Their Long Lost Sister

Von lialabspurple

47.1K 1.6K 284

The Fernandez family was thrilled to learn that they would have a princess in their family, especially when s... Mehr

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
AUTHORS NOTE
JAZLEY'S STORY

CHAPTER 33

627 31 13
Von lialabspurple

Matapos nga ng kwenento ni Oliver ay natahimik ang lahat. Wala ni isa ang kumilos. Kahit na gusto ng sugurin ng magkakapatid ang tito nila ay pinigilan nila ang mga sarili na gawin 'yon.

Maririnig lang ay ang hikbi ni Dianna. Hindi nito lubos maisip na ganito ang nangyayare sa kanila. Hindi niya alam kung bakit kailangang umabot sa ganito ang lahat.

"So quiet, tsk. By the way, let me continue my story. This is the exciting part of the story." maya-maya ay salita ulit ni Oliver.

Hindi naman nagsalita ang pamilya Fernandez. Hinayaan lang nila ito sa gusto nitong gawin. Makikinig lang sila sa ikwekwento nito, lalo na at pakiramdam nila ay may makukuha silang sagot sa sasabihin nito sa mga tanong na namuo sa isip nila.

"No'ng nalaman nilang nagising na ang nag-iisa nilang prinsesa ay natuwa sila. Buong akala nila ay magiging masaya na sila matapos no'n. After ng ilang taon, naging masaya sila sa piling ng ibang tao. Sa taong hindi naman nila kaano-ano. Hindi nila alam na ginaya lang ng taong 'yon ang mukha ng kapatid nila para malinlang sila. Buong pagkatao ng kapatid nila ay ginaya ng pekeng taong nakakasama nila. That person acted so well that they did not realize that this was not their real princess. Kuhang-kuha kasi nito ang itsura, ugali, boses at iba pa ng totoong kapatid nila. Hindi nila alam na ang taong nagising ay hindi na nila prinsesa." nakangising sabi nito.

Sumipol pa ito bago muling nagsalita para ipagpatuloy ang kwento kuno nito sa kanila.

"And they didn't know na ang totoo nilang kapatid ay iba na ang itsura kaya nang muli silang magkita at magkaharap ay hindi nila ito namukhaan o nakilala dahil nga sa iba na ang mukha nito. Do you want to know why? Of course, yes haha. Back then, habang wala sila, wala silang lahat sa room ng prinsesa nila ay may pumasok doon para kuhanin ang original na prinsesa nila at ipalit ang pekeng prinsesa nila. Hindi nila alam na habang nagsasaya sila kasama ang pekeng prinsesa kuno nila ay comatose pa rin ang totoo nilang prinsesa at naghihirap nang magising at wala itong maalala. The mastermind ay pinaretoke niya ang mukha ng kanilang prinsesa nang makuha siya, habang comatose ito. Isang taon din siyang na-comatose at walang naaalala ang babaeng 'yon nang magising. Hindi nito naaalala ang pamilya niya, at kung sino siya. And of course, I know you already know kung kaninong story ang sinasabi ko, am I right? It's your story, guys. So be thankful and say thank you haha. And yeah, the mastermind is already in front of you and your welcome." Oliver said then smirk. Kinindatan niya pa ang pamilya nila Alfred.

Tuwang-tuwa sa ginagawa. Gustong-gusto niya ang nakikita niya ngayon. Natutuwa siyang makita ang reaction ng mga ito sa lahat ng sinabi niya.

"It's nakakapagod pala magsalita, ha?" sabi pa nito at tumawa.

"So nagustuhan niyo ba? Actually, pinaikli ko na lang ang story niyo. You're so tatanga HAHAHAHA." napahawak pa ito sa tiyan niya habang natawa.

Ang asawa niya naman ay napailing-iling na lang at hinayaan ang asawa niya sa pinaggagawa nito.

"Masaya 'yon? Masaya ka na diyan? Masaya ka na dahil nagtagumpay kang pahirapan ang pamilya namin?" Jazley said.

