ABKD Mahal Kita

By DianeJeremiah

290K 22.3K 9.4K

Puppy love? True love? Paghanga only? Haist ang hirap naman ng ganito. Di ko tuloy maintindihan ang nararamda... More

Introduction
Chapter 1 Ang Gusgusing Dalagita
Chapter 2 First Crush
Chapter 3 May Gatas pa sa Labi
Chapter 4 'Crush Back'
Chapter 5 Multiply
Chapter 6 Bakit Di Pwede?
Chapter 7 Katorse
Chapter 8 Madayang Tadhana
Chapter 9 TOTGA
Chapter 10 Dancin' Away With My Heart
Chapter 11 Pendulum
Chapter 12 Joyride (Part 1)
Chapter 13 Joyride (Part 2)
Chapter 14 Happy Heart's Day
Chapter 15 Sleepover
Chapter 16 Heart of a Dragon
Chapter 17 Silly Games
Chapter 18 Make or Break
Chapter 19 Her Eighteenth Birthday
Chapter 20 Is this the End of Us?
Chapter 21 Some Things
Chapter 22 As Long As...
Chapter 23 ABKD Mahal Kita
Chapter 24 Kumpas
Chapter 25 Heart to Heart
Chapter 26 All Too Well
Chapter 27 Dito Ka Lang
Chapter 28 In Your Eyes
Chapter 29 Next Level
Chapter 30 Amame Tiernamente
Chapter 31 Love Language
Chapter 32 Differences
Chapter 33 A Busy Day
Chapter 34 I'm Here
Chapter 35 Love Lots
Chapter 36 All For Love
Chapter 38 Don't Leave
Chapter 39 Her Baby
Chapter 40 The Wild Side of Her
Chapter 41 Thirty-Six
Chapter 42 Her Birthday Gift
Chapter 43 Nunca Me Dejes, Mi Amor
Chapter 44 Wake Up, Wake Up
Chapter 45 Begin Again
Chapter 46 There's Only You & Me
Chapter 47 Love Makes You Crazy
Chapter 48 Tidbits of Memories
Chapter 49 You Kiss Her, You Kiss Me
Chapter 50 Hate That I Love You
Chapter 51 Tenme Por Siempre
Chapter 52 On Your Knees
Final Chapter
Erich and Angie

Chapter 37 Gets Mo Rin Ba?

4.1K 364 225
By DianeJeremiah

"Ang tanging bagay na hindi sumasapat ay pag-ibig, at ang tanging bagay na hindi natin ibinibigay ng sapat ay pagmamahal."


Erich POV


"Angie." Tawag ko sa kanya. "Mag-merienda ka muna."

Inilapag ko sa ibabaw ng garden table ang tray na naglalaman ng tinimpla kong iced tea tsaka cinnamon bread. Abala siyang nagpupunas ng kanyang sasakyan sa may driveway. Kaka-check ko lang kay mama kung okay lang ba siya sa kanyang kuwarto.

Nagpumilit si mama kaninang tanghali sa doktor niya ng binisita siya nito na kung pwede na siyang umuwi tutal maayos naman na daw siya. Pakiramdam daw niya mas lalo siyang hindi gagaling kapag nasa hospital. Pumayag naman ang doktor pero pinaalalahanan siya nitong regular na uminom ng kanyang maintenance at hangga't maaari ay umiwas munang ma-stress. Kaya naman kaninang alas tres ng hapon ay nakauwi na kami pagkatapos naming ma-settle lahat ng bills sa hospital.

Ibinaba muna niya sandali ang hawak na pamunas at naghugas ng kamay sa may faucet dito rin sa may garden bago tahimik na naupo sa isa sa mga upuan sa harap ng pabilog na garden table. May isang bakanteng upuan kaming pagitan. Kaninang tanghali pa siya tahimik. At alam ko kung bakit.

Walang kibong kinuha niya ang basong sinalinan ko ng juice at uminom. Hindi rin siya tumitingin sa akin. Tahimik lang naman akong nakikiramdam.

Napabuntong-hininga ako ng malalim. "Are you mad?" Hindi na ako nakatiis.

Hindi siya kumikibo. Tahimik lang siyang nakatingin sa ibang direksyon. Nainis ako sa inaasta niya.

"Angie," I tried not to sound too harsh. "... hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay 'yong gusto mo ang masusunod." Wala akong nakuhang response mula sa kanya. "Pinepressure mo 'ko. And I don't like it. Iniipit mo 'ko." Patuloy ko. "Kaya nga mas pinili kong iwan ang buhay ko sa London dahil gusto kong makasama ang pamilya ko dito."

Again, wala pa rin siyang reaksyon. Para akong nakikipag-usap sa pader.

