One Wish And You Came (GSquad...

By SilentRavyn

444K 12.2K 2.6K

COMPLETED Quinn Hash Salvador Isang ABM student at noong Grade 11 siya, nagkagusto siya sa isang lalaking ak... More

Author's Note
Characters Introduction
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 (Finale)
Author's Note

Chapter 1

26.5K 441 68
By SilentRavyn

Quinn's POV

"Hays. Ang ganda ng tanawin." I mumbled habang nakangiting tinitignan ang magandang view sa harapan ko.

Aalisin ko na sana ang tsinelas ko para basain ang paa ko sa dagat ng biglang may bumuhat sa akin.

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!!" Sigaw nila habang natatawa.

"HUYY GAGI IBABA NIYO AKO!" Sigaw ko dahil binuhat lang naman ako nina Kai at Noah at akmang itatapon na sa dagat.

"ANG AGA PA HUWAG NIY-"

"1, 2, 3!" Nag countdown naman si Night at si Averyl habang si Max nag yawn pa halatang ginising ng mga wala kong hiyang kaibigan at si Shyle nasa gilid lang, tahimik na nanunuod sa amin habang nakangiti.

"HUYYY!!" sigaw ko ulit nang matapon na nila ako sa dagat kaya basang basa na ako ngayon.

"Ang sama niyo!" Nagtawanan naman sila at sinamahan na akong maligo.

"GOOD MORNING AT HAPPY BIRTHDAY TO YOU!" Sabay nilang bati.

"Hayaan mo na, Quinn. Siyempre bday mo eh kaya dapat huwag ma stress." Natatawang sabi ni Noah kaya napangiti na lang ako habang naiiling at lumanggoy kasama sila.

Yup, 18th b-day ko ngayon at mixed feelings ako. First birthday ko kasi na may mga taong dumating sa buhay ko at may nawala rin.

....

"Quinn anak, hinahanap ka ng kuya mo." Sabi ni manang Fe, nag-aalaga sa amin ni kuya ngayon dahil bata pa lang si kuya ay siya na ang nagbabantay dito.

"Ah sige po. Saan po siya?"

"Nasa pool area at maligayang kaarawan sa'yo." Nakangiting sabi ni manang Fe.

"Salamat po." Niyakap ko siya at pumunta na sa kinaroroonan ni kuya.

Pagkapunta ko doon ay nakita kong nag-uusap sila ni ate kaya I knocked muna sa may sliding door para makuha ang attention nila.

"My dear sister, come here." Sabi ni kuya kaya naman lumapit ako sa kanila.

"Happy birthday, Quinn." Bati ni kuya at niyakap ako.

"Happy birthday, sweet. How's your morning?" Nakangiting sabi naman ni ate.

And yeah sila iyong sinasabi kong mga dumating sa buhay ko. Ang aking kuya na si David at ang kanyang girlfriend na si ate Jane. Half-Filipina si ate kaya marunong naman itong mag Tagalog.

"Thank you and my morning's great, ate." I smiled at them at niyakap sila ng mahigpit.

"Did you wake up early?"

Tanong ni kuya siguro dahil naka shower na ako tapos 6 am pa.

"Yup, kuya. I also took a shower this early because of my friends." Natatawa kong sagot.

"We saw it." Natatawang sabi naman ni ate.

"By the way, all the preparations for your birthday are all settled so let's eat our breakfast first and we'll go buy an outfit for you later, okay?"

"Yes, ate." Pinatawag ko na ang mga kaibigan ko para kumain kasama namin.

"I'm sure mom and dad's watching us right now and they're always proud of you." Sabi ni kuya kaya ngumiti naman ako.

"I'm also sure of it, kuya, that they're happy because we're together now." Ngumiti naman ito while nodding.

And iyong taong tinutukoy kong nawala, ang nanay ko...nanay namin at si tatay.

Flashback

"Nay, gabi na bakit pa po ba kayo gising?" Mahinahon kong tanong dahil iinom lang naman sana ako ng tubig pero nakita ko si nanay sa sala.

"Hindi makatulog, nak" Pinaupo niya naman ako sa gilid niya at may ibinigay sa akin na box.

"Ano po ito?"

"Minsan ba, Quinn, naisip mo kung magbabago ba ang buhay natin kung kumpleto tayo?" Bigla naman akong napatigil at tumingin kay nanay na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

"Na-naisip ko po iyon. Iyong anong feeling kasama natin si tatay pero masaya naman ako kung anong meron tayo, nay." I smiled kaya ngumiti naman ito.

