Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

By donnionsxx04

88.1K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Chapter 99:

273 11 2
By donnionsxx04

PUBG/RYAN POV:)

Nagising na lamang ako nang umalingawngaw ang doorbell sa buong sala. Pupungas-pungas na bumangon ako sa pagkakahiga sa sofa habang balot na balot ang sarili ko ng kumot. Tumingin pa ako sa bintana at nakita kong pataas na rin ang araw. Sumunod na tingnan ko ang orasan na nasa ding-ding, alas sais palang ngayon ng umaga.

Bumangon na ako sa pagkakaupo sa sofa at humihikab na tumungo ako sa pintuan nang patuloy pa ring nagdo-doorbell ang misteryosong panauhin namin ngayon.

Pagkarating, tiningnan ko muna ang maliit na TV doon para makita kung sino ang bisita. Nanlaki mata na lamang ako nang makita ang bisita.

Tarantang tumakbo kaagad ako sa kinaroroonan ng kwartong pinagtulugan ng dalawang magkasintahan. Dahil sa taranta hindi na ako nakapagkatok pa at binuksan ko kaagad ang pinto.

"Ate Beth! Kuya Ros!" Tawag ko.

Nagising naman ang dalawa halos humikap pa ang mga ito.

"Bakit?" Tanong ni Ros sa akin pagka-hikab at humiwalay sa pagkakayakap kay Beth.

"S-si ano n-nandyan!" Di ko mapatuloy na sabi ko.

Bumangon sa pagkakahiga si Beth habang kinukusot ang mata at tumingin sa akin."Sino?"

"Si Sir Johnser, nandyan!" Sa wakas nasabi ko rin.

"Ah?!" Bulalas niya. Nagmamadaling bumangon naman ito sa pagkakahiga."R-ros, labas na! Kayo na mag-entertain kay Sir tapos magluluto na ako ng almusalan natin." Utos nito kay Ros."A-anong oras na?" Tanong niya sa akin pagkalabas ng kwarto halos gumilid pa ako para makadaan ito.

"Alas sais na."

"Patay! Magluluto na ko, alas 8 pasok ko ngayon." Tumakbo na nga si Beth papuntang kusina. Nalimutan ata niya mag-alarm. Sabagay, alas 12 na kaming lahat natuloy, late na din kasi umuwi sila Bossbrad.

Pagkalabas din ni Ros sa kwarto, nakita kong may hawak na itong tuwalya."Maliligo na ko, ikaw na muna bahala kay Bok."

"P-pero---"

Tumungo na nga ito sa CR at ako naman ay naiwan na napakamot sa ulo.

"Bahala na nga!" Sabi ko nalang.

Tumungo na ako sa pintuan para pagbuksan ito ng pinto.

ROSE PADILLA POV:)

Abala ako sa pagluluto ng umagahan namin ni Jonas nang bigla na lamang magwala ito. Nakita kong kinalat nito ang mga nakahandang mga plato sa mesa.

"Nakakainis!" Sigaw nito at sinabunot nito ang buhok.

"J-jonas, may problema b-a..."

"Ano sa tingin mo ah?!" Singhal nito na dahilan di ko tinuloy ang sinasabi ko."Natalo na naman ako kagabi sa sugalan. Nakakainis yung Frederick na 'yon! May araw din sakin 'yon. Tsk!" Inis na wika nito."Ano ba umagahan natin?!" tanong nito.

Lumapit ito sa kinaroroonan ko kaya mabilis na bumaling ako sa pini-prito ko.

"H-hotdog." nautal na sagot ko. Hindi pa ako nakaka-pamalengke ngayon at hindi ko pa sweldo. Naubos na lahat ni Jonas ang pera galing sa pakikisiping ko sa iba't-ibang lalaki kaya hotdog lamang ang nabili kong umagahan namin ngayon.

"Hotdog na naman?!" Galit na saad nito.

Takot na napatingin naman ako dito nang tumaas na naman ang boses nito.

"P-pasensya na. Bente nalang kasi natitirang budget natin kaya 'yan lang nakayanan na bilhin ko ng ulam natin. Ginamit mo na kasi yung pera na na-raket ko sa pagsusugal mo pero hindi bale, hindi na ako magko-compute papuntang work, maglalakad nalang ako mamaya." Paliwanag ko.

"Sinisisi mo ko?" Dumilim na lamang ang mukha niya.

