Mhorfell Academy of Gangsters...

Par alerayve

25.8M 641K 136K

[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black... Plus

Prologue
Chapter 1: Meeting the King
Chapter 2: Upcoming Storm
Chapter 3: Welcoming
Chapter 4: Our So-Called Party
Chapter 5: Troublemakers
Chapter 6: Single Arrow
Chapter 7: Show Some Skin
Chapter 8: Competition
Chapter 9: Charlene
Chapter 10: Watched
Chapter 11: Symptoms
Chapter 12: End of the First Round
Chapter 13: Magic Word
Chapter 14: Promise
Chapter 15: Fire and the Shooting Stars
Chapter 16: Message
Chapter 17: School of Mystery and Danger
Chapter 18: The Prince's Sword Dance
Chapter 19: Hide and Seek
Chapter 20: Coming Back
Chapter 21: Fear
Chapter 22: Ally
Chapter 23: Hypothesis
Chapter 24: The Missing Mafia Pendant
Chapter 25: Alex Syndrome
Chapter 26: Recollection
Chapter 27: Aftermath
Chapter 28 - Peace Inside the Woods
Chapter 29 - Second and Third Examinations
Chapter 30 - Good Luck To Us, Bastards
Chapter 31 - Don't Ever Dare To Mess With Him
Chapter 32 - The Incident
Chapter 33 - Saving The Idiot
Chapter 34 - The Crying Little Girl In The Midnight
Chapter 35 - All Hail For The Princess
Chapter 36 - Celestial Key of the Pacific
Chapter 37 - Regaining and Solving
Chapter 38 - Dinner Meeting
Chapter 39 - The Only One Left
Chapter 40 - She is The Key
Chapter 41 - She's Dead All Along
Chapter 42 - Seal
Chapter 43 - Trip to the Principal's Office
Chapter 44 - Acting is Over
Chapter 45 - Who's Next?
Chapter 47 - Another Meeting With Her
Chapter 48 - Strange Things Did Happen Here
Chapter 49 - Secret Letters
Chapter 50 - Crashing To A Party
Chapter 51 - Values
Chapter 52 - Love Story
Chapter 53 - Overload
Chapter 54 - The Meaning Behind The Arrows
Chapter 55 - You'll Be Fine
Chapter 56 - Happily Ever After
Chapter 57 - Access Granted
Chapter 58 - The Real Demon
Chapter 59 - Her Most Epic Birthday
Epilogue
Author's Note (Important)
GIVEAWAY!
ORDER NOW!

Chapter 46 - Alex is Kirsten Theory

301K 8.1K 3.8K
Par alerayve


[ C O L L E N ' S P O V ]








"Pwede bang umupo ka muna Alex? Nahihilo na ako sa'yo." asar na usal ko kay Alex na kanina pa palakad lakad dito sa study room. Ang dami na nga naming pinagdaanan na trauma sa pagpasok pa lang ng private property na ito eh. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin namin matukoy kung ano nangyari doon sa gagong Juno na 'yun. Siguro kung titignan kaming lahat, si Alex ang pinakanag-aalala.


Para naman sa amin nina Alexis at Jonathan, mas nag-aalala kami sa katabi naming naglalabas ng malalamig at nakakatakot na aura. I'm sure this woman will never be able to sense it 'cause she's so dense.


Kung bakit kami na lang ang natira, 'yun ay dahil nag-grocery at nagshopping muna sina Thelina, Kia, Courtney kasama si Edward para sa mga kakailanganin at gagamitin namin habang naglalagi dito. Si Sky naman, nagpahatid sa second headquarters ng mga Cromello para kontakin daw ang nakakatandang pinsan from Brazil. Dash is there outside, guarding the room's doors while his fellow reapers are on a mission. Kane, Keith and Achilles to get all our items sa Mhorfell at 'yung tatlo pa ay pinag-imbestiga ni Alex sa kung anong nangyari kay Domzelle. Marc? Oh well, he's busy with hacking and tracing Juno's whereabouts right now.


He mentioned to us before that he is a long-time friend of that bastard. Marc also cleared the misunderstanding about the incident last time. Na binablackmail ng ama ni Juno ang sarili niyang anak para sa paghihiganti niya sa pamilya ni Cromello. Pero hindi pa rin maaalis ang inis ko sa kanya. Sadyang wala lang akong confidence para pagkatiwalaan siya.


