Oh My PRIEST!

By shise004

2.8K 151 26

Olivia is the evil step sister of Juan Miguel. She will do anything to destroy and wreck his evil step broth... More

*CAUTION*
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
Chapter 19

CHAPTER 18

86 4 1
By shise004

18

PANAY iling ang ginagawa ni Olivia habang nagsisipilyo ng ngipin. Paano ba niya makalalimutan ang mga nangyari ?

Hindi siya makatingin ng deretsa sa salamin, dala ng sobrang kahihiyan. Nangangamatis ang buong pagmumukha niya sa tuwing maalala ang pangyayari habang nakatingin sa salamin.

"Nakakahiya, bakit ba kasi ako pumikit? "Aniya habang binabatukan ang sarili.

Naalala niya paano siya pumikit kagabi hanggang sa napamulagat siya ng mag iisang minuto na nga ay hindi man lang dumapo ang labi nito sa mga labi niya. Dahan-dahan siyang dumilat. Pansin niyang nasa labas na pala ito ng kulambo at kasalukuyang sinasaulo ang AMA NAMIN habang nakatalikod sa kanya.

Mabilis siyang napabangon ang siya namang pagharap nito sa kanya. Pansin niya ang pagkamot nito sa batok. "Ano masyadong gumagabi na. Alis na ako. "

"Sige ingat. " yon lang ang mga katagang nasabi niya.

Gusto nalang niyang lamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan niya dala ng pangyayari kagabi.

Huminga muna siya ng malalim bago nagpasyang bumaba para mag almusal. Sinadya niyang tagalan ang pagbaba ayaw niyang makasabay si Samonte sa almusal. Sana tapos na itong mag-almusal.

"Oh Olivia , kamusta ang tulog natin?"

"Ah okay lang naman Manang. "Kahit hindi naman talaga siya maayos nakatulog buong magdamag ba naman siyang di makatulog. Dinadalaw siya ng hiya sa nangyari sa kanila.

"Naku dahil malapit nanga mag Desyembre hija medyo nag uumpisa na ngang lumamig ang simoy ng hangin. "

"Kaya nga ho Manang, "Aniyang nag-uumpisang himukab.

"Oh mukhang ina-antok ka pa ata hija?" Takang tanong nito sa kanya na nagpailing-iling sa kanya. " Ah naku hindi ho Manang malamig kasi ang simoy ng hangin. Ganito talaga ako pag presko at malamig ang hangin." 

Ngumito ito at tumango-tango sakanya. "Sabagay.." "Oh siya, pinagtempla ko na kayo ng kape dalhin muna itong isang tasa ako naman ay hinahanda ang iba. " Saka agad na inabot sa kanya ang basong kape na mainit na mainit pa nga."Andun si Samonte sa may siga. Magkwentuhan na muna kayo. "Nakangiting usisa nito.

Tinanguan niya lang ito habang dala-dala ang mainit na basong kape. Huminga siya nang malalim dahil nagsisimula na namang mag-iba ang ritmo ng nababaliw na puso niya. 

Kakarating lang niya ng mapansin ang siga sa gitna sa may malaking kawa.

Kasalukuyan pala nitong kinakausap si Mang Raul na nasa gilid nito.

Tumikhim siya para maramdaman ng mga ito ang presensya niya. Hindi naman siya nabigo dahil napatingin nga ito sa kanya. Pero ganon nalang ang hiya nila pareho ng magkatitigan sila sa mata ng bawat isa.

"Oh hija, bakit ikaw nag bitbit niyan. "

"Ah wala yon Mang Raul kaya ko naman. "

Saka naman iyon inabot ni Samonte mula sa kamay niya. Ingat na ingat siya na hindi magtamaan ang mga daliri nila.

"Nag almusal ka ba Hija?"

Umiling siya. "Hindi pa po eh."

"Aba'y ganon rin itong si Samonte, sabi niya mag sabay nalang kayo. " na sinabayan ni Mang Raul ng mahinang tawa. Pareho silang napatingin sa isat-isa dala ng malalang tawa nito.

He's eyes penetrates to hers habang dahan-dahan itong sumimsim sa kape nito. Naguluhan sandali si Olivia bakit nito ininom ang kape na dala niya? Parang luka-lukang nag alis siya ng tingin at itinuon ang titig sa bangin kung saan makikita ang foggy at kulay lilang kabukiran. Kakaiba talaga ang lugar na ito lahat halos dapuan ng mga mata niya ay kulay green. Kahit napapalibutan ang buong lugar ng log house bilang bahay bakasyunan na rin ng mga taga rito ay nanatiling mayaman sa kagahapon ang ancestral house nila. Nasa likod bahay sila ng mansyon may pinagawa pala si Dotor Revera na log house na siyang kinalalagyan nila ngayon. 

