South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5.1M 323K 208K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 8

56.9K 3.9K 2.5K
By JFstories

HE WAS NOT THAT BAD.


Hugo Emmanuel Aguilar was arrogant and foolish in his own way, but he was a nice guy.


Hindi ko pa sigurado na mabait talaga siya, pero sa ngayon ay masasabi kong 'oo'. Nakakaubos lang talaga siya madalas ng pasensiya.


Nangalumbaba ako sa armchair. Nasa room na ako. Katatapos lang ng lunch break. Monday ngayon at kahapon ako nanggaling kina Dessy. Inihatid ako ni Hugo pauwi.


Wala naman kaming naging pag-uusap. Basta inihatid niya ako sa mismong gilid ng subdivision kung saan ako nakatira. Hindi na siya nagtangka na ihatid ako hanggang sa loob dahil alam naman niya na hindi ako papayag. Nang hubarin ko ang helmet at ibalik sa kanya ay tinanguan niya lang ako. Hindi pa siya agad umalis at hinintay pa na makapasok ako hanggang sa gate.


Si Kuya Jordan lang ang nasa bahay pagkauwi ko. Hindi niya ako napansin dahil nasa banyo siya. Paglabas niya ay nakapagpalit na ako ng pambahay. Ang akala niya ay natulog lang ako sa kuwarto maghapon. Niyaya niya na akong maghapunan.


Nataon din na pag-alis ko pala ay kasunod ko lang na umalis din sina Mommy at Daddy. Gabi na sila umuwi kaya hindi rin nila alam na wala ako sa kuwarto. Nakokonsensiya ako pero may parte ko ang parang rebelde na masaya sa nangyari.


Kaninang umaga ay inagahan ko ang gising. Sinigurado ko na mauuna ako kay Kuya Jordan sa kusina. Ako ang naghanda ng almusal namin at mga baon. Maliit na bagay lang iyon, pero iyon lang ang naiisip ko na paraan para makabawi sa kanila kahit kaunti.


Napayukyok ako sa armchair. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Buhay na buhay ang dugo ko sa isiping nakaya kong magpagabi sa labas, sa bahay ng isang kaibigan kung saan maraming tambay at nagawa ko iyon na hindi alam sa amin. Ito ba iyong tinatawag na thrill?


Binatukan ko ang aking ulo. "Nababaliw ka na, Jill," kastigo ko sa sarili.


Ang titino ng pamilya ko, mga perpektong tao katulad kung paano kami i-describe ng karamihan. Ang parents ko na parehong teacher ay kilalang matitino, mababait at matatalino. Even my brother had no flaws. Ang sabi pa nga ng marami ay buena familia kami. Mataas ang tingin sa amin kaya para akong tumutulay sa alambre na bawal magkamali.


Babatukan ko ng isa pa ulit ang aking ulo nang may sumalo sa kamay ko. Gulat na napatingala ako. Isang lalaki na ngayon ay nakataas ang isang kilay sa akin ang nakita ko. "H-Hugo...!"


Naupo siya sa upuan niya na katabi ng upuan ko. Hindi ko namalayan na dumating na pala siya. "Bakit mo binabanatan sarili mo?"


Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. "That's not what I—"


"Huling-huli ka sa akto, Herrera."


Lumabi lang ako at hindi na umimik. Kung siguro nang nakaraan ay baka sinamaan ko na siya ng tingin. Iba na ngayon ang sitwasyon dahil medyo nasanay na ako sa ugali niya. Hindi na rin ako masyadong naaasar kahit nambabara siya.


"May painom na naman pala si Donya Dessy sa Sabado."


"Anong okasyon?"


"'Sabi ko naman, 'di ba? Walang oka-okasyon kapag nangati si Donya Dessy—"


Nahampas ko siya sa braso dahil sa bunganga niya.


Ngumisi siya. "Nangati ang lalamunan sa alak. Ito naman, ang dumi ng utak."


Nag-init naman ang pisngi ko. "I didn't say anything."


"Pero may paghampas," bubulong-bulong siya.


