Lucid Dream

By alyloony

14M 573K 277K

Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood... More

Intro
First Dream
Second Dream
Third Dream
Fourth Dream
Fifth Dream
Sixth Dream
Seventh Dream
Eighth Dream
Ninth Dream
Tenth Dream
Twelfth Dream
Thirteenth Dream
Fourteenth Dream
Fifteenth Dream
Sixteenth Dream
Seventeenth Dream
Eighteenth Dream
Nineteenth Dream
Final Dream
Dream Goddess (Bonus Chapter)

Eleventh Dream

493K 23.2K 9.2K
By alyloony

Eleventh Dream

Paano ko kaya nagawang dalhin ang kwintas na ito sa reality?

Kinapakapa ko ang pendant ng kwintas na nakasabit sa leeg ko atsaka ako napabuntong hininga. Napakaimposible na nitong nangyayari sa akin.

Hindi ako makakapaglabas ng mga gamit o bagay na nagmula sa panaginip ko. Sinubukan ko na 'yun dati. Kahit simpleng ballpen lang, hindi ko kayang madala sa reality. Pero itong kwintas na 'to, paanong pagmulat ng mata ko eh suot-suot ko na?

Naisip ko, baka naman regalo rin ito ni nanay sa akin? O baka ni Kuya?

Pero pinansin nila ito eh. Tinanong nila kung sino ang nagbigay. Nung sinabi kong kaibigan ko, normal lang naman ang reaction nila.

Hinihintay ko na baka sinu-surprise na naman nila ako, pero wala namang nangyari.

Ano bang ginawa ko at bakit nadala ko ito sa reality ko? Hindi kaya dahil kay Caleb? Pero paano? May magic ba si Caleb bukod sa kaya niya akong dalhin sa kung kani-kaninong panaginip? After all, mukha naman siyang isang fae o elf.

"Huy, tulala ka na naman!"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Lilian na papalapit sa akin habang may dala-dalang kikiam at isang plastic ng juice na color orange na hula ko eh melon.

Nandito kami ngayong dalawa sa may basketball court at nakatambay sa mga bleachers. May naglalaro sa court ngayon. Mukhang mga juniors ng school namin.

Naupo si Lilian sa tabi ko at inabutan ako ng isang stick na may tatlong pirasong kikyam.

"Ayan kumain ka muna. Ikaw, palagi kang natutulala lately. May problema ka ba?"

"Ah w-wala naman. Inaantok lang ako. Kulang siguro ako sa tulog," palusot ko sa kanya.

Medyo umusog palapit sa akin si Lilian at tiningnan niya ang kwintas ko.

"Ang ganda naman niyan. Saan mo nabili?"

Napahawak ulit ako sa pendant nito. "Ah, regalo lang sa akin."

Pinanliitan ako ng mata ni Lilian at nginitian, "Sino sa mga boys ang nag regalo sa'yo niyan?"

"Huh? Anong mga boys?"

"Si Owen at ang mga kabarkada niya. May nanliligaw sa'yo doon 'no?!"

Medyo natawa ako sa sinabi ni Lilian. "Naku, ikaw, tumigil ka nga! Ang exagge mong mag-isip!"

"Si Owen 'yan 'no? Si Owen 'no? Feeling ko type ka nun!"

"Hindi aaaah!" sabi ko sabay tulak ng malakas kay Lilian.

Hindi ko mapigilan ang paglawak ng ngiti sa labi ko. Kainis!

"Aray ko naman! Makatulak! Tingnan mo nga 'yung ngiti mo. Aba ineng, halatang kinikilig ka!"

Hinampas ko siya sa braso, "hindi kayaaaa!"

"Tingnan mo 'to, tinulak na nga ako, hinampas pa ako. Thank you ha!"

"Eh kasi ikaw nang-aasar ka eh!"

"Speaking of, ayan si Owen oh parating!" ngumuso si Lilian sa may likuran ko at agad naman akong napatingin.

Nakita ko si Owen na naglalakad kasama si Amanda. Papalapit sila dito at nakangiti siya sa akin.

"Hi!" bati niya sa amin ni Lilian habang nakangiti pa rin.

"H-hello," sagot ko naman.

Naupo si Owen sa tabi ko at si Amanda naman ay sa tabi ni Lilian.

"Owen, ba't 'di mo kasama 'yung mga friends mo?" tanong ni Lilian.

