(Time series #1) Past and Fut...

By ZhelRinLuxxxx

2.6K 1.5K 142

TIME SERIES #1 Stone High University's new student with the ability to see the past and future. Not until one... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24

Kabanata 6

124 87 8
By ZhelRinLuxxxx

"Unexplained"

Nakatingin lang si Travis sa amin at ako naman itong pinagpapawisan sa kaba habang hawak ang door knob ng pinto nawawalan na din ako ng hininga dahil sa init sa loob ng cr. Ang bilis ng pintig ng puso ko na animo'y tumakbo ako ng napakalayo sa sobrang bilis. napakagat ako sa aking labi para pigilan ang kabang nararamdaman ko walang bintana kaya wala kaming dadaanan para makaalis dito.

"Baka daga lang 'yon kuya or what?"nakahinga naman ako ng maluwag nilingon nito si Gissile. "kuya pwede mo ba akong bilhan ng tubig nauuhaw ako, eh. please?"tumango sa kanya ang kapatid sabay tayo at lumapit sa pintuan. "ingat ka kuya!"

Nang makaalis si Travis ay agad akong lumabas mula sa cr.

"muntik na tayo ro'n ikaw naman kasi Athena!"inis niyang sabi sabay irap.

"teka 'wag kayong mag-away mas maganda kung lumabas na kayo ng kwarto baka mamaya maabutan kayo ni kuya."sabi ni Gissile kaya tumango ako.

Iniabot ko naman sa kanya ang bracelet na suot ko. "sayo na 'yan remembrance ko."ngumiti ako sa kanya saka hinila si Zhury palabas.

hindi ko na inantay ang sasabihin ni Gissile dahil baka maabutan pa kami ng itlog niyang kuya. "ewan ko sa'yo Athena."nakanguso na sabi ni Zhury.

"yihhh~ nagtatampo 'yan gusto mo ilibre kita?"nakangiti kong sabi humarap naman ito sa 'kin. "kung gusto mo edi sure why not."

Sabi na libre lang pala Gusto.

-

now playing orange by Treasure

Gabi na din ng makauwi kami sa kani-kaniya naming bahay ni Zhury. Nasa may balcony ako ng kwarto ko iniisip ko pa din ang mga nangyari kanina. Pinaglalaruan ba ako ng oras? o sadyang maliit ang mundo? hindi ko naman inakala na magkapatid pala sila ng lalaking kinamumuhian ko. oo, kinamumuhian ko si Travis.

Kaya nagtataka ako kung bakit gustong gusto siya ng mga babae. Dahil ba gwapo siya? oo gwapo nga pero 'yong ugali niya? hindi ko gusto! masiyado siyang mayabang lalong lalo na hindi ko gusto pakikitungo niya sa mga babae- sa lahat!

Player din siya, ang lakas niyang saktan ang damdamin ng isang tao. Anong tingin niya sa mga babae laruan? tsk!

Ewan ko ba! sumasakit lang ulo ko kakaisip!

Umupo ako sa isang upuan dito sa balcony tumingala ako para langhapin ang sariwang hangin pumikit ako ramdam ko ang lamig ng gabi. Kakaiba ang lamig ngayon pero masarap siya sa pakiramdam, Dumilat ako.

Mahalaga sa 'kin ang takbo ng oras para sa 'kin ang bawat segundo sa buhay ng tao ay mahalaga. kaya hindi ko maunawaan kung bakit ang iba ay inaaksaya ang oras sa kanilang buhay.

Para sa 'kin ang habang nabubuhay ka ay wala ka dapat sinasayang na oras.

Dapat gumawa ka ng mabubuting bagay at masayang ala-ala. Dahil kapag lumipas ang panahon ang bawat pangyayari sa iyong buhay ay magiging ala-ala na lamang.

Kaya habang nabubuhay ako sa mundo ay gusto ko itong punuin ng masasayang ala-ala. Para, kapag nawala ako ay puro masasayang ala-ala ang maiiwan ko sa mga mahal ko sa buhay. Pero sabi nga nila hindi mo daw ito matuturing na buhay kung puro saya lamang dapat meron ding masasakit pangyayari para matawag itong buhay.

Pwede bang puro masasaya nalang? pwede bang hindi na makaranas ng sakit?

"pst!" nabalik naman ako sa realidad kaya agad akong tumingin sa baba para malaman kung saan nanggagaling ang sitsit na iyon.

Kaagaran naman akong bumaba. Wala nang ilaw sa sala dahil tulog na sila mama kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto. "Gabi na bakit ka pa nandito?"takang tanong ko sa kanya.

