3:33

By mayhemofcolors

499 33 17

It's not really cool when you suddenly woke up at 3 am. ** second shade of gray ; one shot #2. all rights res... More

3:33

499 33 17
By mayhemofcolors

Sabi ko noon sa sarili ko, hindi na ako magpapaabot ng madaling araw.



Pero wala eh. Ayaw akong patulugin ng mga kaibigan ko.



abCamilya:Gaga di ko kilala si Leo. Hindi mo pa siya pinakikilala sa akin no!



joyaaa:Walangya ka. Sabi mo nakita mo siya nung isang araw?!



abCamilya:Sinabi ko lang yun. Hehehe.



2 am na. Ang ingay pa rin nila sa GC.



Pero hindi naman ako nakikisali, nakikibasa lang ako.



abCamilya:Hoy, Marga! Kanina ka pa ha. Alam kong gising ka pa. Wag mo kaming i-readzoned dito!



joyaaa:Uso mag-reply. Di ka naman yummy!



abCamilya: WTF?! HAHAHAHHA ANONG DI YUMMY OMG.



Walangya. Medyo inaantok na ako eh.



joyaaa:Bahala ka dyan, babangungutin ka mamaya.



abCamilya:AHHAHAHHAHHA DI YUMMY HAAAGAHGA TAWANG TAWA AKO amp.



joyaaa:Stfu, b*tch. Ang babaw na naman ng kaligayahan mo.



abCamilya:AHAHAHAHAHAHAHAAHA k.



Hindi ko na talaga kaya. Kahit napapatawa ako sa mga kagagahan nila, bumabagsak na talaga ang mga mata ko.



**



Ilang minuto na siguro ang nakalipas pero bakit parang feeling ko hindi pa rin ako nakakatulog. Kanina pa ako nakapikit ah. Hindi rin naman ako nagkakape.



margandugh: Pony naman. Di ako makatulog.



Nag-send ako ng message sa GC, pero na-readzoned lang ako.



margandugh: Walangya ha! Ako naman ang nire-readzoned nyo!



Naghintay ako ng ilan pang mga segundo pero di pa rin sila sumasagot.



margandugh: Ang mag-readzone dito Justin Bieber die hard fan omg.



Alam kong hate na hate nila si JB kaya siguro magiging effective na yun. Lol.



Pero wala pa rin.



3:20 am, binuksan ko ang lampshade na nasa tabi lang ng kama ko.



Ako lang ang tao dito sa bahay. May outing kasi ang parents ko with their officemates, kaya naiwan lang ako.



margandugh: UY ALAM NYO BA



margandugh: ANG GANDA KO OMG



Leche talaga tong mga to. Hindi sumasagot!



"Eh di wag! Mga punyet-"



"Pst."



Napatigil ako nang may narinig akong sumitsit.



margandugh: Langya ha. Sino yon?!



Tumayo ako sa kama at binuksan yung ilaw ng kwarto.



Uupo na sana ako ulit sa kama ko nang biglang namatay ang ilaw.



Langya.



Tumayo ako at binuksan ulit ang ilaw. Pero sa tuwing uupo na ako, nag-o-off ito ulit.



margandugh: This. Is. So. Not. Funny. Guys.



"Pst."



Napatigil na naman ako sa sitsit na narinig ko.



Agad akong nagtulakbong ng kumot sa sobrang takot.



margandugh: GUYS PLS



margandugh: MUKHANG PINAGTITRIPAN AKO DITO!



Hindi sila sumasagot pero nababasa naman nila. Pota.



margandugh: I'M DEAD SERIOUS!!!!!



"Pst."



May narinig na naman akong sumitsit, at pakiramdam ko lumapit yun sa gawi ko.



Inalis ko ang kumot na nakataklob sa akin at bahagyang sumilip.



May bumabato ng mga maliliit na bato sa bintana ko.



Sumilip ako sa bintana, nagbabakasaling sina Camille at Joya ang makikita ko para sabihing pinagtitripan lang nila ako, pero walang tao sa baba.



F*ck.



margandugh: Guys?!!



Biglang nag-ring ang alarm clock ko, kahit natatandaan kong hindi naman ako nag-set ng alarm.



3:33 am.



Malakas na kumalabog ang pintuan ng kwarto ko.



Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.



Dahan-dahang bumukas ang pintuan na nakapagpakaba sa dibdib ko.



Pinipilit kong ipikit ang mga mata ko, pero hindi ko magawa.



Parang nababato ako.



May pumasok na kung anong taong anino sa kwarto, pero kitang-kita yung nanlilisik niyang mga mata.



"Pst." Halos lumuwa na ang puso sa dibdib ko nang kusang sumitsit ang bibig ko.



"Pst." Kusang sumitsit ulit ang bibig ko na nakapagpalingon sa aninong nasa pintuan ko.



Gumagapang siyang lumapit sa gawi ko.



Mangiyak-ngiyak na ako ng mga sandaling iyon. Halos maluha-luha na ang mga mata ko, hindi ko sila maipikit.



"Wag kang kukurap." Nagtaasan ang mga balahibo sa buo kong katawan nang magsalita ang aninong nakadapa sa harap ko. Masyadong malalim at nakakapangilabot.



Naramdaman kong maaari ko nang maigalaw ang mga mata ko.



Kahit anong oras, kaya ko na tong ikurap. Pero natatakot ako.



Kinalmot niya ang binti ko na agad na nagpasigaw sa akin, at kasabay nito ang pagpikit ng mga mata ko.



Sa isang iglap, pagbukas ko ng mga mata ko, nakahiga na ulit ako sa kama ko.



Pawis na pawis at halos habulin ko na ang hininga ko.



Hawak-hawak ko ang cellphone ko.



Ini-scroll ko yung screen nito at nakita kong nag-uusap pa din sina Camille at si Joya.



Pero wala yung mga message ko.



*ring ring*



Napalingon ako sa alarm clock ko.



3:33 am.



Tumingin ako sa direksyon kung nasaan ang pinto.



At halos marinig ko na ang pagkabog ng dibdib ko nang dahan-dahang bumubukas ang pintuan ng kwarto ko.



***


Thank you kung umabot ka dito!


Vote and comment, guys? :)


*


second shade of gray ; one shot #2.

all rights reserved.

© m a y h e m o f c o l o r s


Continue Reading

You'll Also Like

Psycho next door By bambi

Mystery / Thriller

4.3M 204K 51
Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose...
17.5M 656K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...