"That thing that you want needs two people willing to take part for it to happen." Pagpapaintindi ko. "I'm not saying, I don't want to move in with you, but -" I trailed off. Sinadya ko ng hindi ituloy. "Hihintayin ba natin na pareho tayong masakal sa relasyon na 'to?"

Nakakainis 'yong pagiging tahimik niya.

"Gets mo ba?" Patuloy ko.

Inilapag niya sa ibabaw ng mesa ang basong halos napangalahati lang niya. Napansin ko ang paggalaw ng ugat sa kanyang leeg.

"Tapos ka na ba?" Malamig niyang tanong kasabay ng pagbaling niya ng tingin sa akin.

Hindi ako nakakibo ng mabasa ang sakit sa kanyang mga mata. Hindi na niya hinintay ang sagot ko at tumayo na siya mula sa kinauupuan at dire-diretsong tinungo ang sasakyan. Maging ang pagmamaneobra niya nito ay halatang may inis.

Kasabay ng pagsandal ko sa kinauupuan ay ang pagpikit ko ng mariin. Hindi ko talaga siya maintindihan.

Maghahapunan na pero hindi pa rin bumabalik si Angie. Ayoko 'yong ganito kami. Nakaka-stress. Alam ko naman na parte ng isang relasyon ang hindi pagkakaintindihan, pero ang patagalin ito at hayaang mangibabaw ang galit at pride, I think it will never work.

Sinabi ko kay Lino na mauna na silang kumain ni mama, pupuntahan ko lang si Angie. Aalis siya mamaya para bumalik ng Manila, ayoko naman na umalis siya ng hindi kami nagkakaintindihan.

Ipinarada ko ang kotse sa likod ng pickup truck niya. Naiwang nakabukas ang gate at ang frontdoor nila pero wala siya sa loob ng bahay. Tinatawag ko siya pero walang sumasagot. Nagtungo ako sa kanilang kusina, nakita kong bukas ang pinto papunta sa likod ng kanilang bahay kaya nagtungo ako doon.

Nakita ko siyang nakayukong nakaupo sa swing sa ilalim ng puno ng santol. May hawak siyang bote ng beer na napapangalahati na ang laman. Napabuntong-hininga ako at mabagal na naglakad papalapit sa kanya. Nagpalagay siya ng solar light dito kaya maliwanag.

Tahimik akong naupo sa tabi niya. Nagbaling siya ng tingin sa akin pero agad ding napayuko. Parang ang lungkot-lungkot niya.

"Ba't ka umiinom?" Malumanay kong tanong. "Di ba maaga ka pang luluwas?"

Hindi siya sumasagot, nananatili lang siyang nakayuko. Inagaw ko mula sa kanya kapagkuwan 'yong hawak niyang bote at akmang titikman 'yon pero maagap niyang inagaw ito sa akin. Napapalatak siya saka ako kunot-noong tinignan ng makahulugan.

"Ba't ba?" Inilayo niya ito sa akin ng akma kong aabutin.

"Tsk, hindi ka marunong uminom." Saway niya.

"Titikman ko lang -"

"Hindi nga pwede! Ang kulit mo!" Saway niyang muli. "Ano bang ginagawa mo dito?"

Napalabi ako. "Paano, hindi mo ako kinakausap."

Hindi siya agad kumibo. Tumungga siya ng beer tsaka napabuntong-hininga pagkatapos. "Di ba ang sabi mo sa akin, kapag galit ako, dapat alam ko kung papaano kontrolin ang emosyon ko." Sagot niya. "Sinunod ko lang naman 'yong sinabi mo."

"E papaano tayo magkakaintindihan kung hindi ka magsasalita?" Ganti ko.

"Ayoko lang na may masabi akong pagsisisihan ko pagkatapos. Kaya mas magandang tumahimik na lang ako." May hinanakit sa kanyang tinig tsaka muling tumungga ng beer.

"Angie -"

"Hindi mo kasi ako gets e!" Napapalatak siya na parang naiinis. Muli siyang napabuntong-hininga ng malalim. Sinusubukan nga niyang kontrolin ang kanyang emosyon.

"E di ipaintindi mo sa 'kin!" Tugon ko.

"May plano ka ba para sa atin?" May pagtatampo sa kanyang mga mata ng tumingin sa akin.

Ako naman ngayon ang hindi nakakibo.

"Kasi ako mayro'n!" May kalakasan niyang hayag. "I have plans for us, E." She added exasperatedly. "For our future."

Napayuko ako.

"And clearly you don't have plans for us. Kagaya ng sa paggawa ng bahay na may plano, gano'n din sa relasyon."

