Mr. Billionaire, Don't Englis...

נכתב על ידי donnionsxx04

95.3K 3.1K 496

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... עוד

NOTE:
Pasilip:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119:
Chapter 120:
Chapter 121:

Chapter 102:

354 13 2
נכתב על ידי donnionsxx04

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Yes, totoo ang narinig mo. Akin siya, pagmamay-ari ko siya." Patuloy na pahayag ni Ros at seryoso pa ring nakatingin ito kay Sir Johnser."Let's go!" Yaya na nito sa akin.

Hakbay ako nito nang tumalikod na kami para iwan sila. Maya-maya pa, nagsalita ulit si Ros nang may naalala na dahilan huminto kami sa paghakbang.

"Ah! Oo nga pala!" Tumalikod ulit si Ros at binalingan ang mga ito."Magmula ngayon, hindi na magtatrabaho dito si Elizabeth."

"A-ano?" Kunot-noong saad ni Sir Johnser.

Takang napatingin naman ako sa kanya sa sinabi niya.

Ngumisi si Ros."Ngayon ko lang nalaman na ganito n'yo pala tratuhin siya." Inis na sabi niya sabay umiling-iling."Ikaw?"

"Ako?!" Pa-suplada na saad ni Ma'am Lorisette at nanatili pa ring nakaupo siya sa sahig.

Nag-smirk si Ros na kinataas ng kilay nito."Tatandaan ko yang mukha mo. Hindi ko papalampasin ang ginawa mo sa girlfriend ko." Tila nagbabanta na sabi niya sa asawa ni Sir Leandro.

"Let's go!" Yaya na ni Ros sa akin.

Umalis kami na hawak niya ang kamay ko. Lumingon pa ko kila Sir Johnser at Sir Leandro. Bakas pa rin sa kanilang mukha ang pagkabigla halos natahimik sila.

Nang palapit na kami sa elevator, narinig ko na lamang na may tumatawag sa amin.

Paglingon namin ni Ros, nakita ko namang si Sir Leandro iyon. Tumatakbo ito palapit sa amin.

"Kailangan kita makausap." Sabi nito pagkalapit.

"S-sino po---" di ko napatuloy ang tanong ko.

"Sure!" Sagot kaagad ni Ros at kalmado lamang ang ekspresyon nito sa mukha. Si Ros pala ang gusto niyang kausapin."Doon ka muna, hintayin mo ko." Baling niya sa akin.

Tumango ako bilang sagot dito.

Unti-unti akong naglakad papuntang elevator. Doon ko nalang siya hintayin. Mukhang may pag-uusapan sila na hindi ako dapat kasama. Ano kaya iyon?

LEANDRO YU POV:)

"Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong nito sabay baling sa akin.

Posible kayang si Clive siya? Bakit umiba ang tono ng pananalita niya? Ekspresyon sa mukha niya, iba rin. Parang hinding Clive ang vibes niya. Pati pananalita niya, tagalog na.

Si Clive ba ang taong ito?

"Clive, ikaw ba ya---"

"I'm sorry. Hindi ako ang taong iyon." Putol nito sa sinabi ko."Marami nagsasabi na kamukha ko ang taong iyon pero nagkakamali ka. Magkaiba kami." aniya.

Natahimik naman ako.

Bakit ganoon? Kamukhang-kamukha niya ang bunsong anak ni Cedric. Umiba lang ang ugali niya. Posible kayang may magkamukha na tao sa mundo ito kahit hindi magkaano-ano?

"May sasabihin ka pa ba? Naghihintay na ang girlfriend ko." Nagmamadaling sabi nito sabay lagay ng kamay sa mga bulsa nito.

Tiningnan ko naman ang kinaroroonan ni Elizabeth. Nang makitang nakatingin ako sa kanya, ngumiti ito sa akin ng matamis kaagad. Itong lalaki pala ang tinutukoy niyang boyfriend niya.

"W-wala na. Magkamukha lang talaga kayo." Baling ko sa kanya.

"Di ba, patay na 'yon? Ah! Namatay 'yong Clive na 'yon sa isang aksidente." Umiling-iling ito."Pero... kutob ko, hindi basta aksidente iyon." sabi nito sabay tingin sa kanya ng seryoso.

