Mr. Billionaire, Don't Englis...

By donnionsxx04

95.3K 3.1K 496

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Pasilip:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119:
Chapter 120:
Chapter 121:

Chapter 109:

325 16 4
By donnionsxx04

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Good morning, si---" yuyuko na sana ako nang hindi ko napatuloy ang pagbati ko dito.

Para akong nakakita ng multo nang makita ang mukha ng boss ko. Slow motion pa ang pangyayari na unti-unti itong humarap sa akin. Hindi mawala ang tingin ko sa mukha nito halos nanlalaki ang mata ako habang nakaawang ng bahagya ang aking bibig.

Tila bumalik sa akin ang masasayang alaala namin ni Ros. Nakaramdam ako ng pag-asa na makita siya ulit. Makita ulit ang taong minamahal ko ng sobra.

"Are you Miss Elizabeth Villatorte? My new secretary?" Panimulang tanong nito.

"Ros?" Sa wakas, saad ko. Nakangiting tumakbo kaagad ako papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit."Ros, namiss kita. Masaya ako na makita kita ulit. Akala ko iniwan mo na kong tuluyan." Madamdaming pahayag ko.

"E-excuse me?" Saad na lamang nito. Nakataas ang kamay nito na tila walang balak na yakapin rin ako pabalik. Marahas na inalis nito ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya.

Disappointed naman na nakatingin ako sa kanya. Nakaramdam naman ako ng kakaiba. Feeling ko, nagbago si Ros...nagbago ang pakikitungo niya sa akin.

"Oh! Andito kana pala, Beth!"

Napalingon na lamang ako sa nagsalita na bagong dating. Nakita ko namang si Mr. Kailes iyon.

"M-mr. Kailes, n-nalilito ako." Litong saad ko. Tiningnan ko si Ros sabay baling ulit kay Mr. Kailes. Umaasa ako na si Ros nga ito at nagpapanggap lamang siya na hindi niya ako naalala.

"Kuya, siya ba ang bagong sekretarya ko? Hindi mo sa akin sinabi na ganito pala ka-sweet ang magiging assistant ko." Nakangiting pahayag nito na dahilan napatingin ako sa kanya. Kinindatan naman ako nito, nakita ko kaagad ang ugali nito na may pagka-chickboy.

Si Ros ba siya? Nagpa-prank lang ba siya? Di ba, prank lang 'to? Kung si Ros man siya, hindi chickboy ang galawan niya.

"Oo nga pala! Nalimutan ko sa'yo sabihin kahapon, Beth." Napatingin naman ako kay Mr. Kailes. "Ipapakilala ko pala sa'yo ang kapatid ko. Siya si Easton...Easton Kailes, ang magiging boss mo. Kamukhang-kamukha pala niya si Ros, kaya ganoon na lamang kagaan ang loob ko sa kanya noong kita ko palang sa kanya. Pasensya na kung ngayon ko palang nasabi sa'yo." paliwanag nito.

"I-ibig sabihin..." tumingin ako sa binata habang turo siya.

Ngumiti ito ng puno ng pilyo."Hello! I'm Easton, your new boss." Pagpapakilala nito sabay lapat ng kamay para makipagkamay.

Tiningnan ko ang kamay nito at malungkot na bumaling ulit sa mukha nito. Sobra akong nadisappointed pero feeling ko si Ros ang kaharap ko base sa tibok ng puso ko. Gusto ko siyang hawakan pero hindi. Hindi siya si Ros.

Pakiramdam ko mas lalo akong nasaktan sa pagkawala ni Ros. Sa tingin ko nga'y matagal ako makaka-move on nito lalo na makikita ko araw-araw ang mukha ng mahal ko sa bagong boss ko. Dito ko napatunayan na napaka-kapangyarihan ng diyos. Kaya niya humulma ng tao na magkamukha na magkamukha talaga.

ALING MARTHA POV:)

Dinidilig ko ngayon ang aking mga tanim na halaman na dinisplay ko dito sa harap ng may-ari kong apartment. Nang natigil na lamang ako sa aking ginagawa nang makarinig ng tumikhim mula sa aking likuran.

Pagtingin ko sa aking likod, nagulat na lamang ako na makitang nandito ang dating boss ni Elizabeth.

"Aling Martha, magandang araw po." Magalang na bati nito.

"Magandang araw din sayo, iho!" Nakangiting bati ko rin dito.

"Nandiyan po ba si Elizabeth?" Tanong nito kaagad sabay tingin sa bintana kung saan kinaroroonan ng kuwarto ni Beth.

"Ah? Eh..."