"Ah, si Gerald, may tennis training. Varsity kasi 'yun kahit hindi halata. Si Howard naman, sinundo ng Mama niya at mukhang nagpapasama sa mall," natatawa-tawang sabi ni Owen. "By the way girls, do you want to have miryenda? My treat!"

"Game! Libre eh!" mabilis na sagot ni Lilian.

Ito talagang isang 'to, basta libre!

"Ako rin, go ako!" sabi naman ni Amanda.

Isa pa 'to!

Tumingin si Owen sa akin at nginitian ako. "Angelique?"

"Sorry. Pass muna ako! Need kong tulungan si Nanay eh."

"Eh, sayang 'yung libre! Takas ka muna! Saan ba 'yan?" tanong ni Lilian.

"Oo nga, Angelique!" dagdag pa ni Amanda.

Tiningnan ko si Owen at nakangiti siya sa akin, "Please? Sama ka na?"

Napabuntong hininga ako at nginitian ko siya. "Sorry, hindi talaga pwede. Kailangan ako ni Nanay eh. Next time na lang siguro."

"Ganun ba? Sige, okay lang. Marami pa namang pagkakataon."

Tinapik ni Owen ang braso ko at nagpaalam na sila sa akin. Dumiretso na rin ako sa bahay para magpalit ng damit at nang makapunta na ako sa palengke.

Wala kasi ngayon 'yung kasama ni Nanay sa pagtitinda ng gulay sa palengke kaya kailangan ko siyang tulungan.

Nakakainis naman na kahirapan 'to. Naging hadlang pa sa chance ko kay Owen.

Pagkatalaga ako yumaman, hindi ko na hahayaan na si Nanay na magtinda sa palengke.

Dahil hapon na ay konti na lang din ang bumibili sa amin. Nag-stay kami sa palengke hanggang alas-sais ng hapon atsaka kami umuwi.

Pagdating naman sa bahay, mabilis akong naligo at kumain dahil tambak pa ako ng homeworks na dapat kong gawin.

Pero bago 'yun, chineck ko ang phone ko kung may message ba si Owen. Wala. Siguro napasarap ang kwentuhan nila ng mga best friends ko.

Natapos ko na't lahat ang assignment ko pero wala pa ring message sa akin si Owen. Wala naman akong karapatan na maghintay ng text message niya eh. Hindi naman kami. But somehow, nalungkot ako.

Ewan. Nasanay siguro ako na gabi-gabi siyang may message sa akin. Simula kasi nung magkakilala kami, lagi niya akong itinetext ng 'good night' gabi-gabi.

Baka walang load?

Siguro naman nawawalan din ng load ang mga mayayaman?

Isinarado ko ang notebook at libro ko at saka ko inilagay sa bag. Matapos 'yun ay tumabi na ako kina Kuya at Nanay na parehong mahimbing nang natutulog.

Mayamaya lang din ay nakatulog na ako.

~*~

"Welcome back!" masiglang sabi ni Caleb habang nakaupo siya sa ilalim ng cherry blossom tree.

Napangiti ako at nilapitan ko siya, tapos naupo ako sa tabi niya.

"Matagal ka bang naghintay?" tanong ko.

Nginitian ako ni Caleb, "Walang matagal basta ikaw." At nag-wink siya sa akin.

"Ay sus."

"Bakit?"

"Wala."

"Teka, gusto mo bang gumala ulit ngayon sa ibang panaginip?"

Tumango ako, "Sige! Tara! Gusto kong i-try pumasok sa iba pang pinto."

Tumayo si Caleb at inilahad niya ang kanyang kamay, "Let's go?"

Ipinatong ko naman ang kamay ko rito at inalalayan niya akong tumayo.

Naglakad kami papunta sa pinto sa 'di kalayuan. Ang pinto na palabas sa panaginip ko.

Hindi binitiwan ni Caleb ang kamay ko habang naglalakad kami sa mahabang tulay na nasa gitna ng lake. Ang dami pa ring nakalutang na ball of lights dito. Iniisip ko tuloy, ano kaya ang nasa loob ng mga bola na 'yun? Good or bad dreams?

Hindi talaga inalis ni Caleb ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Hindi rin ako nag-react. Ewan, pero hinayaan ko lang siya na hawakan ang kamay ko.

