South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5M 323K 208K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 4

54.4K 3.2K 827
By JFstories

"JILLIAN, OKAY KA LANG?"


Napalingon ako kay Kuya Jordan. "Y-yes, kuya..."


Mabuti na lang at dim ang ilaw sa dining namin, kaya hindi mahahalata kung sakaling namumula man ngayon ang aking mukha.


Pagkaupo ko ay sinandukan naman ako ni Mommy ng kanin. Nang magsimula kaming kumain ay halos hindi ko malasahan ang pagkain.


Nagtataka na sila sa akin kaya naman nagdahilan na lang ako na inaantok na. Sila na lang ni Kuya Jordan ang magliligpit ng pinagkainan para makapahgpahinga na ako.


Bumalik na ako sa aking kuwarto habang nagpapawis ang aking noo. Inilabas ko ang aking phone at nanginginig ang mga daliri na nag-type ng message.


To Hugo: That message wasn't for you. I just sent it by mistake.


Lumipas ang limang minuto bago ako makatanggap ng reply sa kanya.


Hugo Emmanuel: LOL


Nagtagis ang mga ngipin ko pero hinayaan ko na lang dahil hindi naman na siya nag-reply pa. I just prayed that he would forget about it.


...


KINABUKASAN ay hindi na naman namin kasabay na papasok sa school si Kuya Jordan. Nagpa-late na naman siya at magko-commute na naman.


Minsan naiisip ko kung ano nga ba ang pakiramdam nang hindi palaging kasama ang mga magulang?


Habang nasa backseat ng sedan namin ay naglakas-loob ako na magtanong kina Mommy at Daddy. "Pwede rin po ba akong 'wag sumabay mamayang uwian?"


Sabay pa halos na napasulyap sa akin mula sa rearview mirror sina Mommy at Daddy. Nagulat siguro sila sa sinabi ko.


"Gusto ko rin po sanang mag-library."


Ngumiti si Mommy sa rearview mirror. "Then we will wait for you."


"Your mom's right, baby. We will just wait for you. Sabay pa rin tayong uuwi."


Nakagat ko ang ibabang labi bago nagsalita. "M-matatagalan ako..."


I just wanted to experience not going home with them. I just wanted to experience commuting alone.


"Is it important, baby?" tanong ni Daddy. "Pwede namang pagsundo ko sa mommy mo ay babalikan na lang kita sa school. Just send me a message kapag tapos ka na sa library."


"Puwede naman po akong mag-commute..."


Muli silang nagkatinginan.


Napabuntong-hininga si Mommy bago nagsalita. "Jill, hindi sa wala kaming tiwala sa 'yo ng daddy mo. It's just that we can't help but to worry. Hindi ka naman sanay na mag-isa."


Hindi na ako nangatwiran. Ibinaling ko na lang ang aking paningin sa labas ng bintana ng sasakyan.


Pagkababa namin ni Mommy sa Pinagtipunan ay umalis na si Daddy. Ang gusto pa ni Mommy ay sabay kaming papasok sa gate. Tinawag lang siya ng head teacher na si Mrs. Aguilar. 


Habang naglalakad ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang mga lalaking nakatambay na naman sa gilid ng school. Sina Lucky Columna, Bimbo Zaragosa, Francis Molina, at ang isa na hindi namin kaklase, si Lexus Comandante. Sa second floor ang section nito.


Nandoon sila sa paradahan ng mga motor. Hindi pwede na hindi sila mapapansin dahil umuusok ang mga bibig nila.


Ang pinakakumuha sa aking atensyon ay ang lalaking bukod tanging hindi naka-school polo. Naka-tshirt lang siya na bagamat kulay puti ay hindi naman plain. May print iyon sa harapan na ADIDAS.


Pangisi-ngisi siya habang nakikipagkwentuhan sa mga kasamang lalaki. Ang kanyang kamay ay may hawak na vape—hindi sigarilyo. Siguro kung ano lang ang ma-trip-an niya ay iyon ang gagawin niya. Nasobrahan sa laya. Naiinis ako sa kanya.


Binawi ko na agad ang aking paningin bago niya pa ako makita. Binilisan ko ang aking mga hakbang patungo sa gate. Malapit na ako nang maramdamang biglang may sumabay sa akin.


Pigil ko ang sarili na lingunin kung sino ang amoy usok ng vape na aking katabi. Malakas ang kutob ko kung sino pero nagpatay malisya ako.


Sa room namin ay sa upuan muna ako ni Dessy naglagi. Hinintay ko muna kung papasok din sa room namin ang lalaking kasunod ko sa labas kanina.