"Patawarin mo ako, anak. May nilihim ako sa'yo." Ngayon ay pumatak na ang mga luha ni nanay kaya agad ko naman siyang niyakap.

"Nay, bakit po kayo umiiyak? Ano po ba ang nilihim niyo sa akin?" Nag-aalala kong tanong at umalis sa yakap.

"Tignan mo ang isang litrato diyan sa loob." Sumunod naman ako at binuksan ang box.

"Ano..po ito?" May bumungad kasi sa akin na isang litrato ng dalawang tao at sure ako si nanay ito at may kahawak siyang isang batang lalaki. May lalaki naman sa gilid ni nanay at may dala itong bata...ako..ang batang iyon kasi nakita ko na ang mga baby pictures ko dati eh.

"Iyang taong karga ka ay ang tatay mo, anak."

Pagkasabi ni nanay doon ay sumikip ang dibdib ko at tumulo ang mga luha ko.

"At iyang batang hawak ko ay ang kuya mo."

Nabigla naman ako at hindi ko namalayan na nanginginig na pala ako habang pinupunasan ni nanay ang pisngi ko.

"Nay, bakit ngayon niyo lang po sinabi?"

"Dahil ayaw kong madamay ka sa puot ng lola mo."

"Lola?"

"Oo, anak, siya ang dahilan kung bakit nahiwalay kami ng iyong tatay."

"At bakit po?"

"Ayaw niya sa akin para sa tatay mo dahil laking mahirap lang ako samantalang sila, laking mayaman."

Nakaramadam naman ako ng lungkot sa halip na galit dahil napaisip ako sa hirap na dinanas nila nanay noon.

"At si kuya po? Nasaan po siya?"

"Nasa tatay mo siya, anak. Siya ang dinala ng tatay mo dahil gusto ng lola mo na lalaki ang magiging apo niya at ang tagapagmana ng kompanya."

"Patawarin mo ako, anak."

"Pinapatawad po kita, nay. Hindi naman po ako galit." Ngumiti naman si nanay at hinalikan ang noo ko.

"Nay, pwede po ba akong magtanong kung nasaan na sila?"

"Hindi ko alam, anak, pero siguro nandoon sila sa Turkey ngayon."

"Turkey po? Ang layo naman."

Natawa naman si nanay. "Turkish kasi ang tatay mo, anak."

Para naman akong nanigas sa narinig. "Turkish? Ibig sabihin..."

"Half ka, anak. May lahi kayo ng kuya mo."

Luh

"Hin-hindi ko po inexpect iyon." Natawa naman si nanay at ginulo ang buhok ko.

"Basta, anak, huwag kang magtanim ng sama ng loob sa tatay mo, ha? Mahal ka niya at palihim siyang gumastos sa mga pangangailangan natin noon para hindi malaman ng lola mo. Hindi ko lang alam kung bakit hindi na siya nagparamdam."

Nalungkot naman ako habang nakatingin sa family picture namin. Kuhang kuha ko ang kulay ng balat, mata at buhok ni tatay habang si kuya naman ay ang kulay ng balat ni nanay ang nakuha niya at kay tatay na ang iba.

....

"Nay?" Tawag ko dahil hindi ko mahanap si nanay sa loob ng bahay pagkagising ko.

"Nasaan na ba iyon?" I mumbled at lumabas.

"Na-nay!!!" Sigaw ko ng makita ko si nanay na nakahiga na sa may damohan.

"Nay!! Nay!!" Agad ko siyang niyakap at minulat niya ang kanyang mga mata.

"Nay, teka lang po ha. Tatawag ako ng tulong." Nanginginig kong tinawagan ang number ni Kai dahil malapit lang sila dito.

"Kai, tulong hali ka dito kailangan natin dalhin si nanay sa Hospital."

"Ha? Sige sige papunta na." Agad niyang pinatay ang tawag kaya tumingin ako kay nanay.

"Nay, hintay lang po ha paparating na ang tulong." Naiiyak kong sabi at kinuha ni nanay ang kamay kong nanginginig.

"Anak, ma..maging..masaya ka..ha?"

"Nay, ano ba po iyang sinasabi niyo?"

"Pangako?"

"Oo, nay, magiging masaya ako." Naiiyak kong sagot at mas hinigpitan pa ang yakap.

"Tanggapin..mo..sa buhay..mo ang mga....taong...dadating....kahit masakit..." Nanghihinang sabi ni nanay kaya tumango ako.

"Huwag na po kayo magsalita, nay, para may lakas pa kayo." Naiiyak kong sabi at ngumiti naman si nanay habang umiiyak.

