Memory of that Day

By maxill_ae

48 5 0

A faded memories of that day. Days i thought i forgot, thought you were gone. Only your memories clearly rema... More

Prologue
Chapter 2

Chapter 1

15 2 0
By maxill_ae

Tanghaling tapat, napaka init. Ganitong oras kasi ang pasok ko simula nung 1st year hanggang 4th year high school student ako lagi na lang afternoon session ang scheduled ko. Napakarami pang tao sa entrance ng school namin. 2 weeks after mag start iyong klase. Friday ngayon at naka PE uniform ako kaya siguro naiinitan ako.

2 weeks after nakipag break ex ko na panget.

"maxille, ba't hindi mo ako hinantay edi sana sabay tayo" aniya ng nakasabay ko ngayon papasok ng entrance gate, si Jenna.

"anong oras na din kasi kaya hindi ko na inisip sumabay, may next time pa naman" aniya ko, maliit lang sa labas yong school namin pero pagpasok mo sa loob napakaluwag, hindi rin ganon kalayuan iyong building na papasukan namin ni Jenna kaya nakarating din kami kaagad

Pagkapasok ko pa lang sa room, bumungad na sa 'kin si Devon. Inaaya niya ako pumunta sa canteen para bumili ng colored paper. Pinag hintay ko muna siya saglit para lang mailapag ko ang bag ko sa arm chair ko, agad din akong tumakbo sa kanya palabas ng room.

"maxille, may sasabihin ako" bulong niya sakin, alam ko na reklamo na itong maririnig ko now, third year nung naging classmate ko siya kaya sa 1 year na friendship namin kabisado na namin ang isa't isa


Tumango tango na lang ako sa mga sinasabi niya sakin hanggang sa nakaabot na kami sa tapat ng gymnasium court ng school namin, hindi naman ganoon kalayo sa building ng room namin pero andito pa rin kami o sadyang mabagal lang talaga kami maglakad. Habang naglalakad ako, lumilinga linga ako sa paligid baka may kakilala ako na makikita ko lang saka kakausapin. Ganon naman ako, para akong kabote na biglang susulpot sa isang lugar.

Inikot ng paningin ko iyong freedom part ng school, mapuno doon at maraming nakatambay dahil mahangin at pwede ka don magbasa basa, wala naman na masyado students ng morning session ang naglalakad ngayon hanggang sa mapunta ang paningin ko sa lalaking naglalakad papunta sa direksyon ng building kung saan ako galing. Pamilyar siya sakin, siya iyong maingay nung first day of class. Lagi ko siyang napapansin na late pag papasok. Ngayon may kinakain siya at alam ko na kung ano yon. Mukha naman siyang malinis sa katawan ang puti kasi ng uniform niya pati iyong haircut niya tama lang, kaso napakaingay niya. Saglit lang kami nagkatinginan kasi may kinakain siya siguro napansin niya na nakatingin ako sa kanya.


Nang makarating na kami sa canteen, bumili na nga si Devon ng colored paper na gagamitin niya. Alam ko na kung saan niya gagamitin. Bakit kasi ngayon niya lang ginawa, napakamot na lang ako sa sintido ko, 4th year gig school na kami ganito pa rin.



Nag ring na ang bell ibig sabihin ay start na ng class, sakto nakabalik na kami sa room. Nakabalik na naman ako sa pwesto ko, wala pa iyong PE teacher namin lagi rin siyang late, hindi ko alam kung teacher pa ba siya lagi na lang siyang late pumapasok.


Napalingon naman ako sa kanan ko, napakaingay na naman sa pwestong iyon kasama nga iyong lalaki na nakatitigan ko kanina. Ibinalik ko na lang iyong paningin ko sa blackboard pero hindi ako mapakali nilingon ko naman iyong mga kasama ko sa kaliwa, sila Jenna at Mark. Naging sila 2nd day of class, nagulat din ako nun dahil iyong gabi ng first day of class ko ay hinarot ako nitong katabi ko akala niya siguro madadala niya ako sa compliment niya. Uto-uto ako pero hindi ganoon kalala.

