ABKD Mahal Kita

By DianeJeremiah

290K 22.3K 9.4K

Puppy love? True love? Paghanga only? Haist ang hirap naman ng ganito. Di ko tuloy maintindihan ang nararamda... More

Introduction
Chapter 1 Ang Gusgusing Dalagita
Chapter 2 First Crush
Chapter 3 May Gatas pa sa Labi
Chapter 4 'Crush Back'
Chapter 5 Multiply
Chapter 6 Bakit Di Pwede?
Chapter 7 Katorse
Chapter 8 Madayang Tadhana
Chapter 9 TOTGA
Chapter 10 Dancin' Away With My Heart
Chapter 11 Pendulum
Chapter 12 Joyride (Part 1)
Chapter 13 Joyride (Part 2)
Chapter 14 Happy Heart's Day
Chapter 15 Sleepover
Chapter 16 Heart of a Dragon
Chapter 17 Silly Games
Chapter 18 Make or Break
Chapter 19 Her Eighteenth Birthday
Chapter 20 Is this the End of Us?
Chapter 21 Some Things
Chapter 22 As Long As...
Chapter 23 ABKD Mahal Kita
Chapter 25 Heart to Heart
Chapter 26 All Too Well
Chapter 27 Dito Ka Lang
Chapter 28 In Your Eyes
Chapter 29 Next Level
Chapter 30 Amame Tiernamente
Chapter 31 Love Language
Chapter 32 Differences
Chapter 33 A Busy Day
Chapter 34 I'm Here
Chapter 35 Love Lots
Chapter 36 All For Love
Chapter 37 Gets Mo Rin Ba?
Chapter 38 Don't Leave
Chapter 39 Her Baby
Chapter 40 The Wild Side of Her
Chapter 41 Thirty-Six
Chapter 42 Her Birthday Gift
Chapter 43 Nunca Me Dejes, Mi Amor
Chapter 44 Wake Up, Wake Up
Chapter 45 Begin Again
Chapter 46 There's Only You & Me
Chapter 47 Love Makes You Crazy
Chapter 48 Tidbits of Memories
Chapter 49 You Kiss Her, You Kiss Me
Chapter 50 Hate That I Love You
Chapter 51 Tenme Por Siempre
Chapter 52 On Your Knees
Final Chapter
Erich and Angie

Chapter 24 Kumpas

4.9K 436 197
By DianeJeremiah

"Ikaw 'yung kumpas no'ng naliligaw. Naging kulay ka sa langit na bughaw. Sa bawat bagyo na dumayo, ikaw 'yung kanlungan na nahanap ko. Kahit no'ng 'di ko alam ilang beses mo akong niligtas. Ikaw ang hantungan at aking wakas." -Kumpas, Moira


Erich POV


"I have classes this afternoon." Caleb says.

Napatingin ako sa digital clock sa bedside table ko. It's 6:20 in the evening, so 11:20 in the morning naman nila doon sa London.

"Mona's still sleeping, I don't want to wake her up 'cause you know her when she's pissed." He rolled his eyes and then laugh.

Kausap ko siya ngayon through Facetime. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga sentiments niya na ang tamad-tamad ng kapatid niyang si Mona tapos kapag inuutusan magagalit pa. Nakapagtapos naman ng college pero ayaw magtrabaho. Mag-isa daw tuloy siyang kumakayod. Buti na lang daw at malaki-laki ang insurance na iniwan sa kanila ng papa niya.

Hindi sasakto ang salitang guwapo lang kay Caleb. Kung pakakatitigan, marami pa siyang patataubing artista dito sa Pilipinas. Matangkad, lean at maputi. We were once married. Not because we were in love, but because the situation required us to do it.

He's gay. And his father didn't know that. Nag-iisa lang siyang anak na lalaking, may sakit pa ang tatay niya noon. Hiniling ng daddy niya na kung pupwede ikasal na siya habang nabubuhay pa ito, at para masaksihan ang kasal ng nag-iisa niyang anak na lalake. Caleb couldn't find the courage to tell his dad about his sexuality. He was scared that his confession might lead to his father's untimely death or it may worsen his condition.

