The Poor Meets the Heartthrob

By winsletadelaine

29.6K 502 8

Lumaki sa isang mapang-abusong ina si Katrina, sa murang edad ay pinasok niya ang kung anong matinong trabaho... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
LAST CHAPTER
AUTHOR'S NOTE

Kabanata 69

307 4 0
By winsletadelaine


Ngumiti sa akin ang lalaki maya mas lalo akong natakot, tatakbo na sana ako palapit kay Rage pero nakita kong tumakbo ang lalaki paalis.

"Katrina."

Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Grego?"

"He saw me kaya tumakbo siya. Mabuti nalang at may mga kasamahan ako para huliin siya." Anito. Ang tinutukoy niya ay ang lalaki, kaya pala tumakbo ito dahil nandito si Grego. Nginitian ako ni Grego bago niya nilapitan si Rage. Hindi na ako lumapit sa kanila, may pinag-uusapan sila pero hindi ko marinig dahil medyo malayo ako sa kanila.

Si Grego na ang nagtulak papunta sa akin si Rage. "Kailangan niya ng bumalik sa hospital. Wala munang lalabas sa inyo." Ani Grego sa amin.

"Hindi pa rin ba kami ligtas?"

"Hangga't hindi nahuhuli ang mga kasamahan ng tito Armando mo ay nanganganib pa rin kayo. Mas lalo ka na Trina. Pamilya niyo ang target, kailangan mong mag-ingat, pero wag kang mag-alala, hindi namin hahayaan na may mangyari sa'yo, sainyo."

Ngumiti ako. "Salamat Grego."

"Basta ikaw." Ani Grego at kumindat pa.

Tumikhim si Rage. "Bumalik na tayo sa hospital, ikaw ng tumulak sa akin hanggang sa sasakyan." Utos ni Rage kay Grego.

"No problem." Nakangiting sinabi ni Grego at itinulak na ang wheelchair. Tahimik lang naman akong nakasunod sa kanila. Sumama na si Grego hanggang sa hospital pagkapasok namin sa kwarto ay naabutan naming nakaupo si Chelsea.

Nandito na naman siya. Oo nga pala sinabi niyang babalik siya.

Tumayo si Chelsea at sinalubong agad kami, ay mali si Rage lang. Niyakap niya ito, nagkatinginan lang naman kami ni Grego.

"What are you doing here Chelsea?" Tanong ni Rage.

"I told you babalik aki ngayon. Hindi ka ba masayang makita ako? Hindi ka ba masaya na binisita kita? Hindi mo ba ako na miss?" Nagtatampong sinabi ni Chelsea.

"Thank you for visiting, pero I need to rest."

"Okay later, nagdala ako ng pagkain, you should eat muna then aalis na ako kapag kinain mo ang binili ko." Ani Chelsea at Inilabas niya ang mga pagkain na dala nito.

Nagulat ako dahil sa pagsiko ni Grego sa akin at sinenyasan ako. Nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin. Inalalayan ni Grego si Rage papunta sa kama.

"Chelsea ako na magpapakain sa kanya. Pwede ka ng umalis na muna dahil magpapahinga din naman siya mamaya eh." Ani ko kay Chelsea, kukunin ko sana ang pagkain pero nagulat ako sa pagtabig niya sa kamay ko, malakas iyon kaya naman napaatras ako.

"Chelsea." Tumaas ang boses ni Rage. Nakita niya ata ang nangyari.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya, may lamok kasi kaya natabig ko siya." Ani Chelsea nginitian pa niya ako, ang sarap kalmutin ang mukha niya. "Kaya ko na Trina, ako na magpapakain sa kanya." Mahinahon na sinabi ni Chelsea.

"Katrina lumabas na muna tayo haya—."

"No, Trina will stay here, siya magpapakain sa akin." Putol ni Rage sa sasabihin ni Grego.

"But Rage I'm here, magpapahinga na muna si Trina, ako na muna mag-aasikaso sayo." Saad ni Chelsea.

"I wa—."

