Path of a Lost Flower

By Ms_CoffeeBean

75.6K 3.9K 1.4K

Si Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang k... More

Umpisa
Ikalawang Kabanata
Ika-tatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ika-labing Isang Kabanata
Ika-labing dalawang Kabanata
Ika-labing tatlong Kabanata
Ika-labing apat na Kabanata
Ika-labing limang Kabanata
Ika-labing anim na Kabanata
Ika-labing Pitong Kabanata
Ika-labing Walong Kabanata
Ika-labing Siyam na Kabanata
Ika-Dalawampung Kabanata
Ika-Dalawampu't Isang Kabanata
Ika-Dalawampu't dalawang Kabanata
Ika-Dalawampu't tatlong Kabanata
Ika-Dalawampu't apat na Kabanata
Ika-Dalawampu't limang Kabanata
Ika-Dalawampu't anim na Kabanata
Ika-Dalawampu't pitong Kabanata
Ika-Dalawampu't walong Kabanata
Ika-Dalawampu't siyam na Kabanata
Ika-tatlumpung Kabanata
Ika-Tatlumpu't Isang Kabanata
Ika-Tatlumpu't dalawang Kabanata
Ika-Tatlumpu't tatlong Kabanata
Ika-tatlumpu't apat na Kabanata
Ika-tatlumpu't limang Kabanata
Ika-tatlumpu't anim na Kabanata
Ika-tatlumpu't pitong Kabanata
Ika-tatlumpu't walong Kabanata
Ika-tatlumpu't siyam na Kabanata
Ika-apatnapung Kabanata
Ika-apatnapu't isang Kabanata
Ika-apatnapu't dalawang Kabanata
Ika-apatnapu't tatlong Kabanata
Ika-apatnapu't apat na Kabanata
Ika-apatnapu't limang Kabanata
Ika-apatnapu't anim na Kabanata
Ika-apatnapu't pitong Kabanata
Ika-apatnapu't walong Kabanata
Ika-apatnapu't siyam na Kabanata
Ika-limampung Kabanata
Ika-limampu't isang Kabanata
Ika-limampu't dalawang Kabanata
Ika-limampu't tatlong Kabanata
Ika-limampu't apat Kabanata
Ika-limampu't limang Kabanata
Ika-limampu't anim na Kabanata
Ika-limampu't pitong Kabanata
Ika-limampu't walong Kabanata
Ika-limampu't siyam na Kabanata
Ika-animnapung Kabanata
Ika-animnapu't isang Kabanata
Ika-animnapu't dalawang Kabanata
Ika-animnapu't tatlong Kabanata
Ika-animnapu't apat na Kabanata
Ika-animnapu't limang Kabanata
Ika-animnapu't anim na Kabanata
Ika-animnapu't pitong Kabanata
Ika-animnapu't pitong Kabanata
Ika-animnapu't walong Kabanata
Ika-animnapu't siyam na Kabanata
Ika-pitumpung Kabanata
Ika-pitumpu't isang Kabanata
Ika-pitumpu't dalawang Kabanata
Ika-pitumpu't tatlong Kabanata
Ika-pitumpu't apat na Kabanata
Ika-pitumpu't limang Kabanata
Ika-pitumpu't anim na Kabanata
Ika-pitumpu't pitong Kabanata
Ika-pitumpu't walong Kabanata
Ika-pitumpu't siyam na Kabanata
Ika-walumpung Kabanata
Ika-walumpu't isang Kabanata
Ika-walumpu't dalawang Kabanata
Ika-walumpu't tatlong Kabanata
Ika-walumpu't apat na Kabanata
Ika-walumpu't limang Kabanata
Ika-walumpu't anim na Kabanata
Ika-walumpu't pitong Kabanata
Ika-walumpu't walong Kabanata
Ika-walumpo't siyam na Kabanata
Ika-siyamnapung Kabanata
Ika-siyamnapu't isang Kabanata
Ika-siyamnapu't dalawang Kabanata
Ika-siyamnapu't tatlong Kabanata
Ika-siyamnapu't apat na Kabanata
Ika-siyamnapu't limang Kabanata
EPILOGUE
PLUG PLUG PLUG!!!

