Code: Synéchise

By ficscrie

221K 4.6K 2.3K

He - Yukio Zyde Montero, is a man with a fucked up life. The only thing and reason for him to keep holding on... More

NOTES, DISCLAIMERS and WARNINGS
CHARACTERS
SYNOPSIS
ONE
TWO
FOUR
FIVE

THREE

13K 302 130
By ficscrie

Isaiah Gavin De Vera


salita. @mgasalita

Entry #600
Good morning. Don't forget to start your day with positiveness!

Code: Synechise

Entry #2
Problems are everywhere. They are always on our way. But remember that it will always make us a stronger version of ourselves. Good morning. Don't forget to smile. I hope you'll have an amazing and safe day.

I put my phone inside my pocket after tweeting on my page. It's an everyday routine. Telling people to have a good and positive day ahead, telling them there's always a brighter side, there will always be reasons to keep on moving forward. Telling them that they are valid, and there's always a person that is proud of them.

"Good morning, Sai." Masiglang bati ko sa sarili ko at tumingin sa salamin nang nakangiti.

Inayos ko lang nang kaunti 'yung buhok ko at sinilip na sa bintana kung nandoon na ba 'yung kotse ni Drebs. Susunduin niya raw kasi ako ngayon, sabi niya kagabi, para raw sabay-sabay kami pupunta sa Araneta at baka raw harangin na naman ako nung mga babae.

Good morning sa'kin... At sa mga tao sa ibaba ng apartment ko.

Agad kong kinuha 'yung phone ko nung nagvibrate 'yon. Cas is calling. I immediately answered the call habang nakatulala pa rin sa bintana ko.

"Huy, anong meron dito?" Bungad na tanong sa'kin ni Cas.

Siguro kararating lang din nila roon, dahil kung hindi, mababanggit naman nila sa'kin kung anong nangyayari sa baba.

"Hindi ko alam, gago. Ngayon ko lang din nakita, e. Bakit may mga press diyan?" Nagtatakang sabi ko rin. "Baka naman sa ibang tao dito sa apartment?" Mahinang sabi ko, pero hindi pa rin ako nagdecide na bumaba.

'Yung style kasi ng apartment na 'to. Parang bahay siya na floor by floor. Bawat isang floor, bahay style siya at hindi lang basta kwarto. Limang floor 'to at nasa pangatlo ako. 'Yung nasa pinakababa, 'yung landlord. 'Yung sa second floor naman, medyo nasa middle aged na mag-asawa at isang anak nilang bata. 'Yung sa taas na dalawa, bakante dahil umalis na 'yung mga tenant kamakailan lang.

"Baka it's about the dating rumor with Montero?" Malakas na sabi ni Drebs sa kabilang linya. Napatayo naman ako mula sa pagkaka-upo sa sofa ko at kinakabahan na kinagat 'yung kuko ko.

"Gago? Bakit naman nila ako pupuntahan dito, kung gano'n nga? Saka, paano naman nila nalaman kung saan ako nakatira?" Tarantang sagot at tanong ko sa kanilang dalawa.

Hindi rin naman nila ako malamang masasagot dahil pare-parehas kaming nagtataka sa mga nangyayari. Pero kapag sa press, walang imposible. Kaya malamang, kung tama nga 'yung hinala nila Drebs, hindi imposible talaga na malaman nila kung saan ako nakatira.

"Don't baba here muna, ha?" Mahinang sabi ni Drebs sa'kin.

Hindi kami nagsalitang tatlo, tahimik lang din sa kabilang linya at aircon lang nung sasakyan ni Drebs 'yung naririnig. Maya-maya lang, narinig ko nang sumara 'yung pinto ng kotse niya at may mga kaluskos na rin.

"Confirmed from the guard, they're looking for you raw. He's the one na tinatanong daw kanina if here nakatira si Isaiah De Vera." Mahabang sabi ni Drebs sa'kin. Huminga naman ako nang malalim out of frustration.

"Hindi ka pwede bumaba rito. For sure, kukuyugin ka once na makita ka nila. 'Wag ka na lang pumasok. Sasabihin na lang namin na nagkasakit ka, para excused ka sa attendance." Mahabang paliwanag ni Cas, pero umiling ako kahit na hindi niya nakikita.

"May naka-assign na interview sa'kin mamaya. Hindi ako pwede mag-absent. Gagawan ng article 'yon, e." Namomroblemang sabi ko sa kanila. Pero mukhang wala naman na talaga akong choice. Sobrang daming tao sa labas, hindi lang lima 'yung nandoon sa bilang ko.