Nang dumating na ang teacher namin sa next subject ay umayos na ako sa pagkakaupo. Cool na humalukipkip naman si Hugo sa tabi ko.


Pasimple niyang ikiniling ang ulo para mabulungan ako. "May quiz sa Filipino, pakopya, ah?"


Tumiim lang naman ang mga labi ko.


Nang magsimula na ang quiz ay kahit nagda-dalawang isip ako na magpakopya ay wala rin akong nagawa. Ang ligalig ni Hugo. Hindi niya tinantanan ang papel ko hangga't hindi niya nakikita ang mga sagot.


"Hindi ko kinopya lahat para di halata," nakangising sabi niya ng mag-pass the paper na kami.


1-20 lang ang quiz. Perfect ako dahil bago natulog kagabi ay nag-review ako nang matindi. Si Hugo na nangopya sa akin ay 15 ang nakuha. Hindi kasi lahat ng sagot ko ay kinopya niya.


Sa sumunod na subject namin ay Math. Nasa Pre-Calculus kami. Pakinig na pakinig ako sa lesson habang ang katabi kong si Hugo ay busy sa pagtututule.


Sa lahat ng subject ay sa Math ako pinakamaingat. Talagang kapag walang masyadong ginagawa ang kuya ko ay nagpapaturo pa ako. Sina Mommy at Daddy, maging si Kuya Jordan, ay mga kilala na math wizard. Si Daddy ay kilala ng lahat na isang math professor, isang beses nga ay na-feature pa ito sa Net 25 Feed Your Mind, habang si Mommy na kahit Filipino teacher ay nakasali naman sa isang reality show for teachers noon, ang dami niyang napahanga nang mag-solve siya ng isang mahirap na equation.


I was really trying so hard to reach their level of intelligence. And even if I could not get into the higher section, at least maipakita ko man lang na kaya kong mag-stay as the Top 1 student sa klase na kinabibilangan ko.


After the lesson, our math teacher announced that we would have a quiz. Naglabas ako ng papel at binigyan na agad si Hugo bago pa ito manghingi. Alam ko naman kasi na wala siyang dala maliban sa ballpen at isang pirasong notebook niya.


"Thanks," pasasalamat niya habang nagkukusot ng mata. Mukhang nakatulog pa yata siya habang nagli-lesson kanina.


Nagpaskil ang math teacher namin ng manila paper sa blackboard. Isang sketch iyon ng bilog kung saan nakasulat din doon ang diameter nito at end points. For the quiz, we needed to find the standard equation of that circle.


Nagsimula na ang oras at masinsin ang pagsasagot ko. Patapos na ako nang mapansin na hindi kumokopya sa akin si Hugo. Paglingon ko sa kanya ay idino-drawing niya na ang anime character na si Tsunade sa likod ng notebook niya. Naka-sexy pose ang character. Magaling pala siyang mag-drawing!


Pero hindi drawing ang kailangan ngayon, kundi ang magsagot sa quiz. Siniko ko siya. "Tapos ka na ba?" 


Tamad na lumingon siya sa akin. "Oo."


Napakunot ang noo ko. Hindi siya sa akin kumopya kaya ano ang isinagot niya? Hinablot ko ang papel niya na nadadaganan ng notebook. Ang sakit sa mata ng itsura ng sulat niya pero hindi iyon ang ikinanganga ko. Nagulat kasi ako nang matitigan ang gawa niya, parehong-pareho sa gawa ko.


"H-hindi ka kumopya sa akin, di ba?" halos usal na lang ang lumabas sa bibig ko.


"Nope." Umiling siya at nagpatuloy sa pagdo-drawing.


Yeah, hindi siya nangopya sa akin dahil nauna pa siyang nakatapos. But how did he do this right?


Nang mag-exchange paper na ay nahihiwagaan pa rin ako. Nagpaliwanag ang teacher namin hanggang sa malaman na ang mga tamang sagot, and shockingly, perfect ako sa quiz—at ganoon din si Hugo!


