Path of a Lost Flower

By Ms_CoffeeBean

68K 3.8K 1.4K

Si Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang k... More

Umpisa
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ika-tatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ika-labing Isang Kabanata
Ika-labing dalawang Kabanata
Ika-labing tatlong Kabanata
Ika-labing apat na Kabanata
Ika-labing limang Kabanata
Ika-labing anim na Kabanata
Ika-labing Pitong Kabanata
Ika-labing Walong Kabanata
Ika-labing Siyam na Kabanata
Ika-Dalawampung Kabanata
Ika-Dalawampu't Isang Kabanata
Ika-Dalawampu't dalawang Kabanata
Ika-Dalawampu't tatlong Kabanata
Ika-Dalawampu't apat na Kabanata
Ika-Dalawampu't limang Kabanata
Ika-Dalawampu't anim na Kabanata
Ika-Dalawampu't pitong Kabanata
Ika-Dalawampu't walong Kabanata
Ika-Dalawampu't siyam na Kabanata
Ika-tatlumpung Kabanata
Ika-Tatlumpu't Isang Kabanata
Ika-Tatlumpu't dalawang Kabanata
Ika-Tatlumpu't tatlong Kabanata
Ika-tatlumpu't apat na Kabanata
Ika-tatlumpu't limang Kabanata
Ika-tatlumpu't anim na Kabanata
Ika-tatlumpu't pitong Kabanata
Ika-tatlumpu't walong Kabanata
Ika-tatlumpu't siyam na Kabanata
Ika-apatnapung Kabanata
Ika-apatnapu't isang Kabanata
Ika-apatnapu't dalawang Kabanata
Ika-apatnapu't tatlong Kabanata
Ika-apatnapu't apat na Kabanata
Ika-apatnapu't limang Kabanata
Ika-apatnapu't anim na Kabanata
Ika-apatnapu't pitong Kabanata
Ika-apatnapu't walong Kabanata
Ika-apatnapu't siyam na Kabanata
Ika-limampung Kabanata
Ika-limampu't isang Kabanata
Ika-limampu't dalawang Kabanata
Ika-limampu't tatlong Kabanata
Ika-limampu't apat Kabanata
Ika-limampu't limang Kabanata
Ika-limampu't anim na Kabanata
Ika-limampu't pitong Kabanata
Ika-limampu't walong Kabanata
Ika-limampu't siyam na Kabanata
Ika-animnapung Kabanata
Ika-animnapu't isang Kabanata
Ika-animnapu't dalawang Kabanata
Ika-animnapu't tatlong Kabanata
Ika-animnapu't apat na Kabanata
Ika-animnapu't limang Kabanata
Ika-animnapu't anim na Kabanata
Ika-animnapu't pitong Kabanata
Ika-animnapu't pitong Kabanata
Ika-animnapu't walong Kabanata
Ika-animnapu't siyam na Kabanata
Ika-pitumpung Kabanata
Ika-pitumpu't isang Kabanata
Ika-pitumpu't dalawang Kabanata
Ika-pitumpu't tatlong Kabanata
Ika-pitumpu't apat na Kabanata
Ika-pitumpu't limang Kabanata
Ika-pitumpu't anim na Kabanata
Ika-pitumpu't pitong Kabanata
Ika-pitumpu't walong Kabanata
Ika-pitumpu't siyam na Kabanata
Ika-walumpung Kabanata
Ika-walumpu't isang Kabanata
Ika-walumpu't dalawang Kabanata
Ika-walumpu't tatlong Kabanata
Ika-walumpu't apat na Kabanata
Ika-walumpu't limang Kabanata
Ika-walumpu't anim na Kabanata
Ika-walumpu't pitong Kabanata
Ika-walumpu't walong Kabanata
Ika-walumpo't siyam na Kabanata
Ika-siyamnapung Kabanata
Ika-siyamnapu't isang Kabanata
Ika-siyamnapu't dalawang Kabanata
Ika-siyamnapu't tatlong Kabanata
Ika-siyamnapu't apat na Kabanata
Ika-siyamnapu't limang Kabanata
EPILOGUE
PLUG PLUG PLUG!!!

Ikasampung Kabanata

656 33 12
By Ms_CoffeeBean

Months passed

Ganun parin naman ang gawi ko sa araw-araw, may nabago lang ng unti dahil may mga bagong tao ang dumating sa buhay ko.

Rumaraket parin ako kung maraming free time at palagi ko paring kausap si Ma'am Perez sa phone. Tuwing sabado naman ay maaga akong pinagdedeliver ni Mang Jose at pagkatapos nun ay dumidiretso ako sa bahay nila Ms. Irene

Mas naging malapit kami sa isa't isa ni Ms, umabot na sa puntong minsan sa bahay nila ako natutulog. Minsan rin ay sumasamang magsleepover ang ate niya na si Ma'am Imee.