Lumanghap siya ng hangin sadyang malamig ang klema sa probinsya. Mensan hinahanap rin niya ang ganitong panahon.

"Oh pinagtimpla ko kayo ng kape ng mainitan mga sikmura ninyo. "Aktong iiaabot na sana sa mga kamay niya ang mga kape nang mapansin ang mabilis na pagtayo ni Samonte sa kinauupuan nito. "Manang nag abala pa kayo. "Ani nito na hindi naman lumnding ang tingin kay Manang kundi sa kanya iyon dumako.

Kaagad nitong tinanggap ang baso ng kape na inabot nito. Napalunok siya bago tumingin sa ibang dereksyon para maibsan ang hiya at dahan-dahang humigop sa mainit na kape niya.

"Kamusta ang kombinto hijo? "

Napakurap siya at nakinig sa usapan ni Samonte at Mang Raul.

"Ganon parin. "

"Babalik ka pa ba? "

Wala sa loob na lumipad ang kanyang tingin kay Samonte na ngayon ay nakatingin narin pala sa kanya.

"Sa susunod na buwan na po. "

"Abay makikinig ako panigurado ng humilya mo. "

Napakurap siya. "Magpapari ka? "

Walang emosyon na tumango si Samonte. 

"Kung ganon? "

"Ano? " Angil nito.

" Kung ganon single ka at sino si Anya? "

Napatango ng dalawang beses si Samonte na may kasamang pagtataka sa klase ng naging tanong niya.

"Abay hindi na matatawag na single si Samonte hija. "

Napatingin naman siya ngayon kay Mang Raul. Ayaw niyang isipin na may asawa na ito ngunit hiwalay lang pala sa asawa.

"Kasi iaalay niya ang buong sarili niya sa harap ng diyos. Kaya mag aasawa na siya na ang diyos ang magiging kahati ng buhay niya. "

Hindi siya nakakibo agad. Parang may dumagan sa kanyang dibdib na malalaking bato. Noong una hindi naman ganito ang pakiramdam niya. Pero bakit hindi man lang nilinaw ni Samonte ang totoo. Bakit nito hinayaang isipin niyang may asawa na ito?

Wala sa loob na walang pa alam na tumayo na siya.

"Oh hija saan ka pupunta? " Hindi siya kumibo tuloy-tuloy lang siya sa pag alis.

Paakyat na siya ng hagdan ng abutan siya ni Samonte. Hawak siya nito ngayon sa kaliwang braso niya. Pipiksi na sana siya ng hawakan nito ang kabila niyang siko.

"May problema ba tayo? "Anito sa kanya at hinanap nito ang amor niya.

Umiling siya. " Wala. Nagtataka lang kasi ako. Akala ko may pamilya kana na totoong anak mo si Anya."

Pansin niya ang pagtalas ng mga mata ni Samonte.

"Tama ka itinuturing ko ng Anak si Anya. Hindi man siya nanggaling sa akin pero anak ang tingin ko sa kanya. Dahil tanging ako lang ang nakapagbigay tulong para maipanganak siya sa mundong to. Kung hindi dahil sa akin hindi niya masisilayan ang mundong ibabaw."

"Sino ka ba talaga? "

"Hindi sino dapat ano. "

"Ako si Samonte Fuentes, at magiging Reveren Samonte Fuentes ako sa takdang panahon. "MAy pinalidad sa paraan ng pagsasalita nito. Hindi niya napigilang kumagat sa ibabang labi.

Sa totoo lang parang pinipiga ang puso niya. Aminin niya sa sarili hindi niya nagustohan ang huling mga katagang sinabi nito. Parang pinunit nun ang puso niya. Hindi siya makatingin ng deretso kay Samonte kaya nirason nalang niyang magpapahinga lang siya sa kwarto niya. Mabilis ang kilos na tinalikuran niya ito deretso papasok sa kanyang silid. 

Walang nagawa si Samonte kundi ang ihatid nang tingin ang bulto niya palayo hanggang sa makapasok siya sa kanyang silid.

Nang makapasok sa kanyang silid agad na nailock ni Olivia ang pinto at itinaob ang sarili sa malambot na kama.