Tumawa naman siya ng mahina sabay kamot sa batok. "wala akong magawa sa bahay kaya pumunta ako."tumango ako.

"Pasok ka."pag-aya ko umiling naman siya. "aayain sana kitang gumala pwede?"tanong niya nilingon ko muna ang loob ng bahay muli ko siyang nilingon saka tumango sinarado ko naman ang pintuan ng bahay.

"Saan ba tayo pupunta?"tanong ko. "basta."tipid niyang sabi sumakay naman siya sa bike niya.

Tinignan ko lang siya ng seryoso. mag-ba-bike siya tapos ako maglalakad? gano'n?

Nilingon niya ako nanatili naman akong nakatayo habang nakatingin sa kanya. "sakay na."sabi niya na ikinakunot noo ko. "ha-huh? eh-"hinila niya ang kamay ko saka ako inalalayan na sumakay sa bike niya nasa harapan niya ako nakaupo.

Bakit kaya hindi nalang ako sa likod niya pinasakay pwede naman doon nalang ako umupo? bakit sa harapan niya pa? ang awkward tuloy.

Tumingala ako para tignan siya nasa daan lang ang tingin niya mukha ngang ang lalim ng iniisip niya. Gabi na din kaya medyo malamig na ang hangin buti nalang at naka suot ako ng t-shirt kaya kahit papaano ay hindi ako nilalamig. naalala ko tuloy no'ng mga bata pa kami. natatandaan ko pa ang sinabi niya sa akin noon na kapag lumaki na kaming dalawa ay liligawan niya ako.

Hindi naman ako assuming para mag-expect na gagawin niya nga 'yong pangako niya. At kung sakali ngang tuparin niya iyon ay hindi ko din alam kung kaya ko siyang sagutin basta ang alam ko sa sarili ko kaibigan ang turing ko sa kanya, 'yon lang.

Pero sa ngayon focus muna ako sa pag-aaral ko saka ko na iisipin ang mga bagay na iyan kapag naka graduate na ako. napabuntong hininga naman ako sa mga naiisip ko.

Nagulat naman ako nang may malaking truck na nasa harapan namin kaya agad akong napayakap ng mahigpit sa kanya naramdaman ko naman na huminto kami.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "hindi mo kailangang matakot, ako naman ang nagmamaneho ng bisikleta kaya dapat magtiwala ka sa 'kin."naramdaman ko naman ang mga kamay niya sa buhok ko. "sorry nabigla lang ako."ilang kong sabi sabay ayos ng upo.

Piste! ano bang klaseng pakiramdam 'to? bakit ba naiilang ako sa kanya hindi sa hindi ako kumportable sa kanya pero kasi iba ang pakiramdam ko ang bilis din ng tibok ng puso ko na halos lumabas nasa dibdib ko.

is this what they called love?

Baka naman mamaya hindi talaga pag-ibig 'to baka naman something lang 'to, ewan ko ba! ang gulo!

"may problema ba?"napalingon ako sa kanya. "wala naman."tipid kong sabi tumayo naman siya saka pumasok sa loob ng convenience store. Hindi ko ba alam sa sarili ko kung bakit ganto 'yong nararamdaman ko kapag magkasama kami bumibilis ang tibok ng puso ko minsan naman ay may kung anong meron sa loob ng t'yan ko.

sign na ba talaga 'to?

Sa ngayon ayoko pang isipin ang bagay na iyan baliwalain ko muna 'tong nararamdaman ko baka naman kasi naguguluhan lang ako kaya ganito ang pakiramdam ko.

Nakatingin lang ako sa langit napaka tahimik ng paligid wala na halos dumadaang sasakyan dahil gabi na. Nakaupo lang ako sa labas ng convenience store habang si Tristan naman ay nasa loob. "ice cream?"nilingon ko siya kinuha ko ang ice cream na hawak nya. "salamat."sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Napaka awkward ng moment namin ngayon hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang pakiramdam ko sa kanya. Ang hirap ipaliwanag.

Isang oras naman kaming nanatili sa labas ng convenience store pagkatapos ay inihatid na ako ni Tristan pauwi samin.

-

Napabalikwas naman ako sa tunog ng alarm clock ko napahilamos naman ako ng kamay ko sa mukha ko. Gustuhin ko mang matulog pa ay hindi na pwede, tsk. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi!

Ano ba kasing nangyayari sa 'kin? Kulang nalang ata sampalin mo na sarili ko sa sobrang weird ng feelings ko sa kanya.

argh!

Pagkatapos kong maligo kaagaran namang akong bumaba ng hagdan. "good-"

"pakisabi nalang po kay mama, lola, na mauuna na po ako!"sabi ko sabay takbo natigilan naman si lola sa ginagawa niya nagtatakang itong tumingin sa 'kin.