Napalingon ulit ako sa kanan ko, dumating na kasi iyong katabi ko. Si Morris, medyo nakakatakot siya dahil iying hitsura niya hindi gaya sa iba na nakikita ko sobrang payat din niya gaya sakin saka maputi. Isa lang sa ayaw ko sa kanya tuwing kakausapin niya ako parang nililibot ng mga mata niya iyong buong pagmumukha ko.


Alas dos na pero wala pa 'din PE teacher namin. Lumapit sakin si Szyrah, nilalaro niya ang buhok ko kaya tumayo ako sa pwesto ko ata nilapitan na lang sila. Nag uusap sila ng kung ano anong bagay, nakikisali din naman ako pero ayoko pa sumubra dahil mas malala ako kesa sa kanila.

15 minutes din kaming naging ganon hanggang sa dumating na ang Filipino teacher namin, nagpasulat lang siya ng ituturo niya at nagturo about sa mga Greek mythology hanggang sa matapos kami. Hindi ko alam pero ako lang ata iyong inaantok sa ganoon klase lalo na't Filipino subject pa.


Ngayon dumating naman ang Science teacher namin na maingay, naalala ko na naman ang kahihiyan na ginawa ko last week. Nagtuturo kasi siya non about astronomy ako naman randomly ko isnigaw ang milky way hindi naman sila nagtawanan dahil isnigaw ko iyon pero iyong lalaki na napapansin ko narinig niya. Narinig ko iyong pagtawa niya sa gilid ko. Sumunod pa nun ay nung pinaghawak siya ng science teacher namin ng banner nakalagay don iyong parts ng earth about continents. Nasa gilid siya nun ng blackboard imbis na iyong banner ni sir ang titignan ko, sa pagmumukha niya napupunta nakakahiya pa nung nagtagpo na naman paningin namin o ako lang ang nag a'assume sa amin dalawa.

Ngayon ay may ipinapagawag activity ang science teacher namin, tracing the measure of earthquake it depends on its magnitude at time. Nalilito pa ako dahil hindi ako nakinig sa kanya nitong mga nakaraang araw kaya nagpapatulong ako kay Jenna kaso kahit siya hindi niya na rin maalala mga lesson ni sir. Sa isang oras na ganon kami, lahat kami hindi nakatapos kaya ang ginawa na lang ni sir ay ipapauwi niya na lang at gawin namin sa bahay. Gumaan naman ang pakiramdam ko.


After niyang lumabas ng room ay lumabas na rin ang iba, iyong iba naman naglalagay pulbo sa mukha. Recess na kasi, nakita ko si ced na may kinakain hindi ko alam kung anong kakapalan ng mukha ang meron ako nung oras na yon at sabihin anong pagkain iyong at kumuha ako. Sakto ng announce ang class president namin, after recess daw ay may meeting daw buong 4th year students sa court kaya dapat before 20 minutes nasa room na kami at kumpleto para sabay sabay na kaming pupunta sa covered court.



Paglabas na paglabas ko pa lang ng room ay biglang tumunog ang national song kaya agad kaming huminto sa paglalakad at sabay sabay na inilagay ang kanan namin kamay sa kaliwang dibdib. After nun ay diretso na akong naglakad at hinabol si Jenna at Szyrah.


Bumili lang ako ng tinapay na matamis saka burger, ok na yon sakin dahil nabubusog naman ako mahina lang talaga ako sa tubig.

Wala pang 15 minutes ng nakarating kami sa room namin para kumain, dahil maghahanda pa kami para mamaya. Ang ingay ng section namin, kinakabahan ako at baka pumasok dito iyong teacher na nagtuturo sa kabila, katabi lang din namin ang faculty room ng Filipino teachers.

Pagkatapos naming kumain ay naglinis muna kami at niligpit ang dapat ligpitin. Biglang lumapit sakin iyong class president namin ng hindi ko alam nagkukulitan lang kaming nasa firs row hanggang third row, nagulat ako ng kiniliti ako kaya lumayo na ako akala ko tahimik lang siya sa isang upuan pero ganito pala siya kakulit.

