Sweet Vittoria Reigns

By solaceinstellar

250 65 0

The day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil. More

PANIMULA
KABANATA - 1
KABANATA - 2
KABANATA - 3
KABANATA - 4
KABANATA - 5
KABANATA - 6
KABANATA - 7
KABANATA - 8
KABANATA - 9
KABANATA - 10
KABANATA - 11
KABANATA - 12
KABANATA - 13
KABANATA - 14
KABANATA - 15
KABANATA - 16
KABANATA - 17
KABANATA - 18
KABANATA - 19
KABANATA - 20
KABANATA - 21
KABANATA - 22
KABANATA - 23
KABANATA - 24
KABANATA - 25
KABANATA - 26
KABANATA - 27
KABANATA - 28
KABANATA - 29
KABANATA - 30
KABANATA - 31
KABANATA - 32
KABANATA - 33
KABANATA - 34
KABANATA - 35
KABANATA - 36
KABANATA - 37
KABANATA - 39

KABANATA - 38

2 2 0
By solaceinstellar

"Kung magsasagawa ng interview sayo ang kapulisan... o kung sino mang autoridad n amang-uusisa, always give this as your alibi," usal ni Atty. Solano.

Sing puti ng gatas at makinis ang balat ni Atty. Sylvia Solano. Balengkinita ang katawan at may kasingkitan ang mga mata. Pulido ang bawat galaw at mahigpit na nakatali ang buhok. Hula ko ay mga nasa edad lang ito ni Lucas.

May isang matandang babae at lalaki pa siyang kasama na ngayon ay kinakausap ni Lucas sa sulok ng opisina niya. Seryoso lang si Lucas na nakikinig sa mga sinasabi ng mga ito habang hawak ang pandak na baso na may lamang alak. Nilingon niya ako bago sumimsim sa inumin.

Binalik ko ang tingin kay Atty. Solano na kausap ko. Nakaupo kami sa sofa sa harap ng study table ni Lucas.

Na-brief niya na ako sa mga dapat kong sabihin at isagot. Fake it until you make it ang sabi niya sa akin. Dapat ay consistent ang isasagot ko para kapani-paniwala at matibay ang pundasyon.

"Repeat your alibi," utos ni Atty. Solano.

Humugot ako ng malalim na hininga. "Um-absent ako sa part-time ko dahil napagkasunduan namin ni Macey na sumama sa party nila Ronald." Ang mga sasabihin ko ay halos katotohanan naman lahat. May mga iniba at dinagdag lang kaming impormasyon.

"Nauna na si Macey sa pad nila Ronald. Dumating ako doon at agad hinanap si Macey. Bigla kaming nagkasagutan ni Ronald, pisikal niya akong sinaktan at kinaladkad sa isang kwarto. Doon ko nakita si Macey na nakahiga sa kama at walang malay, may damit pa siya—"

"Don't give this kind of small details unless you were asked to," paalala niya. "Mapaghahalataan na kabisa at scripted and alibi mo. Go on," tango niya.

"N-nakita ko si Macey sa kama na walang malay. Sinubukan akong gahasain ni Ronald pero nanlaban ako. Nabugbog niya ako dahil sa pilit kong panlalaban hanggang sa masakal niya ako..." Napalunok ako. Nadama ko ang paglapit ni Lucas sa likod ng inuupuan ko.

"Nandilim ang paningin ko hanggang muntik na akong mawalan ng malay. Mabuti nalang at dumating si Lucas. H-he shot Ronald on legs." Humugot ako ng malalim na hininga. Sa parteng ito na ako magsisinungaling. "Si Lucas... na b-boyfriend ko at nagdala sa akin sa Hospital ay bumalik sa condo. Sinabi ko ang tungkol kay Macey kaya bumalik siya para i-check ang kaibigan ko," tumikhim ako. Gusto kong lingunin si Lucas pero pinigilan ko. Hindi ko siya inutusan. Siya mismo ang bumalik at hindi dahil kay Macey. But with the pure intention of beating the shit out of Ronald and his friends.

Atleast my alibi would look like Lucas doesn't have the intention of inflicting more damage to Ronald and his group. Pinapalabas na nandilim lang ang paningin niya noong bumalik. Not intentional but maybe a crime of passion.

Tumango si Atty. Solano. Sa mukha ay kontento siya sa sagot ko. "Sa ngayon, habang hindi pa tayo pinag-iinitan ng pamilya Villfuerte, ito lang muna ang dapat na'ting gawin." Tiningala ni Atty. Solano si Lucas.

