The Story Of Us || Young Love...

By Scarlet_Chrome

1K 252 0

Young Ria started her new life with a new school along her adventures with her life as a high school student... More

Prologue: The wedding day.
FIRST DAY
SHE IS...
"A" IN KC'S LIFE
"A" IN KC'S LIFE PT. 2
What a day! Pt. 1

What a day! Pt.2

1 0 0
By Scarlet_Chrome


RIA'S POV:



"Ingrid beh! Patawag naman na sila KC! Anjan na si maam." Mahinahon kong sabi. Lumayas na si Bruh kaya tahimik na ko at kalmado na si Crizy.


Agad na sumunod si Ingrid, pag alis nya saka naman kami hinarap ng kakapasok lang sa room na si Ms. Viloscio. "Anong kelangan nyo? May klase kayo hindi ba?" nakangiting tanong nya.Saktong dating naman ni KC, Roux at Ingrid. Nagkatinginan naman kaming lahat. Mukang nararamdaman kong walang gusting mag sabi sa kanila. Ano bang mali sa pakikipagusap sa teacher? Tao lang din naman sila. Bat ba ang tipikal na istudyante ay nangangatog ang tuhod kapag kausap sila?


Habang may staring contest na nagaganap sa pagitan namin lahat biglang nagsalita si Ms. Viloscio. "O! Ano na? Bat kayo andito?" Nanlalaki yung mata nya. In any minute ay magagalit na sya.


"Psst! Uy sabihin nyo na!" Kalabit ni Jane kay Crizy. "Ayaw ko! Kayo na lang!" Biglang tanggi ni Crizy nakataas pa ang kilay nya at biglang umarte ang boses nya.


"Ako na nga lang ang magsasabi!" Nakakunot noo kong sabi. "Ayun si Ria talaga maaasahan natin eh!" Pabebeng sabi ni Ingrid at Crizy. "Ngayon lang next time kayo na!" Iniikot ko ang mga mata ko. Yung dalawa kasi sa likod hindi nagsasalita parang mas tensyonado pa sa dalawang babae.


Lumapit ako kay Ms. Viloscio. "Ma'am kasi pinaalis na kami sa room ni Mrs. Anchete. Pinahahanap nya kami ng bagong room at hindi naman kami tatanggapin ng ibang teachers kung walang permiso nyo!" Diredertsyo kong sabi. Iniiwasan ko kasing kabahan.


"Ano? Baket anong ginawa nyo?" Nalalaki ang mga mata nya sa gulat pati ang boses nya tumaas ngunit hindi parin naririnig ng iba dahil sa malamya syang magsalita.


Lumunok muna ako bago nagsalita. "Nag cutting ho kasi ang karamihan sa classmate namin." Binabaan ko ang boses ko yung nakakaawa at mukang hindi alam ang gagawin. "Pero hindi po kami kasali ma'am!" Segunda ko agad bago pa man sya magsalita dahil alam ko na ang susunod nyang sasabihin na baka kabilang kami.


"Teka! Teka! So nadamay kayong lahat? Ganun ba ang ibig mong sabihin Ms. Miyamato?" Saad nya na kinukumpas ang kamay nya na parang pinahihinahon ako. At in all fairness ha! Kilala nya ko.


"Opo ma'am! Tapos dahil sa nangyare watak watak at pakalat-kalat kami sinisita na kami ng mga SSG. Pano po ba ang maganda naming gawin?" Saad ko at inartehan ko pa na parang naiiyak na ko. Para mataranta sya at gumawa sya ng paraan agad.


"Hmm! Okay ganito antayin nyo na lang ako sa baba pansamantala. Kakausapin ko lang si Mrs. Anchete. Nasan ba ang mga iba mo pang kaklase?" Tanong nya na nakahawak pa sa baba nya."Nasa ibaba po sila! Sa open ground po nag aantay sila sa amin." I attentively told her. "Okay! Pwede na kayong magrecess pero walang lalabas ng school. At pwede kayo sa open ground wag na kamong magpagala-gala ng hindi kayo pag initan ng SSG. Pag nagtanong ang mga officers sabihin nyo ako nag utos sa inyo na mag stay dun." She tap my shoulder as if comforting me.