Normally, may kakaiba akong nararamdaman pag hinahawakan niya ang kamay ko. 'Yung parang tipong sasabog ang dibdib ko at hindi ko malaman kung bakit. Pero ngayon, ang kumportable ng pakiramdam ko. Pwede pala 'yun? 'Yung comfortable ka sa hawak ng isang tao. Siguro dahil kumportable akong kasama si Caleb?

Pero bakit si Owen? Pag nandyan siya para akong kinakabahan na ewan. Hindi ako mapakali. Nase-self conscious ako. Ganun ba pag gusto mo ang isang tao? Hindi ka mapakali? Kaya ba magkaiba ang pakikitungo ko kina Caleb at Owen? Dahil gusto ko si Owen at kumportable ako kay Caleb?

Teka, ba't ko ba sila pinagkukumpara!? Magkaibang-magkaiba sila.

Magkaibang-magkaiba.

Si Owen ay nasa reality ko at si Caleb naman eh...

Napapikit ako.

Ayokong isipin.

Nang makita namin ang golden door na papasok sa room kung saan nandoon ang iba't iba pang pinto ng mga panaginip, binitiwan ni Caleb pansamantala ang kamay ko para buksan ang pinto. Nang makapasok kami ay bigla na namang umikot ang buong paligid. At nang huminto na ang pag-ikot, nakita ko sa harap ko ang walong pinto na may iba't-ibang kulay.

"Saan naman tayo ngayon?" nakangiting tanong sa akin ni Caleb.

Itinuro ko ang pulang pinto, "Gusto kong i-try sa red door!"

"Red door?" nilingon ako ni Caleb habang nakangiti siya sa akin nang nakakaloko. "Gustuhin ko mang pumasok diyan ay ayokong dalhin ka. Baka mabahiran ang inosente mong pag-iisip."

Kinunutan ko ng noo si Caleb, "Hindi ko ma-gets ang sinasabi mo."

Mas lalong lumawak ang ngiti nya, "Sa likod ng pulang pinto, nandoon ang mga panaginip na," naglean siya sa akin at itinaas baba niya ang kilay niya. "Censored."

Biglang nag-init ang mukha ko sa sinabi ni Caleb.

"G-ganun ba? S-sige 'wag na lang tayo doon."

Bigla naman humagalpak ng tawa ang pilyong lalaking 'to, "Angelique! 'Yung mukha mo, kasing pula na ng pinto!"

Humawak si Caleb sa tyan niya habang tawa siya nang tawa. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Bwiset eh!

Hindi ko naman kasi alam na censored pala ang nasa likod ng pinto na 'yun! Malay ko ba! Ako ba ang dream traveler?! Kainis!

"Yung green door na lang!" irita kong sabi sa kanya.

"Okay... okay..." huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili sa grabeng pagtawa. "Sorry! Tara sa red door!"

"Green!"

"Este green!"

Ngumisi siya at inilahad niya ang kamay niya. Hinampas ko lang ito at nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad palapit sa green door. Ang init pa rin ng mukha ko. Bwiset na dream traveler ito!

Biglang may humawak sa kamay ko at nakita kong nasa tabi ko na si Caleb. Nakangiti pa rin ito nang nakakaloko sa akin at itinaas pa niya ang magkahawak naming kamay para makita ko ito. Napailing na lang ako.

Pero hindi ko maiwasang mapangiti. Bwisit. Nagkaroon na yata ng sariling buhay ang labi ko.

Binuksan ni Caleb ang green door at sabay kaming pumasok doon.

Bumungad sa amin ang isang mahabang kalsada. Maraming taong naglalakad. Sa right side namin, may iba't-ibang shops na nakabukas.

May boutique, restaurant, bakery, accessory store at bookstore.

Pero isa ang kapansin-pansin sa lahat.

Umuulan ng snow.

"Kanino kayang panaginip 'to? Parang sa ibang bansa ang setting."

Nilingon ako ni Caleb at nginitian, "Tingnan natin kung kaninong panaginip 'to."

Naglakad kami sa kahabaan ng kalsada. Nung marating na namin ang dulo, may nakita kaming isang bench doon. May nakaupo na isang babae at lalaki. Naka-coat and tie 'yung lalaki habang naka-French coat naman 'yung babae. 'Yung girl, nakasandal sa balikat nung guy. Pareho silang nakatingin sa langit at nanonood ng fireworks.