Unang Kabanata

1K 41 7
By Ms_CoffeeBean

"Ano ang tingin mo sa bago nating adviser Lily?" Tanong ni Jenny habang kumakain ng Sandwich.

Nasa Canteen kami ngayon, dahil maaga ng unti ang dating namin sa school ay sinamahan muna ako ni Jenny na magpunta rito para kumain ng almusal. Hindi na kasi ako nakapaggabihan at almusal dahil sa personal na dahilan.

"Okay naman siya, mukhang mabait. Sana nga mabait siya" sagot ko.

"Alam mo sabi saakin ni Lexi strikta daw masyado si Ma'am Irene, mabait raw pero isa sa kinatatakutang guro sa pinanggalingan niyang skwelahan"

"Talaga? Eh bakit naman daw lumipat si Ma'am dito"

"Siguro mas malapit ang school na ito sa bahay niya, hindi ko rin alam eh. Sana mabait sa atin si Ma'am nakakatakot naman pag masyadong strikto" wika nito

"Nako huwag kang magisip ng kung ano-ano diyan, mukha naman siyang mabait"

"Hala dalian na natin Lily! Dalawang minuto nalang at time na, ngayon pa naman ang unang araw ni Ma'am sa atin baka malintikan tayo" nagpapanic na wika niya, napatingin naman ako sa relo ko at tama nga siya malapit ng magtime.

"Ate Anna mauna na po kami ha? Mallate na po pala kami, sarap ng luto mo talaga ate. The best" pagpapaalam ko sa namamahala sa canteen.

Hinila ako ni Jenny at tumakbo kami papuntang room, habang tumatakbo kami ay narinig na namin ang bell ngunit medyo malayo pa ang room namin. Late na kami

Hingal na hingal kaming nakarating sa may pintuan ng room namin, nadatnan namin na nasa harapan na si Ma'am at mukhang nagumpisa na siyang maglecture.

"Good Morning po Ma'am sorry we're late" wika ko at akmang papasok na kami ni Jenny pero natigilan kami ng marinig ang boses ni Ma'am

"Maganda umaga naman sainyong dalawa, bakit ngayon lang kayo?" Simpleng tanong nito sa amin pero nakakataas ng balahibo sa sobrang kaba.

"P-pasensiya na po Ma'am, dumaan po muna kasi kami sa Canteen para mag----"

"Kaya kayo nalate kasi nagcanteen kayo, tama ba?" Naglakad ito palapit sa amin, unti unti naman kaming tumango at yumuko dahil sa kahihiyan. Tinitignan na kasi kami lahat ng kaklase namin.

"O-opo, sorry ma'am"

"Diba before ko kayong dinismiss kahapon ay ipinaalala ko na ang ayaw ko sa lahat ay iyong mga taong late?"

"Unang araw palang pero lumabag na kayo agad sa rules ko, what are your names again?" Tanong niya.

"I am J-jennylyn Po"

"Ako naman po si Lilianne Jade"

Hindi naman galit ang mukha ni Ma'am, hindi rin naman galit ang toni niya pero manginginig ka. Paano kaya yun?

Ma'am Perez balik ka na huhu.

"Jennylyn and Lilianne, this is your first offense papalagpasin ko ito ngayon pero sa susunod ayaw ko nq mauulit ito, kahit ilang minuto lang iyan. Ang late ay late, understand?" Tumango kami ng mahina

"I want an answer for you two, Understand?" Medyo napataas na wika niya

"Y-yes Ma'am Sorry"

"Go to your seat" agad kaming dumiretso sa upuan namin.

Pagkaupo ko sa upuan ko ay nakayuko parin ako, si Ma'am ay nagpatuloy sa kanyang pagtuturo.