"Actually, hindi pa. Hindi pa ako kuntento. Kulang na kulang pa 'yung ginawa ko. Like I said earlier, I want all of you dead, so be ready." sabi nito nang nakangisi.

"Daming sinasabi." irap na sabi ni Jazley. Gusto mang kumilos nila Shawn ay hindi nila ginawa tulad ng sabi ni Jazley sa kanila.

"If you want us dead then go. Dapat matagal mo na 'yang ginawa. Isang kabobohan ang pagpapahirap mo sa 'min." sabi pa ulit ni Jazley.

Kumunot lang naman ang noo ni Oliver at tinitigan si Jazley. Sinusuri niya ang binata. May iba siyang pakiramdam.

"Eh, sa gusto kong makita kayong nahihirapan bago tapusin. Wala ka ng pakealam sa kung anong gusto kong gawin sa inyo." sabi ni Oliver.

Si Jazley naman ay ngumisi lang at nagsimulang maglakad-lakad. Pinanood lang naman siya ng lahat, kasama na ang mga magulang at kapatid niya.

"Hmm, okay. I have a question, isang tanong, isang sagot. Where's our sister?" tanong ni Jazley na ikinangisi ni Oliver sabay lingon kay Suzainne na tahimik lang.

Nawala na nga sa isip nila na kasama nila ito. Na nandito ito kasama nila.

"Why don't you ask Suzainne? As far as I know she killed your dearest princess. The one you think is kind is the one who killed your only princess." ngising sabi ni Oliver.

Nanghina naman sila sa narinig at hindi makapaniwalang tinitigan si Suzainne na kagat na ang ibabang labi.

"Totoo ba 'yon, Suzainne?" lumuluhang tanong ni Dianna at napasinghap na sila nang tuluyan ng dahan-dahang tumango si Suzainne.

Nanghihinang napakapit si Dianna sa asawa at humagulgol. Nilapitan na rin naman ito nila Shawn.

Hindi na nakapagpigil si Alfred at ibinigay muna ang asawa sa mga anak at tsaka sinugod ang kapatid.

Agad niya itong kwenelyuhan at sinapak nang tuluyan siyang nakalapit dito. Napaupo si Oliver dahil sa lakas ng sapak sa kaniya ni Alfred.

"Hindi ko alam na ganiyan ka, Oliver! Hindi ko alam kung bakit kailangan mong gawin 'to sa 'kin! Naging mabuti naman akong kapatid sa 'yo kaya bakit ganito?! I don't fucking understand you, Oliver! Hindi na ikaw ang Oliver na kapatid ko, na kilala ko!" galit na sabi ni Alfred habang nakatingin nang matalim sa kapatid na nasa lupa na at hawak ang pisngeng sinapak niya.

Agad namang nilapitan nila Vaxton ang ama para awatin ito at maya-maya lang ay tumawa nang malakas si Oliver.

"You deserve it, Alfred! You fucking deserve it!" He exclaimed.

"You–" hindi na natuloy ni Oliver ang sasabihin niya nang may bumaril sa kaniya sa paahan niya dahilan para mapasigaw siya sa sakit.

"Merda! Merda!" hiyaw nito habang hawak ang paa. Dali-dali rin namang lumapit sa kaniya ang asawa niya.

"'Yan ang masasabi kong deserve." biglang litaw ni Jazley na may hawak na baril. Umuusok pa 'yon at hinipan niya sabay nakangising nakatingin kay Oliver.

Hindi kasi alam ng lahat na may nakatago siyang baril sa suot niyang coat at hindi namalayan ng lahat na kinuha niya na 'yon at pinutok kay Oliver.

"You want game? Then ipapakita ko sa 'yo ang tunay na laro." Jazley said and walked towards Oliver. Nag squat rin siya para mapantayan ang mukha ni Oliver.

"Kung ikaw marumi maglaro, ako demonyo maglaro." ngising sabi ni Jazley sa pagmumukha nito.