"Okay lang Rage, si Chelsea nalang muna. Lalabas nalang muna kami ni Grego." Ani ko, kahit labag sa loob ko ay pumayag nalang ako, pagbibigyan ko lang siya ngayon lang. Magsasalita pa sana si Rage pero hinila ko na si Grego at lumabas.

"So hahayaan mo lang sila?" Tanong ni Grego sa akin pagkalabas namin.

"Kahit anong sabihin kay Chelsea hindi yun aalis. Hayaan nalang muna natin siya, pagbibigyan ko siya, ngayong araw lang."

"Seriously Trina? Kung ako sayo ay hindi ko siya pagbibigyan. This is the right time that you and Rage will reconcile. Wag mong hayaan na may pumapagitna sainyo." Anito. "Mas okay na sana kung ako o si Tyron ang pumagitna sainyo, tanggap na namin kung hindi kami piliin mo pero kung ang ex naman ni Ra—."

"Anong sinabi mo?" Kunot-noong tanong ko.

"Na ano? Na ito na yung oras na maging maayos kayo ni Rage?"

"Not that one, yung huling sinabi mo."

He was about to open his mouth pero natigilan siya.

"May gusto ka ba sa akin?" Diretsong tanong ko sa kanya.

"W-what? W-wala akong sinabi ah." Aniya at hindi na makatingin sa akin.

"Pero kasi sa sinasabi mo kanina na kapag kayo ni Tyron ang pumagitna sa amin ay ayos lang, tatangga—." I stopped at tumingin kay Grego na hindi makatingin sa akin. Tama nga kaya hinala ko? May gusto ba ito sa akin?

"Grego ano ba ib—."

"Tito Kevin is here." Putol ni Grego sa sinasabi ko, napatingin ako sa paparating.

"Tito Kevin, hello po." Bati ko sa daddy ni Rage.

"Gising ba ang anak ko?" Nakangiting tanong nito.

"O-opo."

"Bakit nandito kayo sa labas? Bakit hindi kayo pumasok?"

Si Grego na ang sumagot dito. "May bisita po kasi siya, did you make sure po ba na walang sumunod sainyo sa pagpunta dito?" Tanong ni Grego kay Tito Kevin.

Nagtatakang tumingin si Tito Kevin kay Grego, ganun din ako.

"May nakasunod sainyo." Bulong ni Grego. Lilingon na sana si tito Kevin pero pinigilan ito ni Grego. "Don't look back tito Kevin, pumasok na kayo, ako na bahala dito." Ani Grego.

Pasimpleng tumingin naman ako sa di kalayuan sa amin, at may dalawang lalaking kahina-hinala ang mga galaw at nagmamasid. May sumunod nga kay Tito.

Napansin ko ang tattoo sa kamay nila. Mga kasamahan ito ni tito Armando.

Shocks.

Sinenyasan kami ni Grego na pumasok na. Hindi naman kami nagpahalata na alam naming may nagmamasid sa amin, pumasok nalang kami sa kwarto ni Rage, naiwan si Grego sa labas.

"Tito Kevin, kumusta po kayo?" Masayang bati ni Chelsea kay Tito Kevin, tumayo ito sa pagkakaupo sa kama ni Rage at nilapitan si tito Kevin at niyakap ito. Halatang nagulat si Tito Kevin, hindi niya siguro inaasahang nandito si Chelsea.

Napatingin ako sa pagkain na hawak ni Chelsea, hindi man lang iyon nababawasan. Ayaw bang kumain ni Rage?

"C-Chelsea iha, n-nandito ka pala."

"Yes tito, and tito please talk to Rage, ayaw niyang kumain." Sumbong nito kay tito Kevin. Nagsumbong pa talaga ah.

"I'm not hungry." Malamig na sinabi ni Rage.

Ngumiti ako at walang sabing kinuha ang pagkain na hawak ni Chelsea, nagulat pa ito sa ginawa ko. Iniabot ko iyon kay Tito Kevin. "Kayo na po magpakain sa kanya." Nakangiting sinabi ko. Ito na siguro ang oras para makapag-usap sila.