"Okay ka lang, Jillian?" tanong ni Dessy sa akin.


Napakurap naman ako sa tanong niya. Ako? She was asking me if I was okay? Of course, okay lang ako. Kailan ba ako hindi naging okay? Everything was fine and under control.


Kimi akong ngumiti kay Dessy. "May assignment ka sa Science?"


Napakamot ng pisngi ang babae. "Wala. Pakopya naman o."


Tumango ako na ikinatanga niya. Kahit ako ay biglang napatanga dahil hindi ko ugali ang magpakopya ng assignment sa kanya o kahit kanino. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ang lutang ko?


Nang makabawi sa pagkabigla ay nagmamadali si Dessy na nagkalkal sa bag ko. Natatakot marahil siya na bigla na lang magbago ang isip ko. Hindi ko naman na siya inawat pa.


Pangalawang subject namin sa hapon ang P.E. Kung about Music, Arts, and Health lang ay okay lang ako, pero tagilid ako pagdating sa Physical Education.


Kung puro memorization lang sana ang lahat ay kayang-kaya ko naman kaya lang hindi pwedeng mawawala sa P.E. ang pagkilos at pagpapapawis.


Pinapila ang buong klase namin at pinapunta sa tapat ng stage. May bubong naman pero dahil mataas pa ang sikat ng araw sa bandang alas tres ng hapon ay mainit pa rin.


Nasa likod ko si Dessy at pinapaypayan ako ng binili niyang tag twenty-pesos na pamaypay sa labas ng school namin.


"Find your height," utos ng teacher namin na si Sir Saflor.


Sa mga kaklase naming babae ay ako ang medyo matangkad kaya sa bandang hulihan ako napapuwesto. Ang malas lang dahil nasa hulihan din pala si Hugo.


"Tsk, hanggang dito ba naman tabi tayo," nakangising sabi niya nang lingunin ako.


Isang blangkong tingin lang naman ang ibinato ko sa kanya at pagkatapos ay hindi ko na ulit siya pinagtuunan ng pansin.


Dahil first P.E. ng klase ay stretching ang ipinagawa sa amin. Akala ko ay hanggang doon lang, nang biglang nakaisip si Sir Saflor na patakbuhin kami ng isang ikot sa quadrangle.


"Mga kabataan ngayon ay puro cellphone, ni hindi na napapawisan at nababanat ang mga buto dahil puro upo at higa na lang ang ginagawa sa maghapon!" sigaw ng teacher namin habang pinapatakbo kami.


Dahan-dahan lang naman ang pagtakbo, pero hindi nga kasi ako sanay sa physical activities. Mahina ang stamina ko dahil mas lalong hindi naman ako palatakbo. Maski nga sa paglalakad ay napakahinhin at napakabagal ko.


Ako ang nahuhuli sa lahat dahil ang bilis kong mapagod. Naiirita na rin ako dahil nagsisimula na akong pagpawisan at hindi rin ako sanay na pinagpapawisan ako.


May sumabay sa akin. "Kaya pa?"


Paglingon ko ay si Hugo. Ngingisi-ngisi siya habang chill lang sa pagtakbo. Kahit pawisan na rin siya ay wala siyang pakialam.


Tumiim ang mga labi ko. Kahit nahihirapan ay nagsumikap ako na pabilisin ang aking pagtakbo para lang makalampas na ako sa kanya. Ang kaso, kahit bilisan ko man o bagalan ay parang nananadya na sumasabay siya sa akin.


"Hoy, 'wag mong bilisan. 'Di naman pabilisan ito," sabi niya sa akin habang ang pagtakbo niya ngayon ay patalikod na para makaharap siya sa akin.


"Ano bang pakilam mo?" sikmat ko na nakakainis dahil ang hinahon na naman ng boses na kinalabasan. Ang gusto ko kasi sana ay iyong pabulyaw para naman manakit sana ang tainga niya.


Lalong lumawak naman ang pagkakangisi niya. Ang silver na hikaw niya sa kanyang dila ay bahagyang kuminang.


Nakakainis talaga siya. Habang tumatagal ay pakiramdam ko'y lalong lumalala ang pagkainis ko sa kanya.


Pumito ang P.E. teacher namin na si Sir Saflor. "Aguilar, 'wag mong guluhin si Herrera!"


Nagtawanan ang mga kaklase namin. Si Hugo ay wala pa ring pakialam. Ngingisi-ngisi pa rin na akala mo ay hindi pinagalitan.


Nang matapos ang pagtakbo ay pinapila ulit kami. Humihingal ako.


