Miss Cleomonte's Slave

By LuciousGracious

2M 79.3K 48.1K

(Montegery International Elite Series 1) *** "Be my slave." She said as she looked at me with no emotion vis... More

DISCLAIMER
Note
Teaser
Cast
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
💫 Izzaaa Frank 💫
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Epilogue
Special Bonus Chapter
Special Bonus Chapter II - Taxi 2.0
Special Bonus Chapter - III
Super Special Last Chapter

Chapter Fifty Nine

17.6K 708 553
By LuciousGracious

Yves's pov



Dahan dahan kong iminulat ang aking mata bago ito inilibot sa paligid. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ang pag kirot nito. Huminga ako ng malalim habang inaalala kung anong nangyari at kung bakit ako andito.

Napabalikwas naman ako ng bangon at hindi na ininda ang pag sakit ng ulo ko ng maalala ko ang mga nangyari.

The taxi, the smoke that put me to sleep, and the voice. That familiar voice...

Agad kong inilibot ang paningin ko, nag babakasakaling makita ko ang taong pinag hihinalaan ko na may gawa sa akin nito pero wala akong nakita. Ni anino ng kahit sino ay wala akong nakita.

Ang tanging nakikita ko lang ay ang lamesa sa hindi kalayuan na may nakapatong na mga supot ng pag kain ata. May isa ding pintuan na wari ko'y daan ito palabas ng kung saang lupalop man ito. Walang bintana kaya wala akong ibang choice kundi sa pintuan talaga lumabas at tumakas.

Tumayo ako at dahan dahang nag lakad patungo sa pinto habang pinakikiramdaman ang paligid. Baka kasi may biglang pumasok at barilin ako dahil nakita niya akong tatakas.

Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay maingat ko itong pinihit pabukas habang sinisigurado na hindi ako makakalikha ng kung ano mang ingay na maririnig ng kung sino mang nag dala sa akin dito.

I successfully opened the door. I mentally sighed in relief when I saw nobody outside the door. Walang taga bantay or kung ano man.

Nag tataka man ako dahil wala akong nakitang tao na nag babantay sa akin ay nag patuloy padin ako sa pag lalakad.

Sa pag kakaalam ko kasi kapag kinikidnap ay may nag babantay para hindi makatakas yung kinidnap. Iba na ba ngayon ang way ng mga kidnaper?

Napabuntong hininga nalang ako at iwinaksi ang aking iniisip at nag simula ng mag lakad.

Isang hallway lang ang nakita ko na may dalawang pintuan sa mag kabilaan.

Luminga linga muna ako bago tumakbo sa kaliwang pinto.

Pinihit ko pabukas ang pinto para makalabas na ng masilayan kong hindi pala iyon ang daan palabas. Dahil imbes na kalsada or labas ang makita ko ay isang babaeng nakatalikod sa akin ang aking nasilayan.

Nakaupo siya sa isang bar stool habang busy sa pag inom ng alak niya.

Hindi ko alam kung lalapitan ko ba ang babae or hahayaan na lamang siya at umalis na lang dito.

Pero paano kapag isa din siya sa biktima?

Pero kung biktima din siya aba ang sarap naman ng buhay niya. Paupo upo lang siya habang umiinom ng alak.

"You're awake." A familiar voice that belongs to the woman sitting not far from where I'm standing suddenly said.

Bahagya niya akong nilingon bago ngumiti. "Don't just stand there and watch. Come here, sit beside me."

I froze when I saw her face.

It's Miss Honey.

So tama nga ako. Siya nga ang kumuha sa akin..pero bakit? Anong atraso ko sa kaniya?

Hindi ako gumalaw at nanatili lang nakatingin sa kaniya. Ang dami nanamang katanungan na pumapasok sa utak ko. Kailan ba masasagot ang mga ito? Kapag sumabog na ang utak ko dahil sa sobrang pag kalito?