"Walang kahit anong ebidensya ang magtuturo na may ginawang masama si Vittoria o may halong kasinungaling ang alibi mo," kalmadong sabat ni Atty. Delgado, ang matandang lalaking abogado na tinutukoy ni Lucas na family lawyer nila noon pa man. "You two are safe. But in case any of you is detained in prison, wag na wag kayong magsalita hanggang hindi kami dumadating." Sa akin siya naka-sentro. Alam na ni Lucas ang mga gagawin sa mga ganitong sitwasyon kaya hindi na siya kailangan paalalahanan.

I w0nder what those cases are about.

Tumango ako.

Sandali pa silang nag-usap na apat. Wala ako masyadong maintindihan dahil puro technicalities at hindi pamilyar na english words ang sinasabi nila.

Tinitigan ko si Sylvia na nakatuon ang mga mata kay Lucas na nakikinig kay Atty. Cyra. Nag-iwas ako ng tingin. Mamaya pa ay nakipag-kamay sila sa akin at nagpalitan ng ngiti para magpaalam.

"I'm also leaving. My security personnel are guarding you so you're safe here," tahimik na saad ni Lucas ng kami na lang dalawa sa silid. Malamig ang mga mata niya at blangko ang ekspresyon.

Mas inuna ko siyang minahal pero sa lahat ng ginawa at ginagawa niya para sa akin... pakiramdam ko mas grabe ang nararamdaman niya.

Tumango lang ulit ako. "Mag-ingat ka," sabi ko sa maliit na boses.

"Just the heads-up Vittoria, aamin ako na ginulpi namin ng mga tauhan ko sila Ronald,"

Bumuka ang bunganga ko pero pinutol niya agad ako.

"May witnesses na. May malay ang grupo nila Ronald ng ginulpi namin sila kaya kung magsisinungaling ako, mahirap iyong lusutan at mas lalo lang gugulo. The best solution right now is to tell the truth,"

"Pero gagamitin lang nila iyon para mas lalo kang idiin!"

"Then good. Great. Just what I want. Gagamitin din natin iyon para idiin siya sa multiple case of rape and assualt," seryoso niyang ani.

I looked away. I want the justice alright, but how has thing escalate so fast that he's the one fighting now in the frontline?

"At wag mong sasabihin na aksaya lang ito ng oras, atensyon at pera ko. That this is not my battle to fight. Na labas na ako dito. Don Lucciano and my father didn't raise me to turn a blind eye when someonce cries for help." Tinalikuran niya ako at ramdam ko ang lamig at unti-unting paglayo ng loob niya sa akin. Kasabay ng pagsara ng pinto ay ang pagpahid ko sa pisngi ng luhang pumatak.

Buong araw ay inabala ko ang sarili sa mga lahat ng school works ko. Pagsapit ng gabi, sobrang pagod man ay magaan ang pakiramdam at natuwa dahil tapos ko na halos lahat ang mga activities at projects. Ipapasa na lang at mag-review para sa darating na prelim exam.

Nagluto ako para sa amin dalawa ni Lucas ng hapunan. Hindi ko alam kung anong oras siya uuwi. O uuwi pa ba talaga siya.

Binalewala ko ang bigat ng loob at biglang panghihina sa pag-iisip na magkasama sila ni Sylvia. O ng kung sinong babae pampawi sa mga pangangailangan na hindi ko mapunan.

Nawalan ako ng gana sa hapag-kainan, tuloy ay konti lang ang nakain. Pagkatapos hugasan ang pinagkainan ay tinapos ko ang natitirang mga project at nag-highlight din ng notes para alam na ang mga i-da-digest na mga lessons.

Hating-gabi ako natapos. Nag-half-bath lang ako at hindi na binasa ang buhok. Nanghiram ako ng damit ni Lucas ng biglang bumukas ang pinto sa kwarto.

Napatalon ako at bumikig ang gustong pagsigaw sa lalamunan. Nanginginig ang mga kamay kong napakapit sa pader. Pakiramdam ko matutumba ako. Hindi ako makahinga ng maaayos at ang gusto ko lang gawin ay ang tumakbo palayo.

Nanlamig ang buo kong katawan at maluha-luha sa takot na naramdaman. Ilang segundo na walang kumakalampag sa pinto ng closet ay doon lang ako guminhawa ng konti.