Hindi ako makapagsalita hanggang sa tumunog ang bell. Pag-alis ni Hugo sa upuan ay kinuha ko ang notebook na naiwan niya sa ibabaw ng armchair. Binuklat ko iyon para lang magulat sa nakitang naroon.


Wala siyang masyadong sinusulat, mas marami ang drawing at lettering na graffiti style, pero meron ding mga equation. Halatang minadali at nilaro niya lang, pero nang i-check ko ay tama lahat. Natutop ko ang aking bibig sa natuklasan. Kahit tamad si Hugo mag-aral ay sisiw sa kanya math!


Hanggang sa bumalik si Hugo sa tabi ko ay hindi pa rin ako nakaka-recover sa pagkabigla. Sa klase ng husay niya ay para na siyang ang kuya ko. Kuya Jordan na Tamad Version.


"Oy, ice ka lang?" tanong niya sa akin. "Titig na titig ka sa harapan na para kang nakakita ng guwapo, e nandito naman ako sa tabi mo. Dito ka tumingin, 'wag doon."


Nagpakawala ako ng paghinga saka siya hinarap. "You should study from now on."


Tumaas ang gilid ng mapula niyang mga labi. "Kailan ka pa naging nanay ko?"


Napailing ako at naglabas na lang ng libro. Bigla akong ginanahan mag-aral sa math, kahit ibang subject naman na ang susunod na teacher na papasok sa roon namin.


Nahihiwagaan naman si Hugo sa akin. Hindi naman niya ako inusisa. Nag-cellphone na lang siya. Sandali lang ay may ka-video call na siya. Babaeng ang uniform ay Maranatha Christian Academy yata.


"Sunduin ba kita mamaya?" tanong niya rito.


[ Ikaw ang bahala, ] sagot naman ng babae sa napakahinhin na boses.


"E saan tayo pupunta pag sinundo kita? Boring naman kung uuwi agad."


[ Why? Do you want to go to the mall? ]


Lumungkot naman ang mukha ni Hugo. "Masosolo ba kita ron?"


Matagal bago sumagot ang babae. Tila nag-isip pa ng sasabihin. [ How about we watch a movie? You know, sa sine madilim... ]


"Agh!" Napasubsob na lang ako sa binabasa kong libro dahil kinikilabutan ako sa kanila.


...


ILANG BESES pa na marami akong nalaman na karumal-dumal na gawain ni Hugo. Nang una ay kinikilabutan ako, sa katagalan ay manhid na ang mga mata at tainga ko.


Nang mapasulyap ako phone niya ay may ka-chat siya. Aila ang pangalan. Narimarim ako nang aksidente kong mabasa ang ilang piraso sa pinag-uusapan nila.


Aila: Bakit sabi ng friend ko nagka-affair daw kayo?


Hugo's reply: Sino ba sa friends mo?


Aila: Are you serious? *angry emoticon*


Hugo: Past naman na yun, importante pa ba? Ano, G ba mamaya sa inyo?


Aila: Galit ako.


Hugo: Galit din ako mamaya lol.


Aila: So naughty. Ikalat ko kaya iyong voice message mo sa akin kagabi?


Hugo: Alin? Iyong pina-moan mo sa akin pangalan mo? Ge, gusto mo i-story mo pa.


Napasinghap ako sabay bawi ng paningin sa phone niya. Ano bang nangyayari sa mundo?


Yumuko si Hugo at sinilip ang mukha ko. "Mali ako, hindi pala talaga si Mama Mary ang pinsan, kung hindi si Mama Marites."


Tinitigan ko siya nang masama. "You're not funny, Hugo. Sino 'yang kausap mo? Baka minor pa 'yan." Iyong last time kasi na taga Maranatha ay nalaman ko mula sa kanya na Grade 9 pa lang pala.


Ngumisi siya. "Twenty-eight na ito. Pharmacist sa drug store sa Silang."


"T-twenty-eight?!" gilalas na sambit ko.


"Oo. Tropa ng ate ng ex ko."


"Oh my God!" Napa-sentido na lang ako.


...