Naramdaman kong nagtutubig ang mga mata ko, ngayon lang ulit ako nakaranas ng ganun. Wala ngang 5 minutes ang late namin ni Jenny pero grabe na agad si Ma'am.

-------

"Jennylyn at Lilianne maiwan kayo at mag-uusap tayo" wika ni Ma'am pagkatapos kaming idismiss.

"Ma'am pero may susunod pa po kaming klase" reklamo ko

"Lexi iexcuse mo muna kay Ma'am Ana ang dalawang ito"

"Ma'am hindi po ako pwedeng maiwan, hinihintay na po ako ng coach ko sa Volleyball" sabi ni Jenny kaya napatingin ako sakanya.

Wait alangan ako lang ang maiiwan kay Ma'am, sama akooo Jenny!

"Ma'am pwede po bang mamayang hapon nalang mag-usap?" Tanong ko umiling ito kaya napahinga ako ng malalim.

"Jenny magpunta ka na sa training niyo, Lexi paexcuse si Lilianne kay Ma'am Ana huh?"

"Yes Ma'am"

Nagsialisan na ang mga kaklase ko at si Jenny ay nagpaalam na rin sa akin na magttraining na daw, kung bakit ba kasi hindi lumusot yung suggestion ko na mamayang hapon nalang eh.

Ayaw kong maiwan magisa nakakatakot si Ma'am. Paano kung kainin niya ako rito? Paano kung bugahan niya ako ng apoy? Huhu Ma'am Ana.

Nakayuko lang ako na nakaupo sa may upuan ko nang marinig ko si Ma'am na pinapapunta ako sa may harapan ng mesa niya kaya sinunod ko.

"Lilianne Jade, --"

"Ma'am sorry po, hindi naman po namin sinasadyang malate ni Jenny. Hindi lang po talaga namin namalayan ang oras kanina. Kasi naman Ma'am pinilit ako ni Jenny na magcanteen muna dahil nalaman niya na di pa ako naggabihan at umagahan kaya pinagbigyan ko kasi gutom na rin ako" mabilis na paliwanag ko habang tumutulo na ang luha sa sobrang kaba.

Natahimik si Ma'am at napatingin lang sa akin habang umiiyak ako kaya yumuko ulit ako.

"Bakit ba kasi hindi ka naggabihan at umagahan Ms. Acosta? Alam mo naman siguro na kailangan mo ng lakas kaya dapat hindi ka nagpapalipas ng kain. Sisisihin mo pa ang kaibigan mo eh nagmamalasakit lang siya sayo"

"Sorry Ma'am, kasalanan ko po pasensya na" sa sobrang hiya ay kaba ko ay yumuko ako at paunti unti na akong humikbi.

"Ngayon tell me kung bakit hindi ka kumain?"

"Kailangan pa po ba yun?"

"Tinatanong ko diba? Kaya sagutin mo"

"K-kasi po after dismissal pumunta po ako sa computer shop ni Kuya Macoy para gawin yung trabaho ko dun na magprint ng mga ipinapagawa ng mga estudyante at mga guro, marami rami po iyon kaya naman nakaligtaan ko na ang kumain sa sobrang gabi na at pagod ko pagkauwi ko tulog ako agad. Nung umaga naman po ay maaga akong nagising para ipagpalengke si Nanay Auring, sayang rin kasi ang ibibigay niya sa akin kaya after nun pumasok na ako dito at nakalimutan ng kumain"

"Hindi na ako magtatanong ng iba pang detalye kung bakit ka nagtatrabaho sa edad mo na iyan, pasensya ka na kanina kung napagalitan ko kayo. Ayaw ko lang talaga ng mga taong nallate dahil parang hindi niyo pinapahalagahan ang oras ng mga nakakasama niyo"

"Sorry Ma'am hindi na po mauulit"

Nakita kong ngumiti ito sa akin, ramdam ko ang pure na damdamin na pagngiti niya sa akin.

