VANGUARDIA

By nicos1345

9.1K 869 368

Fantasy / Soulmate AU Vanguardias are enchanted and powerful beings from another dimension. They have ink in... More

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Artworks :)
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24: The Dying Island (Part 1)
Chapter 24: The Dying Island (Part 2)
Chapter 25: The Lost Page (Part 1)
Chapter 25: The Lost Page (Part 2)
Chapter 26: The Plan
Day Before New Moon
The Night Before New Moon
For the Greater Good (Finale Part 1)
The Real Sacrifice (Finale Part 2)
Defying Destiny (Finale Part 3)
Epilogue

Chapter 2

298 35 8
By nicos1345

A week later.

Narda’s POV (8:00AM)

Ang aga aga inuubos ng babaeng yun ang pasensya ko! Hindi ko man lang naenjoy yung umaga. Napaka..

“Good morning!”

Tapos mukha pa ni Brian ang unang bumungad sakin sa headquarters. Nakasandal sya sa may pinto, nagkakape.

“Ugh!! Wag mo ako kausapin!!” Singhal ko sa kanya at nagdere-derecho ako sa pwesto ko. Pag-upo ko, sinapo ko ng dalawang kamay ang ulo ko. Okay. Breath in. Breath –

“Bakit naman ang aga aga nagsusungit ka. Magkape ka nga muna.”

Tiningnan ko sya ng masama kasi umupo pa sya sa harapan ko. Minsan talaga, hindi alam ng mga tao ang concept ng ‘wag mo ako kausapin’ kahit literal na sinabi mo na.

“Oh, ano na namang ginawa ko? Tatanong ko lang kung nakasettle ba ng maayos si Regina dun sa condo. Kamusta naman?”

Wala naman talaga ginawa si Brian. Pero soulmate sya ni Regina kaya naiinis na rin ako.

“Morning guys!”

Napalingon kami pareho ni Brian sa may pinto.

“Noah, pre! Ang aga mo naman.” Sabi ni Brian.

“Nagrounds ako ng maaga para dun sa mga naging critical patients ko dun sa aksidente. Kamusta?” Sakin tumingin ng derecho si Noah.

“Noaaaah!!!” tawag ko sa kanya na parang nagmamakaawa.

At tinawanan nya lang ako. “Bakit?”

“Ang high maintenance!!”

“Ni Regina??? Talaga ba? Hahaha!” Tawang tawa pa rin sya tumingin kay Brian. Ano? For confirmation? E bias yan e, syempre soulmate pa nga.

“Oy, hindi ah. Mabait naman sya.”

“E one week mo pa lang sya nakakasama.” Sabi ko naman.

“Ha? E ikaw nga, oras pa lang e.” Sumbat naman ni Brian sakin.

“Teka teka, what happened ba?” Tanong ni Noah.

At eto na nga.
…..
 
Three hours earlier

“Good morning Manilaaaa!” Sabi ko sa sa kawalan habang nag-uunat ng mga braso. Bukas ang kurtina ng bedroom at tanaw ang kalakihan ng syudad. Nasa may bay area kasi kaya may dagat ka din natatanaw.

Gustong gusto ko kasi nagtitingin ng sunset, kaya gusto ko talaga makuha tong condo. Isa pa, walking distance lang to dun sa hospital at sa headquarters namin.

Nauna lang ako dito ngayon sa condo pero papunta na rin si Regina. Hindi kasi magtugma-tugma yung schedule namin kaya Monday morning talaga ng alas singko. Morning person naman ako so walang issue.

Ang mga gamit namin nasa may living room pa. Hinatid namin kagabi.

Ako lang pala, hinatid ko yung sakin kagabi. Siya naman, naghire sya ng mga tao na maglilipat kaya ngayong morning lang talaga kami magkikita. Di pa kasi pwede matulog dito kagabi kasi may inayos pa yung may-ari ng condo.

Hindi ko pa rin alam kung bakit kailangan nya ng roommate kasi kung nakakakuha nga sya ng tao para maglipat, ibig sabihin, kaya nya talaga mag-isa. Baka naman sa pagtira namin sa iisang bubong, magiging magkaibigan naman siguro kami? Baka naman masasagot nya ang mga tanong ko.

Two bedrooms ang condo. Yung veranda nasa mas malaking bedroom. Yung isa naman, decent na bedroom pa rin naman, mas maliit lang tapos may isang bintana lang.

Tutal ako naman ang nakakita ng condo, siguro naman, okay lang sa kanya na dito ako. Mahilig talaga kasi ako sa sunset. Parang nakakakalma.

Narinig ko na  may nag-oopen ng pinto kaya pumunta na ako sa living at inabangan ko sya.

“Narda. Hi.” Sabi nya pagkakita nya sa akin. Simple lang ang pananamit nya. Tshirt, shorts and sneakers lang. Yung buhok nya nakapusod kaya ang liwanag ng mukha nya. Nakabackpack sya. Ang cute. Tapos may hawak syang laptop.

Kung saan sya nanggaling ngayong umaga, hindi ko alam.

Ngayon ko lang sya nakita nakatayo, actually. Mas –

“I’m taller than you pala.” Sabi nya.

Yun na nga.

