Sweet Vittoria Reigns

By solaceinstellar

250 65 0

The day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil. More

PANIMULA
KABANATA - 1
KABANATA - 2
KABANATA - 3
KABANATA - 4
KABANATA - 5
KABANATA - 6
KABANATA - 7
KABANATA - 8
KABANATA - 9
KABANATA - 10
KABANATA - 11
KABANATA - 12
KABANATA - 13
KABANATA - 14
KABANATA - 15
KABANATA - 16
KABANATA - 17
KABANATA - 18
KABANATA - 19
KABANATA - 20
KABANATA - 21
KABANATA - 22
KABANATA - 23
KABANATA - 24
KABANATA - 25
KABANATA - 26
KABANATA - 27
KABANATA - 28
KABANATA - 29
KABANATA - 30
KABANATA - 31
KABANATA - 32
KABANATA - 33
KABANATA - 35
KABANATA - 36
KABANATA - 37
KABANATA - 38
KABANATA - 39

KABANATA - 34

3 2 0
By solaceinstellar


Itinaas ko ang kamao at kumatok. Nadidinig ko ang kalabog ng puso. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Drew, classmate ko at isa din sa barkada nila Ronald, may hawak na sigarilyo ang isa niyang kamay habang ang isa ay bote ng beer.

Napatingin ako sa kaliwa ko, sa kahabaan ng corridor sa palapag kung saan ang condo unit ni Andy. Gumapang ang lamig at mabigat na nararamdaman sa sistema ko.

Pwede pa akong tumakbo palayo kung sakali. Walang pipigil sa akin.

Sa hindi malamang kadahilanan ay tumatayo ang balahibo sa kalampag ng beat ng music sa loob ng unit. Kumapit ang kamay ni Drew na may sigarilyo sa ibabaw ng pinto at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Namumungay na ang mata nito at nakakaloko akong nginisihan.

"Akala ko hindi ka na pupunta?" nanunuya ang tono niya. Paano niya ako titigan ay nagpaugat sa akin sa kinatatayuan.

Dinungaw ko ang sa likuran niya. "Si Macey?" Ibinalik ko sa kanya ang titig at nahuling nakatingin sa hinaharap ko.

My skin crawled. All I want to do is to run away from this. Ang pag-iisip na andito si Macey lang ang nagpapigil sa akin.

Sumimsim si Drew ng beer at nilakihan ang awang ng pinto. "Pasok ka. The party's just getting started, Vittoria." Kindat niya.

Nag-aalangan akong tumingin ulit sa kahabaan ng pasilyo. Walang katao-tao. Walang pipigil sa akin pero wala ding tutulong. Sound-proof kaya mga unit nila dito?

"Ano?" iritang tanong ni Drew.

Pumasok ako at ang unang nakita ay si Sandro at ang nobya nitong naghahalikan sa couch. Napatingin ako kay Drew at tumaas lang ag kilay niya na nakangisi. May iilang tao at halos lahat ay lalaki. Hindi ko pa mga kilala.

Lumikot ang mata ko, desperadang mahagilap si Macey at bantayan siya o hilahin palabas dito. Hinakbang ko ang mga paa at ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng hoodie.

Sa kaliwang bahagi ng living room, may hallway na padiretso sa dalawang pinto na magkaharap. Sa pinaka-dulo nito ay open space na gaming room yata. May mga naglalaro kasi ng billiard at ang isang tumpok ng lalaki ay may binabatong yellow na bola sa mga red cups na may lamang beer.

Naglakad ako palapit doon. Sa daan ay may halong pagtataka at asiwa ang tingin ng dalawang babaeng naka-tight dress sa suot kong hoodie, loose jeans at rubber shoes.

Napahinto ako ng lumabas si Ronald sa isang pinto na binubutones ang pantalon. Namamawis ang dibdib nito, maraming kalmot ang leeg at dibdib at magulo ang buhok.

Napahinto siya ng mamataan ako at unti-unting napangisi. Papalapit siya sa akin ng lumabas ang isang babaeng sa kwartong pinagmulan ni Ronald. Nanginginig ang mga balikat sa paghagulhol nito. Ang mascara ay kumalat sa palibot ng mga mata niya at ang lipstick ay dumungis sa pisngi at baba.