She stopped on pacing out and she looked at me with her cold and scary pair of orbs. Napaayos tuloy ako ng upo. Kung kanina halos nakapahiga na ako at nakapatong pa ang mga paa ko sa lamesa, ngayon daig ko ang proper posture sa pag-upo. This woman keeps on giving me goosebumps eversince she came to our school up 'till now. Argh.


"Shut up. I'm worried, 'kay? Paano kung nasa panganib nga talaga si Juno? Ako lang ba ang concerned citizen dito?" at tinignan tignan niya pa kaming mga kasama niya dito sa loob ng kwarto. She wasn't able to avoid heaving a sigh due to our silence.


Patalikod na siya at pabalik sa upuan niya nang may magsalita. "He's not a baby anymore. He can handle it on his own. No need to worry for that freak." Spade replied though he's not looking at her and instead, reading a black covered book.


Napaharap naman sa amin muli si Alex at para bang hindi makapaniwala sa sinabi sa kanya ng kagrupo namin. Uh-oh, I have a bad feeling about this. Wala pa namang malakas sa amin para awatin ang dalawang 'to kung saka-sakali. "Oh, is that so? A freak? Then what are you? A man who got no balls because he doesn't even have a little bit of concern to an ally?" bira naman ng kabilang panig.


Jusko po. Nakapabilog kami at magkakatabi kaming mga lalaki, nagkakatinginan na kami dahil sa nagbabadyang bagyo na parating. Si Alexis nga, nagsign of the cross na. Tangina talaga nito.


"He's not my ally. It is you who is his ally. And I think the word 'Freak' is not enough to describe him. Coward. Yup, that's the word because he can't even stand against his own father's unrighteousness." ni mukhang walang balak pa rin si Spade na bitawan ang binabasa niya. Nananatiling kalmado ito at walang nababanaag na emosyon sa mukha nito.


Dumako naman ang tingin namin kay Alex na nakapamewang na pero hindi nawawala ang mga nakakatakot na titig niya. She gave out a sarcastic laugh. "Says by the man who kissed a slut named Alyssa Horwaide in the middle of the night." and that's it. Sinarado na ni king ang librong hawak niya kanina pa at inilapag ito sa lamesa. Bumuntong hininga muna ito bago tuluyang tumitig kay Alex.


Hindi ko na talaga gusto 'to. I'm serious. Mamaya baka magpatayan na ang dalawang 'to. Teka, ano ulit 'yung sinabi ni Alex? Spade kissed that whore?!


"Pare, hinalikan 'yun ni king? Shit, hindi ko alam 'yun ah." bulong sa akin ni Jonathan mula kanan ko.


"Collen, ngayon lang may taong may lakas ng loob para hamunin sa isang debate si Spade. Kanino ka? Kay Alex ako, oh." at akma pang aabutan ako ng limang libo nitong si Alexis. Mga siraulo talaga.


I know Alexis is right. This is the first time that there is a person who has such considerable courage to fight with Spade using her own words and beliefs. Kahit kami, never kaming tumutol pagdating sa padedesisyon ng leader namin. Kasi you know, lagi kaming nag-eend up sa conclusion na he's always right.


That Alyssa, plano lang naman niya talaga nagpanggap na naniniwala siyang si Kirsten 'yun para alamin kung may iba pang kasama ito o kung may hidden agenda ba ito. But I don't know why it ends up with Spade kissing that girl.


"Mga baliw! Gumawa na nga lang kayo ng paraan para mapatahimik 'yang dalawang 'yan. Kung hindi, damay damay tayo." sitsit ko naman sa kanila.


"I kissed her for the sake of my plan, Cromello. I'm not like someone out there who attends a party tapos mahuhuli naman pala ng kalaban." sagot naman ni Vantress. Palala ng palala at mas humahaba na 'yung pinaghuhugutan ng mga banat nila. Pati mga nakaraang nangyari, nauungkat pa. Guys, past is past!