"Is this about us moving in together?" I asked.

"Hindi lang 'yon." Sagot niya na ngayon ay nakatitig ng diretso sa aking mga mata. "Palagi mong sinasabi na ayaw mo, ayaw mo -" She paused. "Pero hindi mo sinasabi sa akin kung anong gusto mong mangyari! Kung ayaw mo sa Manila, then bakit kita pipilitin?! Besides hindi ko naman sinabing ngayon na o agad-agad."

Napakagat ako sa aking ibabang labi.

"Ang hinihintay ko lang naman sayo e sabihin mo sa akin kung anong gusto mo! Hindi kung ano lang 'yong ayaw mo!" Pagpapatuloy niya. "Dahil ako kayang-kaya ko namang magsakripisyo! Dahil gaya mo, gusto ko ring mag-work ang relasyong ito!" Pumiyok ang kanyang tinig dahil umiiyak na siya.

Napalunok ako. Hindi ko na rin napigilang umiyak.

"At kung nasasakal ka sa mga gusto ko, sa mga plano ko para sa ating dalawa, then sabihin mo sa akin! Hindi 'yong -" Hindi niya itinuloy.

Namayani ang katahimikan sa aming pagitan habang pareho naming kinakalma ang sariling damdamin.

"I-I'm sorry." Garalgal ang tinig na basag ko sa katahimikan.

Umalis siya sa pagkakaupo sa tabi ko at lumuhod sa harap ko. "No, I'm sorry." Kinuha niya ang mga kamay ko at dinala ito sa kanyang labi. "I'm sorry kung sa tingin mo selfish ako."

Umiiyak na nakatitig ako sa kanyang mga mata. Hilam na rin ng luha ang kanyang mukha.

"I'm sorry kung nasasakal na kita." Hingi niya ng paumanhin. "Sabihin mo lang kung anong gusto mo, gagawin ko." Hayag niya.

 "To be honest, I want to be with you too. Believe me, I do." Saad ko. "Pero ayokong hilingin sayo na kung pwede dito na lang tayo, dahil ayokong balang araw isumbat mo 'yon sa akin. Natatakot akong balang araw pagsisihan mo."

"Ba't kasi kailangang ganyan ka mag-isip pagdating sa akin?" Malungkot niyang bigkas. "Bakit mo kasi pinapangunahan? Di ba pwedeng pagkatiwalaan mo naman ako? Magtiwala ka sa pagmamahal ko para sayo. Please?"

I wrapped my arms around her neck and hugged her tightly. Naiintindihan ko na siya ngayon. She wants assurance, she wants security. Which is minsan kailangan naman talaga sa isang relasyon. Inaamin ko naman na hindi ako masyadong vocal sa kanya. Na hindi ko madalas nasasabi kung anong nasa isip ko o nararamdaman ko. Pero ipinaintindi ko sa kanya na mali siya ng iniisip, na ayokong magsama kami. Sinabi ko na masyado siyang mabilis, na hindi naman ako mawawala sa kanya. Na nandito lang naman ako palagi. Nangako siyang makikinig sa akin at susubukang intindihin din ako.

We often misunderstood each other. Pero 'yong point namin ay iisa, na gusto naming parehong mag-work itong relasyon namin.

Pagkatapos naming magkasundo at magkaayos ay umuwi na kami ng bahay. Saktong kasalukuyan pa lang na naghahapunan sina mama at Lino kaya nakisalo na rin kami ni Angie.

Nasa labas sina Lino at Angie, abalang nag-uusap tungkol sa nangyari sa una at sa boyfriend nito nang tumawag si Claiza. Pinipilit niya akong magpunta ng Manila para matapos na 'yong libro para mai-publish na agad. Tapos ko na itong ma-finalize, kasi iyon ang inatupag ko noong wala si Angie para maging busy 'yong utak ko para hindi siya ma-miss masyado.

Narinig pala ni mama ang usapan namin ni Clai, siya na ang nagtutulak sa akin na makipagkita dito at sumama kay Angie bukas patungong Manila.

"Sige na, anak." Sabi ni mama.

Mukhang tama yata siya dahil parang bumalik na ang dati niyang kulay ng makalabas ng hospital. Hindi pa siya one hundred percent okay pero at least daw mas alam niyang gagaling siya dito sa bahay kaysa sa hospital.

"Bigyan mo rin ng oras ang sarili mo." Pang-aassure niya. "Huwag mo na akong intindihin, hindi pa ako mawawala. Mas malakas pa ako kaysa sa kalabaw."

Natawa ako ng marahan sa sinabi niya. "Pero, ma..."