“Konti lang kaya!” Sabi ko naman. Ay di man lang pala ako nag-hi. “Ay! Ang ibig ko sabihin, hi pala Regina.”

Pumasok sya ng pinto at nagmasid sa condo. Ngayon lang kasi nya din nakita. Nadescribe naman daw sa kanya ni Noah.

“I like it. Nice place.”

“Ahh oo. Hehe.” Ang awkward ha.

“Bale dalawa bedroom sya..” Simula ko.
Di pa ako tapos, e naglalakad na sya papunta dun sa room para tingnan ito.

“Can I get the bigger room? I think mas madami gamit ko sayo at isa pa..”

Nanlaki naman ang mga mata ko, “Wait wait wait!!” Di ko sya pinatapos.

Tapos tumingin sya sakin.

“Kinuha ko tong condo dahil sa room na yan. So baka naman, pwedeng ako na dyan?” sabi ko.

“I’ll pay more? At konti lang gamit mo oh. Ang dami kong books.” She said.

“May books din naman ako ah.”

Meron naman talaga. Pero mga tatlo lang.

Tinaasan nya ako ng kilay. Pero hindi ako magpapainda.

“At hindi ako lilipat dito kung hindi dahil sa view na yan. At nireserve talaga to ng may-ari para sakin!” pagrarason ko. “Kaya pwedeng ako na dyan?”

“Narda. I need that room!”  

“E kung para sa mga gamit mo, e di sayo na yung kalahati ng living room.” Sabi ko naman.

“Okay. Just to make you understand. We, Vanguardias need to have a connection with nature. It’s different for everyone. I need that room!” Nagtaas na sya ng boses.

Hindi naman kataka-taka kung magkapikunan kami talaga dito. Ang aga aga pa kasi. Bad trip na.

“Ha? E wala naman ka-nature nature dito sa city. E di bilhan kita ng cactus! Lagay mo dun sa kabilang room” Nagtaas na din ako ng boses.

“Ugh!! The last thing I need are plants! What I meant is the light!” Sabi nya.

“Aagawin mo pa ang sunset ko!” Sabi ko. I know, walang sense pero andyan na e.

“Wow ha.” Sabi nya. Lalo tuloy ako napikon.

“At tsaka kung kailangan mo talaga yan, bakit hindi mo man lang sinabi before, para nakapag-isip isip naman ako kung gusto ba kita isama dito?!”

“Noah told me na hindi mo kayang kunin tong condo kung ikaw lang mag-isa!”

“Kahit pa! Nakamindset na ako o. Alam mo bang nakakapikon yun?! Hindi ko naman maiisip na pilitin dito kung wala yan! At wag mo akong ma-trivia trivia ng about sa Vanguardia kasi wala ako alam. Di kita maiintindihan!! Ako na kasi dyan!”

Tinry ko sya lagpasan para makapasok sa kwarto pero hinarangan nya ako. Face to face kami. Napaatras tuloy ako. Ang seryoso ng mukha nya at para sa kanyang impormasyon, hindi nakakatulong ang ganda nya sa pikon ko ngayon.

“You want to understand, Narda?!”

“Ang ano?!”

“Without that much sunset, I’ll die.”

..

..

At dun ako natalo.

..

“A- ano?” Tanong ko.

..

“You heard me. And I’ll die much earlier if you told anyone about this.”

Magsasalita na sana ako pero inunahan nya pa ako. “And don’t ask questions.”

Napahinga ako ng malalim.

Natahimik ang paligid.

Tinitigan ko lang siya.

Di ko alam kung ano hinahanap ko.

Something na magsasabing hindi totoo ang sinasabi nya.

Hindi ko alam pero may naramdaman akong kakaiba nang marinig ko ang salitang pwede sya mamatay.

“So can I get the room?”

E ano pa bang choice ko.

“Sige na. Sayo na.” Sabi ko na lang ng mahina.

..

..

Sa dami kong tanong tungkol sa Vanguardia simula nang makilala ko si Regina, nadagdagan pa ng mga singkwenta dahil sa sinabi nya.

Okay na sana.

Kung yun naman ang dahilan, pagbibigyan ko naman sya.

Kaso lang.

“Thanks. Pero di mo rin alam kung totoo ang sinasabi ko.”

Amp. E di nabuhay na naman ang pikon ko!

Pinagloloko ba ko nito?!!!

Mas nakakainis pa, bago nya ako talikuran, nagsmirk pa sya.

Tapos pinagsaraduhan ako ng pinto.

Grrr.. Badtrip!!!

Hindi na sya lumabas hanggang sa makatapos ako magprepare papunta sa work.

At umalis ako ng condo nang masama ang loob.

…..
 

Present Time

Yun ang kwento, pero syempre, nilaktawan ko yung part na pwede sya mamatay. Kahit sa huli, baka naman pinagtitripan nya talaga ako.

“Hay, girls nga naman.” Sabi ni Noah.

“Yun lang sasabihin mo? Girls?” Tapos nagkibit balikat sya.

Tumingin ako kay Brian.

“Hindi naman sya masungit sakin.”

“E natural. Grrr! Mag-aaway din kayo!” Sabi ko na lang.

Tumawa na naman si Noah.