"Why am I here? Why did you bring me here?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya.

Tiningnan niya lang ako bago inumin ang alak na hawak niya. She tap the seat beside her and said. "Sit here, I want to tell you a story."

"I don't want to listen to your story. What I want is for you to tell me why the hell did you bring me here." Sagot ko pero katulad ng kanina ay hindi niya padin ako sinagot at nag salin lang ng alak sa baso niya.

"Do you drink Yves?" Tanong niya. Sasagot na sana ako ng mag salita ulit siya.

"Oh, don't answer that. Of course, you do. I saw you chugged the whole bottle of Jack Daniels at the bar before. That was kinda hilarious, you don't even know who you are." She said and chuckled.

"What?"

"Oh... you don't remember?" Tanong niya at tumigil sa pag sasalin ng alak sa baso niya bago ako tiningnan. Hindi ako sumagot at nakatingin lang sa kaniya. "Ahh.. Silly me, syempre hindi mo maalala. Lasing ka nun eh, I think that was the time na nag seselos ka kay Margaux. Naomi basically carried you home that night."

"How did you know about that? If I remember correctly, hindi pa tayo mag kakilala nun..right?" Nag tataka kong tanong sa kaniya. Nag sisimula ng kumabog ang dibdib ko sa kaba.

How can she possibly know about that? Is she...stalking me?

"If you want to know then come here. Sit down, I'll tell you everything I know." Seryoso nitong turan bago ako nginitian ng bahagya.

Huminga ako ng malalim bago unti unting nag lakad papunta sa direksyon niya pero bago pa man ako tuluyang makalapit ay tumigil ako.

"Give me one reason why I should trust you. Na masisigurado kong wala kang gagawin sa akin." Matapang kong saad. Hindi ko din alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin sa kaniya yun.

"The other door in front of this one is unlocked. You can go anytime, also walang kahit sino mang tao dito. It's just the two of us."

"I don't believe you. You kidnapped me and bought me here tapos ganun mo lang ako kadaling papakawalan? Parang hindi naman kapanipaniwala yun." May pag hihinala kong sagot sa kaniya.

"Pwede mo naman i-check para malaman mo kung nag sasabi ba ako ng totoo or hindi and I'm sorry for kidnapping you. Ayoko man gawin yun pero kailangan ko. She's watching me the whole time. It's the only way to save you." Sagot niya sa akin at uminom ulit ng alak.

"Ililigtas mo ako saan? Sa ano?" Nagugulohan ko nanamang tanong. Bakit lahat ng sinasabi nila ay palaisipan? Bakit hindi nalang nila ako diretsohin?

"Hindi saan or ano Yves... kanino." Sagot niya na nag palakas ng kaba na aking nararamdaman.

"K-Kanino?" I nervously asked, hoping that she won't say her name.

Hindi ko kakayanin kapag siya nga ang may kagagawan ng lahat ng 'to.

"Kyline."

I knew it! Sabi na nga ba at ang babaeng yun ang may pakana ng lahat ng kagulohan sa buhay ko. Bakit ba kasi ayaw niya akong tantanan? Ano ba talaga ang atraso ko sa kaniya?

"So you're working for her?" Walang emosyon kong tanong kay Miss Honey. Marahan siyang tumango tango bago uminom ulit sa baso niyang may lamang alak.

"Unfortunately...yes. But trust me, I don't want to. I was forced to do what she wants until...now." She stopped talking and smile sadly. Tumingin siya sa akin bago uminom nanaman ng alak. Mukhang problemado na problemado nga siya.

"Anong ibig sabihin mong ngayon?"

"You remind me so much of myself but of course with different scenarios." She said instead of answering me.

Unti unti akong nag lakad palapit sa kaniya at umupo sa tabi niya. "What do you mean?"

Hindi niya nanaman ako sinagot. Kita kong nag salin siya ng alak sa isa pang baso bago ito ilagay sa harap ko at mag salin muli sa baso niya.

