The Bad Boy's Princess

Por MoonLightPurple

3.3M 62.6K 5.5K

[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] No one dares to mess with the PRINCESS becau... Más

Prologue
Bad Boy's Princess 1
Bad Boy's Princess 2
Bad Boy's Princess 3
Bad Boy's Princess 4
Bad Boy's Princess 5
Bad Boy's Princess 6
Bad Boy's Princess 7
Bad Boy's Princess 8
Bad Boy's Princess 9
Bad Boy's Princess 10
EPILOGUE

Bad Boy's Princess 11

203K 4.1K 317
Por MoonLightPurple


A/N: Sorry ngayon lang ang update. Been busy e :) Anyways, sa lahat ng mga matiyagang naghihintay... heto na po. ENJOY READING!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS. You can FOLLOW ME if you want to :)


===========================


(Kaylee's P.O.V)


Pagkatapos naming mag-usap ni momma kahapon, agad kong tinawagan si Bryne pero hindi siya sumasagot. I tried texting him as well pero hindi rin siya nag re-reply. Nang puntahan ko siya sa bahay nila, wala siya dun. Maging sa condo niya. At hanggang ngayon nga, hindi pa rin niya sinasagot ang mga tawag ko. Hindi rin siya pumasok ngayon sa school. Tinanong ko rin sina Hans, Fire, Ethan, at Ice pero hindi rin daw nila alam kung nasaan siya. At sa kasalukuyan nga, hinahanap ni Hans kung nasaan si Bryne. God! I just hope he's okay.


Kasalanan ko 'to e! Kung hindi lang kasi ako nagpaka-selfish, hindi 'to mangyayari. Imbes kasi na suportahan ko siya sa desisyon niya, mas pinahirap ko pa ang lahat para sa kanya. Imbes na pagkatiwalaan ko ang relasyon namin, mas pinili kong makipaghiwalay sa kanya kahapon.


"Kaylee." Napatingin ako kay Yassie na siyang tumawag sa pangalan ko. Nakapag-sorry na ako sa kaniya, maging kina Hans dahil sa ginawa kong hindi pagpansin sa kanila these past few days. "Nahanap na ni Hans si Bryne. Papunta na raw sila sa condo ni Bryne," pagbibigay-alam niya.


Tumayo na ako at nagmamadaling umalis sa school para puntahan si Bryne sa kanyang condo. Nang tuluyan na akong makarating doon, naabutan ko si Bryne na mahimbing na natutulog sa kanyang kama. "Where'd you find him, Hans?" tanong ko naman kay Hans.


"Sa isang bar. Naglasing daw siya doon sabi nung bartender. Napaaway pa nga raw siya kagabi. Wala silang matawagan kagabi para ipasundo si Bryne dahil hindi raw niya dala ang kanyang phone," he answered.


Lumapit ako kay Bryne at umupo ako sa gilid ng kanyang kama. Marahang hinaplos ko ang kanyang mukha. Hindi nga maipagkakailang naglasing siya dahil ang lakas ng amoy ng alak sa kanya. Hindi rin nakalagpas sa mata ko ang sugat sa may gilid ng kanyang labi. I'm so sorry Bryne. This is all my fault. I did this to you.


"Kaylee, talk to him," narinig kong sabi ni Hans.


"I will."


"You know, he doesn't really want to leave you, Kaye. Narinig ko kagabi sina daddy at tito Brian na nag-uusap. Mukhang nagmakaawa si Bryne kay tito Brian na kumbinsihin ang kanyang lolo na wag na lang siya ang ipadala sa America," ani Hans na nakagulat siyempre sa akin. Nung mag-usap kasi kami ni Bryne kahapon, desidido na talaga siyang pumunta sa America. Hindi ko alam na pipiliin pa rin pala niyang manatili rito sa bansa para sa akin.


