Itulog Mo, Loys

By clumatic

143 13 45

Kapag masama ang pakiramdam, ang madalas na payong ating natatanggap ay, "Itulog mo na lang 'yan." Ngunit kay... More

A Kalat Gang Collab

Itulog Mo, Loys

53 7 45
By clumatic

         KAHIT NANGHIHINA KA NA SA SARAP, BAWAL PUMIKIT!

'Yan ang kabilin-bilinan ng direktor ng fried chicken commercial na ika-walong raket ngayong buwan ni Loysa Ty Bokongwei-Mobel de Ayaba. Siya ang nakuhang model para sa pinakabagong commercial ng SHBS Chicken na trending ngayon sa social media.

Sa totoo lang, hindi rin sure si Loys kung paano siya naging commercial model samantalang ang layo naman ng kursong tinapos niya. 

Probinsyanang graduate ng BS Psychology mula sa Cebu na naniwala sa pinsan ng kaklase niya na pwede siyang maging artista.

One compliment and three successful print ads later, heto siya ngayon, nangangawit ang mga pisngi kakangiti para sa Sagad Hanggang Buto ang Sarap Chicken. 

Yawa. Nakalabing-anim na take na sila, at hindi niya pa rin makuha-kuha kung paano ba 'yong sarap na hinahanap sa kanya.

"Hija, Lo—ano nga pangalan nito, Rachelle?" Kinalabit ng direktor na may pulang buhok ang matangkad na chinitang babaeng katabi nito.

Huminga nang malalim si Rachelle, today's commercial's producer na kilala sa pagiging accurate at efficient sa mundo ng commerical shoots. Yinakap nito ang clipboard na hawak. She looked up and stared blankly at Loys.

Naibaba ni Loys ang hawak na manok at umayos ng upo. She wiped the MSG off her mouth and stared back at Rachelle. 

"Loys," sabi nito. "Loys pangalan niya."

Tumango si Direk Endee at ibinalik ang atensyon kay Loys. Medyo 'di gets ni Loys kung bakit bawal pumikit para ipakita na "masarap" 'yong chicken. 'Di ba halos lahat naman nakapikit sa mga commercial ng pagkain?

"Loys, 'no? Oo? Medyo redundant na kasi 'yong pagpikit, oo? Lahat na lang ng commercial ng pagkain, pumipikit. How about you express the satisfaction with your eyes, oo? Puwede naman sigurong masarapan na dilat, oo?"

Parang nanghina si Loys. Paano ba kasi 'yon? 

Direk must've noticed her discomfort. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Direk Endee's high cheekbones glow under the bright studio lights. Everyone in the room stood in awe of this generation's youngest, most promising director. 

Kilala si Direk Endee sa kanyang mga trending at remarkable na mga commercial. At kahit na hindi na nagsisimula na siyang gumawa ng mga pelikula ngayon, may mangilan-ngilang pagkakataon na gumagawa pa rin ito ng commericials.

Tama nga si Rachelle sa sinabi nito kanina habang inaayusan si Loys.

Maswerte ka kasi darating ang panahon, hindi na siya magdi-direk ng mga commericial. You will be one of the last ones. 

Grateful naman talaga si Loys lalo na't medyo brinaso ni Sol, pinsan ng friend niyang si Cassie ang commercial na ito. Kaibigan kasi ni Sol si Rachelle kaya mas naging madali ang mga bagay. 

Pero ang siste, heto siya ngayon at hindi magawang masarapan nang dilat.

Nakita niya ang mga camera man na mas lumapit sa hawak na camera. Umayos ng upo ang assistant director, huminto sa pagkuwekuwentuhan ang mga makeup artist at iba pang crew.

Mas idinikit sa kanila ang mic. Rachelle gave Direk Endee a firm nod of support.

Tumango pabalik si Endee. Si Loys? Dinilaan ni Loys ang breading sa bibig niya.

Then...

"Thank you very much! You know I love fried chicken!" Kumembot si Direk Endee at dumilat sa camera saka kumurap-kurap. "Try Sagad Hanggang Buto sa Sarap Chicken now!"

He then turned to Loys. Si Loys na nanginginig ang mga tuhod sa ilalim ng lamesa at pinagpapawisan sa init ng mga ilaw. Kasabay ng mga mata ni Direk ay lumingon din lahat ng ulo sa kanya.

"Ikaw naman, be. Try mo dali."

Loys scooted back in her seat, eyes wide and MSG-coated lips trembling. "Ako po?"

