Sweet Vittoria Reigns

Autorstwa solaceinstellar

250 65 0

The day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil. Więcej

PANIMULA
KABANATA - 1
KABANATA - 2
KABANATA - 3
KABANATA - 4
KABANATA - 5
KABANATA - 6
KABANATA - 7
KABANATA - 8
KABANATA - 9
KABANATA - 10
KABANATA - 11
KABANATA - 12
KABANATA - 13
KABANATA - 14
KABANATA - 15
KABANATA - 16
KABANATA - 17
KABANATA - 18
KABANATA - 19
KABANATA - 20
KABANATA - 21
KABANATA - 22
KABANATA - 23
KABANATA - 24
KABANATA - 25
KABANATA - 26
KABANATA - 27
KABANATA - 28
KABANATA - 29
KABANATA - 30
KABANATA - 31
KABANATA - 32
KABANATA - 33
KABANATA - 34
KABANATA - 36
KABANATA - 37
KABANATA - 38
KABANATA - 39

KABANATA - 35

2 2 0
Autorstwa solaceinstellar


Iniabot ko ang pinagbihisang damit kanina sa ospital kay Pancho. "Anong gagawin mo d'yan?"

Hindi siya sumagot at tinalikuran lang ako. Binuksan niya ang pinto ng pad ni Lucas at huminto. "May nakahain ng pagkain sa dining table. Dito lang ako sa labas magbabantay. Papunta na dito si Lucas," at sinara ang pinto.

Inilibot ko ang paningin sa tanggapan ng pad ni Lucas. Dalawang palapag ang sakop ng unit niya. The main theme was black and gold. The design was modern and quite slick. The granite walls look expensive as it was accented with maple woods positioned in odd angles. Ang mga muwebles at furnitures ay minimalist pero hindi naman masyadong stale ang datingan. In fact, it's quite warm due to the browns and wooden furnitures and displays.

Naglakad ako papunta sa malawak na living room at lumabas sa balkonahe. The strong wind blew my hair into a mess. Pumasok ako ilang minuto lang dahil giniginaw na sa lamig.

Tiningala ko ang eleganteng chandelier na nagbibigay liwanag sa kabuoan ng living room. May mga paintings na nakasukbit sa pader habang sa mga sulok ay may kalakihang potted plants ang naka-display.

Hinanap ko ang kusina pero napadpad ako sa pasilyo papunta sa mga silid. Tatlong pinto ang naroon. Isa-isa ko iyong binuksan. Kumpara sa unang dalawang nabuksan ko, ang pangatlong silid ay walang dudang kwarto ni Lucas.

It was the master room with its king size bed, set of sofas at the foot of it and big study table with papers scattered all over it. Ang pamilyar na laptop ni Lucas ay nakapatong doon habang iniilawan ng nakabukas na lamp. Sa gilid ng study table ay may mataas na bookshelves.

Ang mas kumuha ng atensyon ko ay ang nangangalahating bote ng alak at isang pandak na baso na nakalagay sa estante ng mga libro. He was staying here? Kailan pa?

May dalawang pinto sa loob ng kwarto ni Lucas. Ang isa ay ang magarang banyo. Binuksan ko ang natitirang pinto at bumungad sa akin ang nakahilerang damit niya. Hindi ganoong karami katulad ng sa Nirvana Resort. Iilan lang ang gamit, siguro'y hindi siya palaging tumutuloy dito.

Bumalik ako sa bathroom at hinubad ang damit. Nag-aalinlangan akong isara ang pinto sa takot. Pakiramdam ko ano mang oras ay susulpot si Ronald at tutuluyan na talaga ako. Napanatag lang ng naalalang nakabantay sa akin si Pancho sa labas.

Naligo ako sa medyo maligamgam na tubig. Baldado at tensyonado ang katawan ko kaya kailangan ma-relax kahit konti. Nakatulong naman ang hot bath. Gumaan ang pakiramdam ko ng kaonti.

Ang hirap para sa akin tignan ang sarili sa salamin habang tinatali ang roba. Naaalala ko bawat detalye ng marahas na kaganapan lalo na't lumitaw ang mga pasa— mga bakas. Paglabas ay naugat ako sa kinatatayuan. Humigpit ang kapit ko sa doorknob ng pinto.

Nakaupo si Lucas sa kama. Nakalapag ang itim na navy blue suit jacket sa gilid nito. Nakatupi ang sleeves ng puting button-down shirt at nakabukas ang tatlong butones.