Tignan mo ang ginawa mo, Kaylee. Tignan mo ang resulta ng pagiging madamot mo! panunumbat ko sa sarili ko. Just this once, stop acting like a spoiled selfish brat to Bryne!


"Mauna na ako. Ikaw na bahala kay Bryne," pagpapaalam ni Hans bago tuluyang umalis sa condo ni Bryne.


Nanatiling nakatingin lang naman ako kay Bryne habang hinahaplos ko pa rin ang kanyang mukha. He would really do anything for me. Pero heto ako at hindi man lang maibigay sa kanya ang pang-unawang hinihingi niya. Sa huli, nakipag break pa talaga ako sa kanya.


"I'm really sorry Bryne..." naluluhang sabi ko sa kanya. Yumuko ako at ginawaran siya ng isang magaang halik sa kanyang noo. Hindi na ulit ako bumalik sa school. Inasikaso at binantayan ko na lamang si Bryne sa kanyang condo.


Gusto kong paggising niya, andito ako para makapag-usap na rin kami. I need to tell him how sorry I am for what I did yesterday and that I'm willing to let him go to New York. Sa pagbabantay ko kay Bryne, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nang magising ako, sa may kama na ako ni Bryne nakahiga. Pero si Bryne, hindi ko siya makita kahit saan. Nagmamadali naman akong bumangon at lumabas sa kanyang kwarto para hanapin siya. Baka kasi bigla ulit siyang umalis.


Napatigil lang ako at napahinga ng maluwag nang makita ko siya sa may sala at nanood. Mukhang bagong ligo lang siya dahil medyo basa pa ang buhok niya. Hinagod ko rin ng tingin ang kanyang katawan. Maliban kasi sa suot niyang pantalon, wala na siyang suot na pantaas. Mukhang naramdaman na ni Bryne ang presensya ko kaya napatingin siya sa gawi ko, pero agad din niyang binalik ang kanyang atensyon sa basketball game na pinapanood niya.


Napayuko ako. Dahil sa ginawang yun ni Bryne, hindi ko na tuloy malaman kung lalapitan ko pa ba siya para kausapin o aalis na lang ako dahil alam kong galit siya at baka hindi rin niya ako pansinin. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.


"What are you doing here?" maya-maya ay narinig kong tanong niya. At sa tono palang ng boses niya, ramdam ko na ang kalamigan niya sa akin.


Nang tumingin ako sa kanya, hindi siya sa akin nakatingin kundi sa may T.V. Hindi ko naman mapigilan ang pangingilid ng luha ko dahil sa cold treatment ni Bryne sa akin. Though kahit alam kong ako ang may kasalanan kaya siya ganito ngayon, hindi pa rin ako sanay na nakikita siyang ganito. Sobrang cold lang niya.


Don't cry Kaylee. Don't cry. Don't cry. Don't cry, paulit-ulit na sabi ko sa sarili ko nang maramdaman ko na nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko. Kasalanan mo kung bakit ganyan ngayon ang pakikitungo sa'yo ni Bryne kaya wag kang iiyak-iyak diyan.


Huminga muna ako ng malalim at tinangka ko pa ring pigilan yung mga luha ko sa pagtulo. No, I'm not going to cry. I'm not going to cry. Tumikhim ako bago nagsalita. "I'm here to apologize, Bryne." Nakatingin pa rin ako sa kanya kahit hindi siya sa akin nakatingin. "I'm sorry sa ginawa ko kahapon. Hi–Hindi ko sinasadyang sabihin yun."


Doon lang napatingin sa gawi ko si Bryne. Hindi siya nagsalita, basta nakatitig lang talaga siya sa akin. At nang hindi ko na makayanan ang pagtitig niya sa akin, yumuko ako. "Do you know what you just did yesterday, Kaylee?" I heard him asked.


He called me by my name instead of calling me 'princess'. Talagang galit nga siya sa akin and I don't blame him for feeling that way towards me. "Do you?!" Di ko napigilang mapaigtad sa gulat dahil sa pagtaas ng boses ni Bryne.


"Y–Yes... b–but I didn't mean it."


I heard Bryne gave out an exasperated sigh. "You don't mean it?! So what?! You just said it as a joke?!" Napaigtad ulit ako nang bigla na lang ibato ni Bryne yung remote sa pader. A whimper even escaped from my lips. Ang lakas din ng tibok ng puso ko at di ko rin mapigilang makaramdam ng takot. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na makita ko si Bryne na ganito kagalit. "You know what Kaylee, you should have just killed me yesterday instead of saying that you're breaking up with me." Natigilan ako sa sinabing yun ni Bryne. Nang mag-angat ako ng tingin, wala ng mababakas na galit sa kanyang mukha. Tanging lungkot lang... Para tuloy piniga ang puso ko sa ginawa ko kahapon. Dahil kasi sa ginawa kong yun, nasaktan ko ng sobra-sobra si Bryne. Because of my selfishness, I inflicted Bryne so much pain and sadness. Ako ang rason kung bakit nasasaktan ngayon si Bryne, kasalanan ko...


Kahit medyo natatakot pa rin ako, naglakad ako palapit kay Bryne. Then I reached for him and hugged him tightly in my arms. "I'm so sorry, Bryne... I'm very sorry." Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni Bryne. And his body, it's trembling.


"I can't lose you, Kaylee... I can't..." Mas tumindi pa ang guilt na nararamdaman ko. Sa tono kasi ni Bryne, nararamdaman kong natatakot talaga siyang mawala ako sa kanya. It's like if he's gonna lose me, he'd rather choose to die than live a life without me. Ganun katindi ang pagmamahal sa akin ni Bryne, kaya paano ko yun nagawang pagdudahan kahapon? Ang tanga ko talaga! Wala lang akong kasing tanga sa ginawa kong yun!


"You won't lose me, Bryne," I told him to calm him down.


"Hindi na ako aalis. Hindi na ako pupunta sa America. I'll stay by your side, so don't leave me, Kaylee," pagmamakaawa niya.


Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinignan ko siya mata. "Listen to me Bryne, I will never leave you. I won't, I promise..." I reached for his face, and wiped the tears falling from his eyes. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na umiyak si Bryne, at ako ang may kasalanan. Ako ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon. I'm really sorry, Bryne. Hindi ko alam na sa ginawa ko kahapon, masasaktan kita ng ganito. "I will not leave you Bryne, but you need to go," dagdag ko na ikinabigla niya.


"K–Kaylee..." usal niya sa pangalan ko habang kababakasan pa rin ng pagkagulat ang kanyang mukha. Pero ilang sandali lang, napa-iling siya. "I won't go. If going to the States means losing you, then I won't go."


"Listen to me Bryne, you need to go and I want you to go. Pag pumunta ka sa America, hindi ibig sabihin nun na mawawala ako sa'yo. We'll make our relationship work kahit nasa New York ka at nandito ako."


"Kaylee..."


"Your grandfather needs you, Bryne. He needs your help so you need to go." I even smile at him to reassure him that it's really okay for him to go to New York.


"Are you sure? Because if you don't really want me to go, then I won't go princess," he said.


I know, Bryne. Isang sabi ko lang talaga, pwede siyang hindi pumunta sa America. Pero ayokong gawin yun, ayoko ng pigilan siya sa pag-alis niya kahit nalulungkot pa rin ako sa isiping hindi kami magkakasama ng dalawang taon. Kailangan siya ng lolo niya sa America, so I won't stop him from helping his own grandfather. I know that he really wants to help him, kaya kahit masakit, kakayanin ko dahil ayokong pagsisihan niya 'to balang araw. Ayokong pagsisihan niya na hindi siya pumunta sa America para tulungan ang kanyang lolo.


"You should go Bryne. I promise, I'm gonna be okay. Basta ipangako mo lang na after two years, babalik ka na sa akin."


He cupped my face. "I promise, princess. I'll definitely come back for you," he said. Nginitian ko naman siya. That's all I want to hear, Bryne. "I love you so much, princess."


"I love you too, Bryne," I answered back, which made him smile.


He then bent down his head until his smile faded from my eyes and I felt his lips finally touching mine.


*****


Sa mga sumunod na araw, halos hindi na kami mapaghiwalay ni Bryne. Paminsan, sa condo pa nga niya ako natutulog. Pinapayagan naman ako nina daddy at momma dahil may tiwala sila sa aming dalawa ni Bryne.


"Kaylee, are you okay?" narinig kong tanong ni Yassie at parang doon lang ako napabalik sa realidad. Siya ang sumundo sa akin sa bahay at papunta kami ngayon sa PUB para sa despedida party na inihanda naming magkakaibigan para kay Bryne.


Pilit akong ngumiti kay Yassie. "I–I'm fine," sagot ko kahit ang totoo ay hindi talaga ako okay. Ito na kasi ang huling gabi na makakasama namin si Bryne dahil bukas ng hapon ay aalis na siya gamit ang private jet nila. At dahil nga dun, binabalot tuloy ako ng sobrang kalungkutan. Kahit naman kasi okay na sa akin yung pag-alis ni Bryne, hindi ko pa rin mapipigilan na hindi malungkot. Dalawang taon din kasi ang hihintayin ko bago ko siya makasama ulit.


Napatingin ako kay Yassie nang hawakan niya ang kamay ko at marahan yung pinisil. Hindi siya nagsalita at ginawaran lamang niya ako ng ngiti. At para bang sa ngiti niyang yun, sinasabi niyang 'magiging okay din ang lahat'.


Nang makarating na kami sa PUB, naabutan namin doon sina Hans, Andrea, Ethan, yung twins, at siyempre, si Bryne. Agad akong nginitian at nilapitan ni Bryne saka niyakap. "Hey, princess," he greeted as he planted a soft kiss in my cheek.


Ngayon ang huling araw na makakasama ko si Bryne kaya kahit sobrang nalulungkot ako, pinilit ko pa ring maging masigla sa harap niya. Ayokong makita niyang nalulungkot ako dahil baka mas mahirapan lang siyang umalis pag ganun. I want to be strong for him... for both of us. "Hi, baby!" I beamed back.


"Ba't ang tagal niyo?" biglang tanong naman ni Hans.


"Uso ang traffic dito sa Pilipinas, babe," sagot sa kanya ni Yassie na akbay-akbay niya. Natawa na lang si Hans sa sagot na yun ni Yassie.


"OKAY PEOPLE, LET'S START THE PARTY!" Fire and Ice both shouted enthusiastically. At sinimulan na nga namin ang despedida party ni Bryne. Isa-isa kaming nagbigay ng toast speech para sa kanya.


"Have a safe trip pare. Ingat ka dun sa New York," ani Ethan.


"Thanks man." At nag-handshake silang dalawa.


"Pag-uwi mo, wag mong kalimutang mag-uwi ng dalawang chiks galing New York ha?" nakangisi namang sabi ni Ice nang turn na niya.


"Oo nga, pasalubong dre!" segunda pa ni Fire.


"Tss...", sagot na lamang ni Bryne sa request nung dalawa.


"Basta mag-ingat ka lang dun para hindi kami mag-alala sa'yo. Lalo na si Kaylee," Andrea said when it was her turn.


Now, it's Yassie's turn. "Just make sure you come back after two years. At wag mo ng alalahanin pa si Kaylee, kami na ang bahala sa kanya dito. We'll take care of her and we'll make sure na hindi siya malulungkot habang wala ka," aniya.


Pagbaling ko kay Yassie, nginitian niya ako at hindi ko rin napigilang mapangiti pabalik. "Oo nga bro, pagtuunan mo na lang yung pag-aaral mo dun at yung kompanya niyo. Pero wag mo rin naman kalimutang magparamdam sa amin. Lalo na kay Kaylee para kahit nasa malayo ka, hindi siya malungkot dito," sunod na sabi ni Hans. "At gaya nga ng sabi ng girlfriend ko, kami na ang bahala sa kanya rito. Hinding-hindi namin siya pababayaan," dagdag pa niya at di ko mapigilang ma-touch sa sinabi niya maging sa sinabi ni Yassie.


Nginitian ni Bryne si Hans then he gave him a brotherly hug. "Thanks, man. Take good care of my girl for me," narinig ko pang sabi ni Bryne kay Hans. And Hans gently tapped Bryne's back.


"I will," he assured him.


Napangiti ako habang nakatingin ako sa kanilang dalawa. Talagang kay Hans ako hinahabilin ni Bryne sa tuwing wala siya sa tabi ko. Though he's also close with the other guys, mas close pa rin talaga siya kay Hans dahil simula palang nung bata sila ay magkaibigan na silang dalawa. Hans is like a brother to him at sobrang laki ng tiwala niya sa kanya. Kaya alam kong panatag ang loob niyang umalis dahil alam niyang nasa tabi ko lang si Hans.


Lahat sila napatingin na sa akin dahil turn ko na. Pakiramdam ko, parang may bumara bigla sa lalamunan ko. Di tuloy ako makapagsalita. "Princess?" usal ni Bryne.


"A–Ahm..." Tumikhim ako. "Ano... wag na wag mong kakalimutan yung pangako mo sa akin. Tuparin mo yun," sabi ko na lamang. Lumapit sa akin si Bryne at hinapit ako sa bewang ko.


"I will," nakangiting sabi pero sa seryosong tono.


Nagkanya-kanya na kami ng kain, inom, at masaya rin kaming nagkwentuhan. Ine-enjoy naming lahat ang huling gabing 'to na makakasama namin si Bryne. Nagyaya sina Yassie at Andrea na sumayaw pero pinili kong magpa-iwan na lamang. Unti-unti ulit kasi akong nalulungkot. Ba't ba kasi ang bilis ng oras ngayon? Hindi ba pwedeng huminto na lang ito? Napabuntong hininga na lamang ako sa isiping yun. Napatingin ako sa may dance floor at pinanood ko na lang yung mga kaibigan kong sumasayaw.


Maya-maya ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko at pinulupot nito ang kamay niya sa bewang ko. Then he rested his chin on my shoulder, at halos magkalapat na ang pisngi namin. Base sa amoy ng pabango niya at sa pagbilis ng tibok ng puso ko, alam kong si Bryne itong yumakap sa akin.


Mukhang tapos na silang mag-usap ni Hans. Lumayo kasi sila saglit sa amin para mag-usap na dalawa. Kung tungkol saan yung pinag-usapan nila, hindi ko rin alam. "Bakit nandito ka lang, hmm?" mahinang tanong niya sa masuyong tono.


Napakagat labi naman ako nang maramdaman kong nangilid na ang mga luha ko at nagbabadya na silang tumulo. Hindi pa man umaalis si Bryne pero sobrang nami-miss ko na siya at yung mga moments naming ganito. Yung yakap-yakap niya ako, yung nararamdaman ko ang presensya niya sa tabi ko.


At nang di ko na nakayanan, napa-hikbi na ako. Isa-isa na ring nagtuluan ang mga luha ko. "Hey... don't cry princess..." masuyong sabi ni Bryne na bumitaw mula sa pagkakayakap niya sa akin at iniharap ako sa kanya saka doon ako niyakap. Isinubsob ko naman ang mukha ko sa dibdib niya at doon nag-iiyak. "Princess. I can still–"


"Mmm..." Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling. "Y–You're going... mami-miss lang kasi kita ng sobra kaya ako umiiyak."


He heaved a sigh. "I'm gonna miss you too, princess." Humiwalay siya mula sa pagkakayakap niya sa akin at tinitigan niya ako. Tinaas niya ang isang kamay niya at pinunasan niya ang mga nagtutuluan pa ring mga luha ko. Maya-maya, dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang mukha palapit sa mukha ko at dinampian niya ng halik ang aking labi. "I like kissing you after you cry..." aniya na ikinakunot ng noo ko. Why's that? Parang nabasa naman niya ang nasa utak ko. "Mas malambot kasi ang labi mo pagkatapos mong umiyak..." nanunuksong sagot niya.


Napaawang ng bahagya ang labi ko sa sinabing yun ni Bryne. And for the second time around, nilapit ulit niya ang kanyang mukha at hinalikan ako sa labi. Ngayon, medyo mas matagal na ng ilang segundo. "I'm gonna miss this lips," aniya nang humiwalay siya pero hinalikan lang din niya ulit ako. Then again, and again, and again. Hindi ko na nga mabilang kung ilang ulit niya akong hinalikan.


Pero nang tumigil na siya, marahan kong hinawakan ang pisngi niya. "Mag-iingat ka doon ha? You take care of your health. Kumain ka sa tamang oras kahit gaano pa kadami ang trabaho mo. And get enough sleep, as well," sabi ko. "At kahit gaano ka pa nagmamadali, wag na wag kang magdra-drive ng mabilis. At kung tatawid ka naman sa kalsada, tignan mo muna yung street light, wag kang pasaway," dagdag ko pa.


Napangiti naman siya. "Princess, bukas pa ako aalis," aniya.


"I know pero mas mabuti ng sabihin ko ngayon ang mga gusto kong sabihin dahil baka makalimutan ko lang bukas," nakangusong sabi ko na mas nagpalawak ng ngiti niya.


"Don't worry princess, I'll take care of myself there," he said while gently caressing my face. "Ikaw din, alagaan mo rin ang sarili mo dito."


Haaay, mami-miss ko talaga siya ng sobra. I'm gonna miss his smile that brightens up my day. I'm gonna miss his touch and hug that always comforts me. And I'm gonna miss his kisses that takes all my worries away.


"Bryne, wag na wag kang mambabae dun okay? Kahit mas maganda pa siya sa akin, wag na wag mong papatulan, okay?"


Napangiti ulit siya sa sinabi ko. "Princess, you're the most beautiful girl in my eyes. At wala ng mas gaganda sa'yo," sabi niya sa seryosong tono.


Ngumuso ako. "I know I'm beautiful pero baka lang kasi may mas maganda ka pa ring makilala dun."


Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya nagsalitang muli. "Makakakilala lang ako ng isa pang maganda pag naging dalawa ka na. At mamba-babae lang ako pag ikaw yung babaeng yun," he said, joining in, "You see princess, the only person who can steal my heart and interest from you is you yourself."


Hindi ko magawang makapagsalita lalo pa't iba yung pagkakatitig sa akin ni Bryne habang sinasabi niya yung mga katagang yun. Tama nga si momma, yung tingin ni Bryne sa akin, parehas na parehas sa tingin ni daddy sa tuwing nakatingin siya kay momma. Yung tingin ni tito Brian sa tuwing nakatingin siya kay tita Lauren, yung tingin ni tito Lucas pag nakatingin siya kay tita Hazel, at yung tingin ni tito Kevin sa tuwing nakatingin siya kay tita Celine. At yung tinging yun, parang sinasabi nito na ako lang ang tanging babae na nakikita ni Bryne. O tanging si momma lang ang nakikita ni daddy. At tanging sina tita Lauren, tita Hazel, at tita Celine lang ang nakikita nina tito Brian, tito Lucas, at tito Kevin. Yung tingin din na yun, naniniguradong ikaw lang talaga ang mahal nung taong nakatingin sa'yo at wala ng makakaagaw pa sa kanya mula sa'yo. Ganun yung tingin na binibigay ni Bryne sa akin.


