Never Cry Murder

By Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? More

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 13: Manifestations

59.2K 3K 859
By Serialsleeper

13.

Manifestation

Third Person's POV

"Anak, we decided not to go through with the burial. We decided to cremate her so we could always be with her." Pigil ang luhang sambit ng ama ni Dustin sa kanya saka inilapag ang isang kulay puting urn sa mesang malapit lamang sa kanya.

Tumango-tango na lamang si Dustin habang pinipigilan ang luha sa pamamagitan ng pagngiti ng tipid. Nakaupo lamang siya sa kama niya, nasa ospital parin siya, hindi parin siya nakakalakad ng maayos dulot ng mga baling tinamo niya sa mga paa matapos ang aksidente.

"Bakit itinuturing niyo parin akong anak? Pinatay ko silang lahat," Tuluyang bumuhos ang luha mula sa mga mata ni Dustin pero nagpatuloy parin siya sa pagsasalita, "Dahil sakin... Dahil sakin namatay si Ate... Namatay ang anak at ang apo niyo dahil sa akin. Sinira ko ang pamilya ninyo. Dapat magalit kayo sakin."

Umiiyak na lumapit kay Dustin ang kanyang ina saka siya nito niyakap ng napakahigpit, "You made her happier more than we ever could. Nakagawa kami ng kasalanan sa kanya.... Ayaw naming maulit sayo ang pagkakamali namin sa kanya. We made our daughter so unhappy and it was you who saved her. All this time, ikaw ang pumuno sa mga pagkukulang namin sa kanya. Alam namin kung gaano ka niya ka mahal at kung gaano mo siya minahal. You loved her so much at alam naming hindi mo ginustong mangyari yon sa kaya.  Kirby, you may not be our biological son pero mahal ka namin bilang isang tunay na anak, don't ever doubt our love for you." Sabi pa nito kaya tuluyang napahagulgol si Dustin at napayakap ulit ng mahigpit sa ina.

"Anak, may mga nagawa kang krimen at kailangan mo itong pagbayaran. Hindi ka namin kukunsintihin pero sa kabila nito alam naming kaya mong magbago. Alam namin kung gaano ka kabuting bata, kayo ni Kirk, biktima lang kayo ng kasamaan ng tao kaya hindi kami susuko sa'yo. Anak ka namin at gagawin namin ang lahat para maituwid mo ang buhay mo." Sabi pa ng ama habang hinihimas ang likod ng anak.

"Patawarin niyo ako. Hindi ko sinasadyang madamay si Ate. Patawarin niyo ako." Paulit-ulit na sambit ni Dustin sa mga magulang gaya niya'y labis rin ang pagtangis.

****

"Dustin 'wag ka ngang umiyak! Ampanget-panget mo na!" Bulyaw ni Tammy kaya natawa na lamang si Dustin habang pinupunasan ang luha niya.

"Oo na! Oo na! Pero ate, sa tingin mo makakalakad pa kaya ako?" Nakangiting tanong ni Dustin habang tinititigan ang mga paa niyang mayroon pang cast at hindi pa niya naigagalaw.

"Of course you can! Remember those milk boxes na binibili ko sayo noong bata pa tayo? Yung pasalubong ko sayo everytime galing ako ng school? Rich in calcium ang mga iyon, strong ang bones mo for sure. Alagang Tammy ka kaya." Tumatawang sambit ni Tammy kaya natawa rin si Dustin.

"Alam mo ate, miss na miss na kita." Sabi ni Dustin saka unti-unting napatingin sa direksyon ni Tammy. Ngunit gaya ng inaasahan, mag-isa lamang siya sa kwarto. Wala siyang nakitang Tammy, sa halip, isa lamang urn kung saan nakahimlay ang abo ng dalaga.

Ngumiti si Dustin at kasabay nito ang pagtulo ng luha niya.

Kahit anong gawin niya, parati paring nabubuo sa imahinasyon niya ang kapatid hanggang sa maalala niya ang katotohanang, wala na ito.

Napatingala na lamang si Dustin sa kisame upang mapigilan ang sarili sa pagluha.

"Ate naririnig mo ba ako?! Ate multuhin mo naman ako oh? Hindi ako matatakot pramis! Sige na naman oh, magpakita ka! Miss na miss na kasi talaga kita eh—"Natigil si Dustin sa pagsasalita napahawak na lamang sa bibig niya kakaiyak.

***

"Anak, ayaw naming maulit ang pagkakamali namin sa Ate mo kaya anak ngayon pa lang sinasabi namin sayo, hindi ka namin sinisisi... Hindi mo kasalanan... Biktima ka rin... Sabay nating haharapin 'to." Umiiyak na sambit ng ina na siyang ikinagulat ni Dustin dahilan para tumulo ang luhang kanina niya pa pinipigilan.