Tumingin ako kay Rage, nginitian ko siya at tinanguan tsaka ako tumingin kau Chelsea, hinawakan ko ang kamay niya. "We need to leave, kailangan nilang mag-usap." Bulong ko. Nagpaalam muna ako sa mag-ama. Aalma sana si Chelsea pero hinila ko siya palabas.

"What are you doing Trina? Bitawan mo nga ako." Naiinis na sinabi ni Chelsea kaya naman binitawan ko.

"They need to talk, kailangan nilang mag-usap na silang dalawa lang, they need privacy kaya ang mas mabuti pa ay umuwi ka na muna." Naiinis na sinabi ko sa kanya.

"If they need privacy dapat ay pati ikaw umuwi na, kaya uuwi na tayo, sabay na tayo." Sabi niya at hinila ba naman ako!

___

- His Pov -

"You need to eat son." Ani daddy sa akin at naupo s tabi ko.

"Kaya kong kumain mag-isa dad, akin na." Ani ko pero hindi ibinigay ni daddy.

"Na miss kong gawin ito, ang pakainin ka. Ilang taon ka palang nun lagi kitang pinapakain, kapag gutom ka ako ang tinatawag mo, ako ang hinahanap mo kaya nagtatampo ang mommy mo sa akin noon eh. Si Kyron naman ay mommy mo ang may gustong magpakain sa kanya." Anito.

"Bakit ba kasi kayo naghiwalay? Halata namang mahal niyo pa rin ang isa't-isa." Ani ko na ikinatahimik ni daddy. Tiningnan ko siya, nakayuko lang ito. "Dad nagbibiro lang ako." Ani ko kaya nag-angat naman siya ng tingin at ngumiti nalang.

Huminga ako ng malalim. "I'm sorry dad."

"Sorry for what?"

"Dahil nagalit ako sayo, nauna ang galit ko kaysa malaman ang totoong nangyari. I'm sorry dahil kayo ang sinisi ko sa nangyari sa mga Parker noon. Hindi ko alam ang tunay na nangyari pero sinisi kita. Bakit ba kasi hindi niyo sinabi agad sa akin? Tumahimik lang kayo." Ani ko.

"Dahil kapag sinabi ko tiyak na hindi ka maniniwala, dahil napuno ng galit ang puso mo sa akin Rage, kaya wala na akong nagawa."

"Pero bakit kayo nadawit kina Tito Armando? Sino ang lalaking kausap niyo noon?"

"Isa siya sa mga tauhan ni Armando. Armando blackmailed me dahil pabagsak na ang kompanya natin noon, sinabi niya lahat ang plano niya, pero hindi ko siya sinunod dahil tinulungan ako ni Carlos na bumangon, tonulungan niyang bumangon ang kompanya natin, nandoon ako nung nangyari ang kaguluhan, kitang-kita ko ang pagkamatay ng kakambal ni Karla na si Kyla, namatay soya ng dahil kay Armando. Tinakot ako ni Armando, naging duwag ako noon kaya hindi ako nagsalita, naging duwag ako dahil ayokong patayin kayo ni Armando." Kwento ni daddy.

Napatalon kami sa gulat dahil sa narinig namin.
Putok iyon ng baril!

Si Trina? Nasaan si Trina?

____

- Her Pov -

"Teka nga lang Chelsea! Ano ba bitawan mo nga ako." Malakas ang ginawa kong paghila sa kamay ko na hawak ni Chelsea, paano ba naman kinaladkad na ako palabas ng hospital, pinagtitinginan pa kami ng mga tao.

"Aalis na nga tayo di ba? Sabi mo nga Rage and his dad need privacy. Don't tell me mananatili ka pa dito?"