Bumalik na ulit sa pagseseryoso class president namin kaya sumunod na kami agad at pumila na, kaso bigla ako inaya ni Devon na mag cr kaya nagpaalam ako at sinamahan na lang siya.

After nun ay pumunta na kami agad sa covered court, sakto hindi pa naguumpisa iyong meeting kaya naglakad kami sa direksyon kung saan nakapila ang mga classmate namin kaso.

Inis kung nilingon iyong mga lalaking nag tatawanan sa pila na dinaanan ko, iyong lalaki na maingay iyon. Tuwang tuwa pa siya sa ginawa niya? what if nawalan ako sa balance at sumubsob ako sa sahig? Sisipain ko sana siya kaso nakakahiya na ako na lang ang nakatayo kaya hinayaan ko na lang. Kakarmahin din siya


Nagsimula na ang meeting sa covered court, inabot kami ng 2 oras dahil may mga sinabi pa ang principal at guidance superviser ng school. After nun ay 5 pm na, nakabalik na kami sa room namin.

Naiinis pa rin ako sa lalaking pumatid sakin, what if gantihan ko siya? Kalalaki niyang tao namamatid siya hindi ko alam ba't lagi ko napapansin ito o nagpapapansin siya sakin.

Sakto wala pa English teacher namin maingay na kaagad kaya nagkukulitan kaming mga nasa 1st, 2nd and 3rd row kumakanta kami ganon din ang nasa kanan namin. Kumakanta ako at kumanta din siya? Nilingon namin isa't isa, bigla ako nahiya dapat pala nanahimik na lang ako.

Hatred

May palabunutan kami ngayon sa science subject, magrereport daw kasi kami about sa mga inventors at scientists, kung ano mabunot naming araw iyon ang magiging araw na magrereport kami. As usual iyong lalaki na naman iyong inutusan ni sir na paikutin iyong jar na may lamang maliliit na papel, nang tumapat sakin ay agad akong kumuha hindi niya naman siguro napansin iyong pag kabadtrip ko sa kanya. Nakita ko na July 24 ang date na magrereport ako, hindi naman ako kinakabahan saka June pa lang naman now kaya matagal tagal pa ako.

Nang lumabas na si sir ay nag ingay na ang lahat, marami daw kasing magkakaparehas ibig sabihin two reporters per day. My forehead creased ng marinig ko iyong lalaki na binanggit iyong July 24. Sino daw ang may July 24 na ka 'partner niya.

"ako, July 24 sa akin" aniya ko saka awkward na ngumiti sa kanya pero nababadtrip pa rin ako sa mukha niya, gusto ko siyang suntukin dahil sa ginawa niya sakin masisira pa lalo mukha ko.


May mga sinabi siya na hindi ko maintindihan dahil sobrang ingay na din kasi, basta ang sabi niya pag usapan na lang daw kung ano ang gagawin. Ba't pa pag uusapan, pwede naman kami magkanya kanya?


"Jenna, tara sa canteen" pag aaya ko sa kanya. Agad naman siyang tumayo saka kami lumabas ng room, nag usap kami tungkol don sa ex ko na kung ano ano raw ang pinagkwekwento tungkol sakin. Hindi ko alam kung gaano kakapal iyong pagmumukha nila na humingi ng closure saka plaplastikin lang ako. Ugh nevermind.

Hindi ko alam bakit sa lahat ng sulok ng campus na 'to nakikita ko pagmumukha niya. Siguro siya ang ka tapat ko kasi ang maldita ko and i admit kasi totoo naman, buti nga maldita lang ako e saan ba kayo nakakita na soft-hearted na maldita?? syempre ako lang.

Marami masyadong estudyante sa canteen kaya natagalan kami ni Jenna pero akala ko hindi lang pagmumukha ng lalaki na 'yon ang magpapainit sa ulo ko meron pa pala.