"Talk to her na lang muna. She'll make intindi naman if you said na you have sakit and you can't do the interview today." Suggest ni Drebs.

Hindi naman na ako sumagot dahil concerned na talaga ako at wala na talaga akong choice kung hindi 'wag nang bumaba. Natatakot din naman akong bumaba roon.

"Sige. Mauna na kayo. Message kayo kapag nandoon na kayo ha? Bukas na lang ako papasok." Paalam ko sa kanilang dalawa at ibinaba na 'yung tawag.

Sumilip pa muna ako sa labas para panoorin na makalayo 'yung kotse ni Drebs. Pumasok ako ulit sa loob ng kwarto para magbihis ng pambahay bago ko tawagan 'yung president ng club namin.

Gusto kong sumigaw out of frustration at inis na hindi ko alam. Iniisip ko na kung ganito 'yung mga nangyayari, at kung makagawa man ako ng paraan ngayon, paano bukas at sa mga susunod na araw? Hindi naman pwede na hindi na ako papasok lagi.

Basta ko na lang ibinagsak 'yung katawan ko sa kama at tinawagan si Klara. She's Klara Silvestre, our club's president and also my classmate. She's nice and understanding. Kaya alam ko na maiintindihan niya at papayagan niya ako, lalo na kung idadahilan ko na may sakit ako.

Pero nakakahiya, kasi aside from she has a lot on her plates na rin as a president of our club, I'm aware to myself too that I'm lying. Madadagdagan 'yung gagawin niya, or nila, dahil sa'kin.

"Uy, Pres." Bungad ko sa kaniya pagkasagot niya ng tawag after ng ilang ring. Hininaan ko pa nang sadya 'yung boses ko para sa alibi ko na may sakit kunwari.

"Hm?" Mahinang sagot niya. Medyo maingay na sa background niya kaya for sure, nandoon na siya sa Araneta.

"Isang interview lang naman naka-assign sa'kin ngayon, di ba? Baka kasi hindi ako makapunta riyan ngayon. May sakit kasi ako, e." Mahabang sabi ko sa kaniya, stating my reason agad para alam niya na.

"Oo, isa lang. Pero kung may sakit ka, pwede ko naman saluhin muna 'yung interview mo. Dalawa kasi 'yung sa iba. Baka mabigatan sila masiyado kapag sa kanila ko pa ibibigay 'yung sa'yo." Paliwanag niya sa'kin. As expected, pumayag siya at willing pa na saluhin 'yung part ko kahit na isang tambak din 'yung gagawin at ifa-finalize niya.

"E, 'di ba ifa-finalize mo pa 'yung newspaper last season? Sabi mo last meeting hinahanap na sa'yo 'yon." Nag-aalalang tanong ko. Wala yata talaga akong takas, baka nga kailangan ko talagang pumasok. "Bukas na 'yon ipapasa, natatandaan ko." Dagdag ko pa sa naalala ko bigla. Lalo na ako nakonsensiyang hindi pumunta roon.

"Oo. Pero pwede ko naman i-cram. Ayaw ko naman pilitin mo na pumasok nang may sakit ka. Baka kung mapaano ka pa." Paliwanag niya ulit.

Kahit kailan talaga, napakaselfless niya. Ako pa inaalala niyang baka mapaano. E, siya rin naman may chance na baka mapaano kung ica-cram niya 'yung newspapers namin dahil for sure kulang pa 'yung magdamag doon.

"Papasok na lang ako. Kaya ko pa naman." Natatawang sabi ko pa. "Uuwi na lang ako after ng interview para makapagpahinga siguro. Don't worry about my part na. I'll do it." Mahabang sabi ko ulit.

Ilang beses pa niya akong tinanong kung sigurado raw ba ako. Pinipilit naman niya na kaya naman niya i-manage 'yung oras niya pero hindi na ako pumayag. Nakokonsensiya na rin ako.

Mabilis akong nagbihis nang pang-alis ulit at tumawag kila Drebs. Balak ko sana, doon na siya magpark sa mismong gate para paglabas ko, sasakay na ako agad. Baka sakaling doon, hindi na ako masiyado mapansin at makatakas kami.

Pero halos maiyak ako nung sinabi nila sa'kin na ayaw na raw sila paalisin nung President namin. Marami raw kasing naglakwatsa kahapon, kaya naghigpit ngayon.

