Lonely

By mrcsirenearaneta

55.2K 3.4K 753

This story is just based on my imaginations. This is a work of fiction. Names, characters, business, events... More

PREFACE
Pain
Changes
New
Jelous
UNSAID FEELINGS
IGNORED
MOTHER'S HUG
SWAP
RESENTMENT
SUYO WELL GREGORIO
STUBBORN
Second Chance
BONDING
SECRETS
Louis and Greggy
FAMILY REUNION
Revelation
NOT SO HAPPY BIRTHDAY
THOUGHTS
Hurtful word
MOTHER
Familia Araneta
THE TRUTH
Sisters bonding
Danger
FAMILY IS LOVE
GOODBYE, FOREVER
FIRSTS WITHOUT LOUIS
PROBLEM
REALITY
DETACHMENT
ANGER
BEG
SEPARATION
QUESTIONS
Quarrel
GO BACK COUPLE
JUST THE TWO OF US
IMPERFECT
RUNNING AWAY
Nightmare
Complete
ANNOUNCEMENT
Final Chapter
Playlist

Mother and daughter

884 60 6
By mrcsirenearaneta

"Oo, pero kasi hindi na healthy yung masyado kang nasasaktan. Nakita mo kung paano nagmahalan ang parents mo, but you didn't saw their relationship before" she said. I got more curious, ano ba talaga ang nangyari bago naging sila mommy at daddy. Ano ba yung trato nila sa isa't isa before?

Tuminghin ako kay lola na may malaking tanong sa mukha, ano nga ba ang nangyari kila mommy at daddy noon?

"Lola, ano po ba talagang nangyari noon kila mommy at daddy?"tanong ko. "It's not my story to tell, ask your mom and dad" she said at bumalik sa upuan niya at kumain na ulit. Okay, I'll ask mommy later, madali lang naman ako kausap eh.

So after naming kumain ay niligpit ko na yung mga gamit ko sa kwarto ko, dati naming kwarto ni ate yon, pero since ako nalang yung nandito, sarili ko na yung kwarto na yun ngayon.

Maraming ala-ala kami ng pamilya ko na masasabi kong masaya kami. Nang maligpit ko na ang mga gamit ko ay nagbihis na ako ng pambahay, at dahil bored ako kasi wala si lola, nagpaalam sa akin kanina na pupunta siyang simbahan kasi may misa daw ng alas tres, kaya I decided na maglinis muna dito.

Una ko munang pinunasan ang mga alikabok at ang mga picture frame na nakalagay dito sa kwarto. Punong puno ng pictures namin ni at ang kwarto dito sa bahay ni Lola. After kong magpunas ay nagwalis na ako at minop ko yung sahig tsaka ko ito nilagyan ng floorwax.

Hapon na ako natapos kaya nagshower na ako kasi amoy pawis na ako, tsaka maalinsangan din. After kong magshower ay nagpunta na ako sa kusina para magluto ng pagkain, hindi naman totally na ako yung magluluto, tutulungan ko lang si Lola, bida-bida ako eh.

Ang lulutuin namin ngayon ay Salmon at steak yung lang ang aming dinner for tonight. I enjoyed naman na tinulungan si lola, after naming magluto ay nagpunta na ako sa sala para manood, habang nanonood ako ay narinig ko ang busina ng sasakyan at mabilis akong lumabas para salubungin ito. Akala ko si mommy but it's Tito Bonget and Tita Liza.

I greeted them and gave them a kiss on their both cheeks. "Hi, Tita! Hi, Tito!"masayang bati ko sakanila. Tito Bonget pinched my cheeks, naglilihi ba siya? Lagi niya nalang pinipisil yung pisngi ko tuwing nagkikita kami. I rolled my eyes to her and looked t Tita Liza and smile. "Epal"Tito Bonget said at pumasok na sa loob, kami naman ni Tita Liza ay tumawa lang at sumunod na din sa loob.

"Akala ko po kanina si mommy yung dumatin eh, nga po pala Tita, kumain na po kayo?" tanong ko habang papasok kami sa loob ng bahay. "Yeah, nag date kami ng Tito mo, kaya I'm full na....full of love" she said at parang kumikinang ang mga mata. "Corny!" i said para inisin lang but hindi naman umubra, ganyan siguro pag sobrang inlove, wala kang pake sa sinasabi ng iba.

Tita Liza went to Tito Bong and sat beside him, she leaned on his chest habang nanonood ng tv, suddenly, I remembered mom and dad. Lagi ko sila nakikita noon na ganyan sa sala, tuwing galing ako sa school, they're watching tv while holding their hands together.