"pero-"

"Doon nalang po ako mag-aalmusal, bye bye po!"Napailing nalang si lola habang ako ay tumatakbong lumabas ng gate. ayokong makasabay si Tristan sa pagpasok baka mamaya ay hindi na ako makapagsalita kapag kaharap ko siya.

Nasa may harapan na ako ng gate ng school napahawak nalang ako sa dalawa kong tuhod sa sobrang hingal. sinisikap ko talagang hindi ako maabutan ni Tristan ayoko muna siyang makita kahit ngayon lang.

Bigla nalang nag sipagsulputan ang mga estudyante sa kung saan nangunot ang noo ko sa ginawa nila. Pusta ako nand'yan na naman 'yong lima. tsk, ewan ko ba! bakit ba sila atat na atat magpapansin sa limang 'yun? kala mo kung sinong artista, eh. estudyante lang din naman sila dito. mabuti kung Kpop idols sila matatanggap ko pa, eh. hindi naman.

Psh! Nasa harapan ko na ang mga estudyante lahat sila aligaga na makita kung sino mang dumarating napailing nalang ako sa kawalan.

"Ayan na si Leon!"sabay sabay nilang sigaw nahawi naman ang kumpulan ng mga estudyante napaatras naman dahil sa pagdating ng sasakyan ni Leon. Masasabi ko lang na ang ganda pala ng sasakyan niya.

Ang akala ko ay magtutuloy pa iyon sa pag-andar kaya muntik na akong matumba buti nalang mabilis kong nabalanse ang paa ko. Bumaba 'yong nasa loob ng kotse at hindi nga ako nagkakamali si Leon nga.

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya tinignan niya lang ako mula ulo hangang paa at 'yong mga estudyante? lahat sila masama na naman tingin sa 'kin.

tusukin ko mga mata niyo!

"Bakit ganyan ka makatingin?"tanong ko sa kanya mahina naman siyang tumawa. "alis." tipid nitong sabi habang nakakunot ang noo.

Hindi ako umalis sa pwesto ko may iba namang daanan, ah. "alis sabi."mariin niyang sabi. "ayoko nga! ang lawak lawak ng daanan bakit dito ka mismo dadaan? as in dito talaga sa kinatatayuan ko?"wala akong pakelam kung mapagtaasan ko siya ng boses. bakit ba? ang yabang, eh.

Iniligay niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya saka siya humakbang papalapit sa 'kin seryoso lang ang mukha niya wala kang mababakas na kahit anong emosyon ako naman itong pinapanood lang siya habang lumalapit sa 'kin huminto ang paa niya sa paglalakad hindi ko na namalayan na ang lapit na niya pala sa 'kin naningkit ang mga mata niya habang mariin na nakatingin sa 'kin, napalunok ako. bahagya siyang yumuko kaya ako itong napaiwas ng tingin.

Para kasing may apoy sa pagitan ng tinginan namin tapos ang bigat pa ng presensya niya kaya sino ba namang hindi makakaiwas ng tingin sa ginagawa niya.

Tumikhim ito. "diba sabi ko umalis ka? kaya alis sa daraanan ko."mahinahon niyang sabi pero mamabakas ang pagkainis niya kaya nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan.

"a-ayoko! ikaw nalang mag-adjust. ano ka gold?"mataray kong sabi tumingin siya sa kawalan nakita ko ang pagtiim ng bagang niya sabay muling tumingin sa 'kin.

Lagot na.

ay teka bakit nga ba ako natatakot sa kanya?

"hoy Leon! may ibang pwedeng daan kaya bakit mo pagpipilitan na dito mismo sa kinatatayuan ko dadaan!"nakapamewang kong sabi.

Gano'n pa din ang reaksyon niya hindi nagbabago. Napabuntong hininga siya sabay kabig sa braso ko dahilan para matumba ako. "lampa tsk."mahina niyang sabi sabay lakad paalis.

Aba't tignan mo nga naman! Iniwanan ang kotse niya dito talaga sa daanan ng tao? May parking lot naman ang school, ah? Kung sa bagay isa nga pala siya do'n sa lima.

"yan kasi bida bida."

"dapat lang sa kanya 'yan masyadong bida bida."

Halos lahat sila pinagtatawanan ako. bwisit! nadumihan pa tuloy uniform ko! Tumayo ako saka pinagpagan ang sarili.

"Hoy lalaki ka kapag nakita ulit kita humanda ka sa 'kin!"inis kong sigaw pinulot ko naman ang mga dala dala kong gamit sa inis ko ay sinipa ko ang harapan ng kotse niya.