Sa yapak ng paa alam kong si Lucas iyon. Mabilis kong kinalma ang sarili. Naka-lock naman ang closet kaya hindi niya ako makikita sa ganitong kalagayan.

Sinandig ko ang sarili sa glass cabinet at humugot ng sunod-sunod na malalalim na paghinga habang mariin na nakapikit.

Is this how trauma works?

Dali-dali akong nagbihis ng damit at lumabas ng pinto. Lucas was across the room, may kinukuha siya sa bookshelf. Ang malapad at banat sa muscles niyang likod, balikat at mga braso ay bakat sa itim na button-down shirt niya.

Kinuha niya ang isang libro at binasa ng sandali bago sinara ulit. Humarap siya at tumaas ang tingin niya sa akin. Kinuha niya ang baso ng alak, na hindi ko nakita, sa mesa.

"I'll be on my office,"

Bumuntong-hininga ako ng mabilis siyang lumabas sa kwarto bitbit ang libro at inumin. Tumiim ang mga labi ko.

Dapat ginagamit ko ang pag-iwas niya sa akin para makapag-isip ng tungkol sa aming dalawa, eh.

Sinundan siya ng mga paa ko. Hindi na ako kumatok at binuksan ang pinto ng opisina. Umiigting ang panga niya na kinakalas ang butones ng damit. Napahinto lang ng sinara ko ang pinto sa likod.

"Lucas—"

"Come here," putol na utos niya.

Napalunok ako at dahan-dahan na humakbang palapit. Isinandig niya ang kanyang pang-upo sa edge ng mesa. Binuka niya ang mga malalaking hita at tinapik ito.

Marahas akong lumunok bago tumayo sa gitna ng kanyang mga hita. Ilang dangkal na lang ang layo ng mukha namin. Parehong palipat-lipat ang mga mata namin sa isa't-isa hanggang bumagsak ang kanya sa labi ko.

Amoy ko ang alak at mamahalin niyang pabango. Mas lalo lang binigyang diin kung gaano siya katindi bilang lalaki.

He smells whiskey, money and bad decisions.

The kind I should be avoiding.

And yet here I am.

Gumapang ang kamay niya sa pisngi ko at marahang nilaro ng kanyang hinalalaki ang ibabang labi ko. "Kiss me," namamaos niyang utos.

Wala pa akong buong desisyon. Kung papakawalan ko ba siya, titiisin na magpatuloy siyang hindi ako kasama at tatanggapin ang posibilidad na siya na ang habang-buhay na mag-mamay-ari ng puso ko... O ipaglalaban ito kahit na sarili ko mismong buhay hindi ko magawang maaayos at wala pa akong napapatunayan sa sarili.

"Kiss me," ulit niya. Pumasailalim ang malapad, magaspang at maiinit niyang mga palad sa damit ko.

Umawang ang labi ko at lumalim ang mga paghinga. Nanlabo ang mga iniisip at ang tanging haplos niya na lang ang tumatatak sa utak ko ngayon.

His touch and the dark hunger in his eyes made me stupid all over again.

Hinawakan ko ang panga niya at dahan-dahang sinipsip ang ibabang labi. He growled. His fingers thread through my hair and gripped it as he angled my lips according to what pleases.

Kinalas ko ang sinturon ng pantalon niya at natigil ng may naalala. Matalim niyang kinagat ang labi ko ng pilit ko itong inilalayo. I hissed and tugged his hair as a response.

"Feisty," he smirked like a devil incarnate.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Marahas kaming humihinga sa isa't-isa. "Saan ka nanggaling?" tanong ko.

"Club,"

Kumarap ako. "Anong ginawa mo doon?"

Kumurap din siya. Mas lalong nalalasing ang mga mata. "My kinita lang,"

"Sino?"

Naloloko siyang ngumisi sa naiirita kong ekspresyon. "Why do you care?"

"At bakit hindi?" angil ko. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Mahal din kita Lucas—"

Umigting ang panga niya at umiwas sa akin ng tingin. Hinawakan ko ang kanyang mukha at pinaharap sa akin. "Bakit, Lucas?" malamya kong tanong kasabay ng malamyos kong paghaplos sa kanyang panga, pababa sa leeg at nilapat ang palad sa mainit nitong dibdib. "Ikaw lang ba ang may karapatang magselos? Ikaw lang ang pwedeng magalit pag may ibang taong dumidiskarte o gustong umagaw sa pag-aari mo?"