Inayos ko ang damit ko at taas-noong tiningnan ko si Chelsea. "Ako ang nagbabantay ngayon kay Rage kaya hindi ako aalis dito." Nginitian ko siya at tinalikuran. Saktong pagtalikod ko ay isang putok ng baril ang nagpagimbal sa amin! Nagtakbuhan at nagtilihan na ang mga tao. Si Chelsea naman ay hindi na alam ang gagawin, sumiksik pa siya sa akin.

"Oh my gosh! I don't want to die!" Hiyaw niya at lalo pa siyang napasigaw dahil sunod-sunod na ang pagputok ng baril. Hinila ko si Chelsea papasok sa loob. Tumingin ako sa labas, nagpapalitan ng putok ang mga pulis at ang dalawang lalaking nakasunod kay tito Kevin kanina pero hindi lang pala sila dalawa. Madami sila!

Pero teka? Si Grego? Nasaan si Grego?

"My gosh! Ayoko pang mamatay, ayoko pang mamatay! Madami pa akong gagawin sa buhay ko, madami pa akong pangarap, pakaka—."

"Pwede ba Chelsea tumahimik ka! Mas mabuti pang bumalik tayo sa kwarto ni Rage! Mas ligtas tayo doon." Ani ko.

"That's a good idea!" Ani Chelsea.

Hinanap ng mga mata ko si Grego pero wala siya, nasaan ba siya? Napatakip ako ng tainga ko dahil sa walang tigil na pagputok. Tumakbo na kami pabalik sa kwarto ni Rage.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto ay ang nag-aalalang si Rage at tito Kevin ang agad naming nakita. Tumakbo na ako papalapit kay Rage, inunahan ko na si Chelsea. Niyakap ko siya ng mahigpit, ginantihan naman niya ako ng yakap.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. I'm glad that you're okay honey. Nag-alala ako ng husto, kung nakalakad lang sana ako ay pinuntahan na kita agad." Anito.

"Ako hindi mo ba ako tatanungin kung maayos lang ako?" Tanong ni Chelsea pero hindi siya sinagot ni Rage, wala akong balak bitawan si Rage.

"Anong nangyayari sa baba?" Tanong ni tito Kevin kaya doon lang ako bumitaw kay Rage.

"Ang mga pulis at ang mga lalaki kanina na nakasunod sainyo tito." Ani ko at biglang tumahimik na sa baba. Wala ng putukan na nangyayari. Nahuli na kaya sila? Sana lang.

"Mga kasamahan ba ni tito Armando?" Tanong ni Rage.

"Oo." Sagot ni Tito Kevin.
"Great! Walang
namamansin sa akin!"
Sigaw ni Chelsea kaya sa kanya kami napatingin.

"Pasensya ka na iha." Ani tito Kevin dito.
____

- 3rd Person's Pov -

"Hayop ka, akala ko ay kakampi kita, nangako ka na ilalabas mo ako dito, nangako ka na itutuloy mo ang plano ko kapag nakulong ako, nangako ka Grego! Tatay mo ako!"

Nakangiting umupo si Grego sa harapan ng kanyang amahin na si Armando Parker.

"Hindi kita tunay na ama, kalaguyo ka lang ng nanay ko. Hindi ko alam na agad mo akong pinaniwalaan na kakampi ako sayo, agad kang nagtiwala sa akin, pero pasensya ka na, hindi ko matutupad ang ipinangako ko sayo dahil hindi naman iyon totoo. Sa pagpasok ko sa buhay ng mga Parker ay ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay nila sa akin, ibubuwis ko ang buhay ko para lang sa kanila hindi sayo." Seryosong sinabi ni Grego kay Armando.

Kumuyom ang mga kamay ni Armando at nanginginig na siya sa galit.

"Pasalamat ka nga hindi kita nilaglag sa una palang, kailangan ko din kasing ipunin lahat ng ibedensya para makulong ka habang buhay. Ibedensya sa mga ginawa mo, ibedensya sa pagpatay sa daddy ko."

"A-anong pinagsasabi mo?!" Galit na sinabi ni Armando.

