27 Steps to His Bed ✓

By thellchix

1.2M 22.1K 986

"Itataya ko maging ang panty na suot ko maging akin ka lang Kurt Levi Navarro. Tandaan mo yan. Itaga mo pa sa... More

27 Steps to His Bed
1st Step
2nd Step
3rd Step
4th Step
5th Step (SPG Alert!)
Dream Come True!
6th Step
7th Step
8th Step
9th Step
10th Step
11th Step
12th Step
13th Step
14th Step
15th Step
16th Step
17th Step
18th Step
19th Step
20th Step
21st Step
22nd Step
23rd Step
24th Step
25th Step
26th Step
27th Step
Book 2: Steps to Win Her Back
[STWHB] Step 1
[STWHB] Step 2
[STWHB] Step 3
[STWHB] Step 4
[STWHB] Step 5
[STWHB] Step 6
[STWHB] Step 7
[STWHB] Step 8
[STWHB] Step 9
[STWHB] Step 10
[STWHB] Step 11
[STWHB] Step 12
[STWHB] Step 14
[STWHB] Step 15
Epilogue (The Last Step)
Special Chapter
A/N

[STWHB] Step 13

18.5K 336 18
By thellchix

Just in case you guys are curious, here's the list of some of the casts:

Chace Crawford as Ace dela Merced

Seo In Guk as Hyatt Sebastian

Gianna Jun as Luanne Navarro

Park Chanyeol as Guiraud Manalo

-

"Weh?" iyan ang unang lumabas sa bibig ko.

I heard him laughed softly. Sabi na nga ba niloloko na naman ako ng lalaking 'to. Asa naman ako na totoong may himala. Kainis. Assuming na naman ang beauty ko. Makapag-ampon na nga lang bukas na bukas din.

"Here." iniabot niya sa'kin yung PT pero hindi ko ito tinanggap.

"Ayoko. itapon mo na lang." I shook my head.

"Bakit ko naman itatapon? Balak ko pa nga 'to ipa-frame." he chuckled.

"Sige, ipa-frame mo yang ebidensiya na hindi kita kayang bigyan ng anak." I berated. Nakakainis lang.

"Chastine." he warned.

"Ano? Totoo naman—"

"Sshhh.. I don't want to hear it again from you." he sighed. "Two red lines, Baby."

Two red lines? Kunot noo kong tinanggap ang inaabot niya sa'kin at natigilan ako. Halos lumundag palabas ng dibdib ko ang puso ko sa nakita ko. Two red lines! Two fvckin' red lines. Positive nga!

Hindi makapaniwalang tinitigan ko si Levi na nakangiti sa'kin. "Totoo ba 'to?" I asked, still in shock.

Shit. Naiiyak ako. Buntis ako. Paano nangyari? Di ba sabi ng doktor ay malabo akong magka-anak? Gosh! Totoong nga kaya na may himala? Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang nararamdaman ko. Para akong sasabog sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko. Finally, after a year of waiting and praying, I am now pregnant. Wala akong mapagsidlan ng tuwa.

Niyakap ko ng mahigpit si Levi at hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Tears of joy. Matagal kaming nanatiling magkayakap hanggang sa nakaramdam ako ng init. Kailangan ko yatang maligo. Kumalas ako sa kanya.

"Ang init." sabi ko at pinunasan ang noo ko kahit wala naman itong pawis.

"Undress."

"Huh?" napanganga ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Anong undress ang pinagsasabi nito? Buntis na nga ako tapos—haay.

"Mainit diba?" he smiled playfully. But his eyes turned darker shade. I gulped.

"Hindi. Malamig pala. Doon muna ako sa labas." palusot ko saka ako tumayo para takasan siya pero mukhang hindi niya ako hahayaang makatakas dahil hinila niya kaagad ako pabalik.

"Naiinitan din ako. Can you help me get off my clothes?" bulong niya malapit sa leeg ko. Napapikit ako. Damang dama ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Nakakakiliti. Kakaibang kiliti.

"Levi.." I moaned as his hands travelled to my waist and slowly lift my shirt.

"I love you, Chastine. And I'll never get tired of saying those three words to you." bulong niya at inikot ako paharap sa kanya. Tumingala ako para makita ang mga mata niya na parang tumatagos sa kaluluwa ko.