Bwisit na 'yon! todas talaga sa 'kin ang lalaking 'yon kapag nakita ko siya.

Naglakad naman ako papunta sa comfort room. nagasgasan pa tuloy ang tuhod ko ng dahil sa lalaking 'yon, talaga naman.

Kinuha ko naman ang first aid kit ko sa bag saka ginamot ang sugat ko iniayos ako din ang buhok at saka iyon itinali sabay lumabas ng comfort room. agad naman akong tumakbo papunta sa first sub ko ayoko kayang ma-late 'no?

Hinihingal naman akong huminto sa harapan ng classroom inayos ko naman ang sarili ko bago tuluyang pumasok sakto at wala pa si prof bumungad naman sa 'kin ang lima lumingon naman sa 'kin si Leon agad na naningkit ang mga mata ko saka dali daling lumapit sa kanya marahas ko namang inilapag sa upuan ang bag ko at ang mga dala dala kong libro.

"nandyan na pala ang lampa."mahinang bulong ni Leon na hindi naman nakatakas sa pandinig ko. "hoy ikaw!"sigaw ko dahilan para maglingunan sa 'kin ang mga kaklase ko hinampas ko naman ang lamesa nakita ko naman ang matindi niyang pagkagulat.

"Ikaw! sino ka para itulak ako? lampa pala, ha?!"napatingin naman ako sa may cabinet nilapitan ko iyon para kuhanin ang walis na nakasandal doon. inihampas ko naman ang hawakan ng walis sa lamesa.

"akala mo hindi kita papatulan? nagkakamali ka!"sa inis ko ay kinuha ko naman ang kwelyo nya dahilan para mapaangat sya sa kinauupuan niya tinignan ko siya mata sa mata ngumisi naman ito pero bakas sa mata niya ang matinding takot.

wala naman palang binatbat ang lalaking 'to.

"ano lalaban ka pa?"sigaw ko. "hoy lampang panget bitawan mo si Leon."rinig kong sabi ni Travis binalingan ko ito ng tingin. "manahimik ka. itikom mo 'yang bibig mo baka gusto mong madamay ka rito?"panghahamon ko.

Umiling naman si Travis saka ngumisi. ayaw talaga magpatinag. marahas kong binitawan si Leon dahilan pala lumagpak ito sa sahig. hinubad ko ang blazer ko saka kinaluskos ang manggas ng uniform ko akmang susuntukin si Leon nang pigilan ako ni Khalil.

"Athena tama na."hinawakan niya ang braso ko. "kung ano 'yong ginawa sa 'yo ni Leon ako na ang humihingi ng tawad."tinignan ko ito sa mata bigla naman akong kumalma iniabot naman ni Khalil sa 'kin ang blazer ko kaya isinuot ko iyon.

kinalma ko ang sarili ko saka umupo. Kung inaakala siguro ng apat na 'to uubra sila sa 'kin pwes hindi!

Ibahin nila ako sa mga babae dito sa university kung iyong iba ay patay na patay sa kanila pwes ako ibahin nila ang pinunta ko dito ay mag-aral at hindi magpapansin sa kanila. tsk, sino ba sila? para magpapansin ako sa kanila?

hindi porket mga gwapo sila ay magpapansin ako sa kanila, bakit? marami pa namang mga gwapo diyan, tsk. buti kung mga Kpop idol sila.

Halos lahat ata ng subject ay lumulutang isipan ko. Nagulat naman ako ng mag-ring ang bell kaya agad kong inayos ang bag ko naglakad naman ako papunta sa locker ko inayos ko naman ang mga gamit ko sa locker dahil masyado itong magulo. "Athena~!"rinig kong sigaw ni Zhury.

Lumingon ako sa kanya naglakad naman siya papunta sa kinatatayuan ko sumandal naman ito sa locker. "anong ginagawa mo d'yan?"kuryusong sabi niya sabay silip sa loob ng locker ko. "inaayos ko lang locker ko masyado kasing magulo."seryoso kong sabi ipinasok ko naman sa loob ang librong hawak hawak ko.

"Nga pala...."napahinto ako sa pagaayos ng gamit saka tumingin sa kanya. "balak ko sana gumala mamaya pagkatapos ng pasok natin kayong dalawa ni Tristan isasama ko."tumango ako. "kaso may practice siya 'di ba? sila ng teammates niya?"tanong ko saka muling nagbalik sa pagaayos.

"Edi, pagkatapos ng practice."tumingin ako sa kanya saka sinara ang locker ko. "sige."tipid kong sabi.