Bakit ba kasi siya nakakaramdam ng ganito? May gusto na ba siya kay Samonte? Pero magpapare nga daw ito. Kung ganon ano ang mangyayari sa kanya?

MATAPOS nilang makapag agahan nagpag isip isip ni Olivia na dapat ay bumalik nalang siya ng Maynila ngayong araw. Tumawag daw kasi si Dr Keith na hindi ito matutuloy sa pag uwi sa Baguio dahil sa abala ito sa trabaho. Doctor ito kaya naman mahirap talagang isingit ang bakasyon sa schedule nito.  Napapikit siya sa pagkadismaya.

Lulan sila ng sasakyan nang maalala ang mga bagay na gagawin sa pagbabalik niya sa opisina.

Gagawin na niya ang susunod na hakbang upang mapalayas ang kuya niya sa pwesto. Speaking of the devil may natanggap nga siyang picture mula kay Alison. Kuha iyon ng most recent date nito at ni Alison na siyang nagpa excite sa kanya upang bumalik na sa kamaynilaan.

"Ano yang tinitingnan mo? "

Pansin niya ang tingin nito sa hawak niyang phone. Agad niyang iniiwas rito ang larawan mula sa cellphone. Di pweding malaman nito ang totoo. Isa pa kailangan narin niyang gawin ang lahat upang mapaalis na ito sa landas niya.

Ilang sandali ay nag notify sa kanya ang isa sa heiress na si Sofie Sebastien isa ring kagaya niya na bratenila. Matagal na silang pinaglukumpara dahil di umano ay hamak na mas sikat ito at accomplished kaysa sa kanya. Umirap siya ng malala sa hangin.

Parang gustong magwala ng puso niya ng makita niya ang bagong boylet nito na si Alonzo Soriano. Ang dating nagpapalipad sa kanya ng hangin. Marami rin itong ginawang paandar noon para makuha ang matamis niyang Oo kaso hindi siya nagpatinag rito.

Mataas ang standard niya pagdating sa lalake. Wala sa isip na napatingin siya kay Samonte. Na ngayon ay abala sa pagmamaneho na hindi niya napansing kanina pa pala siya pinagmamasdan sa front view mirror. Kaya ganon na lang ang gulat niya ng magtitigan sila sa front view mirror. Inirapan niya ito ng malala bago nilipat ang tingin sa labas ng sasakyan. Naasar siya sa klase ng pagkakangiti nito.

Talaga namang amfe ito-amfeling na gwapo ito. 

"Teka bakit tayo huminto rito? "

"Para malamigan yang mainit mong ulo. "

Mabilis itong lumabas ng sasakyan at umikot papunta sa harap niya para buksan siya ng pinto. Nasa isang kilalang fashion boutique sila ngayon.  Tiningala niya ang boutique sa harap niya pati narin ang buong paligid. Nasa bayan pa pala sila pababa palang naman kasi sila nang burnharm park.

Humigop siya ng mahabang hininga. Hindi narin masama naisip rin naman niyang mamili ng mga bagong OOTD niya sa work di niya lang masabi kay Samonte.

Papasok na sila ng mapagmasdan niya ang istilo ng pananamit ni Samonte. Hindi naman ito mukhang baduy tingnan pero dahil umaaligid ito sa kanya mahirap na at baka isipin ng ilan may bitbit siyang marungis na driver.

Kaya naman alam na niya kong ano ang unang pupuntahan nila. Napangisi siya ng wala sa oras.

Walang sabi-sabing pinag aabot niya rito lahat ng klase ng tuxedo na malandingan ng mata niya.

"Isukat mo nga to. " instruction niya sabay bigay niya agad sa mga damit na napili niya na ipasukat rito.

"Itong lahat?"

Tumango siya ng dalawang beses. "Umpisahan mo na. "

"Hello Ma'am Sir, "Napakurap siya ng biglang lapit ng isang sales attendant sa harap nila ni Samonte.

Tinanguan na niya ang sales associate. "Paki assist nalang sa kanya, " Pag-uutos ni Olivia rito. Agad naman nitong iginiya si Samonte papasok sa isang fitting room.

"Dito tayo sir. " agad namang sumunod si Sam  para isukat ang mga napili ni Olivia.

Ilang minuto rin ang lumipas bago lumabas si Sam sa fitting room. Hindi niya ito nakilala. Tila naghari ang katahimikan ng lapitan siya nito at tumayo ng tuwid sa harap niya.

"Ano bagay ba?" Sabay kindat nito sa kanya.