Lumapit kasi sakin si Mirah, hindi kami ganoon ka-close, naging classmate ko siya nung grade school pa kami and halos hindi kami magkasundo pero hindi ko rin masabi na magkaaway kami kasi minsan naging nice naman siya sakin. Umiinom ako ng softdrink ng bigla siyang sumulpot sa harap ko.


"pwede bang layuan niyo na kaibigan namin, hindi ka naman inaano kung ano ano pinagsasabi tungkol sa kanya" agad na kumunot ang noo ko, kung pwede ko lang sana ibuga itong iniinom ko na softdrink sa kanya ginawa ko na kaso hindi.

Napansin ko din na lumapit na iyong dalawang kasama niya na nakatingin sakin kanina hindi kalayuan dito sa pwesto namin. Iyong isa na makapal ang blush on naka taas iyong kilay sakin. Anong problema nito? Hindi naman kami close pero ang brow naka arched???


Heavy sigh

Kilala ko na kung sino tinutukoy nila. Si Devon kasi, nilait lait iyong bago ng ex ko as if may pake naman ako kung nasasaktan siya hindi naman sakin nanggaling iyong kinasasakit ng loob niya.


"okay pasabi sorry" aniya ko, alam namin apat na hindi sincere iyong sorry ko kasi hindi naman ako iyong gumawa ng mali.


Buti na lang pinauna ko muna si Jenna pabalik sa room. Alam niya rin kasi tungkol sa issue na 'yon baka umiyak pa lalo iyong isa.


Sa sobrang chill ko sa pag inom ng softdrink ko late na pala ako sa next subject namin at math iyon.

I hate math!


Hingal ako tumakbo mula canteen hanggang room, masyadong malawak ang campus kaya for sure late na ako sa subject na iyon, at tama ako.

Late ako :-)

Pero hindi lang ako ang na-late sa oras na iyon pero nakakahiya dahil ako lang ang babae na kasama nilang nalate. Kahiya.


Iyong grupo ng mga lalaki sa room kasama iyong kumag na pumatid sakin ang kasama ko sa labas pero na sa likod nila ako, hindi man lang nila naramdaman na may kasama silang babae sa likod nila. Kinakausap sila ni Ms. Jacqueline na hindi na daw mauulit iyon, nagkatamaan pa nga ang mata namin ni Ms. Jacqueline. Kinabahan ako, baka mamaya tawagin niya ako. Pagkatapos kausapin ang grupo ni kumag ay naglakad ako patago sa likod nila.



Nakakahiya

Nagturo lang din si ma'am about Quadratic Equation. Nalilito pa 'rin ako, pagdating sa numbers wala akong naiintindihan. Nag announce din si ma'am na mapapalitan na daw siya bilang math teacher namin. Kaya siguro ang gaan niya magturo ngayon araw.



Sumunod naman ang values na subject namin, instead na prayer ang dapat na mangyayare ay sa akin napunta lahat ng atensiyon nila.


"bakit ng kapal ng lipstick mo" puna niya sa akin, agad na nanlaki ang mata ko, tinuro ko pa ang sarili ko kung ako ba talaga iyong tinutukoy ni sir "oo hija ikaw, tanggalin mo iyan o ipapatanggal ko iyan sa mga kaklase mo"




Nag sorry na lang ako kahit hindi ko alam sinasabi ni sir hanggang sa mag pop up sa utak ko na kumakain ako ng candy kanina, nag iiwan kasi iyon ng kulay sa bibig mo kapag kinakain mo kaya siguro napagkamalan ako na may lipstick.





Badtrip ba iyong guardian angel ko?



Nahihiya na ako sa nangyayare sakin, karma ko ba 'to?



Natapos na ang oras sa values namin hanggang sa time na ng English subject namin. As usual, wala ulit si sir kasi nagkasakit daw kaya may teacher na nagbilin na may gagawin kaming activity sa time niya, pero bigla ako sinenyasan ni Devon na aabutan ako ng candy. Malayo kasi ang pwesto niya sa pwesto ko. Napa little clap ako hindi dahil wala ang English teacher namin sa oras na 'yon kundi dahil may ibibigay sakin si Devon kaso,.