“Hala sya. Magkape ka nga lang.” Sabi naman ni Brian.

“Teka, pre. Kamusta ba kayo?” Tanong naman ni Noah kay Brian. “One week na rin kayo lumalabas labas ah. San na kayo nakarating?”

“Ahhhhhhh. Pare ha.” Tumatawa tawang sabi ni Brian tapos tinuturo turo pa nya ni Noah.

Gago ba tong mga to?!

.

.

“Aray!!! Bakit naman nanghahampas na naman?!” Reklamo ni Brian.

“Wag nga kayong gago!” Sabi ko.

“Tsaka bakit ako lang. Si Noah ang nagtanong ah.”

“Umayos ka nga!” Sabi ko na lang.

“Ang protective naman nito. Di naman kayo friends. Badtrip na badtrip ka nga sa kanya tapos..” Sabi pa nya.

“Syempre, sa women empowerment ako! Laban sa mga lalaking katulad nyo.” Sabi ko.

Ewan ko ba. Ang badtrip ko nga kanina sa kanya pero hindi ko rin maatim kung saan makakarating ang usapan na yun.

“Wala naman ako ginagawa! Getting to know each other pa kami. Pero pwede ko siguro iassume na ‘dating’?? Pero di pa kami. Tsaka si women empowerment ka dyan, e inaaway mo nga sya e.”

“Iba yun!” Nakakainis talaga tong si Brian kapag sagot ng sagot.

“First kiss?” Tanong ni Noah. Isa pa tong si Noah, napakachismoso.

Umiling lang si Brian. “Wala pa pre, as in getting to know pa lang.”

“Bakit ang chismoso mo ba?!” sabi ko naman kay Noah.

“I was just asking. I mean, I was fascinated with their soulmate thing. I thought there will be a little less getting to know, and a little more feelings.”

Sabagay. May point naman sya. Tapos may naalala ako.

“E diba may friend ka na Vanguardia?” Tanong ko. “Pano ba yung sa kanya.”

“They hit it off, right away.” Sabi nya.

“Teka, teka, sabi kasi sakin ni Regina, kailangan nya yung room na yun dahil kailangan nyang mapalapit sa nature, so may explanation ba yun? Ganun din ba friend mo?”

“Ha? I don’t know. Di naman ako nakarating sa apartment nya.” Noah said.

“But tell you what. I’ll check yung mga research ni Dad kung meron ganyan, message kita pag may nakita ako.” Tuloy pa nya.

Ang dad ni Noah, mahilig talaga magresearch tungkol sa mga Vanguardia. Kwento nga ni Noah samin, dati daw, nagtry siya magpadala ng tao para tingnan kung ano meron sa isla nila pero di naman sila nakatawid. Hindi rin successful ang mga research studies nila.

…..
 

2pm na nang makareceive kami ng tawag na kailangan kami sa isang location.

Sa team namin, dalawa kami paramedic tapos ang iba, mga EMTs na. Si Brian ang lead. Madalas magkahiwalay kami Brian kung magkakaiba ang location ng emergency pero sa case nato may dalawang pasyente lang na hindi naman kritikal na kailangan ilipat sa malaking ospital kaya magkakasama kaming pumunta.

Successful naming naisakay sa mga ambulansya ang mga pasyente at may guide silang EMTs doon. Sa ibang sasakyan kami sasakay ni Brian patungo ospital.

 
“Sabi mo may malasakit ka?! Bakit hindi ka man lang gumawa ng paraan?! Yung anak ko, dun na natutulog sa kulungan!” Narinig namin ni Brian yung isang matandang nagsisigaw dun sa malapit sa munisipyo habang naglalakad kami papunta sa isang sasakyan para sundan yung ambulansya.

“Teka, si Yna ba yun?” Sabi ni Brian kaya napalingon na din ako. Yna na nga pala tawag nya kay Regina.

Siya nga. Ahh, malapit nga pala kami sa municipal trial court kaya siguro siya napadpad dito.

“Mang Ben, I’m following the process, wag kayo mag-alala. Kailangan lang magtiis ng konti ngayon kasi malakas yung nasa kabilang panig.” Narinig kong sagot ni Regina.

Parang may situation kaya panandalian ko munang nakalimutan na magkaaway pala kami.

“Siguraduhin mo lang ha dahil ilang araw na. Gusto mo ba talaga tumulong?” Singhal sa kanya ng matanda.

Nanlaki yung mata ko, inaaway talaga niya si Regina. Naglakad nang mabilis si Brian papunta dun kaya sumunod ako.

“I’m doing my best para mapabilis to, konting tiwala at patience lang, Mang Ben.”

“E Vanguardia ka e! Alam mo ba talaga batas dito, tsaka yung kalakaran? Putangina, baka naman umaasa lang kami sa wala. Ang dami na namin hiningan ng tulong.”

“I’m the only one who..” Hindi naituloy ni Regina yung pagsagot nya kasi nakalapit na si Bryan at hinawakan sya sa braso.

“Wag mo na patulan, Yna.” Pag-aalo ni Bryan kay Regina.

“Mang Ben, pasensya na. Sige na po. Umuwi na lang muna po kayo.” Sabi ni Brian.

Ako naman, napako lang sa kinatatayuan ko.