Nanginginig ang katawan nitong tumakbo palayo at ang tunog ng kanyang iyak ay sapat na maling-mali ang pagpunta ko rito. Nilampasan niya kaming dalawa. Nanlamig ako ng naamoy ang sex sa babae.

Umawang ang labi ko at nanlalaki ang mga matang tumingin kay Ronald. Did he... Marahas akong napalunok. Tumalikod ako para sundan ang babae pero hinablot niya ang braso ko at pinaharap ulit sa kanya.

Namumula ang mga mata at amoy alak ang hininga ni Ronald. Humagulhol ulit ang babae kaya nilingon ko ito. Nakita kong nakaharang si Drew sa pinto habang pilit na lumalabas ang babae bitbit ang high heels. May marka ang leeg at braso niya. Nangilid ang mga luha sa mata dahil alam ko na ang nangyari... at sa sobrang kaba.

Sinunggaban ni Ronald ang panga ko at marahas na pinaharap sa kanya. "Eyes on me, Vittoria."

Halos masuka ako sa amoy na nanggagaling sa kanya. The smell of vices: cigarettes, liquor, drugs and non-consensual sexual intercourse.

Rapist si Ronald. Siguradong pati na ang mga barkada niya. Humahapdi na ang braso ko sa pagbaon ng kanyang kuko sa balat ko.

"Bitawan mo ako!" Pumiglas at nagsusumigaw ko. Natahimik ang buong unit pero walang ni isang nagtangkang ipagtanggol ako o pigilan si Ronald.

"Pag hindi ka tumahimik makakatikim ka sa akin," banta ni Ronald.

"Bakit mo ba ginagawa 'to Ronald?!" pakiusap ko at buong lakas siyang tinulak siya palayo.

Napaatras siya at mabilis kong sinunggaban ang oportunidad na tumakbo palayo. Sa isang iglap ay nahablot ni Ronald ang akin buhok. The grip and force of his hand feels like his tearing away my hair from the scalp. Tuluyang tumulo ang mga luha ko sa hapdi at sakit.

Marahas niyang sinalampak ang ulo ko sa pader. Bahagyang nandilim ang hininga ko at sa lakas ng pagkakabunggo ay bumigay ang aking tuhod. The impact constricted my lungs, hindi ako makahinga ng maayos.

"Tinatanong mo bakit ko ginawa ito?" marahas niyang bulong sa tenga ko. Hindi ko magawang ihiwalay ang ulo sa pader dahil mahigpit niya itong idinidiin. "Because I know you're going to be a good fucking whore!" sabay halakhak niya.

"Ronald..." hagulhol ko.

"What Vittoria?" he mocked my tone. Nilamon na siya ng droga. May puting pulbura pa na naiwan sa ilong niya. Ronald is possessed and he is beyond rational judgement.

"Si Macey?" bulong ko.

"Ohh..." nanunuya niyang nguso. "Don't cry baby girl." Pinahid niya ang pumatak kong mga luha nanggagalaiti kong iniwas ang mukha sa kanya.

"Wag mo akong hahawakan!" sigaw ko. "Tulong! Tulongan niyo ako!" sigaw ko sa mga taong nakatayo sa paligid. Nang magtama ang mga mata namin ay iniwas lang nila ang tingin at tumalikod.

Jesus Christ. Tao pa ba ang mga nandito?

Malakas na humalakhak si Ronald. "Tingin mo tutulungan ka nila? They're scared of my Dad, whore. Congressman Villafuerte will do anything for his only son," marahas niyang bulong.

Muli niya akong kinaladkad habang hawak ang buhok ko. Nadaanan ko si Drew at imbes tulungan ay nakakaloko lang siya sa aking ngumisi.

"Pagkatapos mo d'yan bro ako naman. Let me taste her. Everybody's hook up with you Vittoria, let's see if that pussy really is delicious,"

"Sure." Sumaludo pa si Ronald sa kanya.