FRIDAY NIGHT. Katatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin sa dinner. Pumasok ako sa kuwarto para mag-drawing sa sketchpad ko, nang makitang sira na ang three years ko ng gamit na desk lamp.


Pumunta ako sa kuwarto ni Kuya Jordan. Hihiram muna ako sa kanya ng desk lamp dahil tapos naman na yata siyang gumawa ng assignment kanina. Kakatok na saka ako nang makitang hindi naman naka-lock ang pinto niya.


"What did you do then?" narinig ko ang mahinang boses ni Kuya Jordan.


May kausap ba siya? Sumilip ako pero madilim ang kuwarto niya at wala naman siyang kasama. Saka ko napansin na may ilaw ang phone niya. May ka-video call siya. Nakarinig ako ng tawa ng isang lalaki. Pamilyar ang boses kaya natigilan ako sa gagawing pagtawag sana.


[ Of course, bro. I kissed the girl. ]


Nanigas ang aking kamay sa ibabaw ng doorknob. Hindi ako pwedeng magkamali, si Harry ang kausap ni Kuya Jordan sa video call!


"You just kissed her? What happened next? Did she slap you?" Malinaw na malinaw ang curiosity sa boses ni Kuya Jordan pero wala roon ang pakialam ko.


Umuukilkil ngayon sa isip ko ang sinabi ni Harry na may hinalikan siyang babae. Pakiramdam ko ay lumamig ang dugo ko sa katawan.


[ No. She was surprised but she didn't slap me. You know what she did instead? She kissed me back. ]


"Oh..." paos na sambit ni Kuya Jordan.


[ I think that wasn't her first kiss. She's good at it. Actually, siya ang nagdala sa akin the whole time. ]


Hindi nagsalita si Kuya Jordan pero nai-imagine ko ang panlalaki ng mga mata ng lalaki. Wala naman kasing girlfriend ang kuya ko.


[ I think I really like this girl, bro. She's nice and she likes me too. ]


Matagal bago nakapagsalita si Kuya Jordan. "Harry, w-what does kissing feel like?"


Hindi ko na pinakinggan pa ang usapan nila. Hindi ko na kayang makinig pa. Lumayo na ako sa pinto.


Mukhang hindi nagkamali si Tita Eva, may girlfriend na nga talaga si Harry. Hindi naman iyon imposible dahil guwapo ang lalaki. Marami ang nagkakagusto sa kanya. Kung manliligaw man siya ay hindi siya mahihirapan.


Nanghihina na napaupo ako sa sofa ng sala. Matagal ako rito na nakatulala. Nanlalabo ang aking mga mata. Kumurap-kurap ako. Ayaw ko na sanang makaramdam ng kahit ano, pero anong gagawin ko? Pinipilit ko naman pero ayaw talaga. Gusto ko pa rin talaga siya.


Gusto ko pa rin si Harry. Kahit nga nagtampo ako sa kanya nang nakaraan, hindi ko pa rin siya kayang kalimutan. 


Bumalik na ako sa aking kuwarto. Ang balak ko na mag-drawing ngayong gabi ay kinatamaran ko nang gawin. Patihaya akong humiga sa kama. 


Binuksan ko ang phone ko at hinanap ang profile ni Harry. Single pa rin siya roon, but sooner or later ay mapapalitan na rin iyon. I decided to click the unfollow button. I also put his messain ge to ignore folder, simply because I didn't want to hear from him anymore. And I think this was for the best.


Baby steps lang muna, pero sana ay maging malalaking hakbang na sa susunod. Sana dumating din ang araw na magigising ako na hindi na siya ang nasa puso ko...


Natulog na ako nang makaramdam ng paghapdi ng mga mata. Nang magmulat ako kinabukasan ay mataas na ang sikat ng araw mula sa labas ng aking katabing sliding window.


I looked at the time on my phone screen. It was already 11:00 in the morning. Ang alam ko ay wala ngayon sina Mommy at Daddy dahil bibisitahin nila sina Tita Eva sa Tagaytay. Titingnan din nila ang lupa na nabili namin doon. Gabi pa sila uuwi.


