The Castillo Series: Bluer Th...

By CKyoungbae

77 4 0

Paano kung biglang bumalik ang greatest what if mo? Handa ka bang sumugal ulit sa kaniya or handa kang mag-ma... More

Unang Kabata
Pangalawang Kabanata

PROLOGUE

51 2 0
By CKyoungbae

PROLOGUE

Blue's Point of View

"Boys, may bago tayong kasambahay. Apo siya ni Aling Maria and if I'm not mistaken, she's somewhat your age, Blue." Saad ni mommy habang naka-tingin ito sa akin.

Andito kami ngayon sa salas and mom gathered us all here just to announce that we have a new housemaid.

"Oh, okay. Is she pretty?" Pabirong tanong ko kay Mommy. She squinted her eyes on me as if I asked something nasty. "Yes, but don't you ever lay a single finger on her Blue. Kung hindi talagang matataga ni Aling Maria 'yang kamay mo and I don't want that to happen." Banta ni Mommy sa akin dahilan upang magsipag-tawanan naman ang mga kapatid ko.

I raised my two arms as a sign of surrender. "I'm just joking, mom. Takot ko lang kay Aling Maria and of course sa'yo." I said, grinning. Napa-iling naman si Mommy sa akin. Gagani-ganito lang ako pero good boy 'to noh.

Talagang nagbibiro lang ako when I asked mom if our new housemaid is pretty. Na-curious lang ako dahil ka-edad ko ang bago naming kasambahay. I started wondering if we will be close. Ngayon na lang ulit kasi kami nagkaroon ng kasambahay na kasing-edad namin and of course, gusto namin siya maka-close. We never treated our housemaids like others you know. We treat them like they are also part of our family.

"So, tomorrow is her first day here and boys, be nice to her okay? Lalo ka na Blue!" At tinuro ako ni Mommy habang may pagbabanta sa kaniyang mukha. Rinig ko naman ang mahinang pag-tawa ni Red sa tabi ko.

Teka bakit ako? Ganoon ba ako ka-bad boy sa paningin ni mommy? Tsk! Good boy ata 'to!

"Why me, mom?" Gulat kong tanong kay mommy. "Baka daw kasi gawan mo ng kalokohan 'yong apo ni Aling Maria eh." Natatawang bulong ni Red sa akin. Siniko ko naman ito ng pabiro. Tsk! Takot ko lang kay Aling Maria noh!

Ang scary kaya ni Aling Maria kapag galit. Naalala ko no'ng mga bata kami, nag-kulit kami sa kusina, ayon pinagalitan kami at takot na takot kami sa kaniya that time dahil parang any minute isasahog niya kami sa lutuin niya.

Matagal na si Aling Maria sa amin and damned! She's mom's favorite dahil tanging si Aling Maria lang at nakapagpa-disiplina sa amin no'ng mga bata pa kami. Hanggang ngayon malaki ang takot namin kay Aling Maria but we all love her so much.

Kaya hindi ko gagawan ng kalokohan ang apo niya. Takot ko lang maging panahog. Lol!

"I know you Blue Matthew Castillo! Aria is very pretty and she's the same age as you. She's kind and very sweet. Favorite apo ni Aling Maria 'yon kaya naman umayos ka." Saad ni mommy sa akin. I tsked. Oh c'mon! I'm not a playboy para bilinan ako ni mommy ng gano'n.

Oo maloko ako sa babae. But I know my limits. Hindi ako gagawa ng bagay na alam kong ikakasakit ng mga tao sa paligid ko. And I love Aling Maria so much. I respect her kaya naman no need to worry because her grand daughter will be an exception sa mga kalokohan ko.

Atsaka kahit ilang babae pa ang iharap niyo sa akin, mananatili sa iisang babae ang puso ko. Kahit walang taon ko na siyang hindi nakikita, she's still the holder of my heart and no one, as in no one can ever replace Frances Nicole Mendoza.

My first and greatest love.

Tumango na lang ako sa bilin ni mommy sa akin. I don't want to argue further with her. Alam kong hindi ako mananalo sa nanay ko.