Sa tingin niyang iyon parang may gusto siyang iparating sa akin. Siguro nagbigay lang siya opinyon tungkol sa bunsong anak ni Cedric na namatay. Marami rin espekulasyon na hindi basta aksidente ang nangyari kay Clive. May nagsasabi na tinangka talagang patayin iyon.

Ano naman dahilan ng killer para patayin si Clive? Alam kong isa lang ang dahilan, dahil siya na ang magiging tagapagmana ng Uphone.

Tatalikod na sana ito nang pinigilan ko kaagad.

"Sandali,"

Takang napatingin naman ito sa akin.

Lumapit ako sa kanya ng bahagya. Tumingin muna ako sa kinaroroonan ng anak kong si Elizabeth at kasalukuyan itong may kinakalukot sa kanyang cellphone. Tiningnan din nito si Elizabeth, napataas-kilay na bumaling ulit ito sa akin.

"Bakit?"

"Alagaan mo siya, wag mo siyang sasaktan at papaiyakin." mahinang boses na bilin ko dito.

Nangunot-noo naman ito sa sinabi ko pero maya-maya pa ngumiti ito ng natural sa akin. Tumalikod na ito para umalis. Pagtalikod niya saka naman dumating ang anak kong si Mandy. Humihingal pa ito sa kakatakbo.

Tumigil ito sa pagtatakbo nang makita kami.

"Dad!" Sambit nito nang makita ako. Napatingin na lamang ito sa kamukha ni Clive."Hey! Ros! Ano ginagawa mo dito? Pinapapunta ka ba dito ni Mr. Kailes?" Mukhang magkakilala na tanong niya dito.

"M-mr. Kailes?" Gulat na saad ko.

"Hindi, napadalaw lang." Tipid na sagot nito at naglakad na ito papunta sa kinaroroonan ni Elizabeth.

"Ingat kayo!" Nakangiting sabi ng anak ko dito.

Nag-bow pa si Elizabeth sa amin bago sila pumasok ng girlfriend niya sa loob ng elevator. Pagkaalis nito, saka bumaling ang anak kong si Mandy sa akin.

"Dad! Gumawa daw ng gulo si Mommy?! Nasaan siya?!" Tanong nito kaagad.

"Kilala mo ang lalaking iyon?" Napakunot-noong tanong ko kaagad dito.

"Ah? Si Ros? Oo! Kasama namin siya sa bicol nung Out-reach program. Nagtatrabaho siya kay Mr. Kailes at siya yung Team Leader nga sa grupo nila. Isa iyon sa pinagkakatiwalaan ng sobra ni Mr. Kailes, para na rin siyang assisstant n'on." nakangiting sagot nito.

Hindi pa nakikita ng anak ko si Clive at iyon dapat ang magiging fiancé niya hindi si Johnser. Kaya hindi siya nagulat bakit kamukha ng lalaking iyon ang bunsong anak ni Cedric. Baka totoo naman sinasabi niyon na hindi siya 'yong taong iyon? Baka nangyayari talaga sa totoong buhay na magkaroon ka ng doble kara kahit hindi kayo magkadugo. Totoo ngang walang imposible sa diyos.

"Sweet nga nilang magkapatid. Para silang mag-jowa kung umasta." Turan na lamang ng anak ko.

Nanlaking mata na napatingin ako dito."Ah? Magkapatid?" Bulalas ko.

Tumango ito."Magkapatid sila, Dad."

Napatingin na lamang ako sa ibang direksyon at lumalim ang aking iniisip halos natulala na lamang ako. Magkapatid?

Naputol naman ang pagmumuni ko nang hawakan ni Mandy ang kamay ko.

"Tara, daddy! Puntahan natin si mommy. Baka nagwawala pa 'yon." Yaya na nito sa akin.

JOHNSER SY POV:)

Ano na mangyayari? Nakita na siya ni Tito Leandro? Malalaman na rin nila papa na buhay si Clive. Nangangamba ako na baka manganib ulit ang buhay niya pag malaman ni Tito Andrew na buhay pa siya. Dapat bumalik muna ang alaala niya bago niya magpakita sa lahat para kaya na niyang iwasan ang mga mapanganib taong alam niyang papatay sa kanya.