"I love—" I wasn't able to finish my sentence when he swallowed the rest of my words.

"Wow! Mommy Chas, ang ganda ganda mo po." komento ni Maxine nang matapos akong gupitan ng bakla.

Naisipan kong magpagupit dahil naiinitan ako. Short hair na ako ngayon. At saka gusto ko rin isurprise si Levi sa new look ko. Ngayon kasi ang balik niya.

"Talaga? Thank you. Ang ganda mo rin. Bagay sa'yo yang gupit mo." inayos ko ng kaunti ang buhok niya. Pinagupitan ko rin kasi siya. Matapos namin magpagupit ay umuwi na rin kami dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. Siguro nga ay preggy talaga ako, at hindi ako jino-joke time ng PT na yun. Pero ang hirap lang din kasi paniwalaan.

Kanina pa hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko dahil sa ginagawa ko. Hindi ko maexplain yung saya ko habang ginagawa ko ito. Hindi ko rin alam kung bakit.

"Ahhrahhy! Chamah nah." reklamo ni Hyatt habang pinipisil ko ang pisngi niya. Ibang klase talagang kasiyahan ang dulot ng mga pisngi niya. Haha. Ang sarap pisil pisilin. Parang marsh mallow.

Kanina pagdating namin ni Maxine ay nadatnan namin siya dito sa bahay. Paalis na sana siya nun, malas niya lang at naabutan namin siya. Nagkaroon tuloy ako ng chance na panggigilan siya. Bakit ba kasi ang cute cute niya sa paningin ko? Gusto ko tuloy siyang kagatin.

Nagbukas ako ng TV nang magsawa ako sa kakakurot sa pisngi niya. At saka pulang pula na kasi. Nakakaawa na. Baka mamaya bigla na lang siyang umiyak diyan. Kasalanan ko pa. Baka magsumbong pa sa pinsan niya, sabihin inaapi ko siya.

Bakit ba kasi ang tagal mag-alas siete? Gusto ko na ulit makita ang asawa ko. Miss na miss ko na siya.

"Pinaglilihian mo ba 'ko?" tanong niya na nakahawak sa magkabila niyang pisngi.

"Paano kita paglilihian, hindi naman ako buntis." sagot ko.

"Sigurado ka? Nagpa-check ka na ba sa OB mo?"

"Hindi pa." simpleng sagot ko. Gusto kasi ni Levi ay magkasama kaming pumunta sa OB pagbalik niya para marinig niya rin ang mga sasabihin nito.                                                                                                                                                                

"Sabi mo, eh. Anong oras dating ni Insan?" kumuha siya ng isang hiwa ng mangga na kinakain ko at pinalo ko ang kamay niya.

"Kumuha ka nga ng sa'yo." reklamo ko.

"Ang damot nito. Parang isa lang. Ganyan ba talaga ang mga babae? Pareho kayo ni Luanne."

"Tse! Lumayas ka na nga."

"Kanina pinipigilan mo akong umalis tapos ngayon pinapalayas mo 'ko. Ayos ka, ah."

Ewan ko ba. Bigla na lang akong naasar sa kanya. Kanina gusto ko lang siyang panggigilan. Ngayon gusto ko na siyang sakalin. Yung ganung feeling. Ang hirap pakisamahan. Napairap na lang ako at itinuon ang atensyon sa TV. Mas may kwenta pa manuod ng anime kaysa pansinin siya.

"Ang tanda tanda mo na, nanunuod ka pa ng anime."

"Wag mo nga akong pakialaman. Umuwi ka na nga. Naiirita ako sa'yo."

"Tsk. Ang hirap talaga intindihin ng mga babae. Kaya ayoko mag-asawa, eh."

"Para namang may magtatangkang pakasalan ka."

"Hoy, Chastine. Wag mong minamaliit 'tong gwapong 'to. Maraming nagkakandarapa sa'kin kung alam mo lang." mayabang na sabi niya.

"Whatever."

"Inaantok ako." naghikab siya at sumandal sa balikat ko.

"Wag mo nga akong sandalan." reklamo ko saka ako lumayo. Akala mo naman magaan ang ulo niya. "Manang, pakikaladkad nga po 'tong lalaking 'to palabas ng bahay." utos ko kay Manang.