"Pinatay mo ang daddy ko, pinatay mo siya para sayo mapunta ang aking ina hindi ba, para walang balakid! Buhay palang ang daddy ko ay ginagago niyo na siya, pinaglalaruan niyo lang siya ng nanay ko, kaya sa tingin mo tutulungan kita? Mangarap ka! Wala ka ng kakampi nasa labas, nahuli na silang lahat, kaya sorry kung tatanda ka at mamamatay dito sa kulungan." Nakangiting sinabi ni Grego at tumayo na at tinungo ang pintuan para lumabas.

"Hayop ka Grego!" Sigaw ni Armando.

Nakangiti ngunit nakakuyom ang mga kamay ni Grego na umalis doon. Gustong-gusto niyang suntukin si Armando pero pinigilan niya ang sarili niya. Batas na ang bahala sa kanya. Mabibigyang hustisya na ang pagkamatay ng kanyang ama, mabibigyan hustisya na lahat ng taong pinatay niya.

Pumasok ng kotse niya si Grego, sumandal siya at pumikit. Ang ina na lang niya ang haharapin niya. May kutob siya na kasama siya ni Armando na pagpatay sa kanyang ama. Galit na nakasuntok siya sa manibela.

Masakit para sa kanya na may kinalaman ang kanyang ina sa pagkawala ng kanyang ama.

____

"It's your graduation tomorrow, what is your plan sweetie?" Tanong sa akin ni mommy.

"A simple celebration mommy, hindi na kailangan ng bongga, yung tayo lang, mga close friends of course." Ani ko.

Inayos ni mommy ang buhok ko. "Matatahimik na tayong lahat dahil wala ng kawala si Armando." Nakangiting sinabi ni mommy.

Oo matatahimik na kami dahil nahatulan na si tito Armando, makukulong siya habang buhay. Sinabi na din ni Grego sa amin lahat-lahat, na magkakilala pala ni tito Armando, na kabit siya ng mommy niya at sila pa ang pumatay sa kanyang ama.

"By the way, saan ka pupunta at bihis na bihis ka?" Tanong ni mommy.

"Pupuntahan ko po si Patty, nagtatampo na yun sa akin eh. Isasama ko sana si Yna at Calix pero may lakad pala sila nina kuya."

"Hayaan mo na sila, this is the time na lumabas sila na sila lang, family time."

"Paano naman po kasi sila magkakaroon ng family bonding kung laging nakabuntot si Quincy kay kuya."

"I already talked to Quincy, hindi ko lang alam kung naintindihan ba niya ang sinabi ko, naintindihan niya siguro dahil hindi naman siya nagpunta ngayon dito."

"Wala na siyang respeto kung hindi kayo pinakinggan. I gotta go mommy." Ani ko at hinalikan siya sa pisngi.

Kinakabahan akong pumasok ng kotse ko. Paano ba naman ako ang magmamaneho. Well natuto naman akong magdrive pero ngayon lang ako magmamaneho. Nilakasan ko nalang ang loob ko, hindi pwedeng umasa lang ako sa driver. Dahan-dahan lang ako sa pagmamaneho, nahihiya pa ako sa mga sumusunod sa akin dahil ilang beses silang bumubusina.

Nakahinga ako ng maluwag ng makarating akong safe sa bahay nina Patty. Bumukas ang pintuan at ang nakapameywang na si Patty ang lumabas mula doon.

"Mabuti naman at naisipan mong bisitahin ako, nagtatampo na ako sayo ah." Anito.

Ngumuso ako at nilapitan ko siya para yakapin. "Sorry na."

"Naging busy kay Rage eh."

Lumayo ako kay Patty dahil sa pagsulpot ni Darwin. Nandito pala siya? Inakbayan nito si Patty.

"Nandito na si Trina, so aalis na ako, kailangan ko ng puntahan si Rage, bored na yun sa kanila."

"Pupunta ka ngayon na?" Tanong ko. Nakauwi na kasi si Rage sa bahay nila.

"Why don't tell me sasama ka? Come on Trina, ilang araw mo ng kasama si Rage ah, nandito ka na kaya wag kang aalis." Pinanlakihan ako ng mga mata ni Patty.