Pinipilit na nga makatayo sa pagkakaupo si Tita Lorisette."Ako na nga na-agrabyo, ako pa itong masama." bulong-bulong nito. Humawak ito sa ding-ding para maka-pwersa siya makatayo.

Sa sobrang lalim na iniisip ko, napagdesisyunan ko na sundan si Clive at Beth. Ramdam ko na aalis sila sa condo dahil sa nangyari. Kailangan ko sila pigilan sa binabalak nila dahil kailangang hindi mawala sa poder ko ang kapatid ko. Kailangang bumalik muna ang alaala niya bago siya bumalik bilang Jayson Clive Sy.

Napatigil ako sa paghakbang nang makita kong tumatakbo si Dylan. Nang makita ako nito, tumigil naman ito sa pagtakbo. Bakas sa mukha nito ang pagkataranta pero agad ding napalitan iyon ng pagkagulat nang makita ako.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Nakauwi na nga kami ni Ros galing Uphone. Mula nang mangyari ang gulo kanina, hindi ko alam kung makakapasok pa ba ako bukas sa Uphone o tuluyan na ngang sinisante na ako. Sobrang malas ko ngayong araw, dahil sa kapalpakan ko wala na kong trabaho ngayon.

"Oh? Wala kayong trabaho?" Gulat na saad ni Pubg nang makita kaming pumasok ng condo ni Sir. Kasalukuyang kumakain ito ng tsitserya habang nanonood ng T.V.

"Mag-impake kayo, aalis tayo dito." sabi nalang ni Ros.

"Ah? Bakit?" Takang tanong ni Pubg.

Dere-deretsyo lamang si Ros pumasok ng kwarto. Napatingin naman sa akin si Pubg na na gusto malaman ang dahilan pero kumibit-balikat na lamang ako.

****

"Bakit kayo bumalik? Jusko maryosep! Baka bumalik ulit ang mga lalaking iyon." turan na lamang ni Aling Martha.

Kinuha nito ang bag na dala ko at tinulungan na kami nito dalhin ang mga dala namin.

"P-pasensya na po, Aling Martha. Nagka-problema lang kasi." hinging pasensya ko nang pataas na kami ng hagdan.

Di naman nagtagal, nakarating na kami sa dating kuwarto namin. Pagkapasok, saka nilapag na lamang ni Aling Martha ang bag sa upuan.

"Oh sya! Huwag kayong mag-alala. Gabi-gabi may mga tanod nang naglilibot dito. Gumagawa na ng aksyon si kapitan at magiging ligtas tayo. Basta huwag kayo lalabas ng gabi pag mag-isa ah?" Bilin nito.

"Opo." Magalang na sagot ko.

"Oh sya! Alis na ko." Paalam na nito."Ros, alis na ko. Mamaya magdadala ako ng ulam ninyo." baling nito dito.

"Sige po." Cold ang mukha na sagot ni Ros.

Umalis na nga ito at naiwan kaming dalawa ni Ros sa loob. Nasa labas pa si Pubg, napag-utusan kasi siya ni Aling Martha kanina na bumili ng mga regados sa lulutuin nitong tinolang manok.

Napansin ko naman si Ros na tulala na naman pagkaalis ni Aling Martha. Kanina pa siyang ganyan sa byahe pauwi dito. Siguro iniisip niya 'yong nangyari kanina, nakita ata niya yung nangyari sa akin. Kaya malalim ang iniisip niya ngayon dahil doon.

Lumapit naman ako dito habang nasa paanan ito ng binata at nakatingin siya sa labas habang malayo ang tingin.

"Ros?" Tawag ko sabay hawak sa kamay niya.

Napakurap-kurap naman ito ng mata sabay tingin sa akin."Yes?" tanong nito sabay labas ng tamang ngiti sa labi nito.

"Huwag mo na isipin ang nangyari kanina. Okay lang ako, hindi naman ako nasaktan." Mahinahong sabi ko.

Mabilis naman dumampi ang kaliwang kamay niya sa kabilang pisngi ko. Dahan-dahan hinaplos ng hinlalaki niya ang pisngi kong namumula. Medyo namamaga iyon dahil sa sampal kanina sa akin ni Ma'am Lorisette.

"Hintayin mo lang na bumalik ako. Lahat sila yuyuko sayo pag makita ka nila. I assure you, no one will do this to you." Makahulugang pahayag ni Ros.