He was a vision. He was extremely good-looking. Ang rahas. Bumikig ang paghinga ko sa epekto ng presensya niya sa akin.

Inangat niya ang ulo. Sa pagtama ng mata namin ay hindi ko magawang makagalaw. Makahinga. Nanatili kaming nakatingin sa isa't-isa. Walang gustong bumitaw.

I just can't. He was everything I crave that I shouldn't dare to crave.

Four-poster ang king size bed. There were lacy drapes hanging in every black wooden-carved post. Sa paanan ng kama, doon nakaupo si Lucas. Nakabuka ang mga hita habang nakapatong ang mga kamay sa hita.

Tumikhim siya at unti-unting tumayo. Napatanga ako sa kanya. I forgot how tall he is. How commanding and demanding and intimidating his presence. Nakalimutan ko paano sinasakop ng presensya niya ang personal space ko tuwing nasa iisang silid kami.

"Have you eaten?" tanong niya.

Binasa ko ang labi gamit ang dila. "H-hindi pa,"

"Magbihis ka na, kakain tayo,"

Ipinasok ko ang dalawang kamay sa bulsa ng roba. "Mauna ka na. Susunod na lang ako,"

He smiled humorlessly. Ngiting galit. Ramdam ko na konti nalang ay mapupugto na ang pasensya niya.

"Maghihintay ako," diin niya. "You go change now or I will be the one putting clothes on you,"

My lips pursed. Tinitigan ko siya ng masama. "Wala akong damit,"

"Then use mine," irita niyang saad.

Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa mga mata niya. Hindi ko maiwasang tumitigtig pababa sa katawan niya. Mabilis na napaangat pabalik sa mukha niya ng nakita ko ang malaking umbok sa kanyang slacks.

Mabilis ang mga paghinga kong sinalubong ang nagbabaga niyang titig. His eyes blazed with ardent hunger. May galit doon pero ang kalasingan sa pagnanasa ang nangingibabaw.

Marahas akong napalunok. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin. Every step was a promise for an intense interaction.

Sa tindi ng titig niya ay napaatras ako. Patuloy akong umatras hanggang bumundol na ang likod sa pader. Pinatong niya ang mga kamay sa magkabilang gilid ng mukha ko.

He buried his face in my neck. "I want to touch you, Vittoria. Every. Inch. Of. You," he rasped. Pinatakan niya ng halik ang pulso ko. "It's the only way I know how to express myself when I'm with you... but I'm not that heartless. You had a traumatic experience tonight."

Alam kong hinding simpleng hawak lang ang tinutukoy niya.

Nilihis ko ang ulo pakaliwa, wala sa sariling binibigyan ng kalayaan ang mainit at malambot niyang labi na halikan ang leeg ko. My body knows him. It knows where it belongs to.

"Miss na miss kita," he inhaled my scent and groaned. "Ginamit mo ang bodywash ko."

Marahas ang mga paghinga naming dalawa. Dama ko ang pamamasa at init sa pagkababae ko. My hardened nipples rubbed against the cotton texture of the robe. It was a relief. Napatunayan kong hindi ganoon kalalim ang takot na dulot ng ginawa sa akin ni Ronald. Atleast Lucas can still sexualize me without me flinching.

Bigla siyang humugot ng malalim na paghinga at umatras. "Magbihis ka na." Tinango niya ang ulo sa direksyon ng walk-in closet.

Mabilis akong tumakas sa kanyang presensya. Padabog kong naisarado ang pinto. At pinilit kinalma ang naghuhumarentadong puso. Bigla siyang sunod-sunod na kumatok kaya napatalon ako sa bigla.

"Hurry up," utos niya.

Napairap ako. "Eto na!" Dali-dali akong nagbihis. Tinupi ko ang waistband ng sweatpants para hindi masyadong halhal. Kakasuot ko palang ng T-shirt ng bigla siyang pumasok.

Naiirita ako sa kanyang lumingon. Walang emosyon siya sa aking nakatingin. Nagmartsa akong nilampasan siya. Dama ko ang pagsunod niya sa akin sa likuran paglabas ng kwarto.

Hinila niya ang damit ko kaya bigla akong napahinto. "Ano?" naiinis kong dabog. Sobra lapit namin sa isa't-isa. Naunat ang leeg ko sa pagtingala sa maamo niyang mukha.

"Dito ang kusina,"

Marahan niya akong hinila sa kabilang direksyon. May nakahain na sa dining table pagpasok namin. Pinaghila niya ako ng upuan at tinitigan. Ano pa bang magagawa ko kung hindi umupo.

Kinuha niya ang pinggan sa harap at sinalinan ng pagkain. Malakas ang loob ko na malaya siyang titigan dahil sa sobrang focus niya sa ginagawa.

This feels like déjà vu. Ganitong-ganito kami noon.

Nakasampok ang kilay niya sa pagkuha ng pagkain. Nakahantad tuloy sa harap ko ang malalaki niyang braso. Inilapag niya ang pinggan sa harapan ko matapos.

"Eat now. And then we'll talk," he said quietly.

Tumalima ako at tahimik kaming kumain. Sa gilid ko siya umupo. Nahigit ko ang hininga ng sumuot ang kamay niya sa pagitan ng hita ko. He gently squeezed my right leg.

Hindi na iyon natanggal hanggang natapos kaming kumain kaya isang kamay lang ang gamit niya. Strangely, napapanatag ako sa hawak niya. It was sensual, but it was also soothing and comforting.

"I'll get you water," ani niya at tumayo. Pagbalik ay may pitcher na ng tubig at dalawang baso. Nagsalin siya sa mga ito at inabot sa akin ang isa.

Pinatong niya ang braso sa sandigan ng upuan ko. He leaned forward. Bumagsak ang tingin niya sa labi kong may sugat. His eyes hardened and jaw clenched. Mula sa sulok ng mata, kita ko ang pagkuyom ng kamay niyang nakapatong sa mesa.

"Mauna ka na sa kwarto. Ililigpit ko lang itong pinagkainan natin,"

Hindi ako gumalaw. Nanatili akong nakatingin sa unahan. Natatakot akong lingunin siya at mapaso sa init ng kanyang mga tingin. Gusto ko siyang tanungin ano ang mga kinahatungan ng pangyayari pero natatakot ako sa magiging sagot.

I was never the one to like confrontations with Lucas. The feelings were so intense and consuming that I always end up being controlled by it.

"Tulungan na kita," bulong ko at nilingon siya. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi, na bumaba uli sa umbok ng pantalon niyang hindi man lang humuhupa.

Napalunok ako ng inangat ang tingin sa kanya.

"Hindi," namamaos niyang tanggi. "Mauna ka na. I need a moment to gather myself,"

"Bakit?"

Tinitigan niya akong mabuti. Malamig at walang ka-emo-emosyon ang mukha, but his eyes gave away the turmoil inside of him. Galit talaga siya. Hindi sa akin. Kundi sa nangyari.

"Anong gusto mong marinig?"

"Ang katotohan,"

"Nawawala ako sa kontrol tuwing malapit ka. You calm and stir me all at once,"

Nag-iwas ako ng tingin.

Ganoon din naman siya sa akin. Natulala ako sa pawis sa baso mula sa lamig ng tubig. Pinaglandas ko ang daliri sa bukana nito.

"Pasensya na Lucas—" Bigla siyang tumayo at kinuha ang mga pinagkainan.

Pinagmasdan ko ang galaw ng maskulado niyang likod na bumabakat sa button-down shirt nito. Napaigtad ako ng marahas niyang itinapon ang pinggan sa sink. Kumalampag ito at tingin ko ay may nabasag. Kumapit siya sa edge ng sink at yumuko. His arms clenched and veins protruded from it. His head hang between his wide shoulders.

"Go to your room," kalmado niyang utos.

Tumayo ako at dumiretso sa master bedroom. Hinalughog ko ang bathroom niya para sa spare toothbrush kaso wala akong nakita. Nanliliit ang mga mata kong tumtitig sa kanyang toothbrush bago umirap. Galit ko itong hinaklit.

Ilang beses na kaming naghalikan kaya bakit ba big deal pa sa akin ang pag-gamit ng toothbrush niya?

Hiniram ko na rin ang suklay niya at ang nag-iisang jacket sa kanyang closet. I involuntarily closed my eyes when his scent hit my nose.

Binuksan ko ang sliding door para matanaw ang buhay na buhay na siyudad sa dilim ng gabi.

I wish I can be this lively in midst of darkness. Ang hirap maging masigla, maging positibo ang pananaw sa buhay kung tuwing mapayapa ka na at masaya— may pangyayari o tao talagang gugulo sa buhay na pilit mong iniaahon.

Niyakap ko ang sarili at pinatong ang braso sa railings, napabuntong-hininga ng naalala si Vlady. Siguradong nag-aalala na iyon na hindi pa ako tumatawag hanggang ngayon.

Hiniram ni Pancho ang cellphone ko kanina para raw sa seguridad ko. Binigay ko na lang. Lumulutang pa ako sa mga nangyari at wala sa tamang huwisyo. I don't even have the will to decide for myself. Pasado ala-una na ng nakita ang digital clock sa bedside table. Busy si Vlady sa mga ganitong oras kaya ipagpapabukas ko na lang ang pangangamusta.

Napatuwid ako ng tayo bago hinarap ang kwarto ng nadinig ang pagbukas at sara ng pinto. Inilapag ni Lucas ang paper bag na dala ni Pancho kanina at ang cellphone ko sa bedside table. Pumasok ako sa loob at sinara ang sliding door sa likod.

Hindi niya ako tinapunan ng tingin at dumiretso lang siya ng banyo. May sariling isip yata ang mga paa ko dahil natagpuan nalang ang sarili na sinundan siya. Nahinto ako sa hamba ng pinto ng huminto siya sa harap ng salamin. Nagtama sa wakas ang mga mata namin. Nag-umpisa niya tanggaling ang butones ng damit. Doon ko lang natanto na iba na ang damit niya ngayon kumpara ng niligtas niya ako kanina.

Kumalas ang sinturon niya habang ang mata ay nasa akin pa rin. Napakurap-kurap ako. Doon lang ako tila nagising habang dama ko ang pag-iinit ng batok. Mabilis akong tumalikod at gumapang sa kama.

Tinitigan ko muna ang paper bago nagpasyang buksan ito. Mga gamot at ointments ko iyon. Binasa ko ang resita at ang mga pangalan ng gamot. Pati ang instructions sa kung paano i-apply ang ointments. Nag-set na ako ng alarm sa cellphone para sa mga gamot na iinumin.

Kakalapag ko lang ng cellphone matapos mag-chat kay Vlady ng lumabas si Lucas. His hair was dripping wet. Beads of water cascade down his hard-toned body.

Strong. Muscular. Frightening. He is all these things.

Tumingin siya sa cellphone ko pero hindi sa akin. Pumasok siya ng walk-in closet at lumabas na naka grey sweatpants at itim na T-shirt.

Napatiim ako ng labi. Andoon pa rin ang umbok.

Tumikhim ako. "Lucas mag-usap na tayo..." Hindi ko na kaya ang katahimikan niya.

Dahan-dahan siyang umupo sa sofa. He leaned backward, spread his thighs and propped his arms in each of arm rests. His right hand then leisurely stroked his lower lip. Diretso siya sa aking tumitig.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Ang paghalungkat sa tiyan ko ay lumalala. The violence in his eyes makes me feel scared and excited all at once.

Kahit may set of sofas ang kwarto ni Lucas, malawak pa din ang espasyon noon. Tumayo ako. I slowly padded across the room with the luxurious persian rug underneath my feet. I sat in front of him as his eyes followed my every movement.

Ang glass coffee table lang ang namamagitan sa amin. Bago pa ako makapagsalita ay inunahan niya na ako.

"Ronald and his friends are in the hospital. Kritikal ang mga lagay nila,"

I let out a shaky breath as tears pooled in my eyes. The guilt gnawed inside me and the fear for the consequences of what we have done slammed on me.

"Anong ginawa mo sa kanila Lucas?" bulong ko.

"Don't look at me like that," maalmig niyang sabi.

"Like what?"

"Like I'm the monster here,"

Umiiling ako. "Hindi kita tinuturing na halimaw. Pero hindi mo dapat sila—"

Humalakhak siya kahit hindi naman siya natutuwa. "Jesus Christ Vittoria," pinlig-pilig niya ulo. "You were almost raped!" his voice roared. I flinched at his thunderous voice.

"Sinampal ka, sinuntok ka, sinaktan ka nila!" nanginig ang boses niya. "Tapos hindi ko dapat sila ano?! Do you really even know me? 'Cuz if you do, you'd know that I'd abuse my power just to protect and keep you safe!"

He glared at me. Mabibilis ang kanyang mga paghinga at namumula ang mga mata. He licked his lower lip. Tumayo siya at tinungo ang baso ng alak na nasa study table niya at nilagok lahat. "Just be grateful I didn't kill any of them,"

A chill ran down my spine. Nagsalin siya ulit ng alak.

"You wouldn't,"

Tinaas niya ang baso sa akin. "Welcome to my obsession of you,"

Yumuko ako. Pumatak ang mga luha sa naglalaro kong mga kamay. "I'm sorry. You went through all that."