Direk Endee gave her a look. Umigiting ang panga nito. "E sino pa nga ba? Forda not listening ang ferson? Sa tingin mo sino ang gagawa? Ako ba? Siya ba? Kaming lahat ba? Palitan niyo to ah. Imbyerna ako."

Well, kung hindi pa obvious, Loys cried that day. At dahil sa sama ng loob, nagawa niyang hilingin na sana pag nakatulog na siya, paggising niya, okay na ang lahat.

-

Pagdating ni Loys sa condo, isinandal niya ang hinubad na rubber shoes sa dingding. Nahuli ng kanyang tingin ang mga bagong labang damit na hindi pa naitutupi sa sofa.

To her right, puno pa rin ng hugasin ang lababo. Naiwan niya rin 'yong ulam na niluto kanina na walang takip dahil sa pagmamadali.

She walked up to the counter and took a quick sniff of her famous kaldereta. Shemay. Nakakaiyak. Panis na ito at may bula na sa gilid.

Kinuha niya ito para itapon pero nakita niya na puno na pala ang basurahan. That was when her shoulders fell. Para siyang binagsakan ng langit at lupa. Technically, kasalanan niya naman lahat ng kalat, pero nakakapagod pala.

Halos isang taon na rin siya sa Manila, at admittedly, masaya naman talaga noong una. Sunod-sunod ang projects niya, pagkatapos ang problema niya lang naman bills at pagkain. Sa Ate Joselle niyang nasa Australia naman ang condo, at supportive ito sa mga pangarap niya even though their parents have doubts.

Pero tuwing nauulanan si Loys sa labas habang nakapila sa MRT, o kaya nakatatanggap ng rejection sa mga audition, nauubos fighting spirit niya.

Ang hirap pala habulin ng pangarap lalo na kung talento ang produkto mo at hindi credentials. Parang ang hirap ibenta ng produkto na mayroon ang lahat.

What sets you apart from the rest is charm, luck, polished skill, and connections na rin siguro minsan.

Loys is so different from the rest though, and sometimes she feels like it's in a bad way. Hindi siya lumaki sa industriyang ito. Hindi siya nepotism baby. Hindi rin siya nagmo-model bata pa lang. She's just a girl with big dreams and unrealistic expectations sa sarili.

Nakakapanlumong mangarap kung wala ka namang sapat na tools para maabot iyon.

Pagkatapos magligpit ay naligo na si Loys. She then stood in front of the mirror in her Seventeen pajama, basa ang buhok at nagsusuklay.

She began to nitpick everything about herself. Her height, tall but average. Her boobs, huge, but she lacks the butt to make it a complete set. Kinapa niya ang tiyan at ang naipong love handles mula sa ilang buwang pag-order ng fast food. Pinisil-pisil niya iyon, at saka huminga nang malalim. There she was again, loathing the things that she tried to love about herself.

Mahal naman ni Loys ang sarili pero sana gabi-gabi, tuwing haharap siya sa salamin at ipepresenta ang sarili sa pinakakritikal na audience niya - ang sariling mga mata - sana hindi niya kamumuhian ang makikita.

Nakakalungkot kasi na kaya mong maging maganda sa harap ng lente ng camera at sa paningin ng iba, pero hindi sa salamin kapag mag-isa ka. What betrayal it is to actually loathe your supposed first love.

Her eyes are very pretty though. Sabi rin nila na award-winning ang smile ni Loys. 'Yong ngiting pang-toothpaste commercial at nanalo sa lotto. Pero sa mundo na puno ng magaganda at mga taong may lamang sa kanya, anong panama ng smile niya?

Padabog na inilapag ni Loys ang suklay sa kama saka tumalon dito. She pulled the covers over her head and counted to ten.

Hindi siya dapat umiyak. Napahiya siya kanina sa set pero may naiuwi siyang dalawang bucket ng chicken at talent-fee na kasya sa pang-dalawang linggong grocery.

'Di na siguro siya kukunin ng mga iyon pero at least makaka-survive siya ngayong linggo.

A win is a win.

After the mental pep talk, she swallowed the lump in her throat and closed her eyes. Halloween na bukas, at kahit naman gloomy ang mood, dapat bright pa rin siya.

Sana paggising ko, okay na ako. Sana maintindihan ko kung ano ba ginagawa ko. Para sa'n ba 'to? Ano ba talaga gusto ko? 

A lone tear rolled down her cheek pero dahil tapang-tapangan si Loys ngayong gabi, 'di niya 'yon pinunasan. Instead, she shut her eyes tighter and tried her best to sleep.