Napatakip ang isang kong kamay sa bunganga. Naduduwal ako sa pinaggagawa nila. Paano nilang naaatim ang ganitong gawain? Lalo na sa isang babaeng walang kalaban-laban?

"Gusto mong makita si Macey?" tanong niya. Napahawak ako sa kamay niyang nakasabunot sa akin. Nanlalabo na ang paningin ko sa luhang umaagos.

Halos hindi na ako makalakad ng maayos. Guyod-guyod niya na lang ako sa paghawak sa ulo. Huminto kami sa isang pinto at sinipa niya itong binuksan.

Humantad sa amin si Andy na kinukubabawan si Macey. Nakasuot pa silang dalawa ng damit pero ang kamay at labi ni Andy ay naglalakbay sa buong katawan ng tulog na si Macey.

Humagulhol ako ng iyak at buong pwersang sinugod silang dalawa. Tinulak ko si Andy palayo sa katawan ni Macey. Niyugyog ko ang katawan niya. "Macey! Macey gising!" alog ko sa kanyang balikat.

Umungol lang siya pero nanatiling parang lantang gulay ang katawan.

"Anong ginawa mo sa kanya?!" sigaw ko kay Andy na ngayon ay nanggagalaiti ng nakatingin sa akin. Katulad din ng kay Ronald ang mukha niya. His eyes are bloodshot.

"Macey..." makaawa ko at tinapik-tapik ang pisngi. Anong pinainom nila kay Macey? Sigurado akong ginamitan nila siya ng droga.

Ungol lang uli ang sagot niya. Nag-umpisang naglakad si Andy palapit sa akin. Hindi ko kayang makalabas dito. Nakaharang si Ronald sa pintuan at hindi ko pwedeng iwan si Macey.

Pinulot ko ang lamp shade sa bedside table at binato iyon kay Andy. Sa bigla, hindi niya nagawang makaiwas kaya natamaan siya sa ulo.

Natumba siya sa sahig na hawak ang duguang ulo. Dinig ko ang sunod-sunod na mura ni Ronald habang papalapit siya sa akin. Bago pa ako makailag ay tumama ang kamao niya sa tiyan ko. Napaluhod ako sa sahig at napaubo.

Bumigat ang pakiramdam ko. Hinawakan niya ang aking braso at marahas na pinatayo. Binalibag niya ako sa kama at kinubabawan. Kahit hilong-hilo ay nilukob ako ng sobrang takot at pagkataranta. Nagsimula akong magsusumigaw hanggang sumakit ang lalamunan ko.

Buong lakas kong ginalaw ang buong katawan para makawala lang sa kanya. Bumwelo ang tuhod ko at marahas na tinamaan ang pagitan ng hita ni Ronald. He groaned and rolled over me while cupping his groin.

Mabilis akong lumayo sa kanya at pinulot ang isa pang lamp shade sa kabilang bedside table at pwersahang binagsak sa ulo niya. The sound of shattering glasses echoed in the room.

Nag-umpisang tumayo si Andy na duguan ang mukha. Ang ekspresyon sa mukha niya ay nagsiguradong hindi ako makakalabas ng buhay dito. Pasekreto kong pinulot ang isang basag na bahagi ng lamp sa kama at tinago sa likuran. I can feel its jagged and sharp edges cutting my skin.

"Please Andy..." pakiusap ko.

Natawa siya. Minata ko si Ronald at hindi pa makayang makatayo.

"Magbabayad ka sa ginawa mo sa amin," banta niya.

"Ano bang ginawa ko sa inyo?! Mga hayop kayo! Kayo ang may masamang balak sa amin—" Mabilis siyang sumugod sa akin at sa isang iglap at naidepensa ko ang mahabang bubog. Nalaslas nito ang palad ko sa talim pero bumaon ito sa tagiliran ni Andy. It was buried to the hilt.

Kasabay ng pagputok ng labi ko mula sa sampal niya ay paghugot ko ng basag na bahagi ng lamp shade. Halos matumba ako sa tindi ng pinsala. Nabitawan ko ang hawak.

