sa pang isahang upuan. Nang tumingin sa akin ay tinaasan na naman ako ng isang kilay.


"Jill!" narinig kong sigaw ni Wayne.


Yumuko ako at nagpatuloy sa paglalakad. Mabilis ang mga hakbang ko palabas ng bahay. Hindi na ako nakapagpaalam kay Dessy dahil lasing na rin naman na ang babae at hindi na ako napansin.


Paglabas ko ng pinto ay tuloy-tuloy ako hanggang sa may ilalim ng puno ng mangga. Dito sa kinapaparadahan ng motor ni Hugo.


Dahil madilim na sa paligid at walang ilaw banda rito ay hindi ako nakita ni Wayne nang humabol siya. Napamewang ang lalaki na nagpalinga-linga sa paligid, hinahanap ako.


Sumulyap siya rito sa gawi ko pero hindi niya inisip na nandito ako dahil nga madilim. Napasiksik naman ako lalo sa likod ng malaking katawan ng puno ng mangga para magtago.


Hindi ko na naisip kung may langgam ba rito o ano, basta ang gusto ay wag akong makita ni Wayne.


Ang lalaking nakatambay at nagse-cellphone malapit sa gate ay sinitsitan niya. "Boi, nakita mo si Jillian?"


"Sinong Jillian?" tanong naman ng lalaki na huminto sandali sa pagse-cellphone.


"Jillian Mae Herrera. Naka-t-shirt at skinny jeans. Maputi. Maganda."


"Ah, si Pres? Oo, boi, kilala ko iyon. President namin saka Top 1 noong Grade 8." Luminga-linga ito sa paligid. "'Kaso wala naman e. Kanina pa ako nandito pero hindi ko nakita. Nandito ba iyon? Pupunta ba iyon dito? Crush ko iyon, gago."


"Girlfriend ko iyon," may lakip na pagkapikon ang tono ni Wayne. Nilampasan niya na ang lalaki.


Napahilamos si Wayne ng palad sa kanyang mukha. Mahahalata na hindi maganda ang mood niya. Sa pinagtataguan ko ay nakita ko ang paglalakad niya palabas ng gate. Akala ko ay susuko na siya, pero mukhang hanggang sa labas ay maghahanap pa siya.


Napasandal ako sa puno ng mangga. Nilalamok na ako rito at natatakot na rin ako dahil nga sa madilim. Ayaw ko namang umalis dito dahil baka bumalik si Wayne.


Inilibas ko ang phone ko. Ang bilis ng oras. Malapit nang mag 8:00 p.m. Inaalala ko na baka makauwi na sina Mommy at Daddy sa bahay o mapansin ni Kuya Jordan na wala ako.


Ibinalik ko ang paningin sa bahay nina Dessy. Nandoon pa rin si Hugo. Hindi ko na naririnig na kumakanta ang lalaki. Siguro umiinom na lang siya. Bumagsak ang balikat ko. Hindi niya na nga yata ako maihahatid sa amin.


May nakita rin ako kanina na babaeng tila kating-kati na lapitan si Hugo. Siguro nga ay nilapitan na siya nito ngayon. Knowing him, he wouldn't waste the opportunity.


Aalis na ako sa pinagtataguan ko nang mula sa pinto ng bahay nina Dessy ay may lumabas na matangkad na lalaki. Naglabas ito ng phone habang ang mga mata ay pasimpleng naghanap sa paligid. Namilog ang mga mata ko nang makilala ito-si Hugo!


Nag-type ito sa hawak na phone. Saglit lang ay nag-beep ang phone ko. May kung anong kumalabog sa loob ng aking dibdib nang mag-beep ang notification ko sa Messenger.


Nanginginig ang daliri ko nang i-tap ang screen.


Hugo Emmanuel: San ka?


Ang ulo ni Hugo ay pumaling sa bandang gate. Ang isang kamay niya ay napahaplos sa kanyang batok. Mula sa aking pinagtataguan ay kitang-kita ko ang salubong na makakapal at itim na itim niyang kilay.


Nag-type ako ng message sa kanya. Sinabi ko kung nasaan ako. Hindi ko pa nga lang nai-se-send ang message ay bigla siyang tumawag sa Messenger. Nag-panic ako dahil sa gulat.


Napansin naman ni Hugo sa dilim ang liwanag na mula sa screen ng phone ko. Napalingon siya sa akin.


"Hoy!" Nanlaki ang mga mata niya. "Anong ginagawa mo diyan?!"


Lumabas ako sa pinagtataguan. Maliit ko siyang kinawayan. Agad naman siyang nanakbo palapit sa akin.


Paglapit na paglapit niya ay napasampal siya sa sariling pisngi. "Shit, ang lamok dito, ah! Nakatiis ka?"


Napalabi ako. "Pinagtataguan ko si Wayne."


"Hinintay mo kamo 'ko."