"Ma'am, mukhang napaglilihian niyo po si Sir Hyatt. Nagiging antukin po kasi ang mga taong napaglilihian." komento ni Manang at nginitian ako. Napasimangot ako. Pinaglilihian ko si Hyatt? Juice ko. Sa dami ng pwedeng paglihian, bakit si Hyatt pa? Kawawa naman ang baby ko. Baka maging kasing abnormal niya.

"Kita mo na! Pinaglilihian mo talaga 'ko." he accused.

Inirapan ko siya ng todo at saka sinimangutan. "As if naman ginusto kong paglihian ka. Kainis. Sa dami ng pwede kong paglihian bakit ikaw pa?" I hissed.

"Para namang luging lugi ka na ako ang pinaglilihian mo. Ang gwapo ko kaya—Teka. So, buntis ka nga talaga?" biglang nanlaki ang mga mata niya.

"Oo na. Pero hindi pa sure, dahil hindi pa ako nakapunta sa OB para ma-confirm kung tama yung result ng PT."

"Ano pang hinihintay mo? Tara samahan kita." excited niyang sabi.

"Wow. Excited? Ikaw ang ama?"

Napakamot na lang siya ng batok at umupo ulit sa tabi ko. "Sorry naman. Na-excite lang ako na magkaroon ng pamangkin."

"Pamangkin mo din naman po ako ah, Tito Hyatt." nakangusong reklamo ni Maxine.

"Ayoko sa'yo. Matanda ka na. Nagpapaligaw ka na nga, eh. Ano nga ulit pangalan nung manliligaw mo? Kiko?" nangaasar na tanong ni Hyatt kay Maxine. Todo irap naman ito.

"Mommy, oh. Si Tito Panget nangaasar na naman." sumbong ni Maxine saka binehlatan si Hyatt.

Hindi ko sila pinansin at itinuloy na lang ang pagkain. Bahala silang dalawa mag-asaran diyan. Kanina pa ako tingin ng tingin sa orasan. Ang sarap lang hilahin ng oras papunta sa alas siete.

"Hyatt?" tawag ko dito na kasalukuyang nakikipag-asaran kay Maxine.

"Bakit—Oh, wait." sabi niya nang biglang tumunog ang phone niya. Sinagot niya ito kaagad.

"Miss mo 'ko?" tanong niya sa tumawag sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sinabi sa kanya ng kausap niya pero kitang kita ko ang pagbabago sa itsura niya. Parang bigla siyang natigilan at napawi ang ngiti niya.

"What did you say?" tanong niya na nanlalaki ang mga mata. "Shit." napamura siya saka tumingin sa'kin. "Okay. Ako na ang magsasabi. Nandito ako ngayon sa bahay nila." naiiling na ibinaba niya ang kanyang telepono.

"Bakit ganyan itsura mo?" kunot noong tanong ko.

"Chastine.." seryosong tawag niya sa pangalan ko. "It's about Levi." patuloy niya.

Bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya. Masyado siyang seryoso at hindi ko ito gusto. Hinawakan niya 'ko sa magkabilang balikat at huminga ng malalim.

"Wag kang mabibigla sa sasabihin ko." he paused, "Kasi yung sinasakyan niyang eroplano.."

"Anong nangyari?" kinakabahang tanong ko pero hindi siya sumagot kaagad. "Hyatt, anong nangyari?"

"Nag-crash ang eroplanong sinasakyan niya."

-

Continue Reading

You'll Also Like

582K 15.5K 58
Tyrell Leonard Crawford. CEO ng Crawford Records and Network ang siyang pinakamalaking TV network sa Asya ngunit wala ni isa man ang nakakita na sa t...
89.6K 1.8K 32
❝ I may be cold but you make my heart soften every time.❞ Zamora Series 2: Alejander Zeiss Zamora
275K 9.3K 43
(mature readers only! 18+) Snow didn't know she has a twin. Not before her twin's adoptive mother Deliah, came to the convent and told her, that her...
25.4K 465 72
Meet Shanelle Ianne Fernandez, isang mahirap na babae na makakapasok sa isa sa mga prestigious school sa bansa, ang Nordstron University. There, she...