I went beside Tita Liza at sumandal din sa kanya, she kissed my forehead "We love you, Victoria!" she whispered. Napangiti ako sa sinabi ni Tita.

It's 7 na and it's dinner time, but i decided to not to eat muna kasi gusto kong hintayin si mommy para sabay na kaming kumain. Nauna nang kumain sila Mama Meldy at ang mga katulong sa bahay. ako naman ay nasa kwarto ko, naglalaptop. Tinatapos ko yung mga schoolworks ko habang hinihintay si mommy. Saan kaya siya nagpunta? Bakit umabot ng ganitong oras? tanong ko habang nakatunganga sa mga schoolworks ko.

8 p.m na and wala pa si mommy, tapos ko na lahat ng schoolworks ko kaya i decided na tawagan muna si Cassie.

"Anong kailangan mo?" tanong nito sa akin. "I'm bored eh" sagot ko

"Ginagawa mo?" tanong ko. "Mga schoolworks beh, nakakaiyak. Kadaming pinapagawa nila ma'am! Lalo na yung si Miss Castro. Bruha talaga yon!" she said. I smiled a little at tatawa na sana but naalala ko yung pag-uusap namin kanina kaya hindi na ako tumawa.

"Baliw! Bobo ka lang talaga beh, okay naman si Miss Castro ah" sabi ko, na shock naman ito sa sinabi ko. "What?! Yung bruha na yon? Okay? sayo? Gaga!" she said.

" Baka lang naman kasi may pinagdadaanan kaya ganon, hayaan mo na. Pakabait ka na" sabi ko habang pinapatong ang laptop ko sa study table ko.

"Gaga ka! Ikaw pa nga nagpangalan sakanya ng bruha tapos ngayon? Sabagay di naman kita masisisi yung Tito mo nga kabait-bait" sabi nito.

"Baliw! Nagbabago naman talaga lahat ng tao kasi may mga nagiging dahilan ng pagbabago ng ugali nila. Alam mo ba kanina nakapag usap kami ng matino ni Miss Castro" I said. At nakikinig naman si Cassie, she  looks interested about my chismis tonight.

"ano naman yung pinagusapan niyo kanina?" tanong niya at sinara ang pinto ng kwarto niya, nilock pa ata.

"Diba kanina nagpahatid siya sa akin sa office niya tapos sabi niya doon na daw ako kumain kasi nga naubos niya daw yung oras ng recess ko kaya doon niya ako pinakain sa office niya tapos binigyan niya pa ako ng sandwich at juice tapos nakita ko yung picture frame sa table niya kaya tinanong ko....."

"tapos???"

" Tapos sabi niya anak niya daw yung tsaka asawa, and guess what? She's divorce at nasa america ang anak at asawa niya meaning mag-isa lang niya" sabi ko

"Kaya siguro masungit ang bruha" Cassie said.

"Kaya ikaw Wag mo nang laitin. Magbago ka na, ako kasi nagbago na eh" I said. 

"Oo na, manahimik ka na diyan Imelda Remedios!" pang-aasar nito sa akin.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pag-uuspa ay may narinig ako ulit na busina ng kotse and i think si mommy na talaga yon. Iniwanan ko yung laptop ko at sinilip ko ang kotse muka sa kwarto ko since nakatapat yon sa gate.

I was smiling when I saw the black car, that's mom's car, but my smile fades away when I saw unfamiliar guy, pinagbuksan niya ng pinto ng kotse si mommy, mommy was smiling to that guy. Yung guy yung nag-drive ng car?

I ran down the stairs para salubungin si mommy. Hinahawakan nung guy yung kamay ni mommy but when they saw me, agad na binitawan nung guy yung kamay ni mommy at mukhang nagulat si mommy.

"Uhm....siya nga pala Ricky this is my daughter Victoria, Victoria this is Ricky my-" hindi ko na siya pinagpatuloy at inunahan ko na.

"your boyfriend?" I asked. Mommy went to me "Victoria!" she said. "I'm so sorry Ricky." she said. Masama naman yung tingin ko sa Ricky na yun, I don't like him!

"I'll go first. Nice meeting you, Victoria "he said. he was about to go inside mom's car but i stopped him.

"Where do you think you're going? That's my mom's car, are you gonna steal it?"  I said.  Can't he afford one?