“Why are you apologizing for?!” May diin na bulong ni Regina kay Brian pero narinig ko yun.

“Yaan mo na.” Sabi pa ni Brian.

“Ayan ayan, Brian, kausapin mo yung Vanguardia na yan! At baka may masama pang balak, sa halip na makatulong.” Kilala ni Mang Ben si Brian. Si Brian kasi medyo sikat dito since siya yung laging nakikipag-usap sa mga tao kapag may mga aksidente or sakuna.

“Tama na ho, Mang Ben. Sige na ho, ako na bahala.”

Hala. Napatingin ako kay Regina, ayun, naggagalaiti sa inis.

Pagkaalis ni Mang Ben.

“I can handle myself, Brian! Anong ikaw na ang bahala? You shouldn’t have done that. And why apologize on my behalf? He’s the family of my client and he should understand the process well.” Sabi nya.

Mukhang maghapon yung mga kabad-tripan namin ah.

“Yna, ganun talaga ang mga tao. Minsan kailangan mo na lang umiwas sa gulo. Tinulungan na nga kita makaiwas.”

“By tolerating him?? I know how to put him in place. I know how to control the situation. I am here for 8 years na, Brian. I know how people are!”

“Makakagawa ka pa kasi ng eksena --” sasagot pa sana si Brian.

“Ugh.” Singhal ni Regina.Tinanggal nya ang pagkakahawak ni Brian sa kanya at nagwalk out na siya

Hindi naman siya mahabol ni Brian kasi kailangan naming sumunod sa ospital.

Di ko naman sinasadya, nagdilang anghel pa ako nung sinabi kong mag-aaway din sila. Sorry naman.

“Bakit parang ako pa ang masama?” Tanong ni Brian sakin.

Haaay. Ang mga lalaki talaga, minsan sobrang clueless.

“E kumampi ka kasi sa mali.” Sabi ko naman.

“Iniiwas ko lang naman sya sa gulo.” Sabi pa nya.

“Baka naman ang meaning mo ng ‘gulo’ ay iba sa ‘meaning’ nya. Baka naman, she can handle the situation nga. At higit sa lahat, hindi mo kasi sya pinapakinggan. Sagot ka lang ng sagot.”

At hindi na sumagot si Brian. Ay.

Hinayaan ko na lang sya.

Napaisip lang din ako.

“Teka lang.” Sabi ko. “Kung yun ang client ni Regina, so humahawak sya ng pro bono cases. Hindi sya nagtatrabaho sa kumpanya? Tama ba yun? Napag-usapan nyo na ba yung work nya?”

Pagtingin ko sa tabi ko wala nako kausap. Badtrip din ata si Brian, bilis maglakad e.

Bibilisan ko na din sana yung lakad ko nang biglang may kumalabit sakin.

“Madam!”

“Ay! Kuya!” Bigla kasing may sumulpot na lalaking may hawak na basket ng gulay sa tabi ko. “Nanggugulat ka naman!”

“Ah, pasensya na ho. Nakita ko kasi ho kayo dun kanina. Umalis na ho derecho si Atty no?” Tanong nya.

Napaisip pa ako kung sino yung attorney. Si Regina nga pala.

“Ahh si Regina po, opo umalis na. Bakit po?”

“Kakilala nyo ho? Ibigay ko sana sa kanya to, kanina ko pa inaabangan. Kliyente din nya ho ako. Tumutulong naman ho talaga siya. Di na nga nagpapabayad kaya bibigyan ko sana nito e parang galit nung umalis e. Sa susunod na lang pag nakita ko ulit sya dito. Babalik pa naman yun.”

“Ahh.” Actually, di ko alam ang isasagot ko.

“Wala lang ho, baka pag-isipan nyo ng masama e dahil sa sinabi nung matanda. Hindi naman totoo yun. E mabait naman po talaga yun. Madami na din sya natulungan. Ganito na lang ang magagawa ko tutal pinagtanggol naman nya kami sa kaso. Sige ho. Yun laang naman ho sasabihin ko.”

At naglakad na sya palayo nang hindi na ko hinintay sumagot.

So madami nga syang pro-bono cases.

Nakakatuwa naman yung isang kliyente nya na yun.

Napangiti ako habang naglalakad.

Pero mas nakakatuwa malaman na mabuti pala siya kahit ang sungit sungit nya. Teka, okay lang kaya sya. Si Brian naman kasi, mas ininis pa.

Naalala ko na naman yung pinag-awayan naming kwarto. Sige na nga, sa kanya na nga lang yun.

……
 
Kinahapunan, dumating ako sa condo habang nag-aayos si Regina ng mga natitirang gamit nya sa living room.

Hindi niya ako pinansin.

May mga gamit pa rin ako dun kaya sinabayan ko sya ng pagliligpit. Sa totoo lang, konti na lang naman yun. Sa sobrang pikon ko kaninang umaga, yung mga gamit ko ang pinagdiskitahan ko. Nailipat ko na agad sa kwarto ko.

Pero kahit konti na lang yung gamit ko dun, nagpatagal ako. Gusto ko lang talaga siya kamustahin about sa nangyari kanina kaso hindi ko alam kung paano sisimulan.