**Flashbacks**

"Napaka-swerte mo talaga, Beth. Dati, isang janitress ka sa kilalang kompanya, ang Uphone. Ngayon, magtatrabaho ka sa A.D bilang sekretarya na. Iyan 'yong sinasabi nilang improvement." Nakangiting pahayag ko sabay lapag sa mesa ng ulam na dala ko para sa kanila ni Pubg.

Ngumiti lamang ito sa akin at bumaling na sa niluluto nito."Dalhin n'yo na rin ito, Aling Martha." Sabi nito habang nilalagyan nito ang isang mangkok ng ulam na niluluto niya."Alam kong paborito 'yan ni Anthony na ginisang sayote na may corn beef." Pagkatapos ay binigay na nito sa kanya.

"Naku! Nag-abala ka pa. Pinagluto ko talaga kayo ni Pubg ng ulam, parang anak ko na kayong dalawa." Nakangiting pahayag ko.

Pagkapatay ng stove, saka ito humarap sa akin."Aling Martha, may hihilingin po sana ako sainyo," naging seryoso na wika nito.

Bahagyang napakunot-noo naman ako at lumapit ng bahagya dito.

"Ano ba 'yon?" Pabulong na tanong ko.

"Pag may naghanap po sa akin na taga Uphone, sabihin n'yo pong umalis na kami dito." request nito.

"Ah? Bakit?" Bulalas ko.

"Basta po, gusto ko lang maging tahimik na ang mundo ko." Madamdaming pahayag nito.

"Kahit 'yong boss mo? Si Johnse---"

"Opo." Putol nito.

Kita ko naman sa kanyang ekspresyon na tila may gusto siyang iwasan na mga tao. Kung ano man iyon, alam kong nakasala silang lahat kay Beth. Ngayon ko lang siyang nakitang gustong lumayo sa taong alam niyang nanakit sa damdamin niya.

Dahil sa pagkawala ni Ros, nag-aadjust pa siya sa magiging takbo ng buhay niya. Masakit talaga mawalan ng taong mahalaga sa buhay lalo na namatay ng maaga ang asawa ko at mag-isa kong tinaguyod ang dalawang anak namin.

**End of flashbacks**

Nang maalala iyon, mabilis naman ako nag-kunwari.

"Pasensya na, iho. Kakaalis lang nila ni Pubg." Pagsisinungaling ko sabay kamot pa sa ulo.

"Ah? Saan po pumunta?" Gulat na saad nito.

"Hahanap na raw sila ng malilipatan pero hindi ko alam saan sila lilipat." Patango-tango na sabi ko. Goods ba ang acting ko? Mapaniwala ba?

"Ganoon po? Sige po, salamat po." Disappointed na turan na lamang nito."Kung may balita po kayo sa kanya, pwede po tawagan n'yo po ako kaagad?"

Tumango naman ako."Sige, iho."

"Salamat po." sabay bow."Alis na po ako." Paalam nito at tumungo na sa kanyang mamahaling kotse.

Nang makaalis ito, pinagpatuloy ko na ulit ang ginagawa ko. Hindi pa nag-iisang minuto, may tao na lamang na nasa likod ko na tinatawag ako.

"Excuse me?" Boses ng isang dalaga.

Paglingon ko, bumungad sa akin ang mala-diwata ang kagandahan. Kung ganitong kaganda mapapangasawa ng anak ko, may apo ako na ubod ng ganda.

"Hi? Ano kailangan mo, iha? Naghahanap ka ng apartment? Meron pa kong space dito. Gusto mo bang tingnan---" di ko na lamang napatuloy ang sinasabi ko nang magsalita ito.

"Pasensya na po. May iba po akong kailangan." Napakalambing ng boses na wika nito.

"Ano 'yon?" Nakangiting natural na tanong ko.

"Nandyan po ba si Beth?" Tanong nito.

Sandali? Nagtatrabaho din ba ito sa Uphone?

"Taga Uphone ka?" Imbes tanong ko.

"Hmm, parang gano---"

"Sorry, iha. Wala na dito si Beth, umalis na. Doon sa malayo pumunta." pagsisinungaling ko sabay kamot sa balikat ko.

Napa-pout na lang ito, dahil doon nasilaw ako sa kagandahang tinataglay niya.

"Ganoon po?" Malungkot na napabuga na lamang ito ng hangin."Sige po, salamat po." Paalam na nito at sumakay na ito sa pula nitong kotse.

Nang umalis na ang sasakyan nito, napailing-iling na lamang ako.

"Kay gandang dalaga. Kung ganyan lang ako kaganda noong kapanahunan ko, baka madami nang mayayaman nag-aagawan sa akin ngayon." saad ko sabay napabuntong-hininga.

Napagdesisyunan na bumalik na ako sa naudlot kong trabaho. Hindi ko pa nalalagyan ng tubig ang halaman gamit ang host nang may tao na namang nagpatigil sa ginagawa ko.