Sinong mag-aakala na pagkatapos ng ilang hilik ay matutupad ang kanyang hiling?

-

Nagising si Loys na kasi hinahabol siya ng fried chicken at ng isang matangkad na direktor na may pulang buhok—

Joke lang.

Mas nakakatakot ang nakita ng kanyang mga mata.

May pagkain din naman pagkagising ni Loys. Pandesal iyon in fact, pero ang pandesal na iyon ay hindi nakakain, because it came in a pack of abs.

Abs na kumikinang sa pawis at gumagalaw mula sa hingal. 

Hingal sa workout! Kayo talaga.

Loys's scream was trapped in her throat. Imbes na tumakbo ay napaatras siya sa higaan dahil sa gulat. A shaking finger pointed at the gorgeous, half-naked man in front of her.

Matangkad ito, maybe a foot taller than her. He's lean but toned. Itim na itim ang buhok at ang mga matang nakatitig sa kanya na may pagtataka. He has an angular face at ang matangos nitong ilong ay may hikaw. Moreno at ito at may mga tattoo sa katawan. 

Ink dressed his skin like fine satin silk on a woman's body.

Mayroong malaking ibon sa bandang dibdib. 

May espada sa... likod. Likod, siyempre. May shield pa ngang kasama.

Then, there were written words of a language she couldn't understand.

He was a stunning human being, standing in front of her in nothing but a black towel. Pero sa lahat ng ikinagulat ni Loys, iyon ay ang mga labing nitong sobrang pula. His lips curved into a smirk, then he blew out gold smoke.

Napanganga si Loys. May vape pala na gold ang usok?

"Why are you looking at me like that, baby?" tanong nito. Hindi alam ni Loys kung ano ang na-unlock sa kanya pero as if the play button has been hit, her voice started working again and she screamed.

Tama pala ang payo ni Direk Endee, dapat palaging dilat ang mata. Pero dahil sa gulat, hindi iyon nasunod ni Loys. 

She screamed in her bed before a half-naked guy, then passed out.

Dahil sa takot, siyempre. Duh.

-

Pagkagising ni Loys nasa kama pa rin siya, but this time, katabi niya na ang lalaking kanina ay nakahubad. Startled, she jumped away from him. Mabilis siyang naghanap ng pwedeng ipamalo sa lalaking natutulog sa tabi niya, and the nearest thing was...

"Shutanginamers! Bakit may ibon dito?!"

Her shrieking stirred the man awake. Dumilat ang isa nitong mata at tumaas ang makapal na kilay. "Baby, what are you doing with my wings?"

Nabitawan ni Loys ang wings na hawak. She remained there, both knees on the bed and hand over her mouth. Hindi makagalaw si Loys. Namamanhid ang katawan niya and her hands are cold. Narinig niya ang kaluskos ng wings sa sahig, and though horrified, she had no choice but to look. 

Kulay itim ito na tila may pagka-gold tuwing natatamaan ng sikat ng araw. The guy was right, they were wings, and they were as big as a regular sized backpack.

At nang makita ito muli na gumalaw, sumigaw na si Loys.

"Whoa, calm down." Hinablot siya ng lalaki para yakapin sa likod. Loys tried to shove him away kaso sa sobrang panginginig ay halos hindi niya na maramdaman ang sariling katawan.

"Ano 'to? What? Paano—"

Tumayo ang lalaki at pinulot ang pares ng itim na pakpak, at his touch, lumiwanag ang kwarto ni Loys. At sa muling pagbulat ng kanyang mga mata, nakakabit na ang wings sa likod ng lalaki. This time, it span from wider than a meter at ang dulo nito ay sumasayad sa malamig na tiles ng kanyang kwarto.

He flapped them twice before flashing Loys a disarming smile.

Putang ina, ano 'to? Si Kamatayan ba 'to?  Tangina bakit ang gwapo? AFAM pala si Kamaytan saka medyo ma-abs ano? Saka parang—

Humakbang ito palapit sa kanya.

"'Wag kang lalapit sa akin—"

"Anong problema sa 'yo, today? Bakit ganyan ka?" tanong na lalaki sa kanya. "Okay ka naman kahapon. Ikaw pa nga nagligpit sa wings ko kagabi before we—"

"Hep, hep," pag-awat ni Loys sa lalaking tila namomroblema nang sobra. "Sino ka at bakit ka nasa condo ko?"