Masaya naman ang naging buhay ko this past few months, may mga hindi lang inaasahan na pagkakataon na nalulungkot dahil sa personal na dahilan pero agad ding napapawi tuwing kasama ko sila Ms Irene, odikaya sila Ma'am Yen o Ma'am Roda.

"Okay Class Any Questions?" Wika ni Ms nang matapos niyang idiscuss ang lesson namin.

Agad na umiling at sumagot ng 'wala na' ang nga kaklase ko.

"Okay, I'll dismiss you early at mukhang nakinig naman kayo ng mabuti. Since walang pasok bukas, magkakaroon tayo ng Quiz on Friday. Okay ba yun?"

"Yes po Ms" sagot namin.

Ang ilan sa mga kaklase ko ay lumabas na ng silid at ang iba naman ay nag aayos pa ng gamit.

"San lakad mo bukas? Walang pasok, sama ka samin nila Mommy papasyal ng tagaytay" aya sakin ni Jenny

"May gala ako Jen, next time nalang"

"Saan?"

"Sa Orphanage, tinawagan kasi ako ni Sister Zam nagtatanong kung kailan ako bibisita sakanila"

"Sayang naman, pero sige next time nalang"

Kinuha na namin ang bag namin para lumabas ng silid pero tinawag kami ni Ms. Irene

"Are you both free tomorrow?"

Sabay kaming umiling ni Jenny kaya napakunot ang noo ni Ms.

"Where are you both going?"

"Tagaytay po ako Ms, sinasama ko nga itong si Lily eh may sariling lakad pala"

"Oh, saan ang gala mo young lady?" Seryosong wika niya.

"Bibisita lang po ako sa pamilya ko bukas, miss na nila ako eh" sagot ko, natigilan siya ngunit tumango rin.

"Sayang I thought makakapagbonding tayo eh, magiingat kayo sa mga gala niyo ha?" Tumango naman kami at nagpaalam bago lumabas ng silid.

------

"Lily! Ang aga mo naman gumising, saan ang lakad mo?" Tanong ni Nanay Auring sa akin nang makita niya akong lumabas ng bahay.

Madilim pa sa labas dahil madaling araw palang, kailangan kong maging maaga dahil babiyahe pa ako papuntang bahay-ampunan.

"Dadalaw po ako sa orphanage Nay, tinawagan po kasi ako ni Sister Zam kaya bigla ko silang namiss" sagot ko.

"Mag-iingat ka hija, kailan ang balik mo?"

"Babalik rin po agad ako Nay dahil may pasok kami bukas" sagot ko tumango naman siya

"Osigee magiingat ka hija" wika niya kumaway naman ako at naglakad na paalis.

Wala pang gaanong tao sa mga kalsada dahil madaling araw palang, nagtricyle ako hanggang terminal at agad sumakay ng bus.

Mahigit dalawang oras rin ang naging biyahe ko bago makarating sa harapan ng orphanage.

Huminto muna ako at tinignan ang labas ng bahay ampunan. Matagal tagal na rin simula nung huli akong dumalaw rito, may ilang nabago at ang iba ay nanatili sa ayos.

"Lily? Hija ikaw na ba iyan?" Rinig kong wika sa may gilid, agad na nanlaki ang mata ko ng makita si Sister MaryAnn

"Sister! Ako nga ito si Lily, namiss kita" masayang wika ko at agad na lumapit sakanya para yakapin siya.

"Namiss ka rin namin hija, ang laki mo na. Nung huling kita ko sayo medyo maliit ka pa kasama mo pa si Ma'am Perez nun"

"Oo nga po Sister, pasensya na po at nabusy sa buhay. Marami po kasi akong raket kaya halos wala ng time dumalaw rito"

"Napakasipag mo talaga, salamat sa tulong na ipinapadala mo sa amin lagi Lily. Napakalaking tulong iyon para sa pag aaral ng mga bata"

"Wala 'ho yun sister. Nasaan na nga po pala si Sister Zam? Tinawagan niya 'ho kasi ako kaya heto nandito ako baka magtampo iyon"

"Ay si Sister Zam? Andun sa kwarto niya at nagpapahinga"

"Nagpapahinga po? Nako Umagang umaga pinapagod agad ang sarili. Tara sister at puntahan natin" wika ko at diretsong naglakad patungo sa silid ni Sister Zam.

Mabuti naman at kahit matagal na akong di nakapunta rito ay memorize ko parin ang pasikot sikot sa lugar na ito.