Hindi ako gaanong nagmadali sa pagbangon dahil wala naman akong masyadong gagawin ngayon. Kahapon ay nakapaglinis na ako ng bahay at nakapagkusot na rin ako ng undergarments ko. Sa ibang labahin naman ay may pumupunta sa aming tagalaba at tagaplantsa.


Pagbangon ko ay hindi na rin ako nag-abala na magsuklay man lang. Lumabas ako na suot ang pantulog na partnered cotton sleeveless top at maiksing shorts.


"Kuya, what's for lunch?" humihikab na tanong ko sa lalaking naka-apron habang nakaharap sa lababo.


Nangunot ang noo ko nang mapansing naka-jeans at polo si Kuya Jordan. May lakad ba siya ngayon?


"Kuya, saan ka pupunta?" tanong ko dahil hindi naman niya ugali ang umalis. Taong-bahay lang ang kuya ko.


Hindi siya sumasagot kaya lumapit na ako sa kanya. Nakatalikod siya kaya sa likod niya ako pumuwesto. Suminghot-singhot ako dahil parang iba yata ngayon ang men's cologne na gamit niya.


Ang bango ng amoy niya kaya niyakap ko siya sa bewang. Naramdaman ko agad ang paninigas ng kanyang katawan. Huli na nang maalala ko na wala nga pala akong suot na bra. 


Sa gilid ng kusina ay biglang bumukas ang pinto ng banyo. "Hey, Harry! 'Sabi ko, ako na riyan, 'di ba?"


Namilog ang aking mga mata nang makita na si Kuya Jordan ang lumabas sa banyo. Agad na napabitiw ako sa lalaking ngayon ay yakap-yakap ko. Napaatras ako at naitulak ang lalaki kaya muntik itong mangudngod sa lababo.


Sakto naman na ngayon pa lang napatingin si Kuya Jordan. Nagulat siya nang makita ako. "Jill, gising ka na pala. Gutom ka na?"


Mabilis akong umiling. "N-no!"


Nang lumingon si Harry sa akin ay pulang-pula ang mukha ng lalaki, higit lalo nang mapatingin siya suot kong manipis na pantulog. Mabilis naman akong tumalikod at nanakbo pabalik sa aking kuwarto.


"Aaaahhhh!" Patuwad na sumubsob ako sa kama. Doon ako sumigaw sa ilalim ng unan ko.


Bumukas ang pinto at narinig ko ang bagamat mahinahon ay nag-aalalang boses ni Kuya Jordan. "Jill, 'you okay?!"


Hindi ko siya kayang harapin kaya inangat ko na lang ang isang kamay ko para mag 'OK sign' sa kanya.


Hiyang-hiya ako at pakiramdam ko ay pati talampakan ko ngayon ay namumula. I just hugged Harry for Pete's sake!


Nayakap ko naman na siya at nayakap na rin niya ako noong mga bata kami, pero mga bata pa kami noon. Hindi na ngayon. Wala siyang dibdib na naramdaman noon, unlike kanina na malamang na naramdaman niya dahil wala akong suot na bra!


How stupid I could get? Why did I do that? Kahit si Kuya Jordan pa iyon, nakakawindang pa rin na madikitan ng boobs sa umaga!


May kumatok sa labas ng pinto ko at kasunod niyon ay boses na nagpakabog nang matindi sa dibdib ko, "Jill..."


It was Harry! What should I do? What should I tell him? Darn! If only I could just disappear right now!


"Gutom ka na, di ba? Nakaluto na ang kuya mo. Sumabay ka na sa amin sa pagkain. We'll wait for you in the dining."


Pag-ahon ko sa kama ay mangiyak-ngiyak ako. Naghanap ako ng bra at t-shirt sa closet at sinuot iyon bago maliit na binuksan ang pinto. Tiningala ko si Harry at kahit nanghihina ako sa presensiya niya ay sinalubong ko ang kanyang mga mata. "Wala na akong gana, mamaya na lang ako pagkatapos niyo."