Gusto ko man siyang pigilan dahil alam kong nakakarami na siya at mukhang may tama na siya pero hindi ko na siya pinakealaman. Kita ko sa mga mata niya na may pinag dadaanan siya. Malungkot ang kaniyang mga mata na parang walang buhay.

Lumingon siya sa akin at pilit na ngumiti.

"I was just like you..." Panimula niya at uminom ulit sa basong hawak niya. "Hindi pinanganak na mayaman pero may masayang buhay. May mapag mahal na magulang na nag bibigay sa akin ng lahat ng kailangan at gusto ko. Nag iisa akong anak kaya intinding intindi nila ako but not in a way na nagiging spoiled ako. Kumbaga, sakto lang. Si Mama ay nag tatrabaho sa palengke at si Papa naman ay waiter sa isang bar. Simple lang talaga ang buhay namin and I was happy kahit na ganun lang and so are they.. Pero syempre hindi naman pwedeng habang buhay nalang masaya diba? Laging may dumadating na sakuna kahit hindi natin hilingin."

Kita ko ang pag higpit ng pag kakahawak niya sa baso. Her eyes turns cold as she take a deep breath.

Hinayaan ko lang siya at hindi nag salita. Waiting for her to continue.

"My Mom died..." She said and I gasped. Hindi ko inaasahang ganun ang katuloy nun.

Kaya ba niya sinabi na nakikita niya ang sarili niya sa akin?

"After she passed away, everything changed. My Dad is not the same Man that I used to know. Simula ng mawala si Mama, wala na ding ginawa si Papa kundi ang uminom araw araw. He even forgot that I existed. I have to take care of my self that time. I was only ten years old, I have no choice but to work para may pang kain ako sa araw araw. Buti nalang at may mga kaibigan si Mama sa palengke na tumulong sa akin at nag bigay ng trabaho. I worked there para makakain ako at makapag aral hanggang sa tumungtong ako sa edad na dise-otso." Pag papatuloy niya. She smile bitterly.

"Everything is going great for me that time. I applied for a scholarship sa isang university na may dormitory at dahil matalino naman ako ay nakapasa ako. Sobrang saya ko nun dahil finally makaka alis na din ako sa lugar na yun. Matutupad na ang pangarap ko at hindi na ako mag hihirap. Naalala ko pa na nag mamadali akong umuwi noon para mag imapake ng gamit ko pero ang hindi ko inaasahan ay may surpresa palang nag iintay sa akin pag uwi ko. I'm not talking about good surprise, it's the opposite." She stopped for a minute to drink before she cleared her throat and started to speak again.

"Nasa bahay si Papa nung umuwi ako, nagulat pa nga ako dahil simula ng namatay si Mama ay halos hindi na umuuwi si Papa dahil lagi siyang nasa bar or kahit saan na may alak. Doon lang umiikot ang mundo niya kaya nakakapag taka na nasa bahay siya nung umuwi ako and I wish hindi nalang ako umuwi ng araw na yun." Mapait nitong turan.

"Ang daming tao sa bahay namin, mga lalaking malalaki ang katawan at maraming tatoo. At first ay hindi ko sila pinansin dahil wala naman akong pakealam sa kanila. Akala ko kainuman lang sila ni Papa but for the first time in a long time, he called my name. I was shocked at nanatili lang na nakatingin sa kaniya. He kept on apologizing and I don't know why. Akala ko lasing lang siya kaya ganun pero laking gulat ko ng sinabi niya sa mga lalaki na kuhanin na nila ako. Gulong gulo ako sa mga kaganapan na nangyayari noon. Hindi ko maintinidihan kung bakit bigla bigla nalang nila akong kinuha at pilit na pinasok sa sasakyan nila." Tila nahihirapan niyang pag papatuloy sa pag kukwento. Kita ko pa ang pag tulo ng luha sa kaniyang walang emosyong mga mata.