A flabbergasted look was what he gave her. A beat passed, and then, "Loys, ako 'to si Jatoy, si Jatoy na mahal na mahal ka. Ang boyfriend mong mafia vampire angel na CEO."

Loys picked up a pillow and threw it at his face. "Aba gago ka pala, e. Adik ka ano? Umamin ka! Lumayas ka rito o tatawag ako ng pulis!"

He looked like he wanted to defend himself, pero nang makita na determinado si Loys, tumango na lang ito at saka nagsimulang umalis. He sighed and rubbed his temples before giving her a defeated nod. He didn't even bother putting on clothes. He just strutted out of her condo in nothing but dark ripped jeans and his creepy wings.

Nagbagsak pa talaga ng pinto ang gago bago tuluyang umalis. Tampo yarn?

Nang marinig ni Loys ang pag-alis nito, kahit nanginginig pa ay agad niyang kinuha ang cellphone para tawagan ang best friend niyang beauty queen na si Cassie. As expected, tatlong ring pa lang ay sumagot na ito.

"Henlo, sweetie. Good morning sa 'yo. Sobrang late naman yata ng pagtawag mo. Napagod ka siguro masyado kagabi."

"Cassie," Loys hissed her friend's name. "Tumawag ka ng pulis! May lalaki rito sa condo ko, gago, inaaswang yata ako. Naka-drugs ba ako? Putang ina, 'yong MSG ba 'yon sa manok o ano?"

There was a pause from the other line. "Lalaki? What do you mean? Pinalitan mo na si Jatoy?"

"'Yan, 'yan! Kilala mo pala 'yang hayop na 'yan! Ano 'to ah, prank niyo sa akin ni Sol?"

"Bakit naman kami nadamay na magpinsan diyan sa trip niyong magjowa?"

"What?"

"Loys, are you okay? You know what, pupuntahan ka nga namin. You're being so weird."

-

"O, tubig ka muna." 

Kinuha ni Loys ang inabot na tubig ni Sol saka tiningnan ang magpinsan. "Ibig niyong sabihin hindi ito Manila kundi Banila at hindi rin ako aspiring model kundi isang mafia princess na boyfriend ang isang mafia angel CEO? Tapos ikaw, hindi kita manager kundi may-ari ka ng pinakasikat na mga gym dito sa Banila at isang world-renowned author, tapos si Cassie... isang singer, model, influencer, beauty queen, zillionaire, entrepreneur, at girl boss na mahaba ang legs at may... jowang gwapo na mabango at matalino at seeet at masipag saka faithful? Yawa. May jowa tayong tatlo?"

Itinuro siya ni Sol, namamangha. Nakapusod ang purple nitong buhok at nakarolyo ang manggas ng suot na itim na T-shirt. Maski pala ang alternate-world na Sol ay nagwu-workout din.

"Tangina, ang galing nito oh. Nakuha agad after four hours ng pag-e-explain. Pero yes, three years na kami ng girlfriend ko."

"Ewan ko, e," sabi naman ni Cassie. She was sitting crossed-leg in front of Loys, hawak ang bejeweled na cellphone at nakakunot ang noo. "Feeling ko talaga may problema siya. Naniniwala ka ba na hindi talaga siya 'yong Loys natin?"

Sol gave Loys an assessing look at agad namang nilinis ni Loys ang namuong muta sa mga mata. "Yeah, hindi 'to si Loys natin. Masyado 'tong maganda para maging si Mafia Princess Loys."

Loys blushed. "Ehe, keye nemen. Sebre nemen—"

"So pano 'yan ibabalik? Magagalit yong si Jatoy na iba 'yong nandito."

"Tapon na lang natin, saka hanapin 'yong totoong Loys. Magpapakain ka pa rito tapos gagastos pa 'to—"

"Hoy! Teka lang naman. Kumalma kayo! Kaya ko namang bumalik mag-isa. I just need help."

Cassie rolled her eyes. "Anong help? Bakit ka naman namin tutulungan? Hindi naman ikaw si Loys namin."

"Kawawa naman," Sol said. Tumingin ito kay Loys. "Naaalala mo ba kung paano ka napunta rito sa mundo namin? Maraming kakaiba sa mundo naming 'to kaya sanay na kami sa mg ganito. One time nga si Cassie nawala rin, tapos 'yong pumalit sa kanya, Kendall daw pangalan, 'di man lang namin namalayan na iba na pala siya. Sobrang magkamukha."

Tumaas ang kilay ni Loys. "Kendall Jenner?"

"'Yan, oo! 'Yan nga. Nakabalik siya after niyang ma-realize ang importansya ng buhay niya kung saan man siyang lupalop galing." Sol sat next to Cassie. Ipinatong nito ang parehong siko sa magkabilang hita saka nag-isip.

Loys blinked at the both of them. "Hindi ba dapat self-discovery 'yon? Hindi 'yong sasabihin niyo sa akin 'yong gagawin? Ganoon 'yon sa mga pelikula."

"Ay beh, one-shot kasi 'to? Hindi full novel? 'Wag mo damihan 'yong stakes kasi masyadong mataas na word count niyan," sabi naman ni Cassie.

"Ha?" Pinagsasabi nito?

"Isipin mong mabuti." Tumayo si Cassie. Shems. Ang tangkad niya nga. 5'10" siguro 'to. "Ano ba 'yong bagay na gustong-gusto mong mangyari o insip mo bago ka mapunta rito?"

Loys tried to remember last night's thoughts with her eyes closed. Medyo masakit ulo niya dahil na rin siguro sa gulat at halo-halong emosyon, pero medyo naalala niya ang nangyari.

Galing siya sa commercial shoot ng fried chicken at dahil medyo nagsisisi at napapagod na sa piniling larangan ay pinagdasal niya na sana maging okay na ang lahat pagkagising niya.

Okay, fine. Saka hot na jowa na rin na mayaman. 

She let out a gasp. Sabay na napatingin sa kanya si Cassie at Sol. "Alam ko na! Dapat ma-realize ko na hindi ito ang mundong pangarap ko. At para magawa ko 'yon, I need to live in it for a while."

"Ngek." Kumunot ang noo ni Sol. "Parang malabo naman mangyari 'yong mukhang walang Jatoy sa mundo niyo."

"Pero may point siya," sabi naman ni Cassie. "Let her live her for a couple of days. Kapag hindi pa rin siya makabalik nang kusa, pwede naman natin siyang burahin." 

Napalunok si Loys. Seryoso ang maganda at maamong mukha ni Cassie. "Oo, I promise, gagawin ko ang best ko para makabalik. I will live here to return to the life I deserve."

-

Habang nakayakap si Loys sa makisig na braso ni Jatoy at napapayungan ng security nito, napaisip si Loys—hindi ba talaga ito ang life na deserve niya?

Nakataas ang mga paa niya at nakaharap sa infinity pool. May freshly squeezed tangerine juice with extra Vitamin Double C, collagen, and glutathione plus Gingko Biloba with calcium, phosphorus, and Vitamin Ikaw Ang Pinili Sa Wakas Pro Plus, 256GB din siya.

Higit sa lahat, kayakap niya si Jatoy. Si Jatoy na mahal na mahal siya. So kahit na madalas na nakamasid sa kanya si Cassie at Sol. Bakit pa siya babalik?

"BabyHoneyBrownieCottonCandySweet, how are you feeling na? You were so weird yesterday noong nakita mo na detachable wings ko."

Loys snuggled closer to him. "Eh kese nemen, nagulat nemen kese eke. Bagong gising pa lang kasi ako noon, BabyHoneyBrownieCottonCandySweet."

"Okay lang, BabyHoneyBrownieCottonCandySweet. What matters is that we're together now. Forever and ever. Walang katapusan magpakailaman."

Her heart! Parang nangisay sa kilig si Loys. Ganito pala pakiramdam na walang worry sa buhay. Ang kailangan mo lang isipin ay maging masaya. You wake up everyday with the goal of being happy, relaxed, and fulfilled, at hindi iyon natatapos doon! Gagawin mo siya forever and ever and ever and ever—

"Lahat naman ng bagay lumilipas, e. Masaya man o masakit, kaya kapit ka lang."

Loys brows furrowed. Teka, parang pamilyar ang boses na 'yon. Jatoy kissed her on the cheek when he saw how quick her mood changed. Ngumiti naman siya pabalik dito at humalik din.

"Kaya kahit malayo si ate, 'wag mong kakalimutan na palagi kitang naiisip."

Napaupo si Loys at napahawak sa sintido. Shems. Her ears were ringing at kumikibot ang kanyang sintido.

"BabyHoneyBrownieCottonCandySweet, okay ka lang?" Pinunasan ni Jatoy ang namumuong malalamig na butil ng pawis sa noo ni Loys. "Everything good? Namumutla ka."