Natamimi siya ng makita ang perfect nito tingnan. Litaw na litaw ang tangkad at kapogian nito. Magsasalita na sana siya ng biglang lumitaw sa gitna nila ang sales associate.

"Waaahhh kasyang-kasyang ho sa inyo. Mukhang wala ng kailangang I repair sa kahit na anong part rito oh. Parang sinukat ho sa inyo sir. " sabay idinantay nito ang kamay sa may balikat ni Samonte na nagpataas ng kilay ni Olivia."Naku iilan lang ang binabagayan ng ganyang kulay! Perfect na perfect sa inyo Sir! " Sabay sunod sunod na tinapik ang balikat ni Samonte. Na sobrang nagpakunot ng noo ni Olivia, Feeling close kasi ito masyado kay Samonte. Di ba nito alintana ang presenya niya?

" Di po ba ma'am?"

Nahugot siya ng hininga at sinamaan ng tingin ang sales lady.

"Parang di bagay, masyadong matingkad yung kulay. Hito isukat mo to. " sabay abot niya kay Samonte na may pagtataka ngunit pinili nalang nitong sumunod sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas at bumukas ang fitting room. Hindi sinasadyang nangingibabaw ang kagwapuhan ni Samonte sa kahit na anong suit ang i-fit nito nagmumukhang kanya ang mga ito. May ilang segundo ring nakatulala si Olivia ng ganun ng mapansing nasa harap na niya ulit ito. Sasabihin niya na sanang nagustuhan niya ang pagkakasukat nito ng kumaripas sa tabi nila ang sales lady.

"Wow...grabe unbelievable! Parang made for you ang suit na to. Fit na fit. Kung pipicturan kayo mas bagay pa sa inyo , kaysa sa modelo ng suit nato. "

Hindi na nakatiis si Olivia at pumagitna sa sales lady at kay Samonte.

"Pweding tumalikod ka. "Tumaas ang sulok ng labi niya ng mapagmasdan ang likurang bahagi ng custome-made suit.  "Yung likod pala hindi naman maganda. Wala na bang iba?" Aniya na sinimplehan ng tingin ang sales associate

Napabuga ng marahas na hangin si Samonte. Tila wala ng katapusan ang sukatang ito.

"Itry mo to sukat mo rin."

Di makapaniwalang napatingin sa kanya si Samonte. Wala naman siyang magagawa kaya tinanggap na niya ang suit na ipapasukat ulit sa kanya.

"Ang hirap pumili no, pero kahit na ano naman bagay sa husband nyo. "

Napika siya sa sinabi ng sales lady. "Husband ko? " inirapan niya ito. "Hindi ko husband yon..."

Saka kunwaring tumitingin sa mga suit. " Mukha ba kaming mag asawa? "

"Ay boyfriend nyo palang pala sya. Naku ma'am nakakainggit naman kayo. Nakita ko kung paano niya kayo titigan kanina. Love na love niya kayo. Parang ang sweet sweet niya. "

Napakibit balikat siya. "Alam mo hindi siya ganun ka sweet lage. Ah sige lahat ng suit na sinukat niya kanina pati yung sinusukat pa lang niya ngayon at saka ito at ito. Kukunin ko na lahat." Nakangiting aniya sa sales lady. Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ng sales associate dahil mukhang kukuta siya today s asales.

"Sandali."paumahin ni Samonte sa sales lady babayarin na kasi Sana lahat ni Olivia.

"Baka po magalit ang mommy nyo pag nalaman niya ito. "

Kumunot si Olivia."At bakit naman siya magagalit eh pera ko naman ang gagastusin ko? Isa pa marami akong pera may black card nga ako eh, " sabay abot niya kay Samonte.

Hindi makapaniwala si Sam. Lunok laway ng matitigan niya ang black card. Ngayon lang naman kasi sa tanang buhay niya nakahawak ng black card.

The threshold for entry into this elite echelon of card ownership is incredibly high, as far as the annual fees. Kung kaya talagang mayayaman lang ang nakakaranas ng black card.

Hindi na siya nakapagsalita ng iabot na ni Olivia sa sales lady ang card nito. "Sige I charge mo lahat ng yan sa card na to. "

Hindi naman makapaniwala si Sam sa klase ng karangyaan meron si Olivia. Ganun kadaling magwaldas ng pera ang mga mayayaman. Napapailing na lamang siya.

Naisipan naman ni Olivia na bumalik sa fashion boutique na dinaanan nila kanina. May hahanapin siyang limited edition na damit.