"They took me by force. I shouted at the top of my lungs but nobody helped me. I kept on crying, begging my father to not let them take me but... He just stood there. Looking so helpless habang sapilitan akong kinukuha ng mga lalaking yun." Ang kaninang walang emosyon niyang mga mata ay napalitan ng galit. "Then there's a lady na nag patahimik sa akin. Sinabi niya na useless daw ang pag sigaw ko dahil wala naman daw maitutulong si Papa sa akin dahil siya mismo ang nag sabi sa kanila na kuhanin na ako. That my fucking Father sold me to them."

"Can you believe it? Sarili kong tatay ibenenta ako. Hahaha, that fucking asshole." She said and laughed sarcastically.

I understand her hatred towards her father. I feel the same too, kahit hindi ko Ama si Tito ay masakit padin na kaya niya akong ibenta matapos ng lahat ng ginawa ko para sa kanila.

"Pinag pasapasahan ako sa bar. Pinilit na pinapasayaw for men's entertainment kahit na ayaw ko. Hell, they even forced me to... t-to.. have s-sex with them." Tumigil siya sa pag sasalita at kinagat ng madiin ang labi niya habang patuloy ang pag bagsak ng luha sa kaniya mga mata.

Pumatak na din ang luha sa aking mga mata. Hindi ko inaakala na ganito pala ang pinag daanan niya. She hides it so well. Kung titingnan mo siya ay parang wala siyang problema, laging nakangiti at masaya pero sa likod ng mga ngiti niya ay may napaka samang pangyayari pala.

Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Isinantabi ko ang galit na nararamdaman ko sa kaniya. "Sshh... you don't need to continue kung hindi mo na kaya. It's okay.."

Pinunasan niya ang luha niya bago umiling iling na parang sinasabi na gusto niya pading mag patuloy kaya hinayaan ko siya. After all, she needs to let it all out. Sobrang tagal niya siguro itong kinimkim at sinolo ang sakit ng mag isa.

"Isang taon din akong nag dusa sa empyernong yun hanggang sa dumating siya..." Tumigil siya at ngumiti, a genuine smile. "She came and saved me."

Gusto ko mang itanong kung sino pero mas pinili ko nalang na itikom ang bibig ko. "Tinulungan niya akong makabangong muli. Binihisan, pinag patuloy sa pag aaral at kinupkop. She's like an angel that God sent from above. Utang ko sa kaniya ang buhay ko kaya lahat ng gusto niya ay sinusunod ko. "

"She's a kind woman... believe me or not but Kyline is really an angel." Miss Honey said with a sad smile. Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam kung anong isasagot ko. I don't know if I'll agree or not dahil mag kaiba atang Kyline ang nakilala namin. Alam ko naman na mabait nga si Kyline nung hindi pa siya sinapian ng demonyo but still, I don't know if I'll agrre or not.

"But, she changed..." Saad ni Miss Honey kaya napatingin ako sa kaniya. "When her family fell apart. Her mother died and she's never been the same after that. She became cold, sadistic, and heartless. She doesn't care if she hurt someone and I guess.. that includes the person she loves."

"May mga bagay siyang pinapagawa sa akin na alam kong masasama. Isa na dun ang pag mamanman ko sa inyo. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang malaman ang lahat ng ginagawa niyo pero sinunod ko padin ang inuutos niya." Napakunot ang noo ko habang gulat na napatingin sa kaniya.

Tumango tango si Miss Honey sa akin na para bang nababasa niya ang katanungan sa isip ko. "Yes, siya ang nag papamanman sa inyo at hindi si Naomi."

"Pero... bakit alam ni Naomi ang lahat ng tungkol sa amin kung hindi siya? How did she know all of those things? Sinabi ba sa kaniya ni Kyline? May ugnayan ba silang dalawa?" Sunod sunod kong tanong.