Bumuntong-hininga siya. Narinig ko ang yapak niya palapit sa akin. Lumuhod siya sa harap ko. Inangat niya ang baba ko at pinahid ang aking mga luha. "He doesn't deserve your tears,"

"At hindi ka na dapat nadamay sa gulong ito!"

His nostril flares. "He's a rapist, molester and a murder!" Tumayo siya at lumayo sa akin.

Tumayo din ako at sinundan siyang umupo sa gilid ng kama.

"Dadating ang araw Lucas na pagsisihan mo ang ginawa mo para sa akin," Kumuyom ang kamao ko. "Kamumuhian mo ako dahil doon. Mas lalong ayaw kong kamuhian mo ang sarili dahil dito! I bring out the worst in you. I tainted you—"

"And I would do it all over again!" umalingawngaw ang buo niyang boses sa loob ng silid. "Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko Vittoria,"

"Hindi." Iling ko. "M-makukulong ka dahil sa akin!"

Hindi pwede. Ako pa ang magiging dahilan na madumihan ang reputasyon ni Lucas... ni Don Lucciano at buong pamilya nila. Masisira ko ang imahe nila sa publiko. Lalo na't politiko ang angkan ni Ronald. Kilala sila sa Unibersidad namin. Hindi nila ito palalagpasin.

Alam ko na pagbabayarin nila kami. Na maghihiganti sila kay Lucas.

Lucas cupped my face. Hinawakan ko din ang leeg niya at hinaplos ang panga. "Hindi ka makukulong dahil sa akin. Hindi ko hahayaang ikaw ang magbayad sa pagsagip sa akin..." ngiti ko kahit nanginginig ang labi. "Lucas... hindi ka nararapat sa isang katulad ko,"

Umigting ang panga niya at binitawan ako. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo? Hindi ikaw ang magdidikta sa babaeng aangkinin ko." Pinunasan niya ang mga luha ko. "Hindi ako makukulong. My legal team are already taking care of this. Haharapin ko sila."

Kahit papaano ay nabawasan ang pag-hikbi ko. Pero hindi pa rin ako mapapanatag. "Gusto kong ipangako mo sa akin na hindi ka makukulong Lucas. O na hindi ito lalabas sa publiko at masisira ang reputasyong meron kayo." Siguradong maaapektuhan ang negosyo nila sa eskandalong ito pag nagkataon. "Hindi ko mapapatawad ang sarili sa paghila ng mga inosenting tao sa—"

"And all you did was to save an innocent girl from being rape," putol niya. "Hindi mo kasalanan ito. Kung hindi ko sila sinaktan... hindi kita maiililigtas," bulong niya. Namumula at namamasa ang mga mata. "I never regret it, Vittoria. And so should you. Kung hindi ka dumating, may mangyayaring masama kay Macey at sa iba pang inosenting babae. Just thank God I fought the urge to put blood on my hands and kill them."

Tuluyan na akong tumahan. Pinahid ko ang mga luha gamit ang sleeve ng jacket. "Kamusta si Macey?"

"She was drugged. May nakitang cocaine at amphetamines sa bloodstream niya. She nearly overdosed, Vittoria. Kung wala ka doon, hindi lang siya na-rape. Baka namatay pa siya,"

Napalunok ako. "Nasaan siya ngayon?"

"Nasa hospital siya,"

"Saang hospital?"

Tinitigan niya lang ako. Pakiramdam ko ay hindi niya ako sasagutin.

"Lucas," I said warningly.

"Nagsampa na ng kaso ang pamilya nila Ronald. You can't go to her now that the police are still investigating what happened hours ago. Sigurado ding pupuntahan ka ng mga pulis, tatanungin ka nila at pa-iimbestigahan din,"

Sumandig ang ulo ko sa headboard at tumanga sa kisame. Ilang sandaling katahimikan, I looked at him softly. "Ikaw, ayos ka lang?"

Lumamlam ang mga mata niya. "I'm not. Galit pa rin ako sa ginawa nila at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng galit kong ito hangga't hindi sila nakukulong,"

"This isn't your fight, Lucas,"

"And this isn't yours, too. Hustisya ang kalaban nila. Hindi kita iiwan. Hindi sa pagkakataong 'to," he said with finality. 

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

711K 43.6K 38
She was going to marry with her love but just right before getting married(very end moment)she had no other choice and had to marry his childhood acq...
1.3M 69.8K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
507K 1.5K 11
Fun wlw sex. Different kinks and stuff, all about trying things. May even include potential plot lines and will definitely include some form after ca...
294K 34K 85
#Book-2 of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...