Matagal siya na nakatitig lang sa akin, parang may gusto siyang sabihin pero wala siyang lakas ng loob na isaboses ang kung ano man iyon.


Isinara ko na ulit ang pinto. Nagpalipas ako ng ilang minuto bago lumabas. Sa sala ay nakasalubong ko si Kuya Jordan. "Umuwi na si Harry."


Tumango lang ako. Hindi na ako nag-usisa kung bakit pumunta rito ang lalaki at kung bakit umalis din agad.


Nasa kusina na ako nang magsalita ulit si Kuya Jordan. "He was aware that you were listening to us last night."


Gulat na napalingon ako kay Kuya Jordan. "Ha?"


"Napansin niya sa cam na lumiwanag sa gilid ko kaya alam niya na bumukas ang pinto. Ako lang ang huling nakaalam. When I noticed the door, you had already left."


Tumalikod na ulit ako at nagtatagis ang mga ngipin na pumunta sa kusina.


"Kumain ka na, Jill. Nasa microwave ang ulam," mahinahong sabi ni Kuya Jordan saka siya tahimik na pumasok na sa kanyang kuwarto.


So Harry knew? Yet he still talked about how he enjoyed kissing whoever that girl he was now dating. Of course, ano nga ba naman ang pakialam kung satisfied siya sa nakahalikan niya?


Although I found this absurd because he didn't even think that I might be shocked to hear about his kissing escapade. He was very protective of me in everything, but he did not bother to protect me from that embarrassing subject.


Pagbalik sa kuwarto ay nag-beep ang phone ko. It wasn't Harry as I already put his number in my blacklist. Naka-ignore na rin siya sa akin sa Messenger.


Binuksan ko ang chat na galing taong inaasahan ko na mangungulit ngayong Sabado.


Hugo Emmanuel: Wazzup, Herrera? Pasundo ka ba ngayon papunta kina Donya Dessy? Kung hindi, pupunta na lang muna ako sa GF ko sa Naic.


Nagmamadali at mariin ang mga daliri ko sa pag-type ng reply. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang akong nag-panic.


Me: You're not going to Naic because you're going to pick me up here in Pascam!


Pagkabitiw ko sa phone ay kinuha ko ang aking malinis na tuwalya. Naligo ako at nag-ayos na. Plain baby tee and skinny jeans ulit ang isinuot ko. Ang buhok ko ay itinali ko ulit at sa paahan ay iyon ding white low-cut Converse.


Paglabas ko ng subdivision ay nasa natanaw ko na agad si Hugo. Cargo shorts, plain light blue shirt at black slides ang suot niya. Katatapos niya lang mag-yosi. Itinapon niya sa lupa ang sigarilyo at saka tinapakan niya ng tsinelas ang upos.


Dahil tirik ang araw ay pawisan na naman siya. Tumutulo ang pawis ng buhok niya patungo sa kanyang makinis na leeg. Sa kabila ng pagiging pawisan ay presko at malinis pa rin naman siyang tingnan.


Nasa unahan niya lang ang helmet at hindi naman niya suot. Inabot niya iyon sa akin at tinulungan ulit akong magkabit. "Herrera, sakay na. 'Pakatagal mo."


Pag-upo ko sa likod niya ay akala ko na mababahuan ako sa nicotine, pero mabango siya. Bukod sa bagong paligo ay mukhang naligo pa siya ng men's cologne. Amoy mamahalin pa rin pero hindi na ako sigurado kung CK pa ba o iba na.


Pagkarating sa Buenavitsa, kina Dessy, ay ipinasok ni Hugo ang motor niya hanggang sa bakuran. Doon sa may lilim ng malaking puno ng mangga.


Bumaba kami sa motor. Si Hugo ay nakatukod sa upuan ng motor ang isang kamay habang ako ay nasa tabi niya na nakatayo lang.


Hindi pa kami nagpapakita kay Dessy. Kami lang ang nandito ngayon sa gilid ng bakuran. Presko pala rito dahil mapuno sa likod nila. Mahangin dito kaya hindi pa muna kami pumasok ni Hugo sa loob ng bahay.