Umiling iling naman siya habang malalim ang iniisip. "None that I know of. I mean, nakikita ko silang mag kasama before, lalo na kapag nasa opisina si Kyline. I think thet're friends or co-workers."

So Naomi knew Kyline all along? Alam ba niya na ex ko si Kyine? Or wala siyang alam na mag kilala kami and it's just a coincidence?

Tinitigan ko ng mabuti si Miss Honey kung nag sasabi ba siya ng totoo pero kalmado lang siya kaya napabuntong hininga ako. "So you knew Naomi before the two of you met sa harapan ng apartment ko that time?"

"No. Like I said, nakikita ko lang siya sa opisina ni Kyline kapag nag hahatid ako ng reports or kaya kapag pinapatawag niya ako pero never kaming nag kausap or kung ano man. Kaya nga medyo nagulat ako nung makita ko kayong mag kasama." Sagot niya sa akin.

I bit my lips. So may kung ano nga silang ugnayan dalawa at yun ang kailangan kong alamin dahil alam kong masasagot nun ang katanungan ko kung paano nalaman ni Naomi ang tungkol sa amin.

"Nung nag pakilala ka sa akin at nakipag kaibigan, inutos lang din ba ni Kyline yun?" Pag tatanong ko ulit.

She nods at me. "Hmm.. she did. Gusto niya akong mapalapit sayo."

So all this time nakamasid lang si Kyline sa amin? Kahit na bigla siyang nag laho na parang bula noon?

"Bakit gusto ka niyang mapalapit sa akin?"

"She wants you to trust me. Gusto niyang makuha ko ang loob mo." Sagot niya na nag pakunot ng noo ko.

"Hmm... is your warning to not trust anyone part of that too?"

Agad naman siyang umiling iling sa akin. "No, of course not. It's not part of it. I ahm... I have feelings for you, Yves. I care about you kaya kita pinag ingat noon sa mga nakakasalamuha mo. Maniwala ka man or hindi."

"Who is she then? Who are you referring to when you said it?"

Napaisip siya sandali bago sumagot. "I'm referring to Kyline. I know that she's up to something kaya gusto niyang makuha ko ang loob mo and I'm right. Thankfully that her plan didn't go the way she wanted, that's why may inutos nanaman siya sa akin and she knew damn well na hindi ko matatanggihan. I should've listened to Naomi."

"Anong ibig mong sabihin na sana nakinig ka nalang kay Naomi? At anong inuutos nanaman niya sayo na hindi mo pwedeng hindi gawin? Ibig sabihin ba may kinalaman si Naomi sa mga nangyayari?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya.

"No, no. Walang kinalaman si Naomi sa mga nangyayari. Pero she knew something too. I don't know what it is pero I'm sure na she's doing it for you and Yuan. She's a good woman kahit na hindi kami mag kasundo, she gave me money para makapag simula ng panibagong buhay pero hindi ko tinanggap. She even offered to help me get my daughter back kapalit ng pag bibigay ko ng pekeng impormasyon kay Kyline tungkol sayo but I refused. Sinabi ko sa kaniya na sapat ng kabayaran ang malaman mo ang katotohanan." Nagulat ako sa isinagot niya.

The note... Ayon yung nakasulat sa note na nabasa ko. So kay Miss Cleomonte nga galing ang bag na yun? All this time tama nga ako. Pero bakit nila kailangan pag pasapasahan yung bag? Bakit hindi naman nilang ibinigay ng diretso kay Miss Honey? At anong katotohan talaga ang kailangan kong malaman?

Pero teka...

"What do you mean to get your daughter back? You have a daughter and Naomi knew about it?" Ayan ang unang tanong na lumabas sa bibig ko pag katapos niyang ilatag ang mga bagong impormasyon na yun sa akin.

Tila hindi pa ma proseso ng utak ko ang lahat. Fuck, this is a lot to take in.