"Oo rin," halos pabulong na sagot ko dahil totoo naman.


"What?"


"Wala." Inirapan ko siya. "Uuwi ka na ba o iinom pa?"


"Gusto mo pa ba akong uminom?"


Umingos ako. "Bahala ka sa buhay mo. Bituka mo naman 'yang susunugin mo, hindi akin."


"Kung malalasing ako, paano kita ihahatid?"


Nag-init ang aking pisngi pero hindi ako nagpahalata. Dahil madilim naman at hindi niya makikita ang reaksyon ko ay hindi na lang ako nagsalita.


Inilabas niya ang susi ng motor galing sa kanyang bulsa. Sumakay agad siya. Inabot niya sa akin ang isang helmet. Bago ko iyon tanggapin ay iniwas niya sa aking kamay. Siya na ang naglagay sa akin. Parang sira lang, may paabot pang nalalaman.


"Sakay na bago pa magbago isip ko."


Nanulis ang nguso ko sa loob ng helmet. Kahit kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Hugo ay alam ko na nakangisi na naman siya.


Pagkasakay sa likod ay tiniyak niya muna kung maayos na ang pagkakaupo ko, saka niya lang ini-start ang motor. Pinaandar niya na at nang malapit na sa gate ay inutusan niya ang nakatambay roon na pagbuksan kami.


Nakilala siya ng nakatambay. "Oy, Hugo mah men! Sino 'yan? Syota mo?" Pilit akong sinisilip nito sa suot kong helmet.


"Oo 'jol," sagot ni Hugo para hindi na mag-usisa ang lalaki.


Sinipat ng lalaki ang suot kong damit. "Hala, sino 'yan? Hindi naman si Krishna 'yan, ah? Naka-dress si Krishna kanina," tukoy nito sa kung sino mang babae. Marahil isa sa mga babae ni Hugo o iyong latest niya ngayon.


"Bago ito. Dali na, buksan mo na iyong gate. Dang bagal, ah!"


Nang mabuksan na ang gate ay pinasibad na ni Hugo ang motor. Paliko kami sa kanto nang matanaw ko si Wayne. Nakatayo ang lalaki sa ilalim ng lamppost habang patingin-tingin sa paligid. Hinahanap pa rin ako?


Narinig ko ang pagngisi ni Hugo. "Hayop, tindi ng tama sa 'yo."


Tinuktukan ko siya sa helmet.


"Kapit ka, bibilisan ko."


Napakapit naman ako dahil sa takot. Alam ko kasi na kapag sinabi ni Hugo ay gagawin niya talaga. Hindi nga ako nagkamali. Bigla siyang humarurot. Nagpulasan tuloy ang mga tambay sa kalye. Sa bilis namin ay alikabok na lang ang nakita ni Wayne.


Pagdating sa highway ay pinaghahampas ko si Hugo sa likod. "Were you trying to get us killed?!" gigil na sigaw ko sa kanya.


Natawa lang siya at pinaandar na ang motor sa malawak na kalsada. Hindi na siya harurot pero mabilis pa rin. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyong mabilis na pagpapatakbo ng motor, pero ramdam mo pa rin na may pag-iingat.


Habang umaandar kami at sumasalubong sa malamig na hanging panggabi ay pasigaw siyang nagtanong. "Kumusta naman araw mo?"


Napangiti ako sa loob ng helmet. "Bwiset ako sa 'yo!"


"Kulang pa 'yan, hindi ka pa naha-heart attack."


Bago niya ako inihatid sa amin ay dumaan kami sa may plaza. Ang sabi niya ay nagugutom daw siya.


Hindi siya kumain kina Dessy dahil nandiri daw siya sa sisig na kanina pang tanghali in-order. Para na raw suka ang itsura. 'Tapos napatagay pa siya kaya mahapdi ngayon ang kanyang sikmura.


Gusto ko na sanang umuwi dahil pagabi na nga, pero naawa naman ako dahil nga sa mukhang gutom na talaga siya. Hindi na ako nagreklamo.


Sa malapit sa simbahan ng bayan ng Malabon ang plaza. Maraming nagtitinda sa gilid-gilid. Doon kami huminto sa may nagba-barbecue o ihaw-ihaw.


Ipinarada niya muna ang motor sa gilid. "Anong gusto mo?" tanong niya sa akin.


"Ikaw na lang."


Hindi ko pa kasi nasusubukan na kumain ng ihaw na tinda sa tabi-tabi. Hindi naman ako nandidiri kaya lang nakalakihan ko na lang talaga na hindi kumakain ng street food.


Ang pinsan ni Mommy na si Tita Lumi ay pinagsabihan din kami noon ni Kuya Jordan na posible raw kaming makakuha ng sakit na hepatitis sa ganito.


