'You will have bad times, but they will always wake you up to the stuff you weren't paying attention to.'
-Robin Williams
[PS: Please take note that this chapter is in Luke Emmerson Deleon's POV. PoV ito ni fafa Luke. Naysnu? Epilogue kay Luke pa rin. Thank You ♥]
---♥---
"Saan ba tayo pupunta?"
Seryosong tanong ko sa mga kasamahan ko. Apat na oras na kaming bumabyahe pero wala pa rin kaming hinihintuan. Magubat dito, oo. Para ngang Laguna eh.
"Yun yung abandoned hospital diba?" biglaang bulyaw ko nang makita ko yung abandoned hospital na kung saan kami huminto noon. Yun yung time na pumunta kami sa Laguna dahil sa bakasyon. Sa resort nila Kristen. At yung araw na hinabol kami ng mga Dazello.
"Ah-Ha? Oo yun nga ata yun." sabi ni Timothy sa akin. Isa din siya sa mga pinagsabihan ko tungkol sa nangyari doon sa Abandoned Hospital. Apat lang kami na nandito ngayon sa kotse. Si Kristen, Coleen at Timothy. At yung iba, nasa ibang kotse na nila at sumunod sa amin.
"Timothy, lumiliko yung iba sa ibang direksyon." ani Kristen. Napatingin naman ako sa likod namin. Tama nga yung sinabi ni Kristen, halos kalahati ng mga sasakyan, lumiko sa kabilang direksyon.
"S-Sa kabila lang sila maghahanap." sagot naman ni Timothy.
"Guys maggagabi na. Ililiko ko na 'to sa isang hotel na nakita ko." sabi ni Timothy. Agad siya na nag-U turn pabalik doon sa nadaanan namin. at yun ang pinagtaka ko.
Bakit gagamit ng U-turn si Timothy eh wala naman kaming Hotel na nadaanan?
"Sige halika na. Pagod na rin ako." pagsang-ayon ni Coleen at humikab na. 'Di na lang ako kumibo. Parang may kakaiba sa kanila ngayon.
Mayroon bang nangyari this past few day habang wala akong malay?
Walang kumikibo sa amin habang nasa sasakyan. Wala ring tunog mula sa radyo. Si Kristen na kalkal noong nakaraan ang cellphone niya ay nakatulala lang ngayon na parang ang dami niyang iniisip. Si Coleen, wala lang ring reaksyon. Si Timothy, prente lang din na nagmamaneho.
"Bakit tayo huminto?" bigla kong tanong. Huminto kasi yung sasakyan. pero hindi lang yun ang nakakapagtaka.
Kasi ngayon, bigla na lang nakatulog ang dalawang binibini na kasama namin.
Lumabas ako ng kotse.
"Boss, wala na ata tayong gas. Flat na rin yung isang gulong sa likod." sabi ni Timothy. Napatingin nga ako sa bandang likuran ng kotse at flat nga yung gulong sa likod.
"Wala bang extra?" kunot noong tanong ko.
"Wala eh. 'Di ako nakapagdala." sabi niya pa at napakamot sa batok niya. Tumingin ako sa loob ng kotse at tulog pa rin ng mahimbing yung dalawa.
"Let's split. I-lock mo yung kotse. Hahanap tayo ng tulong." sabi ko. Tumango na lang si Timothy at sinunod na nga ang utos ko. Chi-neck ko ang signal sa lugar pero wala pala. Pinagtitripan ata kami ng tadhana ngayon.
"Sige sige. Halika na. Dun ka sa direksyon na yun. Didiretsuhin ko naman dito." sabi ko na lang. Binigyan ako ni Timothy ng flashlight at sabay na kami na umalis sa magkabilang direksyon. Ako yung dun sa direksyon na pabalik doon sa Abandoned Hospital at si Timothy naman yung dun sa unang daan na pupuntahan sana namin.
"Tulong! May tao po ba?" sigaw ko sa paligid. Ewan ko kung nagsasayang lang din ako ng effort. Pero wala namang nagpakita sa akin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
"Ano yun? May tao ba dyan?" bulong ko kasi may narinig ako na kaluskos sa may likod nung mga wild grass. Inilawan ko onaman iyon gamit nung flashlight ko. Pero nakakapunyeta kasi nagpapaalam na ata yung flashlight. Nagbi-blink na eh.
