Mr. Billionaire, Don't Englis...

By donnionsxx04

95.2K 3.1K 495

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Pasilip:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119:
Chapter 120:

Chapter 100:

353 20 10
By donnionsxx04

ANDREW SY POV:)

Hininto na nga ng driver ko ang kotse sa harap ng Uphone. Unang bumaba ng kotse ang assistant ko para pagbuksan ako nito ng pinto. Pagkabukas, saka na ako lumabas.

Inayos ko muna ang suot ko bago na magsimulang maglakad papuntang entrance ng Uphone Building.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa nang maramdamang nagba-vibrate iyon. Nakita ko namang tumatawag ang isa sa mga kaibigan ko. Sasagutin ko na sana ang tawag nang may bumangga na lamang sa akin na hindi ko kilala. Na dahilan nabitawan ko ang cellphone na hawak ko at nahulog.

"Sorry po," hinging patawad ng lalaki at ito ang kumuha ng cellphone ko. Nakita naman nito na basag na ang screen ng cellphone ko."Sorry po, nabasag ko po."

"It's okay."

Kukunin ko na sana mula dito ang cellphone ko nang nilayo nito.

"Wow? Di ba, ito yung bagong luwas ng Uphone?!" Manghang bulalas nito at tinitingnan ang cellphone kong basag. Pagbaling nito sa akin mas lalong nagulat ito."Ikaw 'yong kapatid ng may-ari ng Uphone?!" Parang nakakita ng artista na bulalas nito.

Cold na tumango ako.

Sa tuwa mabilis naman nito hinawakan ang kamay ko na tangkang pipigilan sana ito ng assistant ko nang senyasan ko ito sa mata na pabayaan lamang ang lalaki.

"Waah! Nice to meet you po! Love na love ko po ang Uphone. Idol ko po kayo!"

"Thank you." Sabi ko at ngumiti ng natural.

"S-sige po. Baka po nakakaabala na ako sainyo. Kinagagalak ko pong makilala at makita kayo sa personal." Nakangiting matamis na wika nito at binigay na sa akin ang cellphone ko.

"Ako rin."

Sumenyas na nga ako sa assistant ko na umalis na kami, sumunod na nga ito sa akin. Nilagay ko na sa aking bulsa ang sira kong cellphone. Hindi pa ko nakakarating sa entrance ng Uphone, napahinto ako bahagya nang makasalubungan ko ang taong kilala ko.

Natigilan din ito nang makita ako pero mabilis ding nagpatuloy ito sa paglalakad. Parang hindi kilala na dinaadan lamang ako ni Cedric. Puno ng galit na nararamdaman sa kapatid ko, palihim na naikuyom ko ang mga palad ko.

Hindi nagpatinag, pinagpatuloy ko na ang paglalakad at pumasok na sa loob habang nakasunod lamang sa akin ang assistant ko.

JOHNSER SY:)

"Bitawan mo na ko!" Galit na saad ni Clive at padabog na inalis ang kamay mo sa pagkakahawak sa braso niya.

Mabuti na lamang tagumpay kong nailabas si Clive. Nakita ko kasi na busy na nakikipag-usap si Tito Andrew sa isang lalaki kaya mapayapang nailabas ko ito na hindi nila nahuhuli.

Nandito kami sa gilid ng building at dito ko dinala si Clive.

"Mahigpit ngayon ang sekuridad ng Uphone lalo na may nangyaring krimen isang araw doon. Hindi mo ba nabalitaan? Kaya nga pinigilan kita papasukin doon." Sa wakas, nakaisip rin ako ng rason para hindi na ito magpumilit.

"Oo na! Aalis na ko, huwag mo na ko ihahatid!" Halatang galit pa rin na wika nito at inayos na ang damit."Oh sya! Maiwan na kita...MISTER C-E-O."

Tinaptap muna nito ang balikat ko bago padabog na umalis  halos banggahin pa ako nito. Naiwan akong nakatingin dito at kumawala ng mahabang buntong-hininga.

Mabuti nalang mabilis ko na-ihandle ang sitwasyong ito. Hay!

ZERO POV:)

Pagkaalis ni Mr. Sy kasama ang assistant nito, palihim na kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Sir Dylan.

