The Old Man's Secretary

By Potassium0128

15.7K 293 33

Does age really matter in terms of love? Are you ready to read a story that has a roller coster of emotions? ... More

Author's Note/Disclaimer
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 19

278 8 0
By Potassium0128

Namasyal kami sa park at sa mall, nang mag alasais na ng gabi ay nagkanya kanya na kami tumingin mg update para sa party mamaya.

"Yuhooo hiiii" sigaw ko pagkabukas ko ng ilaw dito sa unit ko.

"Ingay ate" reklamo naman ni Krane.

"Tse, tara kain na muna tayo, mamaya pa naman ang alis ko"

Bumili kasi ako ng pagkain kanina sa Mcdo, tapos ng pizza, ice cream at cake...paborito kasi nila ito.

"Sige ate kahit mag ingay ka pa buong magdamag ayos lang" birong sabi ni Kian, nakita niya kasi yung dala ko.

"Asus, tawagin niyo na nga lang si lola at lolo para makakain na tayo"

Hinanda ko na sa lamesa ang mga binili ko at inantay na lamang sila.

                          ***

Nang matapos kami ay ako na lamang din ang nagligpit, nagpahinga na din naman kaagad sila lola.

Samantalang yung mga kapatid ko naman may inaasikaso. Si Krane hiniram muna yung loptop ko at saka nagtititipa. Si Kian naman ay busy sa kanyang cellphone.

Naligo din muna ako sandali at saka nagbihis.

Isang fitted na black dress above the knee ang suot ko, strap lang din ang hawakan niya sa may balikat ko, pinatungan ko na lang ito ng blazers.
3 inches black heels lamang ang aking sapin sa paa.

Pulbos at lipstick lang ang inilagay ko sa aking mukha at saka nilugay ko lamang ang aking medyo kulot na buhok.

"Krane, Kian mauuna na ako pakisabi na lang din kay lolo at lola, mag iingat kayo dito" paalam ko sa dalawa kong kapatid.

"Sige ate" sagot naman ni Krane.

"Ingat ate" bilin sa akin ni Kian.

Nakatutok pa rin ang mga ito sa kanilang mga ginagawa.
Napailing na lamang ako at napangiti, malalaki na talaga sila. May mga kanya kanya na din silang buhay.
Si Kian may asawa't anak na, si Krane naman panigurado ay papakasalan niya na din ang kanyang nobya.

Ako na lang pala ang napag iiwanan. Ipinilig ko na lamang ang aking ulo dahil sa naisip.

Sumulyap pa ako ng isang beses sa mga ito bago lumabas sa unit ko.

Nag antay lamang ako ng taxi at saka dumiretso na papunta sa location ng pag gaganapan ng party.

"Naks si Top 1 nandito naaaa" Anunsyo ni Camilla, ka blockmate ko din.

Kanya kanya naman sila ng kantyawan sa akin.

"Inom ka naaaa Scientiana, minsan lang naman toooo ohh" alok ni Daven sa akin.

"Oo nga Sciennnn" pagpupumilit pa ng iba.

Partida nasa may pinto pa lang ako nan.

"So pwedeng umupo muna oo" Natatawang sabi ko sa mga ito.

"Ishot mo daw muna ito bago umupo" kantyaw naman ni Sam.

Inagaw ko sa kanya ang shot glass at saka diretsong ininom ang Tequila. Gumuhit naman kaagad ang init sa aking lalamunan.

"Ayowwwnnn ohhh"

"Ang laaakkaaaass ohhh"

"Niceeee oneee hahahha"

Sigawan at tawanan nila at saka ako inaya sa aming upuan.

"Inumaannn naaa esteee partyyy partyyy na munaaa bago mastress sa pagrereview para sa boardddd yuhoooo" sigaw ni Ian sa Mic ng maka akyat siya sa stage.

Tinawanan lamang namin ito at saka umiling

Nagsimula na din silang mag inuman, samantalang ako ay juice lamang at taga kain lamang ng pulutan.

Hanggang sa mapansin ito ni Trainy.

"Hoy madaya si Scientiana di umiinom ohhh" sigaw niya

"Oo nga, di pwedeng taga kain ka lang ng pulutan walang ganyanan" gatong pa ni Kaila.

"Iinom na yan, iinom na yan"
Kantyaw pa nila.

"Oo nga naman, minsan lang to eh, parang others naman to" pangongonsensya pa nila sa akin.

Binigyan naman nila agad ako ng tatlong shot ng Vodka at dalawang shot ng Tequila.

Sunod sunod ko itong ininom, naramdaman ko ang init sa aking palagid, nahihilo na ako, di naman kasi ako sanay na uminom.

Sila naman ay nagsasayawan na sa dance floor.

May mga alak pa dito sa table namin kaya ininom ko na lang din, minsan lang naman eh...napatawa ako sa aking iniisip.

Tumayo na din ako para pumunta sa dancefloor, nakaramdam pa ako ng pag ikot ng paligid ko kaya huminto na muna ako.
Hinubad ko din ang blazer ko saka dumiretso na din sa dance floor.

"Yuuuhhoooo partyyyy partyyyy" malakas na sigaw ko.

Mas nakadagdag pa ng hilo ko nang paltan ang tugtug at ang ilaw yung pang party party talaga.