He's left nothing but to convince me to marry him and promised that we will divorce once his father died. At dahil best friend ko siya, ayoko siyang nakikitang nahihirapan kaya pumayag ako. Not knowing na magkakaroon pala ito ng conflict sa part ko...

"Urgh! I feel exhausted!" He exclaimed.

"I'm sorry." I feel his sentiments. Naranasan ko na rin kasing tumira sa kanila. Noong buhay pa ang daddy niya. "If only I could do something..."

Napangiti siya sa narinig. "You're always there each time or whenever I need someone to talk to. That's enough for me."

Napabuntong-hininga ako. "I hope your mom is okay now that your schedule isn't tight anymore."

"Yeah, yeah, she's fine with it." He replied. "Enough about me, how about you love? Are you okay? You seem a little bit... off."

'Are you okay' always hits me differently. I don't know, because when you think of it, and realized that you're not really okay. That there's something... missing.

"I am!" Parang sa sarili ko ito mas sinasabi. "I'm okay."

"Hmm." He looks at me dubiously. "The eyes chico, they never lie."

"She's back." I breathe the word out.

"Oh!" His lips formed a perfect O shape. Alam niya kung sino ang tinutukoy ko. "Isn't that what you've always wanted? To see her again? And maybe patch things up?"

Bumalik sa isip ko ang naging pagkikita namin kahapon ni Angie. Hindi ko inaakala na nandoon pala siya. Alam ko na nandito na siya sa Matalinhaga, sinabi ni Lino. Pero... parang bumalik 'yong sakit?

Inaamin ko naman na malaki ang pagkakamali ko sa nangyari. Ako 'yong adult, plus her teacher too! I was supposed to be her second mom or sister... but - haist!

Noong nangyari 'yon... sobra akong naapektuhan pero itinago ko lang ito kay mama. Ang alam nila nag-resign ako ng kusa sa school but no. Kinausap ng papa ni Angie noon ang School Principal. Hiningi naman ni Mrs. Manzano noon ang side ko. Tinanong niya kung may katotohanan ba ang lahat ng sinabi ng papa ni Angie kaya siya ililipat ng school. I told her the truth. In-advice niya sa akin na mag-file na lang ng resignation kaysa mapilitan ang school na tanggalin ako. I broke the code of conduct. Kahit pa sabihin na wala naman talagang namagitan sa amin ni Angie, sexually, pero 'yong kinonsenti ko at ginatungan, kahit saang anggulo tignan ay hindi maganda at hindi nararapat. Ang ipinagpapasalamat ko na lang siguro that time ay nataong on process na ang divorce namin ni Caleb. At least hindi nila 'yon magagamit laban sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako noon ulit magsisimula. Buti nga nandiyan si Caleb, ang pamilya ko. One time, depressed na depressed ako naisipan ko na lang magsulat. Kaya naisulat ko ang una kong libro. Nagpapasalamat ako na nagustuhan ito ng isang printing company. Nagtuloy-tuloy na hanggang sa makatatlo na akong makapag-published ng books. Ang pagsusulat ang naging safe haven ko during those times.

"Hey, earth to Munich!" Pukaw ni Caleb sa atensyon ko. Siya lang ang tumatawag sa akin ng Munich.

"I'm sorry, what were you saying?" Balik ko.

He gave out a heavy sigh. "How's your fourth book?" Pag-iiba niya ng tanong na ikinatuwa ko.

I rolled my eyes. "On process."

Hindi na rin kami nagtagal nagkausap ni Caleb dahil kailangan na niyang maghanda para sa pagpasok sa university.

Lumabas ako ng kuwarto pagkatapos para maghanda ng hapunan. Nakasalubong ko si Lino nang paakyat ito ng hagdan.

"Hi." Bati ko sa kanya. "Exhausting day?" Puna ko.

Napabuntong-hininga siya. "Yup." Mukha ngang pagod na pagod siya.

"Sige na, magpahinga ka muna." Sabi ko. "Tatawagin na lang kita pag kakain na." At nagtuloy na sa pagbaba.

"Ate." Tawag niya ng malapit na akong makababa ng hagdanan. Tumigil ako para tignan siya. "Nagkita na pala kayo ni Angie?"

Hindi iyon tanong kundi mas ang nagkukumpirma. "So nasabi na pala niya sayo."

