ABKD Mahal Kita

Door DianeJeremiah

290K 22.3K 9.4K

Puppy love? True love? Paghanga only? Haist ang hirap naman ng ganito. Di ko tuloy maintindihan ang nararamda... Meer

Introduction
Chapter 1 Ang Gusgusing Dalagita
Chapter 2 First Crush
Chapter 3 May Gatas pa sa Labi
Chapter 4 'Crush Back'
Chapter 5 Multiply
Chapter 6 Bakit Di Pwede?
Chapter 7 Katorse
Chapter 8 Madayang Tadhana
Chapter 9 TOTGA
Chapter 10 Dancin' Away With My Heart
Chapter 11 Pendulum
Chapter 12 Joyride (Part 1)
Chapter 13 Joyride (Part 2)
Chapter 14 Happy Heart's Day
Chapter 15 Sleepover
Chapter 16 Heart of a Dragon
Chapter 17 Silly Games
Chapter 18 Make or Break
Chapter 19 Her Eighteenth Birthday
Chapter 20 Is this the End of Us?
Chapter 21 Some Things
Chapter 22 As Long As...
Chapter 23 ABKD Mahal Kita
Chapter 24 Kumpas
Chapter 25 Heart to Heart
Chapter 26 All Too Well
Chapter 28 In Your Eyes
Chapter 29 Next Level
Chapter 30 Amame Tiernamente
Chapter 31 Love Language
Chapter 32 Differences
Chapter 33 A Busy Day
Chapter 34 I'm Here
Chapter 35 Love Lots
Chapter 36 All For Love
Chapter 37 Gets Mo Rin Ba?
Chapter 38 Don't Leave
Chapter 39 Her Baby
Chapter 40 The Wild Side of Her
Chapter 41 Thirty-Six
Chapter 42 Her Birthday Gift
Chapter 43 Nunca Me Dejes, Mi Amor
Chapter 44 Wake Up, Wake Up
Chapter 45 Begin Again
Chapter 46 There's Only You & Me
Chapter 47 Love Makes You Crazy
Chapter 48 Tidbits of Memories
Chapter 49 You Kiss Her, You Kiss Me
Chapter 50 Hate That I Love You
Chapter 51 Tenme Por Siempre
Chapter 52 On Your Knees
Final Chapter
Erich and Angie

Chapter 27 Dito Ka Lang

5.1K 438 224
Door DianeJeremiah

"Kapag totoong mahal mo ang isang tao, kahit gaano kahirap makuha ang kanyang oo ay kakayanin mo."


Angie POV


Napabuntong-hininga ako ng malalim habang nakatitig sa kisame. Kanina pa ako gising pero parang ayoko pang bumangon. Bumabalik-balik kasi sa utak ko 'yong mga nangyari kagabi.

Naputol lang ang pagtanaw ko sa mga nangyari nang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table. Saglit ko lang itong sinulyapan tsaka inabot para tignan kung sino ang tumatawag. Si Maxine.

"O?" Bigkas ko.

"Wala man lang good morning?" Maang niyang tugon. "Di mo ba ako nami-miss?"

"Sabihin mo na kung anong sasabihin mo!" Ganti ko.

"Ang sungit naman! Ang aga-aga e!" For sure nakasimangot ito.

"Ibababa ko na." Banta ko.

"Hay naku! Isusumbong kita kay tita!" Ganting banta rin niya.

"Ano nga?" Usisa ko.

"Kukumustahin ka lang naman e!" May himig pagtatampong sagot niya.

Marahas akong napabuntong-hininga. "Okay lang ako. O tapos na. Nasagot na kita -"

"So tayo na?" Mabilis niyang biro.

"E kung ipatapon kaya kita sa Mars ng di na kita nakikita?"

"Heto naman di na mabiro. Parang wala tayong pinagsamahan niyan ha?" Mukhang nagtatampo na nga.

Nagulat ako ng bigla niyang ibinaba ang tawag. "Aba't -" Hindi makapaniwalang napatingin ako sa screen ng cellphone ko.

To be honest, Maxine was my first... sexually. Hindi naman 'yon sinadya. We're both drunk and out of control. Pero matagal na 'yon. Nasa college pa lang ako. At hindi na naulit. We agreed not to bring it out again. Tsaka akala ko talaga noon si Erich 'yong kaniig ko.

Sabay ng muling pagbuntong-hininga ko ay bumangon na ako sa kama. Marami pa kaming gagawing trabaho. Mahigit isang linggo na ako dito sa Matalinhaga pero pakiramdam ko wala pa akong naa-accomplish.