Nagsabi lang ako sa kanila na i-attendance na lang ako at gawaan na lang ako ng dahilan kung bakit ako na-late. Pumayag naman sila at sila na raw 'yung bahala roon. Sinabi ko na lang na susubukan kong takasan. Kung hindi, bahala na.

Ano ba naman 'tong nangyayari sa buhay ko. Gusto ko lang naman mag-aral.






Yukio Zyde Montero

Maaga akong nagising kaninang umaga, or to be honest, hindi na naman ako nakatulog nang maayos. I was thinking about the article the whole night. I'm mad and pissed, lahat nang pwedeng maramdaman na negative, naramdaman ko na siguro.

Sinong tanga naman ang gagawa ng ganoong article?

"Sabihin mo na." Mahinang bulong ni Lax kay Prims na nasa tabi na naman namin ngayon dahil may game.

Hindi ko nga rin alam kung bakit ang pangit ng schedule namin dahil magkasunod agad na araw. Naka-upo lang naman kaming apat sa bench dahil pare-parehas kaming maaga nagpunta rito ngayon. Naghihintay lang kami mag-umpisa 'yung laban.

"Dinayo raw ng press 'yung Isaiah sa bahay." Mahinang bulong ni Prims sa'min. They all looked at me like they are waiting for me to say or do something about the information that Prims told us.

"Oh?" Maikling tanong ko. I also raised an eyebrow to them para tanungin kung anong ibig sabihin ng mga tingin nila sa'kin.

"Hindi mo ba pupuntahan?" Pol asked. I just looked at him in disbelief.

"Why would I?" I hissed.

Kasi it looks like they want me to do something. Or specifically, puntahan ko 'yung Isaiah sa bahay at harangin ko 'yung press para sa kaniya.

As if he can't speak for himself. Siguro naman marunong siyang magsalita at sumagot ng mga tanong. Wala naman siyang ibang gagawin kung hindi magsabi nang totoo at itanggi kung ano man 'yung mga kabaliwan na kumalat na 'yon.

"Kawawa 'yung tao. At least clarify things out sa press para hindi siya maipit." Lax suggested. Humarap lang ako sa kanila bago magsalita.

"Paps, the press might misinterpret it more kung basta na lang akong lilitaw roon just for him. You know I don't like talking on cameras and all, kaya kung pupunta man ako roon ngayon, baka lalo lang mapasama." I explained, kasi mukhang the're expecting something from me. "And besides, siguro naman kaya niyang magspeak up para sa sarili niya." Pagtatapos ko sa sasabihin.

"Pero kasi, paps. Mas kilala ka ng press. Kumbaga, mas malaki 'yung sakop ng audience mo kaysa sa kaniya. Kaya mas maganda sana kung ikaw 'yung magsasalita." Dagdag ni Pol sa mga sinabi nung dalawa. "He's also innocent, you know that." Seryosong sabi niya pa ulit.

"Fine. If ever ako 'yung pupuntahan ng press, I'll speak up. And if ever maulit na pupuntahan siya sa apartment, I'll go to him. Just not now that the game will start any minute." Pagpayag ko.

Tumingin ako sa kanila dahil akala ko naman papayag na sila, but I think it's still not enough. Mukhang hindi pa rin sila convinced at contented sa sinabi ko.

"I messaged you his address." Primo whispered to me. Naupo siya sa bench na katabi ng sa'kin. Two seats away from where are they kanina.

"What the hell do you expect me to do with that? And where did you get that?" I asked. Irritated by his smirk.

"In case na kailanganin mo. I know you, paps." Natatawang sabi niya sa'kin. "Nakuha ko lang sa classmate ko. Kakilala niya yata 'yung isang kaibigan nung Isaiah, 'yung Drebs yata." Dagdag niya pa.

Tumango na lang ako sa kaniya at sinenyasan na siyang umalis na. I need to think. Umalis naman siya agad sa tabi ko pero makahulugan pa siyang tumingin at ngumiti sa'kin. Minsan talaga, mas malakas pa 'to mangpikon kaysa kay Lax at kay Pol, e.

I just rested my back on the bench and closed my eyes. I took a deep sigh.

As if I have an obligation to him.

Hindi pa ako nagtatagal sa ganoong posisyon nung dumating na si coach. Nagsabi lang siya ng mga paalala at naggood luck sa'min bago pumunta na sa court. Kaunting warm up lang dahil maya-maya lang mag-uumpisa na rin naman 'yung game.

"Tara muna roon." Pagyaya ni Lax sa'min habang nakaturo sa pwesto ni coach.

