nandito na ako sa Clinic,nagpapahinga, habang sila nakahiga pa,walang pang malay
" hindi ba masakit?" sabi ng isang Hebbie
anu daw? masakit? ayy! oo nga pala yung braso ko,hindi ko naman namalayan, wala kasi akong nararamdamang sakit
" hindi naman, masakit " sabi ko
hinayaan ko lang siyang gamutin ako,tinignan ko yung mga gagamitin niya sa sugat ko,para na akong masusuka,grabe!!!
mga sangkap niya ay tubig na sobrang baho! di ko nga maintindihan kung saan yun galing,balat ng saging na may uuod at putik sa kanal,at dumi ng hayop? sa pagkaka-alam ko nakakatulong yun sa halaman,wala naman akong nabalitaan na pwede na yun sa pag-gagamot
then bigla na lang akong nakatulog
*kinabukasan*
*yawn*
umaga na pala,at nandito parin ako sa Clinic,
nasa'n na sila? yung mga kasamahan ko kasi wala na dito ako nalang ang na iiwan, bakit di man lang nila ako ginising?
tatayo na sana ako,ng bumukas ang pinto,akala ko sila na,hindi pala,isang hebbie lang pala
" bakit po?" sabi ko
" gigisingin ko po sana kayo" sabi niya
" ahh,okay! nasaan po ang ibang kasamahan ko po?" tanong ko
" pinalipat po kasi sila" sabi niya
" sino naman po ang nagpalipat?" tanong ko
" ako"
hah? sa pagkaka-alam ko,ako lang naman ang nandito
tumingin ako sa kanya at woooww!!! sobrang ganda!! at ang haba ng gown niya,bagay sa kanya ang kulay ng suot niyang gown
dito na lang kaya ako titira,ang dami kasing magaganda,baka' pwede ako ^__^ joke lang!
" makaka-alis kana" sabi niya at umalis naman ang isang hebbie
lumapit siya sa'kin at umupo sa harapan ko
" ako si Princess Diane" sabi niya
" ako naman po si Sam^__^" sabi ko
nagpalitaw siya ng isang bulalak,white ang kulay nito, tsaka ang daming petals,gamitin ko kaya kay crush? hahaha joke lang!
" sa'yo na yan" sabi niya
binigay niya sa'kin ang bulaklak,
a-anong nangyari?? kanina white ang kulay ngayon naman naging pula,anh sama!!>___<
" ( chuckle),ibig sabihin mapanganib ka " sabi niya
mapanganib ako??
" maraming kulay na may ibat-ibang kahulugan,ibig sabihin ng kulay pula ay mapanganib kang kaaway maraming dugo ang masasayang" sabi niya
ayy! oo nga pala,dahil sa Devil Side ko,pero........gusto ko yon!!
"tandaan mo,madami ka pang mga pagsubok na dadaanan,'wag ka lang magtiwala ng basta-basta"sabi niya
ya'n din ang palaging sinasabi nila sa'kin,ewan ko nga,parang babala lang,para sa'kin,pero hindi ko pa naman napapatunayan
tumayo naman siya
" para saan po ba to?" tanong ko
" makakatulong ang mga petals na yan sa laban mo " sabi niya
makatulong? ano naman ang gagawin ko dito,para makatulong?aiisshh!!! ang sakit sa ulo!
" sa susunod ulit" magalang niyang sabi
at bigla na lang siyang naglaho,tumingin ulit ako sa bulaklak
bakit naging bakal to? naging bakal siya pero nananatili parin ang pulang kulay, may bago na naman akong gagamitin, ang saya!!
inikot-ikot ko muna to,nag-iisip kung pa'no to makakatulong,ang sabi ni Princess Diane makakatulong daw ang petals,kumuha ako ng isang petals,at sobrang tulis ng dulo ng petals,ano kaya ang epekto nito? mamamatay siguro ang taong tatamaan nito
sa'n ko naman to, itatago? hmm....siguro sa buhok na lang,mag po-ponytail na lang ako mamaya
may nakita ako sa bed na dress,hanngang paa ang haba,at bagay sa'kin,susuotin ko nato
*after......