Ngumiti naman siya ng mapait. "Yes... I have. But she's not with me. As what I said kanina, I need to do want Kyline wants kapalit ng kalayaan ng anak ko."

"What truth are you talking about na kailangan kong malaman?"

Napataas ang kilay niya. "Naomi haven't told you yet?"

Hindi ako sumagot at tumango lang sa kaniya.

"I'm sorry Yves pero hindi ko pwedeng sabihin sayo. I just found out about this recently too but like I said, hindi ko pwedeng sabihin sayo. Wala ako sa posisyon na sabihin sayo ang nalalaman ko at mas nakakabuti siguro kung sa kaniya mo mismo maririnig ang kasagutan sa tanong mo. I'm sorry." Sagot niya at nginitian ako ng malungkot kaya napabuntong hininga ako.

"You don't have to say sorry. I understand you, sa tingin ko nga ay mas gugustohin ko ding malaman sa kaniya mismo." Sagot ko nalang din kahit na kinakabahan na ako sa maaaring sabihin ni Naomi kapag tinanong ko siya.

Naomi and I definitely need to talk pag kabalik na pag kabalik niya.

I sigh once again at tumingin sa kaniya.

"Where is your daughter? At anong kailangan mong gawin para makuha siya?" I curiously asked her. Gusto kong malaman kung anong kailangan niyang gawin para makuha niya ang anak niya. Baka makatulong ako. After all she's been through, she deserves to be happy too.

"Remember when I said na sinusunod ko padin ang utos ni Kyline kahit na ayaw ko?" Tumango tango naman ako sa kaniya bilang sagot. "Well, hindi lang naman para kay Kyline ang pag mamanman ko sa inyo noon. I get to see my daughter too. Hindi ko man siya nakasama atleast nasubaybayan ko ang pag laki niya."

Nalinawan ako kung bakit hindi na siya nag tanong kay Kyline kung anong rason ng pag uutos nitong pamanmanan kami dahil nakikita niya ang anak niya kapag nag mamanman siya sa amin pero nagulohan din ako sa isinagot niya about sa anak niya. Malapit lang ba sa amin ang anak niya? Kapit bahay or nasa kakilala namin? Pero wala naman akong kakilala na may anak na babae kundi si Tita Minerva.

Natigilan ako ng unti unti kong mapag tagpi tagpi ang mga sinasabi niya..

Oh my God.

"She's your daughter? Julie is your daughter?" Gulat kong tanong sa kaniya. Mahina siyang natawa bago tumango tango.

"Yeah.. Julie is my daughter though her real name is Julianna." Hindi ako makapaniwalang napatingin lang sa kaniya.

"Can I ask you something?"

"Sure... go ahead. I basically told you my life so, you don't need to ask for permission." Sagot niya sa akin at ininom amg alak sa baso niyang kanina niya pa hawak.

"Where is her father?"

Kita kong natigilan siya sa itinanong ko at huminga ng malalim bago ako walang emosyon na tiningnan.

"He's dead. Kyline killed him." I gasp in shock at what I heard.

"What the fuck!? And you let her? Hindi ka man lang nag sumbong sa pulis?" Hindi makapaniwala kong tanong. She shook her head. "Of course not but, I don't have a choice. I tried to tell the police but they didn't believe me. Malinis ang pag kakapatay ni Kyline na hindi talaga makikitaan ng kahit anong ebidensya na siya ang may gawa. Perks of having a lot of money, they can get away from anything.. and besides, hawak niya ang buhay ng anak ko."

Lalong lumala ang pag kamuhi ko kay Kyline. How can she easily killed someone ng ganun ganun lang? Ganun na ba siya ka walang konsensya? Kaya ba madali lang din para sa kaniya na patayin si Mama noon kahit na itinuring naman siyang anak ni Mama? At pati bata ay hindi niya pinalampas. Ganun na ba talaga siya ka walang puso?