Magsisimula na yata. Lumapit kami kay coach at nakinig sa mga sinasabi niya. Ilang minuto na lang bago magstart 'yung laro.

"Okay, team. Just enjoy the game, and as much as possible, play safe. Ayokong matatapos ang game na 'to nang may injury ang kahit na sino na inyo. Maliwanag?" Malakas na sabi niya.

"Yes, coach!" Pagsang-ayon namin lahat sa kaniya. It's him, he's always like this. He never misses any chance to remind us to always be safe when playing.

"Talent wins games, but teamwork and intelligence wins championship." Makahulugang sabi niya. That's Michael Jordan. "Sa championship ang punta, hindi sa clinic at sa hospital, naintindihan?" Malakas na paalala niya ulit.

Tumawa kami pero malakas din na sumagot ulit. "Yes, coach!" Sagot namin at inilagay sa gitna 'yung mga kamay namin.

"What you do speaks louder than what you say." Sabi na naman niya. And that's my boy Stephen Curry right there. "Okay, team. One big fight!" Sigaw niya at ipinatong 'yung kamay niya sa mga kamay namin.

"ONE BIG FIGHT!" Malakas na sigaw rin namin.

Agad na umugong 'yung malakas na tunog ng buzzer matapos 'yon. Pumito na rin 'yung referee at nagsigawan na rin 'yung mga nanunuod.

Pumunta na kami sa loob ng court to start the game. Lax tapped the ball as soon as he jumped for the jump ball, Pol caught it and drove on our ring. Ipinasa niya 'yon sa'kin nang makapwesto ako, I was aiming for our first points pero sumablay 'yon. Napa-iling ako at agad na nagsorry sa kanila, sinabi ko rin na babawi ako sa susunod. Pero hindi nangyari.

Ilang pasa nila 'yung hindi ko naihuhulog sa ring. Sigurado akong nasa mood ako kanina at maayos naman 'yung sistema ng katawan ko simula pagkagising hanggang sa dumating ako rito sa gym. Hindi ko alam pero nawala ako sa hulog bigla. Gusto kong tumawag ng time out at magpahinga muna dahil naaapektuhan ko 'yung laro nung iba, pero baka lalo akong mawala sa hulog pag tumambay ako sa bench.

"Chill, paps. Wala ka sa laro." Bati ni Lax sa'kin.

Sinadya niya talaga akong lapitan para tapikin sa balikat. Naiinis ako, at alam kong mas mawawala pa ako sa laro kapag hinayaan kong mainis ako lalo.

It's just so frustrating because I know the reason why I suddenly became like this, but I don't want to admit it to myself. At naaapektuhan 'yung laro ko dahil doon. Hindi nakakatuwa.

Oras na napunta sa'min 'yung bola, tumawag ng time out si coach. He'll scold me, for sure. Prepared na ako, because I am already scolding myself. I know what I want to do, pero hindi ko kayang gawin dahil may game.

"Montero, what's wrong with you? Ilang puntos na nasasayang mo." Sita niya sa'kin.

Nagsorry lang naman ako at kinuha 'yung tumbler ko sa bag para uminom. Nahulog sa sahig ng court 'yung susi ng kotse ko pagkakuha ko nung tumbler. And by that time, as soon as my eyes landed on my car key which is on the floor, parang umikot 'yung utak ko para magkagulo-gulo na 'yung isip ko.

"Sorry, coach." Baling ko kay coach pagkapulot nung susi ng kotse ko sa lapag. Saka ako bumaling kay Lax at kay Pol. "Kayo na muna bahala. Saglit lang ako. Babawi ako pagbalik ko." Mabilis kong sabi sa kanilang dalawa, dinampot ko 'yung phone ko sa bag at mabilis na tumakbo palabas ng gym. Narinig ko pang sumigaw si coach at tinawag ako pero hindi na ako lumingon.

Sinuot ko lang 'yung jacket ko pagkasakay ng kotse at mabilis na pinaandar 'yon. Binuksan ko agad 'yung message ni Prims para i-check 'yung address. Hindi naman 'yon ganoon kalayo mula rito, kung hindi kami mahihirapan na makalusot sa press, makaka-abot pa ako sa game.

I really did dump the game for this, huh?






Isaiah Gavin De Vera

Dahan-dahan kong isinara 'yung pinto ng apartment ko after ko magprepare ulit pasunod sa gym. Siguro hihingi na lang ako ng help kay kuyang guard na 'wag isarado agad 'yung gate para tatakbo na lang ako papasok ulit kapag may nakapansin sa'kin. Hindi ko alam paano tatakasan 'tong mga 'to, or kung dapat ko bang takasan talaga. Pero kailangan ko talagang umattend ngayon, wala akong choice.