Sa paghakbang ni Andy ay napatiim ang ngipin nito sabay hawak sa gilid. Doon niya lang naramdaman ang sakit at ang pulang likidong dumadaloy mula roon. The blood started flowing out from the wound.

"You fucking bitch," nanggagalaiti niyang saad. Sinubukan niyang lumapit sa akin pero nanghihinga siyang napahawak sa pader.

May kumalampag at sigawan mula sa labas. Ang mga yapak ng paa na tila nagtatakbuhan ay nanaig. Maya-maya ay may putukan ng baril ang umalingawngaw.

Tumakbo ako para akayin si Macey palabas sa impyernong ito. Sinimulan kong ipalibot ang braso niya sa leeg ko at inalalayang makatayo. Malaking kamay ang sumakma sa leeg ko at sinalampak ako sa pader.

"Look what have you done, you slut! Nagkalat ka pa! Papatayin kita. I'm going to kill you. And then we're going to fuck your corpse. You and your friend!" Dalawang kamay na ang sumasakal sa leeg ko.

Kumamlot ang kamay ko sa braso ni Ronald. I scratched and tried to kick him. Some of his skins were now under my nails from clawing. Sinubukan kong lumaban pero sa paglipas ng segundo ay dumidilim na ang paningin ko sa kawalan ng hininga.

Nawawalan na ako ng pwersa. Ramdam na ramdam ko ang sikip ng dibdib sa sobrang hirap sa paghinga.

May pumutok sa gilid ko. Bumagsak ang pinto. Hindi ko alam sinong pumasok pero sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa silid.

Nabitawan ako ni Ronald habang malakas siyang sumigaw at hawak-hawak ang duguan niyang binti. Nilingon niya ang may kagagawan noon. "Who the fuck are you?! Anong ginagawa niyo dito sa condo ko?!"

Dahil baldado pa si Ronald ay sinunggaban ko ang oportunidad na iyon. Napatabon ako sa bibig at humikbi. Hindi ko na napigilan ang hagulhol na kumawala. Pinilit kong tumayo para puntahan si Macey ng lumitaw si Lucas sa harap ko.

Napahinto ako. Ang paghinga, ang tibok ng puso, ang takbo ng isip sa galit na mukha ni Lucas. Mas mahaba na ang buhok niya. His stubble makes him more mature and intimidating than before. His eyes were a blaze of brown with green specks around it.

"Wala kayong karapatan na pumasok dito?! Isusumbong ko kayo kay Daddy! Hindi niyo ba kilala ang ama ko?! You'll pay for all of the—"

Hinampas siya ni Lucas ng pwetan ng baril dahilan ng pagkakasubsob niya sa sahig. He spit blood while groaning.

May dalawang pumasok na naka-itim na lalaki sa likuran niya. May hawak na mga baril at sa kabila ay isang device na hindi pamilyar sa akin. Hindi ko maiproseso ang mga nangyayari. Hindi makasabay ang utak ko dahil na rin sa matinding pagkirot dito at ang pandidilim ng paningin.

Nag-iilusyon na yata ako. Napurahan yata talaga ang ulo ko. Maybe I'm hallucinating. Maybe I'm imagining Lucas in these life-threatening times because he was my sanctuary. My safe zone. He still is.

Sinubukan kong gumapang kay Macey pero ang mga bakal na braso ang pumalibot sa akin.

Nang lingunin ko ay si Lucas pa rin. I blinked and stare. Nagtitigan kami. Wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya. Doon ko lang natantong andito nga talaga siya. Mapakla akong napatawa.

His eyes hardened. Hinila niya ako palapit sa kanya at marahang hinawakan ang panga ko. I hissed at the contact. Nahawakan niya ang namamaga kong pisngi.

Umigting ang kanyang panga at mabilis akong binuhat sa dalawang bisig. Lumapat ang pisngi ko sa dibdib ni Lucas. Ang lakas ng tibok. Ang init. Dumadagundong gaya ng akin.

Guminhawa ang pakiramdam ko ng maamoy ang pamilyar niyang pabango.