tapos na akong mag suot,nag ponytail hairstyle na rin ako, tsaka ko nilagay ang bulaklak,wooshh!!! parang nakakabit siya sa buhok ko
*tok*tok*tok
" pasok" sabi ko
" iha,pinapatawag ka ng hari at reyna, sumunod ka sa'kin" sabi ng isang Hebbie
tumango naman ako,tumingin muna ako sa salamin at ngumiti,perfect!!
lakad
lakad
lakad
lakad
sa wakas!! nandito na ako, nakakapagod talagang maglakad sa dami ng hagdan
" salamat po" sabi ko
pumasok na ako,at naabutan ko naman sila,nawala na ang mga sugat nila,na parang walang galos
ngumiti naman ako sa kanila at umupo na sa tabi ni Sophia
" kumpleto na kayo, kaya ipapatawag ko na ang prinsesa" sabi ng reyna
bigla naman lumabas ang prin...........ay hindi pala,isang matanda?? na naka-gown?,cool!!
" ayy,ang panget,mas maganda pa pala ako sa prinsesa" pagmamayabang ni Faith
napaka-yabang talaga ng Malanding to,akala mo naman, mala-diyosa ang ganda!,hindi naman! parang may mali?
nagulat na lang kami na naging dalaga ang itsura niya na kanina ay matanda
" I correct it mas maganda talaga ang prinsesa" sabi ni Yeri
inirapan lang siya ni Faith,sobrang yabang kasi
" nabalitaan ko,na wala na si Princess 820 " sabi ng hari
nagulat naman sila,maliban sa'kin at ng tumingin si Jiho sa'kin, binigyan ko lang siya ng ngiti^___^ at ngumiti rin siya ,ang cute niya!!
pumunta naman ang prinsesa sa harapan
" gusto kong magpasalamat sa inyo,dahil wala na ang kakambal ko" sabi niya
kakambal? eh hindi nga sila magkamukha
" lalo na sa'yo" dagdag niya
tumingin siya sa'kin at iba pang kasamahan ko, ngumiti lang ako sa kanila, si Faith naman nakataas ang kilay sa'kin,tssk..i dont care!
" mahirap kalabanin anh kakambal kong si Princess 820 dahil malakas siya hindi kagaya sa'kin, na isa lang akong Clones" sabi niya
Clones ay isang uri ng kapangyarihan na kayang magpalit ng anyo sa kahit anong edad, ngunit hindi nya kayang manggaya ng ibang tao,at may tinatago din silang kapangyarihan
" at kami rin, hindi namin siya kayang patayin" sabi ng hari
" kaya lubos kaming nagpapasalamat at nawala na rin siya" dugtong ng reyna
siguro dahil sa ugali niyang mayabang,na sobrang lakas niya at walang makakatalo sa kanya
" salamat sa inyo" sabi ng hari at reyna pati na rin ang Prinsesa
" siguro naman may natutunan kayo kay Princess 820?" sabi ng hari
tumango naman kami,natutunan kong mabilis palang mawala sa lupa ang mga mayayabang! ^__^
" may ibibigay kami sa inyo " sabi ni Princess
may kinuha siyang table na may dalang mga......sword??
" pumili na kayo,hindi ordinayong sword yan " sabi niya
kaya tumayo na kami at pumili na,naglilibot muna ako,at nag masid
ahh!! ito na lang, kinuha ko yong hindi mabigat dalhin at comportable gamitin,sila naman ang pinili nila ay yung malalaki,tsssk....sobrang bigat kaya dalhin!
tapos na kaming pumili at pumunta na sa hari at reyna, mag papa-alam lang
" paalam po sa inyo" sabi namin sabay " bow" bilang paggalang
" ako na ang magdadala sainyo" sabi ng hari
nagtataka naman kaming tumingin sa hari at ang hari naman ngumiti lang,waaahhhh!!! kakaibang ngiti!!
isang iglap lang, nawala na kami sa palasyo at...........
0_0
sabi ko nga diba!..kaya tumakbo na lang kami,unexpected kasi to,hindi kami handa,at wala to sa dictionary ko na pumunta dito!
nasaan kaya sila?? abangan niyo na lang po bukas^__^ thank you!!