Naglakad naman kaming dalawa papunta ng cafeteria para kumain. "Ang galing naman ng team ni Tristan pero bakit mas sikat pa din ang team nila Travis."nakanguso niyang sabi inilapag ko naman ang hawak hawak kong tray sa lamesa saka umupo.

"Wala kang magagawa malakas ang charisma nila sa mga estudyante."tamad kong sabi sabay subo ng sandwich. Kinuha naman ni Zhury 'yong burger na binili niya sabay kagat do'n.

"Basta kahit anong mangyari still pa din sa team nila Tristan."ngumiti siya ng malapad.

Kaagaran ko namang inubos ang pagkain ko. Pagkatapos ay dumaretso na ako sa next subject ko.

Hangang padin ngayon hindi ko pa din maipaliwanag ang sarili ko kung ano ba talaga itong nararamdaman ko. tsk, sobrang dami mo talagang iniisip this fast few days mas lalo akong na-stress hindi dahil sa pag-aaral ko kundi sa mga taong nakapaligid sa 'kin.

Nag-ring naman ang bell kaya dali dali kong inayos ang gamit ko saka lumabas sabi sa 'kin ni Zhury ay magkita raw kami sa main hall ng school saka kami sabay na pupunta sa gym.

"Athena~"napalingon ako sa tumawag sa 'kin nakita ko si Zhury sa di kalayuan na kumakaway habang nakangiti lumapit naman ako sa kanya. "tara na."sabi ko sabay higit sa kanya papunta ng gym.

Pagkarating ko roon madami ang tao ang nandoon umupo naman kaming dalawa ni Zhury sa isang bench ako naman itong nagpa-linga linga agad naman akong napa iwas ng tingin nang mag tama ang tingin naming dalawa ni Tristan. Lumapit naman ito sa 'kin habang may ngiti sa labi.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?"tanong niya sabay upo sa tabi ko nag-angat naman ako ng tingin sa kanya saka muling nag-iwas tingin. "inaantay kitang matapos ang practice niyo kasi may pupuntahan tayo."humugot naman ako ng malalim na hininga.

"Sige balik na 'ko do'n."paalam niya saka bahagyang ginulo ang buhok ko gano'n nalang ang gulat ko nang halikan niya ako sa noo. Napayuko naman ako dahil bigla nalang ako nakaramdam ng pag-init ng pisngi ko napatingin naman ako kay Zhury nang maramdaman kong siniko niya ang tagiliran ko.

"oyyy oyyy ano 'yon? kayo, ha."nakangiti naman ito ng nakakaloko. "wag ka nga magisip nang kung ano diyan!"inis kong sabi narinig ko naman ang mahina niyang tawa.

"tara bili muna tayo ng pagkain sa canteen."pag-aya ko sa kanya baka naman kasi mamaya iba ang isipin niya sa pagitan naming dalawa ni Tristan.

Magkaibigan lang talaga kaming dalawa sadyang hindi ko lang talaga maintindihan ang nararamdaman ko 'yon lang 'yon.

"anong gusto mo? libre kita."sabi niya nang makarating na kami sa cafeteria. "siguro sandwich nalang saka apple juice." tumango naman siya.

Lumapit naman sa 'kin si Zhury nang matapos na siyang mag-order.

Habang tahimik kaming naglalakad sa corridor ng school ay bigla ko nalang nabangga ang babae dahilan para matapon sa kanya ang dala dala kong pagkain. "what the heck?!"inis niyang sabi saka masamang tumingin sa mata ko.

"p-pasensya niya."sabi ko sabay kuha ng panyo sa bulsa ng palda ko. lumayo naman ang babae at masamang tumitig sa 'kin. "are blind?!"inis niyang sabi. gumuhit naman sa labi niya ang isang ngisi. "i know you, kaya pala.....kaya pala pabida ka daan kasi ikaw lang naman 'yong babaeng nasa video, Athena right?"pumagitna naman saming dalawa si Zhury.

"Bakit sinasadya ba? hindi naman sinasadya pero kung maka-asta ka kala mo ikaw ang reyna dito."mariing sabi ni Zhury. hinawakan ko naman ang braso niya.

"Zhury, 'wag mo nalang silang patulan kasalanan ko naman talaga, eh."bulong ko sa kanya saka siya hinila papunta sa likuran ko.

"sorry talaga h-hindi ko sinasadya."paghingi ko ng tawad saka ako yumuko. "hindi sapat sa 'kin ang sorry mo."mariin niyang sabi kinuha niya naman sa kamay ko ang juice na hawak ko saka iyon itinapon sa ulo ko.