"ikaw?! mukhang masaya ka pa ata na wala si sir ah tuwang tuwa?" napunta na naman sakin ang atensiyon nila, nakakahiya na talaga ano ba itong araw na ito




What if lamunin na ako ng lupa?



Parang wala akong ginawang tama ngayon araw, bakit ako pinupuna ng mga teacher na iyon.



I sighed

Nakatingin sakin iyong class president namin, parang nainis din siya dahil doon pero kasi hindi naman iyon ang pinapalakpakan ko e😭 na misinterpret nila ako.

Natapos iyong araw na iyon na puro kahihiyan, karma ko siguro ito. Inaasar na ako ni Devon kesyo malas daw ako ngayon araw. Malas talaga, gusto ko na nga sipain katabi ko e tatawanan pa ako e.


Paano pag sinapak ko 'tong katabi ko?

Bago pa ako nakauwi ng maayos kagabi galing school ay pinaiyak pa ako ng mga kaibigan ko, alam nila ang kahinaan ko at ice cream iyon, ice cream ang isa sa coping mechanism ko. Nilibre nila ako saka nagtatanong ng kung ano anong bagay sakin. Nadala ako ng emosyon ko, umiiyak ako sa daanan, nakikita nila akong umiiyak at nakakahiya.

Hindi na ata ako nauubusan ng kahihiyan sa katawan, ang malas malas ko sa araw na iyon.

:(



"Don't attack those strangers with the words you can never say directly to your love ones, if it is family or close friends. Please, hold your ground before making a decision that may route you at risk and regrets. Be responsible either it's action or own words. "




Until now hindi pa 'rin ako maka get over sa line na napanood ko kagabi kaya ngayon puyat ako. Tinapos ko lang naman kasi iyong full episodes ng Mr. Hiiragi' s Homeroom kaya ito ako ngayon papasok sa school na puyat. Worth it din naman pagpuyat ko kasi nakakarelate in real life iyong pinanood ko.





"dapat ba masaya ako na ginanon niya lang ako?" mangiyakngiyak na aniya ni Adeline sakin.






"hindi" maikling sagot ko, ayoko talaga nagsasalita habang kumakain once na dire-diretso ako magsalita habang kumakain mabubulunan ako at obvious naman siguro iyon kasi kumakain naman tayong lahat.




Nagkaroon kasi ng ka talking-stage si Adeline tapos ito siya ngayon nagrereklamo kasi pinaasa siya ng ka talking-stage niya.





"by the way, are you done with science stuffs? we have recit later"





I suddenly remembered about the recitation that would happen later. Napasapo na lang ako sa noo ko, nakalimutan ko mag review baka mamaya magisa ako ni sir. Anong gagawin ko.





Heavy sighed



Agad agad na akong naglakad papunta sa room, sakto mamaya pa science subject ko few hours from now kaya may time pa ako kaso paano naman ang P.E at Filipino ko.




"People have always been fascinated by the unexplored vastness of outer space. From the most ancient times, men have gazed in awe at the canopy of stars, seeing in their arrangement the shapes of animals and men." aniya ni sir habang nagtuturo sa harap ng klase." I have some questions. Where does the sun go after it sinks below the horizon at sunset? What causes a sudden darkening of the moon? How far away is the moon? Anyone? "



Tumayo iyong lalaki na kinaiinisan ko. Akala ko sa kalokohan lang magaling 'to. Matalino din pala.



"The question is how far away is the moon but i go with my specific question, how far is the moon from our planet or named Earth? The average distance between the earth and moon is 384, 400 kilometres or 238, 855"
miles."





"Very good Mr. Isolde you may sit" oh so Isolde ang surname. "In astrology, the moon governs the realm of subconscious emotions the part of ourselves which we often can't express, but feel on a deep and soulful level. What do you think? Do you think that each planet have their moons? Anyone?"