"Victoria, stop it!" pag-pipigil sa akin ni mommy. Lumapit siya Kay Ricky. "I'm really sorry, you can go, drive safely "  sabi ni mommy sa lalaki at pinahiram niya pa talaga yung car niya sa lalaking yon? Eh regalo ni daddy kay mommy yun eh, how could you mommy?

After umalis nung Ricky na yon ay pumasok na ako sa loob, before I enter inside narinig ko na ang tunog ng takong ni mommy na papalapit sa akin.

"Ano yun? what's that behavior, Victoria?"  tanong nito habang naglalakad kami paloob ng bahay. Pero hinahayaan ko lang siyang magsalita.

Aapak na sana ako sa unang bahagi ng hagdan ngunit hinila niya ang kamay ko, magkaharap na kami ngayon.

"Kinakausap kita 'wag kang bastos!" she shouts.

"Bakit ba kayo nagsisigawan?" Mama meldy asked, nasa likod niya naman sila Tito Bonget at Tita Liza.

"Eh yang batang yan eh, hindi na ako nirespeto! Hindi manlang nirespeto si Ricky-" she said

"Na boyfriend mo!" I said emphasizing my word. She looked at me. "He's not my boyfriend,okay?" she said, but I'm not convinced, kaya siguro gusto niyang hiwalayan si daddy.

"Talaga? bakit ganon ka nalang makangiti kanina? Siya ba yung dahilan kung bakit ka makikipag divorce kay daddy?" I asked. Tumutulo naman ang luha ko habang sinasabi ko yun sakanya.

"What?" she said confusely.

"Labas dito si Ricky sa divorce namin ng daddy mo, Victoria! Makikipaghiwalay ako sa daddy mo kasi ayoko na, pagod na ako! Hindi Ko na siya mahal! Naiintindihan mo ba yun?!" she shouts at habang nakahawak ng mahigpit sa magkabilang balikat ko habang niyuyugyog ito.

"Hindi mo alam lahat ng sakripisyo ko, Victoria! Wala kang alam!" she shouts.

"Bakit mo ako sinisigawan?" tanong na nangingilid ang mga luha.

"Kase ganyan ka! Mapanghinala ka masyado! Bastos ka na!"she said at umalis na sa harap ko, mommy is so upset.

Parang tumigil ang mundo ng ng ilang segundo, lumapit sa akin sila lola, Tito, at tita. "Bakit mo naman kasi sinabi yun? You're not even sure kung boyfriend ng mommy mo yun."  Tito Bonget said to me at umalis kasama si Tita Liza.

Napaupo nalang ako sa gilid ng hagdan at doon umiyak, Lola Meldy was hugging me, she's also crying.

IRENE'S POV

Hindi ko na alam ang gagawin ko, kung ano anong naiisip ni Victoria. Nasaktan niya talaga ako sa sinabi niya kanina that's why hindi ko na napigil yung boses ko at nasigawan ko siya.

Hindi niya alam yung nangyari sa akin ni Greggy noon, kaya wala siyang karapatan pagsalitaan ako ng ganon.

My first day with Greggy after marriage is not happy. Para akong alila na sunod sunudan sakanya noon. Uuwi siya kung kelan niya gusto, maglalasing, at hindi niya ako katabing matulog noon, para bang may sakit akong nakakahawa.

It's really hard if you marry someone that doesn't want to be with you. At ganyan ang nagyari sa amin ni Greggy.

Ikakasal na sana sila ni Clarisse but nung nalaman ni Greggy na nakatakda kaming ikasal to save their business pumayag siya kasi mahal niya ang mga magulang niya kaya nakipaghiwalay siya kay Clarisse, his true love, I think.

Minsan ko lang nameet si Greggy, at sa isang club iyon,  at yun ang una at huli naming pagkikita, matagal bago ulit mangyari iyon, at sa pangalawang beses na pagkikita namin ay sa simbahan na, naka trahe de boda ako at siya naka barong.

Pinaghandaan talaga ng mga magulang namin ang kasal na iyon at binansagan pang the wedding of the century, engrande at maganda ang kasal. Kaso alam ko nung una palang na nakita ko siya sa harap ng altar ay mukhang hindi ito masaya, kita ko sa mukha niya, bakas sa mga mata nito na napipilitan lang ito, pero the show must go on.

I remember noong tinanong siya ng father and it took him a seconds before saying I do.