"Wag ka ng mag-alala! Baka magkasakit ka pa. Kumalma ka na!" Mahinahon at nakangiti nyang sabi sakin.


Napanatag ako at inaya ko silang bumaba. Well actually umarte lang naman talaga ko. Gusto ko lang na bigyan naman nila kami ng VIP treatment dahil estudyante din naman nila kami at hindi naman royal blooded ang mga section 1 para sila lang ang VIP.




ROUX'S POV:



"Suddenly I found myself awestruck by your beauty and my heart are rapt between your spell. Your invading my whole personality."


Hindi ko na namalayan ang sarili ko unti unti na pala akong nahuhulog sa kanya. Hindi ko naagapan ang pagkalat nya sa sistema ko. Roux nagumpisa lang sa smirk sa simpleng smirk.Pag akyat naming agad kaming nagtungo sa room ni Ms. Viloscio. Nakita namin sila Ria. 


Tinatanong sila ni Ms. Viloscio at mukang nagaantayan sila kung sino ang sasagot. Napatingin si Ria samin nagkibit balikat ako bilang tugon. Ano ba namang malay ko? Kararating ko lang.

Kumunot ang noo ni Ria at kumurba ang ngiti sa kanyang labi alam ko na ang kasunod magsasalita na sya.


"Ma'am kasi pinaalis na kami sa room ni Mrs. Anchete. Pinahahanap nya kami ng bagong room at hindi naman kami tatanggapin ng ibang teachers kung walang permiso nyo!" Sabi nya ng mabilis na parang ayaw nyang huminga.


Kinakabahan ba ang mahal ko? T-Teka anong sabi mo Roux? Magsasalita sana ako para maalis ang kaba nya at matulungan na din sya ngunit nagpatuloy sya na dahilan ng lalo kong paghanga sa kanya.


Patuloy silang nagusap napagkasunduan na baba na kami. Naiwan sakin ang huling salita ni Ms. Viloscio pababa na kami at nagtatawanan sila pero eto ako at nagiisip. "Wag ka ng mag-alala! Baka magkasakit ka pa. Kumalma ka na!" Ano ba ang sakit ni Ria at bakit tila nagaalala ng labis si Ms. Viloscio sa kanya?


May maliit na kamay na kumalabit sakin. "Roux parang kanina ka pa hindi nagsasalita ah! Bakit malalim nanaman ang nasa isip mo? Hindi ko tuloy mahulaan. Pwede bang sabihin mo sakin kung ano ang nasa isip mo?" Nakangiting sabi ni Ria sakin.


Ang ganda ng mga ngiti nya lalo na ng boses nya. "Huh? Ikaw talaga kung ano ano ang nasa isip mo! Wala namang mahalagang laman ang utak ko inaantok lang ako." Natatawang sabi ko. Ginulo gulo ko ang buhok nya na ang ganda ng pagkakatali. Ikaw lang naman ang importanteng laman ng utak ko. Ikaw lang Ria!


"Bat ba ang hilig nyong guluhin ang buhok ko! Ang hirap kayang magtali!" Kumunot ang noo nya. Hindi naman sya galit pero lalayuan nya ko dahil alam nyang lalo kong guguluhin ang buhok nya. Kaya naman hinawakan ko na agad ang kamay nya.


Nanlaki ang mga mata nya handa na syang tanggalin ang kamay ko. Nag papanic sya at ang cute nya lalo dahil dun. Nginitian ko sya para huminahon ang tibok ng puso nya lumambot ang expressions nya at hinayaan nya na hawak ko ang kamay nya.


Ang lambot ng kamay nya. "Ria? Okay ka lang ba? Ikaw naman ang natahimik." Sabi ko at tinignan sya. Nakayuko lang sya at parang seryoso sya. Galit ba sya?


"It's been 3 years since the last time someone held my hands like this. I never let anyone make me feel this way again. Hindi ko na hinayaan ang kahit sino na iparamdam sakin na mahina ako at kelangan akong protektahan. After akong iwan ng taong yun." She said in her most cold tone of voice ngayon ko lang narinig yun.