Lumingon ako sa paligid habang nakasilip sa gate. Nasa kabilang kalsada 'yung mga tao at wala sa mismong tapat ng gate, tatawid pa sila bago makapunta rito. Siguro hindi sila pinayagan nung guard. Confirmed na press sila dahil may dala silang mga mic, notepads, and cameras. Wala akong ibang dadanan dahil isa lang naman 'yung gate ng apartment na 'to. Kung meron man, siguro aakyat na lang ako ng bakod.

Sumilip pa ako ulit ng isang beses bago lumabas. Wala naman nakatingin sa gawi ko kaya mabilis at nakatingkayad na akong naglakad palabas ng gate. Nakacover pa 'yung kamay ko sa mukha ko at bahagyang nakayuko. Pero may sumigaw na maya-maya lang.

"Ayan na!" Malakas na sigaw niya.

At bago pa man ako makatakbo pabalik sa gate na medyo malayo na rin, nagkagulo na sila sa harapan ko. Sumilip pa ako sa gawi ni kuyang guard pero masyadong maraming sasakyan 'yung nakacover sa pwesto namin ngayon, hindi kami natatanaw, at mukhang malabo na rin naman na maka-alis ako rito dahil ang dami nilang nakaharang sa'kin.

Gustohin ko man tumakbo, napapalibutan na nila ako. Nakayuko lang ako habang nakikiusap na padaanin nila ako pero hindi nila ako pinapakinggan. Tinatabingan ko lang 'yung mukha ko mula sa mga flash ng cameras nila. Halos mahampas na rin nila ako ng mic sa mukha dahil sa sobrang pagtutulakan at pagsisiksikan.

At this point, gusto ko nang umiyak. I feel so helpless.

"Totoo po ba na nagd-date kayo ni Yukio Montero?" Hindi. Putangina.

"Anong masasabi mo sa dating rumor niyong dalawa?" Fuck you sa nagkalat no'n.

"How does it feel to date an ace player?" Thank you for that wonderful question. Pakitagalog po, please.

Hindi ako nagsalita o sumagot sa mga tanong nila. Natatakot akong magsalita, baka mamaya may masabi ako at kung ano na naman ang mangyari. Hindi naman ako sanay sa ganito. Sanay akong ako ang nag-iinterview, pero hindi ako sanay na ako ang tinatanong.

Nakakita ako ng maliit na space sa gilid kaya unti-unti at mabagal akong naglakad palapit doon. Pero habang humahakbang ako, humahakbang rin sila. Ayaw talaga akong padaanin.

Naiiyak na ako, putangina.

"Stop shoving your cameras and microphones to his face. You're hurting him." Montik na akong mapasigaw nung biglang may nagsalita at hinila ako saka ako cinoveran ng jacket sa mukha.

Nakasuot sa kaniya 'yung varsity jacket habang nakabukas 'yon at nakacover sa'kin 'yung isang side. Hawak niya pa ako sa balikat habang nakaharap sa kaniya.

Para akong bata na nakaharap sa kaniya habang nakataas 'yung isang kamay niya para itabing sa mukha ko 'yung jacket, at dahil mas matangkad siya sa'kin, nagawa ako noon na i-cover nang maayos.

Although parang magkayakap kami sa pwesto namin ngayon dahil nakaharang pa 'yung parehas kong kamay sa pagitan namin na iilang inches lang siguro, ayos na rin dahil nakatago na ako.

It feels safe.

"Don't bother him and never comeback here anymore. Ask me anything you want to ask, I'll answer your questions. Just don't bother him anymore." Mahabang sabi niya doon sa mga tao, nagbulungan naman sila agad.

Hindi ko alam kung makakatulong ba 'tong ginagawa niya para maayos lahat, or baka mas dumami lang 'yung tanong at issues dahil dumating siya rito. Pero hindi ko na inisip. I'm just thankful na dumating siya.

Hindi naman nagsasalita 'yung press ngayon. Basta lang sila kuha nang kuha ng pictures at walang nagsasalita. Samantalang kanina, kulang na lang daragin nila ako at iposas para sagutin ko lahat ng tanong nila.

"The article is not true. I'm not dating him, not anyone. I know that's the reason and the main point of you coming here. I'm clarifying things, that article is not true. Leave him alone." Mahabang sabi niya nung hindi nagsalita 'yung press.