Napahawak ako sa aking pisngi nang maramdaman ang pagapang ng pawis doon. Naglapat nang mariin ang mga labi ko dahil sa pagkailang, hindi ako komportable nang pinagpapawisan.


Ipinaypay ko ang kanang kamay ko sa aking mukha. Ang init, gusto ko nang bumalik sa room.


Nang mapahawak ako sa aking leeg ay nalaman ko na basa rin iyon. Kinapa ko ang bulsa ng suot kong jogging pants, wala ang panyo ko. Mukhang naiwan ko sa bag.


Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako malilimutin, bakit nakalimot ako? Kailangan alisin ko ang pagiging makakalimutin dahil hindi iyon nakakatulong na ugali.


Nasa gitna ako ng pagsisintir nang may bumato ng kulay puting bimpo sa mukha ko. Mabango ang bimpo kaya natiyak ko na malinis ito. Pero kanino galing?


Napaangat ako ng paningin sa harapan ng pila kung saan naroon nakapuwesto si Dessy. Baka kanya itong bimpo. Pero bakit naman ako babatuhin ni Dessy sa mukha?


Nang makitang nakatalikod si Dessy sa gawi ko ay agad nanigas ang aking leeg dahil bigla akong may na-realize. Hindi galing sa harapan ang bimpo kundi galing sa tagiliran ko.


Lumingon ako at nahinto ang aking mga mata kay Hugo na nakapamulsa sa suot niyang jogging pants. Nasa harapan nakatutok ang kanyang atensyon. Mahina siyang sumisipol at mukhang walang alam na nakatingin ako ngayon sa kanya.


Napatingin muli ako sa bimpo na aking hawak-hawak. Puting-puti iyon na ibig sabihin ay malinis nga. Inamoy ko ulit, mabango talaga.


Inilingap ko ang aking paningin sa paligid, lahat ng mga kaklase namin ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.


Tumikhim ako bago nagsalita, "May nawawalan ba ng bimpo?"


Nang lumingon ako kay Hugo ay nakataas ang isa sa makakapal niyang kilay sa akin.


Tatanungin ko sana si Hugo kung kanya ba ang bimpo nang bigla siyang maglabas ng scarf  na panyo mula sa kanyang bulsa. Ipinakita niya sa akin kung paano niya iyon ipinunas sa kanyang pawisang leeg.


Napayuko ako at dumiin ang pagkakahawak sa bimpo. Sa huli ay napagpasyahan ko na itapon na lang iyon sa basurahan. Pag-iingat na lang din dahil hindi ko naman sigurado kung sino ang may ari niyon.


Nang bumalik na ako sa pila ay natigilan ako nang makitang nakatitig sa akin si Hugo. Salubong ang mga kilay niya habang nakakunot ang kanyang noo.


Matapos ang P.E. ay nauna na akong bumalik sa Grade 11 Building. Ang aking mga kaklaseng babae ay pagkabihis ay mga nag-retouch pa sa banyo o kaya naman ay nagsipunta sa canteen.


Ang iba naman, kasama ang mga kalalakihan, ay mga gumala at nagsitambay pa sa kung saan-saang bahagi ng eskwelahan.


Sa corridor ay nakasalubong ko si Wayne. Pagala-gala kahit may klase. May hawak siyang phone pero nang makita ako ay agad niya iyong ibinaba. "Hi, Jillian!"


Tiningnan ko lang siya.


Sumabay siya sa paglalakad ko. "Nag P.E. kayo?" tanong niya. "Napagod ka ba?"


Imbes na sagutin ang mga tanong niya ay binilisan ko ang aking mga hakbang hanggang sa mauna na ako sa kanya. Nakasalubong ko pa si Hugo sa corridor. Nakataas ang isa sa makakapal at itim na itim niyang kilay sa akin.


Nilampasan ko rin si Hugo dahil mukha namang wala pa siyang balak pumasok sa room namin. Nauna na ako sa pinto.


Pagpasok sa room ay hinanap ko ang aking panyo. Nakita ko iyon sa loob ng aking bag. Nagpupunas ako ng pawis sa leeg nang pumasok naman si Dessy sa room.


"Jillian!" Ang lawak ng ngisi niya ang ilapag sa ibabaw ng armchair ko ang isang 20 oz bottle ng Gatorade na orange flavored. "Pinabibigay pala ni Wayne sa 'yo!"


Napalingon ako sa katabi kong bintana. Sa labas ay naroon si Wayne. Nakangiting kumaway sa akin ang lalaki bago naglakad paalis.


Naupo si Dessy sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. "Ang sweet talaga ni Wayne sa 'yo," nanunukso ang tono niya.