"I'm just asking, hindi ako aalis okay." Natatawang sinabi ko at tumingin kay Darwin. Itinulak ko siya. "Umalis ka na, kailangan namin ng time ni Patty, go." Taboy ko sa kanya. Nakangiting umiiling naman si Darwin at pumasok na sa kotse niya. Hindi na namin siya hinintay pa na umalis, pumasok na kami agad sa loob.

"So kumusta ang araw mo na kasama si Rage?" Tanong ni Patty. "Oh don't answer it, because I know the answer, of course your happy. Pero okay na okay na kayo? Kayo na ba?"

Umiling ako.

"What? Hindi pa ba nanliligaw? O baka naman kayo na hindi kayo, nah nevermind. Kutusan ko na si Rage eh, ang bagal niyang gumalaw. Ikaw nalang manligaw."

"Ang dami mo ng sinabi." Ani ko.

"Bakit? Alam mo kung hindi oa nanliligaw si Rage ikaw na ang gumalaw, sa panahon ngayon babae na ang nanliligaw. Sige ka baka balikan siya ni Chelsea o ni Vivian."

"Speaking of Vivian, where is she?" Tanong ko. Matagal ko ng hindi siya nakikita, at wala na akong balita sa kanya.

"I don't know, but I think may business na siya ngayon, ang huling balita ko eh she's chasing Ynigo, but Ynigo has a girlfriend."

"Ano yun, narealize niyang mahal niya talaga si Ynigo?"

"I don't think so, o baka naman walang nanliligaw kaya hinahabol niya ang ex niya. Wala na kasi siyang pag-asa kay Rage kaya si Ynigo ang hinabol, wala din naman ata siyang pag-asa kay Ynigo. Bakit kaya hindi nalang siya maghintay? Hintayin niya ang taong para talaga sa kanya."

"Okay ng hindi niya habulin si Rage, hindi ko na alam gagawin ko kung pati siya ay makikisingit sa amin, tama na si Chelsea na karibal ko." Ani ko.

"So Chelsea is chasing Rage? Oh men! Pero ikaw ang mahal ni Rage kaya sorry nalang siya, kaya yung advice ko na ikaw na ang manligaw ay gawin mo na, baka mahuli ka."

"Sabi mo nga ako ang mahal ni Rage kaya hihintayin ko nalang na tanungin niya ako kung pwede siyang manligaw. Panatag naman ang loob ko na ako lang talaga ang gusto niya."

"Tyron is still hurting."

"And Grego too."

Napanganga si Patty. "What do you mean? Gusto ka ni Grego? Oh my gosh ang haba ng hair beshy! Ikaw na!" Aniya.

Yes! May gusto sa akin si Grego, inamin na niya na akin pero alam daw naman niya na kay Rage lang ako in love kaya hindi na siya manghihimasok sa aming dalawa.

"I'm not the girl for them, I'm not the right girl for them. Wish ko lang na makahanap sila ng babaeng mamahalin nila, at mamahalin sila ng husto."

"How's Yna, oh my I want to see Calix again."

"Problema pa rin si Quincy."

"Bakit hindi nalang mawala ang Quincy na yan? Pati na yang Chelsea? Mabuti pa kami ni Darwin walang problema! Dahil kung may mga ex siyang humahabol pinapa-good job ko."

"What?"

Tumawa ito. "Biro lang. Pupunta pa pala ako ng mall mamaya, Gusto kitang isama pero ako nalang. Ibibili ko kayo ng gift nina Gail, ayoko namang makita mo kung anong igigift ko. Surprise nalang."

I smiled. "Di pupunta ako kina Rage mamaya."

"Ano pa nga ba? Alam kong doon ka pupunta." Anito.

Lumapit ako kay Patty at niyakap siya. "I miss you so much." Ani ko.

Na-miss ko talaga ang best friend ko. Naging busy nga talaga ako kay Rage at sa pag-aaral ko. Wala na kaming oras para magkikita, but tomorrow na graduation ko ay siguradong mabubuo kami.