Kumislap ang mata niya sa mga sinabi ko. And that night led to another intense and long sex. Wild too, because it was full of frustrations and anger.

Kinabukasan ay maaga pa akong nagising. Niligpit ko ang mga gamit na dadalhin ko pabalik sa boarding house. Nagtitimpla ako ng kape ng pumasok si Lucas sa kusina, tanging sweatpants lang ang suot.

Kita ko ang kaginhawaan sa ekspresyon niya ng makita ako. Sumikip ang dibdib ko sa lumukob sa akin. Tingin niya ba iniwan ko na naman siya ulit habang tulog?

Pinagpatuloy ko ang ginagawa hanggang nasa gilid ko na siya nakatayo. Hinawakan niya ang baba ko at akmang hahalik ng iniwas ko ang labi. "Hindi pa ako nakapag-toothbrush,"

Marahas niyang inalsa ulit ang baba ko at mariin akong hinalikan.

Okay, fine.

"You taste divine," ngiti niya.

Umikot ang mata ko. "Good morning din Lucas,"

Malalim siyang humalakhak. Tinago ko ang ngiti sa pag-simsim sa kape.

Nagpadeliver nalang siya ng breakfast namin at doon kami kumain sa living room. Nakita niya ang naka-impake kong kaonting gamit. Biglang naging blangko ang ekspresyon nito.

Nagtama ang mata namin habang nakatayo ako sa hamba ng pinto.

"Anong oras ka aalis?" malamig niyang tanong.

Kinagat ko ang ibabang labi. "Maya-maya. Matapos kong maligo,"

Tumango siya at nilampasan ako ng lumabas sa kwarto. Naligo ako at nanghiram ulit ng damit niya. Idinagdag ko ang jacket dahil bumabakat ang nipple ko kasi wala naman akong bra na suot.

Lumabas ako ng kwarto dala ang isang bag kung saan ang mga gamit ko na kinuha ko din mula sa walk-in closet ni Lucas. Nakasuot na siya ng itim na T-shirt ng madatnan sa living room na may katawagan. Mabilis niya iyong binaba ng makita ako.

Kinuha niya ang bag na bitbit mula sa akin. "Come on." Pinaglingkis niya ang mga daliri namin. "Your class will start in an hour and a half,"

Napahinto ako. "Paano mo nalaman..."

Tinitigan niya lang ako na parang may tumutubong sungay sa noo ko.

Iritado akong bumuntong-hininga. "Syempre alam mo," sabi ko sa sarili. Bakit pa nga ba ako nagugulat?

Lumabas kami ng unit niya sabay sinukbit sa ulo ko ang hood ng jacket.

Tiningala ko siya. "Ano pang nalalaman mo tungkol sa akin Lucas?"

He looked down at me for a few seconds. "Everything," bulong niya. "Does that bother you?"

Hindi ako sumagot. It doesn't bother me. Ayaw ko lang magbitiw ng salita na lalo lang magpapabaon sa nararamdaman niya sa akin.

Hangga't wala pa akong kongkretong desisyon, pipilitin kong manatili sa gitna. Magiging mahirap pero susubukan ko.

Tahimik kaming bumaba ng building. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at lumarga na kami pagkatapos. Pati sa biyahe ay tahimik kaming dalawa. Pagbaba at paghatid niya sa akin sa mismong tapat ng boarding house ay wala pa rin siyang imik.

Nakamasid sina Auntie Sally sa amin na kinawayan ko lang at nginitian. Kilala niya na naman si Lucas dahil pinakilala ko noong pinakuha ko ng gamit dito.

Hindi ko binuksan ang pinto at hinarap siya. Mariin siyang nakamasid sa akin. Inilapag niya ang bag sa sahig.

"Lucas..." Pinaglaruan ko ang mga daliri. "Salamat sa lahat. Sobrang laki ng utang na loob ko sayo." Sana ay matunugan niya ang sinseridad sa boses ko. Kung hindi siya dumating, isa siguro ako sa mga nabiktima nila Ronald. I'm another statistic of rape. Kung wala siya, sira na naman ang buhay ko.

"Won't you invite me inside?" tanging sagot niya.

"Alam mong hindi magandang desisyon iyan,"

"Why?" bulong niya.

"Alam mo kung bakit Lucas," mariing kong saad. "Mag-ingat ka pauwi." Pinatakan ko siya ng magaan na halik sa panga. "I love you."