"H-hindi. Nagkakamali ka ng iniisip, Jonas. Ang ibig kong sabihin---ah!"

Di inaasahan, ibinato ni Jonas ang kawali na pinagpi-prituhan ko ng hotdog. Bumagsak iyon sa sahig halos umalingawngaw sa loob ang pagbagsak ng kawali. Halos nalagyan pa ako ng mainit na mantika sa aking kamay na dahilan napaso ako.

"Aray!" Sambit ko sabay hawak sa kamay ko na napaso.

Mas lalong hindi ko inaasahan na mabilis na hinawakan ng mahigpit ni Jonas ang magkabilang pisngi ko.

"Kahit kailan talaga wala kang silbing babae ka!" Galit na galit na singhal nito.

"J-jonas, nasasaktan ako." Pinipilit ko alisin ang kamay niya sa pisngi ko pero hindi ko magawa. Ang lakas talaga niya, para nang mababali na ang panga ko sa ginagawa niya.

Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Ramdam ko hanggang buto ang takot mula sa akin. Kakaiba talaga siya magalit at mawawalan ka talaga ng lakas pag kaharap mo ang Jonas na demonyo.

Binitawan na nga ako nito. Bago paman lumabas dito, nagwala pa ito ng gamit. Nagsisigaw pa ito sa sobrang galit. Pagkalabas nito, malakas na sinara nito ang pinto.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang nakaalis na ito.

Umiiyak na napahawak ako sa gilid ng lababo. Tiningnan ko ang paligid ng apartment namin. Kita ko ang mga iniwan ni Jonas na kalat niya. Hindi ko alam kung lilinisin ko muna ito o papasok na ako ng trabaho. Tsaka ko na ito lilinisin pag nakauwi na ata ako galing trabaho.

Dahan-dahan akong lumuhod para kunin sa sahig ang hotdog na tinapon ni Jonas. Pinunasan ko pa ito pagkatapos nilagay sa plato, puwede ko pa naman ito kainin. Hindi pwede na pumasok ako sa trabaho na walang laman ang tiyan ko, baka mahimatay ako sa gutom.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Bakit ako unang ihahatid mo? Ihatid mo muna si Beth." Hindi pabor na pahayag ni Ros.

Nakasakay kami sa kotse ni Sir Johnser, ito ang nagmamaneho habang sa backseat kami ni Ros nakaupo. Pinag-aawayan nga nila kung sino unang ihahatid sa amin ni Ros sa trabaho.

"Ikaw muna." reject pa rin nito.

"Mali-late na siya sa trabaho niya. Di ba, 8:30 schedule niya?" Ayaw magpatalo na saad pa rin ni Ros.

Hindi naman nakaimik si Sir. Nahahalata ko na tuloy parang umiinit na ang tensyon nilang dalawa. Kunot-noo na nakatingin si Ros kay sir mula sa front mirror.

"Ako, kahit ano oras ang pasok ko. Kahit hapon na ako pumasok, pasok pa rin 'yon kaya si Beth na ang unahin mong ihatid sa Uphone." Pilit pa rin ni Ros.

"Ang lakas mo pala kay Mr. Kailes." sabi ni sir at tumawa ng bahagya. Tumingin ito sa front mirror at nagsalubong ang tingin nila ni Ros doon."Paano mo nakilala si Mr. Kailes?" Pag-iiba nito ng topic.

"Binabago mo ang usapan, basta ihatid mo muna si Beth bago ako. Tapos ang usapan, hindi na ako mangungulit." Hindi nagpatinag na wika ni Ros.

"Okay." Payag na rin sa wakas ni sir.

Binilisan na nga nito ang pagmamaneho para makarating kaagad sa Uphone.

Wala pang limang segundo, nakarating na rin kami sa destinasyon.

"Thank you po, sir." Pasalamat ko.

Ngumiti lamang ito sa akin mula sa front mirror. Ngumiti rin ako ng matamis dito pabalik. Bago paman ako bumaba, hinawakan ni Ros ang kamay ko na dahilan naoatingin ako dito.

"Susunduin ulit kita mamaya pag-out mo." seryosong wika nito.

Tumango ako sabay ngiti sa kanya ng matamis. Balak na sana ako halikan ni Ros sa pisngi na mabilis na kinurot ko ang kamay niya. Sinenyasan ko siya mula sa mata na huwag itutuloy ang binabalak at pinapaalala na kasama nila ang sir niya. Baka mabubuking sila wala sa oras at malaman na nito na nagpapanggap lamang silang magkapatid.