Hinarap nya ako ng hindi inaalis ang pagkakahawak ko sa kamay nya. "But I guess I'll make an exception this time!" Nginitian nya ko. Sa isang iglap biglang nawala ang stone cold expressions nya at naging masaya sya pero nakita kong nangingilid ang luha nya. Naguguluhan ako kung sino ang taong yun. Pero nagpapasalamat akong hinayaan nya akong maging kagaya ng taong yun sa buhay nya.


"Alam kong hindi ako magiging kasing galing ng taong yun. Pero promise I won't leave you hanging. I'll protect you like a brother and hug you like a bestfriend. I'll stand for you when you can't stand alone." I smiled at her assuring my exsistance in her life forever.


"Pwede bang wag kang mag promise sakin. Promises are meant to be broken and Plans are bound to be destroyed. It's better to just keep it carelessly and go with the flow." Ngitian nya ko. Seryoso ang sinabi nya mukang malalim ang pinagdaanan ng mga salitang binitawan nya."Mind telling me about that person?" Tanong ko sa kanya habang patuloy kaming naglalakad.

 Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko at...

"I'll tell his story on you when the right time comes. Pag handa na akong tanggalin lahat ng bendang nakakabit dito." Itunuro nya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib indikasyong nasasaktan parin ang kanyang puso sa lalim ng sugat na gawa ng taong yun.


"Makikinig ako kahit abutin pa tayo ng araw-araw. I want to know more about you Ria. I want to know what makes you like this." Sabi ko at tumango naman sya "Sa sobrang haba ng storyang bumubuo sa pangalan ko hindi sasapat na makinig ka lang. Kailangan mo rin ng mahabang pasensya." Natatawa nyang sabi.


"Hoy mamaya na kayo magligawan nagugutom na ko!" Biglang sigaw samin ni KC. Tsk! Kahit kelan talaga to. "Hahahaha! Sira ligawan ka jan! Susunod na kami may pinaguusapan lang." Sigaw ko.


"Tara na? Baka pumayat ang dragon sa tyan ni KC!!" Tumatawang sabi ni Ria. Tumango ako bilang tugon.


Iniisip ko ang taong dahilan ng pagngiti at pagiyak ni Ria. Ang swerte naman nya at kaya nyang pangitiin at saktan si Ria ng ganito. Gano sya kaespesyal at hindi nag sasawa si Ria na pagaksayahan sya ng balde- baldeng luha?




RIA'S POV:


"I never let anyone enter my life like this again. But you! Yes you.. You enter without my further notice..."


Inalalayan ako ni Roux umupo sa lamesang inukupa nila Crizy. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Dapat na ba akong uminom ng gamot?


"Ria anong gusto mong kainin?" Tanong ni KC. Iniangat ko ang ulo ko paharap sa direksyon nya. "Actually hindi ako sure kung ano. Hindi ko maramdaman ang gutom." Saad ko na parang walang gana. Ria nasan ba ang energy mo? San mo nilaglag?.


Nginitian naman nya ako na para bang he's trying all his efforts to be positive. "Hay! Ria ngumiti ka naman. Ang seryoso seryoso mo. Ano bang makakaalis ng stress mo?" Singit ni Ingrid samin ni KC. TSk! Si Ingrid talaga kelan kaya to matututo na wag sumingit?


Nawala naman si KC bigla. Nagalit ba sya sa pag singit ni Ingrid?. "Ria bibili na ako ng pagkain. Sigurado ka bang wala kang gusto? Kahit biscuit lang baka magutom ka." Sabi ni Roux sakin na puno ng pagalala ang boses. Bat ba ganito ang lalaking to? Lagi na lang nyang pinaparamdam na importante ako.


Tango lang ang naisagot ko sa kanya. Masyado nang mahaba ang araw na to para sakin. Una si KC ginalit ako. Tapos pinalayas kami sa room, at ngayon si Roux na bigla- bigla na lang sinira ang lahat ng pader na matagal kong binuo sa utak at puso ko.