Di naman nagtagal, sinagot naman nito kaagad.

"Sir, tagumpay pong nakalabas si Sir Johnser at Clive." Balita ko dito habang nasa kabilang linya ito.

Binaba ko na nga ang tawag at tiningnan ko pa ang

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Papunta na ako sa office ni Sir Johnser dala ang cart na naglalaman ng panlinis, nang nakita ko na lamang di kalayuan si Rose na sinusundan si Aling Doya na tila nagmamakaawa ito.

"Aling Doya, pwede bang hindi na po ako mag-overtime? Please?" Pagmamakaawa nito sabay hinawakan ang kamay nito na dahilan napahinto sa paglalakad si Aling Doya.

"Ngayon ka lang naman mag-oovertime. Mag-overtime ka na. Kulang tayo sa tao ngayon." Sabay alis ng kamay ni Rose na nakakapit sa braso niya.

Tangkang aalis ulit ito nang pigilan ulit ito ni Rose."Nagmamakaawa ako, Aling Doya. Please? Opening ako mag-out, please?" Mangiyak-iyak pa rin pagmamakaawa nito.

"Opening at Closing ka. Close deal na at final decision ko na 'yon. Diyan kana, may pupuntahan pa ko."

"Aling Doya! Aling Doya!" Tawag ni Rose at hindi na siya nito nilingon.

Naiwan itong nakatingin lamang ito papaalis. Pinunas muna nito ang luha bago tumalikod. Ihahakbang na sana nito ang isang paa na hindi nito napatuloy nang makita ko. Mabilis na lumabas ang ngiti sa mga labi nito at naging maaliwalas ang mukha nang makita siya.

Napagtanto ko naman na hindi totoo ang masayang mukha sa mukha niya ngayon.

Nag-wave ito sa kanya ng kamay. Pabalik din niyang kinawayan ito at nginitian.

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Rose habang naglalakad na kami ng hallway at dala namin pareho ang panlinis.

"Okay lang." Sagot niya at ngumiti ng matamis na alam kong pilit lamang iyon."Sige, dito na ko maglilinis. Kita nalang tayo mamayang lunch break." Huminto na ito at kinuha ang map na nasa cart.

"Sige." Sabi ko nalang at nagpatuloy na sa paglalakad.

Iniwan ko itong naglilinis na dito sa hallway. Hindi ko maiwasang mag-alala kay Rose. Mula nang makita ko ang pagmamakaawa niya kay Aling Doya, doon ko napansin ang mga bagay na napapansin ko sa kanya.

Napapansin na palagi siyang gutom. Pag umuuwi kami ng gabi pag-out ng work, nakikita ko naman na naglalakad siya lamang at hindi sumasakay para mag-commute. Minsan naman, nahuhuli ko pa siyang natutulog ng palihim sa stock room, kita ko sa kanya ang puyat. Di lang iyon, napapansin kong may mga pasa siya sa katawan pero tinatapalan niya iyon ng foundation para hindi makita.

Nag-aalala ako sa kanya, mukhang may problema siya sa bahay nila. Gusto ko bisitahin siya sa kanila para malaman ang kalagayan niya doon. Gusto ko makilala ang pamilyang kasama niya at ano ang trato nito sa kanya.

Sa sobrang lalim ng ko, hindi ko nakita na may tao palang nakatayo sa unahan. Dahil sa wala ako sa sarili, nabangga ko ito gamit ang cart na dala ko na naglalaman ng panlinis.

"Ouch!"

Na-alerto naman ako kaagad nang marinig iyon.

Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makita ang taong nabangga ko.

"S-sorry, Ma'am! Sorry po! Hindi ko po sinasadya." Tarantang hingi ko ng patawad. Tinulungan ko naman ito makatayo.

Mabilis naman nito iwinaksi ang kamay at ayaw nitong tulungan ko siya.

"Don't touch me!" Singhal nito. Pagkatayo nito, pinagpag nito ang magandang damit nito. Nanlilisik ang mata na tumingin ito sa akin."Napakatanga mo!" Turo nito sa akin.

Nagulat na lamang ako nang itulak ako nito na parang naghahanap ito ng away.