"Congratulations to all of us! Graduate na tayo!" Masayang sinabi ni Gail sa amin ni Tyron.

"Sa ilang taon na paghihirap sa pag-aaral ay nakapagtapos na din tayo." Ani Tyron.

Tama siya, ilang taon kaming nag-aral. Kami lang tatlo ang naiwan dito sa University pero ngayon ay aalis na kami.

"Guys! Congratulations!" Bati ni Patty sa amin, malayo pa siya pero ang lakas ng boses niya, tumatakbo siya palapit sa amin, kasama niya si Darwin, isa-isa niya kaming niyakap.

"May mga doctor na sa grupo." Ani Darwin. "Dapat may group picture tayo eh. Picture na tayo guys."

"Syempre kasama kami dyan."

Nilingon namin ang nagsalita. Si Kuya Connor kasama si Yna at dala nila si Calix, ang akala ko ay hindi sila makakapunta. So imbes na magpapicture ay si Calix na ang pinagkaguluhan nila. Sabik na sabik sila kay Calix.

"Guys! Guys! Picture na tayo!" Ani Patty.

"We are not complete." Saad ni Gail.

"Gabriel is in America, and Rage, there." Turo ni Kuya sa likuran ko kay lumingon kami doon.

Napanganga ako dahil sa gulat. Nandito si Rage! Hindi siya nakaupo sa wheelchair, naglalakad siya papalapit sa amin at may hawak na bulaklak. Kailangan pa siya nakakapaglakad? Hindi ako makapaniwala!

Nakangiting huminto siya sa harapan ko. "Congratulations." Aniya at iniabot ang bulaklak sa akin sabay halik sa pisngi ko.

"K-kailan ka pa nakakapaglakad? Kahapon lang naman ay nakaupo ka sa wheelchair ah, agad-agad na gumaling ang paa mo?" Tanong ko.

He laughed. "Well apat na araw na akong nakakapaglakad, alam ng mga mokong, sinabihan lang naman ako na magpanggap na hindi pa makapaglakad para asikasuhin mo daw ako, para hindi mo daw ako iwan, sinunod ko naman ang sinabi nila. Tama nga naman sila." Anito.

Ibinaling ko ang tingin ko kina Kuya, Darwin at Tyron, matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanila at umiwas lang naman sila.

"Alam mo Trina hindi kasi mapag-kakatiwalaan ang mga lalaking ito. Mga sinungaling, mga loko-loko." Ani Patty.

"Sobra ka naman babe!" Reklamo ni Darwin.

"Totoo naman ah! Mag group picture nalang tayo." Ani Patty.

"Why don't you join us Grego?" Tanong ni Kuya.

Grego? Nandito si Grego? Inilibot ko ang paningin ko. Nakasandal si Grego sa puno. Nakapamulsa na lumapit siya sa amin. "Congratulations." Aniya sa akin, maging sina Tyron at Gail ay binati niya. "Dadalhan sana kita ng bulaklak pero naalala ko may magbibigay pala sayo, at baka magselos pa , ayokong kalabanin siya dahil kagagaling lang niya." Anito alam kong si Rage ang tinutukoy nito.

Nakatanggap naman si Grego ng suntok sa balikat mula kay Rage. "Magpapicture nalang tayo." Natatawang sinabi ni Rage.

"Okay kids! Ako na ang magpipicture sainyo." Ani mommy na kalalapit lang sa amin. Si daddy naman ay busy sa pakikipag-usap sa mga parents ng graduates.

Lahat kami ay ngumiti sa camera, at wacky pose na rin ang sunod naming ginawa.

"Of course, family picture." Ani kuya Connor kaya naman tinawag ni mommy si daddy.

Binuhat ko na si Calix. Aalis na sana si Yna pero tinawag ko siya. "Where are you going Yna? It's family picture, kasama ka kaya sa amin." Ani ko.

"Iha halika na." Tawag ni mommy dito.