"Excuse me?"

Nanlaki mata ako nang nakilala ang boses na iyon. Slow motion na lumingon ako sabay alis ng ipit na nakaipit sa buhok ko. Parang sa commercial ng shampoo, lumipad ang mga iyon. Buti na lamang naka-conditioner ako kayak shiny ang longy---longy o longery?

"Yes?" Nagpa-cute naman ako dito sabay pinikit-pikit ang mata.

Kung mag-aasawa ulit ako, sana siya asawain ko. Pasensya na, Pablo, ang aking asawa. Matagal ka namang patay na, payagan mo sana akong makahanap ng lalaking papalit sa pwesto mo. Matagal nang hindi nagagalaw ang bulaklak ko, baka tuluyan na itong malanta kung walang magdidilig.

"Nandyan ba si Elizabeth?" Napaka-guwapong boses na tanong nito sa akin.

Naalala ko na lamang ang bilin sa akin ni Beth. Bakit ang daming naghahanap ngayon sa kanya? Anong meron?

"Pasensya na, sir. L-lumipat na po ng tirahan sila Beth." Pagsisinungaling ko.

"Saan na sila ngayon?" Ma-otoridad na tanong nito.

"Hindi ko po alam pero tatawagan kita, sir pag may balita ako sa kanya." Nakangiting wika ko.

May kinuha na lamang ito sa kanyang wallet. Nagulat ako nang bigyan niya ako ng calling card niya halos nanlaki ang mga mata ko nang makita ito.

"Tawagan mo nalang ako sa number na 'yan." aniya.

Di pa rin makapaniwala na kinuha ko mula dito ang calling card niya. Binasa ko pa ang nakasulat doon.

"Leandro Yu...Martha Yu? Taray! Bagay na bagay kami!" Sa loob-loob ko.

Nakangiting matamis na bumaling ako dito."Sige, sir."

Tinanguan lamang ako nito. Pumasok na ito sa kotse nito at umalis na din kaagad. Naiwan akong hawak ang calling card niya halos nilagay ko iyon sa dibdib ko.

"O Leandro! Aking iniirog. Kinikiliti mo ang aking puso. Totoo talaga nga atang ika'y napapabilang sa mayayamang pamilya at ang iyong karisma ay talaga namang nagpaakit sa akin." Madamdaming wika ko at maya-maya pa tumawa ako sabay hinalikan ang calling card na binigay niya.

Tinago ko na kaagad ito sa aking bulsa at pinatuloy na ang aking ginawa. Nahinto ulit ang ginagawa ko nang may tao na namang tumawag sa akin.

"Excuse me? Ma'am?"

Nanlaki mata ako sa narinig.

Boses lalaki?!

Pa-cute ulit na lumingon ako dito."Ano 'yon---ah!" Napasigaw na lamang ako nang makita ang taong nasa harapan ko."Ang pangit mo, bw*sit ka!" Nakahawak sa dibdib na turan ko.

"All Day delivery, Ma'am."

"Magkano order ko?!" Nainis na tanong dito. Nasira na lamang ang araw ko dahil sa delivery boy na ito. Ngayon pala dating ng order ko, wala akong na-recieve na message.

"350 po."

Naiinis pa rin kinuha ko ang bayad sa aking bulsa.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Nakatayo lamang ako sa harap niya at hindi ko alam ano ang aking gagawin. Wala naman kasi siya sa akin binibigay na gagawin. First time ko maging sekretarya kaya kumakapa pa ako ngayon. Ano pa ba ginagawa ng isang sekretarya bukod sa hawak mo ang schedule niya at taga-sunod saan man magpunta ang boss mo.

Huminto na lamang ito sa pagta-type sa laptop nito nang tumingin ito sa akin. Tumama naman ang mata namin na agad naman ako umiwas ng tingin dito. Yung pakiramdam ko kada nagtatama ang mata namin ni Ros, pareho na pareho sa kanya. Hindi ba talaga siya si Ros?

"Wala ka namang ginagawa, pagtimpla mo ako ng kape." Kauna-unahang utos nito sa akin.

"Okay, sir!" Sagot ko kaagad at nagtungo kaagad sa pinto para lumabas.

Pagkalabas ko, naalala ko na lamang na hindi ko pa kabisado ang lugar na ito. Saan ba nagtitimpla ng kape?

Napagdesisyon na bumalik ulit ako sa loob. Nag-iisip ako kung paano ko sasabihin na hindi ko alam saan kukunin ang kape niya. Takang napatingin naman ito sa akin.

"S-sir?" Nautal na sambit ko.

"Yes?"

Hindi ko alam paano ko sasabihin at nahihiya ako tuloy sa boss ko.

"Sir, s-saan po magtitimpla ng kape?" Sa wakas, tanong ko.