I immediately raised my hand for no reason. Bakit ako nagtaas ng kamay, panibagong kahihiyan ba na naman ito?? Pero alam ko may nabasa ako sa isang book pag nabobored ako, bawat planets ay may mga nakatalagang moon what if isagot ko na lang 'yon??


"name? Ms.?"



"uh Gonzales Mr. Gasper"



"So you've raised your hand, i expect answer from you although you look pale. Not ready?"



I stood up



"In fact, m-most of the planets in the solar system have more than one moon." I muttered, i look pale daw? kinakabahan tuloy ako.



"then?"


"In a moon more general sense several moons, for example the Saturn. Saturn has a 18 moons, Jupiter has a 16 moons, Neptune has 8 moons, Uranus has 14 moons and lastly Earth has 1 moon that we're usually seen everywhere we go."


He just nodded and motioned for me to sit down.



Kinabahan ako doon buti na lang at naalala ko kung tig iilan ang moons ng mga nabanggit ko na planet? Pero kung mali naman ako agad naman siguro akong pupunahin ni sir.




Nararamdaman ko na may nakatingin sa kanan ko kaya lumingon ako.



The fudge??


ako? ako ba ang kinindatan niya? bakit? lumingon ulit ako sa kanan ko pero nakatingin pa rin siya sakin, ano bang meron dito?

anong trip niya?

"Maia" Adeline called me at my nickname na nakasanayan niya na since my batang nakakalimutan ang name ko sa tuwing bibili kami sa coffee shop 'di kalayuan sa campus. "I guess, he played my heart" aniya sa maarte na boses, i just massage my temple because of cringe.



"paano mo naman nasabi" aniya ko habang itinatago ko ang binder notebook ko sa bag, ingat na ingat ko iyon dahil napakamahal non, thick siya kaya pwede ko ihampas sa mukha ng lalaking iyon.

"he text me kasi, he sent this message i-i don't know how to read it" she handed her phone on me, agad ko naman kinuha iyon para basahin.


". . byE. . tnx sa Lht. . ingAt ka lage :(( kunG maii prob kA. .
lapit ka Lng sakiN. . huh ????. . . byE. . . ayw na kitanG makitA. . makauxap maka cHat. . . tama na uNg nakitA na kitA na maxaya sa ibA. . .tama na unG nakita na kitA. . na naging mag kaibigan lng tau ...

tnx for everythinGx. . malayA k nA. . :(("


Napatampal na lang ako sa disappointment.

disappointed ako kasi iyong text nakakahilo basahin:)

"eh mabuti naman pala na ghinost ka niyan, ayos lang 'yan marami pa naman iba diyan" inabot ko ulit sa kanya ang phone saka tumayo sa inuupuan ko, inaayos ko bago ako lumabas para sa recess.

Patayo na ako ng bigla ako napuwing sakto ng lumapit iyong lalaki sakin. Ano problema nito.

"ok na ba iyong sayo sa science?"

"oo" aniya ko habang kinakapa ang gilid ng eyelid ko

"bakit ka umiiyak?" he asked in calm tone

"h-huh? hindi, hindi ako umiiyak" sagot ko

"sure ka ha" aniya saka umalis

I arched my right eyebrow because I'm confused.


"yiee si Gonzales kinikilig HAHAHAHAHHA" pang aasar ni Niko sa likod ko "crush mo pala si Isolde ha" he make face pa para lang asarin ako?

wtf?? i suffer because of itchy not because i cried

kainis



KYLIAN POV

"Pasensya na ha? Godbless" I said in sarcastic tone. Nakakainis naman talaga kasi nasa harapan kami ng hapag kainan tapos siya busy pa rin sa paglalaro, bakit pa humarap sa lamesa? Alam niyang may pasok kaming dalawa at ang kuya namin papasok naman sa pinagtratrabahuan niya.

" Sorry kuya, sa susunod ilalala ko pa" Kaizer make face just to mock me, magtatanghali na at umiinit na naman ang ulo ko.