Wala akong ibang nagawa kundi ang pumikit nalang sa kahihiyan 'yong ibang estudyante ay pinagtatawanan ako ang iba ay kinukunan ako ng picture. tumulo nalang ang luha ko. "sobra ka na!"inis na sabi ni Zhury akmang sasampalin ang babae nang hilahin ng isa pang babae ang buhok niya.

"bitiwan ko nga ako!"palag ni Zhury. Hinila naman ng babae ang buhok ko kaya napadaing ako sa sakit.

hinawakan mo naman ang pala-pulsuhan niya para alisin ang kamay niya sa buhok ko. natigilan naman ako sa nakita ko.

Nasa tapat siya ng isang speaker na naka kabit sa kisame ng gym. unti unti itong nalalaglag sa sa kanya nabalik naman ako sa realidad nang mas lalo niyang higpitan ang pagkakahawak sa buhok ko.

"bida bida ka talaga."mariin niyang sabi habang ang mga mata niya ay naniningkit sa galit. "Baguhan ka lang dito pero ang lakas mong magpapansin sa lima. bakit? akala mo mag kakagusto sila sa 'yo? ang kapal naman ng mukha mo."nangunot noo naman ako sa sinabi niya.

Anong pinagsasabi niya? ako magpapansin sa lima? really?

Marahas niya namang binitawan ang buhok ko. "wag na 'wag kang magpapakita sa 'kin."banta niya sabay alis kasama ng isa pang babae. "ayos ka lang?"tanong ni Zhury tumango naman ako.

napatingin nalang ako sa sugat ko na dumudugo na naman hindi ko nalang ininda ang sakit no'n. "Zhury, tara sundan natin 'yong dalawang babae."sabi ko sabay hawak sa braso niya siya naman itong nananatili lang na nakatayo. "bakit? bakit natin sila susundan?"kuryuso niyang tanong.

"basta tara na."sabi ko sabay hila sa kanya.

Kaagaran naman akong sumingit sa mga taong nakaharang sa daraanan ko dali dali akong tumakbo papunta sa gitna.

"teka 'yong babae!"sigaw ng isang lalaki saka ako tumingin sa itaas ng gym agad namang manilog ang mata ko sa nakita ko unti unting kumakalas ang speaker sa itaas.

tumingin naman ako sa baba at nakita ko roon ang babaeng nakabunggo ko kanina na walang alam na posibilidad na mangyari sa kanya.

Narinig ko naman na tinawag ako ni Zhury pero hindi ko iyon pinansin kaagaran akong tumakbo papunta sa kanya narinig ko naman ang sigawan ng mga tao pero hindi ko na iyon pinansin.

"miss tabi!"sigaw ko sabay tulak sa kanya napaupo naman ako sa sahig nakita ko naman ang speaker na babagsak na sa 'kin.

May kung anong meron sa 'kin na halos hindi ko na maigalaw ang katawan ko nananatili lang akong nakatingin sa speaker na kusang bumabasagsak hindi ko na din naririnig ang ingay sa paligid tanging ang atensyon ko nalang ay naroon.

napalunok nalang ako bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko napapikit nalang ako ng mariin saka niyakap ang sarili.

"wag!"sigaw ko pinagpapawisan ang buo kong katawan nakaramdam naman ako ng malamig na hangin na dumapo sa pisngi ko wala na akong ibang magawa kundi ang antayin nalang na bumagsak sa 'kin ang speaker.

Ilang minuto akong nakapikit pero wala padin kahit anong nagyayari dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko ganoon nalang ang gulat ko nang makita ko ang speaker na lumulutang sa hangin. napatingin ako sa paligid nakita ko ang mga taong na hindi gumagalaw narinig mo naman ang malakas na tunog ng orasan.

tumayo ako saka naglakad papalapit sa mga tao lahat sila ay hindi gumagalaw maliban nalang sa 'kin napatingin naman ako sa buhok ko na ngayon ay ginto na ang kulay napatingin ako sa lero ko na may basag at hindi na gumagana saka ako tumingin sa wall clock walang tigil itong umiikot. Napasabunot nalang ako sa buhok ko hindi ko maintindihan ano bang nangyayari?

habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang tunog ng orasan. pa 'no ko nagawa 'yon? pa 'no ko sila ibabalik sa dati?

Tumingin ako sa mga kamay ko. A-anong nagawa ko? napahawak nalang ako sa dalawa kong tenga nang mas lumakas pa ang pagtunog ng orasan.

"ahh!"sigaw ko. Halos mabingi na ako sa lakas ng tunog napaluha nalang ako sa mga nangyayari.

Napahinto ko ang oras at ngayon hindi ko alam kung paano ko iyon maibabalik.