"Mahal..kita...anak...ta-tandaan..mo..
iyan..mahal na mahal ko kayo.."

"Mas mahal kita, nay." Naiiyak kong sabi at niyakap siya.

"Quinn?! Hali ka na!" Patakbong sigaw ni Kai at binuhat na si nanay at pumasok na kami sa sasakyan.

....

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Night.

"Hindi..pa pero hindi pa naman ako gutom."

"Here, drink this muna." Sabi ni Max sabay lahad sa bottled water.

Sinabihan kasi namin sila agad kung anong nangyari kaya agad silang pumunta rito sa hospital.

"Magiging okay din si nanay." Mahinahong sabi ni Night kaya naiyak na naman ako at niyakap siya.

"Shhh tahan na."

"Natatakot ako..." Nanginginig kong sabi kaya mas niyakap ako ng mahigpit ni Night at sumali na rin sila Max at Kai.

"Excuse me?" Kumawala naman ako sa yakap at tumingin sa doctor na kakalabas pa lang.

"Doc, kamusta na po iyong nanay ko?"

"I'm sorry to say this pero..wala na siya." Pagkarinig ko sa mga salitang iyon, biglang bumigat ang nararamdaman ko.

"Doc, si-sigurado po ba kayo?" Nanginginig na tanong ni Night.

"Yes.. I'm sorry."

"Nay..." I mumbled while crying.

"Can we enter already?" Tanong ni Max habang niyayakap ako.

"Pwede na. If you'll excuse me."

"Hali ka na." Mahinahong sabi ni Kai at inalalayan ako papunta sa loob habang umiiyak.

Pagkapasok ko, nakita ko si nanay na nakapikit.

"NAY!!!" sigaw ko habang umiiyak at niyakap siya.

"Nayyy!! Bakit niyo ako iniwan?" I hugged her tightly.

Lumuhod ako at covered my face while crying. Humahagulhol ako kaya mas niyakap ako ni Max.

"Quinn, I-" Hindi ko na pinatapos si Kai sa sasabihin niya.

"Pwede bang..i-iwan niyo muna ako?" Mahinahon kong tanong sa kanila.

Hinalikan ni Max ang ulo ko at niyakap naman ako nila Night at Kai bago lumabas.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala lang nakatingin sa katawan ni nanay. Hindi ko pa rin kasi tanggap na wala na siya...wala na ang taong pinakamamahal ko. 

Nilakasan ko na lang ang loob kong tumayo at naglakad patungo sa kanya habang umiiyak.

"Nay naman eh..." Hinawakan ko ang mukha niya at ngumiti ng bahagya.

"Pasensiya ka na, nay. Hindi ko pa kayo nadala sa mga lugar na gusto niyong puntahan. Pasensiya na po kayo kung nagkulang ako bilang anak. Kung wala ako sa mga araw na kailangan niyo ako..." Naiiyak kong sabi.

Hinalikan ko ang noo niya at pumikit.

"Mahal na mahal kita, nay. Ngayon, wala ng sakit...malaya ka na, nay." nakangiti kong sabi habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Pangako...tutuparin ko lahat..ng mga pangarap natin sa buhay. Paalam, nay." I hugged her one last time before going out.

....

Kakatapos lang ng libing namin kay nanay kaya sinamahan muna ako nila sa bahay ngayon. Dito na rin muna sila matutulog para hindi naman ako mag-isa. Mamaya pa raw iyon sina Averyl, Shyle Margarette pupunta.

"Alagaan niyo iyan ha? Baka hindi kakain o ano."

"Oo naman. Bumalik ka na rito agad." Sabi ni Kai kay Noah na nasa call ngayon kasi nasa business meeting pa siya with his dad sa Australia.

"Oo na. Magdadala ako ng pasalubong para mabawasan naman ang lungkot ni Quinn. Quinn, stay strong ha?"

Tumango naman ako at ngumiti ng tipid.

"Sige paalam na." Nagpaalam naman kami at umupo na si Kai kasama namin dito sa labas.

"I'm sure hindi gusto ni nanay na iwan ka, Quinn. Sadyang panahon at oras na niya." Mahinahong sabi ni Night.

"Mukhang ganoon na nga...hindi ko na alam anong gagawin ko eh." Nalulungkot kong sabi.

"Alam naming mahirap pero kailangan mong tuparin ang mga pangarap niyo kaya iyan ang focus mo ngayon." Sabi naman ni Kai at ginulo ang buhok ko.

"Salamat sa inyo ah."

