Hunstman Series #:7- The Mafi...

By MayAmbay

452K 14.2K 596

Colosas Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES "Kasalan itong ginagawa mo sa'kin maghunos dili ka, Ginoo..." Lumuw... More

THE MAFIA BODYGUARD
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Special Chapter (Henry and Clarit)
Special Chapter (Henry and Clarit)

Chapter 23

8.6K 282 4
By MayAmbay

RAQUEL
#Bora

"WELCOME TO THE BORACAY!"

"ENJOY YOUR STAY AT BORA!"

"MAAYONG PAGKARI DIRI SA BORACAY!"

"THE WHITE SAND BEACH, BORA!"

Mga malugod na salitang aking maririnig para sa mga bisitang pumapasok sa kanilang establishimento, mula sa mga nakangiti at magalang na empleyado.

Nakabukas kase ang bintana ko sa aking gilid na sinadya ko pang ipabukas kay Colosas. Kaya ang malamig at sariwang hangin ay dinamdam ng aking mukha, habang mahina lamang ang pagpapatakbo ni Manong, ayon na din sa utos ni Colosas. Gusto ko kase na makita ng maayos ang dinadaanan na'min.

Kilala daw ang Boracay sa maputing buhangin nito, at sa magagandang atraksyon.

"Sweetie, huwag mong ilabas ng tuluyan ang ulo mo sa bintana." Pagsuway sa akin ni Colosas, habang ginagap ng palad niya ang ulo ko pabalik sa loob. "Tsk. You can enjoy the view without damaging your head." Nagatatakang napatitig ako sa kaniya. "Paano kung may dumaan na sasakyan at masagi ang ulo mo? Siyempre, ayokong mangyari iyon."

Nahihiyang tumango ako dahil sa pag-aalala niya. Muli ko na lang sinarado ang bintana at umayos na ako ng upo, pero napapatingin pa din ako sa mga dinadaanan na'min.

Medyo mahaba din ang itinakbo ng sasakyan bago iyon pumasok sa medyo makitid na daan. Hanggang sa pumasok ang sasakyan sa isang mataas na bakod, na napapalibutan din ng matataas na mga puno.

Namangha ako sa disenyo ng bahay at mas lalo akong napahanga nang makita ang malawak na karagatan sa unahan, ganoon din ang puting buhangin sa gilid nito.

"Kay Mr. Aragon na ba ito?" Nakita ko ang pagtango ni Colosas, habang matiim akong tinititigan.

"Tara, tingnan na'tin ang loob." Napasunod ako nang mauna siyang pumasok sa loob ng bahay. Nilingon ko pa si Manong at kita ko na papalabas na ang sasakyan niya.

"Saan pupunta si Manong?"

"Aalis na. Tayo lang ang tao dito." Sagot ni Colosas ng hindi tumitingin sa akin. Bigla akong kinabahan nang maisip na kaming dalawa lamang ang nandito.

Mag-iingat ka sa Colosas na iyan, Raquel! Baka kainin ka!

Napahinto ako sa biglang nasabi ng isip ko, parang binabalaan ako. Lagi ko ng kausap ang isip ko na para bang dalawa iyong pag-iisip ko. Natatakot nga ako na baka possible na nagiging baliw na ako, pero hindi dapat mangyari iyon, kase mahal ko pa ang buhay ko, at pati sila doon sa Kombento. Mamimiss ko sila doon kapag namatay ako.

Hindi naman nangangain si Colosas, e! Mabait siya at mapagkatiwalaan.

Ah, basta! Mag-iingat ka sa taong 'yan!
Sa mga ngisi sa iyo ay may binabalak!

Anong klase ba na balak iyon?

Hindi ko alam! Pero basta mag-iingat ka sa lalaking iyan! Mukhang mangangain talaga ng buhay!

"Sweetie, are you okay?" Napakislot ako sa gulat nang may dumantay na palad sa aking balikat. Si Colosas na nakatunghay sa akin, tiningala ko pa siya dahil sa angkin niyang taas.