"Lily? Hija? Ikaw ba yan?" Medyo nahihirapang wika ni Sister Zam nang makita niya akong pumasok sa silid niya.

"Oho sister, namiss kita. Kamusta po kayo rito?" Akmang lalapit ako sakanya pero pinigilan niya ako.

"Naku hija huwag kang lalapit at ako'y inuubo at masama ang pakiramdam ko"

"Naku naman si Sister, huwag mo po masyadong pinapagod ang sarili mo at hindi na ho tayo bata bata. Napapagod na ang ating mga tuhod" natawa naman siya.

"Ikaw nga yan Lily, namiss ko ang kakulitan mo anak" napangiti ako.

"Dito lang ho muna kayo at magpahinga para naman umayos ang pakiramdam niyo. Teka at ilulutuan ko kayo ng Sopas" wika ko at agad na dumiretso sa kusina.

Marami na akong nilutong Sopas dahil para na rin makakain ang mga bata. Saglit lang akong nagluto dahil tinulungan ako ni Manang Letty na tagaluto dito.

"Mga bata may bisita kayo" maligayang wika ni Sister MaryAnn

"Sino po?" Sabay sabay na tanong nila

Agad akong nagpakita sakanila at ngiting ngiti na kumaway.

"Ate Lily!"

"Ate!"

Natutuwang bati nila at agad na tumakbo para yakapin ako. May mga limang hindi gaanong lumapit at hindi rin familliar ang mukha, sa tingin ko'y bago sila rito.

"Kamusta na kayo? Namiss niyo ba ako? Ang lalaki niyo na ha. Very good ba kayo lagi dito?" Sunod sunod na tanong ko.

"Namiss ka namin ate, promise mabait kami kila Sister" sagot naman nila.

"Oh dali magsiupo na kayo at ihahain na ang niluto kong sopas para sianyo" wika ko sumunod naman sila

Nilapitan ko iyong mga batang sa tingin ko'y bago rito at nakipagkaibigan sakanila. Mababait naman sila kaya hindi ako nahirapan maging malapit sakanila.

Masaya akong pagmasdan ang mga batang nageenjoy sa pagkain na niluto ko. Namiss ko rin silang kasama at kakwentuhan. Sila parin yung mga batang naiwan rito na makulit, mababait at higit sa lahat sweet.

"Sister MaryAnn? Nasaan ho si Alena at bakit wala pa siya rito? Naku lalamig na ang pagkain, kahit kailan talaga babagal bagal ang babaeng iyon" wika ko. Nakita kong natigilan si Sister nang marinig ang tanong ko.

"Sister?"

"Lily mas lalong sumarap itong luto mo. Ito talaga ang namiss ko eh" wika niya at para bang hindi narinig ang tanong ko.

"Sister si Alena po asaan?" Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Nako Sister, samahan niyo ho ako at tawagin natin si Alena at si Mark. Wala parin po pala si Mark, Nako kung sino pa yung pinakamatanda rito sila pa yung nahuhuli" wika ko at pilit na iwinawaksi ang kabang nararamdaman.

"Lily kasi ano" aligagang wika ni Sister

"Ano po?"

"W-wala na kasi sila eh" mahinang wika niya pero sapat na iyon para marinig ko.  Yumuko si Sister at maya maya ay nakarinig ako ng hikbi.

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko dahil hindi ko naman alam ang nangyayari.

"Ano wala na Sister? Diba nung umalis ako naiwan sila rito? Nag-aral na din po ba sila? Sister saan sila nag aaral?" Umiling iling si Sister habang nagpupunas ng luha, hindi ko maipaliwanag pero tuloy tuloy na bumagsak ang mga luha ko sa di alam na dahilan.

"Hindi anak, W-wala na sila. Nasa itaas na sila ngayon at binabantayan tayo" mas lumakas ang iyak niya.

"Sister MaryAnn bakit ka umiiyak?" Rinig naming wika, Si Sister Zam pala iyon

"Sister Zam? Ano po itong sinasabi ni Sister MaryAnn na wala na sila Alena at Mark? Hindi po nakakatawa kung biro ito. Halina po kayo at tawagin na sila para makakain na"

"Lily" mahinang wika niua

"Nagsasabi ng totoo si Sister MaryAnn anak, wala na sila"

"Po? B-bakit po ano pong nangyari?"

"Sister naman di po nakakatawa, tara na po kasi. Miss ko na po sila, gusto ko na po silang makita. Asan na po sila?"

"Anak kumalma ka, maguusap tayo. ipapaliwanag namin, kumalma ka muna at baka mapano ka" wika nila at hinawakan ako.

Unti-unting ako nawalan ng lakas sa ideyang wala na yung mga kinakapatid ko.