Nakailang paikot ikot pa ako sa isip ko kung itatanong ko ba hanggang sa nagkalakas nako ng loob kasi mukhang patapos na siya magligpit.

“Okay ka lang ba?”

Napatigil sya sa ginagawa nya. Tumayo sya ng tuwid at nagcross sya ng arms. Yung nakakaintimidate.

“Why are you suddenly asking?” Tanong niya.

Bakit naman ang tono nya e parang ako yung may nagawang kasalanan.

Pero inintindi ko na lang. Baka kasi badtrip pa sya.

“Baka lang kailangan mo ng kausap? Tsaka masakit naman talaga makarinig ng mga ganoong salita lalo na wala ka namang ibang intensyon kundi tulungan yung tao.”

Tinitigan nya lang ako.
Hindi naman ako nagpatalo. Hindi ko rin alam kung gusto ko bang magshare sya o hindi. Nagtry lang talaga ako kasi nga sobrang badtrip nya kay Brian kanina.

Hanggang sa nagbuntong hininga sya. “This is nothing that I can’t handle.”

At inalis nya ang tingin niya sakin. Sign na ayaw nya pag-usapan.

Tumango lang ako. “Okay.” Hindi ko naman sya pipilitin kung di sya ready makipag-usap.

“Okay.” Sagot nya at pumasok na sya sa room nya.

Kaya pumasok na din ako.

Bago ako naupo ako sa kama, hinawi ko muna ang kurtina ng bintana.

Kahel ang kulay ng dapithapon.

Tanaw ko pa rin naman ang paglubog ng araw.

Maganda pa rin naman. Yung pakiramdam ko, mapayapa pa rin habang nakatitig ako dito kahit mula sa maliit na bintana.

Si Regina kaya, nakatingin din sa araw?

Parang nasayangan ako sa effort ko na nakipag-away pa ako sa kanya.

…..
 

Sa buong linggong yun, halos hindi ko sya maabutan sa condo.

Unang una, mas maaga ako umaalis kasi dapat 8:00am, nasa headquarters na kami. Hindi pa sya lumalabas sa room nya ng mga ganoong oras.

Pag-uwi ko naman, wala pa sya.

Dumarating sya sa gabi, mga 10pm o kaya 11pm na. Tulog na ako nun.

Busy ba sya?

Pag gumigising ako sa umaga, nadadatnan ko ang tambak ng mga folders sa may lamesa sa living room at makakapal na law books. Pero pag-uwi ko, nakaligpit na sila lahat.

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sakin kung bakit sya nag-lawyer dito. Mukhang di ko naman sya matatanong kasi mailap pa sya sa mailap.

Normal naman ang lahat. Ibig sabihin ko, kung hindi ko alam na Vanguardia sya, hindi ako magkakaroon ng clue kung titingnan ko lang ang lugar na tinitirhan nya.

Kumakain din naman. May utensils sya.

Yung food nya sa ref, mas healthy pa nga kaysa dun sa akin.

Yung gamit nya sa cr, normal lang din.

Tiningnan ko pa nga yung brand ng shampoo nya. Pero yung usual na sikat na brand lang. Di ko sure if yung room nya ba yung mabango or sya. Basta di ko maexplain.

Wala naman syang kakaibang gamit sa living room. Sa bedroom nya, ewan ko lang. Di ko na nakita yung room after ko pinaubaya sa kanya yun.

Pag-uwi ko today, napansin kong naglagay sya ng kalendaryo sa pinto ng bedroom nya.

Hindi naman unusual yun. Nagkaimpression lang ako na wala na siguro nagkakalendaryo ngayon dahil nasa phone na.

May mga nakamark na dates sa calendar nya. October 25. Birthday kaya nya? Binuklat ko yung isang pahina, may marka din ang November 24? Tapos December 23?  Ahh, baka deadline?

Biglang bumukas yung pinto.

“Ay!” Nagulat naman ako.

“What are you doing?!” Ang taray pa ng pagkakasabi nya. Tapos ang dami nyang dalang folder. Humakbang sya palapit sakin kasi nakaharang ako kaya napaatras ako. Sinarado nya agad yung pinto.

“Nanggugulat ka naman. Tinitingnan ko lang kung.. kung anong date na.” Hala nautal pa ako. Yung tingin nya kasi.

Tinaasan nya ako ng kilay. Paano ba naman kami magkakasundo nito. Nagtitingin lang talaga ako ng calendar, nagsungit na.

Nilagpasan nya ako at naupo sya sa couch. Inilapag nya ang mga folders sa lamesa sa living room.

“Maaga ka ata ngayon?” tanong ko.

Napatingin sya sakin, parang nagtataka na nagtry ako magsmall talk. Eh kasi one year ang contract namin dito. Alangan namang magsungitan lang kami ng one year.

“Ahh, it’s Friday. I can work here today.” Sabi nya. Nagumpisa syang buksan yung mga folder nya at nagbasa.

“Ahh.” Parang yun na lang naman sasabihin nya. Baka makaabala pa ako kaya di ko na ako nagsalita pa.

Pumunta ako sa bandang kitchen. Maliit lang yung condo kaya parang nasa isang area pa kami. Inopen ko yung ref at kinuha ko yung tirang lutong adobo ni Lola na pinadala nya sakin nung last weekend na umuwi ako.