"Ate, mas maganda siguro kung mag-usap kayo -"

"Lino." Maagap kong putol sa sinasabi niya tsaka siya makahulugang tinitigan.

"Fine!" Napatirik ang kanyang mga mata. "Kung galit ka sa kanya, okay naiintindihan ko. Pero ate," Exasperated na saad niya. "She needs help." Napakunot-noo ako. "She needs our help." Pagbibigay diin niya.

"Nandiyan ka naman para tulungan siya." Napahalukipkip ako.

"Hindi ko alam na ganyan na pala kasama ngayon ang puso mo." Pangongonsensya niya na ikinairap ko. "Nagtatanong kasi siya kung pwede natin siyang tulungang maglinis sa bahay nila."

"E di mag-hire siya ng maglilinis!"

"Ate naman!" Bulalas niya. "Tutulong lang maglinis. Then pagkatapos saka ka na lang ulit magalit sa kanya."

"Huh?" Naguguluhang nagbaling ako ng tingin sa kanya.

"Para naman kayong walang pinagsamahan niyan." Patuloy niya. "Tutulungan lang natin 'yong tao na maglinis hindi ko naman sinabing patawarin mo agad siya. Kung galit ka, huwag mong hayaang apektuhan niyan ang pagiging makatao mo." Mahabang litanya niya.

Napakunot-noo ako sa mga sinasabi niya.

"Di ba nga ang sabi ni Darna," Napa-eye roll ako ng marinig ito, silently saying 'heto na naman po tayo'. "Ang pinakamalaking kasalanan ay 'yong may kakayahan kang tumulong pero hindi mo ginawa."

Napailing-iling ako. Hindi ko na tuloy siya naiintindihan minsan. Epekto yata ng mga gamot na iniinom niya!

"Tsaka sinabi ko na sa kanya na tutulungan natin siyang maglinis sa Sabado." Patuloy niya.

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. "Then ba't mo pa ako tinatanong kung nakapagdesisyon ka na pala?!"

"Tinatanong ba kita?" Kunwari pa ito. "Sinasabi ko lang sayo 'no." Tsaka tumalikod na. "Tawagin mo na lang ako pag kakain na tayo, ate!"

"Lino!" Tawag ko.

"Pauline, ate! Pauline!" Inis niyang sagot. "Ilang beses ko bang sasabihin, Pauline! Argh! Nakakaloka!" Tsaka pumasok na sa kanyang kuwarto.

Napapailing-iling na nagtungo na lang ako ng kusina.

Kinabukasan ay maaga akong gumising for my morning run. Kahit gaano pa siguro ka-busy ang araw ko, 'yong routine ko every morning needs to be there. Para bang nabe-beast mode ako pag hindi ko nagawa.

Bumagal ang takbo ko ng mapansin ang matangkad na pigura ng babaeng abalang nag-istretching sa may parke. Bigla akong nagdalawang-isip kung tutuloy pa ba ako ng parke o hindi na. Pinili ko 'yong huli. Pero huli na nga dahil nakita na niya ako.

"Erich!" Tawag niya habang papalapit na sa akin.

Naalala ko 'yong usapan naman ni Lino kagabi. Napapikit ako at napabuga ng hangin. Damn it, Lino! Napakagaling mangonsensya!

Kaya naman imbes na ipagpatuloy ko ang pag-iwas sa kanya ay tumigil ako at seryoso ang mukhang hinarap siya.

Ang laki ng ipinagbago niya. Sa pangangatawan, sa pananamit, sa hairstyle... sa tindig. She's finally out of the closet. She's all mature and... confident!

"What do you want?" Nakahalukipkip kong tanong.

"Ikaw." Napataas ang kilay ko sa isinagot niya. "I mean, makausap ka."

Oh, those puppy eyes! I hate it! Kaya nag-iwas ako ng tingin. May mangilan-ngilan na kaming kasama sa park.

"Sorry nga pala tungkol do'n sa nangyari noong isang araw." Hingi niya ng paumanhin.

Hindi ako kumikibo.

"Uhm," Parang bigla siyang natorpe. "P-pwede ba kitang ayaing magkape?" Tsaka napakamot ito sa kilay.

"Marami kaming kape sa bahay." Seryosong sagot ko.