Napainom tuloy ako ng alak ng wala sa oras dahil sa aking mga nalaman. "I'm sorry for asking and I'm sorry for your loss too. But.. ahm, why did Kyline killed your husband?"

"He's not my husband. Nag paplano palang kaming mag pakasal noon. He wants me to stop working for Kyline, gusto niyang mag focus lang ako sa bata sa sinapupunan ko and I agreed. Kinausap ko si Kyline noon at sinabi ko sa kaniya na hindi na ako mag tatrabaho sa kaniya dahil buntis ako at gusto ko munang mag pahinga para sa kapakanan ng bata. Pumayag siya kaya akala ko ay ayos lang talaga sa kaniya, she even offered to drive me home that night pero laking gulat ko ng pag uwi ko ay andun ang mga tauhan niya." Walang emosyon niyang pag kukwento.

"Of course I asked her kung anong meron, kung bakit andun ang mga tauhan niya sa bahay namin. She just laughed at me and told me na hindi ako pwedeng tumigil sa pag tatrabaho sa kaniya. Then she pointed a gun at Ranz's head. Tandang tanada ko pa ang sinabi niya noong araw na yun." Tumigil siya para huminga ng malalim. Kita ko ang pamumuo nanaman ng luha sa kaniyang mga mata.

"She said...'Having a family is a distraction in life, lolokohin ka lang din naman niya katulad ng ginagawa ng lahat ng lalaki sa mundo. He will leave you and your child kaya I'm doing you a favor. This asshole or that baby inside your womb. Choose.' And then she pointed the gun at my belly." Tumulo na ang luha sa kaniyag mga mata.

"I didn't know what to do that time. Tila napako ako sa kinatatayuan ko at nablanko ang utak ko. The next I knew Ranz's body fell down to the floor with his blood flowing through the white tiles of our house. He sacrificed himself for the sake of his daughter." Madiin niyang pinunasan ang luha sa kaniyang mata at tiningnan ako ng seryoso.

"And the funny part is, she's doing it again." Dagdag niya na siyang ipinag taka ko.

"What do you mean?"

Nag iwas siya ng tingin kasabay ng sunod sunod na pag patak ng luha sa kaniyang mata.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng ilapag niya ang baril sa may lamesa. Nanlalaki ang aking mata na napatingin sa kaniya at sa baril na nasa harapan niya.

"She's making me choose again. Between my daughter and the woman I have grown to love."



*************

Bang bang! The end.......

Wahahahahahahaha dejoke lang, baka patayin niyo naman ako. Putek ang haba niyan ang sakit sa ulo mag type hahahahaha pero dahil lab ko kayo kahit hindi niyo ako lab kaya ayarn naaaa. Enjoy reading and please, don't kill me guys. Lots of love, mwah!

P.s : Makikipag bebetime na po ako dahil mapapatay na ako ng isa diyan kaya wag niyo na akong awayin. Hindi ko na daw siya lab wahahahaha. Abnoy, okay byeeee hihihihi.

P.s.s : Sorry dahil ngayon lang naka pag Ud kahit nung isang araw pa dapat. Busy ako sa pag landi at minecraft hehe. Okay bye na juuuud!

Continue Reading

You'll Also Like

875K 34K 30
~ COMPLETED ~ Side story 3 of Sweet Surrender 🦋 Started: February 2022 Ended: October 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2022 ****UNEDITED****
5K 180 31
Love Wins Series #2: Symon Gale Valera is a bisexual. Anya Kazumi Fontanilla wants him to be her boyfriend. For her, he is her Mr. Right. But they sa...
1.4M 45.8K 40
LANGUAGE: TAGALOG-ENGLISH Bridgette, who is running for the position of Congresswoman met Chelsea, the daughter of the gubernatorial candidate of the...
1.3M 37.5K 53
Eastwood University Series #1: Adira Fayre Tuazon Graduate and get a degree. That's what Adira plans as she is in her 1st year as a college...