O diba, isang linggo na to. Binuksan ko sya at inamoy. Okay na okay pa. Sabagay sabi naman ni Lola, di naman talaga madali masira to.

Tiningnan ko si Regina, busy pa din sya. Tatanungin ko ba kung kumain na sya.
Mamaya na siguro.

Mas masarap yung adobo ni Lola kapag pinapainit sa kalan kaya kinuha ko yung maliit na kawali para iinit, instead na gumamit ako ng microwave.

Habang ginagawa ko yun, medyo naramdaman ko na nakatingin sakin si Regina mula sa living room. Kaya dahan dahan akong tumingin sa kanya. Hindi naman sya umiwas, tumingin lang sya sa ginagawa ko.

“Uhmm. Kumain ka na ba?” Tanong ko na nag-aalangan.

“No. I’ll cook after you.” Sabi nya.

“Ahh. Okay. Saglit lang to.” At hinalo ko yung pinapainit ko.

Dahil hindi pa nga kami close at di rin kami nag-aabot dito, magkahiwalay pa talaga kami kumain.

Maya maya, namalayan ko na lang na nasa tabi ko na sya.

“What’s that?”

Medyo nabawasan din ang sungit nya sa way ng pagkakatanong nya. Baka curious talaga sya.

“Ahh adobo? Luto ng Lola ko. Gusto mo ba?” Tanong ko kasi mukhang kasya pa naman sa dalawang tao to. Last na pabaon na to mula nung umuwi ako sa Laguna kaya paubos na. Tapos hindi ako uuwi this weekend.

“Uhmm, no, I’ll cook.” Sabi nya.

Okaay. Pero titig na titig sya sa adobo. Bakit kaya? Sabayan ko na lang sya kumain mamaya para if gusto nya.

“Okay. O eto tapos na” Pinatay ko yung kalan at inilipat ng lalagyan yung adobo. May kanin pa ako sa ref kaya iinit ko na lang yun sa microwave.

Si Regina naman kinuha nya yung mga ingredients nya sa ref. Healthy living siguro ang mga Vanguardia. Puro gulay e.

“Brian is coming.”

Tawag nya sakin habang naghuhugas ako ng pinaglutuan ko para magamit nya.

“Ha?” Tanong ko para sure na hindi ako nagkamali ng dinig.

“I said Brian’s coming. I’ll cook for him.”

“Ahhhhhhh..” Sa isip isip ko, di man lang ako sinabihan ni Brian para nakapagprepare naman ako kung saan ako pupunta at nabigyan ko sila ng space. “Okay na kayo?” Kasi ang last na natatandaan ko e yung nag-away sila dun sa may munisipyo.

“Is that okay with you? Since we’re both sharing this space?” Ahh di nya sinagot. Pero on another note, considerate naman pala sya kahit masungit.

Napatingin ulit ako sa mga nilabas nyang ingredients. Carrots, sayote, mushroom, beans. Tapos mga tatlong hiwa ng fish na mukhang iluluto nya din. Ang alam ko hindi naman mahilig si Brian sa gulay.

“Hahaha! Okay. Okay lang.”

“What’s funny?” Tanong nya. Natawa talaga ako. Sorry naman, di ko pa nakikita si Brian, natatawa na ako.

“Wala, wala. Natuwa lang ako.” Palusot ko na lang.

“Na Brian is coming here?” nakakunot pa sya. Mag-uumpisa na naman to ng sungit. Kelangan bawiin.

“Na nagkakamabutihan na kayo. So bakit mo ipagluluto si Brian? May okasyon ba?” Tanong ko na lang. At pinigilan ko na yung tawa ko.

“He asked me if I know how to cook and I said yes. Then sabi nya sana daw matikman nya yung luto ko. So here we are. Sabi ko nga, isa lang naman alam ko lutuin, and then, he said, he’ll eat whatever it is.”

Napatango ako ng madahan. Pinigilan ko na reaksyon ko kasi baka maoffend siya.

Sa totoo lang, narealize ko din na parang ito na yung pinakamahaba naming conversation.

Tuloy ko nang tinapos yung hinuhugasan ko.

“Gamitin mo ba? Okay na ko.” Sabi ko naman.

“Ahh, I’ll use the other one.” Yung kaserola daw. Kaya inilagay ko na sa lalagyan yung kawali na ginamit ko. Tinakpan ko muna yung adobo ko at nagtungo ako sa living room pero medyo sinisilip ko kung ano gagawin nyang luto. Curious ako e.

Patay ka talaga Brian.

Teka.

Or baka patay yung adobo ko? Paborito pa naman ni Brian yung luto ni Lola. Lagi nakikikain yan e. Agawan pako nito e.

Naupo ako sa couch. Dun sa bandang nakikita ko pa rin sya nagluluto. Nagtingin tingin ako sa phone kunwari.

Nagpakulo sya ng tubig.

Ilang sandali pa, nilagay nya yung mga gulay. Una yung mga carrots.

Tama naman kasi yun yung matagal lumambot.

Hinalo halo nya.

Isinunod na nya yung ibang gulay.

Halo ulit.

Tapos pinatay na nya yung kalan??