"H-hindi..." Umiling-iling si Dustin,  "Ako ang dahilan kung ba't namatay ang anak niyo... 'Wag niyo na akong tutulungan... Ako ang may kasalanan ng lahat... Ang anak niyong si Dustin, mabait at inosente... Hindi ako si Dustin, ako si Kirby at isa akong mamamatay-tao." Umiiyak na sambit ni Dustin.

Hinawakan ng ina ang lumuluhang mukha ni Dustin saka umiling-iling, "Kahit si Kirby ka pa, anak ka parin namin. Walang magbabago dun. Mahal na mahal ka namin gaya ng pagmamahal namin kay Dustin at Tammy."

"Mamamatay-tao ako! Kasalanan ko ang lahat, kasalanan ko kung ba't namatay si Ate at ang pamangkin ko. Kasalanan ko po ang lahat. Sinira ko lalo ang pamilya niyo. Dapat lang akong makulong, hindi lang dapat si Kuya Kirk." Muli, umiiyak na sambit ni Dustin kaya agad siyang niyakap ng mahigpit ng ama't-ina.

"Hijo aayusin natin 'to. Gagabayanan ka namin. Anak ka namin, walang magbabago." Sambit ng ama habang yakap ang anak.

****

Sa di malamang dahilan, natagpuan ni Dustin ang kanyang sarili sa napakatahimik na pasilyo ng ospital. Hatinggabi na kaya iilang mga ilaw lamang ang nakasindi at wala siya masyadong nakakasalubong na mga nurse o di kaya'y pamilya ng pasyente.

Dahan-dahan sa paglalakad si Dustin dahil sa sakit ng kanyang mga paa. Ni hindi pa niya kayang makatayo ng maayos kaya naman kumukuha siya ng suporta mula sa dalawang saklay.

Aakyat sana si Dustin sa hagdan upang magtungo sa rooftop nang bigla niyang mapansin ang isang nakaitim na lalake sa loob ng isang kwartong nakabukas.

"Akala ko ba wala ng pamilya ang naka-comatose dun?" Kunot-noong bulong ni Dustin sa sarili at dahan-dahang naglakad patungo sa direksyon nito. Lakad siya nang lakad hanggang sa maulinigan at mapansin niyang may kausap ang lalake sa telepono.

"Imposible ng magising 'to pero gustong maniguro ni Tatang. Wala eh, iilan lang tayo, kailangan talaga nating protektahan ang programa. Talaga andun yung may pulang buhok? Sa tingin mo hahayaan tayo ni Tatang?" Sabi ng lalaking nakaitim sa kanyang cellphone bagay na narinig ng gulat at nalilitong si Dustin.

Hindi man alam anong nangyayari, alam ni Dustin na may kailangan siyang gawin kaya tiniis niya ang sakit at dali-daling nagtungo sa kwarto.

Nanlaki ang mga mata ni Dustin nang makita niyang may hawak na syringe ang lalaki at balak niya itong itusok sa pasyenteng walang malay.

"Anong ginagawa mo dito?! Tapos na ang visiting hours ah?!" Bulyaw ni Dustin nang malapit na siya sa pinto bagay na ikinagulat ng lalaking mistulang ilang taon lamang ang agwat mula sa kanya.

Sa sobrang gulat ng lalaki ay agad niyang nabitawan ang syringe. Kapwa nanlalaki ang mga mata ni Dustin nang magkatinginan. Sa sobrang taranta ay biglang napatakbo ang binata saka marahas na binangga si Dustin dahilan para bumagsak ito sa sahig.

"Tarantado ka!" Sigaw ni Dustin na namimilipit sa sakit. Tinangka niyang habulin ang binata ngunit sadyang napakabilis nitong tumakbo, wala siyang magawa kundi hayaan na lamang ito lalo na't alam niyang hindi rin naman niya ito mahahabol sa lagay ng mga paa niya.

"Gago, easy sa disabled." Paghihimutok na lamang ni Dustin habang dahan-dahang tinutulungan ang sarili sa pagtayo.

Makaraan ang ilang minuto ay tuluyang nakatayo ang iika-ikang si Dustin. Namimilipit parin siya sa sakit kaya naman hindi siya masyadong makakilos.

Kahit nahihirapan, pumasok si Dustin sa loob ng kwarto at tiningnan ang syringe na naiwan ng lalaki.

Nang makita ang kulay pulang likidong nasa loob ng syringe ay bigla na lamang bumalik sa isipan ni Dustin ang nakaraan.

"Gusto mo bang malaman anong laman nito? It's a VX Chemical bound to kill someone in just a few seconds." Sabi ni Mrs. Grady na handa ng itusok ang syringe sa walang kalaban-labang si Dustin.