"We'll always be here for you." Sabi ni Max kaya niyakap ko naman silang tatlo.

"Excuse me?" Tumingin naman kami sa lalaking nagsalita sa labas ng bahay.

"Yes? Do you need anything?" Tanong ni Max.

"May I know...if Quinn's here or if you know Quinn?" Kumunot naman ang noo ko at inayos ang suot ko bago tumayo.

"A-ako po iyon. Sino po kayo?" tanong ko at lumapit ng kaunti sa kanya.

Nakita ko kung paano nag soft ang tingin niya sa akin at kung paano bigla siyang lumuha sa harapan namin.

"Quinn...my..sister."

Nabigla naman kami sa sinabi niya at lumapit ito sa akin habang umiiyak.

"Ano...po ang pinagsasabi niyo.."

"I'm your brother..finally, I saw you again." Niyakap niya ako na nagpabigla sa akin at hihilahin na sana siya ni Kai pero pinigilan ko ito.

"Dad and I looked everywhere for you and mom, but we didn't find any traces of you two.. until...mom contacted our uncle and that's how I knew where you are."

He broke the hug. "Pwede bang iwan niyo muna kami?" Tumango naman sila Night sa sinabi ko at pumasok muna sila sa bahay.

"So..alam niyo na po..ang nangyari kay nanay?"

Nag nod naman siya at bumuntong hininga. "As soon as we met, she told me everything about her sickness and that her life is..."

"Hindi na po siya tatagal?" Naiiyak kong tanong.

"Yes..she did everything to find me and dad for you not to feel lonely and alone...I was so happy to see her again but..mom..died...before I get to..talk more and hang out with her more.. with you two.." Naluluha niyang sabi.

Kaya pala sinabi sa akin ni nanay lahat bago siya..mawala..

"I'm sorry..if I didn't find you two sooner.."

"Ang importante po..na meet ko na po kayo..kuya..."

Ngumiti naman ito kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"Nasaan po..si tatay?"

I broke the hug at tumingin sa kanya dahil natahimik ito bigla.

"Dad..dad's gone..." Para namang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig.

"Kai-kailan at paano?" Naiiyak kong tanong.

"He died because of car crash..11 years ago.."

Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi nagparamdam si tatay nuon.

"Nasabi niyo po ba kay nanay?"

"I did." Tumango naman ako slowly.

"Magkasama na sila ngayon." Bahagya naman akong ngumiti same rin kay kuya.

"And their kids are together now as well. I'm sure they're happy looking at us, Quinn."

"Thank you, kuya."

Ngumiti naman si kuya at nag-usap naman kami sa mga hindi ko pa alam sa buhay niya at mga nangyari sa amin ni nanay dito.

End of flashback

Kaya simula nang dumating si kuya sa buhay ko, gumaan ang buhay ko. Pinatigil niya ako sa pagtatrabaho as part timer para maka focus sa pag-aaral. Doon na rin ako nakatira sa mansion kasama nila ni ate. Ang swerte ko talaga dahil ang babait nila pati na rin si uncle at ang pamilya ni ate.

Nabanggit din ni kuya na kami ang may-ari sa restaurant na nakita ni Night noon kasi chef pala si tatay habang si kuya naman ang nagmamanage sa kompanya namin sa Turkey ngayon at ang girlfriend naman ni kuya na si ate Jane ay chef din. Grabeh ang liit talaga ng mundo.

Pagdating naman sa apelyedo ko, sinabihan ko na lang si kuya na hindi ko muna iyon babaguhin at dadalhin ko pa rin ang apelyedo ni nanay at naintindihan naman ni kuya at sabi niyang kung sakaling magbago na ang isip ko ay sabihan ko lang siya.

Nandito rin pala kami sa Siargao para dito ko gaganapin ang 18th birthday ko. Pinili ko na lang na hindi masyadong grande kahit gusto nila kuya kasi hindi rin naman ako mahilig sa mga ganoon eh.

Sana magtuloy-tuloy na itong kasiyahan sa buhay ko kasi wala namang kulang na eh.

Paano naman ang love life mo? Tanong ng isip ko kaya napailing na lang ako.

Continue Reading

You'll Also Like

43.5M 1.5M 41
|| Highest Rank - #1 in Teen Fiction and #5 in Romance || Melody Carson has been in the same class as Tyson McCannon since primary school. She's wat...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
891K 30.5K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
33.4K 1.2K 20
[ A story of Lydia Pierce Martinez. ] Two people who have opposite beliefs crash, and begin to play as pawns at the first match. The battle between b...