Pagkalabas ng mga salitang iyon ay agad kong pinagsisihan. Kasasabi ko lang sa sarili na hindi dapat siya bigyan ng mixed signals pero heto ako at sobrang rupok.

Dama ko sa palad ang pag-igting ng panga niya. Nadinig ko ang pagtatagis ng mga ngipin niya. Ang kanyang kamay ay mariin na hinawakan ang bewang ko at marahas akong isinandig sa pinto. The air was slightly knocked out of me.

"You have the fucking nerve," he harshly whispered against my ear. "Na ipadama sa akin na ito na ang huli na 'ting pagkikita... at sabihing mahal mo ako. You pulled me so close to you until all I want to do is... you. And then pushed me away so hard,"

"Sorry," bulong ko. I don't what I want to say.

"Do you want me to beg Vittoria? Iyon ba ang gusto mo? Does tormenting me turns you on?"

Natigil ang paghinga ko. Ibinuka ko ang bibig para magsalita. Sa huli ay wala akong naisagot. Binitawan niya ako at humakbang palayo sa akin.

Mariin niya akong tinitigan habang malumanay ang mga mata ko sa kanya. Every hard plane and perfect contour of his face will forever be remembered.

Paulit-ulit na umigting ang panga niya hanggang sa tumalikod. Yumuko ako at pinulot ang bag. Hindi ko na siya ulit tinapunan ng tingin. It's hard watching him walk away from me.

Pumasok ako sa loob at parang robot na nag-handa para sa pasok. Pagod akong humarap sa salamin. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan sa University. Kung kumalat na ba ang balita at nadawit ang pangalan ko. Kung sakaling nandoon si Macey at paano kami mag-i-interact sa isa't-isa.

Muli akong bumuntong-hininga, ang importante ligtas na siya.

Mariin kong tinitigan ang sarali sa salamin. Halimaw na ba ako? O psychopath? Hindi ko na kasi mahanap sa sarili na ma-guilty na comatose pa rin si Ronald at Andy.

It makes the world a little safer knowing people like Ronald can't be in it for the time being.

Ang barkada niya. May takot na sumibol sa akin. Wala akong kabali-balita. Sa dalawang araw na pananatili kay Lucas ay natakot akong magpunta sa internet para mag-research ng latest news.

Inabot ko ang cellphone. Sa nanginginig na kamay ay tinipa ko ang gusto kong i-research. Sumikip ang dibdib ko sa takot sa mga tumambad sa akin na news article.

Kumalat na sa media ang nangyari sa condo ni Andy. Kasabay ng imbestigasyon sa putukan ay nasamsam sa kanilang pad ang ilang gramo ng mga ilegal na droga at mga syringes.

May nakapag-tip din daw kaya pati condo ni Ronald, Drew at Sandro ay ni-raid ng mga kapulisan. Lahat ng pad nila ay nakitaan ng mga ipinagbabawal na gamot at mataas na kalibre ng baril. Kasalukuyang naka-hospital si Ronald, Andy, Drew pinaghahanap si Sandro ng polisya.

Dahil papalapit na ang eleksyon, ang mga kalaban umano sa politika ng angkan Ronald at Sandro ang nag-tip sa mga kapulisan.

And when I saw Lucas' name, my heart fell. Doon na sunod-sunod na lumabas ang mga News Headline at maiinit na balita tungkol kay Lucas— isang successful business tycoon and an heir to a chain of resorts and hotels at ang kaaway nito na si Ronald at mga kabigan na mga anak ng politiko.

Halos isang oras akong nag-scroll at pasikip ng pasikip ang dibdib ko. Walang pangalan ko sa kahit ano mang news article and yet, I feel like vomiting. Lalo na sa espekulasyo ng media dahil ang magkabilang kampo ay hindi naglalabas ng mga statements at comments.

At dahil palala lang ng palala ang mga espekulasyon sa internet, na pinaghihinalaan na ang pambubogbog na naganap ay dahil sa droga. O sa papalapit na eleksyon. O sa mga illegal dealings na 'kuno' ay mag-partnerships si Lucas at Ronald.

Nadamay ang mga resorts at hotel ni Lucas at lumabas ang sari-saring negatibong feedbacks tungkol sa mga ito. Pati ang mga dating issue ay naungkat. Ultimo mga naging ex ni Lucas ay na-open-up din.