"Ah-e-eh, k-king tama na 'yan. Baka marinig k-kayo ng mga m-maids. W-we sh-should make a h-heavenly atmosphere, right Nathan?" pag-aawat ko sa kanila. Pinanlakihan ko naman ng mata ang mga katabi ko para sumang-ayos sa sinabi ko.


Tumayo mula sa kanyang kaninang kinauupuan si Spade at tinignan kami ng mariin. Pilit kaming nagpainosenteng ngiti dahil nanlilisik na ang mga mata niya. "I can send you three to heaven anytime and anywhere." that shut us up.


"Kung ganoon naman pala ba't hindi mo na lang pala ako pinabayaan na gamitin ni Juno noon? Ba't ka pa nag-abala na iligtas ako, ha?!" akala ko pa naman ayos na dahil napatigil namin sila kahit kaunting sandali. Sana dumating na ang mga kasamahan namin. Hindi namin kaya ang dalawang halimaw na ito.


Napalakas yata ang boses ni Alex kung kaya't bumukas ang pinto at iniluwa nito si Dash na nag-aalala. "Is there a problem, young miss?" tanong niya.


Napausog naman kami ng mga upuan namin nang makita naming dumukot ng baril si Spade at itunutok sa direksyon ng pintuan. "Go out and shut that door." his words have sent chills down to our spines. No wonder siya ang pinakakinatatakutan sa aming sampu.


Napalunok naman si Dash at chineck muna kung maayos ang kalagayan ng master niya o kung may sasabihin ito bago pumaatras at lumabas ng silid. Again, natahimik na naman ang buong lugar.


"Bro, pwede bang lumabas na muna tayo? Bawat minuto na nandito tayo, nababawasan ng ilang taon ang buhay ko eh." pasimpleng bulong ni Jonathan sa akin. Si Alexis, nagyayaya na rin. Kaso sa gantong tahimik, mapapansin at mapapansin kami kung lalabas kami. Kapag napansin kami, aba'y mas lalong patay.


"Then why, Alex? Bakit mo rin kailangan pa i-mention ang paghalik ko sa babaeng 'yun ha?" pabalik na tanong naman ng isa. Nagsusukatan sila ng tingin. Wala inuman ang gustong magpatalo. Akala mo ba'y sa titigan na sila nagtatagisan.


Nagdadasal na kaming tatlo na sana huwag muna kaming madamay sa away nila para hindi pa namin makita si San Pedro nang dumating ang aming tagapagligtas. Thank you Lord.


Malakas na bumukas muli ang mga pintuan at nakita na namin ang mga pagmumukha ng mga kasamahan namin na kararating lang. Ang ilan pa nga sa kanila ay may mga dalang supot ng mga pagkain, inumin, damit at iba pa.


Nabigla pa nga sila nang madatnan nila na seryoso ang mga mukha ng dalawang bulto na nakatayo pero mabilis din naman nilang nabasa ang sitwasyon kaya umeksena na rin si Kia.


"Oh guys! Ito na ang foods and drinks niyo. Sorry natagalan. 'Yung security kasi nina Spade eh." nagsipasok na silang lahat at nagsikuha ng mga mauupuan. Pinatong na rin nila sa malaking lamesa ang mga supot.


Nagsikuhanan na kami ng mga gusto namin kainin at inumin. Umupo na rin sina Alex. Hindi nga lang sila nagpapansinan o nagsusulyapan man lang. Ni hindi nga sila nag-uusap man lang habang nagdidiskusyon kami eh. We don't know if talagang focus lang sila sa pinag-uusapan o sinasadya nila 'wag magkibuan.


"Where are my reapers, cousin?" pukol niya kay Sky na nagsasalin ng inumin sa mga baso namin.


"Sina Jake, Jerson at Mir, hindi pa bumabalik but they called a while ago na baka mamayang gabi pa sila makauwi. Sina Kane naman, pinapaayos pa 'yung mga gamit natin sa mga guest rooms." he answered. Tumango tango lang si Alex sa sagot ng pinsan.