Tumingala ako sa kaniya dahil doon. I'm really thankful na dumating siya, sobrang gaan ng loob ko ngayon hindi kagaya kanina.

Nagbaba siya ng tingin sa'kin, at dahil nakatingala ako sa kaniya, our eyes met.

Lord, ang pogi talaga.

"Are you fine?" Mahinang tanong niya sa'kin.

Kinabahan naman ako dahil sa tingin niya. At dahil ginagawa niya 'to sa harap ng press, lalo akong kinabahan.

"Nasaktan ka ba?" Mahinahon na tanong na naman niya sa'kin, nag-aalala. Umiling naman ako kaagad.

He placed his free hand on the back of my head at lalong inilapit 'yon sa kaniya, maliit ako kaya nasa ibaba ng lalamunan niya 'yung mukha ko. Inikot niya rin sa likod ko 'yung jacket kaya at this point, he's already hugging me.

Inalalayan niya akong maglakad nang patalikod palapit sa kotse. Nakaharang sa daan namin 'yung mga press, kaya kung hindi ako maglalakad nang patalikod, makukuhanan lang din ako ng pictures. Mawawalan lang ng silbi 'yung pagcover niya sa'kin kanina.

Although hindi ko naiintindihan kung bakit kailangan pa namin itago 'yung mukha ko. E, nireveal naman na nung gumawa ng article 'yung picture ko roon. But what he is doing makes me feel safe and secured.

I snapped into reality nung nagsalita siya. "Hop in." He commanded.

Mabilis na sana akong haharap sa kotse dahil sa panic nung nagsalita siya, but he immediately pulled the back of my head pabalik sa dibdib niya. Mas malapit this time.

"Stop taking photos, please. I already explained our side, I told you the truth. Stop bothering us anymore." Madiin niyang sabi kaya napatulala ako sa kaniya.

Nagbaba na naman siya ng tingin sa'kin at marahan akong inalalayan pasakay sa kotse nang hindi pa rin nakaharap sa mga tao. Hawak niya pa 'yung taas na side ng pinto para hindi mauntog 'yung ulo ko sa pagsakay.

Humarap siya doon sa mga tao before isarado 'yung pinto sa gawi ko at nagsalita.

"Get your articles right, and only include what I said and clarified. Never come back here, and never post any pictures from today or I'll fucking sue you all." Madiin niyang sabi bago isarado 'yung pinto sa gawi ko at mabilis na umikot pasakay sa driver's seat. Agad niya rin ini-start 'yung kotse.

Parang lantang gulay kong basta na lang ibinagsak sa sandalan 'yung katawan ko nung makalayo kami roon. My emotions are unexplainable. Gusto kong makahinga nang maluwag, gusto kong magthank you sa pagdating niya at pagsasalita for the both of us.

Pero mas nangingibabaw 'yung kagustuhan kong umiyak. Natakot ako kanina at sobrang kinabahan. I don't know how to speak up for myself at hindi ko alam kung paano aalis sa situation na 'yon. I really feel so hopeless and helpless kanina. Wala akong mahingian ng tulong.

"Salamat." Mahinang sabi ko at saka ako yumuko.

Parang pakiramdam ko iiyak na ako any minute from now pero pinigilan ko. Siyempre, ayaw ko naman basta na lang umiyak sa harapan niya. Hindi siya nagsalita kaya tumingin lang ako sa kaniya.

"Paano mo nalaman 'yung bahay ko?" Pagsasalita ko ulit.

I want to break the silence since it's too much for me. Pakiramdam ko lalo akong mababaliw kapag tahimik. Pero nakikiramdam din ako dahil baka mamaya, ayaw niya pala makipag-usap.

"My friend gave your address to me. He's also the one who told me na pinuntahan ka sa bahay ng mga reporters. I'm sorry for that." He casually said . Nakatutok lang sa daan 'yung paningin niya. We're kind of fast, pero hindi naman sa nakakatakot na way.

"Thank you ulit." Pasasalamat ko na naman, pero tumango siya this time. "Ano... Wala ka bang laro?" Tanong ko na naman dahil ngayon ko lang napansin na naka-jersey pala siya.

He sighed before answering. "Meron." Maikling sagot niya.

Lumingon ako agad sa kaniya at tumingin sa wrist watch ko. Hindi ko alam kung anong oras 'yung game nila pero basta na lang ako tumingin sa oras na para bang malalaman ko kung late na ba kami or hindi.