Anong gagawin ko? nilibot ko ang tingin ko sa paligid lahat sila hindi gumagalaw ang paggalaw ng orasan ay huminto rin ang buhok ko ay kulay ginto.

Sana panaginip lang lahat ng 'to.

Bigla naman akong nakaramdam ng matinding takot. paano kapag hindi ko sila maibalik sa dati?

Pinunasan ko ang luha ko, kailangan kong mag-isip ng paraan para makabalik sila sa dati nagawa ko ngang patitigilin ang oras pwes kaya ko din silang pabalikin sa dati.

i sighed, i closed my eyes and calm myself. Huminga ako ng malalim mariin kong ikinuyom ang mga kamay ko.

Ang tanging nasa isip ko lamang ay ibalik sila sa dati mahina akong bumulong sa hangin ilang segundo akong nakapikit kaya muli kong idinilat ang mga mata ngunit ganoon na lamang ang aking dismaya nang makita ko na walang nagbago ganoon pa din sila hindi gumagalaw.

Halos mabaliw na ata ako sa kakaisip ng paraan kung paano sila babalik sa dati nilingon ko ang orasan. "kung sa 'yo ko gagamitin ang kapangyarihan ko maibabalik mo ba sila sa dati?"tanong ko habang nakatingin sa orasan itinapat ko ang palad ko roon saka pumikit.

"inuutusan kita sa ngalan ng takbo ng mga oras ibalik mo sila sa dati."bulong ko habang nakapikit nakaramdam naman ako ng malakas na hangin na tumama sa mukha ko ibinaba ko ang kamay ko saka dahan dahang iminulat ang mga mata ko.

napangiti naman ako nang makita ko na nakabalik sila sa dati napaatras naman ako habang nakatingin sa kamay ko. paano ko nagawa iyon? bukod sa nakakakita ako ng nakaraan at mangyayari sa kinabukasan ay may iba pa akong kapangyarihan? ngunit paano?

Nabalik naman ako sa realidad nang makaramdam ako na may yumakap sa 'kin. "ayos ka lang ba, Athena?"tumango naman ako sa tanong ni Tristan nilingon ko ang speaker na ngayon ay durog durog na bunga ng pagkakabagsak.

Bigla naman akong nakaramdam ng matinding panghihina kaya muntikan na akong matumba buti nalang ay sinalo ako ni Tristan. "bakit mo naman ginawa 'yon?!"bulyaw ni Zhury.

"ikaw na nga ang sinaktan ng babaeng 'yon kanina tapos tutulungan mo pa?"inis nitong sabi. "sabi nga nila kapag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay."bahagya akong napangiti sa sinabi ko.

"you!"rinig kong sigaw ng babae galit na galit itong nakatingin sa 'kin saka ako tinulak. "ikaw? alam mo bwesit ka talaga! gusto mo ba akong pilayan, ha? kaya mo 'yon ginawa?!"galit niyang sabi inalalayan naman ako ni Tristan na tumayo.

"h-hindi, hindi iyon ang intensyon ko gusto lang kitang iligtas."paliwanag ko na akmang lalapit umatras naman ito.

"ako iligtas? wow, so anong gusto mong iparating para purihin ka nilang lahat?! para sabihin na napakabuti naman ng puso kasi niligtas mo 'ko gano'n ba?!"mariin niyang sabi na halos mangibabaw na ang boses niya sa buong gym.

"hoy babae ka! ikaw na nga ang niligtas ikaw pa ang galit?!"inis na sabi ni Zhury kaya agad ko naman itong inawat.

May ilang nurse naman ang lumapit sa babae kaya nakahinga naman ako ng maluwag kahit papa'no. "ewan ko ba! siya na nga ang tinulungan siya pa ang galit."inis niyang sabi sabay irap.

"pabayaan mo nalang siya Zhury ang mahalaga lahat tayo ligtas."nakangiti kong sabi.

"anong nangyari Athena kanina lang ay nasa tapat ka kung saan mahuhulog 'yong speaker tapos nakita nalang kita nakatayo na."kunot noong tanong ni Tristan.

"hindi ko alam kong paano ko nagawa ang bagay na 'yon."tinignan ko siya mata sa mata.

"natatakot lang ako para sa sarili ko."hinawakan niya ang kamay ko.

"wag kang matakot, okay? nandito lang ako sa tabi mo."nakangiti niyang sabi kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Umupo naman kaming tatlo sa isang bench marami ding tao dito sa gym dahil may mga inaayos pa. Nakita ko naman ang isang babae na naglalakad tinignan ko ito mula ulo hangang paa. Masasabi ko lang na maganda siya siguro nasa 4 inch ang high heels niya, ang taas eh.