"S-si Macey..." nahihirapan kong bulong ng na-realize na ilalayo niya ako doon.

"Mga tauhan ko na ang bahala sa kanya," malamig na tugon ni Lucas.

May mga ibinigay siyang utos sa dalawang lalaki bago lumabas ng kwarto. Wala ng tao sa condo paglabas namin. Pagtungtong namin sa living room ay nakita ko ang nakahandusay na mga katawan ni Drew at Sandro. My eyes widened and my breath hitched.

"They're not dead," ang mababang tono ni Lucas ang nagpapanatag sa akin. Wala akong nakita dugong dumadaloy sa kanila kaya kahit papaano ay tumahan ako.

Gusto ko lang naman iligtas si Macey... o protektahan. I don't want blood on my hands. Hindi ko inakalang ganito ka-bayolente at karahas ang kahahantungan ng mga pangyayari.

Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat ng ito. Kahit saan ako pumunta ay sinusundan ako ng mga masasamang pangyayari. Nakakadamay pa ako ng ibang tao.

Bumibigat ang pakiramdam ko habang pilit na pinanatiling gising ang diwa kahit na nakapikit ang mga mata.

"Don't sleep, Vittoria. Don't you dare fucking close your eyes on me. I can't lose you," galit niyang ani.

Napamulat ako at inabot ang panga niya. "Bakit nandito ka Lucas?"

He looks so angry. Kung kanina ay wala pa siya emosyon, ngayon ay nag-uumapaw na iyon. Hindi na kulay putik ang mga mata nito ng dinungaw ako habang mabilis ang pagbaba sa staircase ng fire exit.

Sobrang itim na animo'y dyablong maghahasik ng lagim sa sobrang poot.

"I'm going to punish you for leaving me. Hindi mo ako pwedeng iwan. Hindi ngayon. Hindi kailanman." Lumabas kami sa parking lot na walang katao-tao. Ipinasok niya ako sa itim na kotse at nilagay ang seatbelt.

Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago umikot para magmaneho. May tinawagan siyang kung sino. Hindi ko na alam kung sino o tungkol saan dahil kahit anong pilit kong gumising ay hinihila ako ng sakit ng ulo. I felt so drained all of a sudden. The adrenaline was gone.

Lumapat ang kung mainit at malambot sa labi ko. Kahit hindi ko buksan ang mata ay alam kong labi iyon ni Lucas. Alam na alam ko ang hugis, pakiramdam at lasa ng labi niya. He made me memorized it.

"Open your eyes, goddamn it!"

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Marahas na tumaas at saka bumaba ang dibdib niya tanda ng pagginhawa ng paghinga.

"Stay with me." Pinaglingkis niya ang mga kamay namin at pinatakbo na ang sasakyan.

Ang dami kong gustong itanong pero hindi ko magawa. Ilang linggo ko siyang hindi nakita. Pakiramdam ko taon na ang lumipas ng huli ko siyang nasilayan. I rolled to my side so I can look at him properly.

Hindi ko alam gaano ko siya katagal pinagmasdan hanggang makakuha ako ng lakas na magsalita.

"Hindi mo na dapat ako pinuntahan Lucas,"

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Umusli ang ugat sa noo sa pag-igting ng panga. "We will talk when you're properly taken care of," utos niya.

Malungkot akong ngumiti. "Kinalimutan mo na dapat ako,"

Nag-aalab ang mga mata niyang lumingon sa akin saglit at hilaw na ngumisi. "Bakit? Dahil kinalimutan mo na din ako? Should I return the favor, then?" Nilipat niya ang magkahawak naming kamay sa hita niya habang galit ang mga tingin sa daan.

"It doesn't work that way. You don't get to fucking dictate me, Vittoria. I won't let you leave me; I won't give you up without a fight."

Sasagot pa sana ako pero huminto na ang sasakyan at nakalabas na siya. Binuksan niya ang pinto ng inuupuan ko at binuhat ako. Kahit mabilis ang mga kilos ay kalmado ako ni Lucas a isinugod sa hospital. Nagalit ng hindi siya pinapasok ng nurse at doctor sa ER.