Sina Suzainne na nanonood ay kinilabutan sa paraan ng pagngisi ni Jazley. Nagtayuan ang mga balahibo nila.

"Pagbilang kong lima, laro'y mag-uumpisa. Isa... Dalawa..." sabi ni Jazley at nagsimula ng magbilang.

Nagtaka naman sa kaniya ang lahat dahil hindi nila alam ang ginagawa nito.

Umalis na rin si Jazley sa harap ng tito niya at tsaka siya nagpalakad-lakad habang nagbibilang.

"Tatlo... Apat... Lima!" sigaw nito sa huli at maya-maya lang ay narinig nila ang pagtunog ng cellphone ni Oliver.

Napangisi si Jazley nang makita ang reaction ng tito niya. Gigil nitong kinuha ang cellphone at sinagot saka siya matalim na tiningnan.

Tinaasan niya lang naman ito ng kilay habang nakangisi. Sabay bigkas ng...

"Hope you like it, tito." na nagpamura lang kay Oliver.

Habang pinapanood nila si Oliver na may kausap sa cellphone na nakangiwi pa rin ngayon at hawak ang ay hindi nila alam lahat na may nanonood din sa kanila, kanina pa.

Napapailing na lang ito habang nanonood. Nakaupo siya sa isang tagong gilid ng bahay habang nakapandekwatro at magkacross ang mga braso sa tapat ng dibdib.

"What?! What's happening?! Are you fucking kidding me?!" sunod-sunod na sigaw nito dahilan para magtaka ang lahat.

Si Jazley naman ay nakangisi lang at maya-maya ay nawala nang magtama ang paningin nila ni Suzainne.

Nanlaki naman ang mga mata ni Suzainne dahil do'n at agad na umiwas ng tingin. Kinabahan siya nang makita sa peripheral vision niya na naglalakad ito papunta sa kaniya.

Nataranta siya bigla, hindi alam ang gagawin. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya paalis o mananatili lang. Tatakbo pa nga lang sana siya paalis nang mahawakan na ni Jazley ang palapulsuhan niya.

Napasigaw at napapikit siya sa takot at gulat.

"Where do you think you're going?" seryosong tanong ni Jazley at mahigpit na hinawakan ang palapulsuhan niya.

"K-kuya Jazy–"

"Don't you fucking dare call me kuya! You're not my sister!" napapikit si Suzainne dahil sa biglaang sigaw ni Jazley sa kaniya.

Ang taong nanonood naman sa kanila ay biglang napatayo sa kinauupuan nito dahil sa ginawa ni Jazley kay Suzainne.

"I trusted you, Suzainne. How dare you... How dare you para pagtaksilan kami, lokohin kami? Naging mabuti naman kami sa 'yo, ah. I don't understand why do you need to do that to our sister? Totoo ba? Totoo bang pinatay mo siya?" galit na tanong ni Jazley. Gigil na gigil.

Hindi sumagot si Suzainne at umiyak lang siya. Ayaw niyang magsalita. Tanging pag-iyak lang ang ginagawa niya.

Napasinghap lang si Suzainne nang biglang hawakan ni Jazley ang magkabila niyang balikat at pilit hinarap sa kaniya at inalog 'yon.

"Fucking answer me!" sigaw ni Jazley. Takot na takot naman si Suzainne, nakuha na nila ang atensyon ng lahat.

Tumakbo na rin palapit sa kanila ang mga magulang ni Jazley at mga kapatid niya.

"Jazley, anak. Kalmahan mo lang. Baka mali lang ang tito mo. Baka dinadamay niya lang si Suzainne sa kabaliwan niya. Don't be like this to Suzainne, hmm?" maamong sabi ni Dianna sa anak.

Hawak na rin niya ang kamay ng anak para pakalmahin ito. Hindi man niya nagugustuhan ang nangyayare ay hindi niya gano'n kayang magalit kay Suzainne. Ayaw niyang paniwalaan ang sagot nito sa tanong niya.