"The game is ongoing when I left." Seryosong dagdag niya pa kaya napatingin na naman ako sa kaniya.

Wala naman bahid na pang-guilt trip 'yung sagot niya, he just answered my question pero na-guilty ako.

"Sorry." Mahinang bulong ako at yumuko na naman.

Nahihiya ako if that's the case dahil sobrang laking abala nung nangyari na 'to ngayon sa kaniya.

"It's fine. It's my decision to dump the game." Pagsagot niya sa'kin.

Tumango na lang ako at hindi na inalis 'yung pagkakayuko. Nahihiya na akong magsalita pa ulit.

"I have to drop you here. They can't see us riding the same car." Salita niya ulit at tumingin sa'kin. Tumingin ako sa labas ng kotse. Nasa Araneta na kami, nasa medyo malapit lang siya huminto para hindi mapansin ng mga tao.

Nagnod naman ako at binuksan 'yung pintuan ng kotse. Nagthank you pa ako ulit sa kaniya bago tuluyan nang bumaba. Umalis naman siya kaagad.

Hindi ako agad naka-alis doon sa pinagbabaan ko dahil hindi ko pa kaya i-digest 'yung mga nangyari pero wala naman akong choice kung hindi maglakad dahil baka nag-aalala na sa'kin sila Cas. Kinuha ko lang 'yung phone ko at nagmessage sa kanila na papasok na ako. Sinabi lang naman nila sa'kin na nandoon daw sila ulit sa pwesto namin kahapon.

Naglakad na ako papasok sa loob, tumawid pa ako dahil sa kabilang kalsada niya ako ibinaba. Pero hindi pa man ako nakakalapit sa entrance, kinuyog na naman ako. Students naman this time. At puro na naman tungkol kay Montero 'yung tanong nila.

Nakipagsiksikan na naman ako paalis. Kagaya kanina, hindi na naman ako nagsasalita dahil natatakot akong may masabi na maka-apekto kay Montero at sa image niya, at baka may masabi rin ako na mas magpapalala ng sitwasiyon. Nakipagsiksikan ako sa kanila pero mas mahirap makatakas sa kanila compared doon sa press kasi ayaw talaga nila akong padaanin. I can't move even a single step.

Nag-angat ako ng tingin nung bigla silang tumahimik at naglayuan sa'kin sa isang iglap. Lumingon ako sa likod at nakita ko na naman si Montero na papalapit sa gawi ko. Mukhang napipikon na siya. Hindi ko alam kung sa mga tao ba, o sa'kin na mismo, dahil nakatitig lang siya sa'kin habang nakapamulsang naglalakad.

He took his left hand out of his pocket and grabbed my wrist saka niya ako hinila palabas sa dagat ng mga students doon. Huminto siya sa harap ng entance na medyo malayo sa pwesto namin kanina, nakatayo lang kami sa gilid. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa braso ko at tumingin sa'kin.

"Learn how to speak up for yourself. They won't let you live in peace if you're just going to shut your mouth forever. Don't expect me to always answer all the questions for you, I hate explaining." Seryosong sabi niya habang diretsong nakatitig sa mga mata ko.

Hindi na niya ako hinintay na sumagot dahil basta na lang niya akong tinalikuran at mabilis na naglakad papasok sa loob.

Naiwan akong tulala doon ng ilang segundo. Digesting what happened and what he said. Pero agad na akong pumasok sa loob nung naramdaman kong nagvibrate 'yung phone ko. Naguilty ako for not speaking up for myself, but I'm just worried na may masabi akong mali that will make the situation worse.

Am I wrong because I didn't speak up? Or am I right for not speaking up?

Nakalapit ako kila Drebs nang hindi ko namamalayan. Nakuwento ko rin sa kanila kung anong nangyari nang hindi ko masiyadong nabigyan ng pansin 'yung mga sinasabi ko.

Hindi ko alam kung paano ako nakapagkwento sa kanila ngayon na punong puno ng guilt 'yung isip ko. Sobrang occupied ako nung mga nangyari, at hindi talaga mawala sa isip ko 'yung mga sinabi niya. Isip ako nang isip doon simula pagbyahe hanggang sa makarating sa apartment.

Pumayag akong magpahatid kila Drebs ngayon dahil alam kong wala ako sa sarili at nag-aalala ako na baka kung anong mangyari sa'kin habang pauwi. Hanggang sa pagkilos sa bahay, basta na lang akong naligo at ibinagsak sa kama 'yung katawan ko.