May maganda din itong hubog ng katawan mahaba ang buhok. basta! lahat na ata ng magandang katangian nasa kanya na.

Nakita ko naman ang lima na nakatingin doon sa babae at mukhang inaasar pa ng apat iyong si Travis, hmm. pusta ako may gusto siya doon sa babae gano'n naman kasi ang tipo niya sa babae katulad no'ng babaeng 'yon kasi ako kung ako ang tatanungin walang wala ako roon sa babaeng iyon simpleng babae lang naman ako hindi pala ayos unting suklay lang ng buhok ay ayos na.

Ay teka bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko doon sa babae?

"ayan na ang reyna."sabi ni Zhury kaya napatingin ako sa kanya. "sino siya?"tanong ko kay Zhury sabay baling ng tingin doon sa babae na ngayon ay papalapit sa gawi ni Travis.

"si Ms. Jade na sa pagkakaalam ko siya ngayon ang gusto ni Travis."umirap naman ito. "well ano pa nga ba mga ganyang babae ang gusto no'n."tumango ako sa sinabi niya.

"si Jade 'yong anak ng sikat na artista tapos ang tatay ay CEO sa isang malaking kumpanya na half Chinese."rinig kong paliwanag ni Zhury.

bagay naman sila.....

Lumapit naman si Jade do'n sa lima nakita ko naman na umalis si Khalil at hindi ko alam kung saan iyon pupunta pero 'yong apat ay halos mangamatis na sa kilig.

"hi"napalingon naman ako nangunot noo naman ako nang makita ko si Khalil. "teka bakit ka nandito 'di ba dapat nando'n ka sa mga kaibigan mo."tanong ko.

umiwas naman ito ng tingin. "wala, kanina pa kasi kita gustong kamustahin pero humahanap lang ako ng timing."kamot batok niyang sabi kaya tumango ako.

ilang oras pa kaming nanatili dito sa gym pagkatapos noon ay pumunta naman kami sa isang mall. tahimik lang akong naglalakad habang ang dalawa naman ay kanina pa nag-aasaran.

Hindi pa din kasi maalis sa isipan ko ang nangyari kanina hindi lang kasi ako makapaniwala sa nagawa ko. nakakaramdam din ako ng takot para sa sarili ko dahil alam kong naiiba ako sa mga taong nakapaligid sa 'kin. Paano kung sa susunod ay mas malala pa ang magawa ko roon tapos hindi ko alam kung paano ko masusulusyunan ang bagay na iyon?

"Athena kanina ka pa tahimik."nabalik naman ako sa realidad. "Athena may pupuntahan lang ako antayin niyo 'ko dito."paalam ni Zhury kaya tumango ako.

"May problema ba?"tanong ni Tristan kaya tumango ako.

Tinignan ko siya mata sa mata. "natatakot ako.."napapikit nalang ako ng mariin. "natatakot ako sa nagawa ko kanina basta ang alam ko nakaupo ako sa tapat ng speaker tapos pumikit ako...tapos....pagdilat ko hindi na kayo gumagalaw 'yong oras huminto nalang bigla."hinawakan niya ang kamay ko. "no'ng una hindi ko alam kung paano ko kayo ibabalik."natataranta kong sabi naramdaman ko naman na niyakap niya ako.

"wag kang matakot nandito lang ako."kumalas ako sa yakap niya. "baka naman kasi may hindi ka pa natutuklasan sa kakayahan mo kaya ganoon ang nangyari. pero Athena nandito lang naman ako kaya 'wag kang matatakot sa kung ano man ang nagawa mo."sabi niya kaya tumango ako.

"salamat."hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

Nagpapasalamat ako dahil kung wala siya sa tabi ko ay baka hindi ko na malaman kong anong gagawin ko. siya lang 'yong nag-iisang taong nandyan sa tabi ko palagi.

Pero mas natatakot ako para sa nararamdaman ko sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

731 229 11
"I may not be the bravest or the most skilled, but with Theo by my side, I am willing to face whatever dangers await us on this journey. I may stumbl...
221K 8.7K 31
""SIT THERE AND TAKE IT LIKE A GOOD GIRL"" YOU,DIRTY,DIRTY GIRL ,I WAS TALKING ABOUT THE BOOK🌝🌚
35K 2.2K 80
Just read the book to know. This book is inspired by the book Enigmatic queen by @SuccessSmile. I have made a lot of changes in the story as then I...
242 50 10
How can friends get back together if none of them know the ritual? Will they just run out without getting rid of the curse that surrounds the place w...