"Yna." Sambit naman ni kuya. Nahihiyang lumalit na sa amin si Yna, umusog ako papalapit kay daddy, sa pagitan sana namin ni daddy pupwesto si Yna pero inunahan ko siya para si Kuya Connor ang katabi niya.

"Say cheese!" Saad ni Patty at ngumiti naman kami. "Perfect! Ang ganda! Ang ganda niyong tingnan na pamilya." Ani Patty at ipinakita sa amin ang litrato. Nagpaalam na muna si daddy at mommy sa amin dahil may kakausapin sila.

Napatalon pa ako sa gulat dahil sa pag-akbay ni Rage. "So I think kailangan din namin ng picture, yung kaming dalawa lang?"

"No problem!" Ani Patty. "Sige na magpapicture na kayo habang nasa mood ako."

Nakapwesto na kami ni Rage, nakaakbay siya at nakahawak naman ako sa beywang niya, nakangiti na rin kami pero hindi kami kinukuhanan ng litrato ni Patty.

"Patty ano ba." Ani Rage.

"You need to be sweet guys! My gosh!"

"Ano?" Sabay namang sambit ni Rage.

"Syempre dapat sweet, hindi yung akbay-akbay lang ano."

Rage smiled. "Okay." Anito, pumunta sa likuran ko si Rage at niyakap niya ako mula sa likuran, idinikit niya ang pisngi niya sa pisngi ko.

"Perfect!" Sabay-sabay na bulalas nina Patty, Gail at Yna.

"Iyan ang gusto ko, kahit hindi pa kayo you need to be sweet!" Masayang sinabi ni Patty. "Okay change position!"

"Change position? You mean ako naman ang yayakap sa kanya mula sa likuran?" I asked.

"No I mean, ibang position naman."

"Alam ko na ang gusto mong makita." Ani rage kay Patty. Hinawakan ni Rage ang magkabilang balikat ko at iniharap sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglang paghalik niya sa labi ko! Wala akong narinig na nagsalita sa mga kasamahan namin, ang alam ko lang ay nagulat siguro sila.

"That's it! Iyan ang mas gusto ko! Nakuha mo Rage." Kinikilig na sinabi ni Patty.

Isang malakas na pagtikhim ang narinig namin dahilan para maghiwalay ang labi namin ni Rage.

"That's enough! Alam niyo mas perfect ang picture kapag kasama kami ni Tyron." Ani Grego at nakaakbay kay Tyron. "Magpapatalo ba tayo bro?" Grego asked Tyron at hinila na ito papunta sa amin.

"Your done, it's our turn." Ani Tyron kay Rage at itinulak pa ito.

"Syempre kasama ako sainyo." Ani naman ni Rage at lumapit sa akin.

"Come on, pagbigyan mo na kami!"

Hindi ko na alam ang nangyayari, paano ba naman nag-aagawan na sila ng pwesto.

"Oh my gosh! Pwede ba! Umayos kayo! Wala kayong magandang litrato oh!" Reklamo ni Patty. Naiinis pa na lumapit ito sa amin at hinila ako. "You know what, kayong tatlo nalang ang magpicture, mas okay pa. Hindi kasama si Trina!" Naiinis na sinabi ni Patty. Wala naman nagawa ang tatlo, sila na ang nagpapicture.

Nawala ang mga ngiti ko, si nanay? Bakit wala si nanay? Bakit hindi siya dumating?

Continue Reading

You'll Also Like

112K 3.2K 49
Maid Series #1 Ako si Katherine Hermosa. Isang runaway bride at nagpanggap na isang katulong na si Stacey. Pero sa isang hindi inaasahang aksidente...
34.3K 1.7K 40
Yes,I have all the material things and money that i want. But i cant decided on my own. Like my own happiness. My friends. My Studies. My Image. My f...
604K 15.4K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
522K 20.1K 42
Bad Girl Series #1: Zarin Dela Costa Madalas nating itinatago ang totoo lalo na pagdating sa mga bagay na nararamdaman natin dahil takot tayo sa kung...