------

"Gising ka na pala hija. heto nagluto ako ng paborito mong ulam na tinola, kumain ka muna habang mainit pa ito" bungad na wika ni Sister Mary Ann sa akin pagkapasok niya ng silid.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya.

Bigla namang nagsitulo ang mga luha sa mata ko.

"Lily anak tahan na, kumalma ka muna at mangyari nanaman ang nangyari sayo kanina" wika niya at yumakap sa akin.

FLASHBACK:

"Lily hija maupo ka muna"

"Sister Hindi" sabay iling ko habang umiiyak.

"Sister naman, sabihin niyo po sa aking nagbibiro lang kayo"

"Pasensya ka na hija" nagsisiiyakan na kami sa isang sulok

"K-kaya talaga kita tinawagan para ibalita sayo dahil hindi na kaya ng konsensya ko na itago sayo. Pero nung narinig ko ang bibo mong boses nawalan ako ng lakas ng loob dahil ayaw kong mapawi ito"

"Sister k-kailan pa po? Ano po bang nangyari?"

"Nitong nakaraang dalawang linggo hija, P-pasensya ka na balak naman talaga naming sabihin sayo pero hindi namin alam kung papaano. Nadamay sila sa aksidenteng nangyari nang may magbanggaan na sasakyan sa may bayan" umiiyak na wika nito. Napapikit nalang ako sa sakit dahil sa mga naririnig ko.

"Alena, Mark" mahinang banggit ko sa pangalan nila.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa hindi na ako makahinga kaya agad kinula nila Sister ang nebulizer at pinagamit sa akin, pagkatapos nun ay pinagpahinga muna nila ako hanggang sa nakatulog ako.

End of Flashback

"Sister saan ho sila nakalibing? Gusto ko po silang puntahan"

"Sasamahan ka namin anak" umiling naman ako

"Huwag na po Sister kailangan po kayo ng mga bata rito. Walang magbabantay sakanila. Kaya ko na po" wika ko tumango naman ito.

"Kumain ka muna para may lakas ka" wika niya kaya kumain naman na ako.

------

"Alena, Mark" banggit ko sa pangalan nila habang hinahawakan ang lapida kung saan nakaukit ang pangalan nila.

"Andaya niyo naman, B-bakit naman kayo umalis agad? I-iniwan niyo na ako" wika ko habang pinipigilan na hindi umiyak

"P-pasensya na kayo kung ngayon lang ako, k-kung wala akong alam sa pagkawala niyo"

"H-hindi niyo man lang nahintay na maging Abogado ako, o di kaya yung pangarap niyo sa akin ang Maging Politiko, paano niyo na ako makikitang baguhin ang kalakalan ng politika sa bansa? Paano na yan? Sino na ang kasama kong mangibang bansa, diba alena pangarap mong mapunta sa Disneyland at Japan? P-pasensya na kayo at hindi na matutupad yung mga pangarap ko sa ating tatlo eh paano andiyan na kayo sa taas, iniwan niyo na ako"

"Bantayan niyo kami palagi diyan sa itaas, pinapangako ko sainyo tutuparin ko yung mga pangarap natin. Isasama ko kayo sa bawat daan na tatahakin ko hanggang sa matupad lahat ng pangarap na binuo natin"

Habang kinakausap ko sila ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Wala akong pake kung nababasa ako, ayaw ko pang umalis. Gusto ko pang makasama at kausapin sila Alena at Mark.

Kailangan ko ng taong masasandalan ngayon pero sino? Eh sila lang ang meron ako, iniwan pa nila ako.

"Alam mo bang malaki ang chance na magkasakit ka pag nagbabad ka sa ulan?" Rinig kong pamilyar na wika kaya agad akong lumingon.

Nakita ko si Ms Irene na nasa likuran ko, nakapayong ito ng malaki habang nakatingin sa akin.

"Ms!" Agad akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit. Nabigla siya sa ginawa ko pero agad din naman niya akong niyakap pabalik.

Hindi ko alam pero nung niyakap niya rin ako ay nahanap ko yung comfort na matagal ko ng gustong maramdaman.

Mahigpit ang pagkakayakap ko sakanya at iyak na ako ng iyak, gusto kong ilabas lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman ko.

"Just let it out Lily, iiyak mo lang hanggang sa maging okay na ang pakiramdam mo. Andito lang ako lagi anak" wika niya at hinaplos ang likuran ko.

Continue Reading

You'll Also Like

9.4K 286 18
AshMatt fanfic
4K 109 31
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
260K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
4.3K 272 9
AD in parallel universes. NOTE: All works are fiction. Please separate fiction from reality.