Nanginginig pa ang mga kamay ko na inilapag ang cellphone. Hindi dapat ito ang mainit ngayon sa media. Lucas' life became the center of scrutiny.

Hindi dapat ang juicy details ng sex life ni Lucas ang nalalantad. Dapat maisiwalat ang mga rape na ginawa nila Ronald.

Hindi ko man alam kung paano pero sisiguraduhin kong masisira ang pangalan nila. Hihilahin ko sa putikan ang pangalan nilang lahat.

Wala akong tiwala sa kapulisan. Karamihan sa kanila ay hindi na tapat sa serbisyo at nababayaran. Karamihan sunod lang ng sunod sa utos kahit kadalasan ay hindi na makatao. Ilang beses na akong lumapit sa mga police doon sa amin para mag-file ng report sa pangbabastos sa akin pero sinisisi lang sa pananamit ko.

Ang hirap maging ligtas at manlaban kung ang mga dapat na pumuprotekta sa atin ang siya pang nanghahamak.

Kahit late ay pumasok pa rin ako. Lahat ng mata ay tumingala sa akin. Agad na tinunton ng mga mata ko ang upuan ni Macey pero wala siya roon. Tahimik akong umupo. Ramdam ko ang pagsunod ng mga mata nila sa bawat galaw ko.

Tumikhim si Ma'am Catipunan at nagpatuloy. Halata sa kanila gustong-gusto nila mang-usisa sa akin sa totoong nangyari pero natatakot na mangialam o madawit. Kung may natutunan man ako sa University na ito sa mga nagdaan na mga linggo, iyon ay may mga taong hindi dapat binabangga. Kasama na doon sila Ronald. Lalong-lalo na sila.

Halos mabali ko ang ballpen na hawak. Kaya siguro walang nagtangkang magsumbong sa mga rape. O kung may nagtangka man ay pinatahimik.

Sumakit ang lalamunan ko sa paglunok sa bara sa lalamunan. My eyes glistened with unshed tears. From anger and frustration.

Walang pumapasok sa utak ko sa mga dini-discuss ni Ma'am. Nagustuhan ko din na walang may lumalapit sa akin. Tinititigan ako nila pero walang nangahas na magtanong. Ayos iyon sa akin dahil ayaw kong magsinungaling sa mga magiging sagot ko.

Hindi nadawit ang pangalan ko sa nangyari kagabi kahit ako ang sentron 'nun. Gaunpaman, alam ng mga classmates ko na ako ang huling kasama nila Ronald at Macey kagabi. Siguradong narinig nila ang pag-oo ko sa party invite ni Ronald.

Pumasok ako ng trabaho na wala pa sa sarili. Nakabasag pa ako ng pinggan dahil kung hindi lumilipad ang utak ko sa mga barkada ni Ronald, sinasakop naman ito ni Lucas.

"Ayusin mo naman Hija ang trabaho mo," banta sa akin ng manager. "Hindi ka na nga pumasok noong biyernes puro ka pa palpak ngayon! Pumalpak ka pa ulit na masisisante ka na talaga,"

"Pasensya na po," paumanhin ko at nilinis ang mga basag na bote.

Mabuti at nairaos ko naman ang shift. Lumabas ako ng restaurant at napatigil agad sa paglalakad. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 35.3K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
2.8M 161K 50
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
307K 17.9K 19
"α€˜α€±α€Έα€α€Όα€Άα€€α€œα€¬α€•α€Όα€±α€¬α€α€šα€Ί α€„α€œα€»α€Ύα€„α€Ία€œα€Ύα€―α€•α€Ία€žα€½α€¬α€Έα€œα€­α€―α€·α€α€²α€·.... α€™α€Ÿα€―α€α€Ία€›α€•α€«α€˜α€°α€Έα€—α€»α€¬...... ကျွန်တော် α€”α€Ύα€œα€―α€Άα€Έα€žα€¬α€Έα€€ α€žα€°α€·α€”α€¬α€™α€Šα€Ία€œα€±α€Έα€€α€Όα€½α€±α€€α€»α€α€¬α€•α€«.... α€€α€»α€½α€”α€Ία€α€±α€¬α€Ία€›α€„α€Ία€α€―α€”α€Ία€žα€Άα€α€½α€±α€€...
266K 25.8K 62
Ryan and Aaruhi The story of two innocent hearts and their pious love. The story of one sided love. The story of heartbreak. The story of longing a...