Nang bumalik na naman ang pagkatahimik ay nagbukas na ako ng bagong usapan. "Ah, Spade! Buti pinayagan ka ng dad mo na pag-istayin kami dito?" medyo nauutal pa nga ako nang sabihin ko 'yan eh. Never pa namin nakita ang ama ni king. 'Yung kapatid niya nameet na namin once or twice pero 'yung dad niya? Not yet. Curious nga kami kung ano klaseng karakter meron ang isang Vantress Mafia head?


"My dad is not here. He's in Brazil right now for some deals. Next month pa naman siya babalik kaya okay lang na dito muna kayo mag-stay." paliwanag niya. "Eh si Sean?" sunod kong kwestiyon.


"Nasa school pa." maikling tugon lang niya. Napa-'ahh' na lang ako. Hay, mauubusan ako ng kadaldalan sa taong ito.


"Wait a minute. Ba't ba sobrang tahimik niyo? May pinag-awayan ba sina Spade at Alex habang wala kami?" pagbasag ni Fiacre sa katahimikan. Napunta naman lahat ng tingin namin doon sa dalawa na parehas at sabay pang sumagot ng 'wala' sa tanong ng kaibigan.


Nagtagpo tagpo ang mga tingin naming lahat at iisa lang ang naisip namin. 'Oo nga, wala.' Napailing pa nga sina Dereen eh. Siyempre mas kilala nila si Alex at mas kilala naman namin ang leader namin. Pareho pa talaga silang nagsinungaling eh kami ang mga nandito kanina.


Nagpatuloy lang diskusyon namin at pagdidistribute ng mga gagawin para sa mga susunod naming hakbang. Kailangan ng masugpo ang hinayupak na mga mamamatay tao na 'yun. I can't wait to see that Horwaide girl's blood on the floor. Nabalitaan na rin namin ang tungkol kay Axel at sa tunay na hangarin niya sa pagpasok sa Mhorfell. I can say, he's one son of a bitch. Damn him.


Maingat kong nilalagok ang iniinom ko nang marinig ko ang isang komento ni Rennei kay Alex habang hinihipo hipo pa ang buhok nito. "Your real hair color is coming back, Alex. Soon, it will be blonde again." mahina lang ang pagkakasabi ni Rennei at kaming tatlo lang nina Jonathan at Alexis ang pinakamalapit sa kanila. Kaya siguro kami lang ang nakarinig, eh kami lang rin ang nasamid nang marinig 'yun eh.


Blonde? Her real hair color is blonde? Isn't just like Kirsten's? "Mag-ingat naman kayo sa pag-inom." paalala ni Dereen na katapat lang namin. Pinunasan namin kaagad ang bibig namin at ang ilang natapunang parte ng suot namin. "Yeah. Sina Nathan kasi eh nakikipagkulitan pa." palusot ko na siyang pinaniwalaan naman nila. Nagpakiramdaman na nga lang kami ng mga kumag na mga katabi ko eh.


It's kind of ... suspicious. My curiosity is bursting out again. Wala naman talaga kasing matibay na patunay na patay na talaga si Kirsten. That cloth na may dugo na natanggap ni Alex, we can't really say na sa kababata ni Spade 'yun dahil walang kaming DNA sample ng taong 'yun. Kahit ang mga buto na natagpuan nila Sky, hindi rin mapatest sa laboratory.


According sa pagkekwento ni king, Kirsten is a very pretty girl. In the same age as him, has long and a little curly blonde hair, has black eyes na kapag natatapat sa sinag ng araw ay nagmumukhang gray, maputi at pilya. Nabanggit niya rin sa amin na may half half 'yung bata. Nakalimutan na nga lang daw niya kung anong lahi.


It reminds me, Alex told us once na her family's origin is somewhere in Europe. Kaya posibleng nasa dugo niya ang pagiging foreigner and that resulted to having a natural blonde hair. Same age lang naman silang dalawa ni Spade. She has black eyes pero never ko pang napansin kung nagiging gray ang mga 'yun kapag natatapatan ng araw.


Oh God. Pwede nga kaya ang iniisip ko? Kasi isa pang nakakapanakit ng ulo, ba't si Alex lang ang sinesendan ng mga weird boxes na iyon kung ang mismong taong nagpapadala noon ay ang pumatay sa Vantress women? Hindi ba't maaari rin namang sendan sina Dereen, Fiacre at Rennei o di kaya ang pamilya nina Vantress. Pero hindi, si Alex lang. Shit shit shit.