"Ganyan ba katanga kayong mga mahihirap?!" Sabay tulak sa kaliwanag balikat ko."Sabagay, wala kayong pinag-aralan. Mga eskwater, mga ignorante! Cheap!" Singhal nito at tinulak ulit ako sa kabilang balikat ko. This time malakas na iyon na dahilan natumba ako at napaupo sa sahig.

"Sorry po, Ma'am. Hindi ko po sinasadya. Kasalanan ko po talaga. Sorry po!" Patuloy na hinging patawad ko habang nakaupo sa sahig.

"Hindi kayo nababagay dito! Huwag kayong umasta na ka-level n'yo kami. Isa ka lamang buhangin na nagfi-feeling na isang harinang puti!" Galit na galit na  pahayag nito habang turo ako nito. Nanlilisik pa ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Para nang nawala sa sarili si Ma'am Lorisette at sobrang Galit na galit siya sa akin. Halos hindi na nito napapansin ang mga taong nakatingin sa kanya. Wala na rin sa isip niya ang mga salitang mga binitiwan niya.

"Sorry po---"

Nagulat na lamang ako ng sinampal ako nito.

"Sorry?! Akala mo ba mababayaran 'yang sorry mo sa katangahan mo?! Bitch!" Masakit na sabi nito sa akin.

Doon na kumawala ang luhang pinipigilan ko kanina. Nasasaktan ako sa sinasabi niya pero kasalanan ko naman talaga kaya deserve ko itong mga pinagsasabi niya. Tama nga, isang pagkakamali na sirain mo ang araw ng taong hindi mo ka-level. Mayaman sila at hindi namin kailan man magiging kapantay ito.

Basta pera, sila na ang panalo at kami ang tiklop.

"Lorisette!" Suway ng bagong dating. Mabibilis na hakbang na lumapit ito sa kinaroroonan namin."Enough!" Sabay hawak sa braso nito.

"Napakatanga ng babaeng ito! Magaling na nga mang-agaw at mang-akit, may balak pang---"

"I said, ENOUGH!" Tumaas na ang boses na suway ni Sir Leandro sa asawa nito at hinigpitan na nito ang pagkakahawak sa braso ng asawa."Ano ba nangyari?" Mahinahon na tanong ni Sir sa akin.

"Pasensya na po, Sir. Hindi ko po sinasadya---"

Hindi ko napatuloy ang sasabihin ko na magsalita kaagad si Ma'am.

"Anong hindi sinasadya?! Aba! Ang galing mo naman gumawa ng kwento ah?!" Madrastang pagkakasaad nito."Ito sayo!"

Di inaasahan, sinabunutan na lamang ako nito na mabilis naman inaawat ito ni Sir Leandro.

"Lorisette! Enough! Ano ba?!"

Nawala na sa sarili si Ma'am Lorisette, tila may problema ito at sa akin nabuntungan ang galit. Mas dumoble ang galit dahil nga sa nagawa kong kapalpakan.

May lumapit na lamang na misteryosong lalaki sa amin at tinulungan akong alisin ang kamay ni Ma'am sa pagkakahawak sa buhok ko. Matagumpay naman nakawala ako sa pagkakasabunot nito sa akin.

"Hindi ako papayag na ako magmukhang masama dito! Lumapit ka dito!" Galit na galit na sigaw ni Ma'am at nagpupumiglas ka sir. Gusto talaga ako nito gulpihin.

Hinawakan naman ni Sir Johnser ang mukha ko nang ipaharap ako sa kanya."Okay ka lang?"

"O-okay lang po ako, sir." Namaos na sagot ko.

"Tita, enough!" Suway ni Sir Johnser sabay baling dito.  Tila nagpipigil pa ito sa galit nang sabihin niya iyon.

Hindi naman nagpatinag ito at patuloy pa rin ito sa pagsisigaw. Nakawala naman ito sa kamay ni Sir Leandro at tangkang susugurin sana ako nito na mabilis naman hinarangan ito ni Sir Johnser at marahas na tinulak ito na dahilan napaupo ito sa sahig.