Bumili si Hugo ng isaw, iyong bituka ng manok tapos dugo. Ang bilis niya lang ubusin ang nakatuhog sa mga stick. Nagpaluto pa siya ulit ng bago. Pinagmasdan ko siya kung gaano kawalang arte siya kumain ng street food.


Hindi mo iisipin na spoiled rich kid si Hugo. Pagkasawsaw sa suka ay kinagat niya na tapos isinawsaw ulit. Kapareho niya iyong mga kasabay niyang customer ng ihaw-ihaw.


Lumapit siya sa akin at inabutan ako ng isang stick ng isaw. "O. Sawsaw mo rin doon."


Alumpihit ako na tanggapin ang stick. Kinuha niya ang kamay ko at siya mismo ang nagpahawak niyon sa akin kaya wala na akong nagawa.


"Wag mong itatapon 'yan!" pangunguna niya sa akin. "Masamang magtapon ng pagkain!"


Inirapan ko siya. "Hindi ko naman itatapon."


Itinulak niya ako sa balikat palapit sa mga sawsawan na nasa garapon. May katatapos lang sumawsaw roon na isang lalaki na may itim pa ang kuko. Napangiwi ako at akmang aatras nang harangan ako ni Hugo.


"H-hindi na lang ako magsasawsaw..."


"Sus!" Kinuha niya ang kamay ko at inalalayan ako na magsawsaw. Dahil sa walang ingat niyang pagpasok sa kamay ko sa garapon ay pati ang dulo ng aking daliri ay lumublob sa suka.


"Oh my God!" gulat na sambit ko.


Napatingin sa akin ang mga ibang bumibili.


Tawang-tawa naman si Hugo dahil alam niya ang nangyari. Binulungan niya ako. "Wag ka na lang maingay. Dagdag flavor din iyon."


Pinandilatan ko siya pero lalo lang siyang tumawa.


Inudyukan niya na akong kumain. Dahil may mga tumitingin sa akin at parang naaartehan na ay napilitan na tuloy akong kumain. It was my first time eating chicken intestines, nakakagulat dahil masarap pala. Sinawsaw ko ulit sa suka at lalo pa iyong sumarap.


Nagpaluto ulit si Hugo hanggang di ko napansin na nakakadalawang stick na pala ako ng isaw.


Pagkatapos ay bumili siya ng softdrinks. Ayaw ko pang tanggapin peri isinubsob niya na ang straw sa bibig ko. Sumipsip ako ng isa hanggang sa nagtuloy-tuloy na.


Sobrang iwas ako sa kahit anong soda kaya naman ito ang unang beses na nakatikim ako, just like the chicken intestines, masarap din pala. May hagod sa lalamunan ko. Sa dami ng nakain at nainom ko ay napadighay ako.


Napalingon ako kay Hugo na nagulat sa pagdighay ko. Nag-init ang aking pisngi sa hiya. Naiiyak na ako dahil hindi ko matanggap ang nangyari pero ngumiti siya. Sa pagngiti niya ay nabura ang lahat ng hiya ay agam-agam ko.


"Sarap 'no?" tukso niya sa akin.


Mainit ang pisngi na tumango ako.


"Marami pa akong alam na masarap. Kung papayag ka lang, isa-isa kong papatikim sa 'yo."


Inirapan ko siya dahil alam ko na may halong kalokohan na naman ang mga naiisip niya.


Nakailang rounds pa ulit kami sa ihawan bago niya ako ihatid sa amin. Sa biyaheng pa-Pascam ay hindi na kami nag-helmet. Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag, pero byumahe kami nang ganoon.


Ang lamig ng hangin sa aming mga balat. Nakakaaliw at hindi nakakairita kahit humahampas na sa aking pisngi ng ilang hibla ng malaya kong buhok.


Nasa kanto mismo ng street namin sa loob ng subdivision ako inihatid ni Hugo. Madilim sa parteng ito pero dahil sa liwanag na mula sa bilog na buwan ay nasisinag ko ang pagkislap ng mga mata niya.


Maligalig si Hugo. Madalas pilyo at maloko. Hindi siya nagbabago, but I could say that I was now used to dealing with him. Even though he was silly most of the time, I no longer feel irritated with him.


As a matter of fact, he was refreshing to me.


"Goodnight, Herrera."


Ngumiti ako kahit hindi niya man iyon makita. "Goodnight, Aguilar."


Ah, it might not be so bad to be friends with this guy...


JF


#TroublemakerbyJFstories


Songs:

Ako'y Sabog na by Mikerapphone
Moment of Truth by FM Static

Continue Reading

You'll Also Like

8.3K 382 5
One last time, he needs to be the one who takes her home. One more time, he promises that after that he'll let her go. He doesn't care if she's got h...
13.6M 387K 41
Macario Karangalan Sandoval
18.6K 110 3
A Collection of One Shots #2 Romance, New Adult, Young Adult, Contemporary Literature, Romantic Comedy, Tragic, etc.
15M 759K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...