Hala, pinakuluang gulay?!

Nakita kong sinala nya yung tubig at nilagay sa pinggan.

Tapos pinalitan nya yung tubig.

Nagpakulo ulit sya, yung isda naman.

Sa kanya na talaga ako nakatitig kasi. So pinakuluan lang ang alam nyang luto? Sabi nya isa lang alam nyang lutuin e.

Talaga ba? Baka sobra sobra sobrang healthy living lang nya? Benefit of the doubt.

Napatingin sya sakin kaya dali dali akong tumingin at nagpipindot sa phone ko.
Inayos nya yung table kaya tumayo na ako para tulungan siya.

Teka, pwede ba ko sumabay? Di ko pala tinanong. Nagdesisyon lang ako.

At may nagdoorbell na.

Nakahain sa mesa yung adobo ko, yung gulay at isda nya.

…..
 
Ilang sandali pa..

Habang nag-cr pa si Regina.

“Manliligaw ka, wala ka man lang kadala-dala.” Bulong ko kay Brian.

“Anong dadalhin ko?”

“Flowers, ano ba? O kaya, ambag man lang sa food. O kaya drinks man lang. Talagang sarili mo lang dinala mo.” Sabi ko naman.

“Buti naman, nagbihis ka ng maayos ngayon.”

“Kala mo kung sino expert sa panliligaw.”

“O sige, di na panliligaw. Minsan courtesy din tawag dun.” Mas nakakainis kapag sumasagot pa talaga sya.

“Sorry na, nagmamadali kasi ako.”

“Nagmamadali daw.” At naupo nako sa may table.

“Narda!” Tawag na naman nya sakin.
Tumingin ako sa kanya..

“Adobo ni lola yan?”

“Hoy! Pinagluto ka ni Regina no, bawal humingi sakin. Baka magtampo pa yun.” Sabi ko.

Sasagot pa sana si Brian nang lumabas na sa cr si Regina.

……
 
Yung hirap na hirap siyang lunukin yung gulay. Tawang tawa ako pero pigil na pigil.

Tapos nakailang baso ng tubig na sya. Wala pa naman talagang kalasa lasa yung luto. Half cook pa nga yung gulay.

Di ko alam kung kanino ako mafefeel bad, kay Brian ba kasi tinatry naman nya kainin talaga o kay Regina kasi nag-effort pa sya tapos di naman masyado maitago ni Brian na hindi nya gusto yung pagkain.

Inalok ko ulit si Regina ng adobo ko pero sabi nya, okay lang daw. Kasi konti na lang talaga yun. Kukuha na din sana si Brian kaso lang pinigilan sya ni Regina kasi daw baka ubusan nya daw ako. Naks, concern yan?

Napansin ko din na ang tahimik na namin. Si Brian, nagcoconcentrate sa pagkain. Si Regina naman, actually, di ko alam. Nakapoker face sya. Di ko alam kung ano iniisip nya. Naooffend kaya siya kay Brian? At tsaka hindi rin sya masyado sumusubo, paisa isa lang.

“Ahh pwede ko tikman?” Tanong ko na lang bilang bida bida naman ako minsan. Gusto ko lang medyo i-save yung situation.

Napatingin sya sakin na parang nagulat.

“Ahh, yeah! Sure.” Medyo nag-aalinlangan pa sya. Pero inilapit nya yung lalagyan sakin kaya kumuha ako.

Tapos nagtinidor ko yung mga carrots nya tsaka iba pa. Hindi naman ako mapili sa food tulad ni Brian. Kaya pinakita ko kay Regina na okay naman sya.

Nakatingin lang sya sakin tapos nagsalita. Minsan nagugulat pa rin talaga ako kapag kinakausap nya ako, “What do you think?” tanong nya.

Bakit naman parang may pang-chachallenge sa tono ng tanong.

“Lasang gulay.” Sabi ko kasi yun naman talaga ang lasa. “Pero usually, nilalagyan namin sya ng mga ibang pampalasa. Hindi mo pa natry kumain ng chopseuy?”

Hindi nya ako sinagot bagkus natawa sya ng mahina, umiling kasabay nagbuntong hininga. Ano ibig sabihin nun?

Tapos tiningnan nya ako habang nakangiti. Nagtama ang mata namin.

Pangalawang beses ko sya nakita nakangiti at sa pagkakataong ito, binigay nya yun sakin.

Naubo lang si Brian sa gilid kaya pinutol ko yung moment. Awkward naman kung nakikipagtitigan ako sa date nya.

“Uhhhm. Eto adobo, sample, madami pampalasa, tikman mo dali.” Sabi ko kay Regina at kinuha ko yung lalagyan ng adobo.

“Okay.” Matipid nyang sagot at dinampot nya ulit yung kutsara at tinidor nya. Mabuti naman at pumayag na sya kasi tatlong beses ko na syang inalok.

Bigla kong naisip kung pwede ba nito ang mga Vanguardia? Hindi naman ata siya papayag kung bawal sila. “Wala ka naman allergy? Alam mo ba yung allergy?”

“I know what allergy is and no.” Sabi nya pero this time, di naman pagalit yung tono nya.