****

"Salamat ah? Sorry, baguhan lang ako dito." Pasalamat ko sa babaeng nagtatrabaho rin dito.

Tinawag kasi ito ni Sir Easton sa telepono para samahan sana ako hanapin ang lugar kung saan nagkakape ang mga employee dito. Naabala ko pa tuloy ang oras niya dahil sa akin.

"Okay lang. Mamaya, ililibot kita sa A.D Building para hindi ka maligaw dito." Nakangiting sabi nito.

"Salamat." pasalamat ko sabay ngiti ng matamis dito.

"Sige, maiwan na kita ah?" Paalam nito. Tinanguan ko lamang ito tsaka na ito naglakad paalis.

Nagsimula na rin ako maglakad pabalik sa office ni Sir Easton dala ang kape na tinimpla ko sa kanya. Di naman nagtagal, nakarating na rin ako. Dahan-dahan ko nilapag sa gilid nito ang kape.

"Thank you." sabi nito habang patuloy pa rin sa pagta-type nito sa laptop."Oo nga pala, iyan ang magiging desk mo. Umupo ka muna at hintayin mo nalang na may iutos ako sa'yo."

"Sige po."

Naglakad na ako papunta sa desk ko. Medyo malapit ito sa desk niya. Pagkarating ko doon, nanlaki mata ako nang makitang may nakalag doon na laptop at may computer pa.

"Kung nabo-boring ka, pwede ka maglaro sa computer mo." Dagdag pa nito.

Tumango lamang ako dito.

Pagkaupo ko, napangiti na lamang ako. Feeling ko, isa na akong mayamang negosyante na may desk na din tulad nila. Ganito pala ang feeling ng mga mayayaman. Feeling mo, napaka-kapangyarihan mo na at kaya mo bilhin ang mga bagay sa mundo.

Hinawakan ko ang laptop at maingat na binuksan ko iyon. Hinanap ko naman sa mga pindutan nito kung saan ang restart nito. Halos binaliktad ko pa ang laptop, mahanap lang ang pag-open nito.

Nagulat na lamang ako nang may humawak sa laptop at nilapag ito sa desk ko. Paglingon ko, napasinghap ako nang yumuko ito dahan-dahan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita sa malapitan ang napaka-puti nitong leeg habang ang kabilang kamay naman niya ay nasa likuran ng upuan ko. Amoy ko ang kanyang nakakaakit na pabango.

Rinig ko ang tibok ng puso ko dahil dito.

"Dito ang restart," sabay pindot. Nang tumayo na ito, mabilis na bumaling kaagad ako sa laptop bago tumingin ito sa akin.

"T-thank you, sir." Pasalamat ko sabay tikhim. Grabe! Bakit kinakabahan ako? Ros, ikaw ba 'yan? Ikaw lang nagpapaganito sa akin.

Bumalik na ito sa kinauupuan nito. Pagkaupo tsaka na nito naisipan inumin ang kape na tinimpla ko sa kanya.

Napaubo na lamang ito nang natikman nito ang kapeng tinimpla ko. Napatayo naman ako sa pagkakaupo dahil sa pagkagulat.

"S-sir? Bakit po?" kinabahan na tanong ko.

"Sobrang tamis." Sabi nito sabay punas sa kanyang lapi."Nalimutan ko sabihin sayo na mapait na kape ang gusto ko."

"Pasensya na, sir. Nasanay kasi ako nagtitimpla ng matamis kasi mahilig 'yong boyfriend ko sa matamis na kape." hinging patawad ko."Next time, sir, kunti lang asukal ang ilalagay ko."

"Wag na..." Turan na lamang nito. Kinuha uli nito ang kape at humigop."Masarap din pala ang matamis." pahayag nito.

Nagulat naman ako sa sinagot nito.

Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakangiti habang nakatingin dito.

To be continued...

Sorry kung maraming typo. Aayusin ko nalang ito.
Mukhang papahabain ko pa ito. HAHAHA!
Nag-request kasi kaibigan ko na pahabain ko kasi parang teleserye daw itong kwento ko.
HAHAHA!
Please follow my official page:
• Lovely Adeline xx (main)
• Mr. Billionaire, Don't English Me - Wattpad Story
Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 1.2K 33
(Book 2 of Deadly Romance) -COMPLETED- Finally, malaya na si Iris. Napagbayaran na nito sa batas ang lahat ng kasalanan nito. Kasama niya na ang lala...
93.5K 1.8K 72
Paano kung ang lahat ng sayo ay biglang mawala at ang tanging magagawa mo lamang ay hide myself and hide all my work for my safety. At kailangan kon...
215K 4.1K 53
Hunt Series : (2) Tyron Hunt HighestRankInTeenfiction: #34
128K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...