Hinawakan ko ang braso niya at hinalikan ang panga. Napahinto siya at kumalma kahit patuloy pa din ang marahas na taas-baba ng kanyang dibdib.

Ang dilim sa mata niya ay bumibikig sa lalamunan ko. How can he look at me so intensely and promise to marry another woman?

"Maghihintay ako," ani niya.

Nilunok ko ang bara sa lalamunan. "Alam ko," ngiti ko kahit alam kong walang kasiguraduhan iyon. May guwang na ang tiwala ko kay Lucas.

Pinasok na ako ng nurse sa ER. Ang dami nilang tinanong sa akin. Ang iba ay hindi ko masagot ng maayos. Pagkatapos noon ay chineck nila ang buong katawan at ang vital signs ko.

Lahat ng parte sa akin ay masakit. Lalo na ang ulo at ang pisngi kong nakatanggap ng ilang sampal. Unti-unti ng lumitaw ang pasa sa tiyan mula sa suntok na natanggap.

Higit dalawang oras akong naroon dahil tatlong test ang ginawa sa akin. Nagbihis ako ng hospital gown at pinahiga na sa isang kwarto. Nilagyan ako ng dextrose. Pwede namang hindi pero may dugo ang damit ko kaya mas pinili kong magbihis.

Hindi ko alam kung naghihintay pa ba sa akin si Lucas. Hindi ko alam kung ano ng mangyayari sa susunod na mga araw.

Nag-sink-in lang lahat sa akin ang nangyari. Hindi ko na alam ang gagawin. Sana ligtas na si Macey at ang babaeng ginahasa ni Ronald. Higit sa lahat, nabaril ni Lucas si Ronald.

Sumandig ako sa headboard at niyakap ang tuhod. Kung hindi nakaligtas si Ronald... nakamatay ng tao si Lucas dahil sa akin... and Andy. What have I done? Binaon ko ang mga mukha sa tuhod at tahimik na umiyak.

Natigil ako ng marinig ang papalapit na yapak. Huminto ang doctor na umasikaso sa akin kanina. Sa likod nito ay ang tauhan ni Lucas na kasama niya kaninang nagligtas sa akin.

Pinahid ko ang mga luha. Sinsero at malambot lang na ngumiti sa akin si Doc na mukhang bata pa lang. Bawat sinok ko ay sumasakit ang aking tagiliran.

Kinausap ako ni Doc sa mga diagnoses niya. Bukod sa natamo kong sugat sa labi, pasa sa tiyan at tagiliran, namumulang pisngi ay pamamaga lang sa ulo ang meron ako. Sa kabutihang palad ay walang serious head injuries na nakita mula sa mga lab results.

Binigyan niya ako ng resita para sa mga iinumin kong gamot. Nagbigay na siya ng Go signal sa pag-uwi namin. Nagpasalamat muna ako sa kanya bago kami iniwan ng tauhan ni Lucas.

"May mga importanteng ginawa si Sir na hindi na makakapaghintay kaya ako muna sa iyo ang aantabay, Ma'am," paliwanag niya.

Hindi na ako nadismayang hindi tumupad si Lucas sa sinabi niya. Ito ang magiging buhay ko kung pipiliin kong mahalin pa din siya habang iba ang ile-legal niya.

I will always be the least of his priorities.

Ngumiti lang ako. "Salamat," tango. "Anong pangalan mo?"

Tumikhim siya. "Pancho, Ma'am,"

"Vittoria nalang itawag mo sa akin,"

Napipilitan siyang tumango. Katamtaman sa taas pero bulky sa muscles ang katawan ni Pancho. Sobrang mabalahibo din at nakatali ang mahabang buhok.

"Gusto mong magpahinga muna dito o hahatiran kita ng pagkain?" tanong niya.

Bumuntong-hininga ako. Wala na akong higit na mas gugustohin kung hindi ang bumalik sa normal ang buhay. Even though it feels like normalcy doesn't like me.

Hindi ko alam kung ano ang haharapin ko bukas. Ni hindi ko pa nga alam kung papasok sa eskwela o trabaho.