"How dare you---"

"Sige! Subukan mo!" Tila pumutok na ang bulkan na turan ni Sir Johnser. Galit na galit itong nakatingin kay Ma'am Lorisette. Ramdam ko sa boses nito ang nakakatakot na nilalang na nasa harapan namin."Subukan mong saktan ang babaeng gusto ko, ako makakalaban mo?!" Banta niya dito.

Nagulat naman ako sa sinabi ni Sir halos nanlalaking mata na nakatingin ako dito. Hindi naman nakapagsalita si Ma'am Lorisette at gulat lamang ito nakatingin dito habang nakaawang ang labi nito. Kunot-noo namang nagawa ni Sir Leandro habang nakatingin sa amin.

Nagulat naman ang mga taong nakasaksi sa tinuran ni Sir halos nagsiingayan pa ito at hindi makapaniwala sa narinig.

Mas lalong nagulat ko nang may taong dumating. Marahas na pinalo nito ang kamay ni Sir Johnser sa pagkakahawak sa akin na dahilan nabitawan ako nito. Hinila ako nito palapit sa kanya halos napayakap ako sa katawan nito.

"Huwag mong angkinin ang hindi mo pagmamay-ari." Madiin na saad ng pamilyar na boses sa akin.

Kilala ko siya. Kilala ko ang boses niya.

Nagulat naman na napatingin si Sir Johnser nang makita ang taong nasa harapan niya. Nagkaroon naman ng tensyon ang tinginan nilang dalawa. Dahan-dahan ko naman iniangat ang ulo ko habang nakasiksik ako sa katawan nito.

Nanlaki mata ako nang ma-kompirma na siya nga ang lalaking kilalang-kilala ko.

"Ros." Sambit ko sa pangalan nito. Gumaan naman ang pakiramdam ko nang nandito siya SA tabi ko, feeling ko safe na ako ngayon.

"A-anong..." Hindi magawang maipagpatuloy ni Sir Johnser ang gustong sabihin. Tila naipit ang dila nito ng malaking bato.

Nakakagulat na makitang nandito si Ros.

"Uulitin ko, huwag mong aangkinin ang hindi mo pagmamay-ari," Puno ng tensyon na pahayag ni Ros habang nakatingin pa rin dito."...dahil akin siya, akin si Elizabeth."

Nagulat naman ang lahat sa nasaksihang pangyayari at mas lalong lumakas ang ingay ng mga ito.

Tumibok naman ng malakas ang puso ko dahil sa mainit na tensyon na iyon. Kita ko sa mata ni Ros ang pagiging agresibo na parang ayaw niya ako ipahawak sa iba. Kinilig rin ako sa sinabi nito. Feeling ko nasa isang romantic drama ako na pinagdadamot ako ng leading man ko sa second lead.

Ang tinginan nila ni Sir Johnser parang may kuryente na naglalaban na tila ayaw magpatalo sa kanila. Sa sobrang init na tensyon nila, kulang nalang sumabog ang kuryenteng naglalabanan mula sa kanila mga mata. Hindi ko tuloy alam kung magsusuntukan ba sila o ano ang gustong gawin nilang dalawa.

Gulat naman nakatingin si Sir Leandro kay Ros at tila hindi magawang sabihin ang gustong lumabas sa bibig nito. Para itong nakakita ng multo habang nakatingin kay Ros.

To be continued...

OH MY GOD!
BALAK KO SANANG WAG MUNA TAPUSIN PERO NAKAPAG-DESISYON NA KO NA MARATING LAAGAD TAYO SA CLIMAX.
HAHAHA!
OH SYA! SANA SATISFIED KAYO SA REVELATION.
DON'T FORGET TO LIKE, COME AND FOLLOW ME.
THANK YOU!

Continue Reading

You'll Also Like

106K 673 6
"It was you. The one who watched me every night, who visits me in my bed and who kissed me in my sleeps... It was you. The beast that I saw and love...
33.4K 974 22
Si Cassandra Marie Villafuente ay anak ng isang tanyagang businessman at apo ng isang bilyunaryo kaya naman mula bata ay marami nang nagtatangka sa b...
368K 931 3
Mysterious Gems #2 GENERAL vs Brat DESIGNER DIM Jane Fontanillo(Dj) 💘 Clay Hell McLlado Grammatical error.. pag perfectionist ka di kita k...