Panigurado ay lasing na din itong mga kasama ko, ang wild na eh, kaya nakisama na lang ako.

"Woaahhh gooo Scientiaaannaaaa" pag checheer ng mga ito sa akin.

"Ang galing naman palang humataw ng isang Scietiana Villaverde"

"Pigilan niyo na yan hahahahha iba malasing eh"

Ang iba kong kaklaseng babae ay lumapit na sa akin para pigilan ako.

"Ano ba nag sasayaw pa nga eh" reklamo ko sa mga ito habang nakanguso.

"Ayan pinainom niyo pa kasi"

"Party party na lang tayo, panget niyo naman kabonding" sabi ko sa mga ito at saka kumalas sa pagkakahawak nila sa akin.
Muntik pa akong matumba, buti na lamang at may sumalo sa akin.

"Kung di ka lang namin kilala ay baka inakala talaga namin na lasinggera ka hahaha"

Nagsasalita pa yung iba pero hindi ko na maintindihan.

"Hay nako, bahala nga kayo diyan" tampo kong sabi sa mga ito at saka pasuray suray na bumalik sa table namin.
Nakaalalay lamang sila sa akin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay naramdaman kong may tumayo sa unahan ko, di ko na lamang ito pinansin at saka kinuha ang isa pang shot ng tequila.

Bago ko pa man ito mainom ay may umagaw na kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Enough woman" sabi ng isang estranghero, pero familiar siya, mukha at boses niya parang si Zero...pshhhh.

"Umalis ka nga diyan pakialamero" sabay irap dito.

Tumayo naman at pero muntik na akong mabuwal, buti na lamang at nasalo ako nito.

Ang lapit ko sa kanya, naamoy ko ang panlalaki niyang pabango.

Pati ba naman amoy nito ay kaamoy din ni Zero? Baliw na ata ako.

"Oh hi Zero, good thing nandito ka, favor sana kung pwede pakihatid na lang si Scientiana, hindi kasi namin macontact si Raph eh"

"Sure, iuuwi ko na siya, she's wasted" ako naman ay nakahilig lang sa dibdib nito.

Natawa naman ang kausap nitong babae, marahil ay isa sa mga kablock ko.

"Thank you ah"

"No prob, paano mauuna na kami, and congratulations to all of you"

"Salamat, ipaparating ko sa kanila ang pagbati mo, siya nga pala wala ka pala dun kanina no? Halata kasi kay Scien na ikaw ang hinahanap niya, ang lungkot nga niyan kanina eh" napalaki ang mata ko at saka parang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko.
Ito namang katabi ko ay natigilan.

Mukhang hindi ko nga imahinasyon lang na nandidito siya.

Umayos naman ako ng tayo at saka tumikhim.

"Oh Scien, ipapahatid ka na namin kay Zero ha" si Sam pala ang kausap nito.

"H-ha? Kita mo oh okay pa ako no, baka mag grab na lang ako"

"Wag na makulit Scien, ingat kayo ha"

"Sam naman, mamaya pa ako uuwi dito muna ako"

"Hay nako, ni hindi ka na nga makatayo ng maayos eh" Sermon nito sa akin.

"Oo na hmppp, enjoy kayo dito, pasabi na lang na nauna na ako" ngiting paalam ko dito.

"O siya sige mag iingat ka ha" tumango na lamang ako saka nauna ng maglakad.

Nakaramdam naman ako ng lamig, naiwan pala yung blazer ko sa loob.
Hinayaan ko na lamang at saka nag antay ng masasakyan.

"Let's go Scientiana" tiim bagang na sabi ni Zero ng makalapit siya sa tabi ko, at saka may ipinatong na kung ano sa balikat ko.

"Mag gagrab na lang ako" sabi ko dito at diretsong nakatingin lang sa kalsada.

"Ihahatid na kita" napairap na lamang ako sa kawalan dahil sa sinabi niya.

"No, okay lang, baka may pupuntahan ka pang importante at maka istorbo pa ako" nahimigan ko naman ang pait dahil sa sinabi ko.

Hinapit niya naman ang bewang ko kaya napahawak ako sa dibdib nito dahil sa gulat.

Pagtingala ko ay sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Im sorry Tia" sabi niya sa gitna ng pagtitinginan naming dalawa.

Namumula  naman akong lumayo dito.

"Saan ba sasakyan mo? Tara na" ang nasabi ko na lamang dito.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang pagbaliktad ng sikmura ko.
Dali dali naman akong tumakbo sa gilid at saka dun sumuka.

Naramdaman ko naman ang paghagod nito sa likod ko.

Bumalik ata bigla yung tama ko.
Nang matapos kong sumuka ay nakaramdam ako ng hilo at pag ikot ng lugar na kinatatayuan ko at saka nandilim ang paningin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 62 36
Ayaw mo sa isang farmer na hot? Maraming katantaduhan. Maraming matutunan. Kahit na ang walang puso ay merong kabaitan. Kapag ang isang taong kilala...
53.8K 1K 94
Continuation of Modesto story who happens to intercourse with friends,mature,classmates,strangers and even family...
200K 4.5K 67
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
25.4K 687 37
After spending four years in New York, with his Aunt and Uncle, Peter Parker life was changed forever after getting bitten by a radioactive spider an...