 

"Mrs. Grady?" Mahinang sambit ng gulat na si Dustin at unti-unting napatingin sa pasyenteng walang malay na nakaratay sa kama. "Neo?"

Sa isang iglap, bumaha ang lahat ng masasakit na alaala sa isipan ni Dustin; magmula sa pagkamatay ng ama niya hanggang sa pagkamatay ni Tammy.

Unti-unting bumagsak ang luha mula sa mga mata ni Dustin habang pinagmamasdan ang hanggang ngayong comatose parin na si Neo.

Galit. Ito lamang ang bumakas sa mukha ng luhaang si Dustin. Nagsimulang manginig ang nakakuyom nitong kamay hanggang sa unti-unti siyang humakbang papalapit sa binata.

"Nang dahil sa nanay mo, namatay ang tatay ko." Nanggagalaiting sambit ni Dustin habang pinagmamasdan si Neo.

Dala ng labis na galit at pighati ay unti-unting inilapit ni Dustin ang karayom ng syringe sa puso ni Neo.

"Dinamay ng nanay mo ang ate ko at ang isang walang muwang na sanggol!" Tuluyang napasigaw ang galit na galit na si Dustin. Itinaas niya ang mga kamay at akmang isasaksak na ito kay Neo nang bigla siyang may mapansing nakatayo sa harapan niya. Tiningnan niya kung sino ito at nakunot ang noo niya nang mapagtanto kung sino ito.

"Bok tarantado ka rin talaga eh no? Akala ko ba nagsisisi ka na? Bakit nandadamay ka na naman ng iba?" Nakangising sambit ni Ford na may marka ng lubid sa kanyang leeg, "Ganun nalang ba talaga? Paulit-ulit na ikot ng pasakit at paghihiganti? Pare-pareho lang naman kayo ng ginagawa eh. Bok tigilan mo na 'to, sinasayang mo lang ang buhay mo at ng ibang tao. Andami ng nawala sayo, itigil mo na'to. Dustin, alam mo kung ano ka?"

"Hypocrite with the capital you." Pagtatapos ni Milky na bigla na lamang sumulpot sa tabi ni Ford. Gaya ng dati, napakakapal parin ng make-up nito ngunit napakarami ng paso ng kanyang balat.

"Pare-pareho tayong hipokrito dito. Umalis na kayo sa isipan ko. " Giit ni Dustin at muling hinigpitan ang hawak sa syringe. Akmang ibabagsak na sana niya ito ulit nang bigla na lamang may magsalita.

"Ganyan ba ang itinuro ko sayo Dustin?"

Lalong umagos ang luha mula sa mga mata ni Dustin nang makilala niya kung kaninong boses ito.

"Ate?" Napatingin siya sa direksyong kanina ay kinaroroonan nina Ford at ang tanging nakikita na lamang niya si Tammy, umiiyak ito at mukhang napakadismayado sa kanya.

"Ate dinamay ka ng nanay niya!" Umiiyak na giit ni Dustin.

"Dustin dinamay mo sina Ford! Akala ko ba magbabago ka na?!" Giit naman ni Tammy.

"Ate gusto ko lang gumanti! Ipinaghihiganti kita!" Giit ng para bang batang humihikbi na si Dustin.

"Dustin hindi ka pa ba nagtatanda sa paghihiganti?! Dustin you lost too much by trying to gain redemption from vengeance! You lost your innocence! You lost your best friends! You lost Ford! You lost Ponzi!" Unti-unting humakbang si Tammy papalapit kay Dustin, "Kirby, you lost me. It hurts but truth is, I'm already gone and there's no way of coming back. Sa tingin mo ba masaya akong makita kang nagkakaganyan? Sa tingin mo ba masaya ako kung may mapapatay ka na naman? Dustin tama na. Itigil mo na to." Dagdag pa nito bilang paalala.

Unti-unting binaba ni Dustin ang kanyang mga kamay...

Muli siyang napatingin sa kanyang tabi ngunit wala na dito si Tammy.

Muli, natagpuan niya ang sariling nag-iisa sa kwarto kasama si Neo.

Binitawan ni Dustin ang syringe dahilan para malaglag ito sa sahig.

Unti-unting iniyuko ni Dustin ang kanyang ulo. Habang nakatitig sa sahig, paulit-ulit siyang umiyak hanggang sa mapahagulgol na lamang.

END OF CHAPTER 13.

Note: Just to clarify, wala pong multo na nagpakita kay Dustin. Parang conscience niya lang na nagma-manifest into visions ng mga nasa past niya.

Ps, hindi alam ni Dustin na nawawala si Sisachu :)

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
1.9M 102K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
4M 173K 33
"My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience stor...
165K 9.9K 16
The four Houses of QED University prepare for the highly anticipated House War. The bond of Team WHAM will be tested as their Houses try to outwit a...