Matamlay na tinapunan ko ng tingin ang bote ng Gatorade na nasa harapan ko. "Hindi ako umiinom ng ganyang inumin, Dessy."


Totoo na hindi talaga ako umiinom ng sports drink. Kahit energy drink o mga sodas ay hindi rin. Tubig lang at gatas ang iniinom ko.


Napasimangot si Dessy. "Ano ba 'yan, Jillian?! Sayang naman!"


"Kung gusto mo ay sa 'yo na lang."


Umismid siya. "Ayoko nga, bigay sa 'yo 'yan ni Wayne e."


"Bahala ka." Tahimik na inayos ko ang buhok ko na bahagyang nagulo dahil sa pagtakbo kanina.


Lumipas ang ilang segundo bago ko siya ulit narinig na nagsalita, "Hindi ka ba talaga pupunta sa amin sa Sabado? Minsan lang akong mag-birthday."


"Sorry pero hindi. Happy birthday na lang."


"Hmp! Puwede ka namang sumunod pagkatapos ng anniversary ng parents mo. Hindi naman siguro kayo aabutin ng gabi, di ba? Gabi naman iyong party-party para sa birthday ko."


"Dessy, hindi ako lumalabas ng gabi."


Napanguso siya. "Sus, ilang taon ka na ba?"


Hindi ko na siya sinagot pa. Inilabas ko na ang libro para magbasa-basa sa magiging topic namin sa susunod na subject.


Nagsipasukan na sa room ang ibang kaklase namin. Isa sa kanila si Hugo.


Nang papunta na rito ang lalaki ay nagpaalam na si Dessy. Naiwan sa armchair ko ang bote ng Gatorade.


Ang buong atensyon ko ay nasa librong hawak nang may maupo sa tabi ko, kahit hindi ko na tingnan ay kilala ko na ito kung sino. Naghahalo ang amoy ng pawis, usok ng vape, at ang expensive na men's cologne na gamit niya.


Sa peripheral vision ko ay nakita ko ang pagdampot niya sa bote ng Gatorade. Narinig ko rin ang pagbukas niya sa takip at maging ang paglagok niya habang umiinom.


"Ahhh..." May pagdighay pa siya matapon uminom.


Napasulyap ako sa armchair nang ibaba niya roon ang bote ng Gatorade. Kalahati na lang ang laman. Kumikibot na naman sa inis ang sentido ko.


"Pst! Hoy!" tawag ni Hugo sa pansin ko.


Hindi ko naman siya pinansin. Nasa libro pa rin ang aking paningin kahit ang aking atensyon ay naliligalig na.


"Bata ka ba ni Chung?"


Nagulat ako sa biglang tanong niya. Dahil doon ay napaangat tuloy ang mukha ko at napabaling ang tingin ko sa kanya. "A-ano?"


Sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Hugo. Ngayon ko lang siya nakitang seryoso. Madalas kasi ay kung hindi inaantok, mukhang tanga, ay palagi siyang nakangisi na tila palaging may nilulutong kalokohan sa isipan.


"Adik iyon kaya kung ako sa 'yo, makipag-break ka na sa kanya habang maaga pa."


Kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi niya?


"Kung nahihirapan kang makipagkalas kay Cheung, sabihin mo lang na syota na kita. 'Di na papalag iyon, takot sa akin iyon."


Dama ko ang pag-ahon ng init sa aking pisngi, gayunpaman ay sinikap ko pa ring magtimpi. "He's not my boyfriend," mahina bagamat mariing sabi ko. "And please, mind your own business."


Umusod siya palapit at saka bumulong sa bandang leeg ko na sanhi para magtayuan ang aking mga balahibo. "Mas exciting kaya makialam sa buhay ng iba."


Napapiksi ako at gigil na hinarap siya. "What's wrong with you?!"


"Kung nililigawan ka man ni Wayne Daniel Chung, basted-in mo na agad ngayon."


Sa inis ko sa kanya ay pinatulan ko na ang sinasabi niya. Sinalubong ko ang namumungay niyang mga mata na nakatitig sa aking mukha. "What if hindi ko gawin? What will you do, huh?" hamon ko sa kanya.


Ngumisi siya nang nakakaloko. "Isusumbong kita sa nanay mo."


JF


#TroublemakerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

8.3K 382 5
One last time, he needs to be the one who takes her home. One more time, he promises that after that he'll let her go. He doesn't care if she's got h...
9.3M 166K 88
Language: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Mia...
13.6M 387K 41
Macario Karangalan Sandoval
18.6K 110 3
A Collection of One Shots #2 Romance, New Adult, Young Adult, Contemporary Literature, Romantic Comedy, Tragic, etc.