Pinaglagay ko sya sa plato nya. “Hindi ko sure kung mahilig ka sa kanin. Masarap kasi to sa kanin pero dahil konti lang meron tayo ngayon, isabay mo na lang dun sa gulay.” Kinuha ko rin yung lalagyanan ng gulay at tumingin muna ako para tingnan kung okay lang sa kanya na dagdagan ko yung nasa plate nya.

Tumango naman sya.

Habang pinagsisilbihan ko sya, nakita ko sa peripheral view ko na medyo lumawak ang ngiti nya.

Muntik pa ko mapangiti din.

Pag-angat ko ng mukha, nakatingin si Brian sakin na parang nagmamakaawa.

“O lagyan din kita, parang… wala pala.” Bibiruin ko sana na ‘parang mamamatay’ na si Brian dun pero pinigilan ko sarili ko. Baka masira mood ni Regina. Sayang.

Nakita kong tinikman ni Regina yung adobo.
Napangiti pa ulit sya habang kumakain. Ngayon lang kaya sya nakatikim ng adobo? Sobrang curious talaga ako sa kanya. Gusto ko siyang kulitin ng tanong kaso baka naman mabigla tapos sungitan na nya ko forever.

Konti na lang ang natira. So sakin na lang sana yun pero parang sarap na sarap sa pagkain si Regina. Kaya inalok ko na lang ulit sa kanya. Pwede pa naman ako ipagluto ni Lola. Kakainin ko na lang yung fish na niluto nya. Kahit wala lasa, fish pa rin naman yun.

“Gusto mo pa?” Tanong ko.

Numunguya pa sya nung tinanong ko kaya di sya nakapagsalita pero kinuha nya sakin yung lalagyan.

Nung akala ko ilalagay nya sa plato nya, bigla syang humarap bahagya sakin tapos nilagay nya sa plato ko lahat ng natitira.

Hindi ko talaga inexpect yun kaya napatingin ako sa kanya, ngumiti lang sya sa kin tapos nagpatuloy ng pagkain na parang wala lang.

Regina, anu ba.

…..
 
Maaga ako pumasok sa kwarto dahil wala naman ako gagawin habang andito pa si Brian. Hinayaan ko na lang muna sila magligawan sa sala. Nakaidlip tuloy ako.
Isang katok ang gumising sakin. Pagtingin ko sa orasan, mga 9:30pm. Ang aga pa pala.
Dahan dahan akong tumayo kasi medyo tulog pa ang diwa ko. Sunod sunod naman yung katok.

“Wait laanngg.” Nilakasan ko nang bahagya yung boses ko para marinig.

Nagkukusot pa ako ng mata nang binuksan ko ang pinto.

“Here.”

Si Regina.

Itinapat nya sa mukha ko ang isang paper bag.

Iniabot ko naman ito. Nagtataka kung ano yun.

“I want to give you that last Tuesday pa but I got busy. Thank you for letting me have that room.”

Nagsink in sakin na pinag-uusapan na pala namin yung nangyari nung Monday morning.

Hala, may himala ba. Hindi tuloy ako nakapagsalita.

At tsaka something shifted sa way ng pagtreat nya sakin.

“I know you want it so badly and if I don’t really need it, I would’ve given it to you.”
Lalo ako nalito if totoo ba yung sinabi nya sakin nung nag-aagawan kami sa room.

“So totoo yung ---”

“Still, no questions.”

 “Okay. Sabi ko nga.”

“So there.” Turo nya sa paper bag na hawak ko.

“No no no. Hindi. Okay na Regina. Hindi naman dapat big deal. Medyo oa lang siguro ako. Haha!” Tumawa ako at nakaramdam ako ng awkwardness. Ngayon lang kasi sya naging mahinahon na kausap ako.

“Sorry na din na nasigawan kita. Thank you pala dito, nag-abala ka pa.” Sabi ko.

“Okay. Goodnight Narda.” Sabi nya at ngumiti sya sakin. Nakailang ngiti na for today yan ha.

“Good night.” First time nya din mag-good night sakin. Okay, medyo oa ako, sa buong week, ngayon lang naman kami nagkasabay na andito ng gabi.

Tumalikod sya at dali daling nagtungo sa kwarto nya nang walang lingon lingon.

Di ko na rin masyado maintindihan pa kung ano talaga ugali nya. Minsan sobrang sungit, minsan naman, parang ganyan. Ang soft lang.

Dali daling nilagay ko sa side table yung paper bag at tiningnan ko kung anong laman.

Nakakaexcite. Parang ang tagal nang walang nagbigay ng gift sakin ah. Ano kaya to?

Pagbukas ko..

Hindi ko alam kung mata-touch ba ako or matatawa na lang nang isang maliit na cactus ang bumungad sakin.

Continue Reading

You'll Also Like

30.4K 576 46
OMG! I can't believed that my Bias! Is my True Love!?
7.4K 312 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
1.2K 164 39
SEASON ONE (COMPLETED) _unedited_ Shannel Altha Plython woke up the next day, knowing that her apartments building is surrounded by zombies. Finding...
2.4K 86 19
(Under revision, will continue soon) This is the BOOK 2 OF of STRAIGHT, A tagalog-english story, Chiquita and Cooper the twin of Mr. Panther and Ms...