Hindi naman siya nabigo at meron na nga kaso ito na lamang ang nagiisang to ang natira. Kukuhanin na niya sana ito ng wala sa isip bigla itong mawala sa harap niya.

Kaagad napataas ang kilay niya at tiningnan mula paa hanggang sa pagmumukha ang maldita na inunahan siya.

"Aba ikaw pala yan cuz! " Untag agad nito sa kanya.

"Sofie?" Thats right they are cousins sa side ng Mommy niya.

Hindi niya akalaing dito talaga pagtatagpuin ang landas nila ngayong araw.

"Anong ginagawa mo rito sa Bagiuo?" Aniya  na may pagtataka. Hindi kasi ito pala gala, alam niyang socialite ang pinsan niya hindi explorer. 

"Oh come on cuz. Masama bang makita ka rito sa butique on a lovey dovey mode?" May panunuyang usal nito habang nakataas ang isang sulok ng labi.  That she hates so much about her. Kung mataray siya itong pinsan nato naman ay marungis at siyang mahilig maghabi ng kwento sa pamilya nila. 

"Ano kaba cuz, ipakilala mo naman ako sa kanya."Wikanito na nagpagising sa diwa niya.

Naintriga siya bigla sa pinagsabi nito. Kaagad na sinundan ng tingin niya ang mga mata nito. Napadpad iyon sa papalapit na si Sam. Napalunok siya ng mamataan ang presinsya ni Samonte sa gilid niya. Tinikom niya ang kanyang bibig at pinanuod kung paano nito pasadahan ng tingin si Sam mula ulo hanggang paa. Parang gusto tuloy niyang parusahan ang sarili dahil hinayaan lang niya ang associate na yon na ipasuot kay Sam ang suit na sinukat nito kanina. 

"Ang gwapo naman ng boylet mo cuz, pwede ko bang mahiram?" Sofie said with giggles all over her face that Olivia despise the most.

Akmang lalapitan na nito si Sam ng kumaripas siya sa harap nito upang iharang ang sarili. Umiling-iling siya sa inis kasalanan talaga ito sa sales lady eh. Kilala niya ang pinsan lalo na kapag may nakitang bago o magandang bagay na kanya ay tiyak na aagawin agad nito iyon. Hindi rin niya ito masisi dahil kahit siya gwapong-gwapo rin sa driver niya. Tsk!

"Ano ka ba cuz hiram lang naman." Tumirik ang mata niya sa ere. "Manahimik ka nga Sofie asan naba si Alonzo? Isa pa Date ko siya kaya kuntakin mo ang boyfriend mo." Aniya at pinandilatan ito. Walang pagdadalawang isip ay kaagad niyang hinawakan sa kamay. Tatalikuran na niya sana ang pinsan ng marinig niya ang mga salitang lumabas sa bibig nito.

"Sana naman hindi ka magulat sa pagbalik mo sa Maynila. Alam mo bang nakaplano na ang wedding mo my dear cousin. "Anito sa nanunuyang ngiti at walang sabing  tinalikuran na siya  nito.

"No way. Hindi totoo yun." Pinagtaggis niya ang mga bagang sa galit.

Kilala niya ang likaw ng bituka ng pinsan niya. Magaling ito sa pagawa ng kwento but no way she'll believe her. Hanggang sa makalabas ay magkahawak parin sila ng kamay  ni Sam.

Napakurap si Olivia ng matitigan ang pagmumukha ni Samonte kasalukuyan nakatingin sa mga kamay nilang magkahugpong parin. Hindi niya maipaliwanag ang ngiti na kumikislap sa mga labi nito. Para iyong mga paru-paru na pilit na ginagalugad ang buong kaangkinan niya.

Wala sa sariling nabitawan niya ang mga kamay nito. Hindi siya nakaimik ng pilit nitong inaagaw ang kamay niya at walang sabing isinukbit iyon sa bulsa ng coat nito .

"Ano ka ba , hayaan mong mainitan ang kamay mo. Malamig ngayon ang klema rito baka sepunin ka." Ayaw ni Olivia magpaikot ng mata kaya tumingin nalang siya sa kaliwa niya . Parang baliw lang eh pano naman kaya yung isang palad niya?





























Itutuloy.......................









Continue Reading

You'll Also Like

477K 23K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
62.4K 6.6K 163
KF BOOK 1: AN EPISTOLARY Date Published: April 8, 2021
4.6M 167K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
203K 4.7K 101
SS#2 an epistolary