Pagkaraan ng halos mahigit isang oras ay nasa kalsada na ako papunta sa site. 'Yong motor ni Lino ang ginamit ko. Nakasukbit sa likod ko ang tracing tube. Sa akin muna niya ito ipinagamit dahil mai-stuck lang naman daw ito sa bahay nila. Buti nga at naibalik ito sa kanya.

Gagong lalaking 'yon! Kung hindi lang siguro ako nakapagpigil kahapon baka nasuntok ko na ito. Ito pa ang may ganang magalit sa kaibigan ko?! Buti na lang at kahit papaano ay naisipan pa noon ni Lino na sa kanya ipangalan 'yong motor no'ng binili niya ito. Walang laban 'yong lalaki kundi ibalik ito kay Lino.

Ibang usapan na kasi kapag kaibigan ko ang aawayin o lolokohin. Makakatikim talaga sila sa akin.

Ang kagandahan ngayon sa modernong teknolohiya ng mga construction machines ay agad na natatapos ang trabaho. Hindi na kailangan pa ng napakaraming tao para matapos ang isang proyekto. Habang sinisimulan na ang kalsada at arc sa gate, ang iba naman ay nagsisimula nang mag-construct ng sample model ng bahay na maipapatayo. Para mas mabilis ang trabaho hindi 'yong one at a time, kung kaya naman pagsabayin ang dalawa o tatlong phase bakit hindi gawin.

Naupo ako sa hagdan ng nagsisilbi naming opisina ng matapos kaming kumain. Tinanggal ko ang suot na hard hat at inilagay ito sa tabi ko. Tumabi sa akin si Ryan, isa sa mga kasama naming Arkitekto na nagtungo dito sa Matalinhaga. Ang alam ko nagre-rent sila ng apartment sa malapit kasama ang iba pa. Ayoko naman silang ayain sa bahay 'no? Tsaka pwede naman nila iyong ipa-reimburse sa office, kasama na ng iba pa nilang kailangan.

Inaabutan niya ako ng sigarilyo pero napailing-iling ako bilang pagtanggi. 'Yan 'yong bisyo na kahit kailan ayokong subukan.Nagsindi siya sabay hithit nito. Napapapaypay ako dahil sa usok nito.

"Di ba taga-dito ka?" Tanong niya kapagkuwan.

"Oo, dito ako lumaki." Tipid kong sagot.

"Ba't kayo umalis dito?" Tanong niya sabay buga ng usok.

"It's a long story." Sagot ko sabay napatingin sa malayo.

Hindi na siya nag-usisa pa ulit. Kapagkuwan ay may naisip akong itanong sa kanya.

"Kapag may gusto ka sa isang tao, paano mo kinukuha ang loob nila?" Naisip kong tanong.

Napangisi siya. He knows my sexuality. I didn't hide it from anyone. May mga nagpaparamdam na lalake noon pero tinu-turn down ko agad.

"Ligawan mo." Sagot niya. "You're a girl, you should know that."

I rolled my eyes. "Syempre iba 'yong point of view ninyong mga lalake."

Itinapon niya sa lupa ang upos ng sigarilyo. Ang bilis naman niyang hinithit iyon. "Kung gusto mong makuha agad ang loob niya, unahin mong ligawan ang parents niya." Payo niya.

"Paano kung kilala mo naman 'yong parents niya?" Usisa ko pa.

"E di mas maganda!" Maagap niyang sagot. "Mas madali!"

Kaya? Sabi ko sa isip ko.

Panay ang tingin ko sa suot na relo ng maghahapon na. Tinatanong pa ni Arc. Belmudes kung mag-oovertime ako, sabi ko saka na lang dahil may importante akong lalakarin. Babawi na lang ako sa susunod kako.

Kaya naman pagsapit ng alas singko ng hapon ay agad na akong umalis. Bumili ako ng isa pang helmet tsaka riding gears para may maipagamit sa kasama ko. Saktong papasok ang motor na kinasasakyan ko sa nakabukas na gate nila ninang Susan ay papalabas naman ng pinto si Erich, may dala itong papel. Naalala ko tuloy 'yong title ng susunod niyang libro.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya nang makita ako.

Maang akong bumaba ng motor at nagtanggal ng helmet. "Di ba ang sabi ko sayo kagabi susunduin kita dito ng hapon?" Napansin ko ang suot niya. Maikling maong shorts tiyaka sandong puti. "Ba't hindi ka pa nakabihis?"

Napakunot-noo siya. "Wala akong maalalang pumayag ako."

Makahulugan ko siyang tinitigan. "Kung hindi ka pa magbibihis ngayon gagabihin tayo." Napataas ang kilay niya. Magsasalita sana siya ngunit naagapan ko. "Sige na, huwag ka ng magpa-cute diyan." Hinawakan ko siya sa balikat at pinihit paharap sa kanilang pinto. "Mamaya mo na ituloy 'yang Virgin at Thirty na 'yan!" May kalakip na panunuksong dagdag ko habang tulak-tulak siya.