After kami i-informed ni Mommy ay umalis na din ito at umakyat sa kwarto nila ni daddy. Kami namang magka-kapatid ay naiwan sa salas.

"Okay! May bago tayong makakasama sa bahay at hindi lang basta-basta makakasama, apo siya ni Aling Maria at kasing-edad mo Blue." Pahayag ni Red. Hindi naman ako sumagot. Honestly? I really don't care.

"We have to be extra careful with our actions so that we will not make her uncomfortable. Especially, you Blue." Saad ni Kuya Thadeus at walang emosyon na tumingin ito sa akin.

I poker-faced. Talagang laging ako ah. Ano bang tingin nila sa akin? Sobrang maloko? Tsk.

"Why is it me again?" I asked, frowning. "Because it is always you who does shitty things and loves fooling around here." Prangkang sagot ni Kuya Thadeus sa akin. Napahagalpak naman ng tawa si Red habang ako naman ay napa-simangot.

Okay fine! Inaamin kong ako talaga ang pinaka-maloko sa aming magkakapatid. But hey! Good boy naman ako kapag may ibang tao. I don't want to make someone feel uncomfortable with my presence as well as with my actions. Tsk.

"Whatever." Sagot ko and I rolled my eyeballs at him. Napa-iling si Kuya at hindi na ito sumagot pa. Bagkus ay kinuha na lamang nito ang librong hilig niyang basahin. "Be a good boy starting today." Pang-aalaska naman ni Red sa akin sabay tayo at tapik sa balikat ko. Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Gago. Umalis ka na nga kung aalis ka." Asik ko sa kaniya na ikinatawa naman niya.

Tsk! Ako talaga ang binilinan nila sa pag-dating ng bago naming kasambahay. As if naman gagawan ko 'yon ng kalokohan. Sa totoo lang, wala naman akong pakielam sa magiging bago naming kasambahay.

Dahil katulad nga ng sinabi ko, na kay Frances Nicole lang ang buong atensyon ko kahit walong taon na kaming hindi nagkikita.

Call me stupid or what, pero umaasa pa din akong balang-araw babalikan niya ako at muli kaming magkakasama.

Kaya walang dapat ipag-alala ang mga tao dito sa bahay dahil hindi naman ako magkakagusto sa apo ni Aling Maria.

Pero iyon ang buong akala ko...

...

Pababa pa lang ako ng hagdan at pupungas-pungas pa ng makarinig ako ng mga ingay mula sa ibaba.

Umagang-umaga ngunit rinig na rinig ang boses ni mommy sa buong kabahayan. Tuwang-tuwa ang boses nito at halatang maligayang-maligaya sa hindi ko malaman na dahilan.

"What's the commotion all about?" I said in my bedroom voice. Bahagya pang naka-pikit ang mga mata ko at wala pa ako sa sarili nang maka-baba ako sa lobby ng bahay namin.

I'm still in my jammies and still have my bed hair.

"Blue anak, I want you to meet Aling Maria's grand daughter. Aria, this is Blue, and Blue this is Aria." Rinig kong pahayag ni Mommy sa akin. Hindi ko naman napigilan mapa-hikab dahil antok pa ako.

"Hello po sir. Ako po si Aria Amethyst Aragon, apo ni Aling Maria at ang bago niyo pong kasambahay. Happy to be of help, sir." Rinig kong saad ng isang babae sa malumanay na boses. Dumating na pala 'yong apo ni Aling Maria. Ang aga naman nito dumating. Akala ko mamayang hapon pa ang dating nito.

I widened my eyes to see Aling Maria's grand daughter clearly. Ngunit tila ba nawala ang antok ko nang makita ko nang malinaw ang mukha ng apo ni Aling Maria.

Naka-tayo sa harapan ko ang isang babaeng may kaliitan ang katangkaran, kayumanggi ang kutis nito at hanggang bewang ang itim na itim nitong buhok, petite ang katawan na binagayan ng maliit nitong mukha, matangos at maliit ang hulma ng ilong na bumagay din sa awra ng mukha nito, may mapupula at maninipis na mga labi, at halos mapa-singhap ako nang makita ko ang mga kulay lilac at mapupungay nitong mga mata.