Hinug na lamang ako ni Ros.

"Mag-iingat ka."

"Oo. Ikaw din." Malambing na sabi ko rin sa kanya.

Lumabas na nga ako ng kotse at tumungo na sa entrance ng Uphone Building para pumasok na ng trabaho.

Nakita ko na lamang si Rose di kalayuan at tinawag ito.

"Rose!"

Tumigil ito sa paglalakad at lumingon ito. Nang nakita ako nito, ngumiti ito kaagad ng matamis at kinawayan ako.

"Beth!"

Tumakbo ako palapit dito."Tara! Sabay na tayo pumasok." sabi ko.

"Sige." payag nito. Hinawakan ko ang kaliwanag kamay niya para magka-holding hands kami habang maglalakad na agad itong,"aray!" Sambit na lamang nito at nilayo ang kamay nitong hinawakan ko.

"Bakit?" Alalang tanong ko.

"W-wala---"

Mabilis na kinuha ko ang kamay niya at napasinghap na lamang ako nang makitang may malaking sugat siya mula doon. Para itong napaso ng kumukulong tubig o mainit na mantika.

"Ano nangyari dito?" Tanong ko sabay turo sa pasok sa kamay niya.

"Wala 'to, napaso lang. Tara na, mali-late na tayo." Umiiwas na sabi nito at hinila na ako papasok ng Uphone Building.

ANDREW SY POV:)

"Ano schedule ko ngayong araw?" Tanong ko sa assistant ko habang nasa byahe kami papuntang Uphone. Sa backseat kami nakaupo at ang driver ko ang nagmamaneho ng kotse.

"May meet up po kayo mamaya ni Mr. Jackson ng alas 3 ng hapon at audition po ngayon ng new ambassador at ambassadress ng Uphone." Report nito habang hawak nito ang talaan.

Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana at malayo ang tingin.

"Ano balita sa mga alaga natin? Natagpuan na ba nila ang kapatid ni Tomas?" Pag-iiba ko ng topic.

"Hindi pa po,"

"Sabihan mo sila, dapat bukas na bukas mahanap na nila ang ugok na 'yon." Utos ko sabay baling dito.

"Opo."

Tinawagan na nga nito ang mga tauhan ko at ako naman at bumaling ulit sa labas. Nalalapit nang mapasakamay ng anak ko ang Uphone. Two weeks nalang, pagluwas ng bagong unit ng cellphone, iyon rin ang araw na nasa kamay ko na ang Uphone.

Malalampaso ko na rin sa wakas ang magaling kong kapatid. Makakapaghigati na rin ako sa mga inagaw niya sa akin noon. Ipaparanas ko rin sa kanya ang pakiramdam na feeling mo mag-isa ka na lamang sa kinatatayuan mo.

JOHNSER SY POV:)

Pagkaalis ni Beth, i-start ko na sana ulit ang engine nang pinigilan ako ni Clive.

"Sandali!"

Takang napatingin naman ako sa kanya mula sa side mirror.

"Naiwan ni Beth ang wallet niya. Ibibigay ko ito sa kanya." Sabi nito hawak ang wallet nga ni Beth.

Lalabas na sana ito nang pinigilan ko kaagad. "Huwag!"

Takang napatingin naman ito sa akin.

Humarap ako sa kanya at kinuha ang wallet."Ako na magbibigay."

Akala ko makukuha ko na pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa wallet ni Beth. Naghilaan tuloy kami niyon. Napataas-kilay na napatingin naman ako sa kanya.

Kunot-noo na tumingin siya sa akin."Sino nagsabi na ikaw ang magbigay nito sa kanya?" Puno ng tensyon na wika nito.

Natigilan naman ako nang makita ang nakakapasong tingin nito. Ngayon ko lang nakita ang isang Clive na magalit. Ang galit niya ay parang ayaw niya may umagaw sa bagay na gusto niya.

Tumawa na lamang ito na dahilan na napataas ako ng kilay. Pero di nagtagal, huminto din ito sa pagtawa at seryosong tumingin ulit siya sa akin. Hawak pa rin namin pareho ang wallet ni Beth na tila wala sa amin ang gustong magpatalo.

"Sandali nga. May gusto lang akong linawin..." pahayag na lamang nito. Natahimik naman ako at hinihintay ko ang sasabihin nito."Noon ko pang napapansin ito. Sa tuwing....sa tuwing nakikita mo kong nasa Uphone ako, bakit natataranta ka at gusto mo makaalis ako kaagad?"