"No, Mom! Suzainne, fucking tell me where is our sister. If you don't tell me, I will fucking pull this trigger on your head." seryosong sabi ni Jazley na nagpasinghap at nagpalaki ng mga mata ni Suzainne. Binalot agad siya ng takot, lalo na at tinutok ni Jazley sa ulo niya ang hawak nitong baril.

"Son, calm down." singit na ng Daddy nila.

Hindi pa man nakakapagsalita si Jazley sa sinabi ng Daddy niya nang magulat sila dahil sa biglaang paghila ni Oliver kay Suzainne palayo sa kanila.

"The fuck..." Vaxton whispered.

"Hold this, Suzainne." galit na sabi ni Oliver. Pinahawak niya kasi kay Suzainne ang baril.

Nanginginig naman ang kamay ni Suzainne nang hawakan 'yon. After no'n ay inalalayan siya ni Oliver sa paghawak ng baril at tinutok ito kay Dianna. Nanlaki ang mga mata niya dahil do'n.

Parang gusto niyang ihagis ang hawak na baril kaso hindi niya magawa dahil mahigpit ang hawak ni Oliver sa kaniya sa kamay.

"Tibay mo, ah!" sigaw ni Felix.

"Let's finish this fucking show! Kill them, Suzainne! Fucking kill them!" galit na galit na sigaw ni Oliver habang madiin ang pagkakahawak sa kamay ni Suzainne.

Nakataas na kasi ang kamay nilang dalawa hanggang dibdib lang ni Suzainne. Nanginginig na siya sa takot. Hindi na niya alam ang gagawin.

Umiiyak na nakatingin na lang siya sa pamilya Fernandez na nakatingin lang din sa kanila. Umiling-iling siya sa mga ito habang naiyak.

Umiiyak na nakatingin rin sa kaniya si Dianna. Naaawa si Dianna sa sitwasyon ni Suzainne. Hindi niya alam pero hindi niya nararamdaman na pinatay ni Suzainne ang anak nilang si Dhianne.

"Anong karapatan mong gawin 'yon sa 'kin?!" sigaw ni Oliver kay Jazley at dito na tinutok ang baril na hawak nila ni Suzainne.

"'Yung alin? Ah, 'yung pagkuha sa mansyon mo? Sa pagpapabagsak ng company mo? Sa pagkuha ng mga pera mo? Ano pa ba? Ano bang ibig mong sabihin, hmm?" nakangising tanong ni Jazley na mas lalong ikinainis ni Oliver.

Sa galit nito ay inagaw niya ang baril kay Suzainne at siya na ang humawak dito nang mahigpit at tinutok 'yon kay Jazley na wala namang takot na nararamdaman.

"Fuck you!" galit na sigaw ni Oliver at pinaputukan ito pero agad na nakaiwas si Jazley.

Napatili si Suzainne at Dianna. Sobra ang kaba na naramdaman nila dahil do'n.

"Darling, stop." singit na ng asawa ni Oliver pero hindi niya ito pinansin dahil ang buong atensyon nito ay nasa pamilyang kaharap nito.

"Hindi pa ako tapos sa laro ko. Una pa lang 'yan pero ganiyan na ang reaction mo? Paano pa kaya sa mga susunod? Baka ikamatay mo na." sabi ni Jazley at pinaikot-ikot sa kamay ang hawak na baril.

"Kung gusto mong umayos ang buhay niyo, sumuko na kayo at sabihin niyo sa amin kung nasaan ang kapatid namin. H'wag niyo'kong sinusubukan." seryosong sabi ni Jazley.

Loko-loko si Jazley pero masama talaga itong magalit kung kaya't tahimik lang na nanonood ang lahat dahil ramdam nila ang tensyon sa loob ng bahay.

"Why would I? And like I said earlier, Suzainne already killed your princess. Baka inuuod na 'yon sa lupa ngayon." nakangising sabi ni Oliver.