After ng wedding namin is pupunta na sa reception ng kasal, we're both smiling before entering the car, but our smile fades away nung nasa loob na kami, may space pa nga sa gitna eh, nagtataka na din yung driver nung car. Habang papunta kami sa reception ay walang nagtangka na kumibo ni isa sa amin, the ride was filled with silence.

When we arrived at the reception in character na kami ulit, he took my hands habang papasok kami sa loob, he's also smiling, kaya nag-smile na din ako.

We sat beside our parents, and go with the flow lang kami hanggang sa sumayaw kami, ng kaming dalawa lang. Habang sumasayaw kami ay bumibilis yung tibok ng puso ko, lalo na nung tumingin siya sa mga mata ko habang nakangiti.

Pero after nun ay back to normal nanaman kami, papunta kami sa honeymoon namin and tahimik lang kaming dalawa, kaming dalawa lang sa kwarto na yun, but imbes na mag honeymoon kami ay natulog nalang kami. First day naming mag-asawa and we're cold to each other, doon pa nga siya sa sala noon natulog, hindi kami magka-tabi.

VICTORIA'S POV

Lola is still hugging me, I was still crying.

"Why did you say that naman kasi, apo? I thought you want to talk to your mom, but everytime na mag-uusap kayo lagi nalang nauuwi sa away"she said

"Nakakainis na kasi eh, nasa kalagitnaan sila ng divorce ni daddy tapos ganyan? May kasamang lalaki? Ano yun?" sabi ko kay Lola.

"Paano pag-hindi yun boyfriend ng mommy mo? Maniniwala ka ba sa akin kapag sinabi ko na yung kasama ng mommy mo ay matagal na niyang kaibigan?" she said, and I was in shock. Syempre maniniwala ako kasi mama Meldy never lied to me. Si mommy lang naman ang mahilig eh.

"Kahit na po, he's still lalaki" I asked

"I think wala namang masamang intensyon si Ricky sakanya, tsaka mas una ko siyang nakilala kesa sa daddy mo and I trust him" she explained. "You like him for, mom?" I said.

"No, Mas gusto ko pa din si Greggy para sa mommy mo. Tsaka ikaw, iwas iwasan mo yung pagiging masungit lagi, nakakapangit" she said. I smiled bitterly.

"You say sorry to your mom tomorrow okay?" she said, umoo nalang ako.

Hinatid ako ni Mama Meldy sa room ko and nag goodnight na din ako sakanya. Dahil siguro mabilis akong magalit kaya ganon, hindi ako nag-iisip. Wala pang preno yung dila ko.

Morning came.....

Kakagising ko lang, it's 7 am na, since wala kaming pasok tanghali na ako nagising. Opo tanghali na sa akin yang 7.

Ginawa ko muna ang aking morning routine tsaka ako nagtungo sa kusina, I saw Mama Meldy eating alone. I say goodbye to her.

"Bakit mag-isa ka lang po diyan?" I asked at umupo sa tapat niya.

"Ang tanghali mo na nagising kaya umalis na lahat ng tao sa bahay, binagalan kong kumain para may kasabay ka. Hindi ka na tuloy nakapag-sorry sa mommy mo" she said, pouting her lips hahah. ang cute mo Lola.

"Mamaya nalang po pagdating niya, baka nga hindi niya din ako papansinin eh" sabi ko.

"Papansinin ka nun" she said. Kabisado ko si mommy, hindi yun namamansin pag magkaaway or may tampuhan kayo. Hindi niya nga pinansin si daddy ng ilang araw noong nagtampo siya eh, doon pa nga natulog sa labas.

After kong kumain ay naligo na ako, Lola will not be home kasi pupunta siya sa mga amiga niya kaya ako lang mag-isa sa bahay ngayon.

I was thinking kung paano ako makakapagsorry kay mommy, naalala ko mommy loves my cookies kaya I went to the kitchen to bake some.

It took me 2 hours to finish baking. After kong magbake ay nilagay ko na siya sa isang magandang lalagyanan ang naglagay ako ng note.

Sorry about last night, mom
             -Little patootie

Tinago ko muna yung cookies ko at lumabas muna ako para makalanghap ng sariwang hangin. Tinawagan ko din  si dad para kumustahin siya. but walang sumasagot, maybe busy siya.

I got bored at wala nang magawa sa bahay kaya nilabas ko yung mga painting materials ko at nagpinta na.