Mom was not kidding when she said that Aling Maria's granddaughter is pretty. Because she really is. Her beauty is breathtaking.

She's like a porcelain doll and damn. Her eyes are very enchanting. It's divine. Never in my life have I seen someone who has the same color as her eyes. Her violet eyes were charming.

"Sir Blue?" I gained back consciousness when I heard Aria's voice. Why is her voice also pleasant to the ears? She's soft-spoken and her voice is somewhat comforting.

The way she says my name, makes me shiver, but in a damn good way.

I creased my forehead upon looking at Aria's innocent face. What's with this woman and why does she seem perfect? Is she widely awake when God rains perfection?

"Baka matunaw." Rinig kong bulong ni Red na hindi ko namalayang na nasa tabi ko na rin pala. Kagigising lang nito pero hindi siya kasing apektado ko. Parang hindi nga siya nagulat sa pag-dating ni Aria. He's in his usual and normal self. Parang hindi siya apektado sa gandang taglay ni Aria.

Hindi ba siya affected sa ganda ng apo ni Aling Maria?

"Hi Aria, I'm Red. Nice to meet you." Naka-ngiti at walang hiya-hiya na pakilala ni Red sa sarili niya.

Natigilan naman akong muli nang biglang ngumiti si Aria dito at tangina lang. Bakit biglang pumintig ng malakas ang puso ko?

She has the perfect smile! She has that kind of smile that could really light up this whole town.

"Hey, I'm Thadeus. Fancy meeting you." Walang emosyon na pakilala ni Thadeus dito. Tumango naman si Aria.

Napa-tingin ako sa dalawa kong kapatid na para bang hindi sila affected sa kagandahan ni Aria. Shit lang! Bakit parang ako lang ata ang affected dito? Hindi ba talaga sila tinatablan ng ganda ni Aria?

"Someone got his heart shot by Cupid's arrow here." Saad ni Red at pasipol-sipol itong pumasok sa kusina.

Napa-maang naman si Aria habang ako naman ay napa-iwas ng tingin. I looked at mom and I saw her grinning at me. As if there's some playful thought running through her mind.

"Okay tama na 'yang introduction na 'yan and let's eat breakfast. Halika na Aria hija, mukhang tama si Red. Mukhang may tinamaan nga dito." Saad ni Mommy at pabiro itong tumawa habang akay-akay nito si Aria sa balikat. Bakas sa maganda nitong mukha ang pagtataka sa mga sinabi ni mommy at ni Red.

"Pick-up your self anak, you're losing your composure in front of her." Tatawa-tawang pahayag ni daddy sa akin sabay tapik sa balikat ko. Sumunod na rin ito kela mommy sa kusina habang ako na lang mag-isa ang naiwang naka-tayo dito sa lobby.

Nang mawala ang lahat ay doon lamang ako nabalik sa aking katinuan. Napa-pikit ako at inis na ginulo ko ang aking buhok.

"Urg!" I groan. Did I really just lose myself in front of her? But goddamn who wouldn't? When an angel is standing in front of you with those innocent faces and violet eyes.

Muling bumalik sa memorya ko ang mukha ni Aria Amethyst Aragon. I'm doom. I'm really doomed.

Why do I have this fucking feeling that she will make my world turn upside-down?  I feel like starting today, everything will change.

God, are you testing my faithfulness to Frances Nicole? Because if yes, then it's working. What's with you, Aria Amethyst Aragon, and why are you making me feel this way?

°°°
Hello! Welcome sa aking new story. Ito po ang start ng The Castillo Series since tapos na ako sa kambal ng Middleton's. Kung hindi niyo pa nababasa ang kwento ng kambal na anak ni Ashton at Nisha, punta lang ho kayo sa aking Dreame Account: @CKyoungbae and search for Apocalypse's Baby for Ciel's story and A Beautiful Mess for Belle's story.

Sana'y suportahan niyo itong una kong series, Bluer Than Blue, ang story ni Blue Matthew Castillo, kagaya ng pag-suporta niyo sa iba kong stories.

Salamat at God bless everyone! Stay safe always! ❤️❤️

Continue Reading

You'll Also Like

255K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
150K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
137K 5.7K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
76.6K 3.6K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...