Medyo lumapit ako para tanawin ang mukha nung dalawa at halos mapasigaw ako nang makita ko kung sino ito. Si Lilian! At 'yung kasama niyang lalaki ay si Howard. Si Howard na kabarkada ni Owen!

"Mga kaibigan ko sila! Panaginip 'to ni Lilian!!" Napangiti si Caleb.

"Hmmm. Mukhang umiibig ang kaibigan mo, Angelique."

Naglakad kami ni Caleb at naupo sa bench na 'di kalayuan kina Lilian at Howard.

"May gusto si Lilian kay Howard? Wow. Sabi na eh! Sabi na! Naku, sana si Howard din," sabi ko habang nakatingin ako doon sa dalawa.

"Angelique."

Napalingon ako kay Caleb, nakita kong nakatingala siya at pinapanood din ang fireworks.

"Hmm?"

"Sabi mo kanina, feeling mo nasa ibang bansa tayo ngayon. Tingin mo, saang bansa ito ngayon?"

"Hmm..." inangat ko rin ang tingin ko at pinanood ang fireworks. "Tingin ko nasa France tayo. Sa Paris."

"Paris? Bakit naman?"

"Wala lang. 'Yung lang ang nafi-feel ko. 'Yung itsura rin kasi ng mga shops parang may pagka-French ang dating."

Napatango si Caleb at nilingon niya ako.

"Nasa Paris nga talaga tayo."

May itinuro siya sa akin sa bandang likuran ko kaya naman napalingon ako. At doon, nakita ko na nakatayo sa 'di kalayuan ang napakagandang Eiffel Tower.

"Wow," manghang-mangha kong sabi. "Ang ganda ng lugar kung saan nananaginip si Lilian!"

"Right. Ang ganda nga." Napatingin ulit ako kay Caleb at nakita kong nakatitig siya sa akin nang husto. Hindi ko alam kung bakit pero parang bumilis ang tibok ng puso ko.

"B-bakit?"

Nginitian niya ako at hinawakan niya ang pendant ng kwintas na suot ko.

"You're wearing it."

"Oo nga pala! Caleb, pagkagising ko, nagulat ako na suot-suot ko 'tong kwintas! Paano nangyari 'yun? Paanong nailabas ko ito sa panaginip ko at nadala ko sa reality?!"

"Malakas kasi ako kay Dream Goddess kaya pinayagan niyang madala mo iyan sa reality," sagot niya sa akin sabay kindat.

"Close talaga kayo?"

"Oo naman! BFF's kami!"

Hinawakan ko ang braso ni Caleb, "Pwede ko ba siyang ma-meet?"

"Hmmm, depende kung gusto niyang magpakita sa'yo. Tsaka nasa Tala ngayon si Dream Goddess at hindi ka pwedeng pumunta roon."

"At bakit naman?"

"Hindi ka para sa lugar na 'yun."

Napasimangot ako. "Madalas ba kayong magkitang dalawa?"

Umiling si Caleb, "Nope. Madalang lang. Busy kasi 'yun. Masyado siyang maraming inaasikaso."

Hindi ko alam kung bakit pero medyo nanikip ang dibdib ko para kay Caleb. Ibig sabihin, palagi lang siyang mag-isa. Palagi lang naglalakbay sa kung kani-kaninong panaginip.

"Hindi ka ba nalulungkot?" tanong ko ulit.

Napatingin si Caleb sa malayo. "Dati, oo. Pero nandito ka na naman eh." Nilingon ako ni Caleb, "Masaya ako na kada matutulog ka, nakakasama kita. Ang sarap mo kasing kakwentuhan eh. Tsaka ang sarap-sarap mong asarin!" medyo natatawa-tawa niyang sabi.

Napatawa na lang din ako. Pero hindi mawala ang bigat na nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman 'to. Pero pakiramdam ko hindi permanente ito. Darating ang araw na pag nanaginip ako, wala na si Caleb sa panaginip ko. O baka dumating ang araw na mawalan ako ng kakayahan na makapag-lucid dream.

Hindi ko alam.

Natatakot ako.

Ang bigat sa loob.

Feeling ko naa-attach na ako ng sobra kay Caleb. Pakiramdam ko masasaktan ako ng husto pag natapos ito.

At hindi ko maintindihan kung bakit.

Continue Reading

You'll Also Like

220K 16.6K 25
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
76.3K 2.1K 13
Kung sino man si Sign Sender. I'm gonna thank him :)
9.5M 525K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
66.5K 2.3K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...