"Spade, buksan ko muna 'yung kurtina at bintana ah. Ang lamig kasi eh saka hindi naman na nakakasilaw ang araw ngayon." nakuha noon ang atensyon ko. Pinayagan naman ni king si Edward. Pumunta siya sa likuran namin nina Cromello upang buksan ang bintana. This is my chance. All I need to do is to call her when the sun's light strikes. And then, macoconfirm ko na ng kahit ng 50% man lang ang theory ko.


Ayan na ayan na. Ang tagal naman ni Ed magbukas bwisit! Five ... four ... three ... two ... one ...




















"Kuya!" um-echo ang malakas na sigaw ng kilalang kilala ko na binata. "Pinapasabi ni Butler Kim na isarado lahat ng bintana hanggang bukas dahil may paparating daw na thunderstorm." para bang binagsakan ako ng langit at lupa. Nawala na ang pagkakataon ko na makumpirma kung nagiging gray ba ang mga mata ni Alex kapag nasinagan. Ugh.


"Sean, stop that habit of yours of shouting. We're not deaf." doon lang niya napansin na nandito kaming lahat at hindi lang ang kuya niya. Napakamot na lang siya ng batok at nagpaalam muna dahil may gagawin pa daw siyang homework.


"Thunderstorm? Spade, may soundproof ka ba na kwarto? At kung meron man 'yung wala sanang bintana?" Sky asked.


"Bakit 'tol? May gagawin ka bang milagro?" sabat ni Marc.


"Ginagago mo ba ako? I am asking dahil takot si Alex sa kidlat." banas na banat ni Sky kay Marc. Binatukan pa nga niya ito.


"Yup meron. Sabihin mo na lang kay Butler Kim sa labas para mailipat niya ang mga gamit ni Cromello." nag-okay sign lang ang pangatlo sa amin at lumabas na.


So, even a great woman like Alexandria Cromello has her own fear too, huh? But why thunders? She's not afraid of death but afraid of thunder. I need to take that down in my mind.












Ako lang ba ang nag-iisip na maaaring buhay pa nga si Kirsten at ang Kirsten na iyon ay si Alex?








_____________________________________________________________________

A/N: Pati si Collen :O What do you guys think?! Si Alex nga ba? Or patay na talaga si Kirsten? Haha stay tune for the next update! For my reader na nagwish ng 3 updates before her birthday which is May 14, second update ko na ito! Pinupush ko talaga para sa request mo :) May susunod pa before your special day so wait na lang ng kaunti ^^


Ang daming worried kay Juno XD Don't worry nag-iimbestiga na ang mga reapers. Endangered species na nga ang mga pogi, babawasan ko pa ba? Lol. Oo nga pala! Hindi na March 6 ang birthday ni Alex! Di ko pa nga lang na-eedit pero iniba ko na 'yung birthdate niya. March 14 na. Sa time nina Spade, March 1 or 2 pa lang kaya intay intay~


You are free to post your greetings kay Alex dahil iiindicate ko nman kung bday na niya doon sa update ko ^_^ Keep on commenting guys! Doon ako kumukuha ng inspirasyon at ideas! HAHAHA Salamat sa patuloy na pagsuporta at mga votes.


——->Aside from the private chapter (epilogue), I'll post 3-5 special chapters. It's about the other characters' story, other characters' POV at iba pang side stories. Pwede ring about sa kung ano na nangyari after ng ending. NakaPRIVATE pa din po 'yun. Why? Because it's special. Follow me for more updates~


Happy Birthday sa crush ko hahaha XD <3 #HanggangSulyapNaLang




[ Ah! May naisip na ako na next story! Ano ba gusto niyong genre? ]









Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

19.5K 323 11
Lauren of White Castle Sabrina Winter, The Ice and Water manipulator from the mortal world who doesn't know that White Academy exist. Isang paaralan...
413K 15.1K 64
Former A KPOPER IN 1894 [ Mariano Brothers Series #1 ] COMPLETED ✔️ Naniniwala ka ba sa Reincarnation? Pano kung malaman mong nabuhay ka na pala noon...
14.6M 324K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
13.9M 389K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...