Sinubukan ni Loys na hawakan ang braso ni Jatoy (kasi duh saan naman siya hahawak?), pero mas lalong sumakit ang ulo niya. Para itong binibiyak at tila namamanhid ang kanyang buong katawan.

"Pag-uwi ko, dalhin mo ako sa trabaho mo ah. Gusto kitang mapanood na nagshu-shoot ng commercial."

"Yes, Ate Joselle."

"Ah! Tama na!"

"Loys?"

Humarap si Loys kay Jatoy. Isang kurap at nagbago agad ang anyo nito. From an angelic, sculpted face, he morphed into a monster with melting skin that reeked of burning meat.

Sumigaw si Loys! She jumped away from him. Humaba ang malalaking braso ni Jatoy at pilit siya nitong inabot, but Loys pushed him away. Kita ang natutunaw na mukha nito at ang mga labing napuno ng kulugo.

Ang dating maliwanag na pool side ng mamahaling condo na tinitirhan nila ni Jatoy ay naging isang maputik at abandonadong building. She ran and ran, legs burning and chest heaving.

Impit ang sigaw ni Loys nang bumangga siya at madapa. Si Cassie!

Cassie slowly turned to face her, nakangisi ito sa kanya at tawa nang tawa. Her chuckles slowly escalated until they turned hysterical. Ang mga mata nito ay nanlaki at lumuha ng rhinestones. Kahit nasa sahig at 'di makagalaw, gumapang si Loys palayo kay Cassie, scratching her knees on the pavement.

Pag-atras niya ay narinig niya ang garlgal na boses ni Sol. Hinila nito ang buhok niya at agad siyang sumigaw.

"Lumayo kayo sa akin!"

"Habang buhay ka na rito," they both chanted. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Magkasabay ang dalawa na humakbang papunta sa kanya. In the corner of her eye, she spotted Jatoy inching closer. Rinig ang malakas na hampas ng pakpak nito.

Loys's heart drummed in her chest at nalalasahan niya na ang sariling mga luha. She tried to scream but her voice was stuck.

Habang buhay. Habang buhay. Habang buhay.

"Tama na!" sa wakas ay sigaw niya. Sol, Cassie, and Jatoy smirked at her.

"Habang buhay," sabi ni Jatoy sa kanya bago tuluyang dumugo ang mga mata nito.

Nang sa wakas ay makasigaw si Loys, saka tuluyang dumilim ang kanyang mundo.

-

"Grabe ah, tulog mantika."

Loys's eyes fluttered open at ang una niyang nakita ay ang mukha ng Ate Joselle niya. Her ate stood at the foot of her bed, nakasuot pa ng longsleeves at scarf. Magkapatong ang mga braso nito at nakakunot ang noo sa kanya. "Halos isang oras na ako rito, 'di mo man lang namalayan?"

"Ate!" sigaw ni Loys at dali-daling tumalon para yakapin ang ate. Keber na kung bad breath siya at puno ng muta. She's back. Umatras si Loys para hawakan ang mukha ng kapatid.

"Ano ba 'yan, Loys. Bakit grabe ka naman makahimas?" 

"Ate, kailan ka pa nandito? Akala ko ba next month ka pa uuwi?" 

Ate Joselle flicked her nose and grinned. "Surprise ko sa 'yo kasi birthday mo na next week. Na-miss kita, e."

Loys sniffled. Pinunansan nito ang tumulong sipon. "Akala ko 'di tayo magkakasama ulit e."

Ate Joselle gave her an incredulous look. "Ano ka ba? Sabi ko naman sa 'yo, e. Lahat lilipas - lalo na ang hirap."

Fighting the urge to burst into tears, Loys hugged her sister tighter and thanked the heavens for granting her wish.

Okay na nga ang lahat. At sa unang pagkakataon, Loys was comforted by the fact that nothing is permanent, especially hardships.

Jowa na lang talaga kulang. Baka lang naman kasi! Last hirit na!

THE END.

Continue Reading

You'll Also Like

9.9K 38 6
A young girl named Abigail will have to deal with her stepmother for six months Comments, criticisms and suggestions welcome
14K 211 28
Some Chenford stories.
161K 6.5K 73
โžฝJust short love stories...โค โ‡โค๏ธ. โ‡๐Ÿ–ค. โ‡โ™ฅ๏ธ. โ‡๐Ÿ’™. โ‡๐Ÿฉท. โ‡๐Ÿค. โžฝ๐Ÿ’›Going on. โžฝ๐ŸฉถComing up [Ignore grammatical mistakes. I will improve my writing gradual...