Napangiwi siya. "E kumain sa labas?" Tanong niya. "Don't worry, ako ang magbabayad."

If only we're on a different situation, natawa na ako sa sinabi niya. Naalala pa pala niya noong nagpasama ako sa kanyang bumili ng gift ni Lino. Ang sabi niya, kapag may trabaho na siya ililibre niya ako. Kung noon 'yon siguro, matutuwa ako. Pero iba ang sitwasyon namin ngayon.

Don't get me wrong. Proud ako sa kanya, sa kung ano man ang narating niya. Lalo na't naabot niya ang pangarap niyang maging isang Architect. Pero iba na kasi... marami ng nagbago... maraming nasaktan.

"I'm on a diet." Seryoso pa rin ang mukhang sagot ko.

Napangiwi siya ulit. "Pwedeng ako na lang ang makikikain?" Masungit akong napatingin sa kanya. "Look," Bahagya siyang lumapit sa akin. "I'm sorry." Sincere niyang sabi. "Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako. Just tell me what you want me to do." Nakikiusap maging ang kanyang mga mata. "Please?"

Marahas akong napabuntong-hininga. "I don't know, Angie." Sagot ko. "I don't know how to forgive you."

Nalungkot siya sa narinig. Tatalikuran ko na lang sana siya nang maalala 'yong sinabi ni Lino.

"Nasabi pala ni Lino na kailangan mo ng tulong sa bahay niyo?" Malungkot siyang napatango. "Pakibigay mo na lang 'yong susi, titignan ko kung anong pwedeng gawin para bukas."

"Ha?" Hindi yata siya nakasunod sa sinabi ko.

"Ang sabi ko, pakibigay na lang sa akin 'yong susi ng bahay niyo. Tignan ko mamaya pag wala ka na doon, kung anong pwedeng gawin para bukas!" Pag-uulit ko ng may emphasis sa 'wala na siya' sa bahay nila.

Walang tanong-tanong na hinugot niya ang susi mula sa kanyang bulsa. Kinuha niya ang duplicate nito bago ibinigay sa akin.

"Sige." Tsaka tumalikod na.

"Erich, sandali!" Muli na naman niyang tawag pero hindi ko na pinansin. "Sandali lang!"

Lihim akong napa-eye roll ng makasabay na siya sa paglalakad ko pabalik.

"Hindi mo pa ako sinasagot." Kunot-noo akong napasulyap sa kanya. "Kung pwedeng makikain sa inyo ngayong umaga?"

Kagaya rin siya ni Lino. Makulit! Magbest-friend nga talaga sila.

"Bahala ka." Ang tanging isinagot ko na lang sa kanya.

Hindi nga siya nagbibiro, nakikain nga siya sa bahay. Tulog pa si mama kaya hindi na namin ginising. At para hindi rin niya muna makita si Angie. Baka magkagulo pa.

Hindi natuloy ang pagche-check ko sana sa bahay nina Angie ng araw na iyon dahil biglang tumawag ang Editor ko. Pupunta daw ngayon ang kapatid niya dito sa bahay para ibigay 'yong manuscript. Hindi raw siya personally makakapunta dahil may sakit siya. Kailangan ko na daw matapos 'yong edited copy para mai-publish na. Ewan ko ba sa kanya, mas atat pa yata siyang mag-publish kaysa sa akin.

I'll deal with Angie later, uunahin ko muna ang dapat kong unahin. Besides, mukhang hindi naman siya agad aalis. Parang magtatagal pa siya dito. Is that a good thing? Well, I don't know. Only God knows...



-Unedited.

Continue Reading

You'll Also Like

415K 14.8K 44
Syden Amaryllis only dreamed of three things in life: to find her parents, to have her own complete family and to be a doctor. Nabuhay ang pag-asa ni...
82.8K 6.1K 52
No One Wants To Feel Like A Dirty Little Secret Yeah right! I'm already out but why am I still hiding in a closet? Ah yeah, coz I'm in love with a co...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
174K 5.4K 24
Iris Layne Payne - 2nd daughter of Reynaldo Payne. Responsableng anak, kagaya niya ng Ate Demi niya. Siya naman ang inaasahan ng mommy niya na mamam...