Tahimik lang akong nakaupo at pinakikinggan ang maingay na paligid. "Ria! Binilihan kita ng ice cream para mag smile ka na." Napapitlag ako sa gulat. "A-ano yun?" Tanong ko sa taong nasa harapan ko na ngayon.


"Sabi ko bumili ako ng ice cream para ngumiti ka na. Hay! Ria Bat ka ba ganyan? Kanina ka pa tulala." Sabi ni KC na bumuntong hininga at nag pout sa dulo. Teka Teka! Nag papacute ba sya. Dahil kung OO mukang patok na patok to sa lahat ng babae na nasa likod ko.


"O! Ice cream mo kainin mo na at baka matunaw!" Iniabot nya ang isang malaking cup ng ice cream. Agad kumurba ang ngiti saking labi. Para bang nawala lahat ng stress ko ng makita ang flavor ng ice cream.


Salted caramel! Ang sarap itsura pa lang napawi na lahat ng stress ko. Ayie! bigla akong nadala ng sobrang excitement. Kinuha ko agad ang ice cream. " Salamat KC!" Tinignan ko sya at nginitian. Binuksan ko ang lid ng ice cream at kinuha ang kutsara.


Napatigil ako ng maramdaman ko ang mga titig nya. "Bakit KC?" Tanong ko. "Huh? Ah! Wala lang to. Ngayon lang kasi kita nakitang ganyan. Yung parang bata." Sabi nya na dahilan para maconfuse ako ng konti. "Hahaha! Hayaan mo lang ako. Kumain ka na." Naramdaman nya ata ang pagka confuse ko.


"Pano mo nga pala nalaman na ito ang favorite flavor ko?" At isinubo ko ang spoonful of ice cream. "Huh? Hindi ko alam na favorite mo pala to Ria. Favorite flavor ko ang salted caramel kaya yan ang binili ko. Akala ko nga hindi mo gugustuhan." At ngumiti sya.


"Pero ang galing ko pala makachamba noh!" Lalong syang ngumiti. What a stupid question Ria! Pano nya malalaman eh hindi naman nya kilala ang kahit sino sa buhay mo. Nginitian ko sya. "Thanks KC ah! Gumaan talaga ang loob ko ngayon." Sabi ko. "Wala yun Ria. Masarap kasing makita na nakingiti ka." Tugon nya.


Ang lalaking to! Kaya ata nya akong titigan sa mata buong araw. Baket ba sya ganto? Nakakabaliw naman isipin ang ugali nya. Sa isang iglap ay wala syang pake at sa isang kisap ay pahahalagan ka nyang bigla.


May lumapit saming lalaki. Base sa guhit ng kanyang necktie isa syang 3rd year at isa syang student council dahil sa pin na naka-kabit sa kanyang colar.


"Open High kayo?" Walang emosyon nyang tanong. Tango lang ang naisagot namin. "Pinapatawag kayo ni Ms. Viloscio sa meeting hall sa Jade building." Sabi nya na parang yamot na yamot na makausap kami.


Akala naman neto gusto namin sya. Ang arte mo ha! Muka namang bading. Eto na! Ano na nga kayang mangyayari sa grupo namin? Bat may pameeting pa si mayor?

Continue Reading

You'll Also Like

571K 46.9K 22
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...
461K 26.1K 44
The story continues to unfold, with secrets unraveling and new dangers lurking in the shadows. The Chauhan family must stay united and face the chall...
918K 54.7K 49
𝐈𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐓𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐝 𝐰𝐞𝐛𝐬 𝐨𝐟 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭𝐬, 𝐚𝐧𝐝 𝐩𝐮𝐫𝐬𝐮𝐢𝐭 𝐨𝐟 𝐓𝐫𝐮𝐭𝐡𝐬, 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐞𝐚𝐯𝐞𝐬 𝐢𝐭𝐬 𝐦𝐞𝐬𝐦𝐞𝐫𝐢𝐳𝐢𝐧𝐠 �...
566K 19.5K 93
"Leave, you're free. Don't ever come back here again." She said, hoping he wouldn't return and she'll get to live Hael was shocked, "Are you abandon...