Nanlaki mata naman ako sa sinabi nito. Nakahalata na kaya siya?

"May alam ka ba sa pagkatao ko noon? Kilala mo na ba ako noon?"

Nagsimula naman ako kabahan sa tanong niyang iyon na dahilan natigilan ako sa kinagagalawan ko. Hindi ko magawang makapagsalita at nanatili lamang nakatingin ako sa kanya habang parin namin ang wallet ni Beth.

May naalala na kaya siya?

Hinila nito mula sa akin ang wallet na dahilan nabitawan ko iyon.

"Ihahatid ko 'to kay Beth. SA AYAW O SA GUSTO MO..." madiin na sabi nito sa huling sentence na sinbi nito.

Lumabas na ito ng kotse para habulin si Beth. Nang bumalik ang normal kong pag-iisip, lumabas kaagad ako ng kotse para habulin siya.

"Sandali!"

Pumasok na ito sa loob ng Uphone. Nahawakan ko kaagad ang braso nito para pigilan ang binabalak nito. Kinakabahan ako na makita siya ni Papa o ni Tito Andrew dito lalo na sa oras nito ay gumagala ito sa ground floor.

Winaksi naman kaagad nito ang kamay na dahilan nabitawan ko siya.

"Ano ba?! Di ba sinabi ko na, na ako maghahatid nito sa kanya? Bakit napaka-desperado mong ikaw maghahatid nito sa kanya?!" Singhal nito.

Nakita ko na lamang di kalayuan si Papa kasama ang assistant nito. Pag patuloy ito tumungo sa exit, makikita ako nito pati na si Clive. Malalaman na nito na buhay ito at magiging delikado ulit ang buhay ni Clive mula kay Tito Andrew. Sasamantalahin nitong walang naalala si Clive para ipagpatuloy ang plano nitong nabigo sa una na patayin ito.

Hinawakan ko ulit ang braso nito at hinila para umalis kaagad sa lugar na ito.

"Umalis tayo dito. Sa kotse tayo mag-usap," sabi ko habang hinihila ito papunta sa exit.

"Sandali lang!" Pagpipigil nito pero patuloy ko lamang hinihila ito.

Natigilan na lamang ako sa paghakbang nang makita ang pamilyar na tao sa akin. Pinagbuksan ito ng pinto ng kanyang sekretarya at lumabas na ito ng kotse. Nanlaki mata ako nang mapagtanto ko na papasok din ito ng Uphone Building at makakasalubungan namin si Tito Andrew. Wala na kami kawala ngayon at makikita na niyang buhay ang kapatid ko.

"Sandali nga!" Mabilis na hinawakan ni Ros ang braso ko at pinaharap sa kanya.

"Umamin ka nga! May gusto ka ba sa kanya? May gusto ka ba kay Elizabeth?!" Seryosong tanong nito sa akin.

Makikita na nila Papa at Tito Andrew si Clive. Ito ata nakatadhana na magkita-kita kaming lahat para mabunyag ang sekretong tinatago ko sa kanila na buhay pa si Clive.

To be continued...

Hello guys? Magpapalaro sana ako. Mamimili ako ng tatlo na mananalo ng load worth 50 pesos. Saka na malalaki na prize pag may sponsor na. HAHAHA!
FIRST MECHANICS: Like my official fb page @Lovely Adeline xx (screenshot nyo)
2nd: Invite 20 people to like my page (with sçreenshot)
3rd: Like atleast 3 post sa page ko. And send nyo sa mismong page ang pinapagawa ko (screenshot).

Iyon lang. End of October ko iaannouce ang mapipili kong tatlo. Stay tune lang dito pati sa fb page ko.
Sana may sumali. Hehehe!
Thank you🥰💕

Continue Reading

You'll Also Like

467K 10.5K 54
• Ang isang kasunduan nauwi sa katotohanan. • kung si Tom at Jerry nga nagkakasundo Minsan si Jenny at drake pa kaya ? # 271 ranking as of 6-30-18
34.9K 1.7K 40
Yes,I have all the material things and money that i want. But i cant decided on my own. Like my own happiness. My friends. My Studies. My Image. My f...
113K 2.7K 36
She's simple, a typical nerd. Pero sa unang pagkikita pa lang namin na inlove na kakagad ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa kanya ako nagkagus...
137K 4.4K 116
[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi...