Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

By donnionsxx04

88.1K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Chapter 111:

275 14 2
By donnionsxx04

JAYSON CLIVE SY POV:)

**Flashbacks**

"Nakakaalala na ako." Amin ko sabay tumalikod para humarap dito.

Nahinto naman ito dahil sa sinabi ko.

Sumulyap ulit ako sa labas. Tanaw ko ang kalawakan ng ka-maynilaan. Nandito ngayon si Mr. Kailes sa kanyang kompanya para bisitahin ako.

"Naalala ko na kung sino ako at ano pagkatao ko." wika ko.

"Ano ang totoong pangalan mo?" Ma-otoridad na tanong ni Mr. Kailes sa akin habang nakatingin pa rin ito sa akin.

"Jayson Clive," tipid kong sagot. Seryosong bumaling ulit ako ng tingin dito."Ako si Jayson Clive Sy. Ang bunsong anak ni Cedric Sy na namatay umano sa isang aksidente na ang totoo, nakaligtas ako at buhay ako." Pagbubunyag ko.

Nanlaki naman bahagya ang mga mata nito sa mga nalaman."P-paanong nangyari na nakaligtas ka sa aksidenteng iyon? Sino ang taong namatay sa loob ng kotse?" Di makapaniwala na tanong nito.

Malungkot na bumaling ako sa labas."Ang taong namatay sa kotse ay walang iba ang kapatid ni Anthony." aniya.

"Anthony?" Napakunot-noo na tanong nito.

"Ang kaibigan ko..." maya-maya'y sagot ko. Gulat naman itong napatingin sa akin. Tumango naman ako dito dahil tama ang nasa isip nito."Ang kapatid ni Anthony ang isa sa kumidnap sa akin. Dahil malambot ang kanyang puso, niligtas niya ako. Dahil sa pagligtas niya sa akin, imbes ako ang nasa loob ng kotse, siya ang namatay doon." kwento ko.

"P-paano mo sasabihin sa kaibigan mo na patay na ang kapatid niya?"  Di pa rin makapaniwala na tanong pa rin nito.

Seryosong bumaling ako sa kanya."Walang lihim na hindi nabubunyag. Kailangan ko sabihin sa kanya ang totoo. Ang totoong nangyari sa kapatid niya." wika ko.

"Paano kung sisihin ka niya sa pagkamatay ng kapatid niya?" tanong na lamang ni Mr. Kailes na dahilan nagpahinto sa akin.

Hindi ko iyon naisip. Paano kung sisihin ako ng kaibigan ko? Paano kung hindi matanggap ni bossbrad pag sinabi ko ang totoo? Dahil sa akin, ako ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid niya.

Tumanaw ulit ako sa labas. Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang nararamdaman.

"Kung mangyari man, tatanggapin ko iyon." seryosong saad ko.

"Kilala mo na ba ang taong gusto pumatay sa'yo noon?" Pag-iiba ng topic ni Mr. Kailes.

"Hindi pa pero base sa alaala ko, hindi ko pwede pagkatiwalaan si Dylan at Johnser. Nararamdaman kong sangkot sila sa pagpapa-kidnap sa akin noon."

"Ano balak mo?"

Napaangat ako ng ulo sa tanong niyang iyon. Ngumiti ako ng bahagya sabay tumingin sa kanya.

"Babalik ako...babalikan ko ang mga taong gustong pumatay sa akin." Puno ng rebelasyon na pahayag ko.

****

"Iyon ba ang gusto mong mangyari?"

"Oo." sabay pinagbuksan ito ng pinto ng kotse.

"Huwag kang mag-alala, tutulungan kita." wika ni Mr. Kailes.

Ngumiti lamang siya dito sabay bow para magpakita ng paggalang. Sa di kalayuan, nakita ko na lamang ang lalaking pamilyar sa akin. Tiningnan naman ni Mr. Kailes ang tinitingnan ko  at nakita naman niyang si Dylan iyon.

"Sige, aalis na ko. Mukhang may gustong kumausap sayo," paalam na nito. Bago pa man pumasok sa loob ng sasakyan, tinaptap muna nito ang balikat ko.

Pagkaalis ng sasakyan ni Mr. Kailes, saka ako humarap dito ng seryoso.

"Bakit?"

"Gusto kita makausap, Clive." Saad na lamang nito.

Seryosong nagtitigan kami ng matagal nito.

****

"Anong gusto mong pag-usapan?" Tanong ko pagkapasok ko sa loob ng office.

Sumunod naman ito sa akin.

"Tungkol sa totoong nangyari." Tipid na sagot nito.

Umupo na ako sa office seat ko."Tungkol ba sa pagta-traydor mo sa akin?" sabi ko sabay patong ng siko ko sa lamesa at tumingin nito habang nakataas ang isang kilay.

"Hindi." Sagot nito sabay tigil sa paglalakad."Mukhang hindi pa lubos bumabalik ang buo mong alaala."

"Bakit? May dapat pa ba akong malaman tungkol sa pagta-traydor sa akin?" Panama ko sa kanya at mas lalong tinaasan siya ng kilay.

"Sige, sabihin na natin na tinraydor nga kita pero nandito ako para sabihin sa'yo kung sino nag-utos sa akin iyon." Pahayag nito.

Kumunot naman ang noo ko."Sino?" Puno ng curiosity na tanong ko.

"Walang iba ang kapatid mo at ng Tito mo...Andrew Sy." Pagbubunyag nito sa katotohanan.

Bahagyang nanlaki naman ang mata mo sa pagkagulat.

Lumapit ito sa akin at ngayon nasa harapan ko na siya."Pinapatay ka nila noon dahil gusto ng tito mo na mapunta ang kompanya at kayamanan sa iyong kapatid." Paliwanag nito.

"Bakit? Bakit nila iyon ginawa sa akin? Wala akong balak na agawin kay Kuya ang Uphone. Wala akong balak na pumalit sa pwesto ni papa. Ang gusto lang, kahit wala akong posisyon sa kompanya, okay na sa akin na nasa tabi lamang ako ni Kuya at tutulungan siya pag kailangan niya ng tulong." Madamdaming pahayag ko na lamang.

"Clive?" Tawag nito. Malungkot na napatingin naman ako dito."May plano ako, at kung pwede, sana magtiwala ka ulit sa akin sa pangalawang pagkakataon." Seryosong pahayag nito.

Hindi ako umimik bagkus nakatingin lamang ako sa ibang direksyon. "Pangalawa? Pangalawang pagkakataon? Ano makukuha ko diyan? Tatraydurin mo ba ulit ako?"

Napatngin na lamang ako sa kanya nang humampas ang kamay nito sa aking lamesa."Ako lang pwede mo pagkatiwalaan, Clive. Pag babalik kana, ako dapat magdadala sa'yo. Tutulungan kitang mapakulong ang mga taong gusto pumatay sa'yo. Kailangan natin mapatalsik sa Uphone ang mga taong masasama." agresibong pahayag nito habang nakatingin ng seryoso sa mga mata ko habang nakalapag ang kamay niya sa table.

Matagal na nakipagtitigan ako sa mga mata nito. Kita ko saman sa kanyang mata na nagsasabi siya ng totoo. Kung talagang traydor siya, matagal na dapat ako patay.

"Sige." Sagot ko maya-maya nang maka-desisyon na ng wakas."Ano naisip mong inang gagawin nating hakbang?"  Pag-iiba ko ng topic.

"Para magtiwala sa akin ng buo ang tito mo, kailangan kong sabihin at ituro kita sa kanya na buhay ka pa." Makahulugang wika nito.

****

"Nagpa-plano na si Sir Andrew na ipaligpit ka." Boses ni Dylan habang nasa kabilang linya.

"Mukha nga. May nag-i-stalk na nga sa akin." Mahinang sabi ko at nakita ko sa repleksyon ng bakal ang lalaking nasa likuran ko na sumusunod sa akin.

"Mag-iingat ka. Alam kong inaalam palang nila ang bawat galaw mo at sinong mga tao tinatagpo mo."

Nilagay ko ang aking kamay sa kabilang bulsa habang nasa tainga ko naman ang kamay kong hawak ang cellphone.

"Balitaan mo ko kung ano plano ni tito. May naiisip na rin akong plano. May lalapitan ako ng tao na alam kong tutulungan ako..." Makahulugang pahayag ko.

****

Nasa loob ako ng kotse ni Mr. Kailes. Hinihintay naming dumating si Dylan. Sa backseat kami nakaupo pareho.

Hindi naman nagtagal, nandiyan na ang hinihintay namin sakay sa kanyang kotse. Lumabas kaagad ito at pumasok sa kotse ni Mr. Kailes, nakaupo ito sa front seat katabi ang assistant ni Mr. Kailes na ito ang driver ngayon.

"Naka-plano na para mamayang pag-uwi mo.." Makahulugang saad ni Dylan.

"Sige. Kung ganoon, titiisin ko ang bala na 'yon." Seryosong wika ko.

"Huwag kang mag-alala. Ang tauhan ko ang magbabaril sa'yo. Tatamaan ka niya sa parte ng katawan mo na hindi mag-aagaw buhay ka." Saad ni Dylan.

"Nasa likod n'yo lang ako." Turan na lamang ni Mr. Kailes na dahilan napatingin kami pareho dito ni Dylan.

Pagkatapos nagtinginan ulit kami ni Dylan at nagtango sa isa't-isa.

****

Naglalakad na ako ng pauwi at nararamdaman kong naka-ready na nga ang tauhan ni tito na ipapatay ako. Kahit napapansin kong may nagmamasid sa akin, hindi ako nagpahalata at nagkunyari wala ako napansin.

Nag-vibrate na lamang ang cellphone ko at kinuha ko iyon kaagad sa bulsa ko. Naka-receive naman ako ng message galing kay Dylan. Agad ko namang binuksan ang mensahe niya.

Dylan message:
      Two minutes left...

Nang mabasa ang mensaheng iyon, mabilis na tinawagan ko si Elizabeth. Bago paman mangyari ang plano namin, gusto ko muna marinig ang boses ng taong mahal ko. Dahil alam ko pag mangyari na ito, panigurado hahanapin niya ako.

"Hello? Hubby ko?" Sweet na saad ni Beth habang nasa kabilang linya.

"Pauwi na ako..." sagot ko habang naglalakad.

"Ah? Pauwi kana? Sige, sige! Palabas na ako, abangan kita sa labas."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito."Ah? Wag! Sandali---"

Narinig kong binabaan na nito ako ng tawag. Mabilis ko naman tinawagan si Dylan.

To Dylan:
    Palabas si Beth para sunduin ako. Huwag n'yo siyang masyadong takutin.

Pagkababa ko aking cellphone, sakto namang kakalabas lamang ni Elizabeth sa apartment.

"Ros!" Nakangiting tawag nito sabay kaway sa akin.

Habang naglalakad, kinawayan ko rin siya pabalik at ngumiti. Kinakabahan ako baka ma-trauma siya sa masasaksihan niya ngayong gabi.

****

Pinasok na nga ako ng tauhan ni Mr. Kailes sa loob ng kotse. Nang makaalis, inalalayan kaagad ako ni Dylan paupo.

"Kaya pa?" Tanong nito sa akin.

"Malayo 'to sa future!"  Biro kong sagot sabay napa-aray na lamang nang dumaan ang sasakyan sa malubak na daan.

Di nagtagal, nakarating na kami ng ilog na malayo-layo na sa syudad. Nakita kong naka-abang na si Mr. Kailes sa akin. Pinasok na kaagad ako sa naka-abang na albulansya doon.

"Babalik na kaagad ako baka maghinala na ang mga iyon sa akin." Paalam ni Dylan kay Mr. Kailes nang kaharap niya ito.

Ganito kasi ang plano namin. Tauhan sana ni tito Andrew ang kasama sana ni Dylan sa pagkuha sa akin, pero palihim na sinira niya ang sinasakyan nito kaya hindi ito nakapunta. Sinabihan kaagad niya ang mga ito na kaya niyang gawin mag-isa ito. Dahil tatanga-tanga rin, pumayag ang mga ito at napagkasunduan nila na huwag sabihin kay tito na hindi sila nakatulong sa misyon dahil panigurado papagalitan sila ng mga ito. Pumayag naman si Dylan at tagumpay nga ang unang plano.

At ito nga, kaya ginawa namin iyon na barilin ako para mas lalong mapaniwala si tito na ako yung pinatay nila. Kailangan mapag-usapan sa barangay na totoo ang nangyari sa akin para mas lalong mapaniwala si Tito na totoong ngang ako ang pinatay sa amin.

Sinulan na nga ako gamutin ng doctor habang nasa loob ako ng ambulansya. Sa kanilang dako, pinasok na nga ng mga tauhan ni Mr. Kailes ang bangkay na magsisilbing ako.

"Naghanap talaga ako ng katawan sa morgue na kasing katawan ni Clive. Huwag kayong mag-alala, ang patay na iyan ay hindi na kinuha ng pamilya. Pinabayaan na ata..." pahayag ni Mr. Kailes.

"Sige, alis na ako." Paalam ni Dylan.

Tinanguan ko lamang ito.

Sumakay na nga ito sa van at siya na lamang mag-isa, hindi na kasama nito ang tauhan ni Mr. Kailes. Pupuntahan pa nito ang kinaroroonan ng mga tauhan ni tito kung saan na-stranded ang mga ito habang dala ang bangkay na magsisilbing ako.

Nang makaalis na ito, sumakay na din si Mr. Kailes sa loob ng ambulansya habang ang mga tauhan niya sa kabilang kotse.

"Mission accomplish. Sa next plano na tayo." Nakangiting wika nito.

Nakangiting tumango lamang ako dito.

Pagkasara ng pinto ng ambulansya tsaka na ako humiga para tanggalin na ng doctor ang bala na nakabaon sa balikat ko. Nagsimula nang umandar ang ambulansya para lisanin na ang lugar na ito.

*** End of flashbacks***

Nang maalala iyon, ngumiti na lamang ako sabay baling sa ilog habang nakapamulsa ako

"Ano balita kay tito?" Pag-iiba ko ng topic.

"Gustong-gusto niyang si Johnser ang papalit sa pwesto ng papa n'yo." Sagot nito."Pero mukhang ayaw na ni Johnser sa posisyong iyon."

"Paano mo nasabi?" Kalmado lamang na saad ko.

"Tulad nga ng sinabi ko, gusto na ni Johnser itama ang pagkakamali niya. Mula nang makasama ka niya, doon niya na-realize ang mga pagkukulang niya bilang kapatid mo. Nagbabago na siya Clive." pahayag nito."Noon, pag galit siya ay nagwawala siya at nagsisigaw. Ngayon, kaya na niya kontrolin ang galit niya dahil kay..." hindi nito pinatuloy ang gustong sasabihin.

"Hiniling ni Kuya Johnser na mawala ako kaya mahirap ulit magtiwala sa kanya. Hindi ko pa makakaya ngayong patawarin siya..."

"Dahil ba pareho kayo ng babaeng iniibig?"

Napatingin na lamang ako sa kanya dahil sa sinabi nito. Natawa ito nang bahagya nang makita ang reaksyon sa mukha ko. Bumaling ulit ito sa unahan at napabuga ng hangin.

"Kahit hindi mo sabihin, alam ko na ang dahilan. Pero Clive," bumaling ulit ito sa akin at marahan na pinatong nito ang kamay sa aking balikat."Hindi ito dapat ang plano natin pero nabago ang mga iyon dahil kay Beth. Sa tingin ko, magiging mapanganib na ang buhay niya pag---"

Pinutol ko ang sasabihin nito."Uuwi na ako." Cold na sabi ko at tumaliko."Kita nalang tayo sa party." Sabi ko pa at naglakad na patungo sa kotse ko.

Tumalikod din si Dylan para humarap sa amin."Huwag mong sabihin na isasama mo siya sa parting iyon?" Naghihinalang pahayag nito. Hindi ko ito sinagot at nagpatuloy lamang ako sa paglalakad."Ikaw mismo nagpapahamak sa buhay niya Clive. Masisira ang plano natin dahil sa kanya."

Hindi ko pinakinggan ito bagkus patuloy lamang ako sa paglalakad. Nang nasa tapat na ako mg kotse ko, binuksan ko na ang pinto at pumasok na sa loob. Pinaandar ko na kaagad iyon halos pinaharurot ko pa iyon. Iniwan ko na nga siyang mag-isa sa lugar na iyon.

To be continued...

Pasensya na sa short update at pasensya na kaka-update ko lang.
Nakatulog na ako kagabi habang nagta-type.
Have a nice Monday everyone!💖

Continue Reading

You'll Also Like

71.4K 2K 64
Student and Principal Dalawang nag uugnay sa loob ng isang paaralan. Principal ang sinusunod at Studyante ang taga sunod. Pero sa kaso ko ako ang sin...
467K 10.5K 54
• Ang isang kasunduan nauwi sa katotohanan. • kung si Tom at Jerry nga nagkakasundo Minsan si Jenny at drake pa kaya ? # 271 ranking as of 6-30-18
29.1K 720 42
Ako si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kam...
34.9K 1.7K 40
Yes,I have all the material things and money that i want. But i cant decided on my own. Like my own happiness. My friends. My Studies. My Image. My f...