Mhorfell Academy of Gangsters...

By alerayve

25.8M 641K 136K

[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black... More

Prologue
Chapter 1: Meeting the King
Chapter 2: Upcoming Storm
Chapter 3: Welcoming
Chapter 4: Our So-Called Party
Chapter 5: Troublemakers
Chapter 6: Single Arrow
Chapter 7: Show Some Skin
Chapter 8: Competition
Chapter 9: Charlene
Chapter 10: Watched
Chapter 11: Symptoms
Chapter 12: End of the First Round
Chapter 13: Magic Word
Chapter 14: Promise
Chapter 15: Fire and the Shooting Stars
Chapter 16: Message
Chapter 17: School of Mystery and Danger
Chapter 18: The Prince's Sword Dance
Chapter 19: Hide and Seek
Chapter 20: Coming Back
Chapter 21: Fear
Chapter 22: Ally
Chapter 23: Hypothesis
Chapter 24: The Missing Mafia Pendant
Chapter 25: Alex Syndrome
Chapter 26: Recollection
Chapter 27: Aftermath
Chapter 28 - Peace Inside the Woods
Chapter 29 - Second and Third Examinations
Chapter 30 - Good Luck To Us, Bastards
Chapter 31 - Don't Ever Dare To Mess With Him
Chapter 32 - The Incident
Chapter 33 - Saving The Idiot
Chapter 34 - The Crying Little Girl In The Midnight
Chapter 35 - All Hail For The Princess
Chapter 36 - Celestial Key of the Pacific
Chapter 37 - Regaining and Solving
Chapter 38 - Dinner Meeting
Chapter 39 - The Only One Left
Chapter 40 - She is The Key
Chapter 41 - She's Dead All Along
Chapter 42 - Seal
Chapter 43 - Trip to the Principal's Office
Chapter 44 - Acting is Over
Chapter 45 - Who's Next?
Chapter 46 - Alex is Kirsten Theory
Chapter 48 - Strange Things Did Happen Here
Chapter 49 - Secret Letters
Chapter 50 - Crashing To A Party
Chapter 51 - Values
Chapter 52 - Love Story
Chapter 53 - Overload
Chapter 54 - The Meaning Behind The Arrows
Chapter 55 - You'll Be Fine
Chapter 56 - Happily Ever After
Chapter 57 - Access Granted
Chapter 58 - The Real Demon
Chapter 59 - Her Most Epic Birthday
Epilogue
Author's Note (Important)
GIVEAWAY!
ORDER NOW!

Chapter 47 - Another Meeting With Her

294K 9.4K 2.4K
By alerayve


[ A L E X ' S P O V ]









"Why do you even mumble about my fear of thunders?" humugot ako ng hininga at saka malakas na ibinuga ito dahil sa pagod mula sa paghahanap ng bagong paglalagian ko.


Originally, sa guest room ako sa first floor just like everybody else pero dahil sa request ng pagkagaling galing kong pinsan, nalipat pa ako sa third floor. What's more irritating is nasa pinakadulo pa ito ng hallway. I don't even know if meron pang gumagamit ng palapag na ito. Ang layo ko pa sa mga kaibigan ko.


"O sige na po, sorry na. You know me, I'm worried." Sky grabs something from his backpack while talking to me with confidence. He's really hateful, isn't he? Tsk.


Napailing na lang ako. Ang taong ito ay pinsan ko for God's sake! Inaayos ko pa ang mga personal na kagamitan ko nang kalabitin niya ako. I shooked his hand off from my shoulder kaso talagang pinaglihi sa kakulitan at katigasan ng ulo ang taong ito kaya hindi niya tinigil ang pangangalabit.


Bumagsak na lang ang mga balikat ko sa pagsuko. Binitawan ko na rin muna ang mga inaayos ko sa drawer. Lumingon ako sa likod ko at nakita ang ngiting aso ng pinsan ko habang nagpapatalbog talbog sa malambot na kama na kinauupuan namin ngayon. Ang sarap sampalin ng lalaking ito eh 'no.


Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa para maramdaman naman niya na naiinis ako sa kanya. Iniabot naman niya sa akin ang mga di mabilang na envelopes. Kinuha ko ito ng mabilisan at saka ipinatong sa mga unanan ko. Kumuha ako ng isa para buksan.