"Princess, habang wala ako dito, wag mong hahayaan na may makalapit sa'yo na iba lalaki ha?" ani Bryne.


"Kahit makikipagkaibigan lang yung lalaking yun?"


"Oo. Kahit nagtatanong lang siya, wag mong papansinin," aniya na ikinatawa ko. Marahang tinampal ko pa siya sa kanyang balikat.


"Edi nagmukha na akong isnabera at bastos niyan."


"Sige, pwede mo silang sagutin pero yun lang," aniya na nakapagpangiti sa akin. "Subukan lang nilang umaligid sa'yo, makakatikim sila sa akin," banta pa niya.


"Nasa America ka, paano mo naman kaya magagawa yun?"


"I have my men. At siyempre, andyan si Hans para bantayan ka," nakangising sagot niya.


"Bryne, you don't have to do that. Ikaw lang naman ang mahal ko e," sabi ko.


"I know princess. Pero mas maganda ng sigurado lalo na't napakaganda ng girlfriend ko." Natawa na lang ulit ako sa sinabing yun ni Bryne.


"Ewan ko sa'yo. Bahala ka na nga," sabi ko at nginisihan na lang niya ako. Hay naku. Kahit aalis na, napaka-possessive pa rin niya, naiiling but at the same time ay natutuwang komento ko sa aking isipan. Gusto ko rin naman kasi yung pagiging-possessive ni Bryne. Hindi siya yung tipong nakakatakot na 'possesiveness', yung kanya, nakakakilig.


"I love you, Bryne," maya-maya ay sabi ko sa kanya.


He smiled. "I love you too, princess," he answered while staring intently at me. Dahan-dahan na rin niyang nilapit ang kanyang mukha sa akin. And we shared a sweet, tender kiss.


The next day...


Hindi ako sumama sa pamilya ko sa pagpunta sa airport para ihatid si Bryne. Akala ko nung una kaya ko, pero sa huli napagdesisyunan kong wag ng pumunta. Baka kasi pag nandun ako, baka mapigilan ko lang siya.


Tinawagan ko na lamang siya at doon nagpaalam. I told him that I love him so much and that I would be waiting for him.


Two years, that's how long I'll be waiting for him before he comes back. Oo, matagal pero para kay Bryne kakayanin ko dahil after ng two years na yan, babalik ulit siya sa akin and we'll be together...


FOREVER.


=============================



#mayForever or #walangForever ? LOL XD Who knows, nasa atin naman kasi kung meron talaga o walang forever. Anyways, epilogue na po ang susunod. I would like to take this opportunity para pasalamatan lahat ng mga sumoporta sa story ni Kaylee kahit short story lang toh :) Thank you sa mga VOTES niyo sa story na toh. And thank you rin sa mga COMMENTS niyo. Hindi ko man narereplyan ang lahat, binabasa ko naman lahat ng COMMENTS na palaging nakakapagpangiti sa akin :) Again, THANK YOU VERY MUCH sa pagsuporta.


HAPPY MOTHER'S DAY pala sa mga mothers ng story kong toh at sa mga mama, mommy, at nanay ninyo :) And siyempre, sa nag-iisang MAMA KO :)


©2015 MoonLightPurple


Seguir leyendo

También te gustarán

2.3M 4.4K 6
Right Time Right Place Right Person P.s pag nakakita po kayo ng typo and grammar errors e pagpasensyahan niyo nalang po and just ignore it ieedit ko...
3.2M 75K 51
Have you ever craved someone, so much that you literally ache? In my case... I really did. Nagmahal ako kahit walang kasiguraduhan. Nagmahal ako kahi...
569K 17.7K 33
Takira Mendez had been seeking of love from her parents in her whole life, she's always jealous in her half twin sister who's always have attention f...
133K 5.7K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...