Inihampas niya sa akin 'yong hawak niyang papel sabay irap. Natatawang umilag lang ako. Pumasok na siya sa loob pagkatapos. Napansin kong nakaupo si ninang Susan sa kanilang sala at abalang nagbabasa. Hindi ko alam kung ano 'yong binabasa niya.

"Magandang hapon po, ninang." Lumapit ako sa kanya para magmano.

Ibinaba niya ang suot na eyeglasses tsaka tinitigan ako. Nasabi niya kagabi na hindi na gaanong nakakakita ang mga mata niya. Epekto raw iyon ng mataas na sugar level niya sa katawan.

"May lakad kayo ni Lino?" Tanong niya tsaka muling ipinagpatuloy ang binabasa.

"H-hindi po si Lino ang kasama ko ninang." Sagot ko. "Si Erich po."

Muli siyang nag-angat ng tingin sa akin. Makahulugan siyang napatitig sa akin. Napapangiwi ako sa loob-loob ko.

"Uhm, may pupuntahan lang ho kami sandali." Sabi ko. "Iuuwi ko din ho siya mamaya."

Hindi na siya kumibo pagkatapos. Nagpatuloy na siya sa pagbabasa habang ako naman ay tahimik lang na naghihintay kay Erich.

Ilang sandali pa ay bumaba na ang hinihintay ko. Tumayo na ako sa kinauupuan at sinalubong siya. Nilapitan niya si ninang Susan para magpaalam.

"Mukhang okay naman na si ninang." Komento ko ng makalabas na kami.

"Nagtataka nga kami ni Lino kagabi pa." Tugon niya. "Pero masaya kaming makita na okay na siya kahit papaano."

Kinuha ko ang isang helmet at iniabot sa kanya. Kunot-noong napatingala siya sa akin.

"Diyan tayo sasakay?" Sabay turo sa motor.

Kunot-noong tumango ako. "Oo. Bakit natatakot ka?"

Napangiwi siya. "Di ba pwedeng mag-kotse na lang tayo?"

"Sige na, isuot mo na." Tinulungan ko siyang maisuot ang helmet at ang protective gears sa kanya.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong niya ng masiguro kong maayos ang pagkakasuot sa kanya ng protective gears.

"Malalaman mo mamaya." Sagot ko.

Nauna akong sumakay sa motor saka ko siya inalalayang makasampa sa likod ko. Panay ang reklamo niya. Kesyo ang taas daw ng motor, nakakatakot. Tinanong pa ako kung marunong ba talaga ako gumamit nito.

"Huwag ka diyan sa balikat humawak." Kinuha ko ang dalawa niyang kamay na nasa magkabilang balikat ko at inilagay sa beywang ko. "Dito ka humawak." Yakap-yakap na niya tuloy ako mula sa likod.

Napatili siya ng sinimulan ko ng minaniobra ang motor. Natatawang napapailing-iling ako. Binatukan ba naman niya ako. Buti na lang at nakasuot ako ng helmet. Sinadya ko talagang bilisan ang pagmamaneho, napahigpit tuloy ang yakap niya sa akin. Na lihim ko namang ikinatutuwa.

Dumaan muna kami sa gilid ng kalsada, kung saan naroon ang mga nagbebenta ng bulaklak.

"Alin ba dito ang maganda?" Kunwaring tanong ko sa kanya.

"Para kanino ba?" Tanong niya.

"Para sa liligawan ko." Lihim akong napapangiti.

Pinanlakihan niya ako ng mata. "Aakyat ka pala ng ligaw bakit kailangan mo pa akong isama?!" Ang talim ng irap niya. Napameywang na siya.

Natawa ako ng marahan. "Mas magaling ka kumilatis."

Sandamakmak na irap ang natamo ko mula sa kanya. Hindi na nga siya kumikibo e. Ang taray!

Ipinahawak ko sa kanya ang bulaklak na binili ko. Ayaw niyang tanggapin, ako na daw bahalang humawak. Tawa ako ng tawa sa reaksyon niya. Halata kasing nagseselos siya.

"Sige ka, pag di mo 'to hinawakan hahalikan kita dito." Nakatawang banta ko.

Isang nakamamatay na irap ang iginawad niya muna sa akin bago niya pabalang na kinuha ang bulaklak.

"Anong ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong niya ng ipinasok ko ang sasakyan sa loob ng sementeryo.

"Nandito 'yong liligawan ko." Sagot ko.

"Ha?" Nabibiglang reaksyon niya. "Supolterera ba siya?"

Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya. Paniwalang-paniwala tagala siya. Inihampas niya sa akin 'yong bulaklak ng makababa na kami ng motor at makapagtanggal ng helmet.

"Saan dito 'yong puntod ni ninong?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit?" Pabalang niyang sagot. Inis na inis talaga siya sa akin.

Lihim na lang akong napapangiti. "Dadalawin muna natin bago 'yong liligawan ko."

Inirapan niya ako. Nagpatiuna na siyang naglakad patungo sa mga puntod. Maya-maya ay tumigil siya sa harap ng isang puntod na may tuyo ng bulaklak sa ibabaw. Naupo ako sa harap ng puntod at bahagyang nilinis ito. Tinanggal ko ang mga tuyong dahon at itinabi ang tuyo na ring bulaklak tsaka ipinalit ang bulaklak na binili namin kanina.

"Hi po, ninong." Nakangiti ng bahagyang bati ko. "Pasensya na po pala sa bigay kong bulaklak kung hindi na buo 'yong iba, inihampas po kasi sa akin 'yan ng anak niyo dahil sa selos." Tsaka nakangiting tumingala kay Erich.

Napakagat-labi siya. Halatang biglang na-guilty sa ginawa.

"Pasensya na rin ho kung wala ako noon para damayan ang pamilya ninyo sa pagpanaw niyo. Sana po mapatawad niyo po ako." Patuloy ko.

Tumayo na ako. Tahimik lang naman si Erich na nakatayo sa tabi ko.

"Uhm, ninong, nandito po ako ngayon dahil gusto ko ho sanang magpaalam. Kung pwede ko po sanang maging girlfriend ang anak ninyo." Napatingin ako kay Erich na nabibiglang napatingin din sa akin.  Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Sa totoo lang po thirteen years old pa lang po ako gustong-gusto ko na siya." Hayag ko na kay Erich lang nakatingin. "Twenty-six na po ako ngayon pero siya pa rin po ang isinisigaw ng puso ko. Kaya sana po pagbigyan ninyo ako."

Malamlam ang mga matang nakatitig lang ako kay Erich habang sinasabi ko ito sa harap ng puntod ng papa niya. Para naman siyang naiiyak habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Kinuha ko ang mga palad niya at ikinulong sa mga kamay ko. "Ipinapangako ko pong hinding-hindi ko siya sasaktan, igagalang ko po siya at aalagaan. Hinding-hindi ko po sisirain ang pagtitiwala niya. Pangako."

Napalunok siya at napasinghap na para bang nauubusan ng hangin.

"Erich, simula ng makita kita hindi na mapakali ang damdamin ko." Bahagyang pumiyok ang boses ko dahil sa emosyong nararamdaman ng mga sandaling iyon. "Biglang nagbago ang mundo ko. Sa unang pagtatama ng ating mga mata, sa una mong pagngiti sa akin, sa unang pagtibok ng puso ko." Nag-flashbacks sa akin ang lahat simula noong una kaming nagkita. "Sayong-sayo na ako."

Hinalikan ko ang likod ng kanyang mga kamay. Naiiyak na kami pareho. Ngunit may ngiti naman sa labi.

"Mahal na mahal kita sobra." Buong puso kong pag-amin. "Ikaw ang naging inspirasyon ko sa pagtupad sa mga pangarap ko at pagpupursige sa buhay. Ang tagal kong hinintay ito." Napasinghap ako. "Na dumating ang pagkakataong ito. Sana gaya nina Filomena at Ernesto sa librong isinulat mo." Natawa siya ng marahan sa sinabi ko. Nangingilid ang kanyang mga luha. "Bukas ay maging tayo." Napangiti ako. "Pero ba't pa ako maghihintay ng bukas kung pwede naman ngayon, di ba?"

Hawak pa rin ang kanyang mga kamay ay lumuhod ako sa harapan niya.

"Erielle Munich Castillo," Bigkas ko sa buo niyang pangalan. "Will you be my girlfriend?"

There. I finally said it.



-Unedited.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

848K 17K 37
Simpleng tao lang naman si Alexis - masikap at matiyaga - kuntento na siya sa kanyang buhay. Meron siyang maasikasong kuya Basti at meron rin siyang...
271K 2.4K 5
She's Heather Bryant. An English Professor. Mataray at istrikto. She's Madison Hans. Nerd at laging nabubully sa school. Tahimik at matalino. When th...
414K 14.8K 44
Syden Amaryllis only dreamed of three things in life: to find her parents, to have her own complete family and to be a doctor. Nabuhay ang pag-asa ni...
174K 5.4K 24
Iris Layne Payne - 2nd daughter of Reynaldo Payne. Responsableng anak, kagaya niya ng Ate Demi niya. Siya naman ang inaasahan ng mommy niya na mamam...