Samantala, maingay sa sala nina Dessy. Nagsisimula na ang inuman. Nang sumilip ako ay hindi kasing dami ng tao noong birthday ng babae.


"Mga gabi a-attack iyong iba," ani Hugo na ngayon ay nagsisindi na ng sigarilyo sa tabi ko. Magyo-yosi na naman.


"May hika ako," mahinang sabi ko sa kanya.


Tiningnan ko si Hugo kung ano ang gagawin niya. Kung magpapatuloy siya sa paninigarilyo ay hindi naman ako magagalit, kaya nang itapon niya ang stik ng sigarilyo sa sahig at ibalik sa bulsa ang kanyang lighter ay napamaang ako.


Hindi na lang ako kumibo at sumandal ako sa motor niya. Tahimik lang kami habang nagpapahangin at nakatambay rito sa silong ng mangga.


Naglalakbay ang isip ko nang maisipan kong tanungin si Hugo. "Paano mo nasisikmura na humalik sa mga babae na wala ka namang feelings?"


Iba-iba ang babae niya at imposible na hindi niya hinahalikan ang mga ito. Gusto kong malaman ang sagot niya dahil interesado ako. Nagsalubong naman ang mga kilay niya sa tanong ko.


"Wala ka namang nararamdaman sa kanila, di ba?" tanong ko muli.


Sandali niyang prinoseso sa isip ang sinabi ko bago siya nagsalita. "Sinong may sabing wala?"


"Ha?" Hindi naman ako makapaniwala. "Y-you mean, you love all your girlfriends?"


"Pagmamahal lang ba ang pwedeng maramdaman?"


Naguguluhang napatitig ako sa kanya. Lalong pinukaw ng sinabi niya ang interes ko.


Hinawakan niya ako sa ulo. "Miss Perfect, ever heard of the words attraction and... desire?"


I blinked at what he said. Did he kiss his women just for such superficial reasons?


Nang hindi ako nakapagsalita ay napangiti siya. "Another thing, nakakawala ng boredom. Magandang pamatay oras ang pakikipaghalikan."


Habang nagsasalita siya ay nakatitig lang ako. Nang makabuo ng isang desisyon ay mahinang tinawag ko ang pangalan niya. "Hugo..."


"Hmn?"


"A-are you bored right now?"


"Huh?"


"If that's all kissing means to you..." I swallowed the lump forming in my throat before I continued talking. "Hugo, c-can you kiss me, too?"



Nawala ang kanina'y cool niyang ekspresyon at muntik pang sumala ang kanyang isang kamay na nakatukod sa upuan ng motor.


Umalon ang lalamunan niya nang mapatitig sa mga labi ko. Nang mahimasmasan ay nandilat ang mga mata niya sa akin. "Hoy, pinagsasabi mo?!"


"I'm serious. I want you to kiss me..."


Napayuko ako nang hindi siya kumibo. All right, he didn't want to. Ayaw ko rin namang pilitin siya. Baka nga hindi niya ako type. Of course, kung may hahalikan man siya, syempre iyong mga babae na pinagnanasahan lang niya at type niya—


Hindi ko na natuloy ang pag-iisip dahil namanhid ang utak ko nang bigla niyang hawakan ng mainit na palad niya ang aking pisngi. Tulala na napatingala ako sa kanya. "H-Hugo..."


Ang kaninang nandidilat niyang mga mata ay seryoso na at tila apoy na nagliliyab. "Herrera, walang sisihan."


Pagkasabi'y pumikit ang kanyang mga mata at marahang lumapit sa akin ang kanyang mukha. Tuluyan nang namanhid hindi lang ang utak ko, kung hindi pati buong katauhan ko sa sumunod na sandali.


Hugo Emmanuel Aguilar kissed me!


JF


#TroublemakerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

21.7M 705K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
18.6K 110 3
A Collection of One Shots #2 Romance, New Adult, Young Adult, Contemporary Literature, Romantic Comedy, Tragic, etc.
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
397K 20.8K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.