"Gago ka! Wala na akong pakealam kung tito ka namin. You don't deserve respetuhin!" sigaw ni Vaxton.

"Syempre, matic ng kasabwat niyo rin 'yong pekeng Dhianne. Mga putangina niyo!" galit na sigaw ni Jazley at nagpaputok.

"Exactly!" sigaw naman ng asawa ni Oliver.

"Lumabas ka na, it's time to shine." sabi ng taong nanonood sa kanila sa kausap niya sa phone.

After that, binaba niya na lang din agad ang tawag. Hindi na niya nagugustuhan ang nakikita niya. Kung pwede lang siyang magpakita na ay ginawa na niya kaso hindi.

If ginawa niya 'yon ay masisira ang plano niya. Kailangan niyang sundin ang plano niya.

"Stop!" maya-maya ay buong lakas na sigaw ni Suzainne dahilan para matigilan ang lahat.

Napatingin silang lahat kay Suzainne na nahihirapan na sa nangyayare. Hindi niya alam kung bakit ba siya nasa ganitong sitwasyon.

"Please tama na po, t-tama na." umiiyak na sabi nito habang nakahawak sa ulo.

Nararamdaman niya na kasi ang pagsakit ng ulo niya. Nahihirapan na rin siyang huminga dahil sa kakaiyak.

"Halika nga dito, Suzainne. H'wag kang epal." sabi naman ng asawa ni Oliver at hinila ito patabi sa kaniya nang maglakad siya palapit dito.

"I'll make sure na makukulong kayo sa kulungan habang buhay, lalo na sa impyerno. Sisiguraduhin kong hindi kayo makakaalis sa impyerno." sabi ni Jazley na ikinatawa lang ni Oliver. Hindi na pinansin ang tama niya.

"Oliver, itigil mo na 'to. Maaayos pa naman siguro natin 'to, right? Please, just tell me where is my daughter." Alfred said. Nakikiusap na sa kapatid.

"Kung ano mang ginawa mo sa 'min ng pamilya ko ay papalampasin ko, papatawarin kita basta ibalik mo lang sa 'kin ang anak ko, parang awa mo na." dugtong niya pa pero tinitigan lang siya ni Oliver.

"Wala akong pakealam sa sasabihin mo. Hindi na maaayos pa ang nasira na. At isa kayong malaking tanga dahil nasa harapan niyo na 'yung taong gusto niyong makita at makasama ay hindi niyo pa nakilala, pinakawalan niyo pa. Mga uto-uto kayo." sabi ni Oliver na nagpakunot sa noo nila.

Habang ang taong nanonood naman sa kanila ay nag-uumpisa ng mainis dahil hindi pa nalabas ang taong pinapalabas niya.

Nang hindi pa talaga ito lumalabas ay tinawagan niya na ito at hindi ito nasagot kaya nainis na siya at no choice kung hindi sirain ang plano niya.

"Are you done? So boring, inaantok ako habang nanonood." pagsingit niya habang nakalagay sa magkabilang bulsa niya ang dalawang kamay niya.

Seryoso siyang nakatingin sa lahat hanggang sa huminto siya sa hindi kalayuan sa mga ito. Walang makikitang emosyon sa mukha niya.

Nakatingin lang din naman sa kaniya ang lahat. Nagtataka kung sino ito. Hindi kasi ito pamilyar sa kanila.

Hindi pa man nakakapagsalita ang isa sa lahat para tanungin kung sino siya nang magsalita siya. At natigilan ang lahat sa sinabi niya.

"And I just want to say that I'm so fucking mad right now for everything you did to my sister. Hindi ko mapapalampas ang lahat ng ginawa niyo. So let me finish this fucking scene." He seriously said and then biglang namatay ang lahat ng ilaw dahilan para dumilim ang buong paligid.



Lia

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

214K 10.3K 57
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
171K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
1M 22.6K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
89.8K 320 13
As the title says