After 5 hours at nakakalahati ko na yung painting ko, I'm tired na kaya sininop ko muna at bumalik ako sa kwarto ko, at natulog muna.

after 5 hours, it's already 7 na kaya napatayo ako ng mabilis at sinilip sa bintana ko kung nandyan na si mommy and I saw her car kaya sinilip ko siya sa kwarto niya but she's not there, bumaba ako ng hagdan at nagpunta sa kusina to get the cookies, pero parang lumabas kung kaluluwa ko nung hindi ko makita yung box ng cookies ko.

Pabalik na ako ng kwarto ko when someone talked, medyo madilim sa sala kasi nakapatay na yung mga ilaw kaya hindi ko napansin na may tao pala doon.

IRENE'S POV

After a long day i decided to go home na, 6 na nung nakarating ako ng bahay and ang tahimik, hindi ko din nakita si Victoria kaya pumunta ako sa taas, i found out that she's already sleeping na, kaaga naman.

I went downstairs to get some food but yung nakita ko lang is yung isang box na punong puno ng cookies. I grabbed it and saw a note.

"sorry about last night
            - little patootie

I smiled and went to the sala at doon ko kinain. "Hindi pa din nagbabago, ang sarap pa din" sabi ko habang kinakain ito. While eating the cookies I saw Victoria walking towards the kitchen, hindi niya siguro ako nakita kase madilim eh at nakapatay yung mga ilaw , tanging yung moon lang ang nagpapaliwanag ng konti dito.



VICTORIA'S POV

"what are you looking for?" she asked, it's a familiar voice, it's mommy.

sinindi ko yung ilaw and i saw her eating my cookies, well that's for her naman talaga eh.

"Looking for your cookies?" she asked. I went to her and found out na nakakalahati na niya ang mga ito.

she tapped the space beside her. "come here, sit beside me" she said kaya umupo ako sa tabi niya.

"Mommy.... I'm sorry about last night" sabi ko she smiled to me and pinched my cheeks. "halika nga dito, little patootie ko" she said at niyakap ako. After mawala ni ate ngayon lang ako niyakap ng ganito ni mommy kaya naiyak ako. Ang O.A diba?

"Sorry din kasi nasigawan kita kagabi" she said. she lift my chin up and saw me crying. "Why are you crying?" she asked. I said " Eh ngayon mo lang ako ulit niyakap ng ganyan eh. I miss that hug. Thanks, Mom"  she chuckled softly.

She gave me the cookie box, there's only one left, kaya kinuha ko na. "Masarap po?" I asked. "yeah, as always, it's tasty" she said while smiling.

"kumain ka na?" she asked. Umiling naman ako. "Nakatulog po ako kaninang mga bandang 2 p.m at 7 na ako nagising" sabi ko.

"ay ganon ba? I thought natutulog ka na kanina" she said.

"Let's eat?"  she said. I nodded.

Me and mom cooked our dinner tonight. After naming magluto ay kumain na kami at syempre habang kumakain kami hindi mawawala ang pagdadaldalan naming dalawa.

After naming kumain ay nagshower na si mommy ako naman naghugas ng mga plato, after kong maghugas ng mga pinggan ay sumunod ako sa kwarto niya. I saw her doing her skincare routine, I sat beside her at nakatitig lang sakanya.

"Why are you here? Hindi ka pa ba matutulog?" she asked while putting something in her face.

"I want to sleep here" I said. Matagal ko na ding hindi nakakatabi si mommy matulog eh.

"Okay, wait mo lang ako I'm almost done naman na din eh" she said kaya hinintay ko siyang matapos.

After niyang mag skincare ay nahiga na kami, hindi ko na siya kinibo kasi alam ko din na pagod si mommy, ang ginawa ko nalang ay niyakap siya ng mahigpit at ganon din yung ginawa niya sa akin. We're hugging each other. "Goodnight, mommy. I love you!"  I said. She kissed my forehead "Goodnight too, and I love you so much, little patootie ko" she said. Si daddy nalang yung kulang, sana hindi matuloy ang divorce nila. Sana makasama ko ulit sila matulog sa iisang kwarto. Sana mahal pa ni mommy si daddy. Sana Maayos pa namin itong pamilya namin.







Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 96 16
"would ely accept the fact that she's an 'marcos'? Is there any hope that she'll come home for Atty.Liza? or she'll ran away because of Atty.Liza?"
405K 12.2K 93
Theresa Murphy, singer-songwriter and rising film star, best friends with Conan Gray and Olivia Rodrigo. Charles Leclerc, Formula 1 driver for Ferrar...
559K 20.3K 95
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
15.7K 790 69
Words are not enough to express the unconditional love that exists between a mother and a daughter.