"Pasensiya na rin, ito kainin mo ito at alam kong hindi sapat ang kinain mo kanina bago pumasok sa klase ko" wika niya sabay abot sa akin nung isang plastic tub na naglalaman ng Graham Cake.

Wow yayamin si Ma'am, sa buong buhay ka dalawang beses palang ata akong nakatikim ng ganito, iyong galing lang kay Ma'am Perez at nung handa ni Ma'am Dela Fuente nung birthday niya.

"Nako Ma'am baon niyo pa ata yan eh, huwag na po okay na po"

"Dali na, sige ka magtatampo ako pag di mo ito tinikman. Hati nalang tayo pwede ba iyon?" Tumango nalang ako dahil mukha ring masarap.

"Here's your spoon" sabay abot niya sa akin ng kutsara.

Sabay kaming kumuha ng graham sa tub at tinikman ito. Napapikit ako sa sobrang sarap ng graham. The best talaga ang pagkain ng mga mayayaman.

"You like it?" Tumango ako.

"Masarap po Ma'am sobra" nakangiting wika ko.

"Bigay lang yan sa akin ng ate ko, matutuwa yun pag nalaman niyang nasarapan ka sa gawa niya"

"Ang sweet po pala ng ate niyo"

"Ikaw ba wala kang ate?" Napangiti naman ako sa tanong niya.

"Wala po Ma'am" wika ko at pilit na pinasigla ang tono.

Wala nga rin po akong magulang eh pero may pamilya ako, pamilya ko lahat ng nakatira sa Barangay Sta. Ana. Ang laki ng pamilya ko abot hanggang kabilang baryo. Hindi ko man sila kadugo pero pamilya ang turing ko sakanila dahil ramdam ko na may malasakit silang lahat sa akin

Habang naguusap kami ni Ma'am ay pumasok sa room namin si Ma'am Bautista, isa ring teacher na close ko dahil kaibigan ito ni Ma'am Perez.

"Maganda Umaga Ma'am Araneta napadaan lang ako dahil ipinapamigay ito ni Ma'am Perez nakalimutan niya pong ibigay eh" wika nito sabay abot ng envelope kay Ma'am.

"Oh andito ka pala Lily, wala ka bang klase? Mukhang nagkakamabutihan na Kayo Ni Ma'am Irene huh? Ikaw talaga bilib talaga ako sa charm mong bata ka, ikaw na siguro ang maituturing ng anak ng mga guro dito sa school" dagdag niya pa sabay tawa.

"Hindi naman po Ma'am, nice to see you again. Wala ba akong pasalubong galing sa Palawan?" Biro ko dahil nagleave ito para pumunta ng Palawan.

"Pwede bang wala? Syempre meron, daanan mo mamaya sa room ko ha? Namiss kitang kachikahan, pati si Ma'am Roda hinahanap ka sa akin mukhang di mo na nabibisita"

"Opo bibisita po ako sainyo lahat mamaya, salamat Ma'am" wika ko, nagpaalam na rin ito sa amin dahil may klase pa daw siya.

"Sobrang close mo sa mga teachers hindi ka ba napapahamak minsan dahil dun?"

"Hindi naman po Ma'am, alam naman po namin ilugar ang pagkaclose namin. Kung klase ay klase kung chika ay chika" natawa siya, napatingin ako sakanya. Ang ganda pala ni Ms. Irene, ang cute ng ngiti niya

"Paano ba yan mas nauna kitang mapagalitan, pwede pa rin ba tayong maging close kahit ganun?" Wika niya kaya napatango ako agad at napangiti.

"Pwedeng pwede po, Mabait naman po pala kayo eh"

"Bakit sino bang nagsabi na masungit ako?" Sabay taas niya ng kilay kaya natawa ako

"Wala po hehe, tara kain na po ulit tayo"

Continue Reading

You'll Also Like

80K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
214K 8.8K 90
Does he really feel complete?
49.1K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
343K 8.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...