I know what he said is right, at talagang may point siya. That's why I feel guilty. Tama naman na hindi sila matitigil katatanong sa'kin kung hindi ako magsasalita. Baka nga mas lalo lang silang mag-assume kapag nagstay akong manahimik.

Nakokonsensiya talaga ako. I should speak up for myself nga naman. So, kailangan ko magsorry. Right? Yes, Sai. Magsorry ka.

"Argh!" I screamed after throwing the pillow.

Nasstress na ako kaiisip sa mga sinabi ni Montero and I don't know what to do ngayon. Sinubsob ko lang sa unan 'yung mukha ko at doon sumigaw nang ilang beses. Kinuha ko lang 'yung phone ko sa side table at nagpunta sa message. I need to say sorry, dahil kung hindi, hindi ako papatulugin ng pag-iisip ko at ng lintik na konsensiya ko.

Compose Message

To: montero na masungit

Message: Hi, this is Isaiah. Sorry pala kanina.

"No. This is too short and informal." Mahinang bulong ko sa sarili at nagsimulang burahin 'yung message na natype ko na. Nagsimula na naman akong mag-isip ng bagong ita-type.

Compose Message

To: montero na masungit

Message: Sorry raw sabi ni Isaiah. Nakimessage lang siya, pinsan niya 'to.

"Tangina. Ang hirap naman nito." Reklamo ko pa ulit bago binura na naman 'yung message. Hindi naman ako nahihirapan magsorry. Hindi ko lang talaga alam kung anong words ba 'yung dapat kong sabihin sa kaniya.

Hanggang sa message, nai-intimidate ako sa kaniya.

Compose Message

To: montero na masungit

Message: Hi. This is Isaiah, the student from La Salle. I just want to apologize for what happened kanina. I should've really spoke for myself just like what you've said. I'm really sorry for making you speak up for me. Yet, thank you still.

Sent. 10: 29 PM

Basta ko na lang ibinato 'yung phone ko sa kabilang side ng kama at nagcover ng kumot sa buong katawan. Pumikit na ako para pilitin 'yung sarili ko na matulog pero pumasok lang sa isip ko 'yung mga nangyari kanina.

Nahihiya talaga ako at naguilty sa mga 'yon, pero wala na rin naman akong magagawa dahil tapos na. Pero thankful pa rin talaga ako na pinuntahan niya ako at inilayo sa lintik na mga press na 'yon.

Ngayon lang din ako nagka-oras para isipin 'yung mga nangyari roon. Kung paano niya ako kabigin palapit sa kaniya at tabingan ako ng jacket. Kung paano niya ako tinanong kung okay lang ba ako at kung nasaktan ako. Kung paano niya ako alalayan at yakapin o kung yakap ba 'yon para makalakad ako papalapit sa kotse. His words and how he made sure na hindi na babalik 'yung press at hindi maglalabas ng kahit anong pictures mula ngayon.

Kahit sinungitan niya ako nung huli, or kung pagsusungit ba talaga 'yung tawag doon, thankful pa rin ako sa kaniya. Imagine, kung hindi siya dumating, baka iniyakan ko na 'yung press para padaanin ako. Kaya mabuti na lang talaga at dumating siya at hinila ako roon.

Pero maybe he's not masungit. Baka ganoon lang talaga siya magsalita, although tama naman talaga 'yung mga sinabi niya. His voice was calm, firm, and authoritative. Kaya siguro masungit para sa'kin kahit na hindi naman talaga. But I remembered how soft his voice when he asked me if I'm okay after he pulled me away from the ocean of people. It sounds soft, securing, at puno nang pag-aalala.

I smiled after his worried eyes flashed in my memory. It's intimidating yet securing. 'Yung tipong matataranta ka sa tuwing titingnan ka niya sa mata dahil sa kaba at sa kung anong nagkakagulo sa loob ng tiyan mo. Iba 'yung epekto nang mga tingin niya. It's dark and deep, and it feels like he's talking to your soul when he's looking at you.

Maybe that's Yukio Montero. No, scratch that. It's definitely a yes. He is the Yukio Zyde Montero of the Ateneo de Manila University basketball team. And he's giving me butterflies.









— keep going.

Continue Reading

You'll Also Like

380K 6K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...
99.3K 2.4K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
182K 3K 50
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
5.3K 243 19
Mature content | R -🔞 | SPG "REINCARNATION SERIES 1" Ang kwentong ito ay tungkol kay Sage Axis Ferrer Arseo, isang mabangis na killer machine na na...