I sighed

"Baliw" ani ni kuya kai.

"Atleast pogi HAHAHAHAH"

Katei

Inilapag na ni kuya ang niluto niyang kakainin namin bago kami pumasok sa school. May bacon, sunny side up na egg, may hotdog na good for us dahil tatlo lang kami. Ako naman ang nagluto sa fried rice kanina, nilagyan ko pa ng chop na carrots at mais dahil nakita ko lang sa refrigerator namin, hindi sila pwedeng magreklamo dahil samin tatlo ako lang naman marunong magluto samin.

Kadalasan imbento lang

"ang dami naman niyan, seryoso ka ba kuya? Mauubos ba natin 'yan"

"gaga na sayo na' yan kung uubusin mo o hindi, hindi naman pinagdadamot ang pagkain" aniya ko

Bago kami kumain ay nagdasal pa muna kami, babatukan na sana namin ni Kuya Kai itong si Kaizer dahil ayaw pa patayin iyong phone na hawak niya.





Pagkatapos ng Science subject namin ay agad ako lumapit kay Maxille, itatanong ko sana kung ok na ba siya sa idi-discuss namin next month about sa mga science inventors kaso may kausap siya kaya hinantay ko muna umalis iyong babae I don't know Aveline or Analyn ang name.


Nang makaalis na iyong kausap niya ay agad naman akong lumapit, kunot noo akong tumingin sa kanya bago siya tanungin "ok na ba iyong sayo sa science?" tanong ko, umiiyak ba siya?

"oo" aniya niya habang hawak ang gilid ng mata niya

"bakit ka umiiyak?" tamang tanong ko


"h-huh? hindi, hindi ako umiiyak" yumuko na lang siya


"sure ka ha?" iyon na lang ang nasabi ko saka umalis at lumabas ng room


Ang weird talaga ng babaeng 'yon, laging naka poker face ang mukha niya. Kung idedescribe ko ang appearance at fashion style niya, mukha siyang tomboy. Ang kapal kapal kasi ng bangs niya, hindi rin siya ganon kaputi, hindi rin maitim. Iyong buhok niyang nakalugay na medyo curly, akala ko nung una hindi siya nanunuklay hanggang sa napansin ko kanina na ganon pala talaga buhok niya dahil makapal, iyong mata niya singkit pero hindi ganon kasingkit gaya ng mga nakikita ko, parang anytime kasi pag galit siya lumalaki iyon.

"crush mo ba 'yon par? HAHAHAHAH" pang aasar sakin ni Rafael "ang weird naman ng type mo HAHAHAHAHAHA"

"kinausap ko lang e, alam mo naman sino iyong gusto ko"

"sus kunwari pa e" aniya naman ni Sandro sabay hinawakan ang dibdib ko "tanginang' yan ang laki ng dibdib amp HAHAHAHAH"


Napangisi na lang ako saka sumabay na lang sa kanila sa paglalakad, nakita ko agad si Maxille 'di kalayuan sa amin kasama sila Jenna at Szyrah. Binalik ko na lang ang tingin ko sa mga kasama ko, nag uumpisa na naman sila mamburaot sa tuwing nakakasalubong namin iyong mga kaklase namin.



Napansin ko may nakatingin sakin kaya nilingon ko ang nasa kaliwa ko kaso wala naman nakatingin sakin, siya lang ulit nakita ko.







Continue Reading

You'll Also Like

213K 10.3K 57
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
339K 13.3K 140
"𝙳𝚛𝚞𝚐𝚜 𝚊𝚗𝚍 𝚏𝚞𝚌𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚘𝚗𝚎𝚢 𝙸 𝚌𝚊𝚗 𝚑𝚎𝚊𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚋𝚒𝚛𝚍𝚜 𝚜𝚒𝚗𝚐 𝙳𝚛𝚞𝚐𝚜 𝚊𝚗𝚍 𝚏𝚞𝚌𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚖...
747K 2.7K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
48K 1K 54
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...