"Those are the documents that you requested for. I've heard what you've done just to achieve those. My mouth is zipped, don't worry. Sana sa susunod, mag-ingat ka naman. Hindi mo naman siguro gusto na ipatorture ako niyan ni kuya Xander di ba?" he revealed. There's a tone of calmness that can compared to the sea from the start. Such a dissapointment to hear his usual kidding side on the latter part.


"Opo. Mag-iingat na po ako. May balita na ba kay Juno?" tapos na kaming maghapunan at dalawang oras na lang ay hating gabi na. Maliban sa aming dalawa, lahat ay nagsiretiro na sa kani-kanilang mga bed chambers kaya wala ka ng maririnig na ingay o kulitan.


But even though their noises were gone, the tension and fright will always surround this place. Armed guards, reapers everywhere, kahit nga ang mga maids at butlers, may mga nakatagong sandata sa mga uniporme nila. Tahimik ang mga tao dito. Mamatahin ka pa nga ng mga nakakatanda kapag nahuli ka nilang tumatakbo sa pasilyo, lumalapit sa mga babasagin, at marami pang rason. It seems like we're in a school for proper upbringing in the times of duchesses and royalties due to their strict remarks.


A young maid told us to behave correctly so that we won't be beheaded. We should also be aware of how we speak with their young masters. Na mas malala pa daw ang mararanasan mong takot sa mansyon na ito kapag bumibisita rito ang mga pangunahing tauhan ng Vantress Mafia. 


"They found him wounded. Pinalo siya ng vase sa ulo kaya nawalan ng malay. Kalat kalat ang mga bubog sa kwarto niya. Walo sa mga tauhan niya ang patay at tatlo naman ang sugatan. Pinadala na namin siya sa hospital ni ninong. Hindi naman nagkaroon ng major problem ang sa ulo niya. Aside doon, may mga sugat pa siya sa katawan, kalmot sa mukha at napilay pa. Sabi ng doktor, aabutin pa ng ilang linggo bago siya makalabas. Sinabihan ko na si ninong na maglagay ng extra security sa kwarto niya kaya rest assured, my dear cousin." kumpleto niyang report sa akin.


They are quite merciless to leave like that. It is obviously a threat for me and for everyone with me. Para kaming mga bulag na naiwan sa madilim na silid. Wala kaming kaalam alam kung ano, sino at kung ano ang pwedeng gawin ng kalaban. At iyon ang kinaiinisan ko. Kung nasa Mhorfell ang kalaban, sino sa kanila? What their motives from killing?


"Ah! May pinapasabi pala 'yung sekretarya ni Juno." inialis ko muna ang pag-iisip at pinili ko munang makinig sa sasabihin ng katabi ko. Tinago ko muna sa ilalim ng unan ko ang mga envelopes dahil balak kong buksan ito mamaya o di kaya'y bukas.


"What is it?" I continue what I'm doing a while ago. Still waiting for what he is about to say. I glanced at him. His face became serious.


"Lumayo ka daw sa mga lugar na bukas o may bintana. Kung maaari, ikulong mo daw ang sarili mo sa kwarto mo. She is with Juno when those men attacked them. They are assassins. They keep on hitting Domzelle whenever he refused to tell them your location. Mukhang dahil 'yun sa nawalan sila ng trace sa'yo pagkalabas natin ng Mhorfell Academy. May hinahanap rin daw silang box, ring, at dagger. Based from their conversations, those three things are the only chances para masira ang buong kuta nila. Kaya naman dapat nilang mahanap para sirain." my brows furrowed on that.


They are after me. Bakit ba kasi kailangan ako ng lalaking iyon? Isn't it enough na napatay niya na si Lorraine? Why does he keeps on sending his men to hunt me down? Moreover, the box, the ring, and the dagger. Lahat ng mga iyon nasa akin. Subalit, paanong ang mga iyon ang kayang sumira sa buong samahan nila? I should hide every item well. Kahit hindi pa malinaw kung para saan ang lahat ng ginagawa nila, we need to be careful. They may be watching you.


"Meron pa pala." I looked at him in the eyes. Slowly, I'm getting all exhausted. Sa tingin ko, dapat na akong magpacheck up kaya lang kanino? There's no one in this society who could understand the logic of my blood aside from my mom, Mr. Devroid and his fellow assistants. But they were killed a long time ago.