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Niyakap na lamang ako ni Ros ng mahigpit. Hinalikan pa niya ako sa ulo at niyakap ulit ng mahigpit.

"Babawiin ko ang nararapat sa akin, Elizabeth. I promise that I will never change, I will never leave you and let you go." patuloy pa ring sabi nito.

"Hinding-hindi ako mawawala sa'yo, Ros." Madamdaming sabi ko at niyakap ko rin siya ng mahigpit. Pumikit pa ako para namnamin ang yakap niyang puno ng pagmamahal.

DIEGO DELENTE POV:)

"Tito Diego, pabili nga po!"

Nakita ko namang si Anthony ang bibili, anak ni Martha. Wala ngayon ang kapatid kong si Mario kaya ako naiwanan ditong magbabantay ng tindahan niya at ng computer shop niya. Maraming kabataan pa rin naglalaro ng computer. Kada nakikita ko ang mga ito, naaalala ko ang alaga kong si Ros.

"Gabi na ah? Kakauwi mo lang ng trabaho?"

"Opo. Napa-aga din ang uwi namin sa trabaho dahil bumalik na dito 'yong kaibigan namin." Sagot nito sabay kuha sa garapon ng candy.

"Iyong Ros ba ang pangalan?"

Tumango ito sabay lagay na sa bibig nito ang candy.

"Ano pala sa'yo?" Pag-iiba mo ng topic.

"Pabili po ako ng gamot sa lagnat saka band aid. Nilalagnat kasi si Ros, may sugat siya sa siko niya."

Hinanap ko naman saan kinaroonan ng mga gamot. Di naman nagtagal, nahanap ko din.

"Ano ba nangyari sa kanya?" Tanong ko habang hinahanap ang gamot na hinahanap nito.

"Nabunggo raw siya ng sasakyan kanina." Sagot pa rin nito habang ang tingin sa mga batang naglalaro ng computer.

"Dalhin n'yo sa hospital baka may bali 'yon." Aniya."Ilan ba?" Tanong ko sa kanya.

Bumaling naman ito sa akin."Dalawang gamot saka tatlong band aid." Napatingin na lamang ito sa naka-display na frame sa dingding."Oh? May kamukha 'yong batang naka-blue." Bulalas nito sabay turo dito.

Tiningnan ko naman ang tinutukoy nito. Ang litrato ko kasama si Clive, Johnser at Dylan. Mga bata pa sila nang kuhanan kami niyan, siguro nag-eedad ng otso si Clive at si Dylan, si Johnser naman ay sampu.

"Sino mga 'yan, Tito?" Tanong nito sa akin.

"Mga anak yan ng boss ko." Sagot ko at kumuha na ng band aid.

"Yung naka-blue, medyo kahawig niya si Ros."

Binigay ko na nga ang binibili nito at binigay na rin niya sa akin ang bayad.

"Wala akong barya sa 500. Pwede mamaya na 'yong bayad?"

"Okay lang, Tito. Sige po, alis na po ako." Paalam na nito.

Tinanguan ko na lamang ito at saka na ito umalis.

Pagkaalis nito, bumaling ulit ako sa retrato. Naalala ko na lang ang panahon kung kailan bata pa ang mga ito. Mga panahon na close pa ang magkapatid na Clive at Johnser at hindi pa nasisira ang relasyon nilang dalawa.

To be continued...

Hello? Don't forget to like, comment and follow me.
Please follow my official:
Page: Lovely Adeline xx
Facebook: Jessica C. Mariño
Thank you!

המשך קריאה

You'll Also Like

25.4K 632 29
Mahirap talagang tanggapin na ang kaisa-isang lalaki sa buhay mo ay mawawala sa 'yo. Lalo na't matagal mo na siyang nakasama. Hindi mo nalang namalay...
93.5K 1.8K 72
Paano kung ang lahat ng sayo ay biglang mawala at ang tanging magagawa mo lamang ay hide myself and hide all my work for my safety. At kailangan kon...
137K 2.9K 66
Note: ➡️ 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝 [ 𝐉𝐮𝐥𝐲-𝟐𝟗-𝟐𝟎𝟐𝟏 ] ••• ⚖ ••• Palaban at matapang ang loob at handang ipagtanggol ang mga biktima sa ano man...
128K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...