"Panahon naman na para sumaya ka." Nakangiti niyang sabi sabay idinantay ang palad sa kamay ko. "At alam kong si Angie ang makakapagbigay sayo no'n."

Napabuntong-hininga ako. "Nakapag-usap na po kami ni Angie." Tugon ko. "Nagkaintindihan na po kami na saka na 'yong iniisip niya."

"Kayong bahala." Aniya. "Welcome naman si Angie dito sa bahay kung gusto niya."

Napangiti ako sa sinabi ni mama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sa kabila ng mga nangyari, nagpapasalamat ako na at the end of the day naayos din ang lahat.

Sa huli ay sumama ako kay Angie sa Manila kinabukasan para makipag-meet sa Editor ko. Nangako naman si Lino na magpapakabait at hindi na bibigyan ng stress si mama. Hindi na daw siya babalik kay Ron. Sana nga.

*****

"Love, gising na." Narinig kong sabi ni Angie sabay marahang hinila ang kamay kong hawak niya. "Malapit na tayo sa bahay."

Napaungol ako. Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako. Sabi ko pa naman na hindi ako matutulog para may kausap siya habang nagmamaneho. Five minutes pa bago kami makarating sa bahay nila. Buti na lang at binigyan niya ako ng time para makapag-ayos ayos ng sarili. Nakakahiya naman kung makita ako ng mama niya sa magulong ayos. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Huwag kang kabahan." Nakangiting sabi ni Angie na parang nabasa ang nasa isip ko. "Nandito naman ako." Saka niya hinalikan ang likod ng kamay kong hawak niya.

Napansin kong papasok na kami sa isang exclusive subdivision. Agad siyang binati ng guard ng makita siya nito. Saktong alas otso ng umaga ng makarating kami sa tapat ng kanilang bahay.

"Wow." Naa-amazed kung sabi ng makita ang bahay na binili niya. Pakiramdam ko proud girlfriend ako na makita kung gaano na kalayo ang narating niya.

Ngumiti lang siya sa akin. Ipinasok niya ang kanyang sasakyan sa malawak nilang bakuran ng mabuksan ni tita Elena ang gate.

"Ready?" Tanong niya sa akin ng itinigil niya ang sasakyan sa driveway.

Lihim akong napabuga ng hangin bago tumango. Nauna siyang bumaba ng sasakyan. Binati agad niya ang mama niya ng halik sa pisngi. Parang may sinabi si Angie dito kaya napatingin si tita sa sasakyan. Lumapit si Angie sa tapat ko at ipinagbukas ako ng pinto. Inalalayan niya akong makababa.

'Yong puso ko parang biglang bumilis sa pagpintig ng magtama ang mga mata namin ng kanyang mama. Hawak ni Angie ang kamay ko ng nagsimula kaming maglakad papalapit kay tita.

"Ma," Sambit ni Angie.

"H-hi po, tita." Napangiti ako ng tipid. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi nito.

Isang tipid na ngiti rin ang iginawad niya sa akin. "Buti at nakasama ka, hija." Malumanay nitong komento.

Ngumiti ako tsaka napatingin kay Angie. Sunod-sunod na kahol ang narinig namin at isang napakalaking German Shepherd ang lumabas mula sa pinto at mabilis na tinalon si Angie. Tuwang-tuwa naman si Angie na makita ito.

"Hey, Calibre!" Masayang kinarga ito ni Angie. Siguradong mabigat ito. "Finally magkikita na kayo ng other mom mo." Inilapit niya sa akin ito.

Parang nangingilala pa ito pero maamo naman. Hindi naman umilag ng hinaplos ko ang ulo niya.

"Hoy, Angie!"

Halos sabay-sabay kaming napalingon sa babaeng tumawag kay Angie. Ngiting-ngiti ito ng makita si Angie pero unti-unting nawawala ang ngiti nito ng mapadako ang tingin sa akin. Parang bumagal din ang paglalakad nito papalapit sa amin.

"Max!" Masiglang bati ni Angie sa bagong dating.

So, this is Max. Angie's friend?



-Unedited.

Continue Reading

You'll Also Like

159K 5.1K 31
(COMPLETED) Mapansin mo pa kaya yung nararamdaman ko para sayo? Sabi nila kahit gaano mo ka-close ang isang tao once na tinamaan ka ni kupido, mahih...
986K 33.8K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
40.8K 1.8K 47
STATUS: COMPLETED (BOOK 1 OF NO RESTRICTIONS) There are things in life that's worth living for. It may be a friend, a family, or a lover. Life has lo...
271K 2.4K 5
She's Heather Bryant. An English Professor. Mataray at istrikto. She's Madison Hans. Nerd at laging nabubully sa school. Tahimik at matalino. When th...