Hindi sigurado kong kumalat na ba ang balita, kung buhay pa si Ronald, si Andy, kung ayos lang si Macey... kung lilipat na naman ba ako ng lugar para makapagsimula muli.

I don't know what tomorrow holds. Ayaw ko na munang isipin. Gusto ko lang magpahinga.

"Gusto ko umuwi," bulong ko.

Tumango siya. "Dito ka muna. May kukunin lang ako na gamit sa sasakyan." Seryoso siya sa aking tumingin. May pagdududa at banta doon.

"Wag mo munang takbuhan palayo si Lucas ngayon. Nakita ko kung ano ang kaya niyang gagawin para sayo. He would kill for you. Stay here for your own safety and Lucas' sanity."

Umawang ang labi ko. Naiwan akong nakatulala. Hindi umabot ng ilang minuto ay nakabalik din siya agad na may bitbit na dalawang paper bag.

Ibinigay niya sa akin ang isa. "Magbihis ka muna."

Tahimik kong sinunod ang utos niya. Inalalayan niya ako papuntang sasakyan pagkatapos. Bawat galaw ko ay hindi ko maiwasang mangiwi. Kumikirot ang ulo at ilang bahagi ng katawan ko.

Tahimik lang kami sa biyahe. Tinitigan ko si Pancho sa rearview mirror. "Nasaan si Lucas?"

Diretso lang ang kanyang titig. Alam kong wala siyang balak sagutin iyon. Hindi din sigurado kung gusto kong marinig ang sagot.

Sabi ni Pancho ay kayang pumatay ni Lucas para sa akin. I wonder then if he can also kill for Astrid. Hindi mabura sa isip ko ang mga mata niyang namumungay sa mga litrato nila Astrid.

"Kaano-ano mo si Lucas?" ulit kong tanong.

"Bodyguard,"

"Ilang taon na?"

Mahabang katahimikan ang nanaig. Akala ko hindi na siya ulit sasagot. "15 years,"

Dahan-dahan kong sinandig ang ulo sa headrest at nilingon ang labas ng bintana. Pinagmasdan ko lang ang nadadaanan namin ng nangunot ang noo ko at napatuwid ng upo.

"Hindi ito ang daan pauwi sa tinutuluyan ko." Matalim ang tingin kong iginawad kay Pancho.

"Utos ni Lucas na sa pad ka niya ihatid,"

Humalakhak ko. "Hindi ako um-oo dito—"

"Anak ng mga politiko ang na-engkwentro mo, namin, Vittoria." Saglit niya akong sinulyapan. "Hindi ka magiging ligtas doon hangga't hindi pa nalilinis ni Lucas ang mga kalat."

Bagsak ang balikat kong napasandig sa upuan. Pumikit ako ng mariin at eksaheradang napabuntong-hininga.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 125K 44
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
674K 33.9K 28
π“π‘πž π”π§πžπ±π©πžπœπ­πžπ 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 ~ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝟐 Sara Zafar, once a vibrant, effervescent spirit, embarks on a new chapter of her life in New Y...
228K 13.6K 15
"α€˜α€±α€Έα€α€Όα€Άα€€α€œα€¬α€•α€Όα€±α€¬α€α€šα€Ί α€„α€œα€»α€Ύα€„α€Ία€œα€Ύα€―α€•α€Ία€žα€½α€¬α€Έα€œα€­α€―α€·α€α€²α€·.... α€™α€Ÿα€―α€α€Ία€›α€•α€«α€˜α€°α€Έα€—α€»α€¬...... ကျွန်တော် α€”α€Ύα€œα€―α€Άα€Έα€žα€¬α€Έα€€ α€žα€°α€·α€”α€¬α€™α€Šα€Ία€œα€±α€Έα€€α€Όα€½α€±α€€α€»α€α€¬α€•α€«.... α€€α€»α€½α€”α€Ία€α€±α€¬α€Ία€›α€„α€Ία€α€―α€”α€Ία€žα€Άα€α€½α€±α€€...
258K 29.5K 75
#Book-2 of Hidden Marriage Series. πŸ”₯❀️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...