Nyeta naman, tadhana. Bakit ka ganyan.
"Punyetang tipaklong." nasabi ko na lang sa sarili ko at tumakbo. Hinahabol naman ako nung buwaya.
Naman oh. Paano nagkaroon ng buwaya dito sa Laguna?
Sa lahat ng pagkakataon na sumulpot pa ang buwaya na 'to, napagdesisyunan pa sa oras kung kailan mag-isa akong naghahanap ng tulong habang walang armas na dala!
Agad akong pumasok sa isang inabandona na gusali at ni-lock na iyon. Inihagis ko ang flashlight sa labas ng bintana para yun ang pagtuunan ng pansin nung buwaya.
At ayun! Nagtagumpay nga! HAHAHAHAHAH! Punyeta kang buwaya ka, uto-uto. Manigas ka, 'di ka mahal ng nanay mo.
Napasandal ako sa pader sa sobrang pagod. Nagulat ako ng biglang bumukas ang mga ilaw dito sa building na 'to. Paano nagkaroon ng ilaw dito? Abandona na ito ah?
Napatingin ako sa paligid. 'Di ako nagkakamali. Ito na nga yung lugar na yun. Yung Abandoned Hospital. Kung saan ko unang nakita si Ivy na umasta bilang isang heiress. Kung saan niya unang nakita ang totoong ako. Na palamura, astigin, mabilis mainis at sumabog.
Naglakad lakad ako para maglibot libot dito sa loob. Nakita ako ulit yung mesa na kung saan nandun yung baril. Nandun pa rin yung baril na walang bala. At yung swiss knife din. Pati yung dalawang upuan kung saan namin tinali yung dalawang ugok noon.
"Hello?" tanong ko nang biglang tumunog cellphone ko. May tumatawag. Teka, akala ko ba walang signal?
[Gwapong Timothy here.] pagmamayabang nung kausap ko. Napailing na lang ako. Medyo tumawa naman siya sa kabilang linya.
"Bakit ka napatawag? May balita na ba?" tanong ko sa kanya. Hinawakan ko yung baril na nasa mesa at ibinalik ulit.
[Wala naman. Nangangamusta lang, boss. Baka nalapa ka na ng buwaya.] naalala ko na naman yung buwaya sa labas. Napasilip naman ako sa labas. Wala na rin naman siya.
"Paano mo naman nalaman na may buwaya dito?" tanong ko sa kanya na matawa tawa na. Psh. Magtataka pa ba ako kung kabisado niya lahat ng hayop dito sa Laguna?
[Ako pa! Pogi ako, boss.]
"Punyeta ka." sabi ko na medyo tumawa. Tumawa na lang din siya. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan.
"Sige sige. May gagawin lang ako. Call me when something important happens." ani ko.
[Areglado.] sagot niya naman. At walang sumunod na salita, pinatay ko na ang telepono at umupo sa upuan na malapit sa akin.
Nakatitig lang ako sa buong paligid. At dahil na-awkward ako, nagpatugtog ako gamit ng cellphone ko. Paano kung bilhin ko kaya 'to?
Dito ko itatayo ang palasyo namin ng mahal ko. Para tahimik. Malamig dahil puro puno. At higit sa lahat, ipapatanggal ko ang lahat ng buwaya.
Para 'di na ako mahabol pa muli.
Ivy bumalik ka na.
Nauna pa yung palasyo na makita bago sayo.
"If I lay here. If I just lay here. Would you lie with me and just forget the world?" pagsabay ko sa kanta. Inilipat ko yung mga bagay sa mesa at inilapag sa sahig. Umupo ako doon sa mesa at tumingin doon sa bintana.
"Those three words.. Are said too much.. And not enough.." yumuko ako at pumikit matapos kong ibulong ang mga iyon.
Nakita ko siya. Napangiti ako. Sigurado ako na buhay pa siya. Yun pa? Eh masama yun. Ipinagbabawal ang masamang kagandahan niya sa impyerno.
"If I lay here.. If I just lay here.." napahiga ako doon sa mesa at napatingala habang kumakanta.
"Would you lie with me and just forgot the world?" pagtutuloy ko. Napangiti na lang ako.
Isa lang ang wish ko sa buhay ko ngayon.
For her to lie here beside me.
"You just lay there.. Yes you just lay there.." may narinig akong babaeng nagsalita na kumanta sa kantang kinakanta ko pasalungat. Agad ako na napatayo. Pamilyar yung boses.
"S-Sinong nandyan?!" sigaw ko bilang babala. Pero walang lumabas ni anino. Hindi kaya nagha-hallucinate na ako?
Abandoned hospital pa man din 'to, nyeta.
"Yes I would lie there and let's forget the world.." narinig ko na naman yung kumakanta. Napalinga linga ako sa paligid. Wala pa rin namang tao. Saan ba nanggaling yun?
"Sino bang nandyan?" tanong ko ulit. Pero wala na namang sumagot.
Alam ko na.
"Forget what we're told.. Before we get too old.. Show me a garden that's bursting into life.." pagpapatuloy ko sa kanta. Pero wala akong narinig na sagot. Napahiga na lang ulit ako. Pumikit ako. Dito na lang ako magpapalipas ng gabi.
"We'll forget what's told.. Before we get too old.. I'll show you a garden that's bursting into life.." sagot niya naman. Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga. Hindi talaga ako nagmumuni-muni.
Totoo yung naririnig ko!
Unless kung kumakanta yung buwaya.
"I need your grace.. To remind me.. To find my own.." naghantay ulit ako sa sagot niya habang nagpapatuloy ako. 'Di na ako humiga pa. Nakaupo lang ako. Napabuntong hininga ako. 'Di na siya sumagot.
Nagulat ako nang biglang may tumakip sa mata ko. Kamay ng isang babae. Pamilyar na babae. Ang lambot ng kamay niya. Ang bango pa. Naramdaman ko yung hininga niya sa may tainga ko.
"I'll give my grace.. I'll remind you.. I'll find your own.." nagulat ako sa sinabi niya. Puro "I". Puro siya ang gagawa. 'Di kagaya kanina na kaming dalawa. Na tutulungan niya lang ako.
Tinanggal niya yung mga kamay niya sa mga mata ko at niyakap niya ako patalikod bago pa man ako makalingon sa kanya. Isinandal niya naman yung ulo niya sa balikat ko.
"Kanta ka pa. One last line.." sabi niya sa akin. Hinawakan ko naman yung kamay niya. Napangiti naman ako pero 'di ko alam ang dahilan. Baliw na ata ako.
"All that i am.. All that I ever was.. Is here in your perfect eyes.. They're all I can see.." pagpapatuloy ko ulit.
"All that you were.. All that I ever loved.. Is here in your loving arms.. They're all where I can be.." sagot naman niya. Hinila ko siya at niyakap. Nababakla na naman ako. Umiiyak na naman ako.
"Y-Your'e alive." I bursted into tears while saying those words. 'Di ko na napigilan. Hinaplos ko yung buhok niya nang dahan dahan.
"Na-miss kita." sabi ko naman sa kanya. Bumitaw naman siya ng pagkakayakap sa akin.
"I promised you that I will be back. I won't leave you right? I won't and I'll never will.." sabi niya sa akin at ngumiti. Niyakap ko ulit siya. Yung yakap na mas pipiliin ko pang mamatay sa mga bisig ko kaysa mawala sa piling ko na wala ako sa tabi niya.
Pero mas maganda pa rin kung mabuhay kami ng magkasama.
"Paano ka nakaligtas? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong ko sa kanya na punong puno ng pag-aalala. Tumawa lang naman siya sa sinabi ko.
"Nabaliw ka na ata." bulong ko sa kanya pero mas lalong lumakas yung tawa niya.
"Walang nangyari." maikling sagot niya sa akin na may ngiti pa rin sa labi niya. Anong ibig niyang sabihin?
"H-Ha? Nagha-hallucinate lang ba ako?" ang tangi ko na lang na sinabi.
"As in walang nangyari! Planado ang lahat." naguguluhan naman ako sa sinabi niya. Binigyan ko siya nang nagtatakang tingin.
"Planado ang lahat. Pinabayaran ni Daddy at Mommy yung airport para ipasabog yung plane. Yung plane kasi, sa amin yun. Yung mga media at ambulance kasabwat. Planado ang lahat." aniya.
"Bakit mo naman ginawa yun? Alam mo bang pinag-alala mo ako?" sabi ko sa kanya na medyo naiinis. Pero mas lalo lang na lumapad yung ngiti niya sa labi. May saltik na yung girlfriend ko.
"Ginawa ko yun para ma-satisfy ko yung sarili ko na mahal mo ako. At para ma-satisfy din ng parents ko yung sarili nila. 'Lam mo na, mga aning." sabi niya sa akin habang yakap yakap ako. Hinawakan niya naman yung buhok ko at pinaikot ikot ang kamay niya doon.
"'Di pa ba sapat na sinabi kong mahal kita?" sabi ko at nag-pout. Nyeta. Bakit ko ba ginawa yun.
"Ang cute mo talaga!" sabi niya at pinisil ang magkabilang pisngi ko. Pinangigigilan na naman niya ako.
"Syempre, ayoko nang magkamali sa choice ko. May tiwala naman ako sayo pero ayoko na kasing maloko gaya ni Lyndon noon. Alam mo na-" pero pinigilan ko siya.
"Naiintindihan ko." sabi ko na lamang.
"Ibig sabihin, hindi plano ng Marnime ang lahat?" tanong ko sa kanya. Ewan ko ba. Hindi mawala wala sa isip ko yung grupo na yun.
"Yun ba? HAHAHAHA! Planado yun. Kaming tatlo lang yun." sabi niya sa akin. Tumingin naman ako sa kanya ng diretso. Nyeta talaga, naisahan ako ng magiging girlfriend ko.
"Kayong tatlo?" tanong ko sa kanya.
"Si Helena, Ako at si Sophia." sabi niya at ngumiti na naman. Bakit ba nakakahawa yung ngiti niya? Parang virus.
"Saan mo naman nakuha yung pangalan na yun?" tanong ko at ngumiti na rin.
"Ivy Marbela, Helena Canillo at Sophia Mejia." sabi niya sa akin. Ngumiti na lang ako. Niyakap ko siya. Sana 'di na magkatotoo ang scene na iniyakan ko.
"I love you, Ivy. Mahal na mahal kita." sabi ko sa kanya at ngumiti ng kay tamis. Ayoko ng mawala siya sa tabi ko. Dito lang siya. 'Di ko na siya iiwan.
"I love you too, Luke." balik niya sa akin.
"May I have the-" pero pinutol niya ako.
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at bigla akong napapikit. Naramdaman ko ang malambot na labi niya sa labi ko. Naramdaman ko yung kamay niya na nasa batok ko. Palihim akong napangiti.
"Yes. You may have your second kiss with me." sabi niya sa akin. Napangiti na lang ako. Napangiti din siya. Unti unti naming nilapit ang mukha namin pero biglang-
"Pusang gala. Wait lang, sasagutin ko." sabi ko. Punyeta kasi may tumawag sa phone ko. Pagkatingin ko naman sa phone, si Saint Timoteo lang pala. Istorbo ang gag*.
"Oh? Istorbo ka naman oh. Anong meron?" sabi ko kay Timothy sa medyo naiinis na tono. Bigla naman siyang napatawa ng bahagya sa akabilang linya.
[Kalma boss. Ibabalita ko lang sana na nahanap na daw si Lady Ivy. Nasa-] pero pinigilan ko siya.
"Abandoned Hospital." wika ko.
Nagulat naman si Timothy sa sinabi ko at pagpigil ko sa kanya.
[Woaah! Paano mo nalaman boss?] sabi niya sa akin. Napangiti na lang ako at tumingin kay Ivy. Ngumiti naman siya sa akin.
"Nandito ako ngayon sa Abandoned Hospital. Kasama ko siya." sagot ko na lamang at ngumiti.
[Areglado boss! Susunduin namin kayo dyan. Tumawag na ako ng rescue.] ngumiti na lang ako sa sinabi niya.
"Sige sige." sabi ko na ulit. Ibababa ko na sana yung phone pero biglang nagsalita si Timothy.
"Teka boss! Sorry kung naging kasabwat kami ni Lady Ivy. Hehe. At teka! Dahan dahan muna ha!" pagbababala niya sa akin.
Sabi na nga ba may mali eh. Kasabwat ang gag*.
Kung nandito lang 'to ngayon nabatukan ko na 'to. Pero tumawa na lang ako.
"Huwag kang ganyan. Kailanman, ang forever, hindi minamadali." sinabi ko na lamang bago patayin ang telepono.
--END--