"O-oo.. Ang ganda nang bahay ni Mr. Aragon.." Ngumiti ako bago ko nilibot ang kabuuan ng bahay.

"Hm. Tara sa silid mo para makapagpahinga ka." Napapikit ako sabay hinga ko ng malalim, nang tumalikod na siya at naglakad papunta sa medyo mataas na hagdan, habang bitbit niya ang bag na'min.

"Oo.." Sumunod ako sa taas. Nakita ko siyang pumasok sa isang pinto, na may katapat na isa ding pinto. Tatlo ang pinto dito sa itaas.

"Dito ka lang at magpahinga. Mamaya o bukas na tayo maglibot sa paligid, alam ko na pagod ka sa mahabang biyahe." Nakita ko ang bahid ng pag-alala sa mga mata niya, bago siya lumapit at saka hinaplos ang pisngi ko.

Kinabahan ako at bigla na naman may humahabol sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok nito. May ibig sabihin ang pagkatitig ng mga mata niya, may kung anong emosyon na hindi ko masabi o maintindihan.

"S-saan ka pupunta?" Nauutal kong tanong na bigla niyang kinangisi, sabay hawak sa aking baba.

"Diyan sa puso mo." Umawang ang labi ko sa hindi maintindihan niyang salita, dumako sa labi ko ang titig nya.
"Closed your lips, sweetie. I might lavished that sweet lips of yours."

Nakaawang pa din ang labi ko at inuunawa kung ano ang ibig niyang iparating, ngunit nanlaki na lang sa gulat ang aking mga mata nang angkin na niya ang labi ko. Kay init ng labi niya na gumagalaw sa labi ko, medyo mariin at may hinahanap.

"Hm.." Kumawala sa aking labi ang isang ungol nang kagatin niya ang ibabang labi ko, at saka niya sinipsip. Nakayapos na din ang braso niya sa beywang ko, at ang isang palad niya ay nasa batok ko, ako ay nakorner.

Napahawak ako sa magkabilang balikat niya upang siya ay aking itulak, ngunit hindi ko magawa, dahilan pa iyon upang mapabuka ang labi ko at kusang makapasok ang mainit niyang dila, napaungol ako.

Naramdaman ko ang unti-unting paghimas ng palad niya sa aking gilid, gumapang paakyat sa aking dibdib. Napakislot ako at sa aking pagkagulat ay naitulak ko siya, dinig ko agad ang pag-ungol niya na parang nabitin.

"A-ako ay patawarin mo—"

"I'm sorry, sweetie. Inakit ako ng maganda mong labi." Namula ako sa hayagan niyang salita, napayuko ako.

"Magpahinga ka na, bibili lang ako sa Banwa ng mga kailangan dito." Seryoso niyang saad bago hawakan ang baba ko, at saka dumukwang siya upang halikan ang noo ko, napakurap ako sa ginawa nya.

"Mag-iingat ka, Colosas.." Pahabol ko nang nasa pinto na siya, lumingon siya at nakita ko na naman ang pagngisi niya ng malapad.

"I will, sweetheart." Tuluyan na siyang lumabas at sinarado ang pinto.

Malalim akong napabuntong-hininga. Pero agad din na ngumiti ang mukha pagkakita sa magandang tanawin sa labas, mula dito sa kinatatayuan ko ay makikita ang kulay bughaw na umaalon na karagatan, pati na din ang mga ulap sa kalangitan.

Napalapit ako sa krystal na pader at saka hinawi ng tuluyan ang mahaba at makapal na kurtina. Binuksan ko ang isang pinto bago lumabas doon, mas tanaw ko dito ang buong paligid. Napapikit ako at saka ninamnam ang malamig na hangin sa aking mukha. Nakagagaan ng loob at pampawala ng mga negatibong iniisip ng utak ko.

Ilang sandali ko din pinagmasdan ang magandang lugar bago na ako pumasok sa loob. Nilagay ko muna ang bulak na kwintas sa ibabaw ng maliit na lamesita sa gilid. Tinungo ko ang bag sa kama at binuksan ito. Kinuha ko ang mga damit para ilagay iyon sa nakita kong kabinet dito sa gilid ng kama. Namumula pa ang aking mukha habang malinis na tinutupi ang malaking panloob ni Colosas, kahit na ilang ulit ko na din nalalabhan ang mga damit niya.