"You see, after his secretary told me what happened, she was killed on the spot ng isang rumaragasang kotse. Walang taong nagmamaneho. Walang preno ang sasakyan at may nakita silang sulat." dinukot niya ang halos magkalasog lasog na papel mula sa wallet niya. Another letter ... from him.


Binuksan ko ito ng paunti unti. Kumakabog ang puso ko sa bawat sandaling hindi ko pa nababasa ang kahit isang kataga mula sa puting sulatan. Gayunpaman, ayokong makita. Kinakabahan ako sa kung anong nakasulat.


Sa mumunti kong pagtatanggal ng tupi nito dahil sa baka masira ay pinatong si Sky ang malaki niyang kamay sa balikat ko. "You're trembling. Siguro mas mabuti munang iwan kita tapos doon mo na lang basahin. Call me or scream if there's something wrong, okay? Nasa second floor ang kwarto ko, ang mga reapers mo naman nandiyan lang sa kung saan saan kaya don't hesitate to ask for help." ginulo gulo pa niya ang buhok ko bago lumabas ng may ngiti sa mukha. More like a smile para i-comfort ako.


Pumikit ako nang mapagpasyahan na ng mga kamay ko na ibulgar na ang nakalagay dito. Sa pagbukas ng mga mata ko ay nakita ko ang napakagandang sulat kamay ng nagsulat nito. Parehas pa rin katulad ng sa mga dating liham. Mabigat sa loob kong binasa ito.


'Nagustuhan mo ba ang surpresa ko sa'yo? How boring, nalaman mo na kaagad ang meaning ng nauna kong letter. Anyway, iisa-isahin ko sila. Lahat ng taong mahalaga sa'yo at malapit sa'yo. I am ready to kill anyone who will dare to help you. Domzelle's secretary is one of my examples. Let's play hide and seek. It's quite amusing to see you with the heir of Vantress Mafia. Pero tinitiyak ko sa'yo, hindi ka niya makakayang protektahan. History will repeat itself.'


Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama nang dahil sa nabasa ko. Dinampot ko ang lighter ko sa side table at dinala ang liham sa basurahan. Itinaas ko ang hawak ko at saka nagsindi upang masunog ang bawat maliliit na parte ng kapirasong papel na ito. Matapos na maging alikabok na lamang ito ay itinapon ko na rin ang pinansindi ko.


Napahawak ako sa ulo ko dahil umaatake na naman ang tila pagbiyak nito. Para bang nagpapantig ang bawat ugat ko sa utak. Shit naman ngayon pa 'to umatake! daing ko sa isipan ko. I am staggering nang subukan kong abutin ang cellphone ko na nasa kama. Napaupo ako sa sahig nang makuha ko na ito kaso may problema. Umiikot na ang paningin ko at hindi ko na makita o ni mabasa ang mga nasa phone ko. Hindi ko tuloy matawagan sina Sky at Dash o kung sinuman na pwede makatulong sa akin.


Naisip ko naman ngayon ang sumigaw kaya lang walang lumalabas na tinig. Para akong naging pipe. Napadapo ang kamay ko sa leeg ko. Ganitong ganito rin ang nangyari noon.


I came up with the idea to crawl out of here. Yeah, I know it's kinda ridiculous to crawl from the third floor to second floor to call somebody for help but hell! I can't stand the pain!


Nag-struggle pa nga ako sa pag-abot ng doorknob and fortunately, napihit ko naman ng maayos at nakalabas na ako. Napasandal ako sa pader. Hinihingal na ako. Pinagmasdan ko ang paligid kung may taong pwedeng mahingan ng tulong. Paulit ulit kong binalingan ang iba't ibang direksyon hanggang sa mapako ang tingin ko sa kabilang dulo ng mahabang pasilyo.


"No way. I never asked to see her again. Fuck." nagawa kong mabulong sa sarili ko. Bumabalik na ang boses ko! That girl! She is here again! Paano niya ako nasundan hanggang dito? Hindi ba hallucination ko lang siya? Pero ba't siya nandito?


Basa ang kinatatayuan niya. Doon ko lang naalala na may thunderstorm nga pala ngayon hanggang bukas. Damn, nagsasabay sabay pa ngayon ang sakit, takot at kaba ko. Ayoko na. I've gathered all my strength together to move backwards but to my surprise, she is walking towards me.


"Please don't come near me. Go away!" sigaw ko. Sana marinig nila ako. Ayoko na. Someone please help me.


"Bakit mo ako tinataboy? Ayaw mo bang mabalik ang mga bagay na nakalimutan mo na?" ani niya habang may malungkot na ekspresyon sa mukha niya. Ito na naman. Ginugulo na naman niya ako sa mga sinasabi niya sa akin. Nawala rin naman sa isip ko ang tanong niya dahil hindi na lang tubig ang tumutulo na galing sa kanya. Dugo ... dugo ... mula sa ulo niya. Hindi ko na alam kung nasisiraan na ba ako ng bait o dala lang ito ng pagsakit ng ulo ko.


"Huwag kang lalapit! Layuan mo ako! Bakit ba ayaw mo kong lubayan?" napapikit pa ako ng mariin dahil halos manakit ang lalamunan ko sa lakas ng sigaw ko. Sana sa pagbukas ng mga mata ko, wala na siya. Sana, namalik mata lang talaga ako. Sana hindi ko na siya makita.


Pagdilat ko, napahinahon ako. Para bang kahit kaunting sandali lang ay hindi ko na dinaing ang sakit ng ulo ko dahil sa pagluwag ng loob ko nang hindi na siya makita pa. Hinahabol ko ang hininga at doon ay bumalik na naman ang kanina sakit na kanina ko pa iniinda.


"Dahil ikaw ay ako. Ako ay ikaw." nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang maliit na hininga sa kanang tenga ko. Nabato ang buo kong katawan. Hindi ko magawang lumingon sa sobrang takot. Tanging ang nagawa ko lamang ay ang hayaan ang mga luha ko na umagos.


"I don't know what you are talking about. Leave me alone, kid." nanginginig kong tugon sa kanya. She is just bullshitting me! How could I be her? And how could she be me? It doesn't make sense! Or rather, sounds crazy that it is making me insane with only just the thought of it.


Seconds have passed and I can no longer feel her breathe. The thing is may basa akong nakakapa. Darn, papunta siya sa harapan ko.


Nagbend siya para maabot ang mga tuhod niya. Mata sa mata niya akong tinignan. Nilagay niya ang hintuturo niya sa mga labi niya. Paraan niya upang bigyan ako ng mensahe na tumahimik.


Nang tanggalin niya ang daliri niya ay may itinuro siya. Ipinukol niya ang munting daliri niya sa ikaapat na kwarto sa kabilang dulo. Pagkatapos ay inilapit niya na nang inilapit ang mukha niya sa akin. Dumaan sa dalawang butas ng ilong ko ang amoy ng malagkit na putik.


At ngayon, magkatapat na ang aming mga mukha. Iilang pulgada lang ang layo namin sa isa't isa. Hindi ko mapigilan ang panga ko sa panginginig. Tuyot ang mga labi niya. Ang mga mata niya ay namamaga na parang kagagaling lamang sa iyak. Pumikit akong muli. I am hoping for this last time na sana mawala na siya.


Nagbilang pa ako ng sampung segundo bago ko napagdesisyunan na tignan ang kaharap ko. Ngunit dapat pala ay hindi ko na ginawa. Mas pinagsisihan ko ang pagmulat uli.


Salamin .. tila ba nakaharap ako sa salamin dahil nakikita ko ang sarili ko sa parehong kalagayan ng bata kanina. May dugong umaagos mula sa ulo, amoy putik, basang basa at may namamagang mata.


"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" binigay ko na ang lahat lahat ng lakas ko at boses ko sa tili na iyon.


Napayakap ako sa mga tuhod ko at yumuko. Patuloy lang ang paghikbi ko. I don't want to see her again. That fucking kid will seriously kill me if she'll show up again.


Dumadaloy na naman ang sakit ng ulo ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para lang tumigil ang pananakit. Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko dahil naririnig ko na ang mga malalakas na kulog.


It took several minutes nang may yumugyog sa akin. Hinahatak niya ako patayo at pinipilit akong tanggalin ang mga kamay ko sa tenga. Hinipo niya rin ang mukha ko na nagpapahiwatig na buksan ko ang mga mata ko. Agresibo akong umiling iling. I'm not going to look at it again! No way! Never!


Habang tumatagal, may iilan na yumuyugyog na rin at kumakalabit sa akin. I have no intention to look or to check who are they. It was like I'm trapped sa kadiliman na pinoprovide ng mga pikit kong mga mata.


"Alex! Hey! Listen to me, open your eyes! What's wrong?! Alex! Come on! Shit! Sean, call butler Kim this instance! Now!" rinig kong boses ng isang lalaki. I wasn't able to hear it clearly. I'm too occupied of protecting myself.


"Alex! Anong nangyayari?! Open your eyes, damn!"


"Master! Master, can you hear us?! What's bothering on you?"


"Cromello! Puta, nanginginig siya! Tumawag kayo ng doktor!"


"Fuck, ang lamig niya king!"


"Wait a second, I'll just get a blanket to keep her warm."


"Young miss, we'll receive any hellish training or what so ever! Please! Just open your eyes! Tell us what is wrong with you?!"


Ang daming tao sa paligid ko. Lahat sila natataranta at humihiyaw ng mga mura sa sobrang pag-aalala. Gusto kong tumingin. Gusto kong malaman kung sino ang mga iyon. Pero paano kung nandiyan na naman siya? Ayoko na siyang makita pa!


"I'll say this for the freaking nth time! Alexandria, open your fucking eyes now! What is so damn wrong with you! Tell us! Don't make us all look shitty here!" sigaw na naman ng naunang boses na narinig ko kanina. Yinugyog niya pa ako lalo na siyang nakapagpamulat sa akin.


I was surprised that it was Spade who keeps on yelling at me. Everybody is here and they are all looking worried at me. Mga nasa pajamas pa nila sila at mga walang suot na slippers. Oh, did they run all the way up here? Maybe it's because they heard my screams. I felt relieved. She's gone now. I'm safe.


"God! Ano bang nangyari sa'yo?" hindi maipinta ang mukha ng taong kaharap ko ngayon. His handsome and appealing face was crumpled. The man who even told me that he'll kill me is concerned about me, what a scene.


"I'm scared. S-she's h-here. S-she's hu-hunting me e-everywhere." I answered still in shock and still scared. Nilalamig na rin ako kaya pati ang mga salita ko tila nangangatog na rin.


"King, here's the blanket." pagdating ni Marc mula kwartong tinutuluyan ko. Kinuha kaagad ni Vantress iyon at ibinalot sa akin. The cold has lessen.


"You need to get a check up or a medicine." he said but Rennei butted in while holding an injection contaxlyng a green liquid substance.


"No such thing is needed. Just inject this to her." she entrusted the injection to Spade who is currently holding me and protecting me from cold.


"What's this?"


"Pain killer and something to make her calm and to sleep well." ngayon ko lang narinig ang tinig niya. Marahil ay ngayon lang siya nakaakyat para kunin ang ituturok sa akin. Nakahalukipkip na siya ngayon at prenteng nakatayo sa gilid.


Vladimir handed out a headset for me to put on to cover my ears. Of course, they are aware of my fear of thunders. They are my reapers, after all.


What I can hear now is the relaxing songs from it. The volume is just right for me to hear my friends who were close to me.


The elixir is slowly getting on me. I'm feeling sleepy. Bumagsak ang ulo ko sa malapad na dibdib ng isang nakakatakot na lalaki. It's a record. I was resting my head — no, I mean, I was depending on this strong guy beside me. Wala na akong lakas at hindi ko na rin kayang tumayo.


"I'm s-scared ..." huli kong nautal bago bumigat pa lalo ang mga talukap ng mga mata ko.


Right before I lost consciousness, I was able to catch up with Vantress' words.









"Don't be scared. I am here now. No one will be able to hurt you because I'm going to protect you. Now, sleep well, princess." he muttered in a low and soft tune as he brushes some strands of my hair.










Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 18.5K 51
HIGHEST RANK ACHIEVE - #1 in Bloody Category (1 week) #2 in Brutal Category - HELL IS EMPTY. ALL THE DEVIL IS HERE - Humanda ka na Isusunod ka na ni...
37.2K 1K 27
One section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror
13.9M 389K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...
25M 626K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...