Malaking tao din si Colosas kaya natural lang na malaki ang mga damit niya, pati panloob—

Makasalanan na talaga ang utak mo, Raquel! Umuwi ka na ng Kombento at maligo ng agua bendeta!

Iyong paglalaba ng mga damit niya ay maliit na bagay kompara sa pagpapatira sa akin sa kaniyang bahay. Lahat ng gastusin ay sa kaniya din galing, kaya iyon ang kapalit ng tulong niya sa akin. Iilan lang naman ang mga madumi niyang damit at sinama ko na sa aking labahin.

Ewan ko sa'yo! Tiyakin mo lang na dapat makausap mo na si Mr. Aragon, para makabalik ka agad ng Kombento!

Sana nga pagkatapos nito ay makakausap ko na si Mr. Aragon. Sana tuparin ni Colosas ang kaniyang pangako. Namiss ko na sila Sister at mga bata doon sa Kombento.

Matapos kong mailagay sa kabinet ang ilang damit na'min ay pumanaog ako para tingnan ang buong bahay. Malaki ang espasyo at konti lamang ang gamit, maliban sa mga lamesa, upuan, tv, ilang litrato na nakasabit sa pader sa itaas ng tv, ilang mga malalaking paso ng halaman sa bawat gilid ng bahay, at isang kabinet na puno ng iba't-ibang uri na alam kong mga inumin. Bukod doon sa mga gamit ay wala na.

Natatanaw ko din ang ganda ng karagatan mula dito sa kinatatayuan ko, mula din sa krystal na pader. Sinadya siguro na krystal ang pader para makita ang ganda ng buong paligid, pero kapag sa labas ka ay hindi naman kita ang loob, kaya pribado pa din kung ano ang ginagawa niyo sa loob ng bahay.

Nakamasid lang ako sa ganda ng paligid habang hinihintay ko ang pagdating ni Colosas. Nais ko sana na magluto ng kakainin na'min para sa tanghalian ay wala naman laman ang refrigerator, maliban lang sa mga mineral water, mga gatas at juice na nakakarton ng malaki.

Medyo nangalay ang mga paa ko sa ilang minuto kong pagkakatayo, kaya umupo muna ako sa malambot na upuan. Nakaramdam ako ng antok, kaya humiga muna ako para saglit na makaidlip habang naghihintay.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog, napakislot na lang ako nang may mainit na bagay ang gumagalaw sa aking labi. Pagmulat ko ay mga mata ni Colosas ang nabungaran ko, hinahalikan niya ako.

Agad akong napaupo na kinatigil niya sa paghalik sa akin.

"N-nandito ka na pala.. pasensya at nakatulog ako sa kakahintay sa pagdating mo.." Napayuko ako at saka inayos ang aking damit na medyo nakalihis sa aking hita.

"Hinihintay mo ako?" Tiningnan ko siya at saka tumango ako.

"Oo.. A-ano kase—" Nanlaki ang mga mata ko nang muli na naman niya akong hinalikan, nakatitig sa akin.

Kakainin na naman niyan ang labi mo, Raquel!

***
© 2022 MAYAMBAY

Continue Reading

You'll Also Like

578K 14.7K 38
Walton Series: Harrison Walton-Swift Started: December 23, 2018 Ended: April 13, 2019
2.9K 96 25
!! U N D E R R E V I S I O N !! Charie's life has always been a hell. They said that she looks like a monster so they treated her one. They made he...
107K 2.7K 38
Si Brekker Puppert ay isang sikat na Modelo sa murang edad. Siya ay pinagkagulohan dahil sa angking gwapo at talento. Pero siya ay kilala na Babaero...
1.3M 44K 53
Conan Erlick Hunstman The Unpridectable